PEx Highlights

UAAP Basketball Power Rankings: Week 7

With wins over UST and DLSU, the past week in UAAP can be summed up in three letters: FEU. Check out this week's power rankings here!

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

PHOTOS: Daquis Bags V-League MVP Plum

Wonder who won the other awards? Check out the Shakey's V-League Awarding gallery here!

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter!

Catch our latest updates on Twitter! Follow us, @pinoyexchange

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

PHOTOS: FEU Tamaraws Claim Top Seed

Mike Tolomia's late-game heroics helped FEU get sole possession of the number 1 seed, after a 74-70 victory over La Salle.

read more

Page 1 of 252 1 2 11 51 101 ... LastLast
Results 1 to 20 of 5037
  1. #1

    RAFYAN ❤ Shippers: Rafael Rosell & Marian Rivera (Home of NigeLine) #1

    First Thread of RAFAEL and MARIAN

    NIGEL ARMADA AND ANGELINE GONZALES OF TEMPTATION OF WIFE REMAKE

    We all know Marian Rivera as the Primetime Queen of Kapuso Network. And of course her new Leading Man in Temptation of Wife Remake RafaeL Rosell as the newest Kapuso Hunk.

    Marian Rivera

    Marian Rivera (born Marian Gracia Rivera on August 12, 1984 in Madrid, Spain) is a Filipina commercial model and actress, known for her roles in Marimar, Dyesebel, Darna, and Amaya. As a recording artist, Rivera has released two studio albums: the platinum hits Marian Rivera Dance Hits and Retro Crazy. She has also starred in movies that have grossed more than PHP100 million at the box-office such as: My Bestfriend's Girlfriend,You to Me Are Everything,and Panday 2.

    And now another character that Marian's tackle are Angeline Gonzales and Chantal Gonzales in Temptation of Wife Remake...





    Last edited by ella_frell16; Jan 6, 2013 at 03:29 AM.

  2. #2
    RAFAEL ROSELL

    Rafael Quimpo Rosell IV, born 10 November 1982 in Norway, is a Filipino actor. Rosell is best known for playing Brandon Brazil on the ABS-CBN romance drama Midnight Phantom, Marco De Silva in Kristine, and as Mayor Edson Zaguirre in Dahil Sa Pag-Ibig. He is a talent of ABS-CBN and is managed under Star Magic, but only until August 2012 as his contracts expires, has decided to move to rival GMA Network to become an exclusive talent.

    RafaeL moved to GMA Network this year because he wants a change in his career...










  3. #3
    Rafael Rosell on Marian Rivera: 'Wala akong nakikita na sinasabi nilang ganung klaseng traits

    Matapos lumipat sa Kapuso network, abala na ngayon si Rafael Rosell sa kanyang unang malaking proyekto sa GMA-7—ang upcoming primetime series na Temptation of Wife.

    Ang Temptation of Wife ay ang Filipino adaptation ng Korean drama series na napanood din sa Kapuso network noong 2011.

    Makakasama ni Rafael sa show sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro, at Marian Rivera.

    Dito ay gaganap si Rafael bilang si Nigel, na sa paglalarawan ng aktor ay "superman without superpowers" sa istorya.

    Siya ang magiging love interest ng karakter ni Marian na si Angeline, matapos makipaghiwalay nito sa asawang si Marcel (Dennis).

    Sabi pa ni Rafael, "Yung puso ni Superman, nandoon—maalaga, may pagka-savior syndrome siya towards sa character ni Marian, tapos very strong and outgoing... he never gives up."

    Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rafael sa taping ng Temptation of Wife nitong Lunes, Oktubre 15, sa Christ the King Church sa E. Rodriguez, Quezon City.

    SOMETHING NEW. Inamin ni Rafael na hindi ito ang tipo ng karakter na gustung-gusto niyang ginagampanan noon.

    Gayunman, ang kagustuhan niyang makaranas ng mga bagong bagay sa kanyang career ang nag-udyok upang tanggapin niya ang role na ito.

