PEx Highlights

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

PHOTOS: Aguilar, Ginebra Bully Talk N Text

Ginebra had no problems in their opening campaign after a 101-81 win over TNT. Japeth Aguilar proved to be too much for the Texters with his game-high 18pts, 18rebs and 5 blks.

read more

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter

Be in the know! Follow @pinoyexchange on Twitter for community, movies, sports and promo updates.

read more

Top Female Celebrities

2 more weeks and she will officially be the IT GIRL of the month. Can her fans keep it up? Jane Oineza is still PEx's Top Female Celeb!

read more

PROMO: The Book of Life

Join the promo and get a chance to win exclusive The Book of Life merchandise!

read more

Page 5 of 26 FirstFirst ... 4 5 6 15 ... LastLast
Results 81 to 100 of 506
  1. #81
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    May teaser... ito na talaga papalit sa AKN? Sana naman kung comedy, edi palabasin nilang light/comic yung mga trailers

    Ano na ulit yung ginamit na title sa tandem nila AlKris?

  2. #82
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Aljur Abrenica gears up for Cosmo Bachelor Bash 2013; starts working on Prinsesa Ng Buhay Ko
    by Ruben Marasigan




    Working with Renz Fernandez

    Sa muling pagtatambal nga nila ni Kris sa Prinsesa Ng Buhay Ko, si Renz Fernandez ang kanilang magiging ka-love triangle.

    First time lang nilang nilang magkasama sa trabaho pero madali daw na nakapalagayang-loob niya ito.

    “Yeah, oo! I’m so happy to be working with him.

    “Si Renz Fernandez… wow, he’s a great guy! Sobrang humble.

    “And… wala kaming hindi napapagkasunduan. Parang magkapatid na kami.

    “Okay naman ang bonding namin. Yeah!


    http://www.pep.ph/news/40253/aljur-a...sa-ng-buhay-ko

  3. #83
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    * * *

    Na-miss nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang kanilang love team, kaya parehong masaya na ibinalik ng GMA-7 ang tambalan nila sa Prinsesa ng Buhay Ko.

    Sa September 30, bago ang 24 Oras ang start ng airing ng soap sa direction ni Dondon Santos at kung saan makaka-love triangle nila si Renz Fernandez.

    Inintriga si Aljur na kaya nabago ang title ng soap dahil ni-request niyang dagdagan ng “Ko” para kasali siya.

    Okay sa kanya kahit wala siya sa title, ang importante maganda ang material ng bagong soap nila ni Kris.

    Nine months walang soap si Kris, kaya excited sa bagong show nila ni Aljur at ipinagmalaking fresh siya dahil matagal nakapagpahinga.

    Ayos lang sa kanya kung si Sarah Lahbati ang original choice sa role niya, at least siya ang final choice.

    Handa na si Kris sa mga basher na galit sa kanya dahil siya uli ang partner ni Aljur, pero umaasang maiintindihan ng fans na nagtatrabaho lang sila. Alam niyang may GF si Aljur at hindi niya ginugulo ang love life nito.

    * * *

  4. #84

  5. #85
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Aljur naubusan nang sasabihin kay Kris
    SHOWBIZ UPDATE Ni Nora Calderon (Pang-Masa) | Updated September 11, 2013 - 12:00am



    Naubusan na ng words si Aljur Abrenica to describe his favorite leading lady, si Kris Bernal, nang kumustahin sa kanya. After almost a year, ang last pa nila ay ang romantic-comedy series na Coffee Prince, ngayon lamang sila muling magtatambal sa isa pang romantic-comedy, ang light drama series na Prinsesa ng Buhay Ko. Before this, two months din silang nagkasama every Sunday sa Sunday All Stars ni Kris.

    “Habang tumatagal, lalong lumalalim ang acting niya, mas mature na ang approach niya sa mga eksena, mas magaling na siya ngayon, bukod pa sa lagi pa rin siyang nakangiti kahit puyat na sa taping,” saad ng Kapuso actor.

