PEx Highlights

PHOTOS: ADMU Edges DLSU

Kiefer Ravena played like a man possessed in the 4th quarter to lead the ADMU Blue Eagles past the DLSU Green Archers 97-86.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: Ferrer Leads UST Past FEU

Kevin Ferrer nailed crucial triples in the game's final minutes to help the UST Growling Tigers escape the FEU Tamaraws 69-67.

read more

PHOTOS: PLDT Repulses NU

The PLDT Turbo Boosters pulled away with a tough 25-16, 25-23, 24-26, 25-19 victory over the gritty NU Lady Bulldogs.

read more

#NoLastHomeStand After All

Filipino basketball fans let down by PLDT All-Star Charity Event, labeled as, 'Gilas Last Home Stand' after last-minute cancellations.

read more

What's Wrong With the Green Archers?

After being penned the favorites of UAAP Season 77, the DLSU Green Archers are off to a slow opening in the season, now at 0-2.

read more

Page 56 of 256 FirstFirst ... 6 46 55 56 57 66 106 156 ... LastLast
Results 1,101 to 1,120 of 5103
  1. #1101


    VIDEO: Vice Ganda spoofs Willie Revillame's on-air tirade
    Written By Admin on Saturday, March 2, 2013



    Taking his cue from the recent on-air tirade of Willie Revillame, Vice Ganda on Saturday spoofed the former Kapamilya host's rant during his noontime program "Wowowillie."


  2. #1102


    SEEN SCENE | Updated March 3, 2013

    SEEN: Nagtatampo si German Moreno dahil hindi siya pinayagan ng GMA 7 na mag-guest sa Deal or No Deal, ang game show ng ABS-CBN.

    Pagkakataon na sana ni German na makasama sa Deal or No Deal ang dating mga member ng That’s Entertainment.

    SCENE: Naunahan pa ng American singer na si David Pomeranz ang deserving Filipino actors na magkaroon ng “star” sa Walk of Fame, Eastwood, Libis, Quezon City.

    SEEN: Sina Marian Rivera, Gerald Anderson, Dingdong Dantes at ABS-CBN ang top winners sa 2013 Golden Screen Awards for Television ng Entertainment Press Society na ginanap sa Teatrino sa Greenhills, San Juan noong Biyernes nang gabi:


  3. #1103
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 3, 2013

    Maraming naaliw, Willie Revillame pinaglaruan ni Vice sa ere!



    Maraming naaliw sa ginawang pag-i-spoof ni Vice Ganda kahapon sa Showtime sa litanya ni Willie Revillame tungkol sa dalawa niyang kasamahan sa show na sina Ethel Booba at Ate Gay.

    Kuhang-kuha ni Vice ang dialogue ni Revillame tungkol sa dalawang co-host na may kasamang panunumbat. Paulit-ulit na sinasabi ni Vice na ‘you don’t do that to me’ habang sina Vhong Navarro at Karylle ang kunwaring pinagagalitan.

    Maalalang kumalat sa YouTube ang ginawang pagkastigo on air ni Revillame sa dalawang komedyante na sumagot-sagot daw sa kanya at nanigaw

    Ano naman kayang gagawing ‘ganti’ ni Revillame kay Vice?

    Robin suportado si Sultan Kiram

    Nabahiran ng ‘showbiz’ ang nangyayaring gulo sa Sabah – sa pagitan ng Malaysian security forces and followers of Sulu Sultan Jamalul Kiram III nang bumisita si Robin Padilla sa tahanan ng Sultan sa Taguig kahapon.

    Ayon sa mga TV coverage nagkagulo ang lahat nang dumating si Robin na naka-chopper. Ang akala raw ng lider ng mga Muslim ay aarestuhin na sila dahil sa nangyaring encounter na ikinasawi ng 15 katao.

    Bukod sa suporta, nagbigay din si Robin ng P500k sa sultan.

    Kilalang matapat na Muslim si Robin (Abdulaziz).

    Pinasusuko na rin ng gobyerno ang kampo ng Sultan dahil sa nangyayaring gulo.

    Ano kayang masasabi ni Kris Aquino na kasamahan niya sa Kailangan Ko’y Ikaw sa ginawa ni Robin?