    "It's been done so many times na kasi, di ba?

    "It's been done so many times, na feeling ko, kailangan ko lagi ng pagbabago ng interpretation.

    "So ngayon, I'm taking that opportunity para bigyan ng bagong interpretation ang association natin with knight in shining armor," saad ng bagong Kapuso actor.

    NEW LOVETEAM. Bukod sa bagong role, bago rin ang makakapareha ni Rafael sa proyektong ito—ang tinaguriang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

    Noong nasa ABS-CBN pa si Rafael ay madalas siyang maipareha kay Denise Laurel, na ngayon ay katambal ni Martin del Rosario sa afternoon drama series na Pintada.

    Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ng aktor tungkol dito.

    Aniya, "Para sa akin, work is still work.

    "Pero siyempre, iba rin yung foundation namin ni Denise, e.

    "Ang tagal na naming nagkakatrabaho, siyempre mas kabisado na namin ang isa't isa.

    "So, feeling ko, we're starting all over again, which is para sa akin could be an advantage and disadvantage.

    "Yung nakikita ko lang kasing disadvantage is working with a new person.

    "Another advantage is it's a whole new journey, may bago akong makikilala, may bago kaming puwede i-explore when it comes to chemistry with characters and a new working relationship."

    STORIES ABOUT MARIAN. Inamin ni Rafael na bago niya makilala si Marian ay marami siyang negatibong balita na naririnig tungkol sa aktres.

    Pero hindi niya raw ito kaagad pinaniwalaan. Siya raw kasi ang tipo ng tao na hindi maniniwala hangga't hindi niya nakikilala nang personal ang isang tao

    Ngayong nakatrabaho na niya si Marian, sabi ni Rafael, "Wala akong nakikita na sinasabi nilang ganung klaseng traits, e.

    "So I'm more than excited, kasi sa umpisa, kinakabahan ako dahil ang sabi nila na may attitude or something.

    "Pero parang sa akin, sa experience ko, parang walang ganyan. Kaya hindi ako naniniwala doon.

    "So for that, I'm actually more excited to know the real person behind all these interpretations."

    Sina Rafael at Marian ay parehong hawak ng talent manager na si Popoy Caritativo.

  4. #4
    Rafael Rosell on working with Marian Rivera: "I’ll just do my job and keep my hands off—for now."



    Muling nilinaw ni Rafael Rosell na maayos ang naging pamamaalam niya sa ABS-CBN bago siya lumipat sa bakuran ng GMA-7.

    “Sobrang ayos,” sabi ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

    Kaya wala siyang kasamaan ng loob doon?

    “Wala, wala... puwede pa ring banggitin yung pangalan ko sa Dos!” sabay tawa ni Rafael.

    “Hindi naman tipong... wala namang isyu.

    “Nagpaalam naman ako nang maayos kay Miss Cory [Vidanes, ABS-CBN channel head], naka-ilang meetings din po kami.”

    Ano ang reason na ibinigay niya sa ABS-CBN?

    “Yung totoo. Wala naman akong itinatago sa kanya, e.

    “Sabi ko sa kanya na, ‘Miss Cory, I’m looking for change.’

    “At sabi niya, ‘Sige, ano ang puwede kong i-provide para makuha mo yung change na gusto mo?’

    “Sabi niya, ‘Sino bang staff ang gusto mo?’ ganyan-ganyan... ‘We’ll create the environment.’

    “Sabi ko ‘Hindi yun, Miss Cory, e.’

    “Ang gusto ko lang kasi... Paano ko madya-judge kung gaano kalakas ang intensity ng isang network kung hindi ko pa nakikita ang network, di ba?

    “So porke pinalitan mo yung posisyon ng kama mo sa kuwarto, hindi naman ibig sabihin, hindi ka happy sa dating posisyon ng kama mo.

    “Matutulog ka pa rin pero gusto mo lang ng pagbabago, di ba?” saad niya.

    Hindi ba siya nagsisisi sa naging desisyon niya?

    “Hindi ako nagsisisi,” mariing sagot ni Rafael.