    Biniro si Aljur na part na siya ng title dahil nilag*yan ito ng ‘Ko.’ Wala raw naman siyang ni-request. Ang mahalaga raw ay may bago na siyang trabaho. Enjoy sila sa ta*ping dahil bago ang mga kasama nila, sina Renz Fernandez, Lian Paz, Marco Alcaraz, at muli nilang nakasama si LJ Reyes. Bago rin ang director nila, si Dondon Santos, na director sa Indio.

    Pero hindi lamang ang new soap ang pinagkakaabalahan ni Aljur ngayon, may inihahanda siyang bagong album for MCA Records. Kapipirma lamang din niya ng contract ng bagong endorsement sa Tupperware. It’s not true na kasama siya ni Kris sa Avon, na co-producer ng GMA Network sa kanilang soap. May coming concert din si Aljur sa Music Museum sa Nov. 7. Sa Sept. 23 ang pilot telecast nila ng Prinsesa ng Buhay Ko na mapapanood bago ang 24 Oras sa GMA 7.

  6. #86
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Sex video kay Paolo Contis, dinelete na ni Lian Paz!
    Jojo Gabinete


    Ang Prinsesa Ng Buhay Ko ang *unang teleserye ni Lian Paz sa GMA 7 kaya nagpapasalamat siya sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya ng network

    management. Nagsimula ang showbiz career ni Lian bilang member ng EB Babes, ang resident dance group ng Eat Bulaga.


    At dahil dating miyembro ng EB Babes, hiningi ng entertainment writers ang opinyon ni Lian tungkol sa video scandal na kinasangkutan ng fellow dancer na si Yosh Rivera at ni Wally Bayola.


    Hindi nagpang-abot sa EB Babes sina Yosh at Lian dahil umalis na ito sa grupo nang maging member ang una.


    “I am very disappointed,” ang mabilis na sagot ni Lian.
    “Kahit hindi na po ako part ng EB Babes. Seven years na ang grupo ng EB Babes, nga*yon lang po may lumabas na ganoong klase ng... Nakaka-hurt lang.


    “Frankly speaking, I don’t feel any pity for her ha? Not for anything, may asawang tao po kasi si Kuya Wally.


    “Tiningnan ko lang po, hindi ko tinapos,” ang natatawa na sagot ni Lian nang tanungin ito kung napanood niya ang controversial video nina Wally at Yosh.


    “Hindi po sa nalaswaan. Kaibigan ko po kasi si Kuya Wally. Nagkasama kami sa Eat Bulaga. Parang hindi ko talaga kaya na tingnan.”


    “Yes... medyo,” ang sagot ni Lian sa tanong kung nagpapasalamat ba siya dahil hindi na siya member ng EB Babes nang pumutok ang video scandal nina Yosh at Wally.


    “Nirerespeto ko ‘yung mga ganoong bagay kasi kapag mahal mo ang isang tao, you can do crazy things when it comes to love, pero keep it private na lang,” ang payo ni Lian sa mga couple na hindi makapagpigil na i-record sa video ang kanilang intimate moments.


    Napatili si Lian at nagsalita nang “Dinelete ko na!” nang usisain ng mga kausap niya kung may private video sila ng kanyang estranged husband na si Paolo Contis.

  7. #87
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Kris, type makitang hubad si Aljur!
    Jun Nardo



    Pagsasaluhan nina Aljur Abrenica at Renz Fernandez ang alindog ni Kris Bernal sa romantic comedy na Prinsesa ng Buhay Ko.

    At least, may bago namang makakaniig si Kris sa katauhan ni Renz dahil mahigit sampung beses na niyang nakapareha ang Kapuso hunk na si Aljur, huh!


    Wala mang naging relasyon sina Kris at Aljur sa madalas nilang paggawa ng series, gusto pa ring ipairal ng aktor ang pagi*ging tradisyunal na Pinoy na haharanahin niya ang ka-loveteam upang mapaibig!


    Eh, dahil rarampa si Aljur sa isang sexy fashion show ng isang magazine, tinanong namin si Kris kung panonoorin niya ang ka-loveteam habang katabi ang girlfriend nitong si Kylie Padilla.


