PEx Highlights

Review: Hercules

Bordering on ridiculous, Dwayne Johnson delivers and Hercules is a fun and entertaining ride.

read more

UAAP Basketball Power Rankings: Week 2

Are the Blue Eagles back on top again? Check out this week's PEx UAAP Season 77 Basketball Power Rankings.

read more

FIBA Worlds Special Feature

PEx's resident local hoops guru, Jay P. Mercado, ranks the greatest RP teams in the "open basketball" era.

read more

PHOTOS: DLSU Notches First Win

Jason Perkins drained big baskets in the clutch to help DLSU escape NU 57-55 and notch their first win in the UAAP Season 77.

read more

PHOTOS: Cagayan upsets Army

Cagayan Valley Rising Sun hands Philippine Army its first loss through 4 sets, 27-25, 20-25, 25-23, 25-22

read more

Calling all vigilantes in PEx!

Are you vigilant and always ready for action? This is your chance to be a "PEX POLICE"

read more

Page 60 of 264 FirstFirst ... 10 50 59 60 61 70 110 160 ... LastLast
Results 1,181 to 1,200 of 5269
  1. #1181
    SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated October 04, 2012

    Kahit nilalait, Jericho itinuloy ang pagkanta

    Korona ang titulo ng pinakabagong solo album ni Jericho Rosales. Ito ang naisip niyang itawag sa 9 track album na ang anim na kanta na nakapaloob dito ay kinompos niya.

    “Korona ang naisip kong gawing titulo dahil inihahandog ko ito sa Panginoon. Lahat ng mga ginagawa ko ay inialay ko sa Kanya. Sa Kanya ang album na ito. Siya ang Hari, ” aniya, sabay sabing ang ideya ay nanggaling sa potograpong si Xander Angeles na nakunan ang isang patak ng ulan na nang tumalbog mula sa lupa ay nagkahugis korona na para sa aktor at singer ay nangangahulugan ng pagbabalik sa Diyos ng lahat ng biyayang ibinigay Nito.

    Tampok sa album ang mga orihinal na alternative OPM songs na ginawa ni Echo kasama si Butch Elizalde, tulad ng Kasama Ka, Halaga, Pusong Ligaw. Ang Bumuhos Man ang Ulan ay prodyus at ginawan ng areglo ni Gabriel Valenciano. Ang Dahil Sa Pag-ibig ay theme song ng serye na ginawa niya sa ABS-CBN na may kapareho ring titulo at kung saan ay nakasama niya si Piolo Pascual. Naka-duet naman niya ang singer na si Julieanne sa isang bersyon ng Paboritong Tag-ulan. Ang iba pang cuts ng Korona ay ang isa pang bersyon ng Paboritong Tag-ulan na nilapatan naman ng musika ni Jonathan Manalo. Bahagi rin ng album ang revival niya ng Kamusta Ka aking Mahal ni Freddie Aguilar at Makita Kang Muli ng Sugarfree.

    Bagaman at tumatanggap siya ng mga kritisismo sa kanyang pagkanta at may nagsasabi rin na umarte na lang siya at huwag nang kumanta, nararamdaman ng aktor na marami na rin ang tumatanggap sa kanya bilang isang singer. Marami rin sa mga nanlalait sa kanya ay nagmemeari na ng mga album niya.

    “Ginagamit na ng Star Cinema ang mga compositions ko hindi lamang sa teleserye nila sa TV (Bumuhos Man Ang Ulan sa Green Rose at Dahil Sa Pag-ibig) kundi maging sa pelikula rin. Hinihingan nga akong muli ni Jonathan Manalo ng kanta na gagamitin sa isa pang pelikula,” pagmamalaki ng aktor na paminsan-minsan ay nakikipag-jamming sa banda niya kahit nalansag na ito.

    Kung papipiliin ito sa kanyang pag-arte at pagkanta, mas pipiliin niya ang huli. “I’m more of a singer. Nasa pamilya ko ang pagkanta. My mom sings Kundiman in Visayan. Also, my brother. Sa pagkanta mas mabilis makita ang reaksyon ng mga nanonood at nakikinig sa akin. Pero gusto ko ring umarte, mas sa pelikula kaysa sa TV,” pagtatapat niya.

    Bukod sa paggawa ng album, gagawa na naman siya ng teleserye. Kasama niya sina Judy Ann Santos at Sam Milby sa Against All Odds. May ginawa rin siyang isang indie, ang Alagwa. Tungkol ito sa human trafficking at kasama niya ang child star na si Bugoy Carino. Gusto rin niyang makapagdirek ng isang comedy. “Yung may values,” sabi niya.

    Maganda ang love life ni Jericho. Kung siya ay maraming ginagawa, ganundin ang girlfriend niya na si Kim Jones.

    Pero kahit busy ang girlfriend ay nakatapos na ng workshop sa acting at maging sa Tagalog. Minsan ay sinorpresa nito ang aktor nang mag-monologue ito na may kasama pang luha. Hindi kinumpirma ng aktor ang nababalitang pagpapakasal nila pero sinabi niyang, “Patuloy ako sa pagpapatunay sa kanya na isa akong responsableng lalaki.”

    Ibang drama show makakatikim na ng panalo sa CMMA

    Na-elevate na pala ang Maala-ala Mo Kaya ng ABS-CBN sa Catholic Mass Media Awards (CMMA) Hall of Fame. Ikatutuwa ito ng maraming nakakalaban ng MMK sa kategoryang drama anthology. Mabibigyan na sila ng pagkakataon na makatikim din ng panalo. Sa mga nakalipas na taon, palaging dominated ng MMK ang award sa kategoryang ito.

    Si Charo Santos, host ng programa at pangulo ng ABS-CBN ang personal na tumanggap ng award para sa programa na 20 taon