PEx Highlights

Schools Brand DLSU as Team to Beat

With DLSU returning with its key performers, the team's chief rivals in the UAAP believe that the Green Archers are the team to beat.

read more

REVIEW: Dawn of the Planet of the Apes

Visually stunning, haunting and compelling, Dawn of the Planet of the Apes is a must-see.

read more

PHOTOS: Rain or Shine Forces Do-or-Die

The Rain or Shine Elasto Painters slayed San Mig Coffee 88-79 to force a do-or-die match for the Governor's Cup title.

read more

Top Male Celebs

Find out which handsome hunks dropped and came out on top this week!

read more

PHOTOS: UAAP Season 77 Press-Con

The UAAP gave collegiate sports fans a glimpse of what to expect in Season 77 with a press-conference. Check out scenes here!

read more

PHOTOS: PLDT Crushes Cagayan

Despite a decent effort, the PLDT Turbo Boosters crushed defending champions Cagayan in a straight-set 25-23, 25-23, 25-21 win.

read more

Page 113 of 256 FirstFirst ... 13 63 103 112 113 114 123 163 213 ... LastLast
Results 2,241 to 2,260 of 5103
  1. #2241

    Published : Wednesday, May 15, 2013
    Written by : Vinia Vivar

    Vice's remarks helped Nancy win

    As we write, napakarami nang nabibilang na boto sa ginanap na halalan last Monday kaya sa ngayon ay may malinaw-linaw na tayong nakikita kung sino ang mga panalo at talo lalo na nga among our celebrities na tumakbo.

    Sa senatorial slots, number one ang anak nina Susan Roces at late Fernando Poe Jr. na si Grace Poe.

    Ayon nga sa panayam sa kanya, hindi niya in-expect na mangunguna and although masayang-masaya siya, hindi pa raw tapos ang bilangan kaya maaga pa para magdiwang.

    In fairness to Mother Lily Monteverde, karamihan sa inendorso niyang senatorial candidates ay nananalo, tulad nina Grace, Sen. Loren Legarda, Nancy Binay, Sen. Chiz Escudero, Bam Aquino, Sonny Angara, Allan Peter Cayetano, Koko Pimentel at Cynthia Villar.

    Nasa top 15 naman sina **** Gordon at Sen. Gringo Honasan.

    Marami ring nanalong celebrities sa iba’t ibang posisyon. Unang-una na nga sina Joseph Estrada at Isko Moreno na iprinoklama nang winners bilang mayor at vice mayor ng Manila, respectively.

    Sa Quezon City, panalo rin si re-electionist Mayor Herbert Bautista at si Alfred Vargas bilang congressman ng fith district.

    Nangunguna rin si Aga Muhlach bilang congressman ng 4th district ng Camarines Sur habang talo naman si Rez Cortez na tumakbo ring congressman ng 5th district naman ng nasabing lalawigan.

    Sa Batangas, landslide victory si Gov. Vilma Santos at kasalukuyan namang natatalo si Christopher de Leon sa pagka-kongresista.

    Masayang-masaya rin ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil pareho silang wagi. Unopposed si Pacman bilang congressman habang ang asawa, malaki ang lamang sa kalaban bilang vice governor ng Sarangani.

    Nananalo rin si Lucy Torres-Gomez sa Ormoc habang si Richard Gomez naman ay hindi pa sure kung mananalong mayor ng nasabing lugar dahil sa huling bilangan, neck and neck ang bilang ng boto nila ng kalaban.

    Mukhang talo naman si Imelda Papin na tumakbong kongresita sa San Jose del Monte dahil malaki ang lamang ng boto sa kanya ng kalabang si Rep. Arthur Robes.

    Landslide victory naman si Daniel Fernando sa Bulacan bilang vice governor.

    Sa Cavite, kasalukuyan ding nananalo si Jolo Revilla bilang vice governor.

    Hindi pinalad si Annabelle Rama bilang congressman sa Cebu dahil tinambakan siya ng kalaban.

    Hindi pa rin sure ang kapalaran ni Joey Marquez na tumakbo ring congressman ng 2nd district ng Parañaque. As of this writing, pumapangalaw siya sa bilangan.

    Panalo ulit si Gov. ER Ejercito bilang vice governor ng Laguna at nangunguna rin sa bilangan ang misis niyang si Maita Ejercito bilang mayor ng Pagsanjan. Landslide victory din si Dan Fernandez bilang congressman. Mukhang mari-re-elect din si Angelica Jones bilang board member sa 3rd district ng nasabing lugar.

    Sa mga nagwagi, congrats at sa mga hindi pinalad, better luck next time!

    * * *

    Kahapon sa It’s Showtime, kinantiyawan si Vice Ganda ng mga kasamahan tungkol kay Nancy Binay na as we all know, pang-lima sa ginaganap na bilangan.

    Pinatutugtog sa show ang jingle ni Nancy na “Kay Binay, gaganda ang buhay” kaya tawanan.

    Sumakay naman si Vice sa mga kantiyaw at nagbiro pang: “Ma’am Nancy, magpakain ka naman!”

    Matatandaang bago mag-eleksyon, na-single-out ni Vice si Nancy bilang kandidato na walang background and yet senador agad ang tinakbo.

    Naging issue ito at sa malas, nakatulong pa yata kay Nancy ang ingay na ginawa ni Vice.

  2. #2242

    Published : Wednesday, May 15, 2013
    Written by : Mario Bautista

    TOM LEAVES ABS FOR GMA

    TOM Rodriguez has been chosen to play the role of Carla Abellana’s closet queen husband in the new GMA7 soap that will replace “Love and Lies.” Tom has left his ABS-CBN soap, “Be Careful with My Heart,” where he plays a man who romanced a lesbian, Aiza Seguerra. So this time, he’ll now be in a gay relationship with Dennis Trillo.

    Tom used to be managed by ABS but he’s now under Popoy Caritativo, also the manager of Dennis. When Tom was discovered in PBB four years ago, people were saying he has the makings of a top leading man. He was quickly paired with Angelica Panganiban in the big hit “Here Comes the Bride” and with Marian Rivera in “Temptation Island.” But sadly, there was no follow up project after this on TV, where he just played supporting roles.