    “Okey lang po kung okey kay Kylie! Ha! Ha! Ha! Pag niyaya naman niya ako, sabi ko sa kanya, susuportahan ko siya,” sabi ni Kris.


    Eh, kumusta naman si Renz bilang kapareha?


    “Okey lang naman. Na*tutuwa ako kay Renz dahil ngayon ko lang siyang nakitang umarte at ngayon ko lang siya nakaeksena. Tapos, natutuwa ako sa kanya.



    Talagang sineseryoso niya. Ilang beses niyang binabasa ang script kahit madaling-araw!” kuwento ng aktres.


    Ano naman ang masasabi ni Renz?
    “Kay Kris, ‘yung mata niya ang napapansin ko. ‘Yun kasi ang windows of the soul,” sagot ni Rez.
    Ibang-iba sa mata ni Maxene Magalona?


    “Iba!” tugon ng anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

  8. #88
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***


    Pati si Lian Paz ay nahingan din ng opinyon sa eskandalong kinasangkutan ni Wally Bayola.


    Si Wally ang isa sa pinaka-close kay Lian nu’ng nasa EB Babes pa ito, kaya nag-alala rin ito sa komedyante.


    Nakausap namin si Lian sa presscon ng Prinse*sa ng Buhay Ko at napagtanungan ito kung ano ang naramdaman niya bilang dating EB Babes member na nasasangkot sa ganitong gulo ang dati niyang kagrupo.


    May ilan pa siyang kaibigan doon at nakakausap niya minsan. Nara*ramdaman niyang disappointed nang husto ang co-members ni Yosh.


    Sabi ni Lian; “They’re very disappointed. Si Hopia na lang kasi ang natitirang original du’n, eh. Nu’ng nalaman niya ‘yung isyu, magka-chat kami nu’n at nakuwento niyang disappointed sila. “Kasi, ilang years na ‘yung EB Babes, tapos, first time pa na magkaroon ng ganun kala*king isyu. Parang hindi maganda sa pangalan nila.


    “Kahit ako, nasaktan din ako, eh. Sad lang isipi*n kasi, si Kuya Wally, nakilala ko siyang mabait sa pamilya at mabuting asawa.”


    Samantala, malaki ang pasasalamat ni Lian sa GMA 7 dahil binigyan siya ng break na maging bahagi ng bagong drama series nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na Prinsesa ng Buhay Ko.


    Kahapon lang siya nagsimulang mag-taping at type na type niya ang role niya rito.
    Sa September 23 na magsisimula ang Prin*sesa ng Buhay Ko bago mag-24 Oras.

  9. #89
    Banned by Admin
    Join Date
    Jan 2013
    Location
    MBC Korea Main
    'Prinsesa Ng Buhay Ko' brings inspiration and love on GMA
    September 13, 2013 5:13pm

    GMA Network makes the last quarter of the year an exciting time for all with the launch of its newest drama series that will forge a connection with the hearts of the Filipinos via Prinsesa Ng Buhay Ko. It will replace Binoy Henyo beginning September 23 before 24 Oras.

    Under the direction of Dondon Santos, Prinsesa Ng Buhay Ko’s storyline aims to inspire viewers to always have a positive outlook in life, and believe that with hard work and determination dreams can come true.

    And to portray the characters of Princess and Nick in the series is one of the most formidable love teams in the industry – Kris Bernal and Aljur Abrenica. After their memorable performances in Coffee Prince, Kris and Aljur reignite their onscreen tandem in Prinsesa Ng Buhay Ko which is the first program shot in full HD using DLSR cameras.

