GMA Network: PAHIRAM NG SANDALI (Dingdong Dantes Christopher De Leon Lorna Tolentino) - Page 28 | Showbiz - TV | PinoyExchange


Page 28 of 60 First ... 18 27 28 29 38 ... Last
Results 541 to 560 of 1185
  1. #541
    Pahiram ng Sandali
    pagkatapos ng Aso ni San Roque at Bago ang Temptation of Wife






    Pahiram ng Sandali: Ngayong Lunes na!


    Dingdong Dantes as Alex. Lunes na po ang #PahiramNgSandali.

  2. #542
    Christopher De Leon as Philip. Lunes na po ang #PahiramNgSandali.





    Lorna Tolentino as Janice. Lunes na po ang #PahiramNgSandali.



  3. #543

  4. #544
    Quote Originally Posted by King_David View Post
    [video=youtube;rBkE6Y8ARuQ]http://www.youtube.com/watch?v=rBkE6Y8ARuQ

    Bukas na talaga mga kapuso mapapanuod na natin ang pinakahihintay nating teleserye!

    alabyu Ms. LT

  5. #545
    Bаnned by Admіn
    Join Date
    Feb 2009
    Location
    Sa likod mo!
    The teasers reminds me of Maroon 5's She Will Be Loved music vid..


  6. #546
    maganda ang first epi.. at maganda din ang story mukhang papatok to. great ensemble of cast pa plus a very reknown director.. after OTL eto na ang bagong obra ni miss suzie..

  7. #547
    RenztersPage stomata's Avatar
    Join Date
    Jul 2011
    Location
    @ Lornatics
    Lorna Tolentino on rumored relationship of son Renz with Maxene Magalona: “Hindi kasi ako puwedeng magsalita, e.”
    Ruben Marasigan
    Monday, November 26, 2012 @ 03:38PM | 18675 views



    Simula ngayong gabi, Lunes, November 26, ang airing ng pinakabagong primetime series ng GMA-7—ang Pahiram Ng Sandali.

    Tampok dito sina Dingdong Dantes, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, Max Collins, at ang nagbabalik-Kapuso na si Lorna Tolentino.

    Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna matapos siyang mag-promote ng Pahiram Ng Sandali sa Party Pilipinas kahapon, November 25.

    Bungad ng aktres, “Siyempre. Kasi ito, ano ito, e… parang kakaiba siya.

    “Kasi ngayon lang mata-tackle yung May-December affair na pelikula talaga ang approach.

    “Hindi talaga yung common na teleserye na napapanood na natin na wala ang anak… o hahanapin ang anak.

    “Ito, iba-ibang klase ng relationships ng tao.”

    PREPARATION. First time ni LT (palayaw ng aktres) na gumanap ng role bilang isang editor ng isang publication. Anong paghahanda ang ginawa niya for the role?

    Sabi niya, “Marami naman akong kilala na editors.

    “Pero siyempre, iba naman yung istorya ng buhay nila. Although yung trabaho nila, maipapakita.

    “Like merong broadsheet na newspaper, merong tabloid... ganyan.

    “So, iyon ang tina-tackle ko—iyon ang hina-handle ni Janice na character ko.”

    Anong part ng role niya ang medyo mahirap para sa kanya?

    “Yung sa relationships, kasi marami kang ka-deal, e.

    “Maraming part ng life mo na as a mother, as a career woman, as a wife, and then as isang taong nagkamali.”

    AGE GAP. Sa takbo ng istorya ng Pahiram Ng Sandali, magkakaroon ng relasyon sina Lorna at Dingdong.
    Paano nila gagawing convincing sa paningin ng viewers ang pagkakaroon nila ng affair?
    “Ano naman yun, e… it’s the chemistry, e.

    “Mararamdaman din ng tao iyon, hindi lamang kami.

    “Kami, sa amin, parang yung kilig, ang kailangang makaramdam ay yung tao, di ba?

    “Na ang ibig sabihin noon, nagki-click ang chemistry ninyo.

    “Na babagay pala kayo kahit na meron kayong age gap difference. Yun!”

    Hindi pangkaraniwan na mangyari na maging magkapareha sa isang proyekto ang kagaya nilang malaki ang agwat ng edad.

    Isang ikinasorpresa talaga ng marami ay ang team-up nila ni Dingdong.

    “Na-surprise din ako, e!” sabay tawa ni Lorna.

    “Hindi kasi ganoon talaga, e. Haram ito, e, na anak ko si Kylie sa story, di ba?"

    Ang Haram ay ang orihinal na project na gagawin sana ni Lorna with Dingdong kasama si Kylie Padilla. Kalaunan ay na-shelve ito at pinalitan nga ng Pahiram Ng Sandali.

    Patuloy niya, “So, naka-prepara ako bilang ina na magtuturo ng edukasyon tungkol sa kultura ng mga Muslim at tradisyon nila, di ba?

    “And then, biglang nag-shift sa ibang tema na talaga namang nangyayari sa totoong buhay natin sa ngayon.

    “Mas emotionally… ano ito… draining. Kasi nga, mas malalim ang emosyon bilang isang tao na nagkakamali.”

    HEAVY DRAMA. For sure, marami siyang mabibigat na eksena sa bagong primetime series na ito ng Kapuso network. Ano ang pinakamahirap para sa kanya so far?

    Tugon ni Lorna, “Yung confrontation ko with Boyet.

    “Yung nakita ko si Boyet with Alessandra de Rossi… yung nag-break down ako kay Dingdong“Maraming eksena, e. Marami talaga.



