PEx Highlights

MOVIE REVIEW: What If

What If could very well be the best romantic comedy of this generation.

read more

Top Celebrity Loveteams!

No surprises! They still rule the loveteam forum, but there's no space for complacency, because another couple might just steal their slot.

read more

PHOTOS: Archers Exact Revenge on Eagles

The De La Salle Green Archers won its 6th straight game this season after defeating the Ateneo Blue Eagles, 88-86.

read more

The La Salle-Ateneo Rivalry

The greatest rivalry in Philippine sports provided another classic on Sunday to the delight of diehard basketball fans.

read more

UAAP Basketball 2nd Round Schedule

Planning to catch a game before the season ends? Check out the 2nd round schedule for UAAP basketball!

read more

PHOTOS: PLDT Clinches Final Four Berth

PLDT clinched a guaranteed Final Four slot by taking care of Cagayan in three hard-earned sets, 25-22, 25-21, 25-22.

read more

Page 97 of 256 FirstFirst ... 47 87 96 97 98 107 147 197 ... LastLast
Results 1,921 to 1,940 of 5103
  1. #1921
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 23, 2013

    Wowowillie under probation ng tatlong buwan

    Ay binigyan pala ng tatlong buwan na probation ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang Wowowillie ng TV5.

    Naging basehan ng probation ng MTRCB ang mga seksing babae na halos kita na ang kaluluwa na lumabas sa programa sa ilang mga episode nito.

    Inilagay din sa Strong Parental Guidance (SPG) classification ang programa na ang ibig sabihin ay hindi na ito basta-basta mapapanood ng mga bata kung walang kasamang nakatatanda.

    “The MTRCB, through the panel, ordered placing the program under probation, subjecting it to per-episode review for 3 months, and subjecting it to an SPG (Strong Parental Guidance) rating effective immediately. TV5 and Wowowillie were further required to submit reform and self-regulatory measures by 06 May 2013,” ayon sa MTRCB.

    Nag-apologize na naman daw ang programa sa ginawa nilang kasalanan.

    Anne nag-uumapaw ang confidence



    Mula sa pagkanta ng patiwarik sa kanyang noontime show, pagbirit sa harap ng dumadagundong na Araneta Coliseum na animo’y isang tunay na concert performer at pakikipagsabayan sa ilan ring talented na personalidad, hanggang sa pagsakay sa MRT para lang hindi ma-late sa kanyang calltime, talaga namang hindi paawat at handang harapin ni Anne Curtis ang anumang hamon na dumaan sa kanya.

    Ang mga katangiang ito ni Anne na nagpapamalas ng umaapaw niyang confidence upang makapagpasaya ng kapwa ang nakita ng Wrigley Philippines, distributor ng Doublemint, kung kaya’t siya ang napili nitong bagong brand ambasadress ng kilalang chewing gum.

    “Siya ang laging pasimuno ng saya at nagbabahagi ng good vibes sa barkada. Ipinapamalas niya kung ano talaga ang Doublemint dahil sa sobrang pagkamasayahin at pagka-game niya sa anumang bagay.” sabi ni Mary Rose Zamora, ang senior product manager ng Doublemint.

    Tulad ni Anne, maari ring maging game at on-the-go ang buong tropa lalo na kung may fresh breath hatid ng Doublemint. May doble-dobleng dare namang inihanda si Anne para sa inyong barkada kaya’t subaybayan siya sa Facebook page ng Doublemint Philippines.

    Ngayong buong buwan ng Hulyo, panoorin si Anne na ipamalas ang Doublemint spirit sa kanyang hit horror, comedy, at romantic movies sa nangungunang cable channel sa bansa at official media partner ng Doublemint na Cinema One. Pakaabangan ang mga pelikulang Wag Kang Lilingon, All About Love, Babe I Love You, Ang Cute ng Ina Mo, at No Other Woman, na pumalo sa takilya at tumalo ng box-office records.

    Anyway, four million na ang followers ni Anne sa Twitter.


  2. #1922


    TUESDAY, APRIL 23, 2013
    Charice, kahawig na ni Daniel!

    (RUEL MENDOZA)



    Marami ang nagulat sa buhok ngayon ni Charice. Malayo na nga raw ito sa dating mahabang buhok niya at sweet pa ang image niya.


    Ngayon, pagkatapos niyang magpaka-blondie at matawag na lookalike ni Maverick Realova noong maging judge siya sa The X Factor Philippines, nagpaigsi ulit ito ng buhok at itim na itim na ang kulay nito.


    Na-post nga sa Twitter at Instagram page ni Charice ang kanyang new look at marami ang nagbigay ng hindi magagandang feedback.

    Ilan dito ay nagmukha raw talagang tibo o tomboy na si Charice sa bagong buhok nito. Mukha na raw itong lalake talaga.


    May nagsabi pa ngang lookalike na niya si Daniel Padilla dahil pareho na sila ng hitsura ng buhok. Meron namang nag-comment na kahawig na ni Charice ang supreme leader ng North Korea na si Kim Jong-un.



    Usap-usapan pa nga na noong nagbago ulit ng buhok si Charice, hindi raw ito alam ng kanyang inang si Racquel Pempengco at nagulat na lang ito nang makita si Charice na gano’n na ang buhok.


    Ikinagalit nga raw ito ng ina ni Charice, pero wala na raw itong magawa dahil ito raw ang kagustuhan na ng kanyang anak.


