PEx Highlights

FEATURE: UAAP Courtside Reporters

Take a break from on-court action and get to know more about your favorite UAAP CSRs!

read more

FEATURE: 2014 PBA Draft Grades

Did your team get the right pick? JPM dissects and grades each team's performance in the 2014 PBA Draft.

read more

Show Me Your BIG Teeths!

Your favorite showbiz girls are back for a new season! Their entree for this episode: Daniel Matsunaga and PBB.

read more

MOVIE REVIEW: Talk Back and You're Dead

It may not the type of movie that can explain the deeper meaning of life, but it's the movie that can melt your heart.

read more

PHOTOS: FEU Tamaraws Claim Top Seed

Mike Tolomia's late-game heroics helped FEU get sole possession of the number 1 seed, after a 74-70 victory over La Salle.

read more

PROMO: If I Stay

Join the If I Stay promo and win advance screening tickets!

read more

Page 4 of 78 FirstFirst ... 3 4 5 14 54 ... LastLast
Results 61 to 80 of 1542
  1. #61
    Agot ni-reject ang bagong serye nina Alden at Louise

    Hindi na pala kasama sa cast ng Mundo Mo Ay Akin, ang bagong primetime soap nina Alden Richards at Louise delos Reyes si Agot Isidro. Nanghihinayang man sa tsansang muling makatrabaho ang magka-love team at si direk Andoy Ranay, pass muna ang aktres dahil tingin nito, pareho ng role niya sa One True Love at role sa Mundo Mo Ay Akin.

    Wala pang one year ang pagitan ng dalawang soaps, naniniwala si Agot na fresh pa sa viewers ang role niya bilang si Leila at baka makumpara ng viewers. Iniiwasan din nitong na ma-type cast sa parehong role, kaya maayos na nagpaalam sa GMA 7 na hindi muna niya tatanggapin ang soap.

    Dapat kasama sa Afternoon Prime na Unforgettable si Agot pero hiningi rin siya ng primetime. Kaso napalitan na siya sa Unforgettable, bago pa nalaman ang magiging role sa Mundo Mo’y Akin.

    Maggi-guest muna si Agot sa ibang shows ng Channel 7 habang wala pa siyang regular show.
    - See more at: http://www.philstar.com/psn-showbiz/....yqmFlU2C.dpuf

  2. #62
    former GMA primetime princesses are in the cast: Sunshine Dizon, Angelika dela Cruz and Jolina Magdangal

  3. #63

    GMA 7's Soap Opera Royalties Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon and Jolina Magdangal get together in one primetime drama series, Mundo Mo'y Akin

  4. #64

    Jolina Magdangal in Narito Ang Puso Ko

    Jolina Magdangal first appeared in the primetime drama series "Esperanza", however she first captured our hearts when she headlined the ABS-CBN primetime dramedy series "Labs Ko Si Babe" with Marvin Agustin. After transferring to GMA 7, she appeared in the afternoon drama series "Kahit Kailan" and became the lead star of the primetime drama series "Narito Ang Puso Ko". She also played one of the lead stars in the highly budgeted primetime drama series "I Luv New York" and "Adik Sayo". She also played key roles in the primetime fantasy series "Panday Kids", "Iglot", "My Daddy Dearest" and "Grazilda".
    Last edited by joshD; Feb 28, 2013 at 07:51 AM.

  5. #65

    Angelika dela Cruz in Sana'y Wala Nang Wakas

    Angelika dela Cruz initially appeared in the longest running drama series "Mara Clara". After that, she became part of the top rating drama series "Esperanza" with Judy Ann Santos. After transferring to GMA 7, she played the lead role in two GMA miniseries such as "Liwanag SaHatinggabi" and "Umulan Man O Umaraw". Her biggest break came when she landed the lead role in the primetime drama series "Ikaw Lang Ang Mamahalin" which proved to be a success in the ratings game. She headlined another drama series entitled "Habang Kapiling Ka" with Victor Neri. After that, she moved back to ABS-CBN and appeared in the primetime drama series "Sana'y Wala Nang Wakas" and IkawAng Lahat Sa Akin". She successfully played anti-heroine roles in the drama series "Bituing Walang Ningning" and "Prinsesa Ng Banyera". When she moved back to GMA, she appeared in different soap series such as "Babangon Ako't Dudurugin Kita", "Una Kang Naging Akin", "La Lola", "Dwarfina", "Futbolilits", "Aso Ni San Roque" and "Kasalanan Bang Ibigin Ka", all of which were antagonist characters. She was also given the chance to move back to protagonist characters via "Kaya Kong Abutin Ang Langit", "Pilyang Kerubin" and "Biritera".
    Last edited by joshD; Feb 28, 2013 at 02:54 PM.

