PEx Highlights

PHOTOS: FEU Takes Care of UP in 3 Sets

The FEU Lady Tamaraws easily dispatched the UP Lady Maroons in a three-set victory, 25-14, 26-24, 25-20

read more

PHOTOS: Lady Spikers Win in Opening Tiff

The DLSU Lady Spikers opened their campaign with an impressive four-set win over the Adamson Lady Falcons, 25-23, 24-26, 25-14, 25-17.

read more

10 Things to Watch Out for in UAAP Volleyball

We list down 10 things to look forward to this season from the Miefer Fever to EJ Laure and Jaja Santiago's crucial role for their respective teams!

read more

FEATURE: BasketBros: PBA's Best Buddies

We take a look at twelve couples who have formed relationships like real life brothers. Meet our BasketBros!

read more

PROMO: Past Tense

Join the promo and get a chance to win block screening tickets to Past Tense!

read more

REVIEW: The Hunger Games: Mockingjay - Part 1

It feels forced and stretched. But hey, it's still Mockingjay. Check out our full review here!

read more

Page 126 of 256 FirstFirst ... 26 76 116 125 126 127 136 176 226 ... LastLast
Results 2,501 to 2,520 of 5103
  1. #2501

    Published : Monday, June 03, 2013
    Written by : Vinia Vivar

    Sylvia gives son a box of condoms

    NAALIW kami kay Sylvia Sanchez nang ikuwento niya kung paano niya binigyan ng condom ang anak na si Arjo Atayde para gamitin just in case, alam n’yo na.

    “Kasi ayaw ko siyang makabuntis, eh,” she said. “Kinatok ko siya sa kuwarto niya, sabi ko, ’anak, meron akong regalo sa ’yo, eto, (sabay-abot ng condom).’ Sabi niya, ‘Ma! Bakit?’ Sabi ko, ‘Hello, Arjo, not 24/7 kasama kita, I’m sure, nakikipag-sex ka. Make sure, gamitin mo ’yan para hindi ka makabuntis,’” sabi ko sa kanya.

    Mas mabuti na raw ’yung diretsahan kesa naman dumating ang time na makabuntis ito dahil hindi nag-ingat.

    “Kasi siyempre, ang dami kong plano for Arjo. Maganda ’yung plano ko and kasi, hindi naman ako lumaking mayaman. Sinuwerte lang ako na tinanggap ako as kontrabida and sinuwerte lang din ako na na-meet ko ang dad niya na maayos din ang buhay,” she said.

    Ang nakakatuwa, itinuro pa raw niya ang paggamit ng condom kay Arjo at sinabihan pa niya na kung paano i-test kung walang butas, hahaha!

    “Sabi ko, ’nak, bago mo isuot, kasi ’yung mga babae, nambubutas, lagyan mo ng tubig, ha?” kuwento ni Sylvia at pati siya ay natawa.

    Arjo is only 21 at siyempre, bata pa para mag-asawa or makabuntis. Pero siyempre, ang aksidente minsan ay hindi naman maiiwasan, what if mangyari nga ang kinatatakutan niya?

    “Eh, wala na akong magawa roon, iiyak na lang ako, tatanggapin ko na lang, pero masasaktan ako,” she said.

    May point naman kasi si Sylvia as a mom dahil ngayon pa lang nagsisimula ang magandang future ni Arjo sa showbiz.

    Kapapasok pa nga lang niya pero hayan at nabigyan na agad ng malaking break sa seryeng Dugong Buhay na kasalukuyang umeere sa ABS-CBN.

    Unang napansin si Arjo sa E-Boy at na-impress agad sa acting niya ang ABS-CBN management kaya naman nagsunud-sunod na ang proyekto niya.

    Pero say ni Arjo, malayo pa sa isip niya ang mag-asawa or makabuntis dahil marami pa rin naman daw siyang pangarap.

    * * *

    ISA pala si Kim Chiu sa mga dahilan kung bakit inamin na rin ni Gerald Anderson sa publiko ang relasyon nila ni Maja Salvador.

    Ayon sa panayam sa actor sa Showbiz Inside Report, ayaw na niyang madamay pa ang ex-girlfriend sa mga kontrobersiya about him.

    “Isang dahilan kung bakit ko rin ginawa ’yun para hindi na rin madamay si Kim sa lahat ng ito. Let's move on. She shouldn't be dragged into this mess. Hayaan na lang natin,” say ni Gerald.

    Matatandaang inamin na ng young actor sa June issue ng Star Studio Magazine ang tungkol sa relasyon nila ni Maja.

    “It's about time. Oras na. Kumbaga, nakakapagod din itago, hindi rin tama. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin du’n sa article para na rin hindi humaba pa.”

    Pero mas maganda siguro kung magkakaayus-ayos na silang tatlo dahil ito lang ang paraan para tumigil ang issue sa kanila.

    Matatandaang nasabi na ni Kim in her last interview na napatawad na niya sina Maja and Gerald pero mahirap daw malimutan ang ginawa ng dalawa.

    Hangga’t hindi sila nagkakabati, lalo na nga ang magkaibigang Maja and Kim, madadamay at madadamay pa rin ang huli sa issue nila.

  2. #2502

    Published : Monday, June 03, 2013
    Written by : Nel Alejandrino

    I owe it to Star Cinema -- Angel




  3. #2503

    Published : Monday, June 03, 2013
    Written by : Jun Nardo

    Angel, John Lloyd no show at Luna Awards

    NO-SHOW sina John Lloyd Cruz, Angel Locsin at Ronaldo Valdez na winner ng acting awards sa ginawang 31st Luna Awards ng Film Academy of the Philippines nu’ng Sabado sa QC Sports Club.

    Winner din si Hilda Koronel bilang best supporting actress pero understandable na wala siya dahil based na siya sa States.

    Best actor si John Lloyd sa pelikulang The Mistress kung saan best supporting actor naman si Ronaldo sa nasabi ring movie. Mula naman sa pelikulang One More Try ang best actress trophy ni Angel.

    Mabuti na lang at present si Direk Olive Lamasan na panalo ng best director para sa nasabing Star Cinema movie upang tanggapin ang first award niya mula sa FAP.

    Sa totoo lang, maging ang winners sa technical awards ay hindi rin nakarating, huh!

    Anyway, mabuti na lang at present ang special awardees led by Eddie Garcia na tumanggap ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award. Gayundin si Direk Peque Gallaga na ginawaran ng Manuel de Leon Award for Exemplary Achievements.

