PEx Highlights

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

PHOTOS: NU Hands Ateneo its First Loss

The NU Bulldogs relied on Troy Rosario and Rev Diputado to give Ateneo its first loss of the season, 64-60

read more

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

Results 1 to 20 of 20
  1. #1
    Please do not use prohibited words in your user title to avoid sanctions. razzer_rising's Avatar
    Join Date
    Jan 2009
    Location
    Justice4PGMA

    Gotong Laguna/Batangas

    Have you tasted one? Normally for those who live in Manila and maybe bulacan areas, goto refers to lugaw with lamang loob. I just went to Laguna last week and we ordered one and I was surprised na their goto is like papaitan and it tastes like one. Yup no rice or lugaw at all, just plain lamang loob in thick oily soup. The manang said na ganun daw talaga ang goto sa laguna and batangas. It tasted good naman, lasa ngang papaitan. Pero I think hindi sya like goto sa atin na you can eat on its own but more on ulam sya or pulutan.

  2. #2
    Parang menudo counterpartng mexicans.. I mean they call that dish (tripe with soup) menudo

    Anyway

    I would love to try it!!!! Hahahay..maybe sa january

  3. #3
    i have tried! the one from batangas. masarap and malalaki yung pieces.

    kaso nga lang it's like heart attack in a bowl.

  4. #4
    panalo 'to. parang papaitan with tripe, cartilage etc.

    i ate this almost everyday sa caf sa dati kong work. saan kaya pwede maorder ito ulit? within manila

  5. #5
    Parang ganito rin 'yung goto namin sa Pangasinan. I can't say though that ours tastes like pinapaitan because it doesn't have a bitter nor sour taste in it. More like bulalo-style ang version ng gotong kinalakhan ko, with large slices of tripe (we call it tuwalya), intestines, etc.

    Nagulat nga ako nung una kong nalamang ang goto pala rito sa Maynila ay parang arroz caldo.

  6. #6
    Being from Lipa, I've been eating this since I was a kid. Tanda ko nung binata pa ako hinihintay namin magbabarkada mag 5AM para lang makapag-goto.

    It's usually served with rice. Tapos sawsawan na calamansi, sili, sibuyas at patis. Kapag maaga ka pumunta, may utak pa. Mabilis maubos yung utak.

    Pwede din humingi ng extra sabaw.

    If ever you're in Lipa, sa Gotohan sa Barangay kayo kumain. Yun ang the best dito sa Lipa.

    By the way, I didn't know na ganun din pala goto sa Laguna. Lasang papaitan ba talaga yung sa Laguna? Dito sa Batangas, hindi naman. Parehas ng kulay, pero hindi ka-lasa.

  7. #7
    Hindi dapat mapait ang Gotong Batangas, dapat yan eh medyo may pagka-Bulalo ang lasa.

    Quote Originally Posted by MakaveliLives View Post

    Hindi na ganun kasarap ang Goto sa Gotohan sa Barangay, kahit yung Bitukang Mura nila di na ganun ka presentable kumpara nung parang barong-barong lang yung pwesto nila. Medyo matigas na yung laman at palaging walang mga sahog kaya wala kang gaanong maoorder sa menu nila. Medyo overrated na din ang Goto sa Gotohan sa Barangay. Try niyo dun sa Japong's sa may Tambo pagkalabas na pagkalabas ng STAR Tollway.

  8. #8
    Saan makakabili ng authentic gotong Batangas dito sa Manila?

  9. #9
    Quote Originally Posted by soontobedaddy View Post

    Kabayan!

    Actually, matagal nako hindi nakakakain sa Barangay. Siguro more than a year na. Ni-recommend ko lang kase siya talaga yung kilala pag goto. Parang institution na. Hindi ko alam na hindi na pala ganun kasarap.

    Parang pag lomi ang hanap, 3 Kids ang usually ni-re-recommend, maski madami mas masarap na lomihan like Benok's or Renfel.

    Funny, pero Japong's na nga ako kumakain ngayon. Hassle lang ang hirap ng parking kung minsan. Pero panalo nga ang goto dun. Pati nga mga silog dun masasarap din eh. Natikman mo na ba lomi dun? Masarap din ba?

  10. #10
    Quote Originally Posted by silverwhiz View Post
    Saan makakabili ng authentic gotong Batangas dito sa Manila?
    Tingin ko wala, depende na lang kung may dumayo dito sa Manila na galing ng Batangas na masarap magluto ng Goto. Tapos syempre, may kinalaman din sa lasa yung pagkasariwa ng baka. Ang alam ko eh yung mga gumagawa ng Goto sa Batangas eh pumupunta na ng palengke ng mga 2AM para lang abutan yung mga kailangan nilang parte ng baka pagkatapos katayin.