    KC at Cristine, kapamilya pa rin

    Mananatiling Kapamilya ang dalawa sa pinakamaiinit na bituin ngayon na sina KC Concepcion at Cristine Reyes habang pumirma naman ng kontrata ang nagbabalik sa ABS-CBN na si Meg Imperial.

    Inaabangan ang muling pagsabak sa pag-arte ni KC sa teleseryeng Against All Odds kung saan makakasama niya sina Judy Ann Santos at Sam Milby. Matatandaang taong 2009 pa noong huling napanood umarte si KC sa Pinoy version ng Lovers in Paris. Bukod pa riyan, may nakapila ring hosting projects para sa kanya. (May nagsasabing bakit hindi si KC ang inilagay na host sa The Voice of the Philippines, mas bagay daw siya kesa kay Toni Gonzaga).

    Masaya at walang bakas naman ng pagsisisi si Cristine mula nang yakapin nito ang pagiging Kapamilya. Matapos ang patok nitong teleseryeng Dahil Sa Pag-Ibig kasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales, makakasama naman niya sina Dawn Zulueta, Gerald Anderson, Dina Bonnevie, at Diana Zubiri sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin na malapit nang mapanood sa telebisyon.

    Samantala, ginulat naman ng 20-anyos na aktres na si Meg Imperial ang lahat nang maging cover girl ito sa isang sikat na men’s magazine noong Disyembre. Naging usap-usapan din ang pagganap nito bilang high school student na nakipag-relasyon sa kanyang guro sa pelikulang Menor De Edad ng Viva Films nitong Enero.

    Bumida na rin si Meg sa top-rating program ng ABS-CBN na Maalaala mo Kaya katambal si Ketchup Eusebio. Masayang-masaya ang young star sa bago nitong tahanan.

    Balitang gagawing ala-Cristine ang pattern ng career ni Meg.

    Dumalo sa contract signing sina ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio, broadcast head Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, at Viva entertainment head Veronique del Rosario.

  4. #1104
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 3, 2013

    Melai tinatambakan ng mamahaling regalo ni Kris, parang tumama sa lotto ang pakiramdam

    Ilang buwan nang nagko-co-host sa programang KrisTV si Melai Cantiveros. Masayang-masaya ang komedyana dahil nagustuhan siya ni Kris Aquino para sa nasabing morning show.

    “Para akong nanalo sa lotto. Sobrang supportive niya sa aming dalawa ni Jason (Francisco) lalo na sa career namin. Gusto niya na mag-excel kami, ma-enhance ’yung hosting namin, matulungan kami ni Miss Kris,” nakangiting pahayag ni Melai.

    Hindi makapaniwala si Melai na magugustuhan siya ng Queen of All Media. Komportable na rin ang dalaga na katrabaho si Kris lalo pa’t madalas siyang tinatawagan nito. “Every now and then tinatawagan ka niya sa cell phone. Isipin mo, kapatid ng president, at ang papa at mama niya nasa pera, ’yung mukha ng papa at mama. Isipin mo tumatawag sa ’yo, parang sinasabi ko talaga, talagang suwerte,” diin pa niya.

    Samantala, marami na rin siyang natanggap na regalo mula kay Kris.

    “Marami na siyang naibigay sa akin. Dalawang dress na hindi niya nagamit, gift checks, bagong camera na Samsung. Sobra kong na-feel na special ako,” kuwento ni Melai.

    Ngayon ay abalang-abala na ang komedyana dahil bukod sa KrisTV at Banana Nite/Banana Split ay kasama rin si Melai sa teleseryeng Apoy sa Dagat at reality show na I Dare You.

    Toni papalaot din sa teleserye

    Hindi pa man nagsisimula ang bagong reality show na The Voice of The Philippines ni Toni Gonzaga ay kinumpirma na rin ng dalaga na nakatakda siyang gumawa ng isang teleserye.

    “I don’t know if it’s slated this year but it is part of the contract na gagawa. Masaya kasi hindi naman talaga siya ’yung forte mo, hindi siya ’yung ginagawa mo and ’yun, kapag nangyari ’yun I am really looking forward to it,” nakangiting pahayag ni Toni.

