PEx Highlights

10 Things to Watch Out for in UAAP Volleyball

We list down 10 things to look forward to this season from the Miefer Fever to EJ Laure and Jaja Santiago's crucial role for their respective teams!

read more

The Best of 2014: PExers Choice Awards

Come one, come all! Voting for The Best of 2014: PExers Choice Awards has officially begun. Click here to cast a vote!

read more

PHOTOS: Fajardo Posts Career-High vs Kia

Junemar Fajardo posted a career-high 36 points and 17 rebounds to lead the charge for the Beermen against the lowly Kia Sorento, 90-74.

read more

REVIEW: The Hunger Games: Mockingjay - Part 1

It feels forced and stretched. But hey, it's still Mockingjay. Check out our full review here!

read more

PHOTOS: Barako Spoils Alaska

Denok Miranda (21pts) and the Barako Bull Energy played spoiler in a very impressive outing against top-seeded Alaska Aces, 85-78.

read more

FEATURE: BasketBros: PBA's Best Buddies

We take a look at twelve couples who have formed relationships like real life brothers. Meet our BasketBros!

read more

Page 16 of 25 FirstFirst ... 6 15 16 17 ... LastLast
Results 301 to 320 of 492
  1. #301
    may noontime show na pala ulet si kuya wel?

  2. #302
    Quote Originally Posted by JobyBryant24 View Post
    https://fbcdn-sphotos-a-a.akamaihd.net/hphotos-ak-prn1/544216_10151342896427677_1197228861_n.jpg

  3. #303
    Ang galing talagang kumanta ni Sheryn Regis. Guest na naman siya ni Kuya Wil sa Wowowillie ngayon. Ang kinanta niya ay Dito Ba? Ang taas ng boses niya. Bakit kaya hindi na siya nakikita sa kabilang channel?

  4. #304
    Wala pa si Mariel Rodriguez ngayon sa WOWOWILLIE.. Absent siya ngayon.

  5. #305
    Quote Originally Posted by geseptember View Post
    Wala pa si Mariel Rodriguez ngayon sa WOWOWILLIE.. Absent siya ngayon.
    nasa sabah ata or something, not really sure parang narinig ko lang para sa peace talks ba or something, baka sinama ni robin o kung ano man, paki clear na lang as I have said medyo narinig ko lang name nya sa news about sabah issue..

    at sabi nang kasama ko dito meron daw HIMALA na mangyayari sa wowowillie..hehehe

    so for sure kung ganon wala syang sinabi na ma BABA ang loob nya?..hahaha

  6. Mar 7, 2013, 05:10 PM

  7. #306
    Nakakatuwa si Ana Feliciano kanina sa WOWOWWILLIW, kumanta at sumayaw ng " Like a Virgin " tapos nagsi-alisan ang mga staff ng WOWOWILLIE

  8. #307
    Ipinagduldulang siya ang nagpapasu*weldo kina Ethel at Ate Gay, Willie Revillame harap-harapan ang panunumbat!
    ISYU AT BANAT Ni Ed de Leon (Pang-Masa) | Updated March 3, 2013 - 12:00am


    Okay naman ang sinasabi ni Willie Revillame na ang lahat ay ginagawa lamang nila sa kanilang show bilang katuwaan. Okay lang din ang sinabi niyang dahil siya ang main host at producer ng show, siya ang nag-iisip kung paano iyon mapapaganda at makapagbibigay kasiyahan sa publiko. Okay lang din ang sinabi niyang hindi naman dapat mapikon ang kahit na sino pero dapat hindi rin naman siya napipikon.

    Kung sabagay hindi naman namin napanood, may tumawag lang sa amin kaya tiningnan namin ang kapirasong video ng isang episode niya sa Internet. Hindi namin alam kung ano pa ang sinabi ni Willie bago ang napanood naming paglilintanya niya na siya ang main host, ang producer, at ang nagpapasuweldo sa lahat sa kanyang show kaya dapat siyang irespeto.

    Pero parang mali ’yung nagkasagutan sila sa loob ng dressing room ’tapos sabay pasok siya on the air at pinatigil sandali ang isa sa mga co-host. Doon ay nagsimula na si*yang maglitanya tungkol sa sinasabi niyang unprofessionalism nina Ethel Booba at Ate Gay. Isinumbat pa niyang bagsak na si Booba at tinutulungan lang niyang makaahon. Sinabi rin niyang binibigyan lang niya ng break si Ate Gay.

    When was it ever professional to wash your dirty linens in public? Kailan pa pinayagan na ang mga artista ng isang show ay kagalitan at sumbatan mismo ng kanilang producer sa ere? Iyon ba ang professional handling ng isang producer?