    Introducing in this program is newest Kapuso artist Renz Fernandez who will play the role of Luis, Nick’s stepbrother who will fall in love with Princess. Completing the stellar cast of Prinsesa ng Buhay Ko are LJ Reyes as Kate, Nick’s scheming ex-girlfriend; Ms. Carmi Martin as Eliza, Luis’ manipulative mother; Emilio Garcia as Roberto, Nick’s real father; Martoni Fernandez as Tess, Nick’s mother; Marco Alcaraz as Waldo, Princess’ brother; Debraliz as Mother Superior; Ping Medina as Steve, Nick’s bestfriend; Jan Manual as Phil, Princess’ gay friend; Vincent Magbanua as Vicvic, a street vendor who has a crush on Princess; Lian Paz as Violet Waldo’s girlfriend.

    Prinsesa ng Buhay Ko tells the story of Princess, a hardworking young woman who was orphaned at a young age. Despite being raised in a foster home, Princess is strong-willed who possesses a big heart and an independent spirit.

    In the orphanage, Princess will meet Nick, who often becomes the subject of bullying among the kids. Princess will become Nick’s defender from these bullies and eventually, they will become close friends.

    Princess and Nick’s friendship ends when Nick’s father Roberto arrives to take him away. Nick is left with no choice but to go with Roberto after learning that his mother Tess abandoned him completely and sold him to his father.

    After many years, Princess left the orphanage and is now a vendor in a flea market. One day, she witnesses a crime and tries to save a man from being kidnapped. Little did she know that this man is no less than Luis, the rich son of Roberto Grande.

    Because of her heroic act, Princess’ catches the attention not only of Luis but also the public, the media and even the TV networks. She will soon become very popular and Princess is now living the charmed life she always dreamed of.

    Things get complicated when Nick and Princess’ paths cross again. Princess discovers that Nick is her long lost friend in the orphanage and worse, he is Luis’ stepbrother. How will this revelation affect Princess’ relationship with the two brothers? Will Nick and Princess take their friendship to the next level or will Nick give way to his brother Luis? Who will win Princess’ heart? Luis or Nick?

    Prinsesa Ng Buhay Ko is created by the GMA Drama group headed by Lilybeth G. Rasonable, Officer-in-charge for Entertainment TV; Redgie A. Magno, Vice President for Drama; Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama; Cathy Ochoa-Perez, Senior Program Manager and Leilani Feliciano-Sandoval, Executive Producer.

    The creative team is composed of Creative Director, Jun Lana; Creative Head, Jake Tordesillas; Creative Consultant, Aloy Adlawan; and Headwriter/Concept Creator, Denoy Navarro-Punio.

    Prinsesa Ng Buhay Ko premieres September 23 after 24 Oras on GMA Telebabad. -- FRJ, GMA News

    http://www.gmanetwork.com/news/story...nd-love-on-gma

  10. #90
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Binoy Henyo masipag mag-promote kahit magbababu na

    Magsisimula sa Lunes ang huling linggo sa telebisyon ng Binoy Henyo, ang early primetime show ng child star na si David Remo.

    Goodbye TV na ang Binoy Henyo at papalitan ito ng Prinsesa ng Buhay Ko, ang TV show nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.

    Kesehodang malapit nang magpaalam ang Binoy Henyo, masipag mag-promote ang cast. Bumiyahe ngayon sa Cebu sina Sheena Halili, Gwen Zamora, at Lucho Ayala para sa kanilang show sa Gaisano Grand Mall Dumanjug sa Cebu. Libre ang admission para sa mga gustong makita ng personal ang mga artista ng Binoy Henyo.

  11. #91
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Aljur matagal nang pangarap magka-Jollibee!

    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated September 14, 2013 - 12:00am


    Love ng press si Aljur Abrenica dahil kahit kailangang i-promote ang love team nila ni Kris Bernal dahil sa nalalapit na ai*ring ng Prinsesa ng Buhay Ko, ayaw lokohin ang mga reporter sa tunay na status ng love life niya.

    Nang tanungin kung sino ang hu*ling sinabihan niya ng “ikaw ang prinsesa ng buhay ko,” mabilis ang sagot na “si Kylie (Padilla, ang kanyang girlfriend).” Nagpakatotoo ito.

