PEx Highlights

PHOTOS: San Mig Cops Grand Slam

San Mig became the 5th team in PBA history to achieve a Grand Slam after escaping Rain or Shine with a hard-earned 92-89 game 5 win.

read more

Where San Mig Stands in History's Best Teams

What made the Grand Slam even more memorable was how San Mig had to overcome several obstacles to achieve this remarkable feat.

read more

REVIEW: Dawn of the Planet of the Apes

Visually stunning, haunting and compelling, Dawn of the Planet of the Apes is a must-see.

read more

Show Me Your Teeths: BesTEETHS!

The girls go emo and sentimental and pay tribute to best friends and sidekicks in the realm of Pinoy TV, movies, and... Batang X?

read more

Season Preview: UAAP Season 77

The most exciting collegiate basketball tournament is back. Find out what the different teams bring to the table in UAAP Season 77.

read more

PHOTOS: PLDT Crushes Cagayan

Despite a decent effort, the PLDT Turbo Boosters crushed defending champions Cagayan in a straight-set 25-23, 25-23, 25-21 win.

read more

Page 1 of 252 1 2 11 51 101 ... LastLast
Results 1 to 20 of 5036
  1. #1
    you wanna be me CrystalClash's Avatar
    Join Date
    Sep 2012
    Location
    you can't be me

    ABSCBN PexTalk 316: Ngayong 2013 Bibida ang Kwento Natin! 60 Years na tayo Kapamilya!

    GIFs: xayezi
    Thread Title: sexy_tami













    ABS CBN KAPAMILYA THREADS

    Kapamilya Thread Line-up 2003-2004-2005



    Kapamilya Thread Line-up 2006



    Kapamilya Thread Line-up 2007



    Kapamilya Thread Line-up 2008



    Kapamilya Thread Line-up 2009



    Kapamilya Thread Line-up 2010



    Kapamilya Thread Line-up 2011




    Kapamilya Thread Line-up 2012



    ABS CBN KAPAMILYA PExTalk Top Posters




    THREADS 1 to 100



    THREADS 101 to 200



    THREADS 201 to 300



    THREADS 301 to 400

    Thread 301: bean_counter19 517
    Thread 302: bean_counter19 465
    Thread 303: bean_counter19 589
    Thread 304: genre914 587
    Thread 305: marscious 518
    Thread 306: aki_ken0bi 421
    Thread 307: sexy_tami 569
    Thread 308: CrystalClash 731
    Thread 309: hraiu23 733
    Thread 310: hraiu23 492
    Thread 311: Tami_Mod 764
    Thread 312: Tami_Mod 593+
    Thread 313: sexy_tami 608
    Thread 314: marscious 591
    Thread 315: hraiu23 587

    RECORDS
    HIGHEST: general bob 1,587 (5,000 post threads), Johnston 23,253 (Thread 01, no set amount for maximum posts)
    LOWEST: FvcktarD 250



    25-time TOP POSTER: marscious
    18-time TOP POSTER: rasHiko_dHeNz, im.an.emo.kid, Johnston, rej_miller18
    16-time TOP POSTER: hackerz_macky
    15-time TOP POSTER: sistah_yoona,
    genre914
    11-time TOP POSTER: aki_kenobi

    8-time TOP POSTER: thebottomline
    7-time TOP POSTER: gulf_dude
    6-time TOP POSTER: bean_counter19
    5-time TOP POSTER: kurt_01, FvcktarD , Tami_Mod
    4-time TOP POSTER: crazp, cmsc_ako, hollywood_03, itspaybacktime, johnnebula, scudaj, jann_croix, Ben Dover, maldito_ako!
    3-time TOP POSTER: Boo1607, pilipinas_2005, gleeki, ScareYouOften, bizzybone, usttigershark, nerd_herd, zeak28, jo24, KodaJosh098, ceryhill1000, hraiu23
    2-time TOP POSTER: ashley26ph2004, deepthinker08, general bob, kangusooo, kazuhiza, rusty2die4, kcinmor, wariha, Solo2carino, pjay0928, justafactopo, sexy_tami
    1-time TOP POSTER: -=+cZaRiNa+=-, AbuNagLalaway, colorblind84, deechoa, dong777, JAZ.ON, machaka, markpaul, mykel14, 100%wagi, dos2dos, _kiba_, hotstuff2, jaceeeness, iloveKAPAMILYA, illusyon, hydrangea, GARINE GA?, Sexy Kathy, -Win-, siKATH, Pythos, weezywon, hee_witchyoo, lockjaw, spiez, kabarkada, ishtar_006, erosxcupid, Marieh_Juana, attorney_ko, jmax_yagami, aj_dos, thelonius92, Queen_Ravenna, CrystalClash


    Last edited by xayezi; Jan 3, 2013 at 03:24 AM.

  2. #2
    crystal, thanks sa bagong mansion!

    to all Kapampam pexers..