    He was even launched as a singer in BoysVoyz on ASAP and landed a lead role in the musical “Aladdin” on stage. Now that he’s with GMA7, here’s hoping he’ll get better treatment and better breaks as a lead actor so he can finally achieve the stardom that we believe he deserves.

  3. #2243

    Published : Wednesday, May 15, 2013
    Written by : Jun Nardo

    Aga can't wait to be proclaimed

    WALA pang mahabang tulog si Aga Muhlach nang ma-interview ni Julius Babao sa radio program niya sa DZMM. Isa kasi si Aga sa showbiz celebrities na kinasihan ng suwerte sa unang sabak sa pulitika.

    As of this writing, lamang ng 4,500 votes si Aga sa mabigat na kalaban niyang si Wimpy Fuentebella na matagal nang balwarte ang Caramines Sur.

    Panay ang dasal niya na matapos na ang bilangan at maproklama na siyang opisyal na nanalo.

    Ang asawa niyang si Charlene Gonzales ang punong-abala sa pre-counting kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa walang sawang suporta sa kanya ng asawa.

    Sa totoo lang, matagal nang pumapasok sa isipan ni Aga na pasukin ang pulitika.

    Naging malaking factor ang pag-upo ni Presidente Noynoy Aquino at nakita niya ang dedikasyon nito sa mga tao.

    “Diretsung-diretso siya. Mahigpit siya. Sabi ko, kung laging ganyan, sana sa last three years niya, makasama ako. Sana makasama ako doon kasi feeling ko, meron siyang gustong gawin para sa tao at para sa bansa natin.

    “So I was really inspired. Sabi ko, dito ako sa President papasok na walang korapsyon talaga,” paliwanag niya.

    Ang makatulong sa tao ang unang hangad ni Aga nang pasukin ang pulitika.

    “Gusto kong gumaganda ang sitwasyon at kalagayan ng bansa natin. ’Yun ang ayokong mangyari na ’pag nanalo ako, babantayan ko ang sarili ko. I will make sure na kung ano ang katungkulan ko, ’yun ang gagawin ko at ipapakita ko sa buong Pilipinas na kayang gawin ’yan!” pahayag pa ni Aga.

    Gusto ring patunayan ni Aga na hindi basta-basta nila-lang-lang ang isang artista once nakaupo na siya bilang congressman ng Camarines Sur.

    “Marami akong iniisip pero ayoko munang sabihin kasi hindi pa naman ako nananalo, hahaha! Dasal, dasal pa rin kami ni Charlene,” pagtatapos ni Aga.

  4. #2244

    Published : Wednesday, May 15, 2013
    Written by : Nitz Miralles

    Sarah Jessica Parker in PH!

    Masaya ang fans ng Hollywood actress na si Sarah Jessica Parker dahil dumating ito kagabi.

    Nasa bansa si Sarah Jessica dahil siya ang magka-cut ng ribbon sa opening ng SM Aura sa May 17, Friday.

    Ang SM Aura ay nasa Bonifacio Global City at pinakabago sa chain ng department stores ng SM.

    Kilala si Sarah Jessica bilang si Carrie Bradshaw ng Sex and The City at marami ang ginawa siyang fashion icon dahil ibang klaseng manamit.

    Kung hindi sa mga Sy, hindi makakarating ng bansa ang actress-fashion icon.

    Naka-schedule sa 5 p.m. ang ribbon cutting at opening ng SM Aura. Sigurado kaming umaga pa lang, marami ng tao sa harap ng SM Aura para makita nang personal si Sarah Jessica Parker.

    * * *

    TODAY, 3 p.m., ang meeting ni Kris Aquino sa mga manager niyang sina Boy Abunda at Deo Endrinal para sa movie offer sa anak na si Bimby Yap, isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival.

    Wala pang masyadong detalye sa project, gaya kung sino ang magdidirek at kung sino ang makakasama ng bagets dahil sabi nga ng tinanong namin, magmi-meeting pa lang ang tatlo.

    Si Kris ang mas excited sa posibilidad na gagawa ng pelikula si Bimby at hindi pa man nasisimulan, sinabi na nitong magbabantay siya sa shooting ’pag nagsimula na ang shooting ng movie.

    Siguradong sa shooting ng anak magbababad ang TV host-actress ’pag natuloy ang movie.

    Naalala namin ang kuwento ni Kris na gustong gumawa ng teleserye si Bimby at marami ang itinatanong sa kanya sa pag-arte.

    Ang sinabi lang daw niya sa anak ay matutong magsalita ng straight Tagalog, pero may sagot dito si Bimby, nakalimutan lang namin kung ano.

    Malalaman natin ang update sa MMFF movie ni Bimby kay Kris dahil tiyak na i-a-announce niya sa Kris TV ang magiging resulta ng meeting niya kina Boy at Deo.


    Di kaya si Bimby ang gaganap na Ding ni Angel

  5. #2245


    Lumabo na ang pagbabalik sa Toda Max!
    by Xposed/Roldan Castro May 14, 2013



    LUMABO na ang pagbabalik ni Robin Padilla sa award winning sitcom na ‘Toda Max’. Nakamarka talaga ito na ang bida ay sina Binoe, Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin.

    Ang buong akala namin babalik na ang bad boy ng local showbiz after ng serye niyang ‘Kailangan Ko’y Ikaw’ pero wala na yata kaming hihintayin.

    Kumakalat ngayon ang balita na hindi na raw niya babalikan ang ‘Toda Max’.

    Ano kaya ang totoo?

    Sari-saring espekulasyon ang naglalabasan dahil sa hindi pagsipot ni Binoe sa nakaraang taping na kung saan ay inaasahan na siyang darating.

    How true na gustong magpataas ng presyo si Robin dahil tapos na ang kontrata niya sa kapamilya network nu’ng October 2012 pa? Nu’ng huli naming makausap si Robin last year ay na-extend na ang oras ng ‘Toda Max’ mula 12 sequences ay naging 16.

    “Sana humaba rin ang suweldo,” tumatawa niyang pahayag.