    Nilinaw pala ng aktor ang nabanggit ni Kris na “dynamic” acting niya na napansin mula nang magsimula silang mag-taping ng Prinsesa ng Bu*hay Ko. Napansin daw ni Kris ang maturity niya sa pag-arte at siya man, napansing mas gumagaling ang kapareha at ginagamit ang experience sa acting.

    Bukod kay Kris, gustong makatra*baho ni Aljur sina Marian Rivera, Heart Evangelista, at Carla Abellana in that order. Sana raw mapagbigyan siya ng Channel 7.

    Samantala na-share ni Aljur ang ma*tagal na niyang dream na magkaroon ng franchise ng Jollibee and, in fact, bata pa man siya ay iyon na ang pangarap niya. Napa-“sana” ang aktor nang banggitin ng press na mas maganda kung kukunin siyang endorser ng Jollibee at ang ta*lent fee niya ay pang-down sa franchise fee ng fastfood branch.

    Anyway, sa Sept. 23, bago mag-24 Oras, ang pilot ng Prin*se*sa ng Buhay Ko. Si Dondon Santos ang direktor at ginamitan ng HD (high definition) kaya malinaw panoorin.

  12. #92
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Aljur, ‘di raw na-insecure kay Kris!



    Eleventh team up na nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang bagong GMA afternoon prime na Prinsesa ng Buhay Ko. Ito ang papalit sa Binoy Henyo at si Dondon Santos ang director. Isu-shoot ito in full HD (high definition) gamit ang 5 DSLR camera.

    “Thankful ako sa Panginoon. Sa project na ito and sa blessing. Kumbaga, kahit ako hindi makapaniwala. This is our eleventh project together. Thankful ako.

    “‘Yung loveteam namin, up to now, nagwu-work siya. Sa mga taong nanonood at sa…Especially sa GMA 7 na nagtitiwala sa aming dalawa,” say ni Aljur sa pictorial break ng series.

    Hindi raw siya magpapakita ng katawan gaya ng huli niya na Indio.

    “Mas focus sa character. ‘Yung katawan, saka na ‘yan!” tugon niya.

    Totoo ba na na-insecure siya na wala siya sa title kaya ginawang Prinsesa ng Buhay Ko?

    “Wala po akong insecurity. Let me correct that. Wala akong ni-request. Actually, okay sa akin ‘yung Prinsesa ng Masa. Nalaman lang namin nu’ng blog-con, naging Prinsesa na siya ng Buhay Ko.

    Kahit na ano naman ang title sa akin, yes po. Importante sa akin ang project,” paliwanag niya.


    ***

  13. #93
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***

    “Habang tumatagal, mas gumagaling si Kris!” -- Aljur


    So ano nga ang difference nito sa nagawa na nilang project?

    “Ang difference kasi, nagma-mature kami ni Kris. Pagdating sa cha*racter mas… Pag umatake sa character namin, mas malalim na sa pinagdaanan namin. Kasi habang tumatagal, mas luma*lalim, mas marami kang *experience.

    “So, mas relax kami rito. Mas emotional. Ang bago rin dito is medyo co*medy siya. Light lang siya pero siguradong magli-lead sa drama,” saad ni Aljur.

    So anong pagkakaiba ni Kris ngayon?

    “Si Kris ngayon, mas mature na siya. Oo. Si Kris ngayon, habang tumatagal, mas gumagaling siyang aktres. Ahhh, wala na akong masabi! Ha! Ha! Ha! Parang nasabi ko na lahat!” sey ng aktor.


    ***

  14. #94
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Aljur, excited sa kotse
    (GORGY RULA)


    NGAYONG Lunes ang pictorial ng bagong family drama series ng GMA 7 na Prinsesa ng Buhay Ko (dating Prinsesa ng Masa).

    First time ito sa GMA 7 na ginawa nilang high definition ang naturang serye kaya iba ang quality nito.

    Tuwang-tuwa si Aljur at excited sa naturang project dahil ang buong akala niya, isang simpleng kuwento ng typical na drama series ito pero iba raw pala.

    “Thankful ako sa GMA na kami ‘yung u*nang binigyan ng ganitong pagkakataon, tapos the story is more than what I expected na kung gaano ka-interesting,” pahayag ng young hunk actor.