    Kakaibang klase ng soap opera ang gagawin ng dalaga kapag natuloy ito.

    “Mas natsa-challenge na siguro ako, mas akma na sa edad, sa pinagdaanan, sa pinanggalingan,” dagdag ng aktres. Maraming pelikula rin ang nakatakdang gawin ni Toni ngayong taon. Meron siyang dalawa na gagawin this year.

    “Isang powerhouse cast saka isang bagong leading man,” maikling paglalarawan ng aktres.

    Samantala, kahit kabi-kabila na ang ginagawang mga proyekto ni Toni ay naglalaan naman siya ng panahon para sa kasintahang si Direk Paul Soriano.

    “We make sure na once a week ay maka-quota ng pagkikita. Sabi ko naman we have a lifetime to be together if God permits us to get married. So, we are just enjoying each other’s work right now at kung anuman ang mga opportunity na dumarating sa isa’t isa, we are definitely supporting each other,” giit ng aktres. — Reports from JAMES C. CANTOS

  5. #1105


    SUNDAY, MARCH 03, 2013
    Fans ni Anne, deadma kay Ethel!



    Idinaan ni Ethel Booba sa biro ang mga sagot niya sa mga nagtatanong sa Twitter kung mawawala na siya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowee?

    "Guys matagal na pong wala ang Wowowee, WilTime BigTime at Willing Willie. Wowowillie na po ang pumalit!" "Goodnight ladies and gentlemen. I love Wowowillie and the rest of the gang at wala naman ako masama post about Wowowillie and about Willie Revillame. I LOVE Wowowillie kaya SMILE na tayo lahat.

    Chos!" ang mga sagot ni Ethel sa mga tao na interesado na malaman ang reaksyon niya sa pagkastigo sa kanya ni Willie sa national television.

    "Sinukat ko naman kanina ganun pa rin ang size. Chos!" ang sagot ni Ethel sa kanyang Twitter follower na nagsabi na lumaki na ang ulo niya, ayon kay Willie.

    May tweet din si Ethel na "Mahirap talaga magkaroon ng UTANG NA LOOB, dahil hindi mo alam kung gaano ka na KALUBOG. Chos!" na tila patungkol sa mga pahayag ni Willie.

    Tulad ng report namin kahapon, hindi na babalik si Ethel sa Wowowillie at nanggaling ang kumpirmasyon mula sa isang executive ng show na nakaramdam din ng lungkot sa insidente na nangyari noong Huwebes. Mananatili sa Wowowillie si Ate Gay pero hindi malinaw kung babalik ito dahil hindi siya napanood noong Biyernes.

    ***

    Nag-check kami sa Twitter noong Biyernes pero wala kaming nakita na tweet ng fans ni Anne Curtis na magpapatunay na nagagalit sila kay Ethel dahil sa sinabi nito sa Wowowillie noong Huwebes na, "We're talking about talent, not singit."

    Kung hindi siguro naging emosyonal si Ethel at hindi niya pinagtaasan ng boses si Willie, hindi siya mawawala sa Wowowillie. Sadyang malakas at parang nakasigaw ang kanyang boses ang depensa ni Ethel sa isyu.

  6. #1106


    SUNDAY, MARCH 03, 2013
    Rita in, Nora out, sa TV5 serye!



    Matapos ang GMA 7 afternoon teleserye na Sana Ay Ikaw Na Nga ay sa TV5 naman may project si Rita Avila, kung saan isang magandang role ang ibinigay sa kanya sa teleseryeng Never Say Goodbye.

    Siyempre, happy si Rita na nakasama niyang muli ang mga naging leading man niya noong araw sa Seiko Films gaya nina Cesar Montano at Gardo Versoza. Ang madalas niyang kaeksena ay si Alice Dixon na minsan na rin niyang nakasama sa pelikula.

    Sabi ni Rita, wala raw adjustment siyang ginawa sa taping ng Never Say Goodbye dahil puro kilala niya ang mga kasama niya.

    Sa production staff naman ay okay lahat kay Rita dahil nakatrabaho na rin naman niya sila dahil marami sa kanila ay galing din sa GMA.

