PEx Highlights

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter

Be in the know! Follow @pinoyexchange on Twitter for community, movies, sports and promo updates.

read more

PHOTOS: Alaska Wins Laugher vs Champs

Calvin Abueva (21 points, 11 rebounds) and the Alaska Aces made a statement on Wednesday, dominating the Purefoods Star Hotshots in a laugher, 93-73.

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

PROMO: The Book of Life

Join the promo and get a chance to win exclusive The Book of Life merchandise!

read more

Top Female Celebrities

2 more weeks and she will officially be the IT GIRL of the month. Can her fans keep it up? Jane Oineza is still PEx's Top Female Celeb!

read more

Page 2 of 26 FirstFirst 1 2 3 12 ... LastLast
Results 21 to 40 of 506
  1. #21
    Ryza nagtatampo, forever na lang guest

    Kasabay nang pagpayag ni Ryza Cenon na mag-cover sa May issue ng FHM magazine ang pagsasabi ng tunay niyang nararamdaman. Dati, pa-cute pa ang sagot nito na okay lang sa kanya na madalas na supporting siya at kontrabida sa mga role na ibi*nibigay ng GMA Network.


    PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


    Pati ang paggi-guest sa kanya sa mga tumatakbo ng soap, okay pa rin sa kanya at ang importante sa kanya ay may trabaho. Nag-iipon kasi si Ryza para sa dream house at bagong ipon na naman ang gagawin dahil nabulilyaso ang unang pagpapatayo ng bahay.

    Anyway, inamin na rin ni Ryza na medyo nagtatampo siya dahil nine years na siya sa GMA Network pero hindi pa nabibigyan ng break. Pambansang Guest Star ang tawag sa kanya ng press dahil lahat yata ng soap ay igini-guest siya. Pagkatapos niyang mag-guest sa Indio, hindi pa niya alam kung saan siya magi-guest sa susunod.

    “Ipinagdarasal ko na dumating ang big break at big launching sa akin. Gusto kong mag-drama. Nami-miss ko ang mag-drama. Twenty five years old na ako,” wika ni Ryza.

    Umaasa ang Kapuso actress na makakatulong na mabigyan ng push ang career niya sa pagko-cover niya sa FHM. Seven years siyang niligawan ng men’s magazine bago mapapayag mag-cover.

  2. #22
    The Latest on the news about PRINCESA NG MASA which will cast KRIS BERNAL AND ALJUR ABRENICA WITH RHIAN RAMOS AND STEVEN SILVA will have its stroy conference and Taping by June will be airing possibly by MONTH OF JULY which is schedule to replace MUNDO MO'Y AKIN .. I believed PRINCESA NG MASA ia a ROMANCE-COMEDY..

  3. #23
    Moeover KRIS BERNAL IS ALSO WILL DO AN indie film UNDER THE HELM OF GIL PORTES AND ONE OF WHICH IS THE REMAKE OF MS X OF MS VILMA SANTOS and another one is CROSSROADS

  4. #24
    Quote Originally Posted by arjoe View Post
    The Latest on the news about PRINCESA NG MASA which will cast KRIS BERNAL AND ALJUR ABRENICA WITH RHIAN RAMOS AND STEVEN SILVA will have its stroy conference and Taping by June will be airing possibly by MONTH OF JULY which is schedule to replace MUNDO MO'Y AKIN .. I believed PRINCESA NG MASA ia a ROMANCE-COMEDY..
    But, Mundo Mo'y Akin is extended from 16 weeks to 20 weeks so it will end on August 2.

    Who will direct Prinsesa ng Masa

  5. #25
    wow, good to know they are giving STEVEN SILVA break.

    ok, may mga basang sisiw naman si MIKE. si RYZA dapat bigyan na ng relaunching project.

  6. #26
    UPCOMING TELESERYE. Ang huling teleserye ni LJ sa GMA-7 ay ang Aso Ni San Roque pa, kaya masaya niyang ibinalita na mayroon na siya ulit gagawing teleserye.

    Hindi pa raw sigurado si LJ kung puwede na siyang magdetalye tungkol dito, pero excited daw siya rito.