  3. #3
    I truly am the HBIC! Tami_Mod's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Puso-N Mo!
    Bongga!

    Parampa muna!

    Thank you to CC for creating the thread!

    Post away, Kapams!

  4. #4
    you wanna be me CrystalClash's Avatar
    Join Date
    Sep 2012
    Location
    you can't be me

  5. #5


    Kailangan Ko’y Ikaw preems Jan. 21
    Updated January 3, 2013



    ABS-CBN’s highly-anticipated Primetime Bida drama series Kailangan Ko’y Ikaw starring Kris Aquino, Anne Curtis and Robin Padilla will premiere on Jan. 21. The series, directed by Malu Sevilla and Bb. Joyce Bernal, is a compelling tale of two sisters Ruth (Anne) and Roxanne (Kris) who both fell in love with one man, Bogs (Robin). Also featured in the series are Tirso Cruz III, Ian Veneracion, Smokey Manaloto, Emilio Garcia, Lito Pimentel, Xyriel Manabat and Daniel Padilla, who will portray the role of the young Robin. For more updates, log on to www.abs-cbn.com or follow abscbndotcom on Twitter.

  6. #6


    SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    SEEN: Hindi na pinaniniwalaan at hindi na dapat paniwalaan ang mga hula ni Madam Auring dahil hindi niya mabigkas nang tama ang mga pangalan ng mga artista na kanyang hinuhulaan.

    SCENE: Ang pahayag ni Laguna Governor ER Ejercito na matutuloy sa 2013 ang pagsasapelikula sa life story ni Ben Tumbling at gagampanan ito ng kanyang anak na si Jerico Ejercito.

    SEEN: Nag-aalala ang direktor na si Dante Mendoza dahil mali ang lumabas na box office gross ng Thy Womb.

    May mga investor si Dante kaya worried ito na baka maniwala ang kanyang mga business partner na mahigit sa P20 million ang kinita sa takilya ng kanyang pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival 2012.

    Hindi pa umaabot sa P20 million ang box office gross ng pelikula ni Nora Aunor.

    SCENE: Patuloy na pinaglalaruan sa Twitter si Congressman Manny Pacquiao ng mga Amerikano na hindi maka-move on sa pagkatalo niya sa laban nila ni Juan Manuel Marquez.

    SEEN: Hindi makakatulong si Sam Pinto sa senatorial bid ni Congressman JV Ejercito.

    Si Sam Pinto ang starring sa TV ad campaign ni JV.

    SCENE: Walang recall si Andrea Torres sa publiko dahil pabagu-bago ang kanyang itsura at marami siyang kahawig na artista.

    SEEN: January 1, 2013 nang umalis ng Pilipinas si Lian Paz at January 1, 2013 din nang dumating siya sa San Francisco, California. Hindi commercial plane ang sinakyan niya.

    SCENE: Hindi pa sinasabi ang mga host ng The Voice Philippines, ang upcoming reality television singing competition ng ABS-CBN na mapapanood ngayong 2013.

    Inililihim pa ng ABS-CBN ang identity ng mga host at celebrity voice coach ng The Voice Philippines.

  7. #7
    SHOW MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    Opisyal na kita inilabas na... Sisterakas naka-P231M, Agimat P104M, apat na kulelat naghati-hati lang sa P50M

    Naglabas kahapon ng official result ang Metro Manila Film Festival sa kita ng walong pelikulang kasali. Pero hanggang sa top 4 lang ang may breakdown ng kita. Pero ang over all total ay para sa walo. Isang linggong kita ang pinagbasehan nito – from December 25 to January 1.

    Nanatili sa no. 1 ang Sisterakas na kumita ng P231,878,445.67; second ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako na may P104,458,871.19; no. 3. Ang One More Try na may kitang P91,278,399.20; no. 4. ang Shake, Rattle and Roll na may P34,582,606.14 .

    Ang total na kita ay umabot sa P512,873,411.55.

    Ang apat na nasa hulihan ay ang The Strangers, El Presidente, Sosy Problems, and Thy Womb. Walang ibinigay na breakdown sa apat na huling pelikula.

    So ang apat na pelikulang nanguna ay kumita ng P462,198,291. Kaya ang natira ay less than P50 million lang ang pinaghatian ng apat.

    Samantala naririnig kong masama ang loob ni Direk Brillante Mendoza dahil may nagbalitang more than P20 million ang kinita ng Thy Womb eh hindi naman daw totoo. Nagde-demand siya na sana ay maglabas ng figures ang MMFF dahil may mga investors siya sa pelikula at baka siya ang habulin kung mali ang ilalabas na kita.

    “I have investors in this project. Baka akala ng mga investors ko niloloko ko sila,” dagdag pa sa interview ng director.