    Una ngang nakita ang new hairstyle ni Charice nang mangampanya ito para sa Team PNoy.

    Mukhang wala ngang pakialam na si Charice sa sasabihin pa ng ibang mga tao sa kanyang bagong hitsura.

    Proud pa nga niyang i-post ang kanyang new look para iparating na masaya siya sa kanyang mga ginagawa sa sarili.


    Kasalukuyang nasa Japan nga raw ngayon si Charice at may series of shows siya roon na ginagawa.

  3. #1923


    TUESDAY, APRIL 23, 2013
    ‘Harapan’, nag-trending

    Nagtunggali ang 12 senatorial candidates mula sa iba’t ibang partido sa unang round ng Harapan 2013: The Senatorial Debate noong Linggo (April 22) live mula sa La Consolacion College sa Maynila.


    Mainit na pinag-usapan online ang debate kaya naging trending topic ang hashtag na #Harapan2013 sa Twitter habang pinapanood ito sa ABS-CBN, ANC, Studio 23, at ABS-CBNNews.com. Nagbanggaan sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Jun Magsaysay Jr., at Sen. Koko Pimentel ng Team PNoy; Ernesto Maceda at Rep. Mitos Magsasay ng United Nationalist Alliance; Rep. Teddy Casiño ng Makabayan; JC delos Reyes, Rizalito David, at Atty. Marwil Llasos ng Ang Kapatiran Party; at ng independent candidates na sina Mayor Edward Hagedorn at Ramon Montaño ang kanilang mga pananaw ukol sa divorce bill, sa pagpapababa ng edad ng mga dapat parusahan ng batas kapag nakagawa sila ng krimen, at kung dapat bang mag-endorso ng kandidato ang mga religious group sa “paspasan” round ng debate kung saan binigyan sila ng 15 segundo upang ipaliwanag ang kanilang pananaw.


    Sinagot din nila ang ilang mga katanungan mula sa panelists na sina Lynda Jumilla, Tony Velasquez, at Prof. Prospero De Vera at ilang mga kababayang nakakaranas ng problema sa kalusugan at kahirapan.

    Magkakaroon ng replay ang “Harapan 2013: The Senatorial Debate” kasama si Ted Failon sa ANC (SkyCable Channel 27) sa Abril 27, 10:30 PM at Abril 28, 1 PM. Magkakaroon naman ng second round ng “Harapan 2013” para sa iba pang senatorial candidates sa Abril 28, 9:45 PM.

    Para sa karagdagang impormasyon at updates, bisitahin ang halalan2013.abs-cbnnews.com at sundan ang @ABSCBN_Halalan sa Twitter.

  4. #1924

    Published : Tuesday, April 23, 2013
    Written by : Nel Alejandrino

    Angel beats Vilma and Nora for best actress

    AWARDS night ng FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences), oldest award-giving body sa showbiz, last Sunday, April 21. Guess who among the major winners felt most triumphant sa kanyang victory?

    Well, it’s Angel Locsin, ang awardee for best actress ng FAMAS. She was awarded for her performance sa pelikulang One More Try which was one of Star Cinema’s Metro Manila Filmfest (MMFF) entries last year. The film also was adjudged second top grosser in the MMFF 2013.

    Earlier, nanalo na si Angel ng the same award, yes, for best actress from the PMPC Star Awards for Movies para rin sa One More Try.

    In this particular awards ceremony, what made her extra happy and proud was the fact na ang mga co-nominees niya sa naturang category ay ang superstar na si Nora Aunor and Star for all Seasons na si Vilma Santos, currently running for reelection as Batangas governor.

    “I felt humbled habang tinatanggap ko ang award,” wika ni Angel.

    “I kept asking myself na ganu’n ba ako kagaling kaya ako nanalo o dahil maayos lang ang pagkakaganap ko sa pelikula. Pero kahit pa anong sabihin nila, they (Nora and Vilma) are still two of our greatest actresses.”

    Nora was nominated for her movie Thy Womb. Governor Vi naman got her nomination for The Healing.

    Another award, yes, for best actress again ang naghihintay kay Angel on the night of the Guillermo Mendoza Memorial Awards, the award-giving body which also chooses Box-office King and Queen as certified by theater owners.

    But in this particular awards ceremony, Angel will be sharing her victory as best actress with Angelica Panganiban with whom she co-starred sa One More Try.

    What a coincidence that all these awards ceremonies ay ginaganap sa AFP (Armed Forces of the Philippines) auditorium inside the Camp Aguinaldo compound in Quezon City. The same producer, Tess Celestino, the woman behind Air Marketing, has been tapped to, likewise, to produce the ceremonies na si Al Quinn naman ang direktor.

    Kung ang PMPC Star Awards for Movies was televised sa ABS-CBN, the FAMAS Awards ay mapapanood naman sa GMA-7 next Sunday.

    All in all, according to Angel, she has in her position six best actress trophies, the first three, courtesy of her movie In The Name of Love kung saan kapareha niya si Aga Muhlach.

    In The Name of Love is directed by Olive Lamasan. One More Try was megged naman by Ruel Bayani.

    Like One More Try, In The Name of Love was also produced by Star Cinema.

    Her win for In The Name... came from the PMPC Star Awards for Movies, PASADO and the Guillermo Memorial Box-office Awards in 2012.

    One More Try... also won for Miguel Vergara, the child actor who played Angel’s sickly son in the movie.

    It was the second win for Miguel as best child actor for the same movie dahil nanalo na siya ng the same trophy from last year’s MMFF awards ceremony.