    “Exciting siya ‘coz yung dalawang makakatrabaho ko, nakatrabaho ko na siya before.

    "And then yung isa, super gusto ko siyang makatrabaho,” pagbabahagi niya.

    Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Kris Bernal, sinabi nitong makakasama nila ni Aljur Abrenica sa Prinsesa Ng Masa si LJ.

    May ginagawa na ba siyang preparations para sa kanyang nalalapit na proyekto?

    Sabi ni LJ, “We’re gonna do workshops.

    “Hindi pa kasi kami nag-i-storycon pero once na malaman ko na yung full characters, from then on, yung preparations magtutuloy-tuloy na.”

    Lately ay lumilikha ng ingay ang ilang teleserye ng GMA-7, kagaya ng umeere ngayong My Husband’s Lover at ganoon din ang now-defunct primetime teleserye na Temptation of Wife.

    Dagdag-pressure ba ito kay LJ para maging hit ang kanyang nalalapit na teleserye?

    Tugon niya, “Feeling pressure is good, it’s like feeling nervous.

    "Siyempre kailangan kapag gagawa ka ng isang project, kailangan meron ka pa ring kaba; kailangan may pressure pa rin para gagalingan mo.

    “You have to step up, di ba gano'n?

    “Di naman puwedeng masyado kang kampante—yun ang delikado.”

  7. #27
    Primetime to diba??

  8. #28
    Kris Bernal hesitant about "Kapuso Princess" tag: "Baka di ko mapanindigan."

    by Ava May Robles posted on July 12, 2013 STATS: 2375 Views | 9 Comments


    May pag-aagam-agam pa si Kris Bernal sa tawag sa kanyang "prinsesa," pero kumpiyansa siyang prinsesa siya sa puso ng kanyang mga fans.
    Photo By: Noel Orsal



    Sa kasalukuyan ay ang musical-variety show na Sunday All Stars at daytime drama anthology na Maynila muna ang pinagkakaabalahan ng Kapuso actress na si Kris Bernal.

    Si Kris ang featured artist sa Maynila for the whole month of July.

    Ngunit hindi magtatagal ay muling mapapanood si Kris sa primetime block sa pamamagitan ng upcoming drama series nila ni Aljur Abrenica na Prinsesa ng Masa.







    FIRST TITLE ROLE. Ayon kay Kris, ang Prinsesa ng Masa ang kanyang kauna-unahang title role at hindi pa raw siya makapaniwala sa pagkakataon na ito.

    “Parang gano'n, ang bigat, 'no?” pagtukoy ni Kris sa nakaatang na responsibilidad sa kanya.

    Dagdag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Di ko pa siya nararamdaman.

    “Di ko pa nararamdaman kasi parang di ko pa masabi na…

    "Di naman talaga ako ang 'prinsesa ng masa,' pero thankful ako dahil nabigay sa akin 'yon.”

    Dahil sa role niyang ito, patunay lamang na isa talaga si Kris sa mga itinuturing na "prinsesa" ng GMA-7.

    Pero aniya, “Wala pa sa isip ko 'yon, e. Di ko inisiip 'yan.

    "Pero siguro sasabihin ko na lang na prinsesa ako sa puso ng mga fans ko dahil grabe ang pag-aalaga nila sa akin; ang pagprotekta nila sa akin.

    “Pero ayokong manggaling sa akin na prinsesa talaga ako ng masa, baka di ko mapanindigan.”

    TEAM-UP WITH ALJUR. Ngayong Hulyo raw ay magiging puspusan na ang paghahanda nila ni Aljur para sa Prinsesa ng Masa.

    Sasailalim daw sila sa acting workshops na pamumunuan ng director-actress na si Laurice Guillen at ng character actor na si Pen Medina.

    Walang duda na may hatak ang team-up nila ni Aljur.

  9. #29
    Lian sasabak sa pagiging laos na dancer

    Happy si Lian Paz dahil may bagong project siya sa GMA 7, ang Prinsesa ng Masa na comeback project ng love team nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

    Nagpapasalamat si Lian dahil magkakaroon siya ng regular show na malaking tulong para sa katulad niya na single parent. Challenging ang role ni Lian sa Prinsesa ng Masa, isang laos na dancer.