    Teka, si Rita nga ba ang ipinalit kay Nora Aunor sa naturang serye? Sa mga eksena kasi nila ngayon, pinalalabas na parang namatay na ang karakter ni Nora, na bigla na lang nawala.



    Anyway, sa personal na buhay ay okey rin daw si Rita kahit pareho silang abala ng kanyang asawa na isang director sa ABS CBN. Wala naman problema kahit magkaiba sila ng schedule ng kanyang asawa.

    Hindi raw sila nagmamadali at bahala na raw ang Diyos kung pagkakalooban sila ng isang anak.

    Nalagpasan na raw nila ang pagkawala ng una nilang baby.

  7. #1107


    SUNDAY, MARCH 03, 2013
    Alindog ni Jodi, bentang-benta sa mga bagets sa internet!
    Ryzza Mae, kinahuhumalingan ni Bianca!


    Madalas mag-tweet si Bianca Gonzales tungkol sa child star na si Ryzza Mae Dizon ng Eat Bulaga. Palagi nga niyang sinasabi na naku-cute-an siya kay Ryzza, at hindi siya nagsasawang hanapin ang mga videos nito sa YouTube at kung saan-saan pa.

    Anyway, deadma nga si Bianca, na kahit taga-ABS-CBN siya, ipinangangalandakan niya na hangang-hanga siya kay Ryzza ng GMA 7.

    Sey niya kahapon: "Sobrang obsessed ako sa dalawang ito! (naka-post ang pictures nina Ryzza Mae at Jennifer Lawrence) can't stop googleing and youtubeing them."

    ***



    Ang seksing cover magazine ni Jodi Sta. Maria, na mas kilala na ngayon bilang Maya sa Be Careful With My Heart, ng ABS- CBN ang pinagkakaguluhan ngayon ng mga lalakeng bagets sa internet.

    May isang sosyalerong lalake nga ang nag-tweet na sobrang naseseksihan siya sa itsura ni Maya (Jodi) at ipinost nga niya ang picture na 'yon ni Jodi.

    Cover nga si Jodi ng Preview magazine, na kung saan ay naka-swimsuit siya. At sangkatutak na comment nga ang mababasa mo na kung saan ay puring-puri talaga ang alindog niya.

    Nakalagay nga na tagline sa naturang magazine ay: Jodi Sta. Maria, Bold in Black & White.

    Kung titingnan mo nga si Jodi, parang walang anak, at kayang-kaya pa ring makipagsabayan sa mga kabataang artista ngayon na nagpapakita ng kaseksihan.

    Anyway, lalong dumarami ang nababaliw sa Be Careful with My Heart nina Jodi at Richard Yap. Lalo na ngayong tila nagkakagustuhan na ang dalawa. Kilig na kilig nga ang mga fans sa eksena na sinurpresa ni Sir Chief si Maya, at napaluha talaga si Maya.

    Sa mga susunod na eksena, mas lalo raw kakilig-kilig ang handog ng dalawa sa kanilang mga fans.

  8. #1108


    SUNDAY, MARCH 03, 2013
    Chokoleit at Pokwang, grabe ang laitan



    AWARE pala ang komedyanteng si Chokoleit sa mga isyu against him.

    Sa pictorial nila ni Pokwang noong Biyernes sa studio ng photographer na si Edward de la Cuesta ay inusisa ko siya tungkol sa mga isyu sa kanya.

    Nagtatrabaho pa bilang beautician sa isang salon si Chokoleit ay kilalang-kilala ko na siya, kaya kahit mga intriga at issues against him ay naitatanong ko sa kanya.

    ‘Yung tungkol sa pang-iintriga ng iba na bangag siya kapag nagsu-show sa isang sing-along bar ay pinabulaanan niya.

    Totoo raw na noong araw ay nagawa niya ‘yon, pero ngayon pa raw ba niya babalikan ang ganoong bagay?

    “May mga iba lang na nagsasabi ng ganoon, pero hindi naman totoo,” sabi ni Chokoleit.

    Pati ‘yung isyung inaapi-api niya ang mga baguhang stand-up comedians sa isang sing-along bar ay nilinaw ni Chokoleit.

    May mga pagkakataon na binibiru-biro niya ang mga baguhang stand-up comedians na nakakasama niya, pero hindi raw seryoso ‘yon.