  6. #66

    Sunshine Dizon in Kung Mawawala Ka

    Sunshine Dizon first appeared in the sunday soap series "Anna Karenina". She also played a starring role in the miniseries "Umulan Man o Umaraw", "Tuwing Kapiling Ka" and primetime drama series "Ikaw Lang Ang Mamahalin" with Angelika dela Cruz. After that, she led a powerhouse cast in the political drama "Kung Mawawala Ka".She also appeared in the sunday afternoon drama series "Kahit Kailan". Her breakout role came when she landed the role of Pirena in the hit fantasy series "Encantadia". She also played the title role in "Bakekang" and appeared in other primetime series such as "Impostora", "La Vendetta", "All About Eve", "Captain Barbell" and "Kamandag". She also appeared in the afternoon soap series "Tinik Sa Dibdib".

  7. #67
    Abangan ang loveteam na minahal niyo sa kanilang pagbabalik!





    credit to Mundo Mo'y Akin GMA7 Fanpage http://www.facebook.com/GMAMundoMoyAkin

  8. #68


    LOUISE DELOS REYES AND ALDEN RICHARDS

    Mundo Mo'y Akin

    Sana magkaroon na ng mga pictorial photos sina Louise Delos Reyes at Alden Richards for Mundo Mo'y Akin

  9. #69
    Hindi mo naman masisi si Alden Richards kung mas excited siya sa bago niyang makakasama sa isang serye na si Lauren Young kesa sa kanyang ka-love team na si Louise delos Reyes. After all, sa screen lamang sila may romansa, behind the came*ras may boyfriend ito na isa ring Kapuso samantalang si Alden ay ni hindi pa makaporma kay Julie Anne San Jose dahil may ka-love team ito at hindi papayag ang fans nila ni Elmo Magalona na sirain niya ito.

    Kaya when he was informed na bubuo sila nina Lauren at Louise ng isang love triangle, siyempre na-excite siya.

    Unang-una na, bagong kumbinasyon silang tatlo. Kahit na parehong taken na ng mga kapwa niya Kapuso ang dalawang makakasama niyang artista, malawak na ang isip ng mga manonood na matanggap na ideal team up ang mga ito kahit hindi totoong magkakarelasyon.

    Ikalawa, feeling niya malalampasan ng Mundo Mo’y Akin ang naging tagumpay ng One True Love na kung saan ay tinanggap silang napakaganda at ideal na love team ni Louise.

    At ikatlo, tinambakan sila ng GMA ng mga magagaling na suporta at sikat na makakasama tulad nina Angelika dela Cruz, Jaclyn Jose, Jolina Magdangal, Gabby Eigenmann at marami pang iba.

  10. #70
    WOW! May Pex page na pala ang show Sana malagpasan nito ang success ng OTL ^.^ lalo pa't mataas talaga ang expectation ng mga viewers. Agree ako, malakas talaga ang hatak ng loveteam ni Alden at Louise, na kahit hindi sila tinatanggap sila ng mga manonood. Pareho silang magaling umarte, at bagay naman talaga sila eh, sana maging maganda pa ang feedback sa show na ito lalo pat magagaling ang kasama nila rito.

    Nabasa ko sa isang tweet ni Louise kay Gabby Eigenman, na mag-ama raw sila... Eh mayaman ang role ni Gabby tapos mahirap naman sila. It means na lost child na naman ang peg.

    Sunshine at Angelika ang Magkaribal at based sa isang tweet ni Sunshine, panget like Bakekang ang role niya rito.

