PEx Highlights

PHOTOS: FEU Tamaraws Claim Top Seed

Mike Tolomia's late-game heroics helped FEU get sole possession of the number 1 seed, after a 74-70 victory over La Salle.

read more

PHOTOS: Daquis Bags V-League MVP Plum

Wonder who won the other awards? Check out the Shakey's V-League Awarding gallery here!

read more

FIBA FEATURE: Do We Stand a Chance?

Do we really have a shot to make it through? JPM weighs in on the the odds of Gilas Pilipinas in the FIBA World Cup.

read more

Follow @pinoyexchange on Twitter!

Catch our latest updates on Twitter! Follow us, @pinoyexchange

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 7

With wins over UST and DLSU, the past week in UAAP can be summed up in three letters: FEU. Check out this week's power rankings here!

read more

MOVIE REVIEW: The Giver

Very promising, but tries too hard to fit in the mold of the Hunger Games/Divergent series.

read more

Page 106 of 251 FirstFirst ... 6 56 96 105 106 107 116 156 206 ... LastLast
Results 2,101 to 2,120 of 5018
  1. #2101
    biboy_j_arboleda ‏@BiboyJArboleda

    I am so Happy for Judy Ann Santos! congrats Anak! at Salamat Panginoong Diyos!!! @ Manila Seedlings Bank

  2. #2102
    Quote Originally Posted by Trisha_me View Post
    DZRH News ‏@dzrhnews

    FLASH REPORT: ACTRESS JUDY ANN SANTOS ACQUITTED SA KASONG TAX EVASION. (EXCLUSIVE REPORT FROM RH 5 VAL GONZALES)
    congrats judai sa wakas natapos na rin hindi ka talaga pinabayaan ni god kasi mabait ka i proud to be judianian.......yahooo....party....party...

  3. #2103
    Ralph Mercado ‏@RalphVMercado

    Praise God!!! Indeed, You are fair and true to your promises!!! Congrats, Madam Judai!!! Thank you for praying with us friends! #GlorytoGod

  4. #2104
    Quote Originally Posted by otokomae56 View Post
    congrats judai sa wakas natapos na rin hindi ka talaga pinabayaan ni god kasi mabait ka i proud to be judianian.......yahooo....party....party...
    party party inuman na hahahaha yahoooooooooooooooooooooo

  5. #2105
    Quote Originally Posted by Trisha_me View Post
    Anthony Cinco ‏@itsmethonyc

    UNDO Update

    Audition for Undo Project " Judy Ann Santos & John Lloyd Cruz Film.

    We are looking for Male and Female age 18-21yo, Who look younger of thier age. The role will be young Judy Ann Santos and John Lloyd Cruz so auditionees should have resemblance to the artists. They should be willing to do intimate scenes in the movie.

    Audition will be on January 12, Sat 1pm-8pm

    email ur pix for initial screening: peregrinemodels@gmail.com
    or txt for more details 09273749484
    Mukhang tuloy na tuloy na pala

  6. #2106

    The Stork Studio
    Grab your copy of the newly relaunched BABY MAGAZINE with Judy Ann Santos-Agoncillo on stands now and see my latest photos in the fashion spread

    Bili Bili na kayo diyan

  7. #2107
    Quote Originally Posted by L0rd_xer0 View Post
    Juday MMFF History (2 weeks gross)

    1. Esperanza the Movie – 16.74 million (1999, rank #5)
    2. Mano Po II – 47 million (2003, rank #5)
    3. Aishite Imasu – 14 million (2004, rank #8)
    4. KKK - 140 million (2006, rank #1)
    5. SSS - 122.8 million (2007, rank #1)
    6. My Househusband - 62.07 (2011, rank #4)
    7. Si Agimat,Si Enteng at Si Ako - 133.5 million (2012, rank #3)

    *****
    nagsesave kasi ako ng mga kita MMFF since 1999 e.. hehehe.. ayan ang ranking ni juday
    Showing pa kaya

  8. #2108
    Quote Originally Posted by Trisha_me View Post
    DZRH News ‏@dzrhnews

    FLASH REPORT: ACTRESS JUDY ANN SANTOS ACQUITTED SA KASONG TAX EVASION. (EXCLUSIVE REPORT FROM RH 5 VAL GONZALES)
    Early birthday gift na ito para kay Judai

  9. #2109
    Wow! That's the best news ever. Nag-worry ako sa magiging decision ng court noong meron blind item.

    At kilala ko ang isa mga nag-tweet. Wahaha!

  10. #2110
    Isa ba siya sa mga lawyers ni Judai?

  11. #2111
    Mukhang galing sa pag-iyak nga si Judai. Ilang taon din niyang dinala ang problemang 'yan.

  12. #2112
    Quote Originally Posted by crystalblast View Post
    Early birthday gift na ito para kay Judai
    korek ang saya ng pasok ng 2013 hehehe

  13. #2113
    PART 1 of 3...

    PEPTalk. Judy Ann Santos on playing kontrabida roles: "Maliban sa pagpapaiyak, kaya mo rin naman magpa-iyak, so tatrabahuhin natin 'yang part na 'yan."

