PEx Highlights

PROMO: If I Stay

Join the If I Stay promo and win advance screening tickets!

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 6

The is back! We talk about the top dogs, the lovable losers and Kyle Neypes' recent transformation.

read more

MOVIE REVIEW: Rurouni Kenshin: Kyoto Inferno

Perfectly choreographed fight scenes and compelling execution makes "Kyoto Inferno" the perfect bridge to "Legend Ends."

read more

FEATURE: The 1986 FIBA World Championship

How would the 1986 Philippine national team have fared had it gone to Spain in the 1986 FIBA World Championship?

read more

MOVIE REVIEW: Talk Back and You're Dead

It may not the type of movie that can explain the deeper meaning of life, but it's the movie that can melt your heart.

read more

PHOTOS: Ateneo Wins in the Clutch Again

Kiefer Ravena made another clutch shot at the dying minutes of the game, cementing an Ateneo win over the UE Red Warriors, 78-73.

read more

Page 8 of 256 FirstFirst ... 7 8 9 18 58 108 ... LastLast
Results 141 to 160 of 5103
  1. #141


    Kantar Media-TNS Total Philippines Household Ratings (January 4-6, 2013): Derek Ramsay’s Kidlat breaks into Top 10 Primetime Programs

    Tuesday, January 08, 2013



    Here are the comparative Household Ratings of ABS-CBN, TV5, and GMA-7 programs from January 4-6, 2013 based on the overnight ratings of Kantar Media/TNS among Total Philippines Urban & Rural households:


  2. #142


    Janice On the Biggest Challenge Of Her Acting Career
    By NR RAMOS
    January 9, 2013


    Janice de Belen will romance a fridge
    but not Ariel Rivera


    Gay roles, particularly those that allow for an actor to lock lips with a co-actor could sure create a lot of noise. Most often than not, the movie or TV project, if not the actors themselves, end up garnering much praise from critics. Heck they'd even be considered "brave" for their "realistic" portrayals of their characters. After all, didn't Sean Penn win his second Academy Award for Best Actor by kissing James Franco in "Milk"?

    But not everyone seems eager for such lofty recognitions. Take for example, Janice de Belen.

    The former child star is making a comeback of sorts in the acting front, signing up to portray a mother role in the ABS-CBN TV series “Ina, Kapatid, Anak.” Despite its title, the series is not about incest. But for de Belen, it might as well be since her role requires her to act as wife opposite her real-life brother-in-law Ariel Rivera -- the husband of younger sister, actress Gelli de Belen.

    Now that would have been a tall order even for someone like Meryl Streep.

    In earlier interview with push.com, de Belen confessed that she almost backed out of the project due to this. “Medyo mahirap… weird ang feeling," she said.

    But then again, the true professional that she is, de Belen accepted the role.

    "As an actress you have to get past that. Talagang mahirap sa umpisa but then after a while, [when] you get past it, okay naman,” she explained.

    It also helped that she was able to discuss the matter with her sister prior who, as de Belen told abscbnnews.com, simply laughed about it.

    The whole brouhaha could've ended there but then the show entered "book two," and new concerns surfaced.

    Apparently, de Belen is anxious about the development of their characters inasmuch as she is worried that she would eventually be made to kiss Rivera.

    According to de Belen, it would be the biggest "challenge" of her career -- being "raped" by a fridge in 1984's "Shake Rattle & Roll 1" notwithstanding, of course.

    "Kasi mahirap na nga," she stressed. "It's a challenge enough for me to work with Ariel bilang asawa, kasi kailangan mong maging maingat sa bawat galaw mo. So huwag na nating palalain 'yung challenge."

    If anything, de Belen insisted that both she and Rivera just might fail in their portrayals.

    "Hindi na namin kaya pareho 'yon," she emphasized.

    Thankfully, in the end, de Belen's fears have proven baseless as the shows' writers and producers have chosen not to aggravate the situation -- the show is a prime-time series, after all.

    "Pinag-usapan na namin at hindi na aabot doon," she said.

  3. #143
    Anak ni Pen Medina na si Alex Medina papasok sa Ina Kapatid Anak Book 2.
    Posted by Kakulay Entertainment Blog ⋅ January 9, 2013

    Magsisimula ang panibagong kabanata ng nangunguna teleserye sa bansa na Ina Kapatid Anak Book 2 sa january 14 dahil isang malaking rebelasyon ang babalot sa bawat karakter.



    Papasok sa ikalawang kabanata si Alex Medina na tinanghal na Best Actor sa pelikulang Palitan sa katatapos lang na Cinema One Originals 2012. Sa mga hindi nakakaalam si Alex ay anak ni Pen Medina ang bakitang aktor na laging kontrabida sa mga serye, laking indie film si Alex kaya big break ito sa kanya para pasukin na ang mainstream sa pamamagitan ng Ina Kapatid Anak.

    Kaabang-abang din ang magiging role ni Alex Medina at isa sa malaking pasabog ito na magaganap sa ikalawang kabanata ng nasabing serye at alamin kung magiging bida o kontrabida sya dito.

    Abangan ang mas lalong umiinit na eksena sa Ina Kapatid Anak sa ABS-CBN Primetime Bida.


    Pumasok na, no.

  4. #144
    Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 11, 2013


    Fans ni Sarah si Matteo na ang gusto

    Nakakatuwa ang fans ni Sarah Geronimo dahil sa isyung Gerald Anderson at Maja Salvador, ayaw na nilang ligawan uli ng aktor si Sarah Geronimo. Mas gusto nila ngayon kay Pop Princess si Matteo Guidicelli na ex ni Maja.

    Wish ng fans ni Sarah, ituloy ni Matteo sa panliligaw kay Sarah ang paghanga nito noong hindi pa sila ni Maja. May necklace pa raw na ibibigay dapat si Matteo kay Sarah na hindi naibigay at hinahanap ito ng fans ngayon.

    Bale ba, magkakaroon ng chance na magkakilala nang husto sina Sarah at Matteo dahil may US Tour sa May si Sarah at si Matteo ang makakasama. Nag-meeting na sina Jojie Dingcong, manager ni Matteo at Vic del Rosario tungkol dito.