    Ni-represent naman ni Marc Abaya ang yumaong ina na si Direk Marilou Diaz Abaya na binigyan ng Lamberto Avellana Memorial Award.

    Dumating naman si Laguna Governor ER Ejercito upang tanggapin ang best picture award para sa movie niyang El Presidente kahit hindi siya nominado sa best actor category.

    Simpleng-simple lang ang pagbibigay ng Luna Awards na pinamumunuan ng director-general nilang si Leo Martinez kumpara sa una at mga sumunod na awards night.

    Sa Manila Film Center unang isinagawa ang FAP Awards na talaga namang star-studded at bongga ang mga production number.

    This time, as Luna Awards, wala nang masyadong malalaking personalidad at tulung-tulong na lang ang mga board of director upang makakuha ng performers.

    Buti na lang at aktibo pa rin si Manny Morfe na treasurer ng FAP kung saan ginamit niya ang kanyang kaalaman sa production design upang magmukhang makinang ang stage, huh!

    Nasaksihan din namin ang botohan noon kung saan halos lahat ng mga artista ay bumuboto sa kanilang manok. Eh, dahil hindi na nga masyadong magarbo ang okasyon at walang TV coverage, tanging ang mga aktibong member na lang ang naging bahagi ng awards night.

    No wonder, si Leo, nanawagan sa city mayors na ibigay na sa FAP ang maliit na share nila sa amusement tax tuwing Metro Manila Film Festival.

    Humingi rin siya ng tulong na mailipat na ang pamamahala ng MMFF sa movie industry sa halip sa Metro Manila Development Authority.

    Nawa’y sumiglang muli ang Luna Awards dahil ito talaga ang masasabing industry award.

    Anyway, congratulations sa lahat ng winners!

  4. #2504


    Bruno Mars' Pinay Mother Dies: Report

    Posted on June 2, 2013

    The mother of Grammy award-winning artist Bruno Mars has died in Hawaii, a report on the Associated Press (AP) said on Sunday.



    Bernadette Hernandez, the Filipina mother of Bruno Mars died Saturday (June 1) of brain aneurysm, the Associated Press reported, quoting a publicist for Bruno Mars' label, Atlantic Records who told the news on condition of anonymity because the person was not authorized to speak on the record.

    "Hernandez was 55 years old. She died in Honolulu at Queens Medical Center; no other information was given," the AP said.

    According to other reports, Bruno Mars' mother suffered a severe heart attack on May 31 and was confined at the Queen's Medical Center.

    According to the AP, Bernadette Hernandez was a hula dancer and a singer who immigrated from the Philippines and "nurtured her son's interest in music at an early age."

    Bruno Mars expressed his adoration to his mother at an early age. In fact, he had this song I Love You, Mom dedicated to his mother that he sung when he was only 4 years old. Listen below:


  5. #2505
    Inismiran pa ni Lea Salonga
    Sarah Geronimo, sinaway ni Apl.d.ap!


    Pinoy Parazzi
    by francis Simeon
    Sunday, June 2, 2013, 16:02

    MAY NAG-CHIKA sa amin ng isang kaganapan sa taping ng The Voice of the Philippines.

    Galing na galing daw ang isa sa mga mentor sa nasabing show ng abs-cbn na si Sarah Geronimo sa isang contestant na ang pangalan yata, kung hindi kami nagkakamali, ay Rada.

    Puring-puri raw ito ng Pop Princess matapos kumanta. Sa backstage daw yata nangyari ang lahat, ayon sa aming source.

    Sa sobrang galing at ganda raw ng boses ng contestant ay sinabihan dumano ito ni Sarah ng: “Ang galing-galing mo! Egoy na egoy (negrong-negro) ang dating ng boses mo!” Or words to that effect daw sa sobrang paghanga niya.

    Narinig daw ng international singer na isa pang mentor ng show na si Apl.d.ap ang komentong iyon ni Sarah, kaya nag-dialogue daw ito ng: “Watch your words.”

    Nasaksihan din daw ng isa pang mentor na si Lea Salonga ang eksena, pero hindi raw ito nagsalita. Bagkus, tila nag-ismid diumano ang world-renowned singer.

  6. #2506

  7. #2507


    Jed Salang gumagamit ng ibang pangalan para atakihin si AiAi?; Nanalo sa PGT singer na naman!
    SEEN SCENE | Updated June 4, 2013

    SCENE: Proud na proud si Paolo Ballesteros sa kanyang Angelina Jolie lookalike picture.

    SEEN: Mahusay magdala ng mga personal na problema sina Maja Salvador at Kim Chiu dahil hindi halata na hindi sila nag-uusap mula nang ligawan ni Gerald Anderson si Maja.

    Lumabas na underdog si Maja nang sabihin nito na gabi-gabi ang pagdarasal niya upang maayos ang problema nila ni Kim.

    SCENE: Dinumog ang Fan’s Day ng Juan dela Cruz sa Market! Market! sa Taguig City noong Linggo ngunit nahirapan sila na pumasok sa mall dahil sa mahigpit na security bunga ng explosion sa Two Serendra noong Biyernes.

    Kaharap lamang ng Market! Market! ang high-end condominium.

    SEEN: @groin19 aka Leah de Vera ang Instagram username na ginagamit ng basher ni AiAi delas Alas.

    May mga hinala na kakilala ni Jed Salang ang umano’y basher dahil alam nito ang mga personal na pangyayari sa pagsasama nina AiAi at Jed.

    SCENE: Disappointed ang viewers ng Pilipinas Got Talent 4 dahil sa pangatlong pagkakataon, singer uli ang grand winner sa talent search show ng ABS-CBN. Pang-apat na, meaning all seasons. Hello.

    SEEN: Tanggap ng fans ni Charice ang kanyang katomboyan pero hindi nila matanggap ang kanyang hairstyle na masakit sa mata.

    SCENE: @officialccrp ang bagong Twitter account ni Charice dahil na-hack ang kanyang original account. Active uli si Charice sa Twitter pagkatapos ng kanyang grand revelation noong Linggo na tomboy siya.

    SEEN: Binubura sa official Facebook account ng Karinderya Wars ang comments tungkol sa announcement ni Vivian Pinlac na ito ang nanalo sa finale week ng reality cooking show ni Marvin Agustin na ipapalabas pa lamang sa susunod na linggo.