    Ang pakiramdam daw ni Direk Mendoza ay padded ang ibang inilalabas na resulta na nakakatulong sa mga malalakas na pelikula pero hindi sa tulad nilang hindi naman kumita. “Ako lang ang nagku-complain. Of course, bakit magrereklamo ang mga top grossers kahit padded ang box-office sales. It’s good promotions for their films.

    “Kung ano ‘yung totoo, eh di ‘yun ang ilabas nila,” pakiusap niya pa sa nasabing interview.

    Maalalang hindi pa naka-1 million ang nasabing pelikula nang magbukas ito sa mga sinehan noong Pasko kasabay ang pito pang pelikula. Kahit nga nanalong best actress si Ms. Nora Aunor at si Direk Brillante sa awards night ng MMFF ay hindi naman gaanong nakatulong para pilahan ang pelikula nilang pinuri-puri sa iba’t ibang international film festival.

    Wala pang balita habang sinusulat ito kung tuluyan na itong na-pull out sa mga sinehan ang Thy Womb dahil nakaka-isang linggo na naman.

    Anyway, ang daming tao sa mga sinehan last January 1 at malamang na malaki ang naitulong nito para lumaki ang kita ng mga pelikulang nangunguna habang ang mga hindi masyado ay nabaon na. Hanggang January 8, pa ang festival.

    Sarah at Coco, gagawing pelikula ang Forever Is Not Enough

    Kumpirmado na ang pagsasama sa pelikula nina Sarah Geronimo at Coco Martin sa Star Cinema.

    Pero uunahin muna raw ni Sarah ang third and final installment ng tambalan nila ni John Lloyd Cruz na may title na It Takes A Man And A Woman na ipalalabas sa Black Saturday.

    At ang title ng pelikula nina Sarah and Coco, Forever is Not Enough, ang title na kauna-unahang hit song ni Sarah na hanggang ngayon ay naririnig pa ring pinatutugtog sa mga radio stations at kinakanta niya sa programa niyang Sarah G. Live sa ABS-CBN.

    Parang exciting ang maging team up nina Sarah at Coco. Puwede kaya silang magka-debelopan bilang pareho silang loveless.


  8. #8
    may bagong bahay na pala.

    paapak.

  9. #9
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    Nakakawala na... Sarah hindi na nirerendahan at hinihigpitan ng mga magulang!

    Tinalbugan ni Sarah Geronimo ang ibang artista dahil siya ang unang nagpatawag ng Thanksgiving dinner sa third day ng 2013.

    Ang buong akala pa naman ng showbiz media, ang Regal Entertainment Inc. ang buwena mano sa 2013 dahil sa presscon ng Seduction pero biglang umeksena si Sarah na maraming dapat ipagpasalamat dahil sa mga blessing na natanggap niya noong 2012.

    Wala nang mahihiling pa si Sarah dahil nasa kanya na ang lahat. Hindi naman niya priority ang lovelife dahil naniniwala siya na darating ang mhin na karapat-dapat sa kanya.

    Hindi puwedeng sabihin na nirerendahan o hinihigpitan si Sarah ng kanyang mga magulang dahil pinayagan siya noon na bumiyahe sa ibang bansa with KC Concepcion at panoorin ang concert ni Madonna.

  10. #10
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    Angel nagpapayaman nang husto para sa pamilya

    Kamakailan ay nabanggit ni Angel Locsin sa isang panayam na okay lamang sa kanya kung sakaling sa ibang aktres na mapupunta ang bagong Darna, ang teleserye na gagawin ng Kapamilya network. “Nasabi ko ‘yon kasi ayoko ding maging maramot ‘di ba? Kasi alam ko kung ano’ng ibinigay sa akin ng Darna. Alam ko kung saan ako nakarating dahil sa Darna, kaya ayokong ipagdamot,” paliwanag ni Angel.

    Maraming mga tagahanga ng aktres ang nag-aabang na kay Angel na muling gawin ang nasabing proyekto. Matatandaang nagawa na ng dalaga ang Darna sa GMA 7 noon. “Kaya rin ako napaisip ng ganito kasi sa Twitter, noong lumabas na ‘yung balitang ‘yon, ‘yun pa lang eh maraming-maraming salamat na talaga sa pagtitiwala at nagustuhan nila ang pinaggagawa ko,” giit ng aktres.

    Samantala, nagsusumikap daw nang husto si Angel para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang buong pamilya. “Gusto ko kasi lahat sa kanila, para kasing gusto ko lahat ng puwede kong ibigay, ibibigay ko sa kanila. Ayoko lang na parang may iwan, parang ganon ang pakiramdam ko,” nakangiting pahayag ng aktres.

    Naikuwento rin ni Angel na mayroon siyang nakahandang importanteng bagay sa tuwing nagbibiyahe siya sa malalayong lugar. “Kapag nagta-travel ako, may last will and testament ako para settled lahat,” pagtatapat ni Angel. Mabuti na raw na lagi siyang nakahanda lalo pa’t hindi niya masasabi ang mga posibleng mangyari tuwing nagbibiyahe ang aktres.