    MARIAN RIVERA. Sa una niyang teleserye sa GMA-7 ay ang Primetime Queen ng Kapuso network na si Marian Rivera kaagad ang ibinigay na kapareha niya sa Temptation Of Wife.

    Aminado ang dating Kapamilya na may nerbiyos siyang nadama.

    “Sobrang ninerbiyos... sobra-sobrang ninerbiyos!

    “Nakita ko na siyang umarte dati, nakita ko na siyang magtrabaho—she’s very professional.”

    Hindi kaya siya ma-tempt, na kahit may boyfriend na si Marian ay ma-in love siya rito?

    “Well, I’m not the one with a partner—baka siya ang ma-tempt!

    “Hindi... joke lang,” natatawang sabi ni Rafael.

    Dagdag niya, “Kumbaga, hindi ako mate-tempt. If ever, ako ang magte-tempt, di ba?”

    Wala raw kasing karelasyon si Rafael ngayon.

    “So, yung temptation, wala sa akin—ako ang magte-tempt.”

    Sa ganda ni Marian, wala ba siyang kaba na baka ma-in love siya dito, kahit may Dingdong Dantes na ang aktres?

    Sabi ni Rafael, “Actually, wala pang warning sa akin na nandiyan si Dingdong Dantes.

    “Of course, I respect the guy, I respect naman, so I’ll just do my job and keep my hands off—for now.”

    Kung walang boyfriend si Marian…

    NO GIRLFRIEND. Wala ba siyang nililigawan ngayon?

    “Hindi na uso ang ligawan, e, 2012 na.

    “I go out on dates but I don’t commit.

    "Showbiz and non-showbiz—I go out with friends.

    “Ang pinaka-close na friend ko, si Jaycee Parker, taga-Viva Hot Babes.”

    Pero hindi sila magkarelasyon?

    “Hindi, hindi. Kapatid ko yun, e! Sobrang kapatid ko yun kaya.”

    Paano sila naging close?

    “Dati pa, e. Isa siya sa mga unang nakilala ko dito sa Pilipinas nung lumipat ako dito [from Norway].

    “At back then, parang kailangan niya ng tulong, tumulong ako.

    “Tapos never kong binanggit ulit.

    "Tapos, ever since then, parang mapagbigay siya... kumbaga, sa friendship sa food, sa support...

    “Every time napapanood niya ako sa TV, parang, ‘Kuya, ang galing mo, astig!’

    “So, parang iyon. Nag-uusap kami lagi.

    "Pero when it came to her problems with her relationship, never na binanggit sa akin.”

    Si Jaycee ay dating karelasyon ng former Streeboys member na si Danilo Barrios.





    HONESTY POLICY. Ilang taon ang kontrata niya sa GMA-7?

    “Three years kay Popoy [Caritativo]. It’s more of an honesty policy, I think.

    “Ako rin, e. Pati sa... I think sa friendship, you don’t strangle your friend.

    “If your friend loves you, he will stay and be your friend, di ba?

    “The same way na yung Luminary Management, hindi ako sinasakal...

    “Or I’m free to do whatever, by loving them.

    “I don’t think I’m going anywhere else, e. Hindi na kailangan ng kontrata para i-bind iyon.”

    Ang Luminary ang talent management na pinamamahalaan ni Popoy Caritativo. Kabilang sa talents dito ay sina Marian Rivera at Dennis Trillo, na parehong kasama ni Rafael sa Temptation of Wife.

    Ang TV5 ba ay hindi nag-offer kay Rafael?

    Sabi niya, “Dahil yung kontrata ko sa ABS at Star Magic nag-lapse yun pareho at the same time, so yung unang hinanap ko, manager siyempre.”





    INSTRUMENTAL. Si Kris Aquino ang naging instrumento kaya napunta si Rafael kay Popoy. Magkaibigan sina Kris at Popoy.

    Kuwento ni Rafael, “Dahil binanggit na ni Miss Kris sa akin dati na.