    Hindi kami sa kani-kanino, maaaring tama nga ang sinasabi niya, pero ang paraan ng pagkakasabi niya kasi na nag-announce siya sa mismong show na kinagalitan niya ang kanyang mga kasamahan, at ang justification niya na siya ang producer at siyang nagpapasuweldo sa lahat ng mga kasama niya, ang parang hindi maganda.

    Mabuti na lang at ang show na iyon ay nasa TV5, na kakaunti lamang ang nanonood. Kung nalagay iyon sa isang major network, ewan na lang kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao sa pangyayari.

  9. #308
    Willie Revillame, maraming galit sa panghihiya kina Ethel Booba at Ate Gay!
    Monday, March 4, 2013


    Talagang palpak na naman ang pinaggagawang kabaliwan ni Willie Revillame nu’ng nakaraang linggo. Hindi ko kasi napanood, nakita ko na lang sa FB ang video na pinag-piyestahan na naman ng mga talagang naasar na rito kay Willie sa sobrang kayabangan.

    Ito ang mga reaksyon ng mga nakapanood nu’ng pinagtatalakan niya sina Ethel Booba at Ate Gay.

    According kay Ogie Diaz, kasamahan kong kolumnista dito sa Pinoy Parazzi: Kaloka ‘to! Sana offcam at hindi on national TV. Nainsulto kasi si Willie, kaya ang bawi niya, intindihin siya on the air talaga! Ang audience naman nagpapalakpakan pa! Kaya feeling tuloy ni Willie, tama lang ang talak na ginawa niya kina Ethel Booba at Ate Gay. Saka please, tama na ang panunumbat on air. Masakit sa tenga. Kahit ang mga co-host mo, matatakot na sa ‘yo, Willie Boy. Kung inaakala nilang tama ‘yung ginagawa nila, mali pala sa ‘yo, kaya may talak sila on the air. Saka totohanin mo sana ‘yung sinasabi mo na publiko ang pinapasaya mo. Lumalabas, ikaw dapat ang pini-please ng tao. Hindi mabibili ng yaman ang pag-uugali ng isang tao. ‘Wag masyadong mataas ang tingin sa sarili. ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility.

    Grace Ang: Affected ang mama ko d’yan….he likes Willie so much… kagabi nakuwento sa akin, hanggang kaninang umaga… nalulungkot si Mama sa ginawa niya hindi dapat ginawa ‘yun on national TV.

    Lester Villarama: Hambog at bastos ‘yang si Willie.

    Cherry Espinosa: Laki kasi ng believe ni Willie sa sarili niya. Bakit kaya may tumatangkilik pa rin sa kanya, kung makapanumbat, wagas.

    Hendrick Vak Oliva: WTF! For sure, Cristy Fermin is there na naman to rescue Willie Senseless lang and lass.

    Rtan Enguera: Hindi naman tama ang gawin niya ang ganito, porke ba siya ang nagpapasuweldo sa tao, basta na lang niya hihiyain. Ay, kung makaasta siya, ‘kala niya nabili na niya sina Ethel at Ate Gay.

    Eduardo Paez: ‘Yung sakto lang dapat na may kasamang humility’ FTW.

    Mharjhurde Javier: Kusayon mo buhay mo Willie, gawin mo ang tunay na tama, makakabangon ka pa hindi batayan ang dinudumog ka ng tao, tandaan mo nanjan sila kasi kailangan nila ng pera. Pera ang habol nila sayo hindi ang show mo!

    Dante C. Domingo: Your money can’t buy u a real love and respect! Not all about money, learn to make kapwa tao!!!!

    Aida Garcia Abanolla: Sobra ang yabang niya lalo na siguro kung mataas ang rating mg show n’ya, ‘di ba? Talagang ganyan kasi pikon siya, kaya ‘di niya alam na nakakasakit siya.

    Angelino Nico Perez Valbuena: Sobra na kasi ang taas ng tingin sa sarili, tsk, tsk. Respect is earn.

    Jane Lim Dizon: Dapat kainin ni Willie ang sinabi niya, kasi ganyan ang ginawa niya sa ABS-CBN dati. Sobrang yabang na talaga, masyadong mataas ang lipad.

    Morpheus Kei Sanvictores: No wonder kung ‘di naman magtatagal ang show n’ya. Boss daw siya pero astang bosabos kawawawillie.

    Jay Enriqiez: ‘Pag nagpapasuweldo siya, p’wede na niya yurakan ang pagkatao ng mga empleyado niya. Well, well, p’wede naman magalit, pero ‘wag naman in public on TV. Kakaloka ang dami na pala talagang galit sa kanya, tsk tsk…

    Snooky Serna: Ganyan naman talaga ‘yang si Willie laging on the air, kahit si Anna (Feliciano), ilang beses na niyang pinahihiya, pati ang pagbigay ng pera sa pagpapalaki ng boobs eh, broadcast pa. Kaya mag-ingat-ingat ‘pag humingi kayo ng tulong. Lahat ng staff niya kapit sa patalim sa hirap ng buhay.