    Enchong, manhid na sa mga naninira

    Malaki na raw ang ipinagbago sa katauhan ni Enchong Dee ngayon kumpara noon. “I’m more confident than before, more stable,” bungad ni Enchong.

    Malaki raw ang naitulong sa binata ng kanyang mga karanasan sa buhay. “Because of the knowledge I gained along the way. Natuto na ako kung anong worth ng sarili ko. Natutunan ko na rin itong trabaho ko, mahal ko ‘yung trabaho ko, so alam ko kung nasaan ako ngayon,” paliwanag ng binata.

    Samantala, katulad ng ibang artista ay marami ring bashers si Enchong sa social networking sites katulad ng Twitter. Ayon sa aktor ay hindi na raw siya nagpapaapekto sa mga ito. “With bashers, lumalampas lang. Para silang ghost and I don’t have access too much of what they are saying. But with criticisms, I embrace it, I love criticisms. Kasi bashers parang wala lang silang magawa for that moment, na trip lang basta may masabi lang. But with criticisms, there’s this intellectual criticisms and underneath there are advice. Para kasing nagiging manhid ka na rin along the way. Pero manhid na wala ka nang pakialam, you get manhid, nasasanay ka na, na alam mong may darating at darating na ganun,” giit pa ni Enchong. Reports from James C. Cantos

  11. #11
    THATS ENTERTAINMENT Ni Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    Star Cinema naka-jackpot sa MMFF 2012, halos kumita ng P300 M

    Ang suwerte ng Star Cinema hah! Dalawang entry nila ang nanguna sa listahan ng box office hit movies ng MMFF 2012. No. 1 & 2 ang Sisterakas with an earning of P167M at One More Try, P91M.

    Akala ko No. 2 ang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Ako, ‘yun pala No. 3 ito with P77M; 4) The Strangers, P53M; 5) SRR 14, P52M; 6) Sosy Problems, P34M; 7) El Presidente, P20M; 8), Thy Womb, P7.9M.

    At least kumitang lahat ang walong pelilkula. Kung kulang pa sa kita ang Agimat at El Presidente, I’m sure babawi rin ang mga ito.

    Tatlong Hari nakakalimutan na

    Bagay lang talaga sa titulong 3 Hari sina FPJ, Dolphy, at Francis Magalona. Ang una ang Hari ng Aksiyon, ang ikalawa ang Hari ng Comedy samantalang Hari ng Rap si Francis M. At bibigyan parangal sila ni Ricky Reyes sa programa nitong Gandang Ricky Reyes Na ‘Toh bilang pagdiriwang ng Three Kings na mukhang nakakalimutan na ng marami sa atin gayung dati-rati ay ipinagdiriwang ito tuwing makakatapos ang Bagong Taon. Mabuti pa si Mother Ricky, nakaalala.

    Kris nagsi-share naman

    Okay na sa akin na malamang taklesa si Kris Aquino pero hinahangaan ko siya sa pag-amin niyang kailangan niyang magpaka-simple kung papasukin niya ang pulitika. Inamin din niya na maluho siya sa buhay, pero sinabi rin na pinaghihirapan niya bawat sentimong ginagastos niya.

    Kung ako naman ang tatanungin, kung kaya naman niyang maging maluho, bakit pagkakaitan niya ang sarili niya? Hindi naman siya maramot. Ang masama ay kung selfish siya, pero kung nagsi-share naman siya, ano ang dapat niyang ikahiya?

  12. #12
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 3, 2013

    Yaman nina Aiai, Vice, at Kris nadagdagan sa Sisterakas

    May nag-tweet kay Kris Aquino na dahil sa box-office success ng Sisterakas, mas yumaman sila nina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda na co-producers ng movie with Star Cinema and Viva Films. Ang sagot ni Kris ay “Ai-Ai will earn the most among the 3 of us-she had the biggest investment.”

    Natatandaan naming sa presscon nang nasabing pelikula, nabanggit ng tatlo na may 25 percent sila sa movie, ibig sabihin mas malaki ang sosyo ni Ai-Ai. Hindi nakakagulat kung sa next movie ng tatlo, gustuhin din nilang co-producer sila.

    Samantala, tiniyak ni Kris na paiiyakin nila nina Anne Curtis at Robin Padilla ang viewers sa soap nilang Kailangan Ko’y Ikaw. Nakuwento na ng TV host-actress ang ilang ma-dramang eksena nilang tatlo.

    Nalaman ni Kris na tuwing may kissing scene sila ni Robin, nagbabayad ang aktor, nagpapakain ito at minsan, 60 people ang pinakain.

    “Totoo ang kissing scene namin, we’ve known each other so long. I can say we’re friends at ‘di na kami nagkakailangan. Masarap siyang katrabaho, all praises ako sa kanya. Never siyang nabulol at nautal sa lines niya at perfect ang memory niya. Minsan six pages ang script at memoryado niya,” sabi ni Kris.