    Quote Originally Posted by MakaveliLives View Post
    Kabayan!

    Actually, matagal nako hindi nakakakain sa Barangay. Siguro more than a year na. Ni-recommend ko lang kase siya talaga yung kilala pag goto. Parang institution na. Hindi ko alam na hindi na pala ganun kasarap.

    Parang pag lomi ang hanap, 3 Kids ang usually ni-re-recommend, maski madami mas masarap na lomihan like Benok's or Renfel.

    Funny, pero Japong's na nga ako kumakain ngayon. Hassle lang ang hirap ng parking kung minsan. Pero panalo nga ang goto dun. Pati nga mga silog dun masasarap din eh. Natikman mo na ba lomi dun? Masarap din ba?
    Ano ga? Hehe! Mahirap nga ang parking doon. Sakto lang yung Lomi nila, kung Lomi din lang ang hanap mo o kaya Guisado eh dun ka sa may palengke sa bayan pumunta dun sa Lipa City Panciteria, masarap dun lalo na yung kikiam. Pero kung di ka naman maselan kung gusto mo makatikim ng masarap na pansit eh meron maliit na pansitan sa likod ng South Supermarket sa may Amapola, yung Pansitan ni Ineng, sarap ng pansit dun may chicharon pang kasama tapos yung pinaka kaldo eh hinahaluan ng utak ng baka.

  11. #11
    yes we did. lagi coz we go to resorts in Laguna and Batangas. so we stop over some local restos and we tried it.

    similar to Davao's balbakwa.

    walang kanin. masarap.

    pero sorry ha, pang paminsan minsan lang sya, for health reasons,

    masyadong malaman ang goto nila.

    I still prefer the Bulacan goto (healthwise).

  12. #12
    Quote Originally Posted by soontobedaddy View Post
    Tingin ko wala, depende na lang kung may dumayo dito sa Manila na galing ng Batangas na masarap magluto ng Goto. Tapos syempre, may kinalaman din sa lasa yung pagkasariwa ng baka. Ang alam ko eh yung mga gumagawa ng Goto sa Batangas eh pumupunta na ng palengke ng mga 2AM para lang abutan yung mga kailangan nilang parte ng baka pagkatapos katayin.

    Ano ga? Hehe! Mahirap nga ang parking doon. Sakto lang yung Lomi nila, kung Lomi din lang ang hanap mo o kaya Guisado eh dun ka sa may palengke sa bayan pumunta dun sa Lipa City Panciteria, masarap dun lalo na yung kikiam. Pero kung di ka naman maselan kung gusto mo makatikim ng masarap na pansit eh meron maliit na pansitan sa likod ng South Supermarket sa may Amapola, yung Pansitan ni Ineng, sarap ng pansit dun may chicharon pang kasama tapos yung pinaka kaldo eh hinahaluan ng utak ng baka.
    Kapag nagagawi ako sa Amapola eh sa Benok's ako pumupunta dahil nung lechon tamis anghang chami nila. Masampolan nga yang Pansitan ni Ineng.

    Hindi ko pa nasusubukan uli yung Lipa City Panciteria. Diga yan daw ang pinaka-original at yung may-ari niyan dati ang nagturo sa mga taga-Lipa kung paano magluto ng lomi?

    Oo tama na nasa palengke na ang mga mag-go-goto ng 2am. Kelangan talaga fresh. At matagal na pakuluan yan.

    Langya ka natakam tuloy uli ako sa Japongs. Lagi ko order dun eh tosilog saka goto na may utak plus extra rice. Busog na busog na hanggang hapunan. Haha!

  13. #13
    bagong buhay ka_deniz's Avatar
    Join Date
    Aug 2008
    Location
    sa piling ng mahal
    agree ako dyan sa japongs. kahit yung mga anak ko, patay na patay dyan. kapag nadadaan kami ng batangas, dapat kumain dyan.

    may nakaka alala pa ba sa inyo sa pansitan ni tikyano? saan nga ba ito? directions naman.

  14. #14
    gotong batangas at jeany's eatery along president avenue in bf homes paranaque. they're pretty good.

  15. #15
    Quote Originally Posted by nikkilove View Post
    yes we did. lagi coz we go to resorts in Laguna and Batangas. so we stop over some local restos and we tried it.

    similar to Davao's balbakwa.

    walang kanin. masarap.

    pero sorry ha, pang paminsan minsan lang sya, for health reasons,

    masyadong malaman ang goto nila.

    I still prefer the Bulacan goto (healthwise).
    Masustansya nga ang Gotong Batangas hehe.