    Nikko Tuazon
    Friday, December 28, 2012 @ 10:24PM | 42587 views


    Bumisita si Young Superstar Judy Ann Santos sa Philippine Entertainment Portal para sa pinakabagong episode ng PEPTalk. Aminadong kinabahan ang aming mga section editors na sina Demai Granali at Monching Jaramillo bago magsimula ang kanilang interview kay Juday.
    Photo: Nerisa Almo


    Isang espesyal na bisita ang aming makakasama ngayon holiday season dito sa PEPtalk at iyan ay walang iba kundi si Judy Ann Santos Agoncillo.

    Pinaunlakan ni Juday ang imbitasyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para sa isang eksklusibong interview, na ginanap noong December 22 sa A Taste of L.A. Restaurant sa Quezon City.

    Hindi rin naiwasan kabahan ang aming section editors na sina Demai Granali at Monching Jaramillo nang magsimula ang kanilang interview sa tinaguriang Young Superstar of Showbiz.

    Sa unang bahagi ng aming panayam kay Juday, napag-usapan ang Metro Manila Film Fest entry nito kung saan kasama niya sina Senator Bong Revilla at Bossing Vic Sotto: ang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako.

    Napag-usapan din ang kanyang career at kung may gusto pa ba siyang ma-achieve bilang isang aktress. Ngunit bago dumako diyan ang usapan, narito ang aming panayam:

    Demai: “Welcome to PEPtalk!”

    Juday: “Thank you! Bagong bago ‘to, naninibago ako na may ganito ang PEP.”

    Monching: “Oo, at maraming salamat dahil pinagbigyan mo kami.”

    Juday: “You’re very much welcome! PEP pa.”

    Monching: “Ano ang secret ng iyong kagandahan at parang mas gumaganda ka yata every time na nakikita kita.”

    Juday: “Nakakaloka naman 'yan. Wala, wala akong masabing secret. Parang feeling ko, basta happy ka inside-out, it will show, e.

    “Kung gaano ka ka-komportable sa buhay mo, kung gaano ka-confident sa sarili mo as a person, as a mother, as a wife, and as an actress din siguro, and feeling ko, kapag naging nanay ka na at nag-settle ka na sa isang part ng buhay mo na alam mong yun talaga yung ginusto mo for the longest time, ano ka na, e, wala ka na rin talagang pakialam sa sasabihin ng tao.

    “Ang pakialam mo lang, yung sa sasabihin ng pamilya mo.”

    MMFF ENTRY. This year, makakasama ni Judy Ann sina Senator Bong Revilla at Bossing Vic Sotto sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Sa parteng ito ng aming panayam nagsimula ang mga tanong tungkol sa kanilang pelikula.

    Demai: “Ms. Judy Ann, pag-usapan naman po natin siyempre, you have a movie right now, Si Agimat, Si Enteng at Si Ako. Ayan, kamusta po working with Senator Bong and Mr. Vic Sotto?”

    Juday: “Masaya, masaya talaga. Makukumpara mo talaga ang pakikipagtrabaho sa mga artistang noon pa nagsimula at sa mga artistang ngayon pa lang nagsisimula.

    “They’re very professional, very grounded, napaka-humble na mga tao, at saka parang, alam mo yung parang, matagal na talaga kayong magkakakilala, tapos kung magbiruan kayo, ganun-ganun na lang.

    “Masaya lang siya, walang pressure, pero siyempre nung first shooting day nandun yung nate-tense ako, ninenerbiyos ako, kinakabahan ako kasi siyempre, di ba, parang dalawang pinakamalaking artista…”

    Monching: “Naisip mo ba na parang malaki yung pressure—hindi, hindi, sabi mo walang pressure, pero para sa mga taong manonood, may Bong Revilla, may Vic Sotto, tapos isang young superstar—mas malaki yung expectations.”

    Juday: “Oo naman, natetense ako na hanggang ngayon iniisip ko kung ano na bang mangyayari.

    “Natatakot ako kasi ako lang naman yung dumagdag sa pamilya nila, di ba? Parang matagal na nilang ginagawa ‘to, and ako yung pinaka-latest addition sa family.

    “Hindi mo maiwasan na may masabi yung tao kung ano yung outcome ng movie. So, I’m keeping my fingers crossed na sana magustuhan kasi naenjoy ko naman din talaga yung paggawa ng pelikula.”

    Demai: “Meron po ba kayong nakikita dun sa mga entries na kalaban nung movie ninyo, na sa tingin niyo magiging mahigpit na competition ninyo?”

    Juday: “Alam mo, sa totoo lang, karamihan ng mga entries ngayon talaga very interesting. Yung Shake [Shake, Rattle & Roll 14] lang mismo, pag pinapanood mo yung trailer, di ba parang napakatindi din ng effects nila? Ang ganda ng cinemetography?

    “Same goes with Sisterakas, big casting and very fun movie. Ang mga tao talaga ngayon gusto nila yung palagi silang, alam mo yung, walang humpay na tawa? Yun yung gusto nila.

    “Tapos meron kang El Presidente, na alam mo pagka galing sa produksyon ni E.R. na talagang maganda talaga. Nakita naman natin yung trabaho niya last year, epic all-star cast din.