    --------------------



    Prinsesa ng Masa itutuloy na

    Nakaka-ilang linggo pa lang ang Binoy Henyo, pero inihahanda na ng GMA 7 ang ipapalit na show sa time slot na bago mag-24 Oras. Kung hindi mababago ang schedule, ang Prinsesa ng Masa raw na balik-tambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang papalit sa Binoy Henyo at malapit na raw magsimula ang taping.

    Bukod kina Aljur at Kris, sina LJ Reyes at Marco Alcaraz ang nadinig naming kasama sa cast at si Dondon Santos naman ang director.

  10. #30
    Sagap Balita:

    Tapos na ang panimulang pagpupulong ng mga creative staff ng Prinsesa Ng Masa at si Kris Bernal ang hahawak ng titulo. Si Heart Evangelista naman ang gaganap na kontrabida. Sina Aljur Abrenica at Steven Silva naman ang magaagawan sa puso ng Prinsesa Ng Masa. Espesyal na paglabas lang ang gagawin nina Marian, Kylie at Carl. Sa ngayon hindi pa alam ng ating insider source kung ano ang buod ng kuwento sa Prinsesa Ng Masa...

    Admin: Alyssa

  11. #31
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    gagawing kontrabida si Heart? Ginusto niya?

  12. #32
    buti na naman ibang Heart ang makikita ... interesting ... sa liit at arte ng boses nya pano kaya? sana rin bawas bawasan tv exposure ni Heart. daily nakikita sya sa tv kasawa na rin

  13. #33
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo

    Kris Bernal finally returns to primetime drama after nine months



    Matagal nang hindi napapanood ang Kapuso young actress na si Kris Bernal sa anumang teleserye ng GMA-7.

    Kung matatandaana, ang huling ginawang teleserye ni Kris ay ang Coffee Prince na nagtapos noong November 2012.

    Pero ngayon ay sisimulan na ang matagal nang pinaplanong pagbibidahan niyang teleserye, ang Prinsesa Ng Masa.

    Noong nakaraang August 7, Miyerkules, ay nagkaroon ng formal agreement ang GMA-7 at ang Avon Philippines para sa isang partnership sa pagpo-produce ng Prinsesa Ng Masa, na magkakaroon ng premiere telecast sa September 23.

    Present sa contract-signing sina Atty. Felipe Gozon, president and CEO of GMA Network; Bob Briddon, president for Avon Philippines and Asia Pacific; at si Kris.

    Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris, sinabi nitong masayang-masaya siya dahil magkakaroon na siya ng teleserye pagkatapos ng higit na siyam na buwan.

    Matagal na raw sinabi sa kanya ang tungkol sa Prinsesa Ng Masa, pero inayos pa raw ang negotiations with Avon Philippines kunsaan magiging celebrity endorser din si Kris ng mga produkto nila.

    Sabi ni Kris, “Akala ko nga aabutin ng isang taon bago ako makapag-teleserye ulit.

    “Kasi nga naman, November pa last year ang huli kong show. Kaya napraning din ako, di ba?

    “Pero nagkaroon naman ako ng maraming time with my family. Nakapagbakasyon kami sa Europe for almost a month. Marami kaming pinasyalan na mga cities doon.

    “Pagbalik ko naman, hindi naman ako nawalan ng guestings.

    “Like sa Maynila, the whole month of July, ako ang naging bida sa mga episodes nila. Tapos dumating nga ang Sunday All Stars.

    “Kailan lang ay nanggaling ako ng Canada kunsaan nagkaroon kami ng show doon ni Aljur [Abrenica] para sa Pista Sa Nayon 2013 in Montreal.

    “First time kong makapunta roon at nagpasaya kami ng mga kababayan natin sa Montreal.”


    INSPIRATIONAL. Ikinatutuwa ni Kris na siya ang napili para maging bida sa Prinsesa Ng Masa.

    Sa mga pinagbidahang teleserye ni Kris sa Kapuso network—tulad ng Dapat Ka Bang Mahalin?, All My Life, Koreana, Time of My Life, at Hiram Na Puso—ay nagpakita siya ng kanyang versatility bilang aktres at matataas ang naging ratings ng mga ito.