  5. #145


    FRIDAY, JANUARY 11, 2013
    Cesar, Miriam, Agot, miserable ang karanasan sa ‘Les Miserables’



    Naging miserable ang pakiramdam ng mga dumayo sa malayong lugar ng Resorts World Manila noong Miyerkules para sa Philippine Gala Premiere ng Les Miserables sa Newport Performing Arts Theater, dahil hindi natuloy ang screening ng pelikula nina Anne Hathaway, Russell at Hugh Jackman.

    Disappointed na umuwi ang mga kaibigan namin dahil sa kanilang karanasan. Anila, “Nagkaroon daw ng technical problems kaya ayaw mag-play ng movie. Sinabihan kami na bibigyan ng free tickets para sa regular showing ng Les Miserables sa mga sinehan ng Newport pero hindi na kami pumila dahil mahaba ang linya.”

    Mga biktima rin ng cancellation ng much-awaited special screening ng Les Miserables sina Liezl Martinez, Miriam Quiambao, Agot Isidro, Christian Bautista, Cherrie Gil, Dra. Vicki Belo, Hayden Kho, Jr., Cristalle Henares at Cesar Montano.

    ***



    Si Melissa Ricks na ang leading lady ni Cesar Montano sa The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim. Si Melissa ang ipinalit kay Denise Laurel dahil hindi nito tinanggap ang project na ipalalabas sa mga sinehan sa February 27.

    Si Cesar ang gumaganap na Alfredo Lim sa film bio ng current mayor ng Manila City at siya rin ang direktor ng pelikula na balak isali sa mga international film festival.

    Walang pahinga si Cesar dahil bukod sa shooting ng The Turning Cradle, may taping siya para sa Never Say Goodbye, ang upcoming primetime drama series ng TV5.

    ***

    Maikukumpara sa isang glossy movie ang quality at outstanding production design ng Indio, ang epicserye ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla, Jr. at magsisimula sa January 14.

    Si Dondon Santos ang direktor ng Indio at ito ang unang project niya sa Kapuso Network. Ang ABS-CBN ang nagbigay kay Dondon ng malaking break bilang direktor.


  6. #146


    FRIDAY, JANUARY 11, 2013
    Robin, sobrang nag-enjoy sa ‘love scene’ kay Kris!
    “Anne, pantasya ng bawat lalake!” -- Robin


    (Dondon Sermino)



    All out daw si Robin Padilla sa bago niyang teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw, kasama sina Kris Aquino at Anne Curtis.

    Sabi ni Robin, hiningi raw niya ito sa ABS CBN, at ngayong ibinigay sa kanya, hindi siya dapat magpakipot na gawin ang mga kailangang gawin.

    Ano ang masasabi niya sa pagsasama nila ni Kris?
    “Si Kris kasi, dream ‘yan ng bawat lalake. Sa totoong buhay at katrabaho, dream talaga siya,” bungad na sabi ni Robin.

    Eh, bakit pinakawalan niya si Kris noon? Hindi ba, muntik na silang magpakasal?
    “Ay, ako po ay nakita ko na ang hope ng aking buhay. Si Mariel (Rodriguez) `yon,” pangiti-ngiting sambit ni Robin.

    Eh, kumusta naman si Anne?
    “Si Anne, fantasy ng bawat lalake. May kanya-kanya sila ni Kris. Kapag tinitingnan mo sila, meron ka na agad na wow… Pero, iba sila, eh. Magkaiba sila.”

    Naging madali bang katrabaho si Kris?
    “Si Kris? Nakakatakot katrabaho si Kris. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” tumatawang sagot ni Robin.
    Bakit ka naman natakot kay Kris?

    “Eh, nasa 200 porsiyento kasi ang pagiging perfectionist niya. Palagi kaming naka-attention. Kapag nagsalita na si Ms. Kris, kailangan ready kami palagi. Totoo ‘yon. Totoo `yon.

    “Kasi lahat naman ng sinasabi ni Kris, may punto. Pinag-iisipan niyang mabuti. Hindi naman siya ‘yung hihirit ng isang bagay na wala siyang katuwiran.”
    So, ano lang ang request ni Kris sa kanya?

    “Huwag ko siyang ibagsak kapag buhat ko siya. Ha! Ha! Ha! Ha!

    “’Yun lang ang request niya. Kasi marami kaming mga eksena na… Serious ito, ha. Wala naman siyang mga reklamo. Sa aming mga love scene, masyado akong nag-enjoy. Wala naman siyang hiningi na bawal ito, bawal ‘yon. Wala talaga.

    “’‘Yun nga lang, malamig lang ang tubig sa Boracay, kaya ako ang nagreklamo, siya hindi!
    “Pero, ‘yun lang ang sinabi niya sa akin. Isang beses lang siyang nagsabi sa akin, na huwag ko siyang ibagsak. May eksena na inatake siya, at kailangan ko siyang buhatin.

    “Syempre sa rehearsal, hindi pa naman namin mapakita ni direk (Joyce Bernal) `yung power, kaya medyo gumaganun-ganun (gumegewang-gewang) pa siya. Pero, nu’ng take na, okey na…”
    Eh, si Anne?

    “Mabigat din sa ibang usapin. Kailangan lang matindi ang pagpipigil mo sa sarili mo. Kailangan bumabalik ka lang lagi sa realidad, na hindi ka na papatulan ng mga batang ito, wala na.

    “Huwag kang maniwala sa mga hinala mo. Ha! Ha! Ha! Ha! Akala mo lang meron, pero wala, wala, wala!
    “Kasi ang role namin dito, hindi puwedeng hindi mo lalagyan ng malisya. Hindi tayo puwedeng magpakaplastik dito na magkakapatid lang kami, magkakaibigan kami. Puwede siguro kung ang role namin ay masyadong mature na.

    “Pero, naglalagablab na pag-ibig ito. Ang mga mata, kailangan totoo ang sinasabi mo. Pero hanggang doon na lang ‘yon.

    “Nagbibiruan lang kami na siyempre, may mga eksenang madadala ka. So, habang gumigiling ang kamera, meron kang mararamdaman, hindi puwedeng wala.

    “Pero, huwag naman nating sabihing nadadala, dahil masyado na tayong matanda para madala pa. Ha! Ha! Ha! Ha!

