Napag-alaman ng ilang press na itong Juan dela Cruz ay dapat ipapasok sa 2012 Metro Manila Film Festival pero pinull out ng ABS-CBN para gawing teleserye. Ito ang paliwanag ni Sir Deo Edrinal tungkol sa isyu na ito.

Business unit head Deo Endrinal: "Noong pinaplano po siya marami nang chapter ang ginawa ng mga creators, pinaplano sana siyang gawin bilang pelikula, kaya sinubmit siya sa screenplay for the 2012 Metro Manila Film Festival. Pero bago yung judgement nung actual na pelikulang mga kasali sa MMFF, pinull out namin siya dahil napag desisyunan ng ABS-CBN na lagyan ng mas maraming edge, it will be shown in television first. Then we’re planning to submit yung chapter 2 sa MMFF 2013 at si Coco pa rin ang bida. Kung papalaring tanggapin ng MMFF, that’s the plan.”