    “Wala akong itulak-kabigin kasi alam ko yung proseso ng paggawa ng pelikula. Kung paano namin ‘to pinaghirapan, I’m sure ganun din sila, so wala akong masabi na pupuwede naming makalaban. Kasi, e, pupuwede naming maging katapat lahat, katapat namin actually, kasi lahat talaga ‘to, alam mong pinaghirapan.”

    Monching: “Ito yung movie na parang for a while kasama mo si Ryan [Agoncillo], tapos parang ito yung film fest entry mo na for a while ay...na hindi mo siya kasama.”

    Juday: “Oo, after three entries.”

    Monching: “The last time kasi, nagset-visit pa kami, nagluluto-luto pa kayo sa set, tapos ngayon hindi mo na siya kasama, so paano yung adjustment?”

    Juday: “Parang may ano naman kami, may mga plano din kaming ganyan pagdating sa pelikulang ginagawa namin together, kasi hindi naman p'wedeng all the time palagi kami yung magkasama.

    "Siyempre, mananabang yung mga tao.

    “Tapos, siyempre, automatic pag kami yung magkasama, ang role namin mag-asawa.

    “Hanggang ilang istorya ba yung pwede mong gawin sa mag-asawa na mag-asawa talaga sa totoong buhay, so pine-pacing din namin.

    “Tina-timing din namin kung kelan ba yung tamang panahon para magpelikula ulit kaming dalawa. Siyempre, pag-aaralan mo yung script.

    “May give-and-take naman kami kaya siguro by next year, si Ryan naman yung may entry.”

    Demai: “Siyempre, aabangan na naman ‘yan ng mga Ryan and Juday fans.”

    CAREER PLANS. Hindi na nga maitatanggi na isa si Juday sa mga tinitingalang aktres ngayon, ngunit may mga gusto pa kaya siyang ma-achieve para sa kanyang career?

    Juday: “Sa totoo lang, Monch, hindi ko alam, e. Parang wala namang katapusan ang karera mo bilang artista. Kapag nag-artista ka kasi, it varies.

    “Habang tumatagal ang panahon, nag-iiba rin yung taste ng mga tao.

    “Ikaw mismo sa sarili mo, alam mong kailangan mo ring mag-reinvent ng itsura mo physically.”

    Monching: “Oo nga, e, parang nasisilaw ako sa mga [alahas]. Palaki ng palaki yung…”

    Juday: “Buti nga hindi umuulan, baka tamaan ako ng kidlat.”

    Monching: “Palaki ng palaki, nasisilaw ako…” (sabay tawa)

    Juday: “Yon, sa kung sa ma-achieve, siguro yung makagawa lang ako ulit ng isang drama na movie. Kasi parang medyo matagal-tagal na rin akong hindi gumagawa talaga ng heavy drama na pelikula talaga, e, at saka yung makabalik muna sa teleserye.”

    Monching: “Next year ba magteteleserye ka na?”

    Juday: “Next year, yun ang project and a movie, hindi ko pa lang alam kung kelan siya puwedeng—kung kelan siya ilalabas, pero yun yung napapag-usapan namin sa ABS [ABS-CBN].”

    Demai: “Would you be willing to entertain kontrabida roles any time soon?”

    Juday: “Oo naman, matanda na ako para mag-isip pa ng—di ba?

    “Ang ibig kong sabihin, hindi sa lahat ng pagkakataon, p'wede kang maging bida or p'wede kang maging apipihan.

    “Paano mo mailalabas yung talent mo sa acting kung nakakulong ka lang sa ganitong klaseng mga papel?

    "At saka, since na halos naman lahat nagawa mo na, gusto mo rin naman na para iba naman makita ng tao at makita nila na maliban sa pagpapaiyak, kaya mo rin naman magpa-iyak, so tatrabahuhin natin 'yang part na 'yan.”

    Monching: “Paano mo nababalanse ang iyong pamilya at career? Pero bago mo sagutin 'yan, ninenerbyos pa rin ako, bago mo sagutin 'yan, magbabalik po ang PEPtalk, PEPSters!”

    Sa susunod na parte ng aming panayam, buhay pamilya ni Juday naman ang uusisain. Abangan sa bagong taon ang susunod na bahagi ng PEPtalk kasama si Judy Ann Santos.

  14. #2114
    PART 2 of 3...

    PEPtalk. Judy Ann Santos: “there’s a lot of pressure included in show business especially when you become a wife…”

    Nikko Tuazon
    Thursday, January 03, 2013 @ 12:25AM | 26684 views


    Judy Ann Santos on being a mother:“Masaya, I never thought I will enjoy motherhood this much. Super talaga akong na-e-enjoy yung pag nakikita ko sila, yung fulfilled ka…”
    Photo: Abby Mendoza


    Sa pagpapatuloy ng PEPtalk kasama ang Young Superstar na si Judy Ann Santos, buhay pamilya niya naman ang inusisa ng section editors ng PEP.ph na sina Demai Granali at Monching Jaramillo.

    Kabilang sa mga napag-usapan sa bahaging ito ay tungkol sa mga anak nila ni Ryan Agoncillo na sina Yohan at Lucho.

    Pero bago nadako riyan ang usapan, sinagot muna ni Juday ang naiwang tanong sa unang bahagi ng panayam. Paano nga ba niya nababalanse ang buhay pamilya at ang kanyang showbiz career?