    Sa January 21, ang premiere ng Kailangan Ko’y Ikaw, pero wala pang binabanggit kung ano ang time slot, so, sorpresa ito!

  13. #13


    2013 magdadala ba ng suwerte o kamalasan?
    Updated January 3, 2013

    Isang espesyal na pagsalubong sa bagong taon ang ihahatid ng 2012 PMPC Best Public Affairs host na si Boy Abunda ngayong Sabado (Enero 5) tampok ang iba’t ibang kuwento ng bagong buhay, bagong pangarap, at bagong pagsubok sa ikalawang bahagi ng New Year special ng The Bottomline with Boy Abunda. Kasama pa rin ang popular showbiz personalities tulad nina Dingdong Dantes, Lara Quigaman, Niña Corpuz, Zendee Rose Tenerefe, Jeric Teng, Ruel Bayani, Stargazer, at Kevin Balot, ipagdiwang ang taong 2013 at alamin ang iba’t ibang mga plano na nais nilang matupad sa bagong kabanata ng kanilang mga buhay.

    Paano nga ba babaguhin ng bagong taon ang kanilang mga karera?

    Suwerte o kamalasan nga ba ang magiging dulot nito? Matapos ang iba’t ibang pangyayari noong 2012, handa na nga ba silang harapin ang mga bagong hamon na darating ngayong 2013?

    Tampok din sa episode ngayong Sabado sina Arvin Dauz, Liane Liwanag, Vernette Arellano, Maribel Bautista, Santy Layno, Api Navarro, Chit Angelo, Jing Monis, Alon Dela Rosa, Milagros Maagalang, Geolete Esguerra, Suzette Antonio, at Cha at Anton Achacoso. Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng New Year special ng 2012 PMPC Best Public Affairs Program na The Bottomline with Boy Abunda ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng Banana Split sa ABS-CBN.

  14. #14


    Piolo sasabak muna sa pagiging VJ
    Updated January 3, 2013

    Patutunayan ng hunk actor-singer na si Piolo Pascual na hindi lamang siya isang magaling na aktor ngunit maipagmamalaking host din sa paghahatid niya ng pinakabago sa mundo ng musika ngayong buwan.

    Maliban sa mga talentong ito, itinatag na rin ni Piolo ang sarili bilang isang matagumpay na mang-aawit nang mabigyan ng Platinum award ang kanyang tatlong studio albums na Piolo, My Gift, at Timeless.

    Noong 2007 din ginanap ang kanyang unang concert sa Big Dome kasabay ng pag-release ng kanyang ikalimang album bilang selebrasyon sa kanyang ika-sampung anibersaryo sa showbiz.

    Sa kasalukuyan, mayroon na siyang pitong album, tatlo rito ay studio album at ang apat ay compilation albums. Malimit ding marinig ang kanyang mga awitin sa mga teleserye at pelikula, kung saan ang pinakahuli ay ang theme song ng paparating na Little Champ na sinabayan ng musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

    Pakinggan si Piolo sa MYX, ang numero unong music channel sa bansa sa mga sumusunod na petsa: January 3-5 sa Pop MYX, January 6-12 sa Pinoy MYX, January 13-19 sa Mellow MYX at January 20-31 sa My MYX. Para sa mga updates, mag log on sa www.myxph.com at i-download ang MYX Charts iOS mula sa App Store ng libre.

  15. #15

    THURSDAY, JANUARY 3, 2013
    Willie, kumpirmadong lilipat



    Kinumpirma ni Willie Revillame na magsisimula sa January 26 ang WowoWillie, ang kanyang noontime game show sa TV5.

    Araw ng Sabado ang January 26 at bisperas ito ng 52nd birthday ni Willie na nagpaliwanag na napagkasunduan nila ng TV5 management na ilipat sa tanghali ang WowoWillie para hindi na mahirapan na umuwi sa gabi ang kanyang mga tagahanga na nagsasadya sa Novaliches studio ng Kapatid Network.

    Mga matatanda, mentally challenged at mula sa malalayong lugar ang karamihan sa studio audience ng game show ni Willie. Bukod sa timeslot, ililipat na rin ang studio ng WowoWillie sa Delta Theater na madaling sadyain ng mga tao at may seating capacity na 1,000.

    Si Willie ang personal na nagbabantay sa construction ng bagong set ng kanyang upcoming noontime game program.

    Mapapanood ang WowoWillie tuwing 11:30 am mula Lunes hanggang Sabado. Ipinangako ni Willie na sasagutin niya ang pamasahe ng mga pupunta sa Delta Theater at manonood ng kanyang noontime show.