    Jojo Franco: Kabaliwan na naman ni Willie ‘yan, walang alam sa broadcast hindi naman naka on-the-air na sinigawan siya ni Ethel at Ate Gay, dapat kinausap na lang niya nang off-the-air, siya naman ang boss. Kung ayaw niya sa tao niya, ‘di tanggalin niya. Hindi ‘yung pinapahiya pa niya sa public. Kaloka ka, Willie, little knowlege is dangerous…

  10. #309



    Kita sa commercial sa TV host lang napupunta TV 5 wala pa ring kita sa show ni Willie Revillame
    Ni Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated March 7, 2013

    Hindi pa rin pala kumikita ang TV5 sa programa ni Willie Revillame na WowoWillie.

    Banggit ng isang insider ng TV5, kung meron man daw commercial ang nasabing programa hindi sa bulsa ng Kapatid Network napupunta kundi sa mismong producer na si Revillame nga.

    Kaya nga raw hindi pa rin kuntento ang TV5 sa nangyayari dahil ang gusto nga nila ay kumita ito ng malaki para nga makabawi sila sa naunang lugi.

    Samantala, imbes na makuha ang simpatya ng tao, parang nag-boomerang kay Revillame ang ginawa niyang panunumbat at pagkastigo kina Ethel Booba at Ate Gay sa ere.

    Dapat daw ay nagpapaka-humble ang TV host dahil nanggaling din naman siya sa wala. At ganito rin naman daw ginawa niya sa ABS-CBN noon na nagbigay sa kanya ng maraming kayamanan, pero anong iginanti niya hindi lang niya sinigaw-sigawan sinira-siraan pa.

    “Sana naalala niya ang ginawa niya noon bago siya nagsalita ng mga panunumbat kila Ethel,” sabi ng isang insider ng TV5.

    Meaning hindi rin pabor ang mga taga-TV5 sa ginawa ng TV host? “Hindi. ‘Yun lang mga ‘alipin’ niya ang natutuwa, pero karamihan hindi,” dagdag ng insider.


    http://www.philstar.com/psn-showbiz/...a-ring-kita-sa

  11. #310
    Fantards Sucks! Kapitan_Tutan69's Avatar
    Join Date
    Feb 2012
    Location
    WaiKIKIKIKI Beach
    @TFCWorldwide

    Aanhin Mo Ang Ratings, Kung Wala Naman Big Time
    Na Sponsors-Willie Revillame

  12. #311
    Quote Originally Posted by Kapitan_Tutan69 View Post
    @TFCWorldwide

    Aanhin Mo Ang Ratings, Kung Wala Naman Big Time
    Na Sponsors-Willie Revillame




    Kung hindi pa mag-"buy one take FIVE" promo, lubog na lubog total ads ng TV5.

    A broadcast industry source told the Inquirer separately that TV5 has so far experienced a 53-percent increase in airtime minutes for the first nine months of 2012, but noted that the growth was not matched by a corresponding increase in revenues.

    “It appears like [they’ve implemented] a ‘buy one, take five free spots’ scheme,” the source said.

    The same source noted that TV5’s flagship program, the Wiltime Bigtime game show that airs during the evening primetime slot of 6 p.m. to 10:30 p.m. registered a 1-percent decline in ad airtime minutes for the first nine months of 2012, making TV5 the only station among the so-called “Big Three” to suffer a decline in this time slot during the period.

    source: Inquirer


  13. #312
    ang hirap talaga kumita nang pera ngayon, kasi kung galit lang ke willie ang tsaga..hahahahaha

    well at least di pa naman its tsugitime si willie, at parang mas nag enjoy naman mom ko sa mini concert nila, sabi nga ni willie meron himalang mangyayari, sa kwento sa akin dito sa bahay, ano kaya yung himala na iyon...hehehe

    pero buti na lang hindi sya ma baba ang loob, kasi baka mas bumaba ang show ni willie..hehe

    isa pa nga palang pwedeng kasabihan, aanhin mo ang rating kung lagi ka naman its tsugitime..hahahaha

  14. #313
    Sissie DaToic starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    Not today, Satan!
    Just so you know, ad bundling is practiced in EVERY TV station in the Philippines.