    Juday: “Siyempre, ‘pag may pamilya ka na, meron ka talagang effort na… at saka ano yun, e, nasa sa’yo na yun, e.

    "Yung parang sobrang sunud-sunod na yung trabaho mo tapos maaga ka gigising, tulog pa yung mga bata, uuwi ka tulog na sila.

    “Nalulungkot ako pagka may dalawang araw na magkasunod yung trabaho mo kasi sanay ako na nakikita ko sila sa umaga."

    Kaya naman, isa sa mga routine niya sa trabaho ay ginagawa na lang ni Juday sa bahay.

    “Para-paraan, gagawan mo talaga ng paraan, like pag nagma-MasterChef ako, dun na lang ako nagme-make-up sa bahay para I can still spend time with my kids tutal ang call [time] ko naman, e, 9:00 [to] 10:00 a.m. so yung buong time na nagme-make-up ako, nakakalaro ko sila habang mine-make-up-an ako.

    “Yung mga maliliit na bagay na yun, ang sinasabi nga ni Carmina [Villaroel-Legazpi], di ba?

    "Since, yung quantity na binibigay mong time sa anak mo hindi ganun karami, gawin mong quality time talaga. Yung talagang gustuhin mo na lang talagang maging memorable sa mga anak mo yun.”

    Monching: “E, pa’no naman sa husband..."

    Juday: “May ganun din, may ganun ka ding effort na….”

    Monching: “Pa’no um-effort si Juday kay Ryan...”

    Juday: “May ano, may mga cheat dates naman kami ni Ryan. May mga date na kaming dalawa lang, may mga times na masaya na kami na nagdi-DVD, nagpa-popcorn na lang kami sa loob ng kuwarto.

    "Or kami naman ni Ryan, sa isang taon, we make it a point to travel at least twice a year na kaming dalawa lang.

    “Kailangan kasi talaga ng couple time kahit isang linggo lang. Kasi pag sumobra naman ng seven days, mainit na ulo namin kasi hindi na namin nakikita yung mga bata.”

    Monching: “E, pa’no kung he wants more than popcorn pa sa gabing yun?”

    Juday: “Alam mo, para-paraan 'yan. Alam mo 'yan, mars [mare]!” (sabay tawa)

    Demai: “Siyempre po bilang mother, bilang a wife, siyempre gusto niyo perfect din yung family. Pero meron bang pressure sa inyo to maintain yung status niyo 'tsaka yung visibility niyo sa showbiz habang wino-work on ninyo yung pagiging perfect wife and mother?”

    Juday: “Well, I guess may effort ka rin naman talaga para makita ka ng mga tao because sa dami ng mga nangyayare ngayon na ambilis ng panahon, ang daming biglang nagiging artista, ang daming biglang sumisikat, you can’t help but think na, 'maaalala pa kaya ako ng tao?' Kasi nag-pregnancy leave ka tapos medyo lumaki ka din.”

    “Hindi mo din naman maiiwasang mai-compare ka sa mas bata, may ganun, may pressure to look good, may pressure with anything.

    “There’s a lot of pressure included in show business especially when you become a wife kasi, may comparison ka na lalo pa’t nabuntis ka’t nagkaroon ka pa ng anak.

    "Biglang ang daming nakatutok na mata sa ’yo pero I accept the challenge. I accept the pressure because it makes me experience a different part of the industry, e, na parang, 'A, okay, so feeling ko hindi lahat ng tao mabait kailangan dito muna ako makisama sa mga antipatika,' may mga ganun talaga.”

    Monching: “Pero parang kung kelan ka nag-asawa 'tsaka ka mas lalong gumanda, promise!”

    Demai: “Mas nag-bloom…”

    Monching: “Oo…”

    Juday: “Sabi nga… sabi nga…”

    Monching: “Kasi yung ibang nag-aasawa, siyempre we can’t name names, parang nawawala [yung glow] pero sa’yo parang iba, parang iba dating sa ’yo ng married life.”

    Juday: “Happy kasi, e, happy tapos feeling ko ang laking factor din nung nag-take time talaga ako.

    “Naalala mo Monch, sinabi ko na it really takes time to be patient. And it takes kumbaga, I value yung sinabi sa 'kin ni mommy na i-enjoy mo muna yung pagiging bata mo, i-enjoy mo muna yung pakikipag-date.

    “Dating doesn’t mean naman you’ll go overboard, di ba? It’s really up to that person kung hanggang sa’n niya iisipin ang ibig sabihin ng dating.

    “Ako, in-enjoy ko lang talaga, sinagad ko yung sarili ko sa trabaho, pinuno ko lahat ng mga kasama ko sa industriya ng magandang pakikisama so ngayon, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, parang it really pays na maging maayos kang katrabaho sa lahat ng tao.

    "Kasi ngayon, pag nakikiusap ako ng cut-off time, nakikiusap ako na sa isang linggo, at least isang day off in between those days na nagtatrabaho ako to spend time with my family.

    “It really pays to be nice to people, it really pays to be patient so ngayon, very calm lang ako.

    "Relaxed na relaxed lang ako kasi alam ko sa puso ko na naiintindihan naman ako ng mga tao.