    “Sabi niya, ‘Si Popoy is interested in managing you, just in case in the future...’ ganyan-ganyan.

    “E, the future came, so siya yung unang naisip ko at kinontak ko.”

    Kilala na ba ni Rafael si Popoy dati?

    “I’ve seen him and 'hi-hello,' pero yung closeness, wala pa naman dati.”

    Kaya hindi na nagkaroon ng chance ang Singko na kunin siya?

    “No, dahil dumiretso na kami ni Popoy sa GMA, e.

    “At nandito na tayo sa Tempation of Wife, ladies and gentlemen!” ang tumatawang sabi ni Rafael.

    Hindi ba nababagalan si Rafael sa career niya?

    “Para sa akin, hindi naman kasi ako nagmamadali, e.

    “Dahil ako kasi, more in terms of perspective.

    “If I’m after to become the most popular person para makapag-run ako ng Presidente, I don’t think my career is the ideal vehicle for that.

    “Pero if my intention is to have fun and enjoy and experience the industry from all types of angles, then I think I have the best life!”

  5. #5
    Post lang kayo dito para sa newest favorite TV Couple natin.

    Bagay na bagay talaga ang NIGELINE para sa isa't-isa...

    Isang Maganda at Gwapo

    Pareho Mabait

    At Mapagmahal sa Pamilya...

  6. #6
    Rafael Rosell, hanga sa kagandahan ni Marian Rivera sa Temptation of Wife

    http://youtu.be/f-KJXyCyc8g


    Excited na nagkwento ang Kapuso hunk na si Rafael Rosell sa mga bagong mangyayari sa GMA-7 primetime soap na Temptation of Wife. Dapat din umanong abangan ang transformation ni "Angeline" bilang si "Shantal" na karakter na ginagampanan ni Marian Rivera.

    Matapos ang holiday vacation sa Cebu, sumabak na muli si Rafael sa taping ng Temptation of Wife kung saan kasama niya sina Marian, Dennis Trillo at Glaiza de Castro.

    Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, inamin ni Rafael na kamuntik na siyang hindi makaabot sa taping dahil kamuntik na siyang maiwan ng eroplanong sasakyan niya patungong Maynila mula sa Cebu.

    "Mahirap din iwanan ang pamilya, mahirap iwanan yung mga family bonding (sa Cebu). Kaya as much as possible sinubukan kong i-extend yung time ko with them bago ako bumalik sa taping," kwento ng binata.

    Tungkol sa Temptation of Wife, sinabi ni Rafael na ibang klase ang magiging pagbabago ng karakter ni Marian na mula sa inaaping si "Angeline" ay magiging palaban at kaakit-akit na si "Shantal."

    "Kapag nakita niyo yung transformation ni Shantal it's difficult not to get attracted to her. A whole new look of Marian... sobrang ganda niya talaga," paglalarawan ng aktor.

    Masaya raw si Rafael sa mga ibinibigay na oportunidad sa kanya ng kanyang bagong home network kaya naman tuloy din lang ang adventure.

    At kung loveless si Rafael noong 2012, sinabi nito na maraming maaaring mangyari sa 2013 at posibleng makasama rin dito ang kanyang love life.

  7. #7
    Rafael Rosell on Being the New Leading Man of Marian Rivera: ‘Kung pwede lang akong tumambling ngayon gagawin ko e.



    In an interview after his contract signing with GMA-7, new kapuso Rafael Rosell shared how excited he is to be working with Kapuso stars, most especially Marian Rivera who will be his leading lady in the Philippine remake of the Korean series “Temptation of Wife.”

    “Kung pwede lang akong tumambling ngayon gagawin ko e (laughs). Ganun ako ka-excited. It’s a new journey, new people to work with, new atmosphere. Para sa akin change is good; it will help you develop more as a person not just as an actor. Mas mag-eexpand yung experience ko dito,” said the model-actor.
    He candidly shared his initial impression of Marian. “To be honest, I’ve heard a lot of rumors about her – both positive and negative – pero sa akin kasi until makausap ko talaga yung tao hindi ako naniniwala. Pero nung nakasama ko siya doon ko nakita that she’s a very nice person, she’s nothing like what people are saying. Para sa akin, first-hand experience is what matters,” he said.