  16. #16


    THURSDAY, JANUARY 3, 2013
    Vilma, sasabak na rin sa indie film!
    SARAH, nanguna sa ‘Bayanihan’ ng AFP




    Sasabak na si Governor Vilma Santos-Recto sa paggawa ng indie movie. Ayon sa text niya sa amin, “On-going prep for indie with (Jeffrey) Jeturian.”

    Base sa ibang reports, isasali sa next Cinemalaya Indie Fest ang gagawin niya na Extra ang titulo.

    Pero siyempre, uunahin muna ng Batangas Governor ang kampanya sa darating na eleksyon.

    Sa March man ang opisyal na simula ng kampanyahan at wala siyang matibay-tibay na kalaban sa posisyon, pero mag-iikot pa rin si Gov. Vilma upang mabisita ang kanyang nasasakupan.

    Nu’ng nakaraang Noche Buena, sa bahay nila sa Alabang nila idinaos ang okasyon kasama ang pamilya. Nasa Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas naman siya pati ang pamilya nu’ng New Year.

    “Salamat sa lahat ng suporta!!! Medyo busy muna sa eleksyon. One day at a time muna, Jun. More positive 2013 to us all!!! Thanksssss! I love you, Jun!” mensahe ni Governor Vilma sa amin.

    So, matutupad na ang wish ng fans ni Governor Vilma na makagawa naman siya ng indie film. Matagal din siyang niligawan ni Atty. Joji Alonso tungkol sa project niya kay Ate Vi ng showbiz.

    Cheers, Gov. Vilma!



    ***

    Para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) pala ang TV commercial ni Sarah Geronimo na “Bayanihan Para sa Kapayapaan”. Kaya naman pala nakapaloob doon ang ating mga sundalo na nagtutulungan at nagkakaisa.

    Ilang minuto ring tumakbo ang TVC na ‘yon ni Sarah at feel na feel talaga niya ang pananawagan ng Bayanihan na ugali na nating mga Pinoy.

    At least sa simula ng taon, nagpaka-relevant naman si Sarah, huh! At sisimulan na rin niya ang mahabaang trabaho sa pamamagitan ng provincial tour ng birthday concert niyang SG 24/7.

    Next month naman ay ang selebrasyon ng first year ng TV show na Sarah G Live! ang pagkakaabalahan niya.

    Kaya naman malabo na talagang maharap naman ni Sarah ang kanyang personal na buhay, huh!


  17. #17


    THURSDAY, JANUARY 3, 2013
    Ai Ai at Marian, magsasama sa GMA movie

    (ROSE GARCIA)



    Ano ba ang sikreto ni Dingdong Dantes, at kahit maituturing na isa siya sa “hari” ng GMA-7, hayun at natatanggap siya sa Kapamilya network?

    “Siguro throughout the year, I was able to establish good working relationship with people that I meet because later on or somewhere along the way, ‘yung mga nakikilala mong tao, sila rin ang gagabay at tutulong sa ‘yo para maging posible ang maraming bagay,” sabi ni Dingdong.

    Hindi raw dumadaan si Dingdong sa matinding kumbinsehan sa GMA na makalabas siya sa Star Cinema?

    Nadulas naman si Dingdong at nai-reveal kung sino talaga ang makakasama ni Marian Rivera sa gagawing movie na iko-co-produce rin nito. Nang tanungin siya kung sino naman sa Kapamilya stars ang gusto niyang dalhin o makagawa rin sa GMA Films.

    Sey niya, “Eh, ‘di ‘yung talagang medyo sure ako na pupunta roon, si Ms. Ai Ai (delas Alas), kasi, may gagawin sila ni Marian na movie.”

  18. #18

    JANUARY 03, 2013 THURSDAY
    Anne at Erwan, nag-enjoy sa snow
    Iñigo, nagmana kay Piolo




    NAKALIMUTAN naming isama sa aming 'Instagram feature' kahapon si Piolo Pascual.

    Tulad ng ibang celebrities ay wala ring Twitter at Facebook si Piolo, pero meron siyang Instagram account.

    Nakita namin sa kanyang IG na sa Las Vegas nag-spend ng kanyang holiday vacation ang Kapamilya hunk kasama ng kanyang pamilya doon.

    May sariling house si PJ (palayaw ni Piolo) sa LV at ang paborito niyang kapatid na si Patricia o Tisay ang nakatira roon.

    Kasamang nagbakasyon ni Piolo sa Amerika ang pamangkin niyang Kapuso actor na si Benjamin Alves.

    Mukhang mas naging close lately ang magtiyuhin dahil minsan ay magkasama pa silang gumigimik dito sa 'Pinas.

    Hindi gaanong madalas mag-post ng photos sa IG si PJ, mas masipag sa kanya ang binatilyo niyang anak na si Iñigo na doon nakatira sa US.

    Nag-post si Iñigo ng pic na naka-running outfit silang tatlo ng tatay niya at ng pinsang si Benjamin. #giantcalves ang nilagay na hashtag dito ng bagets, na may closeup ng mga binti nilang tatlo.