    Bagay rin kay Kris ang istorya ng Prinsesa Ng Masa at inaprubahan naman agad ng GMA-7 at ng Avon Philippines.

    Sabi ni Kris, “Hindi nalalayo ang kuwento ng show sa mga nangyari sa akin noong sumali ako sa StarStruck noong 2006.

    “Maraming pagdadaanan ang character ko dito sa Prinsesa Ng Masa kaya may mga iyakan ito.

    “Pero may mga kilig moments din kasi kami ulit ni Aljur ang magtatambal.

    “May magandang aral sa story ng Prinsesa Ng Masa. Yung huwag kang susuko na maabot ang mga pangarap mo kahit na maraming hadlang.

    “Gusto naming maging inspiration ang kuwentong ito para sa maraming kabataan ngayon,” diin niya.

    Balitang makakasama rin sa cast ng Prinsesa Ng Masa si Heart Evangelista na gaganap na kontrabida niya.

    Pero ayon kay Kris, “Hindi ko pa alam ang buong cast, e.

    “Ang alam ko lang ay si Aljur. May mga nabanggit na silang ibang mga artista, pero hindi pa ako sure talaga.

    “Malalaman ko ang iba pang detalye kapag nakapag-story conference na kami.”


    >Primetime 'to, at si Heart nga ang kontrabida?? anong papalitan sa Primetime?

  14. #34
    Pierre Fauchelevent JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    Manila
    siguro tatanggalin ang mga Asianovelas sa Telebabad and ito isisingit pag natapos na ang Innocent Man.

  15. #35
    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    August 8 · Edited
    Magandang hapon po...

    Sa mga nagtatanong kung saan ginagawa ang unang kabanata ng teleserye ng Prinsesa ng Masa ngayon buwan ng Agosto ay narito ang lugar na ibinigay sa atin ng ating kaibigan:

    Sa may Mary Immaculate Children Center, Tungkong Manga, San Jose Delmonte Bulacan po ginaganap ang taping sa ampunan...

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    August 8 · Edited
    Abangan:

    Prinsesa ng Masa na kinakantampukan nina Aljur Abrenica, Kris Bernal, LJ Reyes, (Heart Evangelista), Jan Manual, Lian Paz, at Marco Alcaraz... Sa direksyon ni Dondon Santos...

    Admin: Alyssa

    ---

    Sagap Balita:

    Ayon sa ating source sa Primetime Telebabad ilalagay ang teleseryeng Prinsesa ng Masa... Ito raw ay nakatakdang pumalit sa Anna Karen Nina na ipantatapat sa kilig serye ng ABS-CBN na Got to Believe.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    August 8 · Edited
    Sagap Balita:

    Isang batang babaeng nagmula sa ampunan...
    Isang batang babaeng habang lumalaki ay dumaan sa maraming pagsubok sa buhay...
    Isang batang babaeng nagdalaga nangarap na abutin ang tagumpay sa buhay...
    Isang babaeng nagtagumpay sa isang negosyong kanyang pinalago at ibinahagi sa iba...

    Isang babaeng naging bukod tanging angat bilang Prinsesa sa Masa...

    Abangan natin siya ngayong Setyembre 23, 2013...

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    August 8
    Sagap Balita:

    Prinsesa ng Masa may nakahanda ng pamalit na pamagat...

    Ayon sa ating source alam ng GMA ang gagawin ng kabilang network para siraan ang nalalapit na teleserye ng ating prinsesa kaya naman ito'y kanilang pinaghandaan. Sa simula palang ay pinulsuhan na ng mga malikhaing tauhan ng GMA ang mga netizen na magkokomento sa pamagat na Prinsesa Ng Masa. Sari sari ang kanilang nakuhang puna tulad na si Melai Cantiveros ang unang nagmay-ari sa bansag na Prinsesa ng Masa at walang karapatang makisawsaw ang iba sa kasikatang tinatamasa nito gamit ang nasabing bansag. At kung mapapansin mayroon narin binansagan ang kabilang network na Mutya ng Masa na si Doris Birgonia, maaaring inaakala ng kabilang network na ito ang pamagat na ipapalit sa nasabing teleserye ngunit sila'y nagkamali... Mayroon narin Prinsesa ng Masa sa radyo sa pangalan na Eva Ronda mula
    MOR 101.9 For Life... Ano pa kaya ang susunod na hakbang ng kabilang network para siguraduhin hindi magagamit ng GMA ang nabanggit na pamagat?