    Miguel was only five years old when he was featured in One More... as Angel’s son.

    Now six years old, he will be in grade one come next school year at the Ateneo University.

    One of the most in demand child commercial endorsers, Miguel will next be seen in the upcoming series Huwag Ka Lang Mawawala kasama sina Judy Ann Santos and Sam Milby.

  5. #1925

    Published : Tuesday, April 23, 2013
    Written by : Nitz Miralles

    Regine to take a rest due to health problems

    One month hindi mapapanood sa Party Pilipinas si Regine Velasquez at last Sunday ang last performance niya. Kailangang mag-rest ni Songbird dahil sa lumalalang acid reflux at patuloy na pamamalat ng boses.

    Nagpaalam din sa Twitter si Regine at nag-tweet ito ng “I will be resting for awhile, need to address my acid reflux & my throat siyempre. Thank you guys again for your support. See u soon.” Later on the day, mukhang sinumpong ng acid reflux si Regine dahil muling nag-tweet tungkol sa sakit.

    Pero kahit nasa vacation mode, maggi-guest si Regine sa major concert ni Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum sa May 17 billed I-Vice Ganda Mo Ako. Siguradong hihirit na naman si Songbird nito. Kasama niyang guests sina Dawn Zulueta, Paulo Avelino, Enrique Gil, Daniel Padilla at Ai-Ai delas Alas.

    Maganda na ring makapagpahinga kahit isang buwan lang si Regine para mapaghandaan ang concert series niya sa October.

    * * *

    Nabasa namin ang schedule this week ni Kris Aquino at napansin naming Monday (kahapon) at sa Friday ang scheduled hearing niya. Sa custody case yata ito nila ni James Yap sa anak nilang si Bimby.

    Also, tuloy ang taping ni Kris ng Kris TV, kaya makakaasa ang kanyang followers na hanggang hindi pa nagti-take effect ang kanyang leave, mapapanood pa rin si Kris. Live ang Kris TV today, pero magti-taping siya for tomorrow’s episode.

    Nakalagay din sa schedule ni Kris ang Bench pictorial ni Bimby, pang summer campaigN yata ito ng ini-endorse ng bagets.

  6. #1926


    Kantar Media: Nationwide TV Ratings - April 20, 2013 (Saturday)




  7. #1927


    TFC @ the Movies begins extended run of the hit film in U.S. theatres starting today
    Posted by Admin on 23:17



    After earning P345 million in less than three weeks in cinemas in the Philippines, the Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz-starrer It Takes a Man and a Woman is now officially the second highest-grossing Filipino film of all time and the biggest earning non-Metro Manila Film Festival (MMFF) local movie.

    The third installment of the hit romantic-comedy film series directed by Cathy Garcia-Molina broke the record of the comedy flick The Unkabogable Praybeyt Benjamin starring Vice Ganda, which earned P331 million during its theatrical run in 2011. It Takes a Man and a Woman is now second in terms of total box-office earnings after the 2012 MMFF entry Sisterakas starring the comedy trio of Vice Ganda, Kris Aquino and AiAi delas Alas, which raked in P391 million during its run in Philippine cinemas. All three top-grossers-- Sisterakas, The Unkabogable Praybeyt Benjamin, and It Takes a Man and a Woman--are co-productions of ABS-CBN Star Cinema and Viva Films. The international releases of these films is overseen by TFC@theMovies.

    In the U.S., the film began its extended run today in almost all theatres due to public demand. For the updated theatre line-up, please visit www.abs-cbnglobalmovies.com.

    Meanwhile, It Takes a Man and a Woman screenwriter Carmi Raymundo recently revealed that the much talked about wedding vows of Laida and Miggy that made everyone in cinemas cry were written by Sarah and John Lloyd themselves.

    "Direk Cathy and I told Sarah and Lloydie that we want them to write Miggy and Laida's wedding vows. We wanted to hear from them directly what they think were the learnings of their characters," explained Raymundo, who was also the headwriter of the first two installments of the series namely A Very Special Love and You Changed My Life. "Both were nervous about writing but they were very excited. When they showed me what they wrote, I knew right away that they wrote from the hearts of their characters. They were so sincere, their vows were beautiful!”





    Raymundo further shared that Sarah and John Lloyd's self-made vows were so beautifully written that she almost did not edit it. "It was just really minor edits. Their vows made the ending of Laida and Miggy's love story a thousand times more special because they spoke their own words. As a writer, that is my gift to them: to let them speak their own words. In the end, it’s like Miggy and Laida really existed and lived," she related.

    Continue to fall in love with Laida and Miggy’s love story in It Takes A Man And A Woman in theatres, now with an extended run in the U.S. and an additional theatre. For more information, visit http://www.abs-cbnglobalmovies.com/ (Mico del Rosario, Star Cinema Ad & Promo Manager, Manila and TFC@theMovies)

  8. #1928
    Dahil sa sobrang sikat Daniel Padilla pilit sinisiraan at iniidolo ng mga starlet.!
    Posted by Kakulay Entertainment Blog ⋅ April 22, 2013

    Aminin man natin o hindi ay hindi natin maikakaila na sobrang sikat naman talaga ng kapamilya teen actor na si Daniel Padilla at dahil sa tinatamasa nyang kasikatan ay marami mga isyung kinakaharap ang batang aktor.