    “Matanda na ako… kailangan properly compensated tayo, di ba? Kasi nakikita natin ‘yung mga batang artista ngayon kung bayaran nila..nakakagulat, di ba? Siyempre, ‘yung mga matured naman na artista, dapat hindi pababa ang talent fee. Nakalulungkot naman ‘yun,” tandang-tanda naming pahayag niya sa amin last October 30, 2012.

    Totoo bang nagtatampo rin si Binoe dahil mas maganda ang exposure nina Vhong at Angel na laging nakasentro sa kanila ang istorya na supposed to be ay sa kanila ni Vhong?

    Totoo bang gustong magkaroon ni Robin ng sariling show sa Dos na kung saan ay ang misis niyang si Mariel Rodriguez ang kasama niya? Paano mangyayari ‘yun e, nasa ‘Wowowillie’ si Mariel ng TV5?

    How true na nagkaroon din ng suspension (?) kay Robin o pinagalitan nu’ng walang paalam siyang sumipot sa ‘Wowowillie’ at sinuyo si Mariel? Contract star kasi siya ng Kapamilya network. Isa rin kaya sa dahilan na nawala siya at ngayon ay ayaw nang bumalik?

    Ang paliwanag ng kampo ng aktor ay gustong magpahinga ito after ‘Kailangan Ko’y Ikaw,’ tumulong sa kampanya ng mga kaibigan niya at tinatapos muna ang lahat ng commitments.

    Masaya naman daw sa ABS si Robin at walang balak lumipat ito.
    Ang nakakaloka, nadiskubre ng produksyon na hindi naapektuhan ang ratings ng ‘Toda Max’ tuwing Sa bado nu’ng mawala si Robin.

    ‘Yun nga lamang!

  6. #2246
    PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 16, 2013

    May ilang araw pang taping si Tom Rodriguez sa Be Careful With My Heart pero tuloy na ang paglipat nito sa GMA 7.

    Binigyan ito ng mainit na welcome sa story conference ng bagong drama series ng GMA 7 na My Husband’s Lover kamakalawa ng hapon.

    Excited si Tom dahil first time daw niyang gagampanan itong role ng isang closet gay na kung saan dyowa niya rito si Dennis Trillo.

    Sa paglipat ni Tom, parang kinalimutan na rin nito ang ilang dating kasamahan niya sa PBB sa ABS-CBN 2 lalo na ang nakarelasyon nitong si Princess Manzon.

    Mariin niyang itinatanggi na naging sila at wala raw siyang may nakarelasyon sa PBB.

  7. #2247
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 16, 2013

    Nanay ni Angelica panganiban namatay!



    Namatay ang nanay ni Angelica Panganiban last Tuesday. Pero hindi ito ang tunay na ina ni Angelica. Ito ang nag-ampon sa kanya, si Melania David Panganiban.

    “19 weeks ago kumpleto pa tayo... 19 weeks ago kasama pa natin si mommy.. 19 weeks ago kaya pa natin mag-tawanan ng malakas at pagtawanan si mommy.. 19 weeks ago, natupad ang pangarap natin na mabuo tayong lahat.. Hinintay na lang pala ni mommy na makita tayong kumpleto at masaya,” sabi ni Angelica sa kanyang Instagram account kung saan naka-post ang family picture nila.

    “Mommy... Mahal na mahal ka namin.. Walang nakapaghanda sa biglaan mong pag iwan sa amin.. Ma mimiss ka namin ng sobra sobra.. Thank you for adopting me and giving me a family. I love you mommy. I will really miss you,” dagdag niya.

    Hindi lihim ang pagiging adopted daughter ng aktres na karelasyon ni John Lloyd Cruz.

    Inamin niya ito noon.

    Maalala ring naikuwento niya noon na finally ay nakilala na niya ang kanyang tunay na ama nang magkita sila sa America at noong Pasko ay balitang dinalaw sila rito ng kanyang Amerikanong tatay.

    Aga nagpapatulong, bilangan sa kanilang distrito hindi matapus-tapos

    Todo-panalangin ang mga kaalyado kahapon ni Aga Muhlach dahil nakaramdam sila na may nangyayaring ‘magic’ dahil hindi pa natatapos na bilangan sa kanilang probinsiya. May isyu na kesyo invalid daw ang ibang boto at sadyang dini-delay ang bilangan. Kaya naman kahapon ay nagpapa-tulong na ang kampo ni Aga na sana ay ayudahan sila ng Pangulong Noynoy Aquino dahil sigurado silang may nangyayaring kakaiba. Eh sa mga naunang resulta, si Aga ang nanalo. Pero ang dating lamang na si Aga ay biglang naabutan ng kalaban niya.

    Simula umpisa nang kampanya ay katakut-takot na pahirap ang dinaanan ni Aga.

    Himig handog P-POP Love song finalist na si Wynn Andrada gustong alayan ng kanta si Kim

    Pumirma na ng recording deal ang finalist sa songwriting competition na Himig Handog P-pop Love Song na si Sherwin ‘Wynn’ Andrada sa Star Recording Inc. kamakailan. Kasama sa mga unang proyektong inihain para kay Wynn ang kanyang kauna-unahang solo album kung saan isa sa kabilang na singles ang kanyang P-Pop love song entry na Tamang Panahon. “Napaka-overwhelming po ang pagkakataong ito at hindi ko sasayangin ang tiwala ng Star Records. Sa una kong album, karamihan po roon ay original compositions ko, mostly mga love song,” sabi niya.

    Ibinahagi rin ng 18 taong gulang na musikero kung paano siya sumusulat ng mga awiting talaga namang tumatatak at nakakaantig sa puso ng mga tagapakinig. “Sa pagko-compose po ng mga kanta, kadalasan binabase ko sa mga personal experience ko, sa mga crush ko o minsan base naman sa mga kuwento ng mga kaibigan,” kuwento ni Wynn.

    Nang tanungin kung sino sa mga Kapamilya female star ang nagsisilbing “inspirasyon” niya sa paglikha ng kanta, walang pagdadalawang-isip na pinangalanan ni Wynn si Kim Chiu bilang ang kanyang celebrity crush at nagpasaring pa na willing siya umanong gumawa at mag-alay ng kanta para sa primetime princess.

    Bukod sa pag-awit at pag-compose ng kanta, tumutugtog din si Wynn ng musical instruments gaya ng drums, acoustic guitar, bass guitar, at marami pa.