  8. #2508
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 4, 2013

    Sinasadya raw ni Kris: Kahit may utos na ang korte James hindi pa rin mahiram si Bimby, laging bitbit ni Kris

    Totoo bang hindi pa rin nagkikita sina James Yap at ang anak niyang si Bimby?

    Pinaaga ni James ang biyahe niya pabalik ng Maynila galing ng Escalante, Negros Occidental para magkita na sila ng anak niya.

    Pero ang nabalitaan namin, hindi ito natuloy dahil kasama nito si Kris Aquino.

    May order ang korte na hindi puwedeng lumapit si James ng 100 meters sa dating asawa kaya hindi niya malapitan si Bimby kung kasama nga si Kris.

    Hanggang sa finals ng Pilipinas Got Talent ay kasama ni Kris si Bimby kaya nagtataka ang iba dahil ang buong akala nila mahihiram na ni James ang kanilang anak.

    Reliable ang nagsabi sa amin na ayaw daw ni Kris na mahiram ni James ang kanilang anak kaya lagi niya itong sinasama.

  9. #2509
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 4, 2013

    Kaya totoong hindi siya magugutom kahit matagal na hindi magtrabaho: Controversial singer P750 million daw ang pera sa bangko

    Ang laki pala nang naipong pera ng controversial singer. Ayon sa reliable source, P750 million umamo ang pera nito sa bangko kaya totoo raw ang sinabi nitong kahit hindi siya magtrabaho, hindi siya mauubusan ng pera.

    Ang laki raw kasi nang kinita nito sa abroad noong kainitan ng kanyang career. So nang i-convert sa peso umabot umano sa P750 million.

    Pero siyempre hindi ito aaminin ni singer. Baka nga naman habulin siya ng BIR? Pero malapit daw sa singer ang nagkuwento nito.


    Jessica nagpasalamat

    Personal na nagpasalamat si Ms. Jessica Soho sa mga nagpakita ng suporta sa kanya pagkatapos siyang libak-libakin ni Vice Ganda sa kanyang concert sa Smart Araneta Coliseum.

    Bayolente ang naging reaction ng mga tao sa ginawa ni Vice Ganda kay Ms. Jessica at napunta lahat ang simpatya sa award-winning journalist.

    ‘She’s my everything’ — Charice

    Charice on Alyssa Quijano: “She’s my everything.” Ang caption ni Ms. MJ Marfori, ang entertainment reporter ng TV5 sa inilagay niyang picture ni Charice kasama ang diumano’y girlfriend nitong si Alyssa Quijano, sa kanyang Tumbler account.

    Matapos kasing magpa-interview si Charice kay Tito Boy Abunda ay nagpatawag ito ng TV reporters mula sa TV5 at GMA 7 para naman magpa-interview matapos niyang bisitahin ang kanyang dating eskuwelahan.

    Si Alyssa ay miyembro ng girl group na A.K.A. JAM na sumali X-Factor Philippines. Naging hurado doon si Charice.

    Anyway, ayon sa source may doubt pa sila kung makakabalik ito sa international scene dahil wala raw talaga itong connect kay David Foster. Ayaw lang daw magsalita ni Mr. Foster ng anything against Charice dahil baka ‘atakihin’ siya ng mga Pinoy na mahilig mag-react sa mga issue.

  10. #2510
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 4, 2013

    Charice pangarap maging groom!

    Hindi shocking sa akin ang pag-amin ni Charice na tomboy siya pero humanga ako nang kantahin niya ang Maghintay Ka Lamang.

    Ang ganda-ganda pa rin ng boses ni Charice at bagay na bagay sa kuwento ng kanyang buhay ang lyrics ng kanta na pinasikat noon ni Ted Ito.

    Nang marinig ko ang kanta, nagkaroon ako ng urge na bumili ng CD ng Maghintay Ka Lamang. Urge raw o!

    Natatandaan ko na kinanta ni Charice ang Maghintay Ka Lamang sa TV special niya noon sa GMA 7. Red na red ang gown na suot ni Charice habang bumibirit siya at ipina-flash sa TV screen ang mukha ng kanyang mother dear na nag-trip down memory lane.

    Ngayong inamin na ni Charice ang pagiging tomboyita, hindi na siya mahihirapan na maghanap ng damit na isusuot sa kanyang mga concert at TV guesting. Goodbye na ang mga gown at ang mga makeup dahil boy na nga siya ’no?! Sa totoo lang, mahirap maging babae kesa lalaki dahil kapag girl ka at artista, mamomroblema ka sa mga damit, sapatos, makeup, at kung anik-anik pa.

    “Moy” na ang bagong palayaw ni Charice dahil sa biro na “Moymoy Palaboy” siya noong matsismis na iniwanan niya ang kanilang bahay sa Cavite.

    Mukhang feel na feel naman ni Charice ang tawag sa kanya dahil very masculine ito sa pandinig debah?

    Ngayong umamin na si Charice na tomboyita siya, aabangan ng lahat ang mangyayari sa kanyang singing career as in magiging kasing-init pa rin ba ito gaya ng dati? Matatanggap ba sa international scene ang kanyang new look? Ano ang magiging reaksiyon ng fans niya sa buong mundo?

    Wondering ang mga vaklush kung bakit hindi direktang inamin ni Charice na girlfriend niya si Alyssa Quijano. Basta ang sabi niya, si Alyssa ang kanyang inspirasyon.

    Hindi ako masyadong interesado sa love affair nina Charice at Alyssa. Mas gusto kong malaman kung sino ang past dyowa ni Charice dahil ito mismo ang nagsabi na naranasan na niya noon na makipagrelasyon sa kapwa babae. Natsismis ng singer sa isang American girl na mas matanda sa kanya. Ano kaya ang totoo sa kanilang dalawa?

    Congrats kay Boy Abunda dahil bongga ang pag-handle niya sa Charice interview! Naitanong ni Boy ang lahat ng mga gustong malaman ng madlang-bayan tungkol sa Pinay international singer.

    Walang puwedeng itapon sa exclusive interview ni Boy na naging honest naman sa pagsagot. Ang sabi ni Charice, bagong chapter na ng kanyang buhay pero hindi natatapos ang mga pagsubok sa pag-amin niya na tomboy siya. Twenty-one years old pa lamang siya. Marami pa siyang mga pagdaraanan at realization na mararanasan. Pangarap pa niya na maging groom ’di ba?

    Sana hanggang doon na lang ang plano niya.

