PEx Highlights

PHOTOS: San Mig Cops Grand Slam

San Mig became the 5th team in PBA history to achieve a Grand Slam after escaping Rain or Shine with a hard-earned 92-89 game 5 win.

read more

REVIEW: Dawn of the Planet of the Apes

Visually stunning, haunting and compelling, Dawn of the Planet of the Apes is a must-see.

read more

Schools Brand DLSU as Team to Beat

With DLSU returning with its key performers, the team's chief rivals in the UAAP believe that the Green Archers are the team to beat.

read more

PHOTOS: UAAP Season 77 Press-Con

The UAAP gave collegiate sports fans a glimpse of what to expect in Season 77 with a press-conference. Check out scenes here!

read more

PHOTOS: PLDT Crushes Cagayan

Despite a decent effort, the PLDT Turbo Boosters crushed defending champions Cagayan in a straight-set 25-23, 25-23, 25-21 win.

read more

Top Male Celebs

Find out which handsome hunks dropped and came out on top this week!

read more

Page 12 of 19 FirstFirst ... 2 11 12 13 ... LastLast
Results 221 to 240 of 365
  1. #221
    Taping ng ng teleserye na GENESIS sa bundok ng Angono. w/ Rhian Ramos and Dingdong Dantes 7/24/2013












  2. #222
    Quote Originally Posted by solDY4ever View Post



    Mukhang Interesting ang new tv series na GENESIS na pagbibidahan ni Dingdong Dantes sa GMA Telebabad... Ito pala ang ipapalit sa timeslot na iiwanan ng malapit ng matapos na MY HUSBAND'S LOVER.

  3. #223
    Abante, Sept. 11, 2013

    Lorna, nasaktan sa pork barrel scam
    Jinggoy, pinapangiti ni Daboy

    ni Gorgy Rula

    NAG-PICTORIAL kahapon ang cast ng Genesis na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

    Nakatsikahan namin ang ilang artistang involved, pero si Rhian Ramos ay may pakiusap na sa aming huwag nang pag-usapan ang tungkol sa intrigang isnaban nila ni Marian Rivera sa taping ng Genesis nang dumalaw roon ang Kapuso Primetime Queen.

    Ayaw na ring pag-usapan pa ito ni Dingdong, dahil wala raw katotohanan.

    “Ayoko na sanang pag-usapan ‘yan eh, kasi wala namang pinagmumulan kaya medyo wala ring basehan, kaya I don’t want to talk about it,” sagot ng aktor.

    Mas excited si Dingdong sa Genesis dahil iba ito na hindi pa niya nagawa noon.

    Natutuwa siya dahil nandiyan pa rin ang magandang tandem nila ni Rhian na nagustuhan noon sa Stairway to Heaven.

    Sa October 7 na ito magsisimula sa GMA Telebabad, at dito siya ilulunsad bilang GMA Primetime King.

    ***

    Nilinaw ng mga taga-Genesis na hindi replacement si Lorna Tolentino sa role na hindi napunta noon kay Amy Austria.

    Ibang role ito at bagay na bagay sa magaling na aktres.

    Kahit malayo ang location, hindi na lang pinapansin ni Lorna dahil gusto niya ang role niya sa bagong seryeng ito.

    Napapanahon itong Genesis dahil sa pinagdadaanan ng ating bansa na may mga dumating na sakuna, pati ang ating gobyerno.

    Nalulungkot si Lorna kapag napapag-usapan ang malaking isyu ng pork barrel scam dahil malalapit na kaibigan ang nasasangkot at wala siyang magawa.

    “Masakit, kasi, may mga involved na mga matalik nating kaibigan,” pakli ni Lorna.

    “Actually, ano nga… syempre, nandu’n ka to support. I texted them... at ang sagot nila, lalo na si Sen. Jinggoy (Estrada), sabi niya, sana, nasa tabi niya si Rudy (Fernandez).”

    Nakikita namin ang kalungkutan sa mga mata ni Lorna nang sinasabi niya ito dahil hindi basta kaibigan lang ang mga nasangkot kundi malalapit na kaibigan na itinuturing na niyang pamilya.

    “Alam mo naman na sa ganitong friendship, mas kailangan nila ang pagkakaibigan na alam mo kung sino ang tatakbuhan nila na hindi bibitaw.

    “Napanaginipan ko kasi si Rudy. Napanaginipan ko siyang buhay, kaya he’s alive in us.