    Una na dyan ang kinasasangkutan nang JuliElmo na kung saan ay may video diumano na pinagtatawanan nila Julie Anne San Jose at Elmo Magalona ang kanta ni DJ na Hinahanap Hanap Kita at patuloy parin ito pinag-uusapan sa mga social media.



    Pangalawa ang mga naninira upang pabagsakin si Daniel Padilla at pilit nila itong sinisiraan pero nanatili parin matatag si Daniel Padilla dahil hindi naman totoo ang mga tsismis na ibinabato sa kanya sa katunayan mas lalong dumami pa nga ang kanyang mga fans, at pupunta ang mga ito sa kanyang concert na handog para sa mga nagmamahal sa binata.

    Pangatlo may mga starlet din na pilit na dumidikit sa kanyang pangalan para din mapag-usapan sila at may mga starlet din na gusto sya at iniidolo sya ganyang talaga ang karisma ng mga Padilla kakaibang Daniel Padilla.

    Panghuli ay ang balitang ayaw diumano ni Benjamin Alves na mapakinggan ang kantang Nasa Iyo na ang Lahat na kanta ni Daniel Padilla kaya naman marami mga kakulay netizens ang tumaas ang kilay sa nabasa nila balita.

  9. #1929
    ABS-CBN DENIES COURTING WILLIE AGAIN! SAYS VERY MUCH HAPPY WITH IT'S SHOWTIME'S RATINGS!

    MANILA, Philippines - ABS-CBN president and chief executive officer Charo Santos-Concio on Tuesday denied rumors that controversial host Willie Revillame will return to the Kapamilya network.

    "That's not true. We're not in talks with Willie Revillame. We're very happy with the ratings of [It's] Showtime. We're very happy with Showtime," she said in a press conference on Tuesday.

    Rumors that Revillame, host of "Wowowillie" will return to ABS-CBN stemmed from reports that his contract with TV-5 will expire soon. Revillame left ABS-CBN in 2010.


    On Monday, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) placed the noontime show "Wowowillie" on a three-month probation.

    The board also subjected the show, which is hosted by Willie Revillame, to a Strong Parental Guidance (SPG) classification effective immediately.

    The probation came after the agency called the show's attention over the revealing outfits of "Wowowillie" dancers wore on its April 16 episode.

    Last month, MTRCB also called the attention of "Wowowillie" after Revillame lambasted his guest co-hosts Ethel Booba and Ate Gay live on air. - With report from Kathleen A. Martin, ABS-CBNnews.com

  10. #1930
    FUNFARE By Ricky Lo (The Philippine Star) | Updated April 24, 2013

    Mom Inday to Gretchen: You’re a liar!


    The Barretto sisters (from left) Claudine, Marjorie and Gretchen
    during better, peaceful times. Below: Their mom, Inday Barretto,
    with Claudine. Top right: Julia Barretto (daughter of Marjorie
    and Dennis Padilla): The collateral damage?


    It feels like déjà vu.

    A few years ago, the Barretto sisters Gretchen, Marjorie and Claudine got involved in a public feud, waged on national television. The word war so deteriorated that their mom, the gracious and gentle-mannered Inday Barretto, was forced to step in and try to stop it.

    It’s happening again, sparked by a swap of snide remarks, this time on social media, into a full-blown word war with netizens joining in the fray and making things worse, in the process dragging into the mess Julia Barretto, the 16-year-old daughter of Marjorie and Dennis Padilla, who is being built up by ABS-CBN.

    Mom Inday is back to act as referee but this time making it loud and clear which side she’s on.

    Here’s her official public statement (addressed to Gretchen) dated April 22, 2013, entrusted only to Funfare with very little editing but retaining the anguish a mother is going through amidst bickering children:


  11. #1931


    Robin umalma sa report ng GMA 7 kahit nanalong Best Actress, Angel hindi pa rin mabanggit ang pangalan sa GMA
    SEEN SCENE | Updated April 24, 2013

    SEEN: Habang umiiyak si Kim Chiu sa The Buzz noong Linggo.

    Lumuha rin si German Moreno sa H.O.TTV dahil naalaala niya ang mga tao na tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

    SCENE: Magaganap ngayong gabi ang 50th showbiz anniversary celebration ni German Moreno sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

    Walang taping ang mga artista ng Kapuso Network dahil imbitado sila sa big night ni German.

    SEEN: May surprise birthday party para kay Regine Velasquez
    noong Lunes. Idea ni Ogie Alcasid na sorpresahin ang kanyang asawa sa 43rd
    birthday nito.

    SCENE: Hindi binanggit sa report ng 24 Oras na si Angel Locsin ang nanalo ng best actress award sa 61st FAMAS Awards dahil talent na siya ng ABS-CBN.

    Mapapanood sa GMA 7 ang FAMAS Awards sa Linggo, April 28. Edited out yan I'm sure. Walang kinikilingan ekek.

    SEEN: Hindi nagustuhan ni Robin Padilla ang pagsasabi ng “Muslim” ni GMA 7 reporter JP Soriano sa ulat nito tungkol sa pagkakahuli kay Dzhokar Tsarnaev, ang suspect sa Boston Marathon bombing: “Wala sa katuruan ng Islam ang pagpapasabog ng bomba at hindi gawain ng Muslim ang manakit at pumatay ng kapwa. Ihiwalay po natin ang gawa ng tao sa kanyang pananampalataya upang hindi makapanakit ng mas nakararaming walang kinalaman.

    “Peace is our responsibility. Let us not ignite more confusions. We should use
    our Media power to build bridges and educate the poor and the helpless.”