    Huwag nang magkaroon ng mga isyu tungkol sa sex reassignment surgery na siguradong itatanong sa kanya tulad ng mga question kay BB Gandanghari nang mag-decide ito na panindigan ang pagiging babae.

  11. #2511
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 4, 2013

    Unexpected happiness: Maja inaming sinira-siraan noon si Gerald, kinain ang mga sinabi ngayon

    Kamakailan ay inamin ni Gerald Anderson sa Star Studio Magazine kung gaano niya kamahal at kung gaano kaimportante sa kanya si Maja Salvador. Ayon kay Maja, nabanggit sa kanya ng aktor ang ginawang pag-amin tungkol sa estado ng kanilang relasyon pagkatapos mismo ng photo shoot para sa nasabing magazine.

    “Doon ko na-realize kung gaano ako kaimportante sa buhay niya. Aaminin ko, kinain ko ’yung mga sinabi ko. Marami akong sinasabing masasama sa kanya dati. Never kong naisip na magiging kaibigan ko siya, na mai-in love ako sa kanya. Pero nung nakilala ko ’yung tao, iba. ’Di mo akalain sa mga ganoong pag-uusap, sa saglit na pagsasama, puwede mo pala mahalin ’yung tao,” pagtatapat ni Maja.

    Masayang-masaya ang dalaga ngayon sa piling ni Gerald at hindi inakala ni Maja na mapapamahal sa kanya ang aktor.

    “Unexpected happiness po. Kaya ’di ko po ma-explain kung anong happiness meron ako. ’Di lang dahil dumating siya sa buhay ko kundi positive lahat,” makahulugang pahayag ni Maja.

    Aminado ang aktres na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nag-uusap ni Kim Chiu kahit na magkasama sila sa teleseryeng Ina, Kapatid, Anak.

    “’Yung pupunta ka sa set na iba na pero kailangan mo magtrabaho. At kailangan kong gawin nang tama ’yung trabaho ko. ’Di ko po masabing civil kasi ’di pa rin po kami nag-uusap,” paliwanag ng aktres.

    Umaasa naman si Maja na muli silang magkakaayos ni Kim pagdating ng tamang panahon.

    Zanjoe hindi inaasahang may manonood ng kanyang launching movie

    Hindi inasahan ni Zanjoe Marudo na papatok sa takilya ang pelikula niyang Bromance na ipinalabas kamakailan. Ito ang kauna-unahang pagbibida ng aktor sa isang malaking proyekto.

    “Siyempre nakakatuwa ’yung feeling na naitawid ko ’yung pelikula na may nagbayad, may nanood. Hindi ko naman ini-expect talaga kasi wala talaga akong basehan eh. First time ko ’to (na magbida) pero confident naman ako sa movie na ginawa naming tama. Lahat ng eksena, lahat ng punchlines, confident ako doon na maganda namin siya na-deliver. Hindi ko naman hawak ’yon kung panonoorin ng tao pero nakakatuwa na sinuportahan talaga ng tao,” nakangiting pahayag ni Zanjoe.

    Samantala, ngayon ay gumaganap ang aktor bilang ama ni Andrea Brillantes sa teleseryeng Annaliza. Na-challenge ang binata sa nasabing role dahil hindi pa naman siya isang ama sa totoong buhay.

    “Isa ito sa mga challenging na karakter ko dahil first time ko nang ganung role. Siyempre ’di ko pa naman nai-experience maging tatay,” giit niya.

    Napahanga si Zanjoe sa pagiging magaling na aktres ni Andrea sa murang edad nito. Reports from JAMES C. CANTOS

  12. #2512
    SANGA SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 4, 2013

    Katomboyan ni Charice tinanggap ng fans!

    Sa halip na makondena ng mga manonood na nakasaksi sa kanyang ginawang pag-amin sa tunay niyang kasarian, mas tinanggap ang international singer na si Charice sa ginawa niyang pagtatapat sa The Buzz, sa interview sa kanya ni Boy Abunda, nung Linggo ng hapon. Kung dati ay haka-haka lamang ang pagiging isang lesbyana o tomboy ni Charice na aniya ay pinagsimulan ng sigalot nila ng kanyang ina at kapamilya, at maging ng marami niyang fans, at nagbigay ng ma*labis na sakit sa kanila, sinabi ng singer na mas nasaktan siya na marahil ay naintindihan ng lahat dahil hindi niya pinili na maging kung anuman siya. Isinilang na siya na ganun. Halata mo na hindi pa siya 100% na kumportable sa pag-amin niya, pero ginawa niya ang kanyang rebelasyon, para na rin sa ikalilinaw ng lahat.

    Ogie nagbago ang isip

    Maraming tagahanga ng Kapuso Network at maging ni Ogie Alcasid ang natuwa nang malaman na hindi na matutuloy ang paglipat nito sa ibang istasyon sa telebisyon. Magiging isa ito sa tampok sa bagong palabas ng network na papalit sa Party Pilipinas tuwing Linggo ng tanghali, silang dalawa ni Regine Velasquez.

    Nauna nang napabalitang lilipat ng network si Ogie sa pagtatapos ng kon*trata nito sa buwang ito. Itinuring na malinaw na indikasyon ng kanyang pag*kawala ang paghahanap ng bagong makakasamang artista sa Bubble Gang, pero ngayong hindi na aalis ang singer ay inaasahang ang maha*hanap na bagong artista ay magiging pandagdag lamang sa mga kasalukuyang lumalabas sa nasabing gag show.

    Tom tagumpay sa maseselang eksena

    Kahit maituturing na baguhan si Tom Rodriguez kumpara kay Dennis Trillo na kasama niya sa My Husband’s Lover ng GMA ay nagawa naman niya ang mga requirements na hinihingi ng kanyang role sa nasabing drama, kasama na ang mga maseselang eksena nila ni Dennis.

    Fortunate si Tom na may kakilala siya na nasa ganitong relasyon kaya malaki ang naitulong nila sa kanya para mailagay niya sa wastong sitwasyon ang kanyang pagganap.

    UKG at Unang Hirit, parehung-pareho ang ipinalabas

    Nakita ko kahapon ‘yung parehong ginawa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Umagang Kay Ganda at sa Unang Hirit ng GMA 7 na pamimigay ng mga bags and school supplies sa ilang iskuwelahan sa Kamaynilaan. Ang mga taga-UKG ay nagawa pang magpakain ng almusal sa ilang mga kabataan sa isang iskwelahan. Nakatutuwa na sa kanilang ginawa ay maraming bata ang napaligaya nila, pero hindi kaya ang mga nabigyan nila ng gamit ay mga may gamit na at ‘yung talagang wala ay na-miss nila? Wala kayang pagkakataon na parehong iskuwelahan ang napili nilang puntahan? Lola, ang laki ng problema mo.