    “Sabi ko nga, siguro, ang meaning, na buhay siya sa ating lahat na nagmamahal sa kanya.

    “Sabi ko nga sa kanya (Jinggoy), huwag siya masyadong magpa-stress. Eh ‘pag stressed ka, hindi ka makangiti.

    “Eh ang bilin pa naman sa kanya ni Daboy na lagi siyang nakangiti kahit may problema,” kuwento ni Lorna.

    ----------------------

    So na-extend ng 1 week ang MHL since sa Oct. 7 pa ang pilot ng Genesis.

  4. #224
    Dingdong Dantes renews contract with GMA-7; acknowledged as "Kapuso Primetime King'

    by Rose Garcia posted on September 14, 2013 STATS: 133 Views | 0 Comments Text Size: A A A


    [x]Dingdong Dantes signed another five-year contract with GMA-7 earlier today, September 14. Present at the contract signing held at Manila Polo Club were GMA-7 top executives Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, Mr. Felipe L. Yalong, and Ms. Lilybeth Rasonable. Dingdong was with with his manager, Perry Lansigan.

    Photo: Courtesy of Lendl Fabella "Hail to the King! Hail to Dingdong Dantes!'

    Ito ang naging pagpapakilala kay Dingdong Dantes sa ginanap na contract signing niya sa GMA-7 kaninang umaga, September 14, sa Manila Polo Club.

    Opisyal nang natuldukan ang mga haka-haka kung mananatiling Kapuso o lilipat ng ibang network si Dingdong dahil panibangong five-year contract ang pinirmahan niya kanina sa GMA-7.

    Present sa contract signing ang top executives ng Kapuso network na sina Atty. Felipe L. Gozon, Mr. Gilberto Duavit, at Mr. Felipe L. Yalong. Ganundin sina Ms. Lilybeth Rasonable, Atty. Annette Gozon-Abrogar, Ms. Redgie Magno, at iba pa.
    Kasama naman ni Dingdong ang kanyang talent manager na si Perry Lansigan.

    FIFTEEN YEARS AND COUNTING. Sa simula ng presscon kasunod ng contract signing ay may nagtanong kung ilan taon ang pinirmahan ng aktor.

    Sagot ng COO at EVP ng Kapuso netwok na si Mr. Duavit, “Wala hong katapusan ang kontrata. Habambuhay po!”

    Dahil dito ay nagtawanan at nagpalakpakan ang mga imbitadong press at mga taga-GMA-7.

    Labinlimang taon nang Kapuso si Dingdong at madaragdagan pa ito ng panibagong limang taon.

    Hindi itinago ng kampo ni Dingdong, partikular na ng kanyang manager na si Perry Lansigan, na may offer ang ibang networks sa aktor.

    Aminado rin ang aktor na na nagdalawang-isip siya ngunit sa huli ay pinili pa rin niyang maging loyal sa Kapuso network.

    Pahayag ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Alam n'yo po, just like any other profession, sa career po nila, darating po talaga ang crossroad sa kanila.

    "A time wherein magkakaroon ng ibang opportunity. A time wherein magkakaroon ng ibang option.

    “Pero at the end of the day, lahat ng mga guiding principles, e, uuwi rin sa kung ano ang sinasabi ng puso.”

    Ano ba ang naging deciding factor niya na manatiling Kapuso pa rin?

    Sagot ng aktor, “Alam n'yo, maraming dahilan, pero para sa akin, ang pinakaimportante is throughout the years, around fifteen years, practically half of my lifetime, they were there to support me noong nag-uumpisa ako, nag-uumpisa akong mangarap.

    “Hindi ko pa alam kung ano ang magiging direksiyon ko sa buhay.

    “Noong panahon kung kailan I failed, noong mga panahon kung kailan hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila.

    "Kumbaga, they are always there to support me in fulfilling my dreams. Lahat ng pupuwede ko pang gustong gawin.

    “And that support, like what I’ve said, is beyond just being company and network and just a house to hone my talents, but I see it as a home.”

    MARIAN RIVERA. Ilang linggo bago pumirma ng kontrata sa GMA-7 si Dingdong ay ang girlfriend naman niyang si Marian Rivera ang naunang nag-renew ng kontrata sa network.

    Nakatulong din ba sa naging desisyon niya na manatiling Kapuso ang pagpirma rin muli ni Marian sa GMA-7?

    Sagot ni Dingdong, “Ever since, lahat ng desisyon, ang desisyon namin, we work separately.