    "Kung hindi man ako naintindihan, bahala na sila sa buhay nila, wala akong panahong mag-explain.”

    Monching: “E, pa’no yung mga bagets? Pa’no?”

    Juday: “E, yung mga bagets, siyempre yung explanation napunta sa kanila. Lalo na si Yohan kasi siya yung pinakanakaka-intindi sa lahat so pag may mga Sundays na trabaho, may mga ano na ‘yan, 'It’s a Sunday, I thought you’re not gonna work,' may mga ganun siya. So it breaks your heart but you have to explain na not naman the whole time.”

  15. #2115
    continuation...

    WONDER MOM. Aminado ang aktres na hindi madali pagsabayin ang trabaho at ang pagiging ina. Sa parteng ito, napag-usapan kung paano ba maging magulang sina Juday at Ryan.

    Demai: “Makulit na po ba sila ngayon?”

    Juday: “Oo, sobrang nilang kulit. Masaya, I never thought I will enjoy motherhood this much. Super talaga akong na-e-enjoy yung pag nakikita ko sila yung fulfilled ka and may extra effort ka talaga na ipagluto sila [Yohan and Lucho], na, 'O, swimming tayo this day o magpasyal tayo.'

    "Kasi gusto mo talaga na yung growing-up years nila, yung molding moments nila, nandun ka, ikaw yung nagmo-molde sa kanila.”

    Monching: “Between you and Ryan, sino yung disciplinarian?”

    Juday: “Actually pareho, pareho kami. Pero pagka halimbawa may isang galit, may isang kalmado para hindi parehong bad cop.

    "So palagi kaming ganun lalo na with Yohan kasi siya pa lang naman yung… though si Lucho, nakakaintindi na siya kung galit kami o hindi.”

    Demai: “Pero pa’no po kapag dumadating sa point na nagiging overboard yung kakulitan ng kids? Siyempre nate-test din yung patience niyo. Pa’no niyo naha-handle yun? Nasisigawan niyo ba yung mga bata?”

    Juday: “Alam mo, mababait naman yung mga anak namin. Thank you talaga kay Lord. Hindi, I mean, hindi sila mahirap pagsabihan. Isang beses mo lang sila pagsabihan, makikinig sila sa 'yo. [Kapag] in-explain mo, nakikinig sila sa ’yo.

    “Hindi mo naman maiaalis sa bata maging makulit, e. Naging bata rin naman tayo minsan, di ba? Alam ko makulit din ako nung bata ako.

    “Ito yung years na matanong talaga sila, papansin talaga sila and ibibigay mo sa kanila 'yan, e. Kasi iisipin mo na lang [na], grabe, darating yung araw na ayaw ka na nilang kausapin, ni ayaw makasama, ni ayaw ka nilang makausap sa telepono.

    “Ayaw ko nang dumating yung panahon na ganun so, ngayon pa lang, parang ninu-nurture ang relationship mo na hanggang paglaki nila maging magkabarkada kayo but not naman to the point na barkadang tinatawag na sa ‘kin mars di ba?

    “So, may ano pa rin meron pa rin kayong mga pinag-uusapang mga bagay-bagay na it’s between a mother and a daughter only and a daughter and a father, may ganun…”

    Monching: “A, so parang... mas close sa ’yo si Lucho tapos mas close si Yohan kay Ryan?”

    Juday: “Wala, balansiyado naman pero siyempre since, mas malaki si Yohan, kami yung kunyare may secret kasi may mga crush-crush na. Mga ganunan…”

    Demai: “Nako, nakaka-stress ‘yan…”

    Juday: “Eight [years old] lang ‘yan, a. [Nung] eight [years old] ako, alam ko, nakikipagpatintero pa ako.”

    Demai: “Pero po hindi pa po ba dumating dun sa point na yung napasigaw ka na sa galit, yung talagang ubos na ubos na yung pasensiya mo sa kanila?”

    Juday: “Hindi, hindi rin kasi ako masigaw at saka stern voice lang ang katapat ng mga anak ko…”

    Monching: “Tulo luha na lang?"

    Juday: “Tulo luha na lang…”

    Demai: “Iniyakan na lang, drinamahan na lang yung mga bagets…”

    Juday: “Pagka sinabihan mo sila, pagka matigas na yung boses namin, tahimik na sila. Alam na nilang may mali silang ginawa. Hindi namin kinailangan to go that extra mile para pagsabihan sila at kailangan silang ikulong, hindi, wala kaming ganun.”

    Monching: “Parang natutuwa kami kasi parang close na close ka sa mga anak mo. Kasi parang may instances na parang may ibang mothers parang mas close na yung mga bagets dun sa yaya, lolo, lola…”

    Juday: “Alam mo, isa ‘yan, isa sa mga ayoko talagang... iniiwasan ko talagang mangyari.

    "Not that ayoko silang maging close sa mga kasama namin sa bahay and I teach my children... We do not call them helpers, hindi namin sila tinatawag na katulong or kasambahay.

    “Ang tinatawag namin sa kanila, 'angels,' kasi magkakasama kami sa bahay, inaalagaan nila kami.