    Sabi pa ni Chokoleit, mas gusto niyang mag-concentrate sa trabaho, kaya hindi siya nagpapaapekto sa mga ganoong isyu.

    Sa ngayon, kasama si Chokoleit sa Four The Vote na comedy concert series sa Music Museum. Kasama niya rito sina Pokwang, K Brosas at Pooh.

    “Apat na araw ‘yung shows namin sa Music Museum, bale April 19, 20, 26 at 27. Masaya siya at masaya ako dahil magkakasama na naman kaming apat,” sey ni Chokoleit.

    ‘Kaaliw ang mga biruan nina Chokoleit at Pokwang nang mag-pictorial sila noong Biyernes.
    Grabe ang laitan nila, pero hindi sila nagkakapikunan..

  9. #1109


    Kantar Media: Nationwide TV Ratings - February 27, 2013 (Wednesday)
    Written By Admin on Saturday, March 2, 2013




  10. #1110


    Kantar Media: Nationwide TV Ratings - February 28, 2013 (Thursday)
    Written By Admin on Saturday, March 2, 2013




  11. #1111


    Eula Valdes on working with Kapatid network: “’Eto ha, sa totoo lang, hindi ko inalam kung magkano. Mamatay man ako.”

    Rose Garcia
    Saturday, March 02, 2013



    Magiging isang Kapatid na si Eula Valdes.

    Kailan lang ay pumirma na siya ng exclusive contract sa TV5 at ang unang teleserye nga na gagawin niya ay ang Cassandra, kunsaan siya ang gaganap na ina ng bidang si Eula Caballero.

    Bago maging Kapatid, sa Kapamilya network napapanood si Eula.

    Nakausap nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula sa storycon at pictorial ng Cassandra sa Broadway Centrum noong Miyerkules, February 27.

    Bakit nga ba siya lumipat?

    “Trabaho lang naman, nagpaalam ako sa ABS. Pumayag naman sila. Although meron silang ino-offer. Kaso lang, nakausap na ni Ricky [Gallardo, Eula's manager] itong TV5,” panimulang bungad niya.

    Ano raw ang dapat na gagawin niya sana sa ABS kung hindi siya natuloy na lumipat?

    “Hindi ko alam kung official o ano, pero kasi, tumawag at nakausap ko ang director ng Dugong Buhay. Nasayangan din ako kasi, first movie ko kasi sa Viva, Dugong Buhay. Thirteen... fourteen ako noon.

    “Siyempre, nasayangan din, ako, ‘di ba? Dito naman kasi, bago rin kasi, hindi naman ako palaging nagpa-fantaserye.

    “Kaya parang na-excite rin ako rito. At saka, matagal ko na rin kaibigan si Edlyn [Tallada, TV5 executive], so, I know I’m in good hands,” pag-amin niya.



  12. #1112


    Janine Tugonon Wears Louis Vuitton in METRO March 2013 Cover
    Posted on March 3, 2013

    Miss Universe 2012 first runner up Janine Tugonon sizzles on the cover of Metro Magazine March 2013 issue, her very first magazine cover. Janine is wearing a Louis Vuitton number on the cover photo by Paolo Pineda.

    Summer fashion heats up with Metro's first ever Swimsuit Issue featuring swimsuits that you'll not only love, but'll also work to bring out the sexiest version of you. Prepare for skin-baring season with the Ultimate Body Makeover Manual, and a countdown of skincare products you should stock up on.



    Also inside are breathtaking beach getaways, Jerome Lorico and his internship for Alexander McQueen, Philippine Fashion Week's top collections, E News! Asia's Dominic Lau, Yahoo OMG's Nikki Muller, an exclusive interview with Michael Kors, and a peek at the Louis Vuitton house and workshop in Asnieres.

    Metro's March Issue is out in bookstores and on newsstands nationwide for only P150.

  13. #1113


    Empress is FHM Cover Girl for March 2013
    Posted on March 3, 2013

    Kapamilya actress Empress Schuck is on the cover of FHM Philippines March 2013 issue. Empress, who just turned 20 last month made a big switch from a child star to debuting on the cover of the said men's magazine.