    Bukas din daw ang binata sa mga acting project kung sakaling may mag-aalok sa kanya.

  8. #2248
    TAKE IT TAKE IT Ni Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 16, 2013

    Sikat na restaurant tinanggihan ang reservation para kay Jessica Parker

    Nag-lunch kami kahapon ni Rubby Sy ng Flawless sa Haru, ang Japanese restaurant sa Pasig City na pag-aari ni Dr. Boy Vazquez.

    Katabi lamang ng Haru ang sister restaurant nito, ang sikat na Cafe Juanita. Nag-treat si Mama Rubby sa Haru dahil birthday niya noong May 7.

    Lumapit sa table namin si Dr. Vazquez at siya ang nagkuwento sa amin na bisita niya dapat kahapon sa Cafe Juanita ang Hollywood star na si Sarah Jessica Parker.

    Hindi natuloy ang pagpunta ni Sarah Jessica sa Cafe Juanita dahil brown out dito kahapon. Tinanggihan ni Dr. Vazquez ang reservation para kay Sarah Jessica dahil sa problema sa kuryente.

    Nanghihinayang kami ng mga kasama ko sa lunch namin kay Mama Rubby dahil chance na sana ng sikat na Hollywood actress na makilala ako. Makilala raw ako o!

    Naka-check in sa Sarah Jane sa isang 6-star hotel sa Makati City. Dumating siya sa bansa noong Martes ng gabi dahil siya ang special guest sa opening ng isang mall sa Bonifacio Global City.

    Grace Poe magbabakasyon muna

    Na-appreciate ko lalo ang kabutihan ni Senator-elect Grace Poe nang tawagan niya ako kahapon sa telepono para magpasalamat sa suporta ko sa kandidatura niya.

    Sana, katulad si Mama Grace ng ibang mga kandidato, nanalo man o natalo, marunong magpasalamat sa mga tumangkilik sa kanilang kandidatura.

    Magpapahinga muna si Mama Grace bago umupo sa puwesto niya sa senado sa July 1. Nangayayat siya dahil sa matagal na pangangampanya. Magbabakasyon si Mama Grace at ang kanyang mga anak na matagal na hindi niya nakasama dahil sa kampanya.

    Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Mama Grace na siya ang magiging number one sa senatorial race. Gusto niyang ipaabot sa lahat ang kanyang walang katapusan na pasasalamat. Ang tagumpay ni Mama Grace ay tagumpay din ng kanyang namayapang ama na dinaya sa eleksiyon noong 2004.

  9. #2249
    SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 16, 2013

    ‘Pabayaan na natin si Charice, ipagdasal na lang natin’ - Sarah

    Marami na namang bumabatikos kay Charice dahil sa ilang larawan ng singer na kumakalat sa iba’t ibang social networking sites.Mapapansin kasing ibang-iba na ang itsura ng singer ngayon sa mga nasabing larawan. Agad namang ipinagtanggol ni Sarah Geronimo si Charice sa mga bashers nito. “We have to respect her, hindi dahil si Charice Pempengco siya kundi dahil tao siya. Bawat isa sana magrespetohan, tama na, pabayaan na natin si Charice,” seryosong pahayag ni Sarah.

    Maraming kumukuwestiyon sa pagkatao ng international singer dahil sa pagbabago ng ayos ng buhok at pagpapalagay ng mga tattoo. “Alam mo ang magagawa lang naman natin para sa kanya is to pray for her. Wala naman tayo sa posisyon para masabi kung ano ang tama o mali para sa kanya. Basta tayo magdasal tayo kung ano ‘yung the best para sa personal na buhay niya at singing career niya,” giit pa ng Popstar Princess.

    Daniel at Kathryn hindi makabakasyon

    Excited na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa muli nilang pagtatambal sa teleseryeng Got to Believe. Masayang-masaya raw ang magka-M.U. (mutual understanding) sa totoong buhay nang malaman na muli silang magkakasama para sa isang bagong proyekto. “Masaya kasi nga magkasama ulit kami ni Kathryn. Tapos masarap kasama ‘yung mga kasama ko,” bungad ni Daniel.

    Malaki raw ang pasasalamat nina Kathryn at Daniel sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan. “Siyempre dahil naman talaga sa mga sumusuporta. ‘Yung mga Kath-Niels talaga sobrang nagpapasalamat kami sa kanila sa pag-support sa amin ni DJ (palayaw ni Daniel),” pahayag ni Kathryn.

    Ang tambalan nina Daniel at Kathryn ang maituturing na pinakasikat ngayon sa kanilang henerasyon at talagang iniidolo ng mga kabataan. Mayroon ding ilang haters ang dalawa pero hindi raw nagpapaapekto sina Daniel at Kathryn dito at lalong pinagbubuti ang kanilang trabaho. “Kasi ‘di ba kung meron ding nagmamahal siyempre mayrooong naghi-hate rin. Hindi sila mapi-please lahat eh. May gagawin kang mabuti o masama may masasabi sila. Okay lang, hayaan mo na sila,” paliwanag ni Kathryn.

    “Basta kami diyan kinalimutan na namin, wala na kaming pakialam,” giit naman ni Daniel.

    Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa raw nakakapagbakasyon ang dalawa sa rami ng kanilang pinagkakaabalahan. “Kasi nitong summer, ginawa ko ngayon, school ko. So hindi ako nag-vacation masyado, no’ng birthday ko lang. ‘Yun na ‘yung pinaka-vacation ko. So tingnan natin baka may future plans pa tayo next month,” kuwento ni Kathryn.

    “Gusto ko lang ‘yung tahimik at kasama ‘yung mga gusto kong kasama. Kasama si Kathryn at saka mga barkada ko,” sagot naman ni Daniel. Reports from JAMES C. CANTOS

  10. #2250
    THAT’S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 16, 2013

    Mga alaga ni Annabelle Rama natutuwa?!

    I’m sure nasa loob lang ng mga artist ni Annabelle Rama ang kanilang katuwaan sa pagkatalo nito sa kanyang bid for Congress sa Cebu. Hindi ko naman sinasabing ipinagdasal nila ang pagkatalo nito. Gusto rin nilang manalo ito kahit deep inside, may takot sila na baka wala nang mag-asikaso sa kanilang career. With Annebelle’s loss, balik ito sa pag-aalaga sa kanyang talents.