    "Talagang yung values ba na hindi porket nagtatrabaho sila sa loob ng bahay, yung value nila bilang tao mababa, so, tinuturo ko sa kanila [mga anak] na hindi dapat indifferent sa mga kasama sa bahay.”

    Monching: “Pag tinawag, ‘Angel!’ Ganun lang?”

    Juday: “Ate, though they call them 'yaya,' 'angel 1,' 'angel 2.' O kaya Angel Locsin, Angel Aquino, chos! Mamaya, may issue na naman ako…

    “May values na magkakasama kami, kasama yung mga angels namin, magsisimba kami or magkakasama kami sa iisang dining table.

    "Kakain kami sa labas para hindi, alam mo yun, hindi nila isipin na, 'E, kasama ka lang naman sa bahay, e, bakit?'

    "Ayoko talaga ng ganun kasi parang nakaka-degrade ng pagkatao yun, e.”

  16. #2116
    continuation...

    SHOWBIZ FAMILY. Bilang isang pamilya ng mga artista, hindi maiiwasan ang malaking expectations na pumasok din ang kanilang mga anak sa showbiz.

    Demai: “Very smart po yung mga anak niyo, no?”

    Juday: “Oo, lalo na si Yohan…”

    Demai: “Hindi niyo pa po ba siya papapasukin sa showbiz?”

    Juday: “Nako, hangga’t maaari sana, ayoko. Ayoko, kasi siyempre, napagdaanan ko ‘yan, e. Though nung panahon ko, mas maluwang, mas yung environment ng mga batang artista. Before, bata talaga.

    “Walang make-up, walang mga kakikayan, walang gadgets. I remember, pag nagte-taping ako ng—pag may taping ako, I look forward to a taping day kasi nakikipaglaro ako sa mga bata, e. It’s like a playground, that’s my playground.

    “So ngayon, nung lumaki na ako na-realize ko na, 'Oo nga, kaya ko talaga siya na-enjoy because even nung bata ako, I never really thought na nagtatrabaho ako.' Talagang naglalaro ako, nae-enjoy ko siya, gusto ko yung pinupuntahan ko, gusto ko yung ginagawa ko.

    “Yung ngayon kasi, tinitignan ko yung mga bata magtrabaho, ang intense. Ayoko naman tanggalin yung childhood nung anak ko.

    "Though, I think it's inevitable kasi nakikita niya ako, nakikita niya mine-make up-an ako sa bahay, kikay din. Sinusuot yung mga [hair] extensions ko, yung false eye lashes... Nakikitaan mo siya tapos gusto niya talagang mag-entertain.”

    Monching: “Allowed na ba siyang mag-cellphone?”

    Juday: “Hindi, though ang sabi namin sa kanya. 'If you [Yohan] want to have a cellphone, you have to earn. You have to save money for it. It has to come from your own account.'”

    Monching: (umaktong siya si Yohan) “But mommy, I have a commercial!”

    Juday: “Hindi niya alam ‘yan (sabay tawa). Hindi niya alam na may bayad siya diyan. So, sinasabi namin sa kanya, kasi gusto naming i-ano sa kanya, careless pa kasi dahil bata.

    “So, kailangan matutunan niya yung value ng isang mahal na bagay kasi pag lahat binibigay mo nang ora-orada, hindi niya bibigyan ng importance, e. Not unless kung sa kanya manggaling yung pera, pinag-ipunan niya buong buhay niya, aalagaan niya yun.

    “Kasi sa mga toys pa lang niya, nakikita ko na sa kanya kung gaano siya kabulagsak so pa’no pagka mahal na yung gamit niya?

    "So yun yung tinuturo namin sa kanya [Yohan], 'If you want to have your own cell phone, then you buy it. So, oo naman siya, hindi ko lang alam kung nag-iipon.”

    Monching: “Pang-ilang anniversary niyo na ba sa June ni Ryan?”

    Juday: “Four years, magfo-four na kami.”

    Monching: “Ano yung mga natututunan niyo sa isa’t isa? Pero bago mo sagutin ‘yan, magbabalik po ang PEPTalk!”

  17. #2117
    Quote Originally Posted by datla View Post
    Wow! That's the best news ever. Nag-worry ako sa magiging decision ng court noong meron blind item.

    At kilala ko ang isa mga nag-tweet. Wahaha!
    talaga sino dun? so kilala mo pala lawyer ni judai? hehehe

  18. #2118
    Quote Originally Posted by datla View Post
    Isa ba siya sa mga lawyers ni Judai?
    isa ba sya sa nasa pic?

  19. #2119
    PART 3 of 3...

    PEPtalk. Judy Ann Santos: "Umaarte ka sa harapan ng camera, hindi mo rin naman gugustuhing pag nasa likod ng camera, aarte ka pa rin..."


    Nikko Tuazon
    Saturday, January 12, 2013 @ 06:05PM | 55037 views


    Judy Ann Santos reveals one valuable marriage tip: "As time goes by kasi, you will learn to choose your battles, e. Before kasi, konting kibot, konting ganyan, may issue kaagad...."
    Photo: Abby Mendoza


    Paano kaya ang maging isang Judy Ann Santos kapag walang nakatutuok na camera?

    Isa ito sa mga tinalakay sa ikatlong bahagi ng panayam ng section editors ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sina Monching Jaramillo at Demai Granali kay Judy Ann.