  15. #314
    Grabe, nagulat din ako. Hindi kasi ako tutok so Wowowillie na yan. Actually dati ko pa napapansin yang si Willie. Akala ko nga ako lang nakakapansin. Madalas nya ngang ipahiya yung mga co-hosts at contestants nila. Bulong ko nga sa sarili ko: "grabe naman si willie, kailangan pa ba nyang sabihin/sitahin yun?". Tapos eto na... Kay Ethel Booba at Ate Gay naman. May mga sinabi si Willie na tama naman talaga. Pero yung sinabi nyang sya ang producer at sya ang nagpapasweldo, tapos on National TV pa, (TFC pa pala), eh maling-mali. Sana kinausap nya na lang yung dalawa na sila-sila lang. Hindi yung nakikita at naririnig pa halos ng buong mundo yung pagiging "egotistical" nya. Kawawa naman yung dalawa. What a shame!!!

  16. #315
    Kawawang show baka mag 3 percent nlng ang rating nito at mukhang madami ang magpu pull out na mga ads lalo dahil sa kasamaan ng ugali...Si Master Showman na yata ang ka rival ni Wel ngayon kasi lampasong lampaso na sya ng IS at EB sa ratings

  17. #316
    Quote Originally Posted by starczamora View Post
    Just so you know, ad bundling is practiced in EVERY TV station in the Philippines.
    Bundle only happens when the shows are too early or way too late or if it's not on a primetime block. But in the case of Wiltime and even wowowillie - since this is the flagship program of the station therefore, expected that there'll be NO bundles whatsoever that ever to happen, in fact, there should be increase instead in the ad rates of the show- esp. if there's a great demand on the program, which did not happen in Wel's show.

  18. #317
    Quote Originally Posted by TFCworldwide View Post
    napakaganda talaga ng asal ugali ni willi revillame. ang linis. taas ng tingin sa sarili.


    [video=youtube;WSnqY3E1U-I]http://www.youtube.com/watch?v=WSnqY3E1U-I
    What goes around comes around, hindi ba ganyan din ang ginawa mo sa ABS, sila ang nagpakain at nag angat sa iyon ano ang ginawa mo, walang utang na loob. Hindi ba masakit? ang ugali mo ay siyang magpapabagsak sa iyon wag kang mangmaliit ng tao hindi komot mayaman kana eh kaya mo ng lumapat ng isang naghahanap buhay, babagsak ka rin tandaan mo iyan!!!

  19. #318
    Nakakamiss ang mga pagpapatawa nina Ate Gay at Ethel Booba sa WOWOWILLIE, lagi ko pa naman silang inaabangan sa mini konsyerto. Sana patawarin na sila at pabalikin ni Kuya Wil

  20. #319
    nakaka miss naman si ethel at ate gay!

    boycott kami sa wowowillie sa flat eh, we watch it kahit na DABARKADS kami dahil lang sa dalawa.

    there is something wrong with willie's show. pansin ko lang, sigaw siya ng sigaw mag host. hindi naman natural iyon. parang may mali agad. parang laging may tension. kaya paiba iba siya ng title eh.

    hanggang kailan kaya ang wowowillie.

    too bad! maraming taong ayaw siya pero nanood because of ethel and ate gay! pero nawala nang tuluyan at nadagdagan pa ang nainis sa kanya!

    si ethel daw iyong binigyan niya ng chance. pero sa totoo lang, si willie ata iyong ilang ulit binigyan ng chance ng mga tao pero parang ganon pa rin.

    sana lumipat na lang sa GMA or abs si ethel, sayang iyong talent niya, halatang nag se seryoso na sya eh, k u p a l lang talaga itong si wil!

  21. #320
    sana nga nagbago na yang si ethel at focus na talaga sa work niya, kasi huling kita ko nyan na nagguest sa showtime e parang lasing pa at wala sa sarili..........

Page 16 of 25 FirstFirst ... 6 15 16 17 ... LastLast

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

NMFtv:

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

Chieffy Caligdong reveals the real reason why he retired from the Philippine Azkals

read more
SHOWBIZ:

What are your thoughts on ABS-CBN's Christmas Station ID?

What are your thoughts on ABS-CBN's Christmas Station ID?

read more
TV:

Join the discussion thread of The Voice PH!

Join the discussion thread of The Voice PH!

read more
PBA:

'Kraken' Junemar Fajardo posts career-high in blowout vs Kia, 90-74.

'Kraken' Junemar Fajardo posts career-high in blowout vs Kia, 90-74.

read more
COMMUNITY:

Come one, come all! Voting for The Best of 2014: PExers Choice Awards has officially begun!

Come one, come all! Voting for The Best of 2014: PExers Choice Awards has officially begun!

read more
SPORTS:

Bookmark this thread for blow-by-blow updates on Pacquiao-Algieri!

Bookmark this thread for blow-by-blow updates on Pacquiao-Algieri!

read more