    “Sa eksena, lahat naman ‘yon kontrolado ng director. Yung naiiwan, pagkatapos ng eksena, `yun ang mahirap. Kailangan pag sigaw ni direk ng pack-up, pack-up na rin ang nararamdaman mo.

    “Nanamnamin mo pa sa sasakyan ‘yon pag-uwi. May flashback pang konti. Minsan nagagalit ako kay direk. Kasi pack-up na agad. Ha! Ha! Ha! Ha!

    “Pero punung-puno ng pag-ibig ang Kailangan Ko’y Ikaw. Wala siyang boundaries. Pag nilagyan mo siya ng boundaries, stereotype na. Kailangan pakawalan mo. Hindi puwedeng may boundaries.

    “May isang eksena nga kami ni Anne, natatandaan ko, na nasa prisinto kami. Tagal naming hindi nagkita ni Ruth (name ng karakter ni Anne). Lapit ako kay direk. Sabi ko, ‘Direk tagal naming hindi nagkita. Ano ba ko rito, ngingiti ba ako? Tarant*ado, galit ka rito sa kanya. Ha! Ha! Ha! Ha!

    “Ah, okey. May mga ganung klase kami. Kasi, sa ganda ni Anne, sino ba naman ang hindi mapapangiti? Kailangan ibalik sa realidad ng director, ‘yung mga ganung klaseng eksena,” sabi na lang ni Robin.


  7. #147

    Published : Friday, January 11, 2013
    Written by : Butch Roldan

    VG Daniel Fernando explains 'tiff' with Phillip Salvador

    IF I were E.R. (Laguna Governor E.R. Ejercito), I dare not show "El Presidente" during the Metro Manila Film Festival,” Bulacan Vice-Governor Daniel Fernando commented when we asked him about the ‘bad’ box office performance of E.R’s 2012 MMFF entry.

    He himself would not desire to watch a movie like "El Presidente" during Christmas season when everybody wants to enjoy, added VG Daniel Fernando. “Madugo ang entry ni E.R., serious dahil historical nga. Ang type ng mga tao tuwing Pasko ay masasayang pelikula tulad ng Si Agimat, "Si Enteng Kabisote at Si Ako" at Sisterakas.”

    Fernando,who entered showbiz through his appearance in 'Scorpio Nights,' the mid-‘80s movie of Peque Gallaga, was already a public servant even before he considered joining showbiz world. He was a chairman of the Sangguniang Kabataan in Guiguinto, Bulacan, and then got elected as a provincial board member in 1998 and served for two terms. In 2007, he ran as vice-governor but lost to vice-governor at that time Wilhelmino Alvarado. In 2010 election, he ran again and won as Alvarado’s running mate. VG Fernando became a staunch supporter of Bulacan Governor Alvarado. To polish his skills and prepare for his work as presiding officer of the Sangguniang Panlalawigan, VG Fernando attended Good Governance and Legislation course at the University of the Philippines.

    As Bulacan vice governor, Daniel is serving well his constituency. Aside from livelihood and access to health care, he also has programs for the protection of the environment. When asked about his acting career, Fernando said: “I’m still active as an actor. Sa showbiz ko kinukuha ang mga pondong ibinibigay ko sa mga taong nangangailangan ng pambili ng gamot, iyong mga taong walang hanapbuhay at nangangailangan ng tulong. Kailangan kong lumabas sa showbiz at hindi ako bibitiw dito. Mahal ko ang showbiz, in fact, after my significant role in GMA7’s historical soap, "Ama-ya," I was offered a good role in "Indio" this year’s historical teleserye of the Kapuso Network starring Senator Bong Revilla.”

    He did not accept "Indio" however, due to a ‘very’ personal reason. VG Fernando’s ‘personal reason’ was revealed to us by a reliable source. Our source alleged: “Ayaw ni Vice-Gov na makasama si Phillip Salvador na siyang fight director ng "Indio." Baka raw may itinatago pa si Ipe na sama ng loob sa kanya (VG Fernando) dahil sa mga naglabasang mga intrigang balita noong nagsabi si Phillip na tatakbo siyang bise gobernador sa Bulacan. Baka raw bigyan siya ng ‘masasamang’ fight scenes sa "Indio" na ayaw niyang gawin. Baka raw ‘yun pa ang maging dahilan ng engkuwentro nila.”

    In our interview with VG Fernando, his reason why he rejected "Indio" was that he had another teleserye which he opted to accept prior to the offer of Kapuso -- ABS-CBN’s "Ina, Kapatid, Anak." But before the initial tapings for the soap, he canceled his participation because his character would be extended in time for the 2013 elections as he will run again as vice governor of Bulacan. VG Fernando has no opponent, and so his victory is without a doubt. Phillip Salvador, his would be only rival, who announced the intention to run as vice governor, after the ‘bad’ publicities against him, had finally decided to withdraw from Bulacan political race. Daniel was hurt when he heard the news about Phillip’s imminent head on with him in the political arena.

    "Kung iba ang lalaban sa akin, okay lang. Matatanggap ko nang buung-buo. Pero si Kuya Ipe, mahal ko. Gusto ko maging maayos kami. Pero sa mga mangyayari, hindi ko alam. Marami sa amin ang maaapektuhan, mga kasama natin sa industriya," he said. “Kuya Ipe may have realized later na napakaraming masasaktan sa political na tunggalian namin kaya umurong na rin siya,” sighed VG Fernando.

    When asked what his plans are in his second term, VG Fernando replied; “I don’t plan what will happen months or years ahead regarding my career, showbiz or as a public servant. Ang ginagawa ko, pinagbubuti ko muna nang husto ang aking kasalukuyang trabaho at pagkatapos ay saka ko titingnan kong ano ang susunod kong papasukin. I always stay in the present because sa panahon lang na ito ko mapagbubuti nang husto ang aking trabaho…at sa panahong ito ako susukatin ng mga tao kung ano ang puwede kong gawin sa future. Ang impression kasi sa atin ng mga tao ay nakadepende sa performances natin sa kasalukuyan.”