    Kasama rin sa mga napag-usapan ang kanyang pagiging mabuting anak, paano siya magtampo, ang isa sa pinakamatinding kontrobersiya na hinarap niya, sino ang mga best friends niya sa showbiz, at ang kanyang sikreto sa patuloy niyang pagningning sa mundo ng showbiz.

    Ngunit bago ang lahat, narito ang sagot ni Juday sa tanong tungkol sa pagpapatibay ng relasyon niya sa kanyang asawang si Ryan Agoncillo.

    Juday: “Ano nga ba? Well, siguro yung mas maging patient sa isa’t isa and as time goes by kasi, you will learn to choose your battles, e. Before kasi konting kibot, konting ganyan, may issue kaagad.

    “Ngayon parang mas na-appreciate na lang namin yung magkasama kami na walang issue, yung ganyan. Naniniwala kasi ako na ang pagiging mag-asawa is a work in progress.

    “Hanggang maghiwalay kayo bilang as individuals... hindi naman maghiwalay, namatay na kayo ganyan, pinag-aaralan niyo pa rin ang isa’t isa hanggang sa siyempre yung proseso na nag-school na yung mga bata, yung nagtatrabaho kayo. Palagi kayo may learning na nangyayare every year, every month, every day, every week.

    “Siguro, mas natuto na lang kami maging relaxed sa relationship namin. Yung wala na masyadong expectations. We just live for the moment, kung ano na lang yung nandiyan, bahala na lang si Lord, basta i-enjoyin na lang namin siya.”

    Monching: “Kung dati, kung magtampo ka raw, parang nagpapaparlor ka na lang, lumalayas ka muna sa bahay, nagpapaganda. Ngayon, pa’no ka magtampo?”

    Juday: “Ay, nag-go-grocery ako kasi matagal yung parlor, may five [or] three hours ka diyan.

    "E, yung grocery, three hours lang, two hours nga lang tapos, nagluluto na lang ako buong maghapon sa bahay so ang dami naming ulam.”

    MOMMY CAROL. Ang pagiging ina at asawa ay isang learning process para kay Juday. At ang kanyang teacher...

    Juday: “Alam mo, totoo yung kasabihan na ano… yung kapag, ma-appreciate mo yung nanay mo pag nag-asawa ka na.”

    Demai: “Pag nanay ka na rin…”

    Juday: “Oo, naaalala ko ‘yan si Mommy [Carol], tinatalakan ako niyan pag dalaga ako, ‘Hay nako, maiintindihan mo ako pag nanay ka na,’ and that was ten years ago.

    “Gosh, ang tanda ko na.”

    Tumawa ang lahat sa hirit na ito ni Juday.

    Demai: “Hindi naman halata, in fairness.”

    Juday: “Nung naisip ko, parang nalungkot ako, 10 years ago.”

    Monching: “Bakit?”

    Juday: “24 [years old] lang ako n’on.”

    Monching: “Mukha ka namang 23 ngayon…”

    Juday: “Yieeee… Susmaryosep, Merry Christmas…

    “Hindi, sobra kong nava-value talaga yung pagiging disciplinarian ni Mommy sa amin. Yung times na she would tell us na, ‘Kayo, sana maintindihan niyo kung bakit ako ganito ka-istrikto sa inyo. Isipin niyo kung ano ginawa niyo sa Nanay niyo, ganyan ang gagawin ng mga anak niyo sa inyo.’

    “Ay, kaya ingat na ingat ako sa mga issue namin ni Mommy lalo pa’t ang panganay ko, babae. Nakakaloka! So ano naman...

    “Lalo na ngayon si Mommy, talagang maaasahan mo talaga siya pag halimbawa may piano lessons si Yohan, may voice lessons si Yohan, dadalhin si Lucho sa school, tapos wala kami ni [Ryan], ora-orada nasa bahay agad ‘yan.

    “Or kaya may sakit yung dalawang bata, lahat agad ite-text niyan, ‘O anak, kamusta na sila? Pinainom mo na ba ng gamot?’

    "Nakakatuwa, parang yung relationship namin ni Mommy ngayon, compared to before, para kaming magkabarkada kung pa’no kami mag-usap, kung pa’no kami lumabas. Mas ano kami, mas relaxed.”

    Monching: “Tsaka balita nga namin kunyare may trip si Mommy Carol, parang ikaw pa yung nagbabayad nung makakasama niya, yung plane tickets ng makakasama, may makasama lang siya…”

    Juday: “May mga moments naman na ganun pero actually, si Mommy, mas gusto nga niya na siya lang. Pero may mga times naman din na may mga kaibigan siyang nakakasama.

    “Yun naman yung prinomise ko sa kanya na ilang taon siyang nagtrabaho abroad, tapos nung kumikita na ako, sabi ko, ‘Retire ka [Mommy Carol] na, dito ka na lang sa amin and go see the world, you deserve it.’ Di ba? Pag-iipunan natin ‘yan paunti-unti, hindi nga lang every month, di ba? Siguro mga once a year, once in two years, basta kaya ko, ibibigay ko sa kanya kasi deserve niyang mag-relax, deserve niyang mag-enjoy.