    Jinkee inaasahang makakatulong sa pagkapanalo

    Ang laking posisyon pala naman ang pinagwagian ni Jinkee Pacquiao sa GenSan, nanalo siyang vice governor. Hindi na masama considering na first time niyang umentra sa politics. With her victory, sana masilbihan niya ang kanyang mga kababayan. Afford naman niya dahil meron na siyang time and money on her hand.

    Erap nakikipagkaibigan kay Lim

    Doon ako hanga kay Erap Estrada nang malamang nanalo siyang mayor ng Maynila ay ibinigay ang kanyang kamay sa kanyang nakalabang si Mayor Alfredo Lim bilang simbulo ng pakikipagkaibigan. Kalimutan na raw nila ang nakaraan at magtulung-tulong para sa ikabubuti ng Maynila.

    P-NOY dapat nang matuwa

    Kahit hindi nasunod ang hiling niyang 12-0 para sa kanyang mga kandidatong senador, dapat matuwa na si P-Noy dahil marami siyang naipanalong kandidato. Ito ay malinaw na pagbibigay tiwala at suporta sa kanya ng mamamayan.

  11. #2251


    THURSDAY, MAY 16, 2013
    Sharon at Juday, ‘bonding-bonding’ sa Tate
    Bitoy, bitbit ang pamilya sa Tate




    Maliban kay Jessa Zaragoza na hihintayin muna ang election results ng asawang si Dingdong Avanzado, ay nakasabay namin ang buong cast ng Pepito Manaloto papuntang LA para doon na rin hintayin ang production staff na medyo na-delay ang working visa for their taping ng ilang episodes ng nasabing sitcom ng GMA-7.


    Sa biyaheng ito ay kasama ni Manilyn Reynes ang asawa at mga anak, na gaya rin ni Michael V. na bitbit din ang pamilya.

    Pagkakataon na raw niya na maipasyal ang mga anak sa Disneyland na kanyang ginawa noong Linggo ng buong maghapon.


    Sina Janna Dominguez, Mosang, John Feir at Arthur Solinap na mga first timer ay sinamantala ang pamamasyal habang wala pang taping, habang ang grupo namin ay nag-ocular sa mga location ng taping.


    Sa totoo lang, napakaganda ng mansion ni Alice Eduardo sa Beverly Hills na isa sa location shoot. Kaibigan siya ni Kuya Germs kaya madaling napahiram ang mansion niya.


    Si Sayaka Satsumi na young girl sa Pepito ay sabik na sabik ding makita ang Disneyland dito sa Anaheim kahit sawang-sawa na siya sa Disneyland Tokyo. Iba naman daw ang Disneyland dito na may malawak na California Adventures habang ang Tokyo ay may Disney Sea kung hindi ako nagkakamali.


    ***



    Binati kami ni Sharon Cuneta sa LA International Airport na kasabay namin sa eroplano papunta dito sa LA. Kasama niya ang adopted son at si Mommy Elaine with ilang entourage.


    May series of shows yata si Shawie dito sa LA plus magkikita raw sila ni Juday who celebrated her birthday dito kasama ang buong pamilya, plus alalays at kaibigang si Beth Tamayo na lumipad dito from New York.


    Kaya sobrang happy si Juday na gusto ring makipagkita sa amin with friends like Mosang.


    Si Jake Vargas naman ay kasama ni Kuya Germs at John Nite sa bahay nina John sa Pasadena habang wala sa shoot.

    Panay raw ang pasyal nila kasama ang mga relatives ni Kuya Germs, pero sabik na rin siyang makasama ang cast ng Pepito Manaloto.


    Si Michael V. naman ay kasama ang pamilya sa bahay nila sa Eastvale at abala sa mga revisions ng script base sa mga bagong taping locations. Kaya busy ang lahat dito kahit mainit na ang klima.

  12. #2252


    THURSDAY, MAY 16, 2013
    Markki Stroem at Althea Vega, 27 minutes na nagdyugdyugan!
    Ruel Mendoza



    Hindi nahihiya ang singer-actor na si Markki Stroem na ipakita ang lahat para sa ginagawa niyang indie film na Amor Y Muerte na isa sa official entries sa Cinemalaya Independent Film Festival sa July.


    Usap-usapan nga na meron siyang frontal nudity sa ginawa niyang sex scene kasama ang indie film actress na si Althea Vega.

    Pero nang tanungin si Markki tungkol sa kanyang pagbubuyangyang ng pagkalalake, ngumiti lang ito at sinabing abangan na lang ang naturang pelikula.


    “They will mostly see my butt because mahaba ang sex scene ko with Althea. Umabot ng 27 minutes ang buong eksena namin. I just don’t know kung paano nila ipapasok lahat ‘yon sa scene. Ginawa ko lang ang gusto ng director naming si Cesar Evangelista.


    “Lahat na yata ng positions na alam ko ay ginawa ko sa eksenang iyon,” sey ni Markki.
    Wala ngang takot na maghubad si Markki sa harap ng maraming tao.

    May ipapakita naman daw kasi siya kaya wala siyang inhibitions. Noong sinabing hubo’t hubad siya sa eksena nila ni Althea, hindi raw siya nagdalawang-isip na gawin iyon.




    “Rumampa na ako sa Bench fashion at Cosmo Bachelors Bash na naka-underwear lang. And I did that in front of so many people in a big venue.

    Okey lang sa akin to do this sex scene kasi it’s tastefully done at apat lang naman ang taong nasa room when we did the shoot. At saka, never naman akong nahiya na maghubad talaga.


    “I worked so hard para gumanda ang katawan ko. If they want to see it, it’s no problem,” ngiti pa niya.


    Una ngang naging pelikula ni Markki ay ang indie film na Slumber Party kung saan bading ang role niya. Gusto nga raw niya ng mga roles na matsa-challenge siya.


    “I am also doing Raketeros. It’s a comedy naman with Ogie Alcasid, Herbert Bautista and Andrew E. Commercial film naman ito para maiba naman.”