    Sa anim na taong pagsasama nila ni Kris Bernal, nandiyan pa rin ang excitement niya sa loveteam nila ni Kris.

    Samantala, excited na rin si Aljur sa kotseng pinagawa niya dahil malapit nang matapos.

    Mamahalin at galing pa sa ibang bansa ang mga parts na ginamit kaya inabot ng ilang buwan bago ito nagawa.

    Magiging maingat na siya kapag gamit niya itong kotseng Charger niya.

    Ang isa pang pinapagawa ni Aljur, ang finishing ng bagong bahay niya sa New Manila, Quezon City.

    Baka bago matapos ang taong ito ay tapos na tapos na ito, kaya pinagkakaabalahan din niya ang design ng naturang bahay.

  15. #95
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***

    “Wala kaming problema ni Paulo!” -- LJ



    Ayon kay LJ, okay raw siya at masaya ngayon. Pagdating kay Paulo Avelino, tulad ng dati ay hindi pa rin ito masyadong nagsasalita.

    “Okay naman kami ni Pau. I mean, tulad nga ng sinasabi ko, as parents to Aki, wala kaming problema.
    “Ako naman, happy ako kasi nandiyan ang anak ko. Focus ko si Aki at work. Okay na ‘yun.”

    Marami kasi ang nakakapansin na kung kailan nababalitang hiwalay na nga silang talaga ni Paulo, saka naman daw siya parang blooming talaga.

    Kaya iniisip din ng marami na maaaring nagkaroon na ng bagong kapalit sa puso niya si Paulo.

    “Sobra naman! Alam mo, kapag may nagsasabi sa akin ng ganyan, tala*gang tinatanong ko.

    “Ano ba kasi ang gusto niyo, pangit na lang ako? Ha! Ha! Ha! Nakakaloka!”

    Anyway, trabaho lang daw siyang talaga ngayon. Bukod sa Sunday All Stars kung saan, isa na siya sa regular member, nag-start na rin siya ng taping para sa bagong serye na Prinsesa ng Buhay Ko.

    Siya ang kontrabida kina Aljur Abrenica at Kris Bernal. So, anong bagong atake naman ang gagawin niya rito?

    “Ano kasi ito, eh, may pagka-light-drama lang siya kaya masaya. Hindi naman siguro ito ‘yung sobrang sama, light lang naman. Pero, happy ako kasi, sina Aljur at Kris naman, ilang beses ko na rin silang nakasama.”

  16. #96
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***

    Renz, nasaktan nang husto kay Maxene!


    Tuluyan na ngang lumarga sa showbiz si Renz Fernandez, ang bunsong anak nina Lorna Tolentino at yumaong Rudy Fernandez. Tinupad muna ni Renz ang pangako sa ama na tatapusin ang pag-aaral bago siya mag-artista.

    Nagsimula sa ABS CBN si Renz, pero nga*yon ay Kapuso Artist na siya. Regular na siyang mapapanood sa Prinsesa ng Buhay Ko nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

    Umingay ang panga*lan niya nang *maging girlfriend si Maxene Magalona na napunta rin sa hiwalayan.

    Kung loveless pa rin si Renz after Maxene, napalitan na siya ng dating girlfriend na meron na raw boyfriend ngayon.

    “Sana maging masaya sila lagi at good luck sa lahat,” say ni Renz nang makausap ng press sa pictorial ng series niya.

    Hindi na sila nagkaroon ng pag-uusap ni Maxene matapos ang split. Ayon kay Rez, “Nag-move forward na kami!”

    Gayunpaman, open naman ang aktor na makasama sa trabaho si Maxene. ‘Yun nga lang, hindi na nila pina-follow ang isa’t isa sa Instagram at Tweeter.

    “Wala, eh. Ganoon yata talaga pag may ex ka. Kailangan na ganoon. Mawala muna sa sistema. Para ano rin. Pero okey rin na ibalik. Hindi naman big deal sa akin ‘yon,” saad niya.