  8. #148

    Published : Friday, January 11, 2013
    Written by : Mario Bautista

    TV5 EXEC DENIES SHARON DISPLEASURE

    TV5 Creative head Perci Intalan told us at the presscon of “Kidlat” that he personally supervised the project. “Hanggang kaninang umaga, busy ako sa editing at special effects nito,” he says. “I want to make sure okay ang effects so I asked two different companies to execute the visual effects s at 'yung mas maganda, 'yun ang ginamit ko. Ayokong mapahiya kay Derek Ramsay kasi all out siya in giving his all for this project. Ayaw magpa-double sa action scenes. In one fight scene, nagkasugat-sugat ang kamay niya dahil binuntal-buntal niya 'yung kadena. Maraming big action scenes dito and he did them all himself. Bibilib ka talaga sa kanya.”

    How about the rumor that Sharon Cuneta was pissed when her talk show was cancelled and now wants to return to ABS-CBN? “That’s not true. The show ended kasi natapos na 'yung season nito. Limang taon ang contract niya with us so I don’t think basta aalis siya. We’re preparing a new show for her in coordination with her manager, Boss Vic del Rosario of Viva.”

    Personally, we feel sad that “Sharon Kasama Mo” didn’t find the audience it deserves as it’s such a good talk show. You can see the time and effort put into it to make sure each episode is worth viewing with great topics and great guests.

    REGINE'S REPEAT A BIG HIT

    REGINE Velasquez's “Silver Rewind” concert last Saturday at SM MOA Arena was a big hit. “Nakabawi siya after mawalan siya ng boses noon,” her fans say.

    She herself declared: “It’s nice to hear my voice again!” And she really did a lot of “birit” songs that night to prove her voice is in tiptop shape.

    Among the celebs who came to watch her concert are Sarah Geronimo, Richard Gomez and Lucy Torres, Iza Calzado and Aussie BF Ben Wyntle, Eugene Domingo and Vice Ganda.

    Her next big project, also at SM Arena, is a Valentine show, “Foursome”, with hubby Ogie Alcasid and estranged husband and wife Pops Fernandez and Martin Nievera.

    INDIE ACTOR GETS BIG BREAK

    ALEX Vincent Medina gets the biggest break in his career now that he’s cast as the newest addition in Book 2 of “Ina Kapatid Anak.” Alex is an indie actor seen recently as Andres Bonifacio’s brother in “Supremo.” He also won the Cinema One Originals best actor award for “Palitan.” “Being cast in a mainstream soap like ABS-CBN’s number show, ‘Ina Kapatid Anak’, is really awesome,” he says. “Hindi ako makapaniwala nung una na isasama ako kina Eddie Gutierrez, Pilar Pilapil, Janice de Belen, Cherry Pie Picache, Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee and Xian Lim. May pressure talaga kasi galing nga ako sa indie films. But nag-warm up naman ako agad kasi very accommodating ang directors namin at ang bait ng buong cast sa’kin. They made me feel welcome.”

    What’s his role? “I play Diego, but I can’t reveal yet kung ano ang magiging papel ko sa buhay ng characters dito.”

    Our guess is that he’s Cherry Pie’s missing son, the one given away by John Regala before she gave birth to Celyn (Kim Chiu.)

  9. #149

    Published : Friday, January 11, 2013
    Written by : NEL ALEJANDRINO

    Annabelle fulfills promise to Eddie

    GUESS kung sino ang humahangos na dumating sa Luxent Hotel for the presscon of the second season ng Ina, Kapatid, Anak (IKA)?

    Si Annabelle Rama, who came straight from Cebu City.

    It’s common knowledge that Annabelle spends more time in Cebu than in Manila because she is running for congresswoman in one of the districts there.

    “Uuwi rin ako agad bukas (meaning, kahapon),” aniya. “Nangako ako kay Eddie (Gutierrez, mister niya) na sasamahan ko siya sa presscon nga nitong IKA.

    “Tulad ni Eddie, excited ako sa role niya rito. He believes it’s his best and most challenging role, so far. Yes, sa edad niya ngayon. And I agree.”

    In IKA, Eddie plays second husband to Pilar Pilapil, who was once married to a shoemaker, played by Ronaldo Valdez.

    Eddie, on the other hand, is wealthy and influential.

    With Ronaldo, Pilar has a daughter, ginagampanan ni Cherry Pie Picache. Kay Eddie, anak naman niya si Janice de Belen.

    * * *

    Do you know that Eddie was among the first actors who starred in a weekly series, bearing his name in the title, on ABS-CBN?

    This was in 1969 and the show was called The Eddie Gutierrez Show. It lasted for about a year.

    The late Tony Santos, actor-turned-movie-tv director, handled most of its episodes.

    Nag-lie low si Eddie for a time after meeting an accident. Then, he left for the U.S. for further medication. He married Annabelle and started a family there.

    It was Mother Lily Monteverde who enticed Eddie to stage a film comeback in the late ’80s. His comeback movie, Kailangan Kita, reunited him with Susan Roces, ka-loveteam niya sa Sampaguita Pictures.

    His family later joined him here.

    * * *

    Working closely with young stars like Kim Chiu, Maja Salvador, Enchong Dee and Xian Lim make Eddie and Pilar realize how much showbiz has changed.

    Noon daw, walang tinatawag na workshop for acting o characterization.

    Pero ngayon, since these techniques are within reach of young actors, walang kaduda-dudang magagaling ang portrayal nila of their characters.

    “Sabi nga ni Pilar, nakakainggit sila. If we had these privileges noong nagsisimula pa lamang kami, kahit noong mga ka-edad kami nina Kim, Maja, Enchong at Xian, noon pa, magagaling na kami.

    Also in the cast of IKA are Jayson Gainza, Mickey Ferriols and Alex Medina, son of character actor Pen Medina.

  10. #150

    Published : Friday, January 11, 2013
    Written by : VINIA VIVAR

    Kahapon, nagkaroon ng press junket sina Robin Padilla at direktor na si Bb. Joyce Bernal para sa Kailangan Ko’y Ikaw ng ABS-CBN.

    Ang nasabing serye ay reunion project nila ni Kris pagkatapos ng mahaba-habang panahon at first time naman with Anne Curtis.

    Say ni Robin, noong bata pa si Anne, nakasama na niya ito sa isang movie at ang ka-partner pa nito ay si Chubi del Rosario.