    Wearing a two piece bikini while half-submerged in a pool, Empress was photographed by Ronnie Salvacion for her FHM debut cover. She is also seen posing along a coastline in a number of swimsuits for the inside photos.



    "I'm happy kasi meron akong nagawang bago para sa sarili at career ko. I want everyone to realize that I'm no longer a child. It's also for everyone to understand na posing for FHM doesn't mean na magse-sexy ka na or you are changing your image sa public. I took it as a challenge to show everyone na you can still be wholesome while showing skin," Empress was quoted as saying by FHM in its official website.

    Aside from Empress, FHM also put new FHM columnists Jahziel Manabat and Abby Poblador in a spectacular debate against each other. For this year's Bikini Heaven Special, FHM had Wendy Valdez, Jef Gaitan, Karen Bordador, and a few other swimsuit sweethearts.

    Talking about swimsuits, why not see Empress in her own in the photos below. Grab your copy of this FHM 13th anniversary issue (March 2013) with Empress on the cover, now available in stands nationwide.




  14. #1114


    Video: Fan Girl Kissed Daniel Padilla on the Lips - ASAP 18 (March 3)
    Posted on March 3, 2013

    Teen heartthrob Daniel Padilla was attacked by fans during his ASAP 18 production number on Sunday, March 3. Daniel was even kissed by a fan girl in the lips who obviously couldn't contain her excitement having seen her idol face to face.



    The stolen kiss from Daniel Padilla made the netizens, especially the fans of Daniel furious. The hashtag #RespectDanielPadilla trended on Twitter after the incident with some fans lambasting the girl who kissed Daniel in the lips. A clarification message however, is getting rounds on the web saying that Daniel was able to shun and the kiss just landed on his chin.

    Watch the video below showing the excited fans flocking to Daniel while singing Paniwalaan Mo. It can be seen that Daniel was caught by surprise when the girl kissed him. He just smiled and continued to sing for the fans after.



    Video courtesy of Angelica Sanita, photo courtesy of @TeamMikayGino26

  15. #1115


    Music Video: Must Be Love Theme Song - Nasa Iyo Na Ang Lahat by Sam Milby
    Posted on March 3, 2013

    Check out the music video of Nasa Iyo Na Ang Lahat by Sam Milby, the theme song of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla's movie Must Be Love.



    Nasa Iyo Na Ang Lahat is originally sung by Daniel Padilla for the 2013 Himig-Handog P-Pop Love Songs. The movie version, however, was done by Sam Milby with a ballad arrangement and somewhat different lyrics. The song is composed by Jungee Marcelo.

    Video: Must Be Love full trailer

    Watch the music video of Nasa Iyo Na Ang Lahat by Sam Milby (lyrics below). Which version do you prefer—Sam or Daniel's?



    Nasa Iyo Na Ang Lahat by Sam Milby lyrics
    Originally by Daniel Padilla
    Composed by Jungee Marcelo


  16. #1116


    VIDEO: Marian Rivera visits "It's Showtime"
    Written By Admin on Saturday, March 2, 2013

    "It's Showtime" host Karylle met on Saturday an impersonator of actress Marian Rivera during the noontime program's celebrity look-alike segment "KalokaLike."



    After other Kapuso artists' kalokalike like Manny Pacquiao, Allan K, Joey de Leon, now Marian Rivera's 'kalokalike' visits "It's Showtime." 'Kalokalike' is a search for people who can best imitate their popular showbiz idols based on appearance, behavior, and performance; a segment on ABS-CBN's noontime show "It's Showtime."



    What can you say about the video? Kalokalike?

  17. #1117
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 4, 2013

    Maja ibinuhos na ang saloobin



    Nagbabalik bilang cover girl ng Chalk Magazine ngayong Marso ang aktres na si Maja Salvador kung saan magbibigay siya ng saloobin tungkol sa kanyang career at pamilya.

    Sa panayam sa kanya ng Chalk, ibubuhos ni Maja ang kanyang pasasalamat sa management na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging isa sa mga tinitingalang artista ng kanyang henerasyon.