    Aminado siyang nasaktan sa hiwalayan. Inabot ng mahigit isang buwan bago siya naka-recover sa pangyayari.

    “Pero pang-habang buhay nang nasa puso ko ang pangyayaring ‘yon,” rason ni Renz.

    “Pero no regrets. ‘Yung experience ko na ‘yon, lumakas ako doon,” dagdag ng aktor.

  17. #97
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***

    Kinantiyawan si Lian Paz ng ibang reporters sa pictorial ng Prinsesa ng Buhay Ko kahapon dahil nasa kabilang studio lang si Paolo Contis na nag-taping ng Bubble Gang.

    Sabi ni Lian, wala silang problema ni Paolo at naging friends sila. Matagal na raw silang hindi nagkikita kaya nahihiya siyang puntahan si Paolo at maaaring ganu’n din ang nararamdaman ng aktor.

    Nagpapasalamat si Lian dahil naging okay sila bilang magkaibigan at nag-uusap sila tungkol sa mga bata.

    Tapos na ‘yung nagsasalita sila ng hindi maganda sa isa’t isa. Nang humupa ang galit, doon sila nagkausap kaya naging okay ang kanilang pag-uusap at naging magkaibigan para sa dalawa nilang anak.

    “Na-appreciate ko si Pao dahil hindi niya ako pinatulan. Hindi siya nagsalita,” pakli ni Lian.

    “Dumating ‘yung time na nawala ‘yung galit ko, du’n kami nag-usap, which is iyun ang magandang bagay na nangyari.”

    Biniro namin na posible kaya silang magkabalikan ni Paolo?

    “Hindi kasi natin masasabi kung ano ang mangyayari bukas.

    “Pero malay natin, kapag tadhana talaga eh, ‘yun talaga ‘yun,” natatawang sagot ni Lian.

    Hindi itinatanggi ni Lian na meron siyang nakaka-date at okay ang relasyon nito sa may-ari ng Skinmate na ini-endorse niya pero hindi niya masabi na seryoso ito at siya na ang kapalit kay Paolo.

    Aminado si Lian na pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo, parang na-trauma siya sa pakikipagrelasyon.

    “Actually, ngayon, parang ang dami mo nang expectations sa ibang lalaki.

    “Yung dating expectations mo na mababaw lang, hindi na ngayon puwede. Hindi na puwede‘yung kilig-kilig. Future na ang pag-uusapan dito. May dalawa nang anak, eh.

    “Ang hirap, parang *syempre una sa lahat, isipin mo kung tanggap ba ang mga anak mo, at syempre kung tutulungan ka sa mga bagay-bagay.” .

    Nagpapasalamat si Lian dahil binigyan siya ng GMA 7 ng pagkakataong makapagtrabaho kaya isinama siya sa bagong drama series nina Aljur Abrenica at Kris Bernal na Prinsesa ng Buhay Ko.

  18. #98
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    ***

    Excited si Renz Fernandez sa pagiging Kapuso niya kung saan kasama siya sa bagong drama series ng GMA 7 na Prinsesa ng Buhay Ko.

    Siya ang ka-triangle nina Kris Bernal at Aljur Abrenica at nag-workshop na sila na ikinatuwa ng binata.

    Sa pictorial kamakalawa, naitanong kay Renz kung okay lang sa kanya na makasama sa isang project sa GMA 7 ang ex-girlfriend niyang si Maxene Magalona.

    “Okay na okay sa akin ‘yun siyempre,” pakli ni Renz.

    Hindi raw siya maiilang dahil wala raw silang problema ni Maxene.

    “I consider her a friend,” napapangiting sagot ni Renz.

    Matagal na raw silang hindi nagkikita ni Maxene at wala raw silang komunikasyon.

    Nabalitaan din niyang may bagong boyfriend na si Maxene at masaya raw siya para sa aktres.

    Wala pang nabanggit si Renz na ibang Kapuso actress na gusto niyang makasama, pero gusto raw niyang makilala lahat gaya nina Solenn Heussaff, Heart Evangelista at Marian Rivera.