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    August 9 via mobile
    Pitik Bulag:

    Aktres tumangging maging kontrabidang kapatid ng isang aktres sa isang malaking proyektong teleserye.

    Sino itong aktres na ayaw tanggapin ang isang alok na gumanap na kapatid na kontrabida ng isang aktres. Ayon sa aktres hindi niya gusto ang gagampanan dahil sobrang maldita ang magiging papel niya sa teleseryeng inaalok sa kanya. May hirit pa nga ang aktres na mukhang hindi bagay sa kanya ang maging kontrabida. Pero payag ang aktres na gumanap na yumaong ina sa alok na teleserye. Ngunit ang nasabing papel na ina ay naialok na sa isa pang aktres na binansagan ngayon na pinaka seksing babae sa isang babasahin. Kaagad raw tinanggap ng aktres na gumanap na yumaong nanay sa proyektong teleserye dahil raw magkamukha naman sila ng magbibidang aktres. Kaya naman hindi pa sigurado kung makukuha ng aktres ang papel na ina ng bidang aktres sa teleserye. Pero may pahabol naman daw na birit ang inaalok na aktres para tanggapin niya ang kontrabidang papel basta raw babawasan ang pagkamaldita na kanyang gagampanan sa proyektong teleserye.

    Itago nalang nating ang nasabing aktres sa salitang puso.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    Saturday via mobile
    Sagap Balita:

    Alam nyo ba na maraming aktres ang naghangad na makuha ang teleseryeng proyektong Prinsesa ng Masa?
    Ayon sa ating kaibigan nung malaman ang ulat na hindi puwede si Kris Bernal sa nasabing proyekto ay agad agad naman ginapang ng mga tagapangasiwa o tagapag-alaga ng mga ito ang nasabing proyekto. Marami sa mga ito ang ginawa ang lahat para makuha ang nasabing proyekto tulad ng pagpapababa sa talentong upa ng kanilang alaga pero hindi sila nagtagumpay.
    Si Kris Bernal talaga ang gusto ng ng pangunahing sponsor ng nabanggit na teleserye.

    Narito ang pangalan ng mga aktres na nais makuha ang proyektong Prinsesa ng Masa:

    Lauren Young, Kylie Padilla, Bianca King, Louise Delos Reyes, Jackie Rice, Heart Evangelista, Jennica Garcia, LJ Reyes at marami pang ibang baguhang aktres.

    Sina Marian Rivera at Carla Abellana lamang ang bukod tanging pinagpilian para humalili kay Kris Bernal pero nagkaroon rin ito ng problema dahil sa mga ineendorsong produkto ng mga ito na kakompentensya ng pangunahing sponsor ng nasabing proyektong teleserye.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    Saturday · Edited
    Sagap Balita:

    Puspusan na ang paghahanda nina Aljur at Kris para sa Prinsesa ng Masa.

    Kina Direk Laurice Guillen at Pen Medina daw sumasailalim sa pagsasanay ang dalawa para mahasa ang mga ito sa matinding pag-arte. Mala entablado ang dating na kinahaharap na pag-arte ng dalawa kaya naman dapat natin itong abangan mga kapuso.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    Saturday
    Sagap Balita:

    Si Solenn Heussaff ang maaaring pumalit sa karakter na unang inalok kay Heart Evangelista.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    14 hours ago via mobile
    Sagap Balita:

    Isa si Mark Herras sa pinipiling maging karibal ni Aljur Abrenica sa teleseryeng Prinsesa ng Masa.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    10 hours ago · Edited
    Alam nyo ba:

    Ang Prinsesa ng Masa ay pagtatambalan sana nina Aljur Abrenica at Sarah Labahti ngunit sa hindi inaasahan ito'y naisantabi. Ngunit muli itong binuhay ng isang prinsesa at ito'y walang iba kundi si Kris Bernal ang prinsesa ng primetime, sa tulong ng isang kumpanya ng pampaganda, pampabango at sari sari produktong pang masa.
    Unang pinagpipilian sana na makatambal ni Kris ay sina Alden Richard, Benjamin Alves at Mark Herras pero dahil sa tindi ng panawagan ng mga tagahanga nina Kris at Aljur ay muli silang pinagtambal sa malaking proyektong ito ng GMA ang Prinsesa ng Masa.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    11 hours ago · Edited
    Alam nyo ba:

    Ang proyektong Prinsesa ng Masa ay unang binalak na ibigay kay Sarah Labhati ng GMA.

    Binabalak ng GMA noon na ibigay ang nasabing teleserye sa nasabing aktres ngunit dahil sa mga insidenteng hindi inaasahan ito'y isinantabi muna ng GMA. Hanggang sa dumating ang Avon na naghahanap ng isang teleseryeng kanilang susuportahan ang produksyon.
    Nais ng Avon na pasikatin pa ang produkto nila sa tulong ng isang aktres ng GMA na may kakayahan iangat ang produktong kanilang ibinebenta sa pamilihan. Hanggang sa inilatag na ng GMA Artist Center ang mga pangalan ng mga kilalang aktres ng GMA. Sa dinami dami ng mga aktres na kanilang nakita ay bukod tanging si Kris Bernal ang nagustuhan nila dahil malapit sa pagkapinay ang kagandahan nito. Ngunit nagkaproblema ng malaman na ineendorso ng nasabing aktres ang produktong kakompetensya ng Avon sa pamilihan. Dahil sa hindi puwede si Kris ay hinintay nalang ng nasabing kumpanya na mapaso ang kontrata nito sa kakompetensyang kumpanya. At sa pagkapaso nga ng kontrata ni Kris ay natuloy narin ang nasabing proyektong Prinsesa ng Masa.

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    9 hours ago · Edited
    Pitik Bulag:

    Aktres mas nanaisin pa raw maging kontrabida sa isang reyna kaysa sa isang prinsesa.

    Sino ang aktres na ito na mas gugustuhin maging kontrabida raw sa isang primetime queen kaysa sa isang primetime princess? Ang aktres raw ay masyadong nag-aalala na makakaapekto sa kanyang kasikatan kung magiging kontrabida ito sa isang artistang hindi pa hinog sa panahon.

    Itago nalang natin siya sa pagkakilanlan kung saan ang saging lang na puno ang mayroon nito.

    Admin: Alyssa

    ---
    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    9 hours ago
    Sa mas nakakarami may isang babaeng mamumukod tanging Prinsesa sa Masa. Abangan...

    Admin: Alyssa

    ---

    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    9 hours ago
    Sagap Balita:

    Yasmien Kurdi at Mike Tan pasok sa Prinsesa ng Masa. Pero hindi pa natin alam ang kanilang karakter sa ngayon.

    Ayon rin sa atin source na maaaring makasama rin sina Mart Escudero at Rainier Castillo sa nasabing teleserye kung maagang matatapos ang pakikipagnegosasyon ng mga tagapangasiwa nito sa GMA.

    Admin: Alyssa

    ---

  16. #36
    Sybil Breezebat Exro's Avatar
    Join Date
    Aug 2011
    Location
    Black Flamingo
    so mukhang mauuna pa to kesa sa APRAB pag nagkataon?

  17. #37
    ***

    Annette, nagsisisi sa pagtulong kay Sarah

    Naitanong din namin kay Ms. Annette kung kapag naiisip niya ang mga nangyari sa pagitan nila ni Sarah,*may “shock” factor pa rin ba sa kanya?


    “Oo eh, mabait kasi ‘yun.* Ha! Ha! Ha! Tapos, okay naman kami. Ang dami kong—naging lead siya sa primetime soap. Ako pa ang nag-push na dapat, lead siya sa Prinsesa ng Masa.”


    Ang Prinsesa ng Masa ang bagong primetime series ng GMA-7 na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal na ang mga bida.