    SCENE: Umiyak si Luis Manzano sa birthday surprise sa kanya ng Pilipinas Got Talent staff sa live telecast nila noong Linggo.

    Tumugtog ng drums ang kapatid ni Luis na si Ryan Christian.

    SEEN: Masipag mag-rehearse si Daniel Padilla para sa kanyang first major concert sa Smart Araneta Coliseum sa April 30.

    SCENE: Si Jericho Rosales ang gusto ni Congressman Jack Enrile na gumanap na Senator Juan Ponce Enrile kung sakaling isalin sa pelikula ang life story ng kanyang ama. Ibinida ni Congressman Jack na guwapo si Sen. Enrile noong kabataan nito. Enrique Gil sa MMK.

  12. #1932
    SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 24, 2013

    John Lloyd daan-daang libong halaga ng relos ang ibinigay kay Sarah



    Uy mahigit P200K daw ang halaga ng ibinigay na regalo ni John Lloyd Cruz kay Sarah Geronimo - Cartier watch - bago nila natapos ang pinipilahan pa ring pelikula nilang It Takes a Man and a Woman.

    Maalalang noong una ay ayaw sabihin ni Sarah kung ano ang nasabing regalo. ‘Yun pala ay susuutin niya sa victory party ng kanilang pelikula.

    “Time, time is something we share in a very special way,” sabi ng actor na karelasyon ni Angelica Panganiban sa kanyang TV interview nang tanungin tungkol sa pagbibigay niya ng mamahaling relos sa kanyang leading lady.

    Kilalang galante ang aktor sa pagbibigay ng regalo.

    Samantala, isang source ang nakapansin na wala raw representative ng Viva Films sa naturang victory party ng It Takes a Man and a Woman na ilang milyon na lang daw ay malalampasan na ang filmfest entry na Sisterakas nina Kris Aquino, Vice Ganda at AiAi delas Alas. As of yesterday, balitang naka-P375 million na ito.

    Pagbalik ni Willie Revillame sa ABS-CBN hindi totoo – Charo Santos

    Nagsalita na si ABS-CBN president and chief executive officer Charo Santos-Concio tungkol sa lumulutang na balitang nakikipag-usap sila sa kampo ni Willie Revillame para sa posibleng pagbabalik ng TV host sa kanila dahil malapit na raw ma-expire ang pinirmahan nitong kontrata sa TV5.

    “That’s not true. We’re not in talks with Willie Revillame. We’re very happy with the ratings of [It’s] Showtime. We’re very happy with Showtime,” sabi ni Ms. Charo sa ABS-CBN.com.

    Kumalat ang isyu na ayon sa isang source, sa kampo naman talaga ni Revillame nanggaling, na kinakausap siya nang nilayasan niyang network.

    “Wala na kasi sa kanyang puwedeng pag-usapan. ‘Yung sinasabi niyang pagtulong niya sa mahihirap hindi na kinakagat ng mga tao kaya siguro ‘yun naman ang pinalulutang niya, ‘yung babalik siya sa Dos,” sabi ng source.

    Actually, tinalbugan pa raw nga ni Ryzza Mae Dizon ang programa ni Willie na Wowowillie in terms of ratings. Mas pinag-uusapan na raw ang programa ni Ryzza samantalang hindi naman ito namimigay ng mga datung na papremyo.

    Ay hala. Anong nangyari? Inilipat sa noontime slot ang nasabing programa ni Revillame para makipagsabayan sa Showtime at Eat Bulaga pero hindi nangyari ang plano ng TV5 na kumita sila nang mas malaki sa tanghali dahil nauna na ring napabalita na ang TV host lang ang kumikita sa programa bilang producer nito.

    Anyway, hanggang kahapon ay pinag-usapan ang panibagong isyu na kinakaharap ng programang Wowowillie kung saan guwardyado ang programa ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil sa sobrang mga seksing suot ng mga dancers nito.

    Bago ito ay kinastigo na rin ang programa dahil sa ginawang paglilitanya ni Revillame sa tinanggal niyang co-host na si Ethel Booba kung saan sinumbat-sumbatan niya ito sa ere na idinenay naman ni Booba.

  13. #1933
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 24, 2013

    Birthday Celebration ni Kim ala-showtime, nagpa-contest at namigay ng datung sa fans!

    Nagdiwang ng kanyang ika-23 kaarawan si Kim Chiu noong April 19. Isang kakaibang selebrasyon ang ginawa ng dalaga para sa lahat ng kanyang masugid na tagahanga. It’s Showtime-inspired daw ang naging theme ng party para sa lahat ng dumalo. Ilang grupo ang nagpakitang gilas sa nasabing event at mismong si Kim ang nagbigay ng mga papremyo sa mga nagwagi.

    “Sa akin galing ’yung prizes kaysa bumili ako ng para sa akin eh this time sa kanila naman. Cash prize kasi ito at para sa kanila, sa effort nila, ganyan. It’s time for me to give back naman. Parang masaya naman na nakikita nila ’yung ibang grupo. ’Yung kasiyahan lang, ’yung sila naman ’yung bida ngayon, hindi lang laging ako. Nandiyan talaga sila lagi. Masaya man ang mangyari sa buhay ko o malungkot man, nandiyan sila palagi,” nakangiting pahayag ni Kim.

    Paano kaya pinaghandaan ng aktres ang nasabing patimpalak para sa kanyang mga tagahanga?