  13. #2253

    MAY 16, 2013 THURSDAY
    Pinoys sa US, nagbunyi sa tagumpay ni Grace Poe
    Lovi, naniniwalang magiging epektibong senador si Grace!




    UPDATED sa mga nangyayari sa showbiz ang mga kababayan natin na nakakausap ko sa Amerika.

    Alam na alam nila na number one sa senatorial race si Grace Poe na anak ni Fernando Poe, Jr.

    Maraming Pilipino rito ang tuwang-tuwa sa pangunguna ni Grace dahil patunay nga lang na mahal na mahal pa rin ng sambayanang Pilipino ang ama niyang si FPJ (SLN).



    Sa Disyembre ay siyam na taon nang patay si FPJ at mahal pa rin talaga siya ng mga Pinoy, at patunay nga ang pagiging number one ni Grace sa senatorial race.

    Isa nga pala sa tuwang-tuwa sa pagkapanalo ni Grace ay ang kapatid niyang si Lovi Poe. Isa si Lovi sa mga nangampanya kay Grace.

    Nung kampanya, ilang beses ding nagkasama ang magkapatid. At sa guesting ni Lovi sa The Buzz para sa promo ng The Bride and The Lover ay natanong siya ng host na si Charlene Gonzalez sa mga intriga na hindi sila close ng half siblings niya (si Grace at Ronian Poe) at nilinaw ng sexy actress/singer na intriga lang 'yon at suportado niya ang kapatid.

    Isa rin si Lovi sa maraming mga naniniwalang magiging epektibong senador si Grace!



    ***

    Marami rin ang nakikibalita sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid.

    Ngayong mawawala na kasi ang Party Pilipinas, lalong umugong ang balitang hindi lang si Ogie ang mag-aalsa-balutan sa GMA 7 at lilipat sa TV5, pati raw ang Asia's Songbird.

    Sabi naman ni Ogie, hindi sila package-deal ng kanyang misis. Kahit mag-asawa, magkaiba naman ng manager sina Ogie at Regine.

    Si Leo Dominguez ang namamahala sa career ni Ogie at ang sister naman ni Regine, si Cacai Velasquez-Mitra, ang manager ng magaling na singer/actress.

    Ang mga desisyon nina Ogie at Regine pagdating sa kanilang mga career ay magkaiba.

  14. #2254

    MAY 16, 2013 THURSDAY
    Dennis at Tom, 'di tutularan si Marian!
    Marian, gusto nang kalimutan ni Popoy

    Ni GORGY RULA

    HALOS sunud-sunod ang mga bagong programa ng GMA 7 na nag-story conference nung kamakalawa ng gabi.

    Ibabalik nila ang Anna Karenina na nagpasikat kina Sunshine Dizon, Antoinette Taus at Kim delos Santos.

    Ngayon ay si Barbie Forteza na ang bida kasama sina Joyce Ching, Derrick Monasterio at ang iba pang Kapuso young stars.

    Pagkatapos nito ang Basang Sisiw na mga bagong tuklas na mga bata ang magbibida kasama sina Lani Mercado, Raymond Bagatsing, Juan Rodrigo at marami pa.

    Nagkaroon din ng story conference kahapon ang isang mapangahas na drama series, ang My Husband's Lover na kung saan gaganap na magdyowang bading sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, kasama si Carla Abellana.

    Binigyan ng mainit na pagtanggap sa storycon nung kamakalawa lang si Tom na galing sa Kapamilya network.

    Tinatapos na lang pala nito ang ilang eksena niya sa Be Careful With My Heart at magsisimula na siyang mag-taping sa GMA 7.



    "Sa totoo lang, magkahalo ang excitement at kaba ang naramdaman ko," bulalas ng bagong alaga ni Popoy Caritativo.

    "Kaya gusto ko magpasalamat sa GMA 7 for giving me this opportunity na sinali agad nila ako sa ganito kalaki at ka-relevant na project."

    Nang nalaman daw niyang may audition para sa role na iyun, hindi raw siya nagdalawang-isip na nagpa-audition dahil bihira lang daw na mabigyan ng ganu'ng chance na gampanan ang ganu'ng klaseng role.

    Ngayon pa lang daw niya ito gagawin kaya malaki ang pasasalamat niya nang ibinigay sa kanya ang naturang role.

    Malaking challenge rin daw sa kanya na pawang magagaling na artista ang makakasama niya, lalo na si Dennis Trillo na feel na feel na rin ang role.

    Kaya magkakaroon daw sila ng workshop lalo na silang dalawa ni Dennis para lumabas na kapani-paniwala sa seryeng iyun na may relasyon silang dalawa.

    Nandun din sa storycon si Popoy Caritativo para samahan ang dalawang alaga niya pero tikom ang bibig nito sa isyung pag-alis sa kanyang poder sina Marian Rivera at Martin Escudero.

    Hayaan na lang daw na makalimutan ang isyung iyun dahil siya naman ay pinipilit na rin niyang kinalimutan.

    Nagpahayag naman sina Dennis at Tom ng suporta kay Popoy, basta nangako raw silang walang iwanan.


  15. #2255

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Nitz Miralles

    Nakausap namin sa phone si Tom Rodriguez bago pumunta sa storycon ng My Husband’s Lover.

    Mixed emotions daw siya, overwhelmed na matutuloy na siyang magtrabaho sa GMA Network at nabanggit na nag-audition siya dati para sa Amaya, pero hindi siya natuloy at ngayon lang siya makakalipat.

    Walang magiging problema si Direk Dominic Zapata dahil sabi ni Tom, gagawin niya ang mga eksenang kailangan niyang gawin pati ang kissing scene nila ni Dennis Trillo.

    “Kasama ang kissing scene sa trabahong tinanggap ko, gagawin ko ’yun. At least si Dennis, matagal ko ng friend at pareho pang si Popoy (Caritativo) ang manager namin, wala nang ilangan.

    “Si Carla Abellana, nakilala ko nang mag-audition ako. She’s very sweet, very approachable and very accommodating. Big challenge sa akin ito, gusto ko talagang galingan at thankful ako sa GMA for giving me a very challenging role,” sabi ni Tom.