    “Kasi sunud-sunod siya, hindi mo bibitawan. Kapag binasa mo ang script, hindi mo mabibitawan.

    “So sobrang tuluy-tuloy ng emosyon at ganda ng pagkakasulat.”

    DABOY’S WIDOW. May possibility kaya na mangyari sa kanya sa totoong buhay na ma-in love siya sa isang guy na mas bata sa kanya?

    “Ayaw ni Daboy ng ganyan na mga tanong… ayaw ni Daboy!" bulalas ng 50-year-old actress.

    “Kabilin-bilinan ni Daboy… please, huwag kasing-edad ng mga anak ko!

    “Kung konting diperensiya lang sa edad ng mga anak ko, lalong hindi puwede.

    “Oo, ayaw ni Daboy.

    “Kaya huwag sana namang… hindi naman siguro mangyayari.

    “Kung ipagdadasal mo naman na huwag mangyari sa iyo at may nagbabantay sa iyo…

    “I know Rudy is watching over me. So, walang magiging problema.”

    May posibilidad din kaya na forever na siyang maging loveless? Na wala nang magiging kapalit sa puso niya si Rudy?

    Nakangiting sabi ng aktres, “Hirap na hirap na nga akong alagaan ang katawan ko, e.

    "Puwede ba? Ako muna! Ako muna.

    “Marami pa akong kailangang… ito nga lang na naka-heels ako ngayon, masakit na ang paa ko!

    “Hindi ko nga alam kung makakasayaw ako nang ganito kataas ang heels!” tawa naman niya.

    Dagdag ni Lorna, “Pero kailangan naka-heels para matangkad ka tingnan.”

    AGELESS BEAUTYIsa si Lorna sa may pinakamagandang mukha sa showbiz. At sa paglipas ng panahon, tila hindi nagkaka-edad ang kanyang hitsura.

    Paano niya mine-maintain ang ageless niyang ganda?

    “Siyempre, Flawless, Belo—maraming salamat sa kanila!” tawa niya.

    “Masarap yung growing old ka gracefully. ‘Yan!

    “Ano ba yun? Paano mo ba maa-achieve yun? Siguro iyon ang importante.

    “Na i-work mo iyong sarili mo patungo doon sa road na iyo—growing old gracefully.”

    RENZ & MAXENE. Kumusta naman ang anak niyang si Renz na balitang in love na in love daw kay Maxene Magalona?

    “Talaga? Wow!” tawa na naman ng aktres.

    “Happy birthday, Maxene! And we love you.

    “Yun lang ang puwede kong masabi… hindi kasi ako puwedeng magsalita, e,” panghuling nasabi niya.

  8. #548
    Congrats ke Dingdong, Direk Maryo and the whole cast of Pahiram ng Sandali. Ang ganda ng pilot episode! Hitik na hitik sa dami ng magagandang eksena.

  9. #549
    nice start... magaganda ang mga eksena...
    Direk maryo good job!

  10. #550
    Quote Originally Posted by nadineluvej View Post
    nice start... magaganda ang mga eksena...
    Direk maryo good job!
    Welcome back nadine.

  11. #551
    Nov. 26 agb PPL nutam ratings:


    PNS- 10.2 ABA- 9.6

    TOW- 8.2 KPM- 5.8



    sure naah!!



    parehong panalo sa nationwide ratings ang DongYans

  12. #552
    wala masyadong ganap dito?

    i didnt like much the pilot episode. parang may kulang. ang laki kasi ng project na ito supposed to be, tapos malalaki ang artista at magagaling pero hindi ganon kalawak ang soap.

    parang hindi ganon ka bongga, pero sana sa mga susunod na episodes ayus na, kasi ito lang at TOW at sinusubaybayan ko!

  13. #553
    November 26 AGB - Monday

    Pahiram Ng Sandali (GMA-7) 23.7%; A Beautiful Affair (ABS-CBN)17.8%; The Amazing Race Philippines (TV5) 7.2%

  14. #554
    Yes parang maroon 5 story nga hehe...ganda ng video na yan.
    i luv it

  15. #555
    magaling vang cast at maganda rin ang kwento!

    sana lang improve pa ng konti pagdating sa technical aspect...

  16. #556
    Congrats PNS!



    LorDing
    for the win

  17. #557
    sobrang galing ng buong cast walang itatapon

    mas okay dito si Max kesa sa CP

    galing ng mother and son tandem nila DD at Sandy

    galing din ni Kristoffer Martin
    pati yung batang Alex, magaling din

    sana masustain ang ganda ng PNS

    sabi nga ni Direk Maryo bibigyan nila daw ang viewers ng isang obra

  18. #558
    Buti na lang at napunta kay Max yung role

  19. #559
    GRANDSLAM QUEEN soloflight's Avatar
    Join Date
    Apr 2006
    Location
    LT-DIOSA REPUBLIC
    Quote Originally Posted by bublleberry View Post
    Congrats PNS!



    LorDing
    for the win
    Panalong-panalo ang PNS, sobrang ganda ng pagkagawa!
    Congratz LORDONG

  20. #560
    Quote Originally Posted by AgeL23 View Post
    November 26 AGB - Monday

    Pahiram Ng Sandali (GMA-7) 23.7%; A Beautiful Affair (ABS-CBN)17.8%; The Amazing Race Philippines (TV5) 7.2%

    Congratulations sa lahat ng PNS cast and staff,kay direk Maryo and most especially kay Ms. LT.
    looking forward ako sa mga heavy dramatic scenes ni Ms. LT!

Page 28 of 60 First ... 18 27 28 29 38 ... Last

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  





X