    Asked kung ano ang pagkakaiba ng dalawang leading ladies, say niya, parehong panalo.

    “Si Kris, dream siya ng lahat ng lalaki, kahit sa totoong buhay o kahit ’yung makatrabaho. Si Anne naman, fantasy ng bawat lalaki.”

    Kumustang katrabaho ang dalawa?

    “Si Kris, nakakatakot ka-trabaho si Kris. Nasa dalawang-daang porsyento ang pagiging perfectionist nu’n. Lagi kaming naka-attention. ’Pag nagsalita na si Ms. Kris, kailangang ready kami.

    “Totoo ’yun, kasi lahat sinasabi ni Ms. Kris, may punto, pinag-iisipan niyang mabuti. Hindi naman siya hihirit ng isang bagay na wala siyang katwiran.”

    Ang isang request lang daw ni Kris, huwag siyang bitiwan kapag karga niya.

    “Sa aming love scenes, masyado akong nag-enjoy, wala naman siyang mga hiniling na ‘bawal ’to,’ wala. ’Yun lang, malamig lang ang tubig sa Boracay, ako ang nagreklamo, siya hindi.

    “Isang beses lang siyang nagsabi sa akin, ‘’wag mo ako ibagsak.’ May eksena kasing inatake siya, kailangan ko siyang buhatin.”

    Si Anne naman, mabigat din daw katrabaho.

    “Kailangan lang, eh, matindi ang pagpipigil mo,” nakangiti niyang say. “Kailangan, bumabalik ka lang lagi sa realidad na ‘hindi ka na papatulan nitong mga batang ito,’” say ni Binoe, na ikinatawa ni Direk Joyce.

    Sa Kailangan Ko’y Ikaw, gagampanan ni Binoe ang role na pulis na ang asawa (Kris) ay dying of cancer.

    Asked kung paano siya naka-relate sa role niya, ayon sa action star, ang yumaong Rudy Fernandez at asawa nitong si Lorna Tolentino ang nasa isip niya.

    “’Yung pagmamalasakit ni LT kay Daboy nu’ng panahon na ’yun, na hindi mo kinakitaan si LT nang panahon na ’yun ng panghihina, babae pa ’yun. Parang ’yun lang ang naaano (iniisip) ko,” say ni BInoe.

    Sa January 21 na ang airing ng Kailangan Ko’y Ikaw.

  11. #151


    Paulo Avelino not intimidated by Kahit Konting Pagtingin co-actor Sam Milby: “Tanggap ko naman na mas guwapo at mas maganda talaga ang katawan niya sa akin.”

    Abby Mendoza
    Thursday, January 10, 2013



    After playing the dark and psychotic Nathan in the primetime hit Walang Hanggan, award-winning actor Paulo Avelino now takes on a “lighter” role in the upcoming ABS-CBN afternoon soap Kahit Konting Pagtingin.

    The “kiligserye,” which begins airing on January 21, stars Paulo with Kapamilya hunk Sam Milby and Star Power grand winner Angeline Quinto.

    Together, they compose the love triangle of the romantic-comedy.

    In a press conference that took place yesterday afternoon, January 9, at Mom and Tina’s Restaurant, Scout Esguerra, Quezon City, Paulo said that he welcomed the character of the “happy-go-lucky” Lance Ledesma.

    “When they presented this concept with me and my manager, our team, nagustuhan namin.

    “[It’s] something different kasi medyo gusto mo rin mawala sa tao yung mga ‘kasamaan’ na ginawa ni Nathan. Dito naman babawi…”

    The 24-year-old actor’s portrayal was remarkable—something he never expected—that even while walking on the street, people call him 'Nathan.'

    He is nonetheless not hesitant to move on from the character: “Marami namang chance na gumawa ng mga offbeat roles para sa mga pelikula, sa mga indie.”

    NOT INTIMIDATED BY SAM. In Kahit Konting Pagtingin, Paulo and Sam portray brothers Lance and Adam, the handsome and admirable heirs of a family-owned resort.

    Angeline, meanwhile, plays Aurora, the hardworking and comedic heroine of the soap.

    Inquired about his onscreen chemistry with his two co-actors, Paulo said that their workshop has helped them build a bond.

    “Mahirap 'yan pag di kami open sa isa’t isa lalo sa mga eksena. Kumbaga, ang pangit kung may barrier na nakaharang between us.”

    Does being cast alongside one of ABS-CBN’s go-to leading men, intimidate Paulo?

    The Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa star replied, “Ako, hindi naman ako nakikipagkumpitensiya kay Sam.

    “Tanggap ko naman na mas guwapo at mas maganda talaga ang katawan niya sa akin,” he said with chuckle.

    Is there competition between the two in acting?

    “Well, in terms of acting, ako kasi, give and take 'yan, e. Kailangan kasi magtulungan kayo sa eksena, hindi kayo nagkakainan,” Paulo retorted.

    The actor also told that he finds Sam friendly and that they have found things they like in common—gadgets, for instance.


  12. #152


    Sisterakas tops 2012 Metro Manila Film Festival box-office race; now holds record as "highest-grossing film of all-time"

    Nerisa Almo
    Thursday, January 10, 2013



    Opisyal na ang pagiging number one ng Sisterakas sa takilya sa walong pelikula na kalahok sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF).

    Base sa pinakahuling box-office result na inilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa official Twitter account nito kanina, January 10, nagsara sa P342 million ang box-office return ng pelikula nina Vice Ganda, Kris Aquino, at Ai-Ai delas Alas.

    Tumakbo ang 2012 MMFF mula December 25, 2012 hanggang January 8, 2013.

    Bukod sa pagiging topgrosser sa 2012 MMFF, ang Sisterakas na rin ngayon ang may hawak ng record bilang “highest-grossing Filipino movie of all time.”

    Nabura na ng pelikulang ito ang P320 million na kinita ng Praybeyt Benjamin (2011) sa loob ng dalawampung araw.

    Ang P342 million na kinita ng Sisterakas ay para sa dalawang linggo lamang. Siguradong tataas pa ito dahil hanggang ngayon ay palabas pa rin ito sa ilang sinehan.

    Ang Sisterakas at Praybeyt Benjamin ay parehong co-produced ng Star Cinema at Viva Films.