    Natanggap ni Maja ang kanyang unang acting award sa pagkapanalo niya bilang best actress sa Gawad Urian para sa kanyang pag-arte sa independent film na Thelma. Sa kasalukuyan, parte si Maja ng top-rating teleserye gabi-gabi na Ina, Kapatid, Anak.

    Masasabing isa nang matagumpay na aktres si Maja ngunit ayon sa kanya, minsan may insecurity pa rin siyang nadarama.

    “Minsan tinatanong ko sa sarili ko kung tama ba ang ginagawa ko,” say niya.

    Ikukuwento rin ni Maja ang mga sakripisyong ginawa niya noong 14 taong gulang siya kung saan imbes na mag-enjoy siya bilang isang high school student ay naghahanap-buhay na siya, ang kanilang unang pagkikita ng amang si Ross Rival na namatay noong 2007, at ang kanyang pangarap na makapag-aral ng Culinary Arts sa hinaharap upang sundan ang yapak ng iniidolong si Judy Ann Santos.

    Kinilala rin siyang Dance Princess of the Philippines sa March issue ng Chalk Magazine kung saan ipagdiriwang ang graduation month.

    Nagsalita rin kaya siya tungkol sa kanila ni Gerald Anderson?

    Ang dating palabang si Maja ay siyang nananahimik ngayon sa nangyayari sa kanila ni Kim Chiu na dati namang kilalang mahinhin.

    Kaya tuloy parang napupunta sa kanya ang simpatya ng iba. Mas kinaawaan siya dahil simula sa simula naman daw ay alam ni Kim ang lahat sa kanila ni Gerald.

  18. #1118
    SHOWBIZ NEW NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 4, 2013

    Kaya hindi pinasalamatan nang manalo ng award Gerald: Hindi pa kami magkarelasyon ni Maja

    Masayang-masaya si Gerald Anderson dahil sa award na napanalunan niya sa katatapos pa lamang na Golden Screen TV Awards. Iginawad ito ng Entertainment Press Society of the Philippines o mas kilala sa tawag na Enpress noong Biyernes ng gabi. Nakuha ni Gerald ang Outstanding Performance by an Actor in a Drama Series para sa teleserye niyang Budoy.

    Marami ang nagtaka kay Gerald kung bakit hindi niya nabanggit ang pangalan ni Maja Salvador sa kanyang acceptance speech nang tanggapin ang nasabing award.

    “Kumbaga huwag tayong magmamadali. There’s always right time for everything,” bungad ni Gerald.

    Nilinaw din ng aktor na hindi pa sila magkarelasyon ni Maja katulad ng mga napabalita kamakailan.

    “Artista ako eh. Ang trabaho ko I’m acting ’di ba? Hindi po ’yung itatago ko kung may girlfriend ako, kung may mahal ako. Kapag meron, hindi ko itatago sa inyo ’yon. Nag-i-start na akong mag-date. Wala namang masama run,” paliwanag ng binata.

    “There’s always a right time. May tamang lugar, may tamang time para sa lahat. Wala po akong itatago sa inyo. She’s very special to me pero sa akin na ’yon,” giit pa niya.

    Samantala, hindi na nagpapaapekto si Gerald sa mga negatibong isyung naglalabasan tungkol sa kanya.

    Kim masaya, nagpapasalamat sa ginagawa ni Xian

    Noong Valentine’s Day ay isang sorpresa ang inihanda ni Xian Lim para kay Kim Chiu.

    Nag-date sa isang yate sa Subic, Zambales ang dalawa.

    “Siyempre nakakatuwa. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa lahat? Siyempre nagpapasalamat din ako sa lahat kasi may ganun pa palang klaseng tao na hindi siya napapagod na iparamdam sa iyo ang lahat-lahat. Hindi ’yung ayaw niya nang magtiyaga kasi karamihan ngayon hindi na matiyaga. ‘O sige, huwag na nga. Iba na lang.’ Ganun eh. So, ito nakakatuwa at nagpapasalamat ako dahil dumating sa akin ’yung ganito,” nakangiting pahayag ni Kim.

    Hindi inaasahan ng young actress ang naging date nila ni Xian sa Subic.