    So kakaexcite talaga ang Mundo Moy akin

  11. #71
    ✿im the best!!! how bout u✿ heartypexer's Avatar
    Join Date
    Jun 2012
    Location
    smile
    finally after my daddy dearest may new teleserye na si ms jolina very very excited for her special role here.
    im sure gugulatin na naman niya ang mga adiks
    ang tagal ng mga new updates/ character teaser
    utang na loob ilabas niyo na ang teaser

  12. #72
    ✿im the best!!! how bout u✿ heartypexer's Avatar
    Join Date
    Jun 2012
    Location
    smile
    Quote Originally Posted by joshD View Post


    GMA 7's Soap Opera Royalties Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon and Jolina Magdangal get together in one primetime drama series, Mundo Mo'y Akin
    3 prominent artists of their generation ...super excited

  13. #73
    Sana superquality ang script at hindi puro karahasan lang. Huwag sayangin ang galing ng cast dito.

  14. #74
    Remembering the Angelika dela Cruz - Sunshine Dizon rivalry during their "Ikaw Lang Ang Mamahalin" days






  15. #75


    GMA 7's Mundo Mo'y Akin starring Angelika dela Cruz, Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann and Jolina Magdangal with Louise delos Reyes, Lauren Young and Alden Richards

  16. #76

  17. #77

  18. #78
    Angelika dela Cruz on her mother role in Mundo Mo’y Akin: “Para sa akin, weird—hindi realistic.”

    Rose Garcia
    Saturday, March 02, 2013




    Tinanggihan na pala dati ni Angelika dela Cruz ang isang “nanay” role para sa Mundo Mo’y Akin ng GMA-7.

    Pero kamakailan, tinanggap na rin niya ang nasabing role na maging ina ni Louise delos Reyes sa bagong teleserye.

    Ano ang nangyari at tinanggap niya na rin ang mother role sa Mundo Mo’y Akin?

    Paliwanag niya, “Well, yung age naman kasi. Kumbaga, parang ten years old pa lang ako noon para maging anak ko si Louise, di ba?”
    Kung naging ina man siya sa mga dati niyang teleserye, mga bata pa raw talaga ang gumaganap na anak niya.
    “So, yun lang naman, pero, na-explain naman nila sa akin, sa manager ko, kay Perry Lansigan.

    “At yung soap naman, tungkol sa kagandahan, sa kapangitan. Na-explain naman nila sa akin, so, sige, okay lang,” dagdag niya.

    YOUNG MOTHER. Sa takbo ng istorya, lumalabas na masyadong bata pa siya noong nagkaroon siya ng anak.

    “Alangan talaga noong una, pero, tingnan na lang natin… Sana magawa ko naman nang maayos.”

    Magkaibigan sina Angelika at Sunshine Dizon sa Mundo Mo’y Akin.

    Kung tutuusin, mistulang “teen stars” pa rin sila dahil tunay na bata pa rin ang mga hitsura pero nabibigyan na sila ng mother roles. Ano ang dating kay Angelika ng ganitong sitwasyon nila?

    “Weird!” natatawa niyang tugon.

    “Para sa akin, weird—hindi realistic. Kasi, yun nga, dapat nabuntis ako noong ten years old ako.

    “Pero, yun ang gusto nila, e. Pero dito sa Mundo Mo’y Akin, noong nabasa ko ang script, actually, maganda siya.”

    GRAY CHARACTER. Sa kuwento ng Mundo Mo’y Akin, sa direksyon ni Andoy Ranay, si Angelika ay si Rhodora at si Sunshine naman ay si Perlita.
    Magkaibigan silang matalik at pareho silang pangit.

    “Yun nga lang, yung isa, tanggap niya ang pagka-pangit niya; yung isa, ayaw niya.”

    Sino sa kanila ni Sunshine ang hindi tanggap ang kapangitan niya?

    “Siyempre ako! Ayoko ng pangit kasi, palagi na lang siyang inaapi,” sabi niya.

    “Si Shine kasi, pinamigay siya ng mga magulang niya kaya hindi niya naranasang apihin siya ng magulang niya.