    Pero ang isa sa wish sana ni Renz ay makasama ang mama niyang si Lorna Tolentino.

    “Yun ang isa sa mga pangarap ko talaga. Kung mangyari eh di mabait na naman ang Diyos, as always,” sagot nito.

    Ginagawa ngayon ni Lorna ang Genesis kasama si Dingdong Dantes, at posible namang magkasama sila ni Renz sa future projects sa GMA 7.

    Pero sabi ni Renz, dito muna siya magko-concentrate sa Prinsesa ng Buhay Ko dahil ibang challenge ito sa kanya.

    ***

  19. #99
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Lian wish na mapagalit ang fans ni Kris


    Maganda ‘yung desisyon ng ex ni Paolo Contis na si Lian Paz na gawing aktibo ang kanyang pag-aartista. Ano pa bang trabaho ang puwede niyang pa*sukan na alam niya at puwedeng ipangtaguyod sa kanyang mga anak kundi ang pag-arte. Mas madali ito dahil naipakilala na naman niya ang kanyang sarili sa showbiz at nagsumikap sa kanyang pagiging mi*yembro ng EB Babes at pagkakaroon ng relasyon kay Paolo.

    Kontrabida siya ni Kris Bernal sa Prinsesa ng Buhay Ko. Girlfriend siya ni Marco Alcaraz na gumaganap na kapatid ni Kris sa series.

    Wish niya na mapagalit nang husto ang mga manonood para maging maganda ang buwena mano ng pag-aartista niya.

  20. #100
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Renz Fernandez cites "individual differences" as cause of breakup with Maxene Magalona
    by Ruben Marasigan posted on September 13, 2013 STATS: 9038 Views



    http://www.pep.ph/news/40332/renz-fe...axene-magalona


    PRESSURE. Si Renz ang bunso sa dalawang anak na lalaki ng aktres na si Lorna Tolentino at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez. May pressure bang hatid kay Renz na parehong magaling na artista ang mga magulang niya? Sagot niya, “Wala naman. Kasi ako naman ang may gustong mag-artista rin. “Kumbaga, mapi-pressure ba ako na gusto ko naman ang ginagawa ko?” Pero yung expectation na mapantayan ang kahusayan ng mga magulang niya bilang mga artista? Sabi ni Renz, “Hindi ko inisiip ‘yan. Kasi ako, kung ano lang ang ma-contribute ko, okey na ako dun. “Wala akong kumpetisyon kundi sarili ko. “Kung meron mang mataas ang expectation sa akin as an actor, ang masasabi ko na lang diyan, salamat. “Si Mama, laging sinasabi sa akin, ‘Gawin mo kung ano ang gusto mo. Pagdating sa trabaho, be very sincere and truthful.’” Bago raw siya nagdesisyong sumabak nang tuluyan sa pag-arte, nag-undergo muna raw si Renz ng acting workshops. - See more at: http://www.pep.ph/news/40332/renz-fe....upgnL4g4.dpuf

    KRIS AND ALJUR. How is it working with Kris? “Napakaayos… Kasi, unang-una, ang ganda ni Kris. Tapos pangalawa, magaling siya, mahusay umarte. “Yung mga mata niya, kapag tinitingnan ako, parang sincere na sincere. Soulful yung mata niya, e. “So, nadadala niya ako na umarte. Natutulungan talaga niya ako.” How about Aljur? “Madali siyang makatrabaho, madaling kausap. Napaka-blessed ko na makatrabaho siya.”

Page 5 of 26 FirstFirst ... 4 5 6 15 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

GlobalPort bows to NLEX after fourth quarter collapse, 101-96

read more
SHOWBIZ:

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

What do you make of John Lloyd Cruz' performance in The Trial?

read more
TRAVEL:

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

No bidets, rude staff and poor internet. What are your other hotel pet peeves?

read more
CHIT CHAT:

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

Unzip your man purse and share what's inside your kikoy kit!

read more
SPORTS:

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

2014 Philippine Superliga Grand Prix opens

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more