    Ang bida sa Praybeyt Benjamin ay si Vice Ganda rin.


    OTHER MMFF ENTRIES. Samantala, doble ang kalamangan ng Sisterakas sa sumunod na pelikula pagdating sa box-office race ng 2012 MMFF.

    Ang isa pang entry ng Star Cinema na One More Try ay nagtala ng P170.5 million na kita sa pagtatapos ng 2012 MMFF. Bida rito sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at best-actor winner na si Dingdong Dantes.

    Ang pelikula naman nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos na Si Agimat Si Enteng Kabisote at Si Ako ay pumangatlo dahil sa P133.5 million gross nito.

    Ang ika-apat na pelikulang naging patok noong nakaraang dalawang linggo ay ang Shake Rattle & Roll 14 ng Regal Entertainment. Ang three-part movie na ito na idinirehe ni Chito Roño ay nagtala ng P45.3 million sa takilya.

    Hindi pa inilalabas ng MMDA ang box-office return para sa apat pang pelikula—El Presidente, The Strangers, Sosy Problems, at Thy Womb.


    RECORD-BREAKING BOX-OFFICE RETURN. Pero sa kabuuan, ayon pa rin sa Twitter post ng MMDA, “record-breaking” ang P767.8 million na kinita ng katatapos pa lamang na MMFF.

    Ito ay mas mataas ng 21 percent kumpara sa kinita ng MMFF noong 2011 na P636.7 million.

    Sa nakaraang interview ni Karen Davila kay MMDA Chairman Francis Tolentino sa programang Headstart, nilinaw nito na “not a single centavo” ang mapupunta sa MMDA o MMFF committee.

    “The profits generated here are not just for the producers. Last year, we gave a huge chunk to the victims of [typhoon] Sendong.

    “This year, we will be reconstructing classrooms for [the victims of typhoon] Pablo in Bataan. Ito po ang decision ng executive committee.”

  13. #153


    Sam Milby confirms asking permission from John Prats to court Shaina Magdayao

    Melba R. Llanera
    Thursday, January 10, 2013



    After ma-link ni Shaina Magdayao kay Piolo Pascual, bali-balita na madalas naman daw nakikita ang young actress na ka-date si Sam Milby.

    Kahit pareho silang single, ikinagulat ito ng marami dahil hindi nababalitang naging magkaibigan o close sina Sam at Shaina.

    Sa presscon ng Kahit Konting Pagtingin kahapon, January 8, nilinaw agad ni Sam ang relasyon niya kay Shaina.

    Sabi niya, “Hindi totoo na kami na.

    "Honest ako sa mga kaibigan ko... Sa ibang tao na may crush daw ako sa kanya, may paghanga ako.

    "But in terms of kung item kami or kami na, wala namang ganyan.

    “Friends lang kami ngayon. Nagha-hang out kami kasama ang mga kaibigan niya.

    "Never kaming nag-date na kami... ganoon."

    Dugtong pa ni Sam, “Never kong sasabihin kung ano ang mangyayari kasi hindi pa namin alam—basta friends pa lang kami muna.

    “Gusto ko siyang makilala nang mabuti kasi hindi pa kami nag-uusap na masyado.”

    HANGING OUT. Inisa-isa ni Sam ang mga katangian na nagustuhan niya kay Shaina.

    “Yung mga hang-outs namin, we didn’t talk as much, so gusto ko lang siya makilala mabuti.

    “Ang gusto ko nga kay Shaina, maliban sa maganda siya, maganda ang puso niya.

    “Lahat ng katrabaho niya, lahat ng non-showbiz, yun ang palaging words tungkol kay Shaina—she’s a good-hearted person."

    Pero giit ni Sam, “Wala pa kaming something sa ngayon.

    "Hindi ko pa naman nililigawan, nagte-text kami.

    “Gusto ko siyang makilala at malaman kung liligawan ko siya o hindi.”

    Kailan ba nagsimula ang paglabas nila ni Shaina at ilang beses na ba silang nag-hang out?

    “Kasama ang mga kaibigan niya, siguro three or four times.

    “Siyempre matagal nang nag-a-ASAP every Sunday, tapos nakikita ko siya.

    "Charming talaga si Shaina… we have common friends.

    “End of December, that’s the first time… kasama ang mga kaibigan niya.

    “Never kaming nag-date or anything na kami lang dalawa.

    "Never kaming sweet, friends lang talaga.

    “Wala pa naman, kasi pag alam mong date na kaming dalawa, may expectations na ayoko naman sa ganoon.

    “Gusto kong makilala nang mabuti si Shaina… tingnan natin.”


  14. #154


    2013 predictions for Kapamilya stars and other famous personalities
    Written By Admin on Friday, January 11, 2013



    Feng Shui expert Marites Allen will bravely take the spotlight in “The Bottomline With Boy Abunda” this Saturday (January 12) as she reveals her predictions about the fate of some of the biggest Kapamilya stars including Kris Aquino, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Angel Locsin, Kim Chiu, Richard Yap, Daniel Padilla, and Coco Martin.

    Aside from her showbiz forecast, Marites will also share who among the popular personalities and politicians will be lucky in the upcoming 2013 elections. In general, what blessings and misfortunes will the Year of the Water Snake bring to the Filipinos?

    Don’t miss the 2012 PMPC Best Public Affairs Program “The Bottomline with Boy Abunda” this Saturday, 11:30 pm, after “Banana Split” on ABS-CBN. For more updates, log on to www.abs-cbn.com or follow @abscbndotcom on Twitter.

  15. #155


    Kiray Celis enjoys 'kontrabida roles'
    Written By Admin on Friday, January 11, 2013



    She lands roles in heavy drama, romance and comedy but according to teen actress Kiray Celis, her most unforgettable experiences are as a ‘kontrabida’.

    “My first kontrabida role was in Mara Clara. I found it really challenging to be a ‘maldita’ and I wasn’t sure at first if I was doing or saying the right things. But when I found out that a lot of viewers were starting to hate the character I was portraying, I felt comfortable with my acting,” she said.

    If given a chance, she said she wants to get other villain roles. “It’s thrilling to be the one causing trouble,” she added. However, she clarified that comedy will always be a part of her because she loves making people happy just like what her character does in “LUV U”.