    “Ako kasi, inaapi ng tatay ko at mga pokpok niya sa bahay. Tapos, maraming mangyayari at yun ang mga dapat pang abangan.”

    May pagka-maldita siya sa Mundo Mo’y Akin?

    “Yun nga ang may pagka-weird, kasi, hindi siya kontrabida.

    “Ang ine-expect ko, kontrabida ang role ko... the usual. Pero, hindi siya yung kontrabida.

    “Gray yung character ko, pero, ang alam ko, wala akong inaapi.

    “So, maganda siya. Kung hindi maganda, ayoko. At hindi naman ako sinungaling.”

    REUNION. Magsisilbing reunion soap ni Angelika at Sunshine ang Mundo Mo’y Akin.

    Ang huling teleseryeng pinagsamahan nila ay ang Ikaw Lang Ang Mamahalin [2011].

    Noon, kahit naging matalik silang magkaibigan ni Sunshine, ang dami rin nilang naging isyu sa isa’t-isa.

    Biro namin kay Angelika, ngayon ba, mabait na silang pareho?

    “Matagal na ’kong mabait… kunwari,” natatawa rin namang sagot niya.

    “Aba, dapat naman. Hindi naman puwedeng tumanda kami nang walang pinagkatandaan, di ba?”

    CIRCLE OF FRIENDS. Magkaibigan na ba sila ni Sunshine?

    “Nagsimula naman talaga kaming magkaibigan at alam naman ng lahat na nagkagalit kami.

    “Pero after naman noon, nagkabati naman na kami. Bago kami magka-work, okay na kami… wala na. Magka-Instagram nga kami.

    “Kumbaga, wala na, lumipas na siya.”

    Dugtong pa niya, “Nakakatawa naman yun kung may something pa rin kayo after all these years.

    “Parang… Hello! Living in the past ba? Ang weird naman noon!”

    May excitement ba na magkaka-trabaho silang muli at mas puwede na nilang pagkuwentuhan ang mga anak nila?

    “Hindi lang siya... kahit si Jolina Magdangal kasi, minsan lang kami nagkasama.
    “Noong nag-guest siya for two months lang yata sa Esperanza, doon lang kami nagkasama na show.

    “Tapos, si Gabby [Eigenmann] sa Ikaw Lang Ang Mamahalin lang din.

    “Si Tita Jean [Garcia], Banyera, pero ang first time kong makaka-trabaho, yung tatlong bagets…

    “Sina Alden Richards, si Louise at saka si Lauren [Young].”

    SPORTS FOR HEALTH. Busy rin si Angelika ngayon sa bago niyang hobby at sport—ang triathlon.

    Ang mister na si Orion Casareo ang nag-introduce ng naturang sport sa kanya.

    Pero ayon din kay Angelika, “Nalaman ko rin kasi, mataas ang sugar [level] ko.
    “Siyempre, ayokong magkasakit. E, tamang-tama, matagal na akong inaaya ni Orion… Kaya lang, ayoko.

    “Ang sinasabi niya lang sa akin, ‘Ikaw, mag-i-sports ka lang kapag nagkasakit ka na. ‘Yan ang tipo mo.’

    “So, noong nalaman nga niya na tumaas ang sugar ko… Yun.”

    Ano naman ang mga nakukuha niya ngayon sa pagta-triathlon niya?

    “Well, aside sa kain ako nang kain pero, hindi ako tumataba, masarap siya.
    “Ang triathlon kasi—biking, running at swimming. Pagtagal-tagal, hahanapin mo talaga… maa-addict ka na.”

    COMPETITION. At sa Linggo nga raw, meron na siyang unang triathlon competition sa Acropolis Garden.

    “Actually, maikli pa lang ito kasi, try pa lang naman—600 meters swim, 16K na bike at 5K run lang.

    “So, maigsi lang siya. Sabi ko lang kay Orion, gusto ko lang ma-feel.

    “Kasi, sasali ako sa Subic nang mas mahaba, sa April. So, sabi ko, ‘Gusto ko munang ma-feel itong race. Ma-feel ko ang transition.’
    “Kasi sa April, dagat na siya. At saka, mahaba na ang distance… open-water na siya.”