    “Binigyan namin sila ng three weeks to one month to prepare. Ako rin namili ng judges. Happy ako ngayon kasi sa buong seven years ko sa showbiz hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila eh parang lagi na lang sila ’yung nagpapa-party para sa akin so, ngayon para maiba naman, sila ’yung bida sa party na ito. ’Yung iba kasi hanggang 30 per group lang kasi inimbita, so, ’yung iba hindi nakasama,” sagot ni Kim.

    Wala na raw mahihiling pa ang aktres dahil sa lahat ng mga biyayang kanyang tinatanggap sa ngayon.

  14. #1934
    THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) | Updated April 24, 2013

    Sam atras kay Shaina hindi pa man nag-uumpisa sa panliligaw

    Nakakatawa na inili-link sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao dahil lang very close sila. Bakit hindi na ba puwedeng maging magkaibigan lang ang isang lalaki’t babae?

    Natatawa rin ako dahil porke single si Shaina ay parang kahit kanino na lang ay inirereto siya. ’Di na ba siya puwedeng maging masaya? Kahit walang boyfriend?

    Ito namang si Sam (Milby), hindi pa man nagsisimulang manligaw sa kanya ay atras na agad. Kailangan daw maging friends muna sila ng isang babae bago niya ito ligawan. Ganun? After na mabalitaan ito ng lahat, biglang aatras siya?! Is he waiting for Shaina to make the first move?

    Toni at Alex kinontra agad ang isyu ng professional rivalry

    Totoo kayang may professional jealousy sa pagitan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga? Magkasama na naman ang dalawa ngayon sa Kapamilya Network. At gayung kabagu-bago pa lamang ng ex-Kapatid artist sa ABS-CBN ay may mga lumalabas nang hindi magagandang salita siya na patungkol kay Toni.

    Idinenay ito nilang dalawa kaya walang rason para intrigahin pa sila.

    Magkadugo ‘yan at sigurado akong hindi ‘yan mag-aaway nang dahil lang sa career nila.

    Pagpasok sa pulitika ni Kris, matunog Humanda ka, James.

    Bakit ba napakamaugong ng balitang tatakbo si Kris Aquino sa pagka-pangulo sa 2016?

    Para ko nang nakikita na magiging napakamakulay ng magiging eleksiyon sa taong ito. Dahil bukod sa kanya ay may iba pang artista na may pangarap na katulad ng sa kanya. Magbabanggaan sila! Ito ang dapat abangan.

    Sa palagay ba nila ay may maitutulong sila para sa ikauunlad ng bansa? Kung meron eh sumige sila. Huwag lang nilang balaking paglaruan ang mga kababayan nila na marami ay marunong nang pumili ng kanilang ihahalal. Marunong na rin silang pumili kung sinong kandidato ang pagkakatiwalaan nila.

    Kaya kung sinuman kayo, magsimula na kayong magpa-pogi ngayon pa lang.

  15. #1935


    WEDNESDAY, APRIL 24, 2013
    Shaina, matagal nang kinasasabikan si Coco!



    Dream come true para kay Shaina Magdayao na makatrabaho ang Teleserye Prince na si Coco Martin. Papasok nga si Shaina bilang si Mira sa hit superhero drama series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz.


    “I’m looking forward to working with Coco. Isa siya sa pinakamagaling na artista rito sa industriya.

    Isang malaking karangalan para sa akin na makatrabaho ang isang Coco Martin,” sey ni Shaina.


    Dagdag ni Shaina, matagal na niyang gustong makatrabaho muli si Coco mula nang makasama niya ito sa pelikula ng Star Cinema na Sa’yo Lamang.

    Aniya, “Tuwing magkikita kami ni Coco lagi niya akong tinatanong kung kailan kami magkakatrabaho ulit. Sabi ko naman sa kanya na hinihintay ko lang siya kung kailan na puwede.

    Kaya nagpapasalamat po ako na finally, makikilala ko na si Juan dela Cruz.”


    Gagampanan ni Shaina sa Juan dela Cruz ang karakter ni Mira, ang prinsesa ng mga engkanto.

    Sa kanyang pagpasok sa mundo ng mga tao, kilalanin ang misteryosong karakter ni Mira at tuklasin ang misyon na kailangang niyang gawin para mailigtas ang kanilang kaharian.


    Ano nga ba ang magiging papel ni Mira sa buhay ni Juan (Coco)?

    Magiging isa nga ba siyang kakampi o kaaway?


    Huwag palampasin ang pagbubukas ng bagong mundo sa kuwento ng paboritong superhero ng mga Pilipino, Juan dela Cruz, gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


    Para sa karagdagang updates, sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

  16. #1936


    WEDNESDAY, APRIL 24, 2013
    Bakbakan sa Team Animazing

    Triple ang saya at triple ang excitement na handog ng ABS-CBN tuwing umaga sa bagong anime shows ng Team Animazing block.

    Subaybayan ang pakikipagsapalaran ng panaderong si Kazuma Azuma sa pagsisikap niyang likhain ang Ja-pan, ang pambansang tinapay ng Japan sa cartoon classic na Yakitate Japan tuwing 9:00 AM.


    Mula sa mundo ni Azuma, sumuong sa kakaiba at maaksyong adventures na dala ng isa sa pinakamatagumpay na anime series noong 2012 ang Kuroko’s Basketball tuwing 9:25 AM.

