Abante, Jan. 24, 2013
Isabel Oli at John Prats, naglalambingan sa ‘Instagram’
ni Rose Garcia
Two weeks ago lang nang makausap namin si Isabel Oli at ‘yun ang week na fasting sa church.
Sinabi niya nang tanungin daw siya kung ano ang mga gusto niyang ipag-fast o prayer request, isa sa nasa list niya ay sana raw magka-dyowa na siya.
Kuwento ni Isabel, mahigit isang taon na raw siyang walang karelasyon.
Natatawa nga ito nang nagkukuwento dahil natatawa raw ang mga sinabihan at sinigurado pa kung totoo raw na prayer request nga niya.
Pero mukhang mabilis nga ang sagot sa prayer request ni Isabel. Nakikita namin sa Instagram account ni Isabel ang mga palitan nila ng messages ng Kapamilya star na si John Prats.
Pati mga kaibigan nila ay tinutukso rin sila. Si John ay madalas din ang comments kay Isabel at ilang posting nila mapa-picture o quote man ito ay parang direktang para sa isa’t isa.
Bukod sa unang picture na pinost ni John na magkasama sila at may caption na nakaka-miss daw si Isabel, may picture rin kailan lang na magkasama sila with their friends.
Ilang comments naman ng mga followers nila ang nabasa namin at may ilan dito na nagsasabi agad na bagay raw sila. May iba naman na nag-warning kay Isabel dahil diumano ay may “playboy image” raw si John.
At meron ding nagsabi na, ex na naman daw ni Gab. Si Gab ay si Gabriel Valenciano. Naging girlfriend ni Gab si Rachelle Ann Go na naging girlfriend din ni John.
Si Isabel, kung hindi kami nagkakamali, si Gab ang huling nakarelasyon. Sinubukan naming hingan ng sagot si Isabel sa mga palitan nila ng messages ni John sa Instagram nila kung ito na ba ang answered prayer niya.
Matipid lang ang naging sagot niya ng, “Ha! Ha! Friend lang,” na may kasamang smiley face.
Pero biniro namin itong sabeee nga? Saka sumagot nang, “Oo. Seryoso.”
Well, let’s wait and see at mukhang kung anuman ang friendship na meron sila ngayon ay nagsisimula pa lang talaga.









Reply With Quote



Kung anu-ano na ang nagawa ko kapag commercial gap. 


kasi gustong-gusto ko yung role nila ni tita Glo ngayon - yung matalino, palaban, mataray.