    Ayon pa sa kanya, maayos siyang nagpaalam sa ABS-CBN at December 8, 2012 pa pala nagtapos ang kanyang kontrata.

    Next week, pipirma naman siya ng kontrata sa GMA Network.

    Sa June 10 na ang pilot ng My Husband’s Lover at sa storycon, may parang poster ng naghahalikang dalawang lalaki ang ipinakita.

    Kabilang sa kasama sa cast sina Kuh Ledesma at Victor Basa. Reunion ito nina Kuh at Dennis na unang nagkasama sa Endless Love bilang mag-ina.

  16. #2256

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Vinia Vivar

    BUKAS nakatakdang umalis si Sam Milby patungong Paris, France, para dumalo sa 66th Cannes Film Festival na magtatapos sa May 26.

    Kasali ang pelikula nina Sam, Jason Abalos at Zanjoe Marudo na Death March na makikipagkumpitensiya sa kategoryang Un Certain Regard.

    Sobrang excited na nga raw si Sam dahil first time niyang dumalo sa isang international filmfest na in competition ang movie niya.

    As we all know, isa sa mga pangarap ni Sam ay magkaroon ng international career.

    Sam has to be back on May 22 para sa taping ng Huwag Ka Lang Mawawala (dating Against All Odds) na serye nila nina Judy Ann Santos at KC Concepcion, gayundin sa shooting ng pelikulang Four Sisters na pinagsasamahan naman nila nina Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Angel Locsin, Toni Gonzaga at Enchong Dee under Direk Cathy Garcia-Molina.

    Excited na rin si Sam sa pagsisimula ng kanyang teleserye lalo pa nga’t ang ganda ng feedback sa trailer nito na naka-upload sa Internet.

  17. #2257

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Jun Nardo

    Bela, happy for Daniel

    LUMALABAS na raw ang kakulitan ni Richard Gutierrez sa set ng Love & Lies ayon kay Bela Padilla.

    “’Di ba sa TV, masyado siyang serious? Quiet. Like tall and macho pero sa set, ang kulit-kulit na niya. Tinatanong ko siya, ‘Seryoso ka ba?’ Kasi ang kulit na, eh. Minsan, kailangan naming umiyak pero tumatawa siya.

    “Very kuwela siya at madali siyang kaeksena. Parang kung ano ang sinabi sa kanya ng director, ’yon naman ang gagawin niya. Hindi naman siya ’yung… Ini-expect ko before na baka marami siyang requests. Baka sabihin niya, ‘Hindi. Ganito ang gusto kong gawin.’ Hindi naman pala.

    “Kung ano ang sinabi, sinusunod niya. Kung meron lang mali. Kunwari, inconsistency lang. Parang, ‘Parang hindi ganito ang sasabihin ng character ko.’ Kasi soldier siya. Nakaka-amaze siya.

    “Saka grabe. Tinitingnan niya ’yung playback. Sige, okey. ‘Kung puwede, sabihin sa editing na putulin ito.’ Parang masyado siyang tutok sa mga eksena. Nagulat ako,” pahayag ni Bela sa taping ng L&L.

    May chance ba kung wala siyang boyfriend?

    “Ay, ’yung girlfriend niya, friend ko, eh, hahaha!” mabilis niyang tugon.

    Eh, kung wala siyang (Chard) girlfriend? Hindi man lang ba niya natipuhan si Chard?

    “Masyadong guwapo si Richard, baka ma-insecure ako, hahaha! Baka nakatingin ako sa kanya maghapon. Mas maganda pa ang mukha niya sa akin ’pag naging babae siya, hahaha! Parang hindi ko carry! Masakit sa ulo ’yon, hahaha!” rason pa ng aktres.

    Eh, ano naman ang masasabi niya sa pagsikat ng pinsan niyang si Daniel Padilla?

    “Magaling! But it’s not kasi na he’s not working hard for it. Whatever he is getting now, I think he deserves it. Hindi naman parang this year lang siya sumikat. Matagal-tagal na rin siyang naghihintay. So, it’s nice. Pana-panahon lang.

    “I think we’re all having fun right now. Me, Daniel and Kylie. Parang nahanap naming lahat ang character namin. Wala sa amin ang nagbabanggaan na nagkaparehas. Iba-iba kami ng personality,” katwiran ni Bela.

  18. #2258

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Eugene E. Asis

    BCWMH US TOUR A BIG SUCCESS

    GOOD friend, Zita Villareal-Clifton, who’s now based in Arcadia, California emailed us to tell how much she enjoyed the show featuring Be Careful with My Heart stars, Jodi Sta. Maria and Richard Yap.

    “I was screaming like crazy, like an ordinary fan,” Zita, a former show producer in Manila, wrote. “Lalo ko na-miss ang Philippines nang makita ko si Sir Chief.”

    The BCWMH US tour in Los Angeles was held at the historical Shrine Auditorium which saw a number of Filipino shows.

    Through Twitter, Yap wrote about the US tour: "This show has transcended all ages and genders. And I'm very thankful that they are (very loyal)."

    Sta. Maria added. "Personally I'd been receiving a lot of messages from our supporters na excited silang mag-perform kami dito,"

  19. #2259

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Eugene E. Asis

    Jodi confirms harassment on the Revillas

    MEANWHILE, Jodi Sta. Maria confirmed that even before the elections, the Revilla family where her boyfriend, Cavite Vice Governor-elect, Jolo Revilla, belongs, has been receiving harassment from some people.

    It is said that some members of the Philippine National Police have tried to enter the Revilla mansion in Imus, Cavite with a search warrant in connection with the election gun ban.

    Jodi, in her tweet, wonders: “Tapos na ang election. Bakit hanggang ngayon, meron pa rin (harassment)?” Jolo ran against Jay Lacson, son of former PNP chief, Sen. Panfilo Lacson, and the brother of Jodi’s ex-husband, Pampi Lacson.

    HOLLYWOOD STARS IN MANILA

    FANS are surprised and excited to see "Sex and the City" star Sarah Jessica Parker at a hotel in Makati. Parker is said to be in the country to grace the opening of the new SM Aura mall at the Bonifacio Global City.