    "Hindi namin binabase ang desisyon namin sa kung ano ang desisyon ng isa’t isa. So, independent po ang aming mga desisyon.”

    Marami rin ang nagulat sa five-year contract na pinirmahan ni Dingdong. Paano siya napapayag na matali sa isang network ng ganun katagal?

    Nakangiting sabi ni Dingdong, “Alam n'yo, sa totoo lang, looking back, noong pumirma ako ulit sa kanila, sa GMA, sa Executive Lounge nila, sa Boardroom nila, that was three years ago.

    "Imagine, I couldn’t believe how fast time flies.

    “And for all you know, yung five years, e, mabilis lang din ‘yan.

    “Siguro sa dami rin kasi ng workload na ibinibigay sa akin. Nandoon din sa fulfillment sa trabahong ibinibigay nila sa akin.

    "Everything, I look forward.”

    Ayon pa kay Dingdong, “pretty much the same” ang bagong kontrata niya sa GMA sa dati niyang kontrata.

    Pero natawa ang aktor nang sabihin namin na posibleng ang kaibahan ngayon ay siya na ang "highest-paid artist" ng Kapuso network.

    Sabi niya, “You know what, I wanna be politically correct by saying that I am not in the position to answer that. It’s classified.

    "Pero more than the monetary amount, more than the compensation, it’s the commitment both our hearts have and, I think, that’s for me is priceless.”

    KAPUSO PRIMETIME KING. Kanina rin sa contract signing ay opisyal nang ibinigay ng GMA-7 ang titulong "Kapuso Primetime King" kay Dingdong.

    May ilang nagsasabing "long overdue" na ang titulong ito para kay Dingdong dahil marami na siyang napatunayan kung tutuusin pagdating sa mga teleserye niya sa GMA-7.

    Pero ayon sa award-winning actor, “I wouldn’t want to say that.

    “I am more grateful... Kumbaga, siguro for all the years na nandito ako at nakatrabaho ko ang GMA, para sa akin, that’s more than enough.”

    Nagbigay rin ng pahayag ang chairman, president, at CEO ng network na si Atty. Gozon tungkol sa naturang titulo ni Dingdong.

    Aniya, “Alam n'yo, gusto ko lang din i-emphasize na magla-labinlimang taon na si Dingdong sa GMA.

    "Siguro, ito ang magpapatunay na marunong din ang GMA na gumawa ng Primetime King and also Primetime Queen—and Dingdong is the living example of that.”

    Si Marian ang itinuturing na Primetime Queen ng GMA-7.







    UPCOMING PROJECTS. Sa ginanap na contract signing din ay ipinalabas ang mga nagawa at naiambag ni Dingdong sa Kapuso network sa loob ng labinlimang taon.

    Kasunod nito ay ipinakita rin sa unang pagkakataon ang teaser ng bago niyang primetime series na magsisimulang mapanood sa unang linggo ng October, ang Genesis.

    Bukod sa Genesis, nakalatag na ba ang mga proyektong gagawin niya sa loob ng limang taon?

    Sabi ni Dingdong, “Hindi naman natin puwedeng ilagay specifically ang mga kaganapan for the next five years.

    "But siguro, the most important thing now is the commitment that we both have. My commitment to them and their commitment to me.

    “That we will collaborate in pursuing my dreams and pursuing what is best for the network.”

    Ano pa ba ang mga gusto niyang gawin?

    “Marami pa ho, kaya nga ho it’s an ongoing process.

    “Well, halimbawa po, once a year, e, magkakaroon ako ng TV special na dati naman, e, meron din.

    "Although, hindi rin nabigyan ng pagkakataon na magawa ko dahil siyempre, because probably yung nakapilang content na kailangan pang ipalabas.

    “And like what I’ve said, yung pagpunta sa GMA Pinoy TV internationally, mas magiging visible ako dun.”

    Sa panibagong kontrata ni Dingdong, may boses na rin siya kung anong mga konsepto o proyekto ang gusto niyang gawin.

    “Malaking bagay po na binibigyan nila ako ng tiwala,” sabi niya.

    Kabilang din ba rito ang pagpoprodyus at pagdidirek niyang muli?

    “Yes, yes, that’s also possible,” sagot ni Dingdong.

    Posible rin ba na may sarili siyang team na dadalhin o gagamitin sa mga proyektong gagawin niya?