    Rafael did not expect that upon his transfer to GMA-7, he will immediately venture into primetime with GMA’s Primetime Queen.
    “Sobrang honored talaga ako kasi hindi ko naman inexpect na yun kaagad ang ibibigay sa akin ng GMA pagdating ko dito,” said Rafael.
    Rafael said that working in a new network feels like joining show business once again.
    “Tulad nga ng sinabi ko sa mga kaibigan ko, para akong nag-uumpisang mag-artista ulit. Naaalala ko yung unang punta ko dito sa Pilipinas, I was so excited, I was inspired, ganon na ganon ang nararamdaman ko ngayon kaya sobrang excited po ako,” he said.
    Since the expiration of his contract with ABS-CBN’s Star Magic, Rafael’s career has been managed by Popoy Caritativo who is also the manager of Marian Rivera and Dennis Trillo.
    “Matagal ko na rin kasing naririnig sa mga friends ko sa industriya na interesado si Popoy na mag-manage sa akin and so nung mag-expire yung contract ko with Star Magic, siya ang unang naisip ko. Nag-meeting kami at wala naman kaming naging problema sa terms and conditions namin, at OK yung rapport namin, and so siya na,” shared Rafael.
    Before working on “Temptation of Wife,” Rafael Rosell taped two episodes of Chef Boy Logro’s “Kusina Master” and he will also appear in the first week of the upcoming primetime fantasy series, “Aso ni San Roque.”
    “Sa ‘Aso ni San Roque’ first time ko pong makatrabaho ang isang hayop (aso) and doon ko na-realize na after midnight, kahit tao pa man o hayop talagang hindi na nakakasunod sa mga direction and command,” he quipped.

  8. #8
    RafaeL and Marian PICS:






  9. #9

  10. #10
    Armada FamiLy:




    ChantaL, NigeL, Yolanda.

  11. #11
    NIGELINE PICS:


    Ang sungit naman nila tignan dito, pero syemre Maganda at Gwapo pa rin...


    Promo pics pa lang nila ito, pero bagay na bagay na sila...


    Knight In Shining Armor ni AngeLine.


    AngeLine and NigeL

  12. #12
    NIGELINE Dance:









    Titigan pa lang nakaka-kilig na. Nakakatunaw ang mga tingin ni NigeL parang hinihigop lang si AngeLine para mapalapit sa kanya...

  13. #13

    Ang nakaka-tunaw na mga titig ni NigeL. Ang sarap maging AngeLine...



    Ang almost KISS ni NigeL kay AngeLine, sayang nakatulog na si AngeLine...

  14. #14
    NigeL and AngeLine Promo Shoot:







    Umpisa pa lang bagay na bagay na...

  15. #15
    Behind The Scenes of NigeLine:





    Hindi lang chemistry at KILIG ang meron sila, FUNNY Moments din

  16. #16
    NigeL Armada: Ang Knight In Shining Armor ni AngeLine at ChantaL








  17. #17

  18. #18
    The Gorgeous Ms. Chantal Gonzales






    NigeLine Dance Collage:


  19. #19
    If you want to watch only NIGELINE Scenes in TOW, go to www.youtube.com and search my username lalabelle20 and watch my videos of NIGELINE. Enjoy, Watch and Leave Comments.

  20. #20
    Nag- walk out agad si NigeL nang makita niya na nagsasayaw sina Chantal at Marcel.



    Iyon ang tinatawag na Jealous Walk Out...

Page 1 of 252 1 2 11 51 101 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SPORTS:

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

read more
SHOWBIZ:

UP bestows Gawad Plaridel award to Nora Aunor

UP bestows Gawad Plaridel award to Nora Aunor

read more
BATANG GILAS:

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

read more
UAAP:

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

read more
US OPEN:

Want to know more about the US Open Fantasy League?

Want to know more about the US Open Fantasy League?

read more