    “Deserve niya yun, e, kasi tatlo kaming anak na pinalaki niya at trinabaho niya talaga na maging maayos na magulang at tao habang nandiyan siya.

    "So I feel sa bawat anak ano, you deserve to give your parents something. It’s pay back time, yun nga yung sinasabi nila, it’s pay back time, you give them, what they deserve.”

  20. #2120
    continuation...

    YOUNG SUPERSTAR. Hindi naging madali ang tinahak na daan ni Juday upang maabot kung saan man siya naroroon ngayon. Kaya naman, tinanong siya ng mga hosts kung ano ang sikreto ni Juday sa patuloy na pagtatag ng kaniyang career sa showbiz.

    Demai: “Yung buhay celebrity, paano ba siya? Madali ba?”

    Juday: “Hindi ko rin alam, paano ba?”

    Monching: “Kasi parang ang ayus-ayos mo. Kung kelan ka nag-asawa 'tsaka parang nabalanse mo, mas gumanda ka, basta mas umayos lahat.”

    Juday: “Monch, kilala mo naman ako simula’t sapul…”

    Monching: “Oo naman…”

    Juday: “Hindi naman ako naging artista na, I mean ibig kong sabihin, hindi naman ako umaarte sa harapan ng ibang tao. I mean, kung ano yung ipapakita ko, yun na talaga ako.

    “Meron naman din akong ugali na kapag may nakita akong tao na hindi ko siya type, hindi ko talaga siya type, may ganun naman din akong ugali.”

    Monching: “'Tsaka siya, usually kasi parang walang entourage. It’s either dalawa lang sila ni Nonong [Jeronaga] o tatlo sila nila Jane [Buencamino].”

    Juday: “Ganun lang, e, at saka sila lang naman talaga yung core group ko. Wala na akong ibang barkada maliban sa mga staff ko and…

    “Paano ba maging isang Judy Ann Santos? Sino ba yung Judy Ann Santos?”

    Natawa ang lahat sa hirit na ito ni Juday.

    Monching: “Judy Ann Santos-Agoncillo na kasi ngayon kaya hindi mo na kilala si Judy Ann…”

    Juday: “Siguro kapagka... hindi kasi naman nakaplano ‘tong ginawa ko, e. Nangyare lang siya, nagkataon na na-enjoy ko siya, inalagaan ko siya.

    “Oo, maganda ang kita sa trabahong ito kaya mas inalagaan ko siya. Hindi naman ako magpapakaplastik sa pagsabing alangan namang sabihin kong konti lang ang kita dito, e, bakit nandito pa ako, di ba?

    “In reality and practicality, kung may gusto kang isang trabaho na gusto mo makaipon kaagad, yes pag-aartista yun. Pero ang kapalit naman nun is you have to work have for it. Kailangan mo i-earn yung trust nung tao, kailangan mong makisama nang husto, ng totoong pakikisama hindi yung nakikipagplastikan ka.

    “Umaarte ka sa harapan ng camera, hindi mo rin naman gugustuhin pag nasa likod ng camera, aarte ka pa rin. Nakakapagod naman yun parang arte ka nang arte, ang arte!

    "Arte-arte mo na, di ba, [so] parang maghahanap ka ng tunay na buhay, maghahanap ka ng simplicity in life, and I just happen to have that simplicity with my friends.

    “Yung I enjoy my time with them, I enjoy having a massage with my mom, my sister, and I enjoy being alone. Simple things make me happy. Ngayon na nga lang nagkaroon ng mga branded na bagay-bagay, dati naman wala. Cardam’s okay na, ngayon kailangan may Louboutin ka, yung ganung…”

    Monching: “So, Louboutin ito?”

    Juday: “Hindi ko alam, hiniram ko lang ‘yan.

    “Sana simple na lang ang buhay, yung ganun.”

    Demai: “Pero ano po yung mga bagay po na parang nakakapagpa-down sa ‘yo?”

    Juday: “Meron, oo, kapag siyempre kapag nagkakaroon ka ng issues with friends. I mean, pag may itinuturing ka talaga na tunay na kaibigan at nagkaroon kayo ng slight misunderstanding na nakakalungkot kasi pag nagtrato ako ng kaibigan, kaibigan talaga ‘yan na I will fight for you ‘til death pero kapag nasira naman yung trust ko sa ‘yo, asahan mong hindi ko na maibabalik yun.

    “Maibalik man, matagal na panahon, poprosesuhin ko siya, hihimayin ko siya isa’t isa kasi I invested too much emotion, e. Parang I invested my life on you already and then nagkakaroon tayo ng ganyang issue. I care for my friends truly deeply. Ganun talaga akong tao siguro.”

Page 106 of 251 FirstFirst ... 6 56 96 105 106 107 116 156 206 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Advertisement

Hot Topics

CHIT CHAT:

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

Anong masasabi mo sa Anti-Selfie Bill?

read more
SPORTS:

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

Army a win away from title after four-set victory vs Cagayan, 25-19, 18-25, 25-18, 25-5

read more
BATANG GILAS:

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

Gilas Pilipinas finishes in 5th place in U-18 FIBA World Championship

read more
UAAP:

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

FEU wins 74-70 thriller against La Salle, takes top spot in standings

read more