    This Sunday (January 13) on “LUV U”, Whitney’s (Kiray) classmates will pull a prank on her by uploading a funny video of her on YouTube. Things will have a turnaround when a talent agency sees it and takes interest on signing her up for modeling.

    Will this finally jump start Whitney's career? Find out on “LUV U” this Sunday (January 13) after “ASAP 18” on ABS-CBN.

  16. #156
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 12, 2013

    Direk Lino pahinga ang puso pagkatapos kina KC, Bianca, Carmen, at Liz



    Mula sa pagiging barangay captain, kakandidatong congressman si Direk Lino Cayetano na isa sa pinaka-in demand na director ng ABS-CBN (na siyang may hawak ngayon ng programang Aryana).

    Kahapon ay pormal niyang ibinalita ang tungkol sa kanyang kandidatura kaya pansamantala muna siyang magpapahinga sa pagdidirek – leave of absence ang tawag niya – at magko-concentrate sa ‘pagpapakilala’ sa mga taga-Taguig.

    Pero bukod sa pagiging magaling at batang director at siyempre, magandang lalaki, kilalang bigatin at sikat ang mga nakarelasyon niya – KC Concepcion, Bianca Gonzales, Carmen Soo and Liz Uy.

    You read it right. Silang apat lang naman ang nakarelasyon ng director na nag-umpisa sa GMA 7 – Starstruck – bago lumipat ng ABS-CBN.

    Sina KC and Bianca, nagpaabot na raw ng tulong at ang dalawa pa ay nag-goodluck sa kanya sa pamamagitan ng text message.

    Pero ngayon ay loveless si Direk. Almost isang taon at kalahati na ayon sa director na napatunayan ang galing sa mga episodes na ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya.

    At lumutang ngayon ang pangalan ni Kris Aquino dahil lahat pala ng pelikula nito sa festival ay literal na suportado niya dahil dinadala niya bilang barangay captain ang mga kababayan sa sinehan para panoorin ito. Nagsimula ito sa Dalaw, Segunda Mano at sa ipinalalabas pang Sisterakas.

    “Hindi ko sinasabi sa kanya pero nalaman niya,” sagot ni Direk Lino nang uriratin siya tungkol sa posibilidad kung puwedeng magkaroon sila ng something ng actress-TV host.

    Anyway, parang nawala na ang pagiging shy type ni Direk Lino. Problema na sa Taguig ang inaasikaso niyang alamin ngayon. “Minsan nagigising pa rin ako sa gabi, Naghihintay ako ng text ng producer ko, kung may taping,” sabi niya na hindi naman gaanong kilala ang kalaban kaya malapit na siyang tawaging Cong. Lino Cayetano.

    Habang nakikipag-tsikahan siya ay dumating ang kapatid niyang si Sen. Peter Allan Cayetano na nagsabing maraming plano ang kapatid niyang director sa kanilang lugar.

    Ten years na sa showbiz ang poging director at kasama sa naging programa niya sa GMA ay Little Big Star, Stardance, Starstruck 1, Starstruck Kids and Starstruck Playhouse.

    Sa ABS-CBN, nahasa siya nang husto sa Maalaala Mo Kaya and Wansapanatym at sumabak sa mga telenovelas like Anghel na Walang Langit, Calla Lilly, Tanging Yaman, Noah, Kung Ako’y Iiwan Mo, Aryana, Boystown and Growing Up.

    Direk Lino obtained his Bachelor’s degree in Mass Communication from the University of the Philippines in Diliman. After he majored in Film, ipinagpatuloy niya ang Diploma in Directing sa New York Film Academy. At nung nasa New York siya, he attended comprehensive workshops in screenwriting and acting and further studied cinematography in the School of Visual Arts. When he returned to the country, he was invited to be one of the lecturers in the University of the Philippines (UP) at siya ang pinakabatang member ng UP faculty noon sa edad na 23.

    Nasa dugo talaga niya ang pulitika kung saan ang kanyang amang si Sen. Rene ay nagsimulang assemblyman bago naging senador. Nasa senado naman ang dalawa niyang kapatid na sina Sen. Peter nga at Sen. Pia Cayetano.

  17. #157
    ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 12, 2013

    Robin pinapak nang husto si Kris

    May sakit si Kris Aquino nang ipa-interview para sa promo ng ABS-CBN soap na Kailangan Ko’y Ikaw pero kahit inuubo, tuloy ang kuwento sa bakasyon sa Las Vegas, Nevada at ang soap nila nina Anne Curtis at Robin Padilla na pilot sa Jan. 21.

    Sabi ni Kris, sila ni Anne ang nakaisip na si Robin ang maging leading man nila dahil kung babae pareho ang supporters nila, si Robin ang magdadala ng men’s viewership at ka-macho-han sa soap.

    Maraming kissing scenes sina Kris at Robin at sabi ng una, kung totoong nagpapakain ang aktor tuwing may kissing scene sila, siguradong marami itong mapapakain pa. Ngayon nila nare-realize ang advantage ng walang partner at ang selos ng dalawang anak lang ang pino-problema.

    Sa tanong kung hindi ba siya nagreklamo sa love scene nila ni Robin, sagot ni Kris: “I hope ’di masamain ni Robin because more than him, ginawa ko ’yun because of Direk Joyce (Bernal). I feel safe with her at alam ko namang pang TV ito, maraming mapuputol na eksena. Mas maganda i-give ko na lahat, siya na ang bahala.”

    Hindi pa rin nababago ang desisyon ni Kris na last na ang Sisterakas movie sa pagsali niya sa filmfest dahil napatunayan na achieved na niya ang gusto at gustong bigyan ng chance ang iba.

    Tuloy pa rin naman ang paggawa niya ng pelikula at next movie niya ay pagsasamahan nila ni Eugene Domingo. Wala pang script si Chris Martinez at wala pa ring title ang movie to be directed by Bb. Joyce Bernal.

    Gusto rin ni Kris na gumawa ng pelikula kasama si Dawn Zulueta.