    Ngayon lang din daw natutong lumangoy si Angelika nang mag-triathlon siya.

    Dahil dito ay maihahalintulad na rin siya sa ibang local actresses na nakahiligan na rin ang triathlon, tulad nina Jennylyn Mercado at Maricel Laxa-Pangilinan.

    Ano ang masasabi niya ngayong nararamdaman na niya ang mga health benefits ng kanyang napiling sport?

    “Manghihikayat pa ako ng marami. Hihikayatin ko ang lahat na gawin yun.
    “Masarap, e. At saka, dati kapag umaakyat ako ng hagdan, nakakahingal.
    “Pero ngayon, wit [hindi], kahit gaano pa kataas.”

    PRIORITY. Kung titingnan si Angelika ngayon, mukhang wala na siyang planong magbuntis at masundan ang anak nilang si Gabby.

    “Two years,” sabi naman ni Angelika na natatawa.

    “Actually, kahit naman si Orion, nagbago na rin. Sabi niya, ‘Huwag na tayong magmadali.’
    “‘Enjoy mo na lang kung ano ang gusto mo. Gusto mong maging sexy, mag-triathlon.’
    “‘Sige lang, enjoy mo lang. Basta, bibigyan kita ng dalawang taon.

    “‘Tapos, mag-aaway na tayo kapag ayaw mo pa rin.’”

  19. #79
    Angelika, pagod nang maki-pag-away kay Sunshine!


    Angelika dela Cruz

    Ang pangit naman kung wala kaming pinagkatandaan, 'di ba?

    Ha! Ha! Ha!" ang na*ging pahayag ni Angelika dela Cruz sa tanong kung okay na ba sila ni Sunshine Dizon bilang magkasama sila ngayon sa Mundo Mo'y Akin.

    Noong mas bagets pa kasi sila ay puwedeng sabihin na para silang aso't pusa bilang bestfriend at maya-maya nag-aaway o tampuhan.

    Ang huling magkasama raw sila ay sa ILAM (Ikaw Lang Ang Mamahalin) pa.

    "Walang problema sa amin. Ang tatanda na namin.

    "Excited din ako na magkakasama kami ulit saka 'yung karakter namin, ang ganda."

    Hindi naman itinanggi ni Angelika na tinanggihan na niya sana ang role niya ngayon sa Mundo Mo'y Akin.

    Magiging anak kasi ni Angelika si Louise delos Reyes na kung tutuusin, 'di ganoong kalaki ang agwat ng edad nila.

    "Parang lalabas, 10 years old pa lang ako nanganak na? Ha! Ha! Ha!

    Pero ipinaliwanag naman sa amin kung paano, so sige, 'di ba? Nabasa ko na ang script, maganda."

    Sa isang banda, excited naman si Angelika dahil ngayong Linggo, makiki*pag-compete na siya sa triathlon.

    Ito ang bagong hobby ni Angelika at kung hindi kami nagkakamali, si Angelika yata ang unang artistang babae na nakikipag-compete sa triathlon.

  20. #80
    Angelika dela Cruz on her mother role in Mundo Mo’y Akin: “Para sa akin, weird—hindi realistic.”

    Rose Garcia




    Saturday, March 02, 2013 @ 01:35PM | 4939 views

    - See more at: http://pep.ph/news/37665/angelika-de....MgH4Co0R.dpuf


    its good to see angelika and sunshine again in one show, mga dating prime teen stars ng GMA. and also jolina.

Page 4 of 78 FirstFirst ... 3 4 5 14 54 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

read more
GILAS:

Blatche questionable to join Gilas in Asian Games

Blatche questionable to join Gilas in Asian Games

read more
SHOWBIZ:

Dennis Roldan slapped with kidnapping charges

Dennis Roldan slapped with kidnapping charges

read more
SPORTS:

Army, Cagayan set to face each other in V-League Finals

Army, Cagayan set to face each other in V-League Finals

read more
US OPEN:

Want to know more about the US Open Fantasy League?

Want to know more about the US Open Fantasy League?

read more