    Samahan ang high school basketball players na sina Kuroko Tetsuya at Kagami Taiga na tuparin ang kanilang pangarap na makilala ang kinabibilangan nilang basketball team ng Seirin High. Kayanin kaya nina Kuroko at Kagami na patumbahin isa-isa ang mga katunggali?


    Samantala, sumama naman sa adventures ni Naruto upang ipagtanggol ang mabubuting ninja at ang Konoha sa inaabangang Naruto Shippuden Season 5 tuwing 9:50 AM.

    Sa bagong season, determinado si Naruto na labanan si Uchiha Madara at pigilan siyang maghari sa mundo. Upang magawa ito ni Madara, kailangan niyang mahanap ang dalawang nalalabing halimaw para dumagdag sa pitong nakuha na niya.


    Huwag palampasin ang Yakitate Japan, 9:00 AM, ang Kuroko’s Basketball, 9:25 AM, at ang Naruto Shippuden 5, 9:50 AM mula Lunes hanggang Biyernes sa Team Animazing ng ABS-CBN.

  17. #1937


    WEDNESDAY, APRIL 24, 2013



    NAGPAHAYAG kamakailan si BB Gandanghari na crush niya si Paulo Avelino, kaya sa isang presscon ng aktor ay inusisa siya ng entertainment press tungkol sa bagay na 'yon.

    Mukhang gulat si Paulo sa narinig at napangiti.

    Sabi ni Paulo, noong Rustom Padilla pa lang si BB ay idol niya ito, pero kung sinasabi ni BB na crush siya nito ay proud naman siya.

    Sa tanong kung willing ba siyang makasama sa isang proyekto si BB, oo ang sagot ni Paulo at wala raw magiging problema sa bagay na 'yon.

    Dahil crush ni BB si Paulo, aba, dapat lang siyang manood ng The Bride and The Lover kung saan may love scene si Paulo kasama si Lovi Poe at meron din sila ni Jennylyn Mercado.

    ***

    Aware na ang hosts and staff ng isang hindi ordinaryong talk show na malapit nang mag-goodbye sa ere ang kanilang show. Noong weekend ay sinabihan na kasi sila ng isang executive ng kanilang network.

    Noong isang gabi ay katsikahan ko ang isa pang executive ng network na 'yon at umamin ito na totoo ang balitang 'yon, pero may ibang talk show sila na pini-pitch na ipapalit doon.

    Bukod sa show na 'yon, ilang shows pa ng TV network na 'yon ang binabalak na pagpahingahin na rin.

    Sabi ng executive na kausap ko, marami silang exciting shows na sisimulan, kaya may mga show na kailangan nang mag-goodbye sa ere.


  18. #1938

    Published : Wednesday, April 24, 2013
    Written by : Joey Aquino

    Life still fair between Vi, Nora

    IT’S final: the indie movie of the Star for all Seasons Vilma Santos “Extra” won’t participate in the Cannes Film Festival.

    When Ate Vi was asked during the shooting of the indie film, she had no comment whether or not it is joining said film festival.

    Despite the bad news, the producers weren’t disheartened. In fact they are optimistic that there are other international filmfests which can give their film the opportunity to be noticed.

    Gov. Vilma Santos has been successful at the box office, in her political career and family life. She also had her shares of acting awards from local award-giving bodies.

    But unlike rival Nora Aunor, her kind of acting still has to be recognized abroad.

    Does that make life fair? Just asking…

    RICHARD, COCO AND DANIEL: WHAT’S THEIR SECRETS

    NO doubt, today’s hottest leading men are Richard Yap, Coco Martin and Daniel Padilla.

    These three have captured different age brackets.

    Richard Yap or Ser Chief, as he is fondly called by his fans, has strong appeal to thirty-somethings and above. He was first noticed in Binondo Girl as Papa Chen. Then, he became immensely popular in the hit kilig-serye, “Be Careful with My Heart” opposite Jodi Sta. Maria. His character, Ser Chief, is now a household name. At mid-40s, Richard epitomizes the cliché “life begins at forty.”

    Coco Martin makes the twenty-somethings wild and crazy with his killer smile. Never mind if he has a love child with Katherine Luna. That doesn’t make him lesser as hot leading man, despite a lackluster acceptance on his current teleserye “Juan dela Cruz.”

    Daniel Padilla brings the house down when he performs and makes his fans go gaga over him. Coming from a Padilla clan with both parents as celebrities, it has been easy for Daniel to penetrate showbiz. But not all so-called showbiz royalties have the same magic as he has.

    And to top it all, Daniel is set to rock the Big Dome with his upcoming birthday concert on April 30.

    So is there really a formula for success? Just asking...

    BEAUTY QUEENS GOT SOMETHING IN COMMON

    DID 2013 Ms. Universe-Philippines Janine Tugonon really fly to France the day after the 50th Bb. Pilipinas pageant last week to be with foreign band, The Script vocalist Danny Donoghue, whom she met during a meet and greet session after the group’s concert at the Araneta Coliseum?

    Janine and Donoghue swapped e-mail addresses and she said they have been communicating with each other regularly. Janine also admitted that she and her boyfriend, Jaypee Santos, have broken up.

    Janine’s manager clarified the beauty queen’s trip to France.

    “Janine went to France as a reward for herself. She went with her sister. She didn’t have any break since the Miss Universe pageant in Las Vegas in December last year and even prior to that because of the rigid training. A month after the Miss U contest, there was the screening of the 2013 Bb. Pilipinas aspirants. Her family planned her trip early this year. She was not there to meet the Script vocalist but for a short break. So the speculations are not true. And Janine is arriving soon to continue and fulfill her duties as Bb. Pilipinas.”