  18. #158
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) | Updated January 12, 2013

    Magkapatid masusubok sa cerebral palsy

    Matapos ang kanyang kontrobersiyal at top-rating Maalaala Mo Kaya (MMK) episode na Manika noong 2012 na tungkol sa isang batang ginahasa sa harap ng kanyang ina, magbabalik-MMK ngayong 2013 ang Kapamilya teen star na si Jane Oineza sa isa na namang challenging role.

    Sa episode ngayong gabi, bibigyang buhay ni Jane and karakter ni April, isang dalagitang may sakit na cerebral palsy na pilit namumuhay ng normal sa tulong ng kanyang pamilya, lalung-lalo na ng nakababata niyang kapatid na si Dhayveed (Kyle Balili). Naging sandalan ni April ang kapatid hanggang sila ay mag-aral.

    Si Nuel Crisostomo Naval na may likha rin ng Manika episode ang director.

  19. #159


    SATURDAY, JANUARY 12, 2013
    MAJA, gustong balatan nang buhay ng Gerald fans!



    Si Maja Salvador naman ang "pinupulutan" ng fans ni Ge*rald Anderson sa hate e-mail na aming natatanggap.

    Sanhi 'yon ng pagkalat ng tsismis na nagkakamabutihan na silang dalawa at 'yung pahayag ni Kim Chiu sa presscon ng series (Ina, Kapatid, Anak) na pinagsasama*han nila ni Maja.

    Para naman kasing mapipigilan ng fans na ito ang puso ni Gerald.

    Ganyan din ang violent reactions ng mga ito nang maugnay ang young actor kay Sarah Geronimo noon. Then, nang mabali*tang itatambal siya kay Cristine Reyes sa isang teleserye, nagunaw na naman ang ilusyon nila kaya si Cristine ang binanatan nila, huh!

    This time, turn naman ni Maja na lait-laitin pati na ang bosses ng Star Magic. Gusto nga nilang balatan nang buhay ang aktres, huh!

    Pero teka, babae na lang ba ang magi*ging daan upang pag-usapan ngayon si Gerald? To think na nawala na ang pagiging fresh niya kumpara nu'ng nagsisi*mula pa lang siya sa ABS-CBN, huh!

    Napanood nga namin 'yung My Girl nila ni Kim. Sa series na 'yon, sariwang-sariwa pa ang dating ni Gerald.

    Pero ngayon, na*ging mama na siya, huh! Mukha pang pinabayaan ang katawan dahil mas napapansin namin ang taba ng katawan kesa sa ganda nito, huh!

    Boys will be boys at si Gerald yata ang tipo ng artistang hindi mabubuhay ng walang babae na kaulayaw!


  20. #160

    JANUARY 12, 2013 SATURDAY
    KRIS, NAGPAUBAYA KAY ROBIN
    Bimby, galit na galit!




    KAHIT masama ang pakiramdam ay pinilit ni Kris Aquino na dumating kamakalawa nang gabi sa solo presscon niya para sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN na Kailangan Ko’y Ikaw na pagbibidahan nila nina Robin Padilla at Anne Curtis.

    Masaya si Kris na magkasama sila ni Robin sa nasabing teleserye.

    “Ang pinakasinasabi ko with everybody, it was such a comfortable and happy working experience (with Robin). Kasi, gamay namin ang isa’t isa.

    “Secondly, ang maganda sa kanya talaga, his memory is nearly perfect and ‘yung atake niya sa role. So, walang mga cure-cure. Walang gano’n. Tuluy-tuloy talaga because kuha namin ‘yung…I guess, rhythm ng bawa’t isa.

    “And tama I think ‘yung atake namin at this point. Kasi, as the series progresses, long married couple kami. So, importante siguro ‘yung matagal na kayong magkakilala, timpla n’yo ‘yung mood ng isa’t isa.

    “So, happy ako talaga du’n sa kinalabasan and I think, siya rin naman natutuwa. Sana,” simulang bulalas ni Kris.

    Nag-drama si Robin sa Kailangan Ko’y Ikaw, ‘di ba?
    “Super-galing. As in. I guess, you’ll see the vulnerable side of him.”
    So, may intimate scenes ba sila rito?

    “Ang dami! Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Yun lang daw ang nasabi ko!” natatawang sagot sa amin ng actress-TV host.

    “Oo, kasi naman ‘yung ano, parang huwag nang umarte-arte! Okey lang naman. Kasi, nagkadalawang anak naman kami (sa istorya). So, maraming eksena du’n… pero as I said nga, ‘pag sobrang komportable naman kayo sa isa’t isa, eh wala sa akin ‘yon. ‘Yun lang.”

    Sa interview kay Robin ay nabanggit nito na nag-enjoy ito sa love scenes nila ni Kris dahil walang kiyeme at walang bawal-bawal kay Kris.

    “I think that’s the advantage of not being in a relationship. I think kasi, ‘di ba? ‘Pag meron kang partner na inuuwian, marami kang fears na pag-aawayan n’yo ‘to, eto ‘yung magiging reaction and all.

    “So, sa akin, my two sons lang ang naging problema, lalo na ‘yung maliit (Bimby). Galit na galit. Pero 9:00 PM naman ang airing nito, 8:30 normally, tulog na siya.

    “So, request na lang na wala na lang sa mga teaser, okey na.”
    Ani Kris, super-nagseselos pa rin si Bimby sa mga nagiging kapareha niya at galit pa rin ito forever.




Page 8 of 256 FirstFirst ... 7 8 9 18 58 108 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

CHIT CHAT:

May gusto ka bang sabihin kay EX na hindi mo masabi sa personal?

May gusto ka bang sabihin kay EX na hindi mo masabi sa personal?

read more
GILAS:

Paul Lee, Jayson Castro listed as 'day-to-day' with minor injuries

Paul Lee, Jayson Castro listed as 'day-to-day' with minor injuries

read more
SPORTS:

Army, Cagayan move closer to V-League finals with wins over Air Force and PLDT

Army, Cagayan move closer to V-League finals with wins over Air Force and PLDT

read more
UAAP:

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

Chris Newsome, Kiefer Ravena lift Ateneo over UE, 78-73

read more
SHOWBIZ:

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

Sharon Cuneta apologizes to fans by writing an open letter on Facebook

read more
PBB:

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

Korina Sanchez to enter the Big Brother house as a guest

read more