    “Actually, nandun na kami. Sabi niya, ‘Nasaan ka?’ Sabi ko, ‘Magsu-Subic kami.’ ’Tapos noong nandun kami, may pictorial daw siya. ’Tapos sabi ko, ‘Ah talaga? Okay, sige.’ ’Tapos maya-maya, sabi niya, ‘Punta ka rito. May shoot ako.’ Sabi ko, ‘Nge. Nakakahiya.’ Tapos sabi niya, ‘Tingnan mo lang.’ Pumunta kami ng mga kapatid ko, ’yung isang pamangkin ko, ’yun na. Bale kinausap niya ’yung ate ko kung nasaan kami ganyan,” pagde-detalye ni Kim.

    Ano na nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ni Xian?

    “Saka na lang ’yun, saka na lang ‘yan. Basta masaya ako, wala akong maisagot. Basta nagpapasalamat ako na may ganun,” makahulugang sagot ng dalaga.

    Reports from JAMES C. CANTOS

  19. #1119


    Updated March 4, 2013

    SEEN: Magkasama sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa Teatrino Greenhills, San Juan noong Sabado. Sinuportahan ng ex-couple ang Nightmares, ang first solo concert ng kanilang anak na si Robin Nievera.

    SCENE: “Epalist” ang tawag ni Laguna Governor ER Ejercito sa kalaban niya sa gubernatorial race sa Laguna dahil sa mga billboard at tarpaulin, kahit hindi pa umpisa ng kampanya.

    SEEN: Hindi maganda ang close-up shots kay Michael de Mesa sa mga eksena niya sa Indio. Halata na peke ang kanyang bigote at balbas.

    SCENE: Dinumog ang show ng cast ng Ina, Kapatid, Anak at Kahit Konting Pagtingin sa Panagbenga Festival sa Baguio City noong Sabado.

    SEEN: Ipapakilala ng ABS-CBN at Star Magic ang mga member ng Star Magic Circle 2013 sa Huwebes.

    SCENE: May mga pasaring si Ethel Booba kina Willie Revillame at Cristy Fermin sa kanyang Twitter account.

    SEEN: Malaki ang iginanda ni Lian Paz mula nang maghiwalay sila ni Paolo Contis.

    SCENE: Magsisimula na sa March 10 ang Sarah G. Presents, ang drama anthology ni Sarah Geronimo sa ABS-CBN.

  20. #1120


    Jed WCOPA Hall of Famer
    Updated March 4, 2013



    Star Magic’s premier balladeer Jed Madela (photo) is adding another feather to his cap as the World Championship of Performing Arts (WCOPA) lauds him with the 2013 Achievement award and inducts him into the Performing Arts Hall of Fame. Each year, esteemed Achievement Award honorees are recognized for their outstanding contributions to the entertainment field and automatically inducted into the exclusive Performing Arts Hall of Fame.

    In 2005, Jed was catapulted into stardom when he became the first Filipino ever to win the Grand champion Performer of the World crown in WCOPA, a global event often called the Talent Olympics. He will be joining the ranks of known names in Hollywood like Jaclyn Smith, Liza Minelli, Dionne Warwick and Jennifer Holliday.

    Jed will be awarded the Achievement Award and inducted into the elite Performing Arts Hall of Fame on July 19 during the live worldwide webcast of the finals of the 17th annual World Championships of Performing Arts in Hollywood, California.

    Currently a contract artist of Star Records, Jed will launch his very first double single album titled All Originals. The two carrier singles, Ikaw Na and Wish, are already most requested songs in the airwaves.

Page 56 of 256 FirstFirst ... 6 46 55 56 57 66 106 156 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more
PBA:

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

Third-party agency admits NBA declined request for sanction on Gilas event as early as April

read more
SHOWBIZ:

Jennylyn Mercado not yet ready to be friends with ex-BF Luis Manzano

Jennylyn Mercado not yet ready to be friends with ex-BF Luis Manzano

read more
TV:

Fourth Pagotan evicted from PBB All In

Fourth Pagotan evicted from PBB All In

read more
SPORTS:

Army Lady Troopers topple AirAsia 25-19, 25-23, 25-16 to enter SuperLiga Finals

Army Lady Troopers topple AirAsia 25-19, 25-23, 25-16 to enter SuperLiga Finals

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more