    Quote Originally Posted by MakaveliLives View Post
    Kapag nagagawi ako sa Amapola eh sa Benok's ako pumupunta dahil nung lechon tamis anghang chami nila. Masampolan nga yang Pansitan ni Ineng.

    Hindi ko pa nasusubukan uli yung Lipa City Panciteria. Diga yan daw ang pinaka-original at yung may-ari niyan dati ang nagturo sa mga taga-Lipa kung paano magluto ng lomi?

    Oo tama na nasa palengke na ang mga mag-go-goto ng 2am. Kelangan talaga fresh. At matagal na pakuluan yan.

    Langya ka natakam tuloy uli ako sa Japongs. Lagi ko order dun eh tosilog saka goto na may utak plus extra rice. Busog na busog na hanggang hapunan. Haha!
    Naku kapag natikman mo yung Guisado dun kay Ineng, sigurado akong uulit-ulitin mo kasi sobrang malinamnam at malasa kasi nga may utak ng baka. Tapos yung chicharon na nilalagay nila eh sila yung gumagawa. Yung sa Lipa City Panciteria nga ang pinakaoriginal, ang pagkasarap pa ng kikiam doon.

    Masarap talaga ang Gotong Batangas pag may utak, minsan try mo din yung may mata ng baka masarap din yun. Masarap talaga sa Japong's kaso wala silang Bat and Balls, di ko lang alam kung meron na ngayon kasi matagal na akong di nakakakain dun.

    Quote Originally Posted by ka_deniz View Post
    agree ako dyan sa japongs. kahit yung mga anak ko, patay na patay dyan. kapag nadadaan kami ng batangas, dapat kumain dyan.

    may nakaka alala pa ba sa inyo sa pansitan ni tikyano? saan nga ba ito? directions naman.
    Ngayon ko lang narinig yang Pansitan ni Tikyano, sa Lipa ba yan o sa Batangas City? Baka mas kilala siya sa ibang pangalan. Anong masarap na luto ng pansit dun?

  16. Advertisement

  17. #16
    bagong buhay ka_deniz's Avatar
    Join Date
    Aug 2008
    Location
    sa piling ng mahal
    sa batangas cityto. pansit lang, pero kulay pula. parang nilagyan ng ketsup.

  18. #17
    ka_deniz,

    bat naman nandito ka na lang sa goto thread.

    I miss your posts there in LAFI, I learned a lot from them.

    Remember the biggest regret you'd make in your life are not the mistakes or failures you made, but the right things that you should have done but did not do so.

    Like me, naipasa ang RH bill, I feel so accomplished (nag claim ),

    pero syempre I did my part in campaigning for the bill,

    so I celebrated, and drank some Sparkle by Welch.

  19. #18
    bagong buhay ka_deniz's Avatar
    Join Date
    Aug 2008
    Location
    sa piling ng mahal
    waste of time ang lafi. madami dun bayaran. barkada ko yung mga bosses nila so alam ko kung saan office sila. puro press release ang debate dun.

    and passion ko talaga ang food.

  20. #19
    I've heard about Pansit Tikyano sa officemate ko. Hindi ko pa din na-t-try yun.

    Hassle yung huli ko punta sa Japong's wala pa goto. 7AM pa daw. Diyan sila masisira. Dapat latest 6am meron na goto.

    Sige nasa Manila lang ako ngayon subukan ko yung kay Ineng's.

  21. #20
    Quote Originally Posted by ka_deniz View Post
    sa batangas cityto. pansit lang, pero kulay pula. parang nilagyan ng ketsup.
    Ahhh... Parang narinig ko na yan sa tito ko, tatanungin ko nga pag nagkausap kami.

    Quote Originally Posted by MakaveliLives View Post
    I've heard about Pansit Tikyano sa officemate ko. Hindi ko pa din na-t-try yun.

    Hassle yung huli ko punta sa Japong's wala pa goto. 7AM pa daw. Diyan sila masisira. Dapat latest 6am meron na goto.

    Sige nasa Manila lang ako ngayon subukan ko yung kay Ineng's.
    Natanong mo ba kung ubos na o hindi pa talaga nagluluto? Baka naman nagkaubusan hehehe.

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Food & Drinks - Spotted

Sub title

Spotted - Lobster Tempura and Fried California Roll
Lobster Tempura and Fried California Roll by Jade_Roswell view more

Spotted - D' Original Maki House
D' Original Maki House by jssica_wabbit view more

Spotted - Phat Wong Asian Cafe
Phat Wong Asian Cafe by beh0320 view more

Spotted - Hermanos Taco Shop
Hermanos Taco Shop by michymichymoo view more

Spotted - Cafe Publico
Cafe Publico by sumirehana013 view more

Advertisement