    It would be remembered that after her win last year, Janine opened up that she was very lucky to have a man like Jaypee. But after several months, it has become a different story.

    This is synonymous to what transpired in 1999 when Miriam Quiambao left her long time Filipino boyfriend for an Italian. She got married after winning first runner up in the Ms. Universe 1999 pageant. It seems like Janine has not only duplicated Miriam’s achievement by becoming Ms. Universe first runner-up but also like Miriam, she also seems to be smitten now suddenly by a foreigner.

    Is this a start of Janine’s journey like Miriam’s? Just asking…

  19. #1939

    Published : Wednesday, April 24, 2013
    Written by : Remy Umerez

    WELCOME, MARION

    ANOTHER Aunor has opted to pursue a singing career. Her name is Marion, daughter of Maribel 'Lala' Aunor.

    She was one of the 12 finalists in the first Himig Handog Music awards where her song If You Ever Change Your Mind placed third.

    We watched Marion sing on ASAP and Kris TV. In a scale from 1 to 10, we give her an 8. Our editor, Eugene Asis who goes for laid-back music gives Marion a higher rating. (10?)

    A big surprise for Marion is her joining the Be Careful With My Heart World Tour which took her to the Middle East.

    Her album which she describes as a labor of love will be out by the end of April.

    It would be nice to hear the Superstar and Marion do a duet once Nora (her aunt) recovers her singing voice. Kailan naman kaya ito mangyayari?

    WHO'D ARGUE WITH DANIEL'S SUCCESS?

    CAN Daniel Padilla sing? That's the same thing they asked of Anne Curtis before she did a hit concert at the Araneta Coliseum. Oh well, whatever, how can one argue with success?

    If Daniel fills up the Araneta Smart for his birthday concert, bow na lang ang mga nagdududa. (I think his fans couldn't care less if he could sing or not.--Ed.)

  20. #1940

    Published : Wednesday, April 24, 2013
    Written by : NEL ALEJANDRINO

    Sequel to Sarah and John Lloyd's movie in the works

    WOW, do you know how much the phenomenal John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo starrer, It Takes A Man and A Woman, has grossed as of this writing?

    A whopping P375M. Yes, in less than four weeks.

    No wonder Star Cinema and Viva Films organized a victory-cum-thank you party for the cast, crew and production staff at the 9501 Restaurant of the ELJ Building last Monday.

    It was an ultra-happy occasion dahil si Malou Santos, Star Cinema managing director, ay namudmod ng white envelope. Everyone involved went home happy, especially, John Lloyd and Sarah, co-stars, Rowell Santiago, Johnny Revilla, Al Tantay, Miles Ocampo, Joross Gamboa, Bing Pimentel and Gio Alvarez, among others.

    Gracing the happy occasion were Charo Santos-Concio, Cory Vidanes, Olive Lamasan, Marivic Ong, Carmi Raymundo and Enrico Santos.

    Director Cathy Garcia-Molina also came with her boyfriend, who was a high school classmate.

    A widow, Direk Cathy looks sexier at ang ganda niya these days.

    * * *

    Walang dudang maliban sa team-up nina John Lloyd at Sarah, isa sa mga dahilan why moviegoers watched It Takes… ay ang istorya ng pelikula.

    No wonder this early, Star Cinema is conceptualizing a sequel to the successful comedy-romance film series.

    Sa finale ng It Takes... ikinasal sina Miggy at Laida. Natural lang na life as a bagong kasal ang maging sunod na kabanata ng pelikula. Dito malalaman kung ready na for matured roles si Sarah, who is turning 25 on her birthday in July.

    Sa It Takes…, may lips to lips ang dalawa, bagama’t slight lang.

    Sa speech ni Sarah during the party, pabiro niyang sinabi kay John Lloyd na gusto niyang pasalamatan ang parents nito dahil pumayag sa eksenang halikan sa pelikula.

    If you want to know kung nasa gathering ang extra protective mommy ni Sarah na si Mommy Divine, nandu’n po siya.

    Sarah will be busy with the upcoming reality show, The Voice of the Philippines, ng ABS-CBN, where she is one of the coaches along with Apl de Ap, Bamboo and Lea Salonga.

    Toni Gonzaga, younger sister Alex (Gonzaga) and Robbie Domingo host the show.

    John Lloyd, on the other hand, will do a movie opposite Anne Curtis.

Page 97 of 256 FirstFirst ... 47 87 96 97 98 107 147 197 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

SHOWBIZ:

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

read more
PBB:

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

read more
PBA:

Banchero, Pringle and Rosser impress in PBA Draft workouts

Banchero, Pringle and Rosser impress in PBA Draft workouts

read more
SPORTS:

Air Force advances to Final Four with win over Ateneo in three sets, 25-20, 25-22, 25-22

Air Force advances to Final Four with win over Ateneo in three sets, 25-20, 25-22, 25-22

read more
LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

Ramon Bautista officially declared as persona non grata in Davao City

Ramon Bautista officially declared as persona non grata in Davao City

read more
PROMO:

Join the Pudsey the Movie promo and win advance screening tickets!

Join the Pudsey the Movie promo and win advance screening tickets!

read more
UAAP:

La Salle outlasts Ateneo, 88-86, behind Jeron Teng's 32 points

La Salle outlasts Ateneo, 88-86, behind Jeron Teng's 32 points

read more