  13. #2513


    TUESDAY, JUNE 04, 2013
    ‘Tomboy ako’ ni Charice, umani ng papuri sa Internet!



    Umaani ng papuri ang pagtatapat ni Charice na tomboy siya at may plano na magpakasal pero hindi dapat makalimutan na naging positive sa paningin ng publiko ang kanyang rebelasyon dahil sa guidance at mahusay na pagtatanong ni Boy Abunda.


    Malaking tulong si Boy dahil bukod sa kanyang intelligent questions, ipinaramdam niya na mapagkakatiwalaan siya ni Charice at may kakampi ito.


    Pinuri si Charice sa social media, kahit hindi pa tapos ang airing ng exclusive interview sa kanya ni Boy para sa The Buzz.

    Nakalimutan ng netizens na malaki ang kinalaman ni Boy kaya na-redeem o natubos ni Charice ang sarili laban sa negative news na lumabas bago siya nagdesisyon na magsalita.



    ***

    Alyssa Quijano at Charice, magkalaban na naging magkasintahan!

    Hindi sinagot ni Charice ang tanong ni Boy kung totoo na nagtanan sila ng The X Factor Philippines finalist na si Alyssa Quijano. Natawa si Charice at sumagot ng “Parang binatang-binata” siya.


    Binatang-binata na talaga ang physical appearance ni Charice at sa edad na 21, nakakaasiwa na sabihin na nagtanan sila ni Alyssa.


    Present si Alyssa habang iniinterbyu ni Boy si Charice. Ang presence niya at ang pahayag ni Charice na siya ang inspirasyon ang kumpirmasyon na may relasyon sila.


    Dati nang magkakilala sina Charice at Alyssa dahil magkalaban ang dalawa sa mga amateur singing contest na sinalihan nila noon. Ordinaryo na ang kuwento ng love story nina Charice at Alyssa na dating magkalaban na naging magkasintahan.


    ***



    Ellen DeGeneres at Charice, muling maghaharap!


    Inaabangan ang muling paghaharap nina Ellen DeGeneres at Charice dahil sa announcement nito na nakatakda siya na mag-guest sa Ellen.


    Si Ellen at hindi si Oprah Winfrey ang tunay na discoverer ni Charice dahil siya ang unang nag-imbita sa young Filipina singer na bumiyahe sa Amerika at mag-guest sa kanyang programa.


    Napanood ng staff ni Ellen sa YouTube ang guesting ni Charice sa Korean talent show na Star King noong 2007 at sila ang nagsabi sa gay TV host tungkol sa pambihirang talent ng young Pinay singer. The rest is history.


    Sa pagbabalik ni Charice sa Ellen, magiging mas komportable na siya kay Ellen dahil marami na silang mga magpag-uusapan tungkol sa kanilang mga personal na buhay.


    Hindi naging madali kay Ellen ang pag-amin na tomboy siya noong Pebrero 1997 dahil nakaapekto ito sa kanyang TV show na biglang nakansela.


    Diumano, hindi komportable ang TV station management na isang openly gay ang host ng kanilang programa. Ironically, inamin ni Ellen ang tunay na sexual orientation sa The Oprah Winfrey Show, ang show ni Oprah na mentor at ninang ni Charice.


    Masuwerte si Charice dahil nabuhay siya sa panahon na tanggap na ng Filipino audience ang openly gay celebrity na katulad nila nina BB Gandanghari, Aiza Seguerra at Vice Ganda.

  14. #2514


    VIDEO TRAILER: "Ang Turkey Man ay Pabo Rin" starring Julia Clarete, JM de Guzman, Travis Kraft, Cai Cortez and Tuesday Vargas
    Posted by Admin on 00:04



    A comedy celebrating the triumphs & tribulations of a FilAm couple on a universal love trip- Balut, karaoke, telenovelas, brownouts, ukay-ukay, and superstitious in-laws included.

    This experimental comedy explores the trials, tribulations, and triumphs of a Filipino-American couple on a universal love trip—that which do not discriminate against color, stature, or culture. It is a celebration of the Filipino experience in a foreigner’s perspective, and alternatively, the realization of the American dream in a Filipino’s eyes.

    Director: Randolph Longjas
    Writer: Allan Habon
    Director of Photography: Tom Redoble
    Production Design: Butch Garcia
    Assistant Director: Mico Esquivel
    Editor: Carlo Manatad
    Line Producer: Tonee Acejo
    Production Manager: Jo Anne Brioso
    Staff: Lourdes Reyes, Bea Anggulo
    Talent Coordinator: Faith Recile
    Digital Manager: IA dela Cruz
    Marketing Head: JP de Luna


  15. #2515


    Mas gustong isikreto ‘pag may problema
    Judy Ann Santos, aminadong ‘di kasing tapang ng iba


    Monday, June 3, 2013



    SA SOLO presscon ni Judy Ann Santos para sa pinagbibidahang serye, ang Huwag Ka Lang Mawawala na mapapanood sa darating na June 17 sa ABS-CBN, agad na muling klinaro ng aktres na wala silang problema ng asawang si Ryan Agoncillo at pinagtatawanan na lang nila ang isyu na nagsampa siya ng annulment case para mapawalang-bisa ang kasal nilang dalawa.

    Tinanong si Juday kung gaano ba kahalaga para sa kanya ang loyalty at fidelity sa isang relasyon, ayon sa aktres ay mahalaga ito dahil ‘pag nasira ang tiwala ay mahirap nang maibalik pa at lagi nang may bahid ng pagdududa.

    Natunugan agad na ang tatakbuhin ng tanong na ito ay tungkol sa loyalty sa kanya ng asawa, agad na sinabi ni Juday na malabo iyong gawin ni Ryan. Depensa ng aktres sa asawa, wala itong record na ginawa sa kahit na sinong girlfriend niya, bukod pa sa honest na tao ang asawa na bago pa man niya ito mahuli, malamang ay umamin na ito sa kanya.