    Hollywood actor Vin Diesel was also spotted in Taguig and Makati. Fans who’ve had the chance to meet him said the bald actor was so cordial. Vin is expected to attend premiere of his film "Fast and the Furious 6" at SM Mall of Asia.

    Vin was also romantically (?) linked to some Filipina actresses, including former sexy star, Andrea del Rosario.

    Vin didn’t deny it when entertainment columnist, Ricky Lo, interviewed him on the phone.

    PINOY FANS AMAZE JASON MRAZ AT SUCCESSFUL CONCERT

    AMERICAN singer-songwriter Jason Mraz and his band had a successful and rousing concert at Araneta Coliseum in Quezon City on Tuesday night.

    Mraz performed his hits "I'm Yours," "Plane," "Lucky," "Won’t Give Up," "Beautiful Mess," and "Gratitude" at the concert.

    The song, Lucky could have been meant for front act Zendee Rose who not only get a hug from Mraz himself and other members of the band but had a chance to do a duet with Mraz with the song.

    Mraz was so amazed at how Filipino fans accepted and sang with him during the show. In his song Gratitude, he even Tagalized the word singing Salamat, salamat.

    Before the concert, we saw Ateneo volley-belle Gretchen Ho with boyfriend, Robbie Domingo entering the venue. Inside, spotted were BIR Kim Henares, Eat Bulaga producer, Malou Choa-Fagar, Sarah Geronimo, Kaye Abad, yung actor Khalil Ramos and singer Guji Lorenzana, among others.

  20. #2260

    Published : Thursday, May 16, 2013
    Written by : Mario Bautista

    Regine has gripes against GMA7?

    REGINE Velasquez has been doing some emoting in social media. She won’t be specific, but it seems she has some gripes against GMA7 who she hints treats her just like any other “empleyado.” It seems like she is seriously thinking of leaving them. Maybe because her husband Ogie Alcasid is said to be moving to TV5 by the end of June?

    Someone told us “maraming sama ng loob si Regine sa GMA7,” like being given less to do in “Party Pilipinas” where younger performers are now given more preferential treatment to perform on camera. But in a gathering of some writers, no one can think of any “atraso” that GMA might have with her. As one newshen said: “They gave her hit soaps like ‘Kim Sam Soon’ and ‘Diva.’ When she decided to leave her soap, “I Heart U Pare”, after she got pregnant, sinuportahan din siya nang husto ng network. After she gave birth, binibigyan din siya ng show but she decided to take her time. Nu’ng ready na siya, she was taken back sa ‘Party Pilipinas’. Ayaw niya ng soap, so she was given two shows where she does hosting, ‘Hot TV’ and ‘Sarap Diva’. All her concerts, sinuportahan din ng GMA. So ano kaya ang reklamo niya as a Kapuso?”

    Maybe it’s about time Regine comes out in the open and reveal what her complaints are. We heard she’s also not happy that “Party Pilipinas” is being axed and will have its final show this coming Sunday, to be replaced by a new one.

    WANTED: ALTERNATIVE VIEWING

    ABOUT Sunday noontime musical variety shows, actually, you can only do so much for this kind of format. In the final analysis, it’s mainly song and dance numbers strung together. Whatever you call it, it’ll still be the same banana.

    The edge of ABS-CBN’s “ASAP” is that they just have more stars participating in their Sunday show than GMA7. In the end, it’s actually just a display of star power and, compared to the stables of GMA and, even more so, TV5, they simply have more stars “na tinitilian ng fans.” The only way for GMA7 to have a more watchable Sunday show is to have bigger and brighter stars that will attract more fans to follow them.

    Or maybe, they should not compete head on with ASAP but just pit a show against it that has a different format, something that will offer an unexpected alternative for Sunday showing. Look at what ABS accomplished with “Be Careful with My Heart” that they succeeded in making the number one daytime show these days. No wonder they keep on extending it and extending it...

    'PERA-PERA LANG 'YAN'

    ABOUT Regine's husband, Ogie Alcasid, he still won’t confirm that he’s moving to TV5. But someone very reliable told us that it’s already a done deal. They’re just waiting for Ogie’s contract with GMA7 to expire on June 30 before they make a formal announcement.

    Ogie got an offer he cannot refuse. GMA management no longer made a counter offer as it’s just too big. Ogie felt that even if he’d have five or ten more years in his showbiz career, he still won’t get that kind of income from GMA. So it’s really a matter of “pera-pera lang 'yan.” He’s just being practical. His first show will be a gag show similar to “Bubble Gang,” which means he’s definitely leaving this 15-year old gag show on GMA7. It’ll be recalled that before Ogie and Michael V moved to GMA, they were also doing a gag show on TV5, “Tropang Trumpo,” with Gelli de Belen and Carmina Villarroel. Carmina is now with ABS-CBN but Gelli is also back with TV5 so she and Ogie will topbill the new gag show.

    On the part of TV5, let’s hope they get their ROI (return on investment) from this latest acquisition. As we all know, they paid billions in signing up the likes of Aga Muhlach, Sharon Cuneta, Nora Aunor, Willie Revillame and other name stars, but they have yet to get the high ratings they aspire to achieve when they got these celebrities.

Page 113 of 256 FirstFirst ... 13 63 103 112 113 114 123 163 213 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

PBA:

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

San Mig Coffee cops Grand Slam crown after escaping Rain or Shine 92-89

read more
UAAP:

Who are the overrated and underrated players in UAAP basketball?

Who are the overrated and underrated players in UAAP basketball?

read more
SHOWBIZ:

Sarah Geronimo on relationship with Matteo Guidicelli: "It's time to decide na maging normal"

Sarah Geronimo on relationship with Matteo Guidicelli: "It's time to decide na maging normal"

read more
SPORTS

Germany massacres hosts Brazil 7-1, advances to FIFA World Cup Final

Germany massacres hosts Brazil 7-1, advances to FIFA World Cup Final

read more
TV:

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

Jane, Daniel, Cheridel up for eviction on PBB All In

read more
SPORTS:

PLDT crushes Cagayan Rising Suns in straight sets 25-23, 25-23, 25-21 in Shakey's V-League

PLDT crushes Cagayan Rising Suns in straight sets 25-23, 25-23, 25-21 in Shakey's V-League

read more