    Sabi ni Ms. Annette, “Dapat kanya ‘yun. Na-aprub na siya ron. Tapos, sa Seduction, sinasabi ko pa kay Mother (Lily Monteverde), si Sarah na lang ang ilagay niyo. Hindi ko nga maintindihan.”


    May regrets ba sa part niya?


    “Hmmm… siguro may regret kasi, bakit ganyan ang ibabalik niya or hindi ba niya na-appreciate ‘yun? Bakit nasabi niyang na-torture siya or something, ayaw pala niyang magkaroon ng movie at saka mga soap.”


    Pero, bukas pa ba ang pintuan para kay Sarah?


    “For what?” ang nakangiti niyang sabi.


    Sabi na rin niya, “Hindi kasi, magpa-file pa ko ng ibang cases. Inaayos ko pa.”


    Pero, may kasabihan na sa showbiz, no permanent friends and enemies, only interest?


    “Ako kasi, hindi ako ganun, eh.* Kasi, kapag kaibigan ko, kaibigan ko,” saad niya.


    Binigyan din namin si Ms. Annette ng senaryo na paano kung isang araw, lumapit sa kanya si Sarah at makipag-ayos na lang?


    “Kasi ako, ang gusto ko, totoong sorry,” sey lang nito.

  18. #38
    Coffee Prince [Kris Bernal and Aljur Abrenica] GMA 7
    7 hours ago via mobile
    Sagap Balita:

    Mga alipores ng ABS-CBN gumagawa ng paraan para ipaglandakan na nang-aagaw ng titulo si Kris Bernal. Pilit nilang ikinakalat na si Melai Cantiveros lang ang una at tanging idineklarang Prinsesa ng Masa.
    Ang nakakatawa lang akala ng kapamilya ang titulo ni Melai Cantiveros na Prinsesa ng Masa ang gagamitin talagang pamagat ng teleserye ni Kris Bernal.

    Admin: Alyssa

    ----

    Malapit na nating makilala ang isang prinsesa na magmumula sa mas nakakarami. Abangan dito lamang sa GMA7.

    Admin: Alyssa

    ----
    Kung ang kapamilya ay mayroong Prinsesa ng mga ordinaryong tao...
    Ang mga Kapuso naman ay mayroong Prinsesa sa mga ordinaryong tao.

    Abangan siya mga kapuso dahil malapit na natin siyang masubaybayan.

    Admin: Alyssa


    ----
    Tanong lang:

    Kung si Melai Cantiveros ang Prinsesa ng Masa bakit hindi yata siya nararamdaman? Bakit hindi siya nagkakaroon ng sariling pagbibidahang teleserye? At saka sino si Eva Ronda ng ABS CBN MOR na binabansagan din ng kapamilya na Prinsesa ng Masa?

    Admin: Alyssa

  19. #39
    Pierre Fauchelevent JeSuisBilly's Avatar
    Join Date
    Jun 2013
    Location
    Manila
    Baka ito ang papalit sa The Innocent Man?

  20. #40
    Sagap Balita:

    Aray ang sakit, hindi ko kayang tanggapin ang bago nilang planong mas mauuna pang ipalabas ang teleseryeng Genesis kaysa sa Ang Prinsesa sa Masa. Bakit dahil lang mas handa na ang Genesis o dahil pinupulsuhan na naman ninyo ang manonood kung papatok bilang kontrabida sina Jackie Rice at Kylie Padilla? Wala naman sanang ganyanan. Noon si Heart tapos umayaw, sumunod si Solenn dahil maigsi lang ang kanyang gagampanan sa teleserye niya kung saan maaga siya matsutsugi. Huwag naman ganyan pati si Kylie balak din isali. Ano ba yan? Ang tagal naman naghintay tapos wala rin pala at ililipat ng buwan na gagawing Oktubre? Noon ang sabi August dahil malaya na si Kris sa kanyang kontrata, tapos sumunod Setyembre. Ngayon naman Oktubre. Ano ba yan?

    Admin: Alyssa

Page 2 of 26 FirstFirst 1 2 3 12 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

TRAVEL:

Palawan named best island in the world

Palawan named best island in the world

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more
PBA:

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

read more
SPORTS:

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

read more
TV:

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more