    Nag-post din si PJ ng same pic, na nilagyan niya ng caption na "3 generation of calves." Pare-parehong may kalakihan ang kanilang mga binti, mukhang nagmana kay Piolo ang kanyang anak at pamangkin.

    Nakita rin namin sa IG na nag-snowboarding sila sa Mt. Charleston.

    Hindi man masyadong ma-post ng pics si Piolo ay mahilig siyang mag-like ng photos ng mga kapatid at kapamilya niya sa Instagram.

    Nakita namin sa IG account ng isang relative niya 'yung family picture ng mga Pascual nu'ng Christmas.

    Kasama siyempre ni PJ ang kanyang Mommy Amy, sina Iñigo, Benjamin, Tisay (na kasama ang girlfriend nito na parang part na rin ng family) at iba pang Pascuals.

    Ang kadalasang pinu-post ng relihiyosong si Piolo sa IG ay Bible verses.

    Sa The Strip ng Vegas masayang sinalubong ng pamilya Pascual ang Bagong Taon, na sandamakmak ang taong sabay-sabay na naghihintay ng New Year countdown at ng bonggang fireworks.



    ***

    Nakaligtaan din namin ang sweet IG couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

    Sa Amerika rin nag-holiday break ang gorgeous couple. Nauna si Anne sa Chicago kung saan mineet niya for the first time ang mga kamag-anak niya from her mom's side (Ojales). Sama-sama silang nag-Pasko roon.

    Ka-join ni Anne ang kanyang Australia-based mom na si Mommy Carmencita at ang dalawa niyang nakababatang kapatid na sina Jasmine at Tom.

    May mga pinsan si Anne doon sa Chicago na noon niya lang na-meet.

    From there ay tumuloy sila ng New York para doon salubungin ang New Year. Doon na sila nag-meet ng boyfriend niyang si Erwan.

    Panay ang rampa nila sa NYC. Nag-Guggenheim Museum sila at kung saan-saan nagpupunta para kumain.

    In-enjoy nila ang snow sa Big Apple.


  19. #19

    JANUARY 03, 2013 THURSDAY
    Cristine at Rufa Mae, susuporta sa kampanya ni Bisaya



    HABANG nagche-check-in si Annabelle Rama noong isang gabi sa flight namin pabalik sa Manila from Cebu ay naglibut-libot muna ako sa airport.

    Nang pumasok ako sa isang restaurant sa airport ay narinig ko ang isang pamilyar na boses hanggang may tumawag sa akin ng, "Friendship! Jun Lalin, Happy New Near!"

    Si Rufa Mae Quinto ang bumati sa akin.

    Kasama ni P-chi (palayaw ng sexy comedienne) ang kaibigang si Cristine Reyes.

    Kasama rin nila ang ilang mga kaibigan, pero wala si Rayver Cruz sa grupo nila.

    Ayon kina P-chi at AA (palayaw ni Cristine), biglaan ang desisyon nilang mag-Cebu para roon salubungin ang 2013.

    Saan nila sinalubong sa Cebu ang New Year?

    "Sa hotel lang namin, sa Waterfront lang kami. Enjoy naman dahil bagong renovate pala 'yung hotel," sey ni P-chi.

    Nang malaman nina P-chi at AA na nandoon din sina Bisaya, Tito Eddie Gutierrez, Richard, Sarah Lahbati and her mom (Tita Esther), nagyaya ang dalawa na doon na lang kami mag-stay habang naghihintay ng boarding time namin, pero pagtawag ko kina Bisaya, papasok na sila sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines.

    Sinabihan ko sina P-chi at AA na magkita-kita na lang kami sa loob.

    "Sige, gusto ko ring makita si Sarah at ang mommy niya dahil naging close kami noon at naging anak siya ni (Sen.) Bong (Revilla) sa isang sitcom namin noon," sey pa ni P-chi.

    Ayon sa mommy ni Sarah, bago pa nag-StarStruck ang kanyang anak ay nag-artista na ito noong bata pa at naging anak ni Sen. Bong sa isang sitcom ng GMA 7.

    Hindi nagtuluy-tuloy ang pag-aartista noon ng girlfriend ni Richard dahil bumalik sila sa Switzerland kung saan nagtatrabaho ang daddy ni Sarah.

    Anyway, nang nasa lounge na kami nina Bisaya ay narinig namin na pine-page na ang pangalan nina P-chi, AA at ng kanilang mga kasamahan. Late na pala sila sa kanilang flight.

    Nakita ko sa labas ng lounge sina P-chi at AA na nagmamadali na, pero pumasok muna sila sandali sa lounge para bumati kina Bisaya at Tito Eddie.

