May pagkain ba kayong nami-miss gaya ng duhat, siniguwelas, letsugas (native lettuce, hindi yung Baguio) at salagubang?
Ako nami-miss ko talaga yung BULI. Kasing-laki ng holen na ang laman ay parang sago. Ang sarap kaya lang mahirap ding buksan.

Alaska beat Ginebra 104-80 in game 3, sweeping the series and bagging the Commissioner's Cup title.
read more
Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreMay pagkain ba kayong nami-miss gaya ng duhat, siniguwelas, letsugas (native lettuce, hindi yung Baguio) at salagubang?
Ako nami-miss ko talaga yung BULI. Kasing-laki ng holen na ang laman ay parang sago. Ang sarap kaya lang mahirap ding buksan.
Bakit may OMG pa? Contest ba ito ng mga thread?
Anyway, eto pa ang mai-share ko....
TUGI - root crop ito na parang hybrid ng gabi at kamote. Masarap itong nilaga pero mas masarap pag isinama sa ginatan. Sa Rizal province lang (yata) meron nito.
ANONAS - another Rizal province product. Atis na kakaiba ang balat.
MABOLO - balahibuhin ang balat. Ang laman ay malambot at medyo may pakla ng konti.
Yung maliit na prutas parang mansanas. Mansanitas ata tawag sa min wala na kong makita.
makopa yong maliit na parang mansanas
marami pa naman ang tugi, hindi lang popular
ano yong native na lettuce?
Alugbati - madalas to nilalagay sa monggo, para kasing wala nito dito sa luzon.
balaigang. parang duhat na kakaibang asim ang lasa. sa camsur lang yata mahahanap
iyung prutas na kung tawagin ay suso ng kalabaw
may prutas na maasim at ang ginawa namin at nilalamog siya. pinagugulong sa palad hanggang malamog siya. doon siya tatamis. ang hugis niya ay parang cherries
May makopa at alugbati pa. Meron kaming puno ng balimbing, hindi na kilala ng iba kong pamangkin.
Bignay yata yung sinsabi mong mala cherries ang itzura.
Yung suso ng kalabaw wala na nga nun.
kaimito din,bihira ka ng makakita sa palengke.
Yung apulid,na hinuhukay sa mga natuyong palaisdaan,masarap din yun.
Tungo,na kasing korte ng ube pero puti sya.Marami nun sa may malapit sa palayan.
Nung 70's ang bayan kong sinilangan,probinsyang probinsya pa ngayon nawala ng mga puno.
chesas din halos wala na.
chico
Kamatsile
^ May tanim na chico at kaimito yung auntie ko. Daming bunga at nasisira lang. Ayaw naman ibenta.
Yung apulid ba yung maitim yung balat tapos puti ang laman lasang kamote?
paborito ko ang apulid nung bata ako.tapos yung buto ng kamatsile,pag natanggal mo yung outermost layer ng seed coat,without exposing the cotyledons, suswertehin ka daw. kakatawa
![]()
arateris at kaimeto. meron kami dati sa likod ng bahay sa cubao, pero salamat sa progresso, naging apartment na yung likod ng bahay namin.
Excusamente po. ARATILIS at KAIMITO yun. Marami pang kaimito ngayon kahit sa palengke. Yung aratilis ang nangongonti kasi ligaw na puno lang yun.
MCCALL, dati meron sa palengke ng SUSONG KALABAW. Kulay red yun at balahibuhin ang balat na parang leather. Ligaw na puno (plant actually) yun. Ang isang contemporary nun ay SUSONG DALAGA - parang mini passion fruit. May nakita ako dati sa subdivision namin at namitas ako. Now ay meron akong tanim niyan. Vine yan.
NEO, ang kamatsile sa Bulacan ay pinapang-sigang sa isda. Mapakla nga. And speaking of Bulacan, meron sila dyang SAYKAN. Parang herb na substitute sa dahon ng ampalaya.
PS. Salamat sa mga nag-share. At least marami tayong natututuhan sa ating culture.
Pag may family reunion noong cute boy pa ako ay laging may dalang KAMATSILE ang pinsan kong taga Norzagaray, Bulacan. Ang gagawin naman ng mga lolo ko ay magpapa-contest sa pagtalop ng kamatsile. BALOK ang tawag dun sa soft coating ng cotyledon na sinasabi mo, TTJ. So kailangan tanggalin mo yung black na outer cover na akala mo plastic at dapat walang sugat ang balok.
Lagi naman akong talo at yung kuya ko ang laging panalo.
lahat ng sinabi nyo, marami pa mga yan, kanya kanyang tawag/term per province!!!!!