    “Well, hindi na naman kailangang maging specific yun. But I come in as an entity, as me.

    "And I will also have a team behind me that will help me para makapag-collaborate sa kanila."



    > dati si Richard ang primetime king, ngayon si DINGDONG na.

  5. #225
    Sa arkitekto, sigurado! ex deo scientia's Avatar
    Join Date
    Jul 2006
    Location
    Your thoughts
    Sana may representative tayo here:

    Kapamilya vs Kapuso Amazing Race



    The network war is here to stay. Parati na lang pinagaawayan ang ratings, artista, ganda at creativeness ng shows, etcetera, etcetera.

    However, ang mismong fans ay hindi pa nailalagay sa isang competition ng talino't ganda na tulad ng ginagawa sa mga networks.

    Bago tayo magsimula sa ating Showbiz Forum Amazing Race, sign-up muna kung sino ang game!

    Copy and paste lang ang listahan ng team na gusto niyong salihan. Ichecheck ito ng Showbiz Reps natin para masigurado na walang sasali sa isang team na hindi naman dapat. PExers who are based outside the Showbiz forum are very much welcome to join

    Team Kapamilya:

    1) TanJiAe
    2) Coldfist_Ace
    3) JSmoove
    4) jin_mao
    5) sistah_yoona
    6) ScareYouOften
    7) ino_silverio
    8) genre914
    9) alvindm
    10) sqloudane
    11) nashmoor
    12) KoolKatz

    Team Kapuso

    1) marianpatricia
    2) ylle45
    3) DeeCenDee
    4) vizayanfan88
    5) Yooweh
    6) maputik
    7) Strider07
    8) superyuukio

    If one team has more members from the other team, we will take out some players from the opposing team to make it fair

    -----------------

    Details:

    - Ang objective ng ganap na ito ay mauna sa finish line! Your team can achieve this by having the least amount of time throughout the race.
    - There will be different tasks in each location. Your team will clock a shorter time of completion depending on how well the task is done

    ----------------

    Pins and Prizes await to those who will join!

  6. #226
    Quote Originally Posted by ipopi View Post
    Abante, Sept. 11, 2013

    Lorna, nasaktan sa pork barrel scam
    Jinggoy, pinapangiti ni Daboy

    ni Gorgy Rula

    NAG-PICTORIAL kahapon ang cast ng Genesis na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

    Nakatsikahan namin ang ilang artistang involved, pero si Rhian Ramos ay may pakiusap na sa aming huwag nang pag-usapan ang tungkol sa intrigang isnaban nila ni Marian Rivera sa taping ng Genesis nang dumalaw roon ang Kapuso Primetime Queen.

    Ayaw na ring pag-usapan pa ito ni Dingdong, dahil wala raw katotohanan.

    “Ayoko na sanang pag-usapan ‘yan eh, kasi wala namang pinagmumulan kaya medyo wala ring basehan, kaya I don’t want to talk about it,” sagot ng aktor.

    Mas excited si Dingdong sa Genesis dahil iba ito na hindi pa niya nagawa noon.

    Natutuwa siya dahil nandiyan pa rin ang magandang tandem nila ni Rhian na nagustuhan noon sa Stairway to Heaven.

    Sa October 7 na ito magsisimula sa GMA Telebabad, at dito siya ilulunsad bilang GMA Primetime King.

    ***

    Nilinaw ng mga taga-Genesis na hindi replacement si Lorna Tolentino sa role na hindi napunta noon kay Amy Austria.

    Ibang role ito at bagay na bagay sa magaling na aktres.

    Kahit malayo ang location, hindi na lang pinapansin ni Lorna dahil gusto niya ang role niya sa bagong seryeng ito.

    Napapanahon itong Genesis dahil sa pinagdadaanan ng ating bansa na may mga dumating na sakuna, pati ang ating gobyerno.

    Nalulungkot si Lorna kapag napapag-usapan ang malaking isyu ng pork barrel scam dahil malalapit na kaibigan ang nasasangkot at wala siyang magawa.

    “Masakit, kasi, may mga involved na mga matalik nating kaibigan,” pakli ni Lorna.

    “Actually, ano nga… syempre, nandu’n ka to support. I texted them... at ang sagot nila, lalo na si Sen. Jinggoy (Estrada), sabi niya, sana, nasa tabi niya si Rudy (Fernandez).”

    Nakikita namin ang kalungkutan sa mga mata ni Lorna nang sinasabi niya ito dahil hindi basta kaibigan lang ang mga nasangkot kundi malalapit na kaibigan na itinuturing na niyang pamilya.

    “Alam mo naman na sa ganitong friendship, mas kailangan nila ang pagkakaibigan na alam mo kung sino ang tatakbuhan nila na hindi bibitaw.

    “Napanaginipan ko kasi si Rudy. Napanaginipan ko siyang buhay, kaya he’s alive in us.

    “Sabi ko nga, siguro, ang meaning, na buhay siya sa ating lahat na nagmamahal sa kanya.

    “Sabi ko nga sa kanya (Jinggoy), huwag siya masyadong magpa-stress. Eh ‘pag stressed ka, hindi ka makangiti.

    “Eh ang bilin pa naman sa kanya ni Daboy na lagi siyang nakangiti kahit may problema,” kuwento ni Lorna.

    ----------------------

    So na-extend ng 1 week ang MHL since sa Oct. 7 pa ang pilot ng Genesis.
    Congratulations, he deserves the title now that Richard Gutierrez is out of the picture. Plus, him and Marian are the King and Queen of GMA Royalties. Pero I hope they would create titles for all Telebabad stars like what they did with Lovie Poe. Especially foe Dennis Trillo, Carla Abellana and Tom Rodriguez.

  7. #227
    DD should prove himself. Whatever can be said about rechard, his downfall and current out of favor status.

    Sa history ng GMA7 si rechard ang isa sa naging haligi ng GMA7. So DD should prove that he has what is takes to deserved that title.

  8. #228


    Dingdong Dantes
    PSG! in #genesis Soon on GMA Telebabad






    Dingdong Dantes and Rhian Ramos #genesis pictorial .. Bagay silang dalawa..



    Dingdong Dantes
    SOON on GMA Telebabad #Genesis

  9. #229
    Dingdong Dantes #genesis pictorial Soon on GMA Telebabad














    Dingdong Dantes #genesis pictorial Soon on GMA Telebabad

  10. #230
    Quote Originally Posted by TBEEEPatrol View Post
    DD should prove himself. Whatever can be said about rechard, his downfall and current out of favor status.

    Sa history ng GMA7 si rechard ang isa sa naging haligi ng GMA7. So DD should prove that he has what is takes to deserved that title.
    sa opinion ko naman, yung burden ni dd ngayon ay mapabango ang tronong sinira ni chard. his camp's hubris and the scandals they brought upon the network even turned people off of gma. he was "king" who lived down to his title, and kind of left that title without much esteem.

    sans title, dd's half of the dongyan who brought in audiences, not just in pinas, but abroad. and apart from dongyan projects, dd headlined shows like sth (also a hit abroad) and pahiram that got commendations internationally (one of which even got him nominated for asian tv). while the network had to go through all sorts of damage control to buoy richard, dd had been a great steward of the kapuso brand (again, even getting international citations, and winning awards which the network takes credit for too what with their "we are proud of you, kapuso!" congratulatory plugs). it's no surprise they officially made him international ambassador of gma as of his contract renewal. hindi nga lang sa channel eh, pati gma films, nakatulong agostodos ni dd sa pag-angat nun kahit papano. dd's tiktik actually helped buoy the suffering film arm (vs rgutz's patient x), making it the ONLY gma films release of that year to make the top 10 highest grossing of 2012 (and now tiktik too made the shortlist along with steelbars for pinas' entry for the oscars).

    and yes, now dd has a challenge to bring back the lost esteem to being dubbed primetime king. and yes, it's a tall order.

  11. #231
    some genesis scenes

    (@ 2:29 mark)


    (@ 3:08 mark)

  12. #232
    Makakasama rin pala ni Dingdong Dantes sina Rhian Ramos, Lorna Tolentino , TJ Trinidad, Betong at marami pang iba sa GMA Telebabad na GENESIS na ipapalit sa timeslot na iiwanan ng malapit ng matapos na My Husband's Lover...

  13. #233
    Excited na ang lahat sa Genesis! Starring the Primetime King
    Dingdong Dantes! 10.07.13





  14. #234


    Rhian Ramos and Direk Joyce Bernal @ Genesis Taping

    Silipin ang bagong aabangang Kapuso primetime series ni Dingdong Dantes, ang 'Genesis'


    Sa darating na Oktubre, magbabalik na sa primetime block ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa action-drama series na tiyak na magpapaangat sa diwa ng mga Pilipino, ang "Genesis."

    Kwento ng aktor, gagampanan niya sa serye ang karakter ni Isaak, security detail ng isang mataas na opisyal ng gobyerno, nationalistic, at very idealistic.

    Ngunit mahaharap siya sa malaking pagsubok dahil sa isang krimen na ibibintang sa kanya na hindi naman niya ginawa. Kasunod nito ang magaganap na trahedya at ang mahalagang tungkulin na kaniyang gagampanan para sagipin ang buhay ng mga tao.

    Ayon kay Dingdong, ang "Genesis" na ang maituturing niyang pinakamalaking proyekto sa telebisyon na ginamitan din ng mga special effect.

    "Expect a show that will give you daily visual feast, that will uplift the Filipino spirit in terms of hope. Expect love, a story of a strong family. Basically it's a drama about hope and love," ayon sa Kapuso Primetime King.

    Makakasama ni Dingdong sa "Genesis" sina Rhian Ramos at ang batikang aktres na si Ms Lorna Tolentino. -- FRJ, GMA News
    Last edited by Sharp85; Sep 22, 2013 at 07:30 AM.

  15. #235
    Genesis GMA7
    Abangan ang Primetime King na si Dingdong Dantes sa #Genesis. Have a sneak peek.Showing on October 7 sa GMA Telebabad!

    Dingdong Dantes in Genesis



    GMA Network: GENESIS (Dingdong Dantes and Rhian Ramos) with Lorna Tolentino and TJ Trinidad





    GENESIS - October 7, 2013



    On Oct. 7, the network presents Genesis, an original and groundbreaking series that aims to change the landscape of primetime TV.

    The drama, sci-fi and action series is topbilled by no less than Kapuso primetime king Dingdong Dantes. He portrays the role of Isaak Salvacion, a morally upright security detail of the Vice President of the Philippines (Robert Arevalo) whose daughter is played by Lorna Tolentino as Sandra Sebastian. Rhian Ramos joins the cast as Raquel, Dingdong’s childhood sweetheart.

    Genesis is directed by Bb. Joyce Bernal and Mark Reyes. Playing equally vital roles are TJ Trinidad and Jackielou Blanco. Completing the cast are Betong Sumaya, Ronnie Henares, Carlo Gonzales, Luanne Dy, Rainier Gison, Anette Samin, Sasha Patrice Baldoza and Irma Adlawan.
    GMA breaks new grounds with innovative shows

    (The Philippine Star)

    Genesis taping with the most good-looking man & sexiest in the world.

    dongdantes
    @gorgyrula hahahaha! salamat sa pagbisita. Ingat pabalik ng manila



    ]Genesis GMA7
    Be the first to know more about GMA's upcoming primetime series #Genesis starring Primetime King Dingdong Dantes. Follow the show's official Twitter @GenesisGMA7 and its Facebook Fan Page Genesis GMA7




  16. #236
    pinakita na yung character plug ni Dingdon Dantes kanina

  17. #237
    Quote Originally Posted by Exro View Post
    pinakita na yung character plug ni Dingdon Dantes kanina
    nakita ko yung upload nito.

    maglalabas ng plug para kay ISAAK pero ginamit na picture, si kenneth ng ihup. if gma's promo pipol actually cared enough to have their pulse on goings on, they should know it's also been used recently in a very well circulated fanart for dd's upcoming movie with star cinema.



    nagkaroon ng pictorial ang genesis, kaya di ko gets ganitong katamaran/katipiran/carelessness sa plugs. their press releases on the show promise to serve up something different, but their plugs say FAAAR from it. (yung teaser pa lang, parang di pinag-isipan eh. at recycled din music at text animation na ginamit )

  18. #238

  19. #239

  20. #240

Page 12 of 19 FirstFirst ... 2 11 12 13 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

read more
UAAP:

Who are the overrated and underrated players in UAAP basketball?

Who are the overrated and underrated players in UAAP basketball?

read more
SHOWBIZ:

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

read more
SPORTS

Germany massacres hosts Brazil 7-1, advances to FIFA World Cup Final

Germany massacres hosts Brazil 7-1, advances to FIFA World Cup Final

read more
TV:

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

read more
SPORTS:

PLDT crushes Cagayan Rising Suns in straight sets 25-23, 25-23, 25-21 in Shakey's V-League

PLDT crushes Cagayan Rising Suns in straight sets 25-23, 25-23, 25-21 in Shakey's V-League

read more