    "Tita, magkikita naman tayo kapag nagsimula na ang campaign, sasama ako sa 'yo sa Cebu," sey ni P-chi kay Bisaya na ang tinutukoy ay ang tungkol sa kampanya ng misis ni Tito Eddie sa pagka-congresswoman ng North district ng Cebu na magsisimula sa Marso 29.

    Nangako rin si AA kay Bisaya na sasama kay P-chi sa Cebu kapag nagsimula na ang campaign period.

    "Nakakatuwa naman, hindi ko na kailangang lumapit sa mga manager at mga artista at sila na ang nagsasabi na susuporta sila sa kandidatura ko," touched na nasabi ni Bisaya kay Tito Eddie.



    ***

    Habang nasa lounge kami ay palabas ang Ina, Kapatid, Anak kung saan ay isa sa cast si Tito Eddie.

    Medyo masama ang role ng mister ni Bisaya sa teleserye ng ABS-CBN, pero okay lang 'yon sa kanya.

    "Kapag may mga nagsasabi na nagagalit sila sa akin dahil sa role ko sa Ina, Kapatid, Anak, hindi ako naba-bother, natutuwa pa ako dahil ibig sabihin, effective ang potrayal ko sa role ko sa teleserye namin," sey ni Tito Eddie.

    Ikinuwento ko kay Tito Eddie na may ibang fans si Richard sa Amerika ang nagsabing "hate" nila ang character niya sa Ina, Kapatid, Anak at tumawa lang ang mister ni Bisaya.

    Sabi ni Bisaya, dahil sa role ni Tito Eddie sa Ina, Kapatid, Anak ay sikat na sikat ang kanyang mister.

    Top-rating show ng ABS-CBN ang teleserye na pinagbibidahan din nina Kim Chiu, Enchong Dee, Maja Salvador, Janice de Belen, Ariel Rivera, Pilar Pilapil at Ronaldo Valdez.

    Habang nasa loob kami ng lounge ay may isang misis na lumapit kay Tito Eddie. Iyung anak niya ay palaging nanonood ng Ina, Kapatid, Anak, kaya gustong magpalitrato ng bata sa tatay ni Richard.

  20. #20

    Published : Thursday, January 03, 2013
    Written by : Nel Alejandrino

    Andi, Jaclyn mend fences

    It’s good to hear na diumano’y nagka-reconcile ang mag-inang Andi Eigenmann at Jaclyn Jose bago pa man mag-Pasko.

    Matatandaang naghinanakit si Andi sa ina dahil nga sa ginawa nitong pagbunyag tungkol sa supposed lihim na pag-ayaw nina former President Erap Estrada at Laarni Enriquez sa relasyon nila (Andi) ng anak ng mga itong si Jake Ejercito.

    Dahil dito’y, nag-react sina President Erap at Laarni na ’di totoong nakikialam sila sa kung anumang relasyon mayroon sina Andi at Jake.

    In reaction to this report, Jake, who was in London for his studies, gave out a statement defending his parents.

    He later called it quits with Andi.

    From him, we all learned na bago nabuntis si Andi, naging silang dalawa. Pero, nag-break sila dahil naging ka-on nga diumano si Albie Casino ni Andi.

    Si Albie ang pinagsususpetsahang ama ng noo’y dinadala pa lamang ni Andi na si Ellie, who turned one year old last November.

    Buntis si Andi nang umuwi si Jake from London dahil bakasyon. Naging karamay ni Andi si Jake during the time na naririto ang binata nina President Erap at Laarni.

    Ganunpaman, tinanggap na ni Andi na wala na sila ni Jake.

    In the end, a child realizes na ang magiging karamay niya in the end ay ang kanyang mga magulang, especially ang kanyang ina.

    * * *

    Did we hear it right that Batangas Governor Vilma Santos, who is running for a third term in the next elections, ay pumayag nang gumawa ng movie with indie producer Atty. Joji Alonso, whose production company, Quantum Films, produced the Metro Manila filmfest (MMFF) entry, The Strangers, with JMJ Productions?

    The Strangers, directed by Lawrence Fajardo, stars Enchong Dee, Julia Montes, Enrique Gil, JM de Guzman, Cherry Pie Picache and Janice de Belen.

Page 1 of 252 1 2 11 51 101 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

UAAP:

What are your predictions in the UAAP Season 77 basketball tournament?

What are your predictions in the UAAP Season 77 basketball tournament?

read more
PBA:

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

read more
SHOWBIZ:

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

Richard Yap on "Be Careful" bashers: "Mas marami kaming natutulungan kaysa sa naapakan"

read more
SPORTS:

Air Force escapes ADMU Lady Eagles 22-25, 25-13, 25-13, 23-25, 17-15 in V-League

Air Force escapes ADMU Lady Eagles 22-25, 25-13, 25-13, 23-25, 17-15 in V-League

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

President Noynoy Aquino rejects Butch Abad's resignation over DAP controversy

President Noynoy Aquino rejects Butch Abad's resignation over DAP controversy

read more
TV:

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

read more