    Tinanong din kung tulad ba ng ibang artista, aamin din sa publiko sa sandaling magkaroon ng problema ang pagsasama nilang mag-asawa, nagbigay-pahayag ang aktres na alam naman ng tao na masikreto siyang tao. Hindi naman sa nagdadamot, pero naniniwala siya na ang mga bagay na nangyayari sa likod ng kamera ay mas madaling nareresolba ‘pag inaayos din ito sa likod ng kamera.

    Nirerespeto ang mga artistang ginagawa ang magpa-interview ‘pag may mga problemang kinahaharap ang mga ito, para sa aktres ay nangangahulugan lamang ito na may sapat na tapang ang mga ito para ipagtapat sa publiko ang mga kaganapan sa buhay nila at siya ay hindi kasing-tapang ng iba.

    Nagbabalik-serye sa nasabing soap opera, kung saan kinikilala si Juday bilang Reyna ng Teleserye, aminadong nanganganay siya nu’ng unang sabak niyang muli sa kamera, at nagtatanong siya sa kanilang direktor kung naitatawid naman niya ang hinihingi ng kanyang role. Pero kalaunan ay bumabalik naman ang kanyang kumpiyansa at tiwala sa sarili.


    SA INTERVIEW namin kay Piolo Pascual tungkol sa naging karanasan niya sa Cannes International Film Festival, kung saan napabilang ang pinagbidahang pelikula na On The Job para sa Director’s Fortnight, masayang ikinuwento ng aktor na naluha siya sa nakita niyang mainit na pagtanggap ng tao sa kanilang pelikula.

    Huling araw ng festival pero puno pa rin ang mga sinehan. Ang sobrang naka-touch sa aktor, pagkatapos ng pelikula at ipinapakita na ang credits, ‘di pa rin umalis ang mga tao, nagpalakpakan at nagbigay ng standing ovation para sa kanila. Ang hiling ng aktor ay hindi lang ito maging eye-opener, kundi magbukas din ng daan para sa iba pang mga pelikulang Pilipino na maipadala du’n at makita ng iba na de-kalidad at puwedeng ilaban.

    Ipalalabas naman ang On The Job sa bansa sa darating na Hulyo.

    Masaya rin sa mataas na ratings at mainit na pagtanggap ng publiko sa seryeng Apoy sa Dagat, aminado naman si Piolo na mahirap at mabibigat ang mga eksena at konsolasyon para sa kanila ang magandang feedbacks dito ng tao.

    Hiningan namin ng reaksyon sa balitang panunugod ni John Lloyd Cruz sa set ng serye nang tamaan daw ni Diether Ocampo si Angelica Panganiban ng vase sa isang eksena, ayaw namang magbigay ng anumang komento tungkol dito si Piolo. Wala raw siya nang mangyari iyon, bukod pa sa sensitibo ang isyu.

    Para lang kay Piolo, magkakapatid sila sa Star Magic at walang bagay na ‘di nareresolba sa isang maayos na pag-uusap.

    Maiba Lang
    By MELBA R. LLANERA

  16. #2516


    Matapos magtaray sa gay comedian
    Cherie Gil, nabahag ang buntot kay Vice Ganda?!


    Monday, June 3, 2013



    CHERIE GIL has just made public as to how low she can get as far as the much ballyhooed Vice Ganda-Jessica Soho brouhaha is concerned.

    Obviously taking side, nagtaray ang prima contravida and took a spite at the stand-up comedian for his GUTTER-LIKE “rape jokes” unleashed during his concert a few weeks back.

    “To Vice Ganda: you’re one of those scums of the earth. Shame on the Filipinos who laugh at such insensitivity and tactlessness,” walang takot na sabi ni La Cherie sa Twitter.

    But just as fast as she condemned Vice for his shenanigans ay ganoon din pala kabilis ang pagpapakita ng pagkaduwag ni Cherie.

    Just a few minutes after she posted the message ay kaagad niya itong binura for reasons known only to her.

    Naduwag ba si Cherie sa repercussions ng kanyang action?

    While she does make sense in all her pagtataray in the movies and on television ay naging malaking palaisipan sa amin kung bakit nabahag ang buntot ni Cherie.

    We could only surmise that she deleted her message especially since it’s not only aimed at Vice Ganda but on the “Filipinos who laugh at such insensitivity and tactlessness”.

    She must have realized that among those who laughed at Vice Ganda’s “rape jokes” were the executives of ABS-CBN na siyang nagbibigay sa kanya ng trabaho.

    That said, sino ngayon ang TACTLESS?

    Sana’y pinag-isipan muna ni Cherie ang message niya kay Vice. Calling one a scum is no laughing matter lalo pa’t nanggaling ito sa isang respetadong TV and movie personality.

    Teka, who is she to call the stand-up comedian a scum? Bakit, did she lead a perfect life? Was she a role model when she was Vice Ganda’s age?

    We’re not siding with Vice Ganda. Actually, we also ABHOR him for his TASTELESS jokes, for his wala-sa-lugar-na-katarayan, for his KAYABANGAN and kawalan ng utang na loob.

    But come to think of it, Vice had spit on some personalities in the name of entertainment and this time somebody else has done some SPITTING on him.

    Amanos!



    NAKISAWSAW RIN ang Gabriela sa issue nina Vice Ganda at Jessica Soho.

    Okay lang naman ‘yon but what’s not fine with us is that the organization seems to have a SELECTIVE stance when it comes to issues na papatulan nila.

    Bakit hindi sila nagsasalita about the viral video ng isang aleng nakitang sinasaktan ang isang bata while riding a jeepney. Kitang-kita sa video na pinapalo ng ale ang bata using an empty mineral bottle.

    Itong Gabriela na ito akala mo kung sino kung makapagsalita. Para bang pinalalabas nila na ang lalaki o bakla lang ang capable gumawa ng violence.

    Bakit hindi yata kayo nagre-react sa viral video na aming sinasabi? Dahil ba hindi sikat ang nasasangkot at wala kayong media mileage na makukuha? O dahil nahihiya kayo kasi isang kapwa n’yo babae ang nang-aabuso sa isang bata?

    Kung makapagsalita kayo kapag babae ang inaabuso ay ganoon na lang pero kung kapwa n’yo na babae ang umaabuso ay deadma na lang? Ganoon ba ‘yon, Gabriela?



    JUST BECAUSE Lovi Poe was photographed na kasama ang governor ng Bicol na si Miguel Villafuerte ay kumalat na kaagad ang chikang magdyowa na sila.

    Well, ganoon talaga lalo pa’t single si Lovi at unattached din yata si Miguel.

    Pero hindi kaya ito maging issue kay Sarah Geronimo whom the governor is being linked to? At ano naman kaya ang magiging reaction ni Divine when she gets to see the photo lalo pa’t sinasabing approved siya sa binata?

    Nag-o-offer ng friendship si Governor Miguel kay Sarah and many were thinking that this will lead to courtship.

    Lex Chika
    by Alex Valentine Brosas

  17. #2517


    Judy Ann Santos, type magkaroon ng talk show

    Monday, June 3, 2013



    KUNG HINDI ako nagkakamali, noon pa inaayos ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang papeles ni Yohan.

    At sa tagal ng paghihintay, mukhang suwerte kay Juday at Ryan ang taong ito dahil na-grant na rin na isa nang official Agoncillo si Yohan.

    “Timing dahil malapit na ang pasukan at kailangan din ‘yun sa enrolment,” kuwento ni Juday sa solo presscon niya para sa latest teleserye sa Kapamilya Network, ang Huwag Ka Lang Mawawala na magsisimula na sa June 17.

    Happy si Juday dahil sa sunud-sunod na biyaya sa kanya ng nasa Itaas.

    Bukod sa magandang balita na isa nang official na anak ng dalawa si Yohan, maganda ang project niya sa muli niyang pagharap sa kamera bilang isang drama queen. Ang bansag nga sa kanya, Queen of Pinoy Soap Opera, na ikinatuwa naman niya.

    ‘Yong mga cooking shows niya sa ABS-CBN (nag-aral naman kasi siya ng culinary bago pa nagsisunuran ang ilang showbiz celebrities natin) ay masasabig pang-warm up lang at hindi maituturing na “big” project sa kanyang pagbabalik after itong mag-asawa at magkaanak, kumpara sa bago niyang serye sa Channel 2.

    One thing napansin namin sa mga pananalita ni Juday ngayon, mas magaling na siyang sumagot sa tanong. Mas relax. Mas may laman at nag-iiwan ng marka.

    Now, she talks about brutality on women at mga women issues with confidence. Kung hindi mo kilala si Juday na isang artista, sasabihin mo na isa siyang womens rights activists who knows how to handle issues such as battering at ang pananakit sa emosyon ng isang babae. Biro nga niya, she wants a talk show like The Judy Ann Show dahil kapado niya ang pananalita lalo na sa ganitong usapan.

    Sa solo presscon niya, bubbly siya. Bigay-todo. Madaldal na hindi na pinahirapan ang press sa mga itatanong sa kanya.

    Nagkunwari nga siya na siya ang host ng The Judy Ann Santos Show na maging siya natatawa. Ito ang isa sa mga bago kay Juday ngayon na isa na siyang ina kay Yohan at Lucho.

    Tulad ng bago niyang serye, hindi lang pala sa drama masusubukan ang aktres. Pati na rin sa ilang action scenes (not the typical Krystala – the super woman role niya noon) kung saan ang mga suntukan at paghawak ng baril ay mga pagkakataon na kailangan niyang ipakita to safe her child sa teleserye.

    Si Juday naman, very athletic at ‘di nga ba ay nagki-kick boxing (Muay Thai) siya na noon pa niya ginagawa to keep her fit bago pa man nagsipagsunuran ang iba?

    Happy si Juday. Umaapaw tulad ng sabi niya kaya nga sa mga eksenang iyakan, hirap siyang humugot para mas madali siyang umiyak. Pero overwhelming ang mga magagandang nangyayari sa personal life niya at career. Kaya for her, she has nothing to ask for.



    SA TOTOO lang, aminin ko, hindi ako fan ng GMA-7 except ‘yong news personalities nila like Vicky Morales, Arnold Clavio; mga host ng I-Witness at documentary shows nila. Halos iilan lang sa mga artista nila ang kilala ko. The rest of them hindi ko maalala ang mga pangalan. Siguro dahil karamihan sa kanila, dumaan lang sa kanto ng Timog at EDSA at kinaray ng bakla at hayun GMA artists na.

    Sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Solenn Heussaff, Lovi Poe, Isabel Daza, Jake Vargas, Bea Binene (na nakilala ko dahil sa kanyang iskandalo), Elmo at Maxene Magalona na mga anak ng kaibigang Francis M. Si Aljur Abrenica at Kylie Padilla (na anak ni Robin) kilala ko. Si Jennylyn Mercado na girlfriend ni Luis Manzano knows ko. Si Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Geoff Eigenmann, Sid Lucero, Jaya, Ogie Alcasid na balita nga ay pumirma na sa TV5, sila lang ang mga alaga ng GMA na nasa kamalayaan ko.

    Kadalasan ‘pag panaka-nakang nakapapanood ako ng mga teleserye nila, tinatanong ko pa sa house cleaner ko na si Eunice kung sino ‘yung artistang pinapanood ko. Mas kabisado kasi niya.

    Ako, matagal siguro bago ko makasanayan ang mga artista ng GMA. ‘Yong iba kasi, years na pala sa GMA, pero wala pa rin nangyayari sa kanilang mga karir.

    Next issue, malalaman n’yo ang dahilan.

    Reyted K
    By RK VillaCorta

  18. #2518
    ABS-CBN voted as Most Trusted Network for the third time by Reader's Digest Asia-Pacific
    May 30, 2013

    PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:

    "ABS-CBN Corporation was again named the most trusted Philippine TV network by consumers after it recently received its third Gold award from the annual Reader’s Digest Trusted Brand Awards organized by Reader’s Digest Asia-Pacific.

    "ABS-CBN was among the top scorers and beat its competitors in the TV Network category based on the results of the Trusted Brands survey conducted by Ipsos, the world’s third largest market research company, in eight Asian markets namely China, Hong Kong, India, Malaysia, Philippines, Singapore, Taiwan, and Thailand.

    "The Kapamilya network earned the ultimate seal of consumer approval after survey participants, composed of Reader's Digest Asia subscribers together with randomly selected consumers, gave ABS-CBN high ratings based on the qualitative criteria of Trustworthiness & Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, Innovative and Social Responsibility.

    "ABS-CBN Broadcast Head Cory Vidanes, ABS-CBN Corporate Marketing Head Cookie Bartolome, and ABS-CBN TV Production Head Lauren Dyogi received the Gold Trusted Brand Award personally handed out by Sue Carney, editor-in-chief of Reader's Digest Asia Pacific, in an awarding ceremony held last Thursday (May 23) at the Edsa Shangri-La Hotel.

    "ABS-CBN first bagged the Gold Trusted Brand award for the TV Network category in 2010 and received a back-to-back win as it won the same award in 2011. This is the third time Reader’s Digest Asia-Pacific recognized ABS-CBN’s appeal to the Asian market.

    "Launched in 1999, the Reader's Digest Trusted Brands Survey in Asia is conducted annually and is now on its 14th year. It seeks to identify which brands consumers in Asia trust and provides an objective and reliable reference for consumers throughout the region."

  19. #2519
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 5, 2013

    Lola ni Charice kontra sa kanyang dyowa, gagamitin lang daw ang kanyang apo; James bumiyahe pa-Europe, gustong balikan ang korte sa hindi pagpapahiram ni Kris kay Bimby

    PIK: Bago nagsimulang mag-taping sina Bianca King at Rafael Rosell para sa bagong GMA afternoon drama na Maghihintay Pa Rin ay kinausap ng aktres si Rafael na maging komportable sila dahil alam niyang kaibigan ang aktor ng dating boyfriend niyang si Dennis Trillo.

    Sabi ni Bianca, “Kinausap ko talaga siya. Sinabi ko sa kanya na huwag kaming maging awkward. Sabi ko sa kanya I wanna be your friend. Kaya nga sabi ko let’s be friends eh. Actually, sobrang okay kami.”

    Hindi lang niya maamin pero base sa mga sagot ni Bianca ay hindi pa siya komportableng makatrabaho si Dennis.

    PAK: Natuloy ang alis ni James Yap patungong Europe kaya hindi na namin makontak sa cell phone niya. Pero hindi naman niya nakalimutang batiin sa Instagram account si Joshua na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon.

    Nag-post ito ng lumang litrato na kasama si Joshua at binati niya ng “Happy Birthday Kuya.”

    Pero bigo si James na makita ang kanyang sariling anak na si Bimby dahil tila ipinagkakait ito ni Kris Aquino sa kanya.

    Kaya balak nang iparating ito ni James sa korte para maayos na ang terms ng visitation rights niya sa kanyang anak.

    BOOM: Malungkot at masama ang loob ng lola ni Charice pagkatapos niyang mapanood ang exclusive interview ng apo sa The Buzz.

    Bakit daw sa TV pa unang inamin at hindi ito ibinukas sa kanilang pamilya?

    Ngayon ay gusto na ng lola ni Charice na makita ang kanyang apo at gusto niyang yakapin nang mahigpit dahil tanggap na tanggap niya kahit ano pa ang kasarian ni Charice.

    Ang hindi lang yata matanggap ng lola ay ang nali-link sa kanyang apo na si Alyssa Quijano. Hindi maganda ang tingin ng kanyang lola dahil feeling nito ay gagamitin lang ang international singer na apo.

    Ang pagkakaalam namin, magsasalita na ang lola at ang ina ni Charice kaugnay sa isyung ito.

  20. #2520
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated June 5, 2013

    Alam na babantayan ang akting Julia nakakaramdam ng takot

    Aminado si Julia Barretto na nakararamdam siya ng pressure sa pagkakapili sa kanya para magbida sa teleseryeng Cofradia. Ginampanan ni Gloria Romero ang classic role ilang dekada na ang nakararaan. Galing si Julia sa angkan ng mga Barretto na kilalang magagaling na aktres.

    “May pressure kasi they’re going to expect me to do very well. I came from a family that’s full of actresses, so, every move ko papanoorin nila. That’s the pressure for me. I will have to do very, very, very well para hindi ko sila ma-disappoint,” nakangiting bungad ni Julia.

    Masayang-masaya naman ang batang aktres dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng pamunuan ng Kapamilya Network. Masuwerte siya na siya ang napiling gumawa ng nasabing proyekto.

    “I feel very happy, thankful, and I am very, very blessed kasi madami namang puwedeng mabigyan ng opportunity na maging Cofradia and nabigay sa akin,” dagdag ng dalaga.

    Ano kayang mga paghahanda ang gagawin niya para sa Cofradia?

    “We’re going to have workshops. We’re going to have a lot of acting workshops before we start taping,” natatawang sagot ni Julia.

    Samantala, hinahangaan pala ng dalaga ang kasamahan din sa Star Magic na si Bea Alonzo sa pagiging magaling na aktres nito.

    Zia walang balak umarte, mas gusto pang magdirek at magsulat

    Magaling na singer ang anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia Quizon. Ayon kay Zia, hindi niya nakikita ang sarili na papasukin din ang pag-arte katulad ng ina at kapatid na si Karylle.

    “I’m a ‘never say never’ kind of person naman talaga in general. It’s just that I’ve always been interested in film from more of a backstage point of view like writing and directing. Of course because of my dad’s influence I was always more intrigued nung director siya or writer siya or producer. So, if ever, I’d be more inclined to do something behind the scenes,” paliwanag ni Zia.

    Abala na ngayon ang singer para sa kanyang bagong album.

    “I’ve really been trying to focus on finishing my second album. I just want to make sure it comes out well and so that it can come out na. So, I’m really trying to give an album na people would want to listen to. It has a lot of my own compositions and I’m starting to get involved din now. That I’m starting to get more familiar with the system of paano gumawa ng album. Mas comfortable na ako to put input and my musical influences heard. So anything is going to be a bit more personal,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

Page 126 of 256 FirstFirst ... 26 76 116 125 126 127 136 176 226 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

LOCAL AND FOREIGN ISSUES:

PExers remember the victims and the families involved in the Maguindanao massacre

PExers remember the victims and the families involved in the Maguindanao massacre

read more
SPORTS:

Manny Pacquiao scores six knockdowns in victory over Chris Algieri

Manny Pacquiao scores six knockdowns in victory over Chris Algieri

read more
TV:

Have something to say on the weekend episodes of The Voice PH? Join the discussion here!

Have something to say on the weekend episodes of The Voice PH? Join the discussion here!

read more
UAAP:

Lady Spikers trump Lady Falcons in four sets, 25-23, 24-26, 25-14, 25-17

Lady Spikers trump Lady Falcons in four sets, 25-23, 24-26, 25-14, 25-17

read more
SHOWBIZ:

Joey De Leon helping Willie Revillame to start new game show in GMA-7

Joey De Leon helping Willie Revillame to start new game show in GMA-7

read more
PBA:

Purefoods win third straight game vs Meralco, 77-74

Purefoods win third straight game vs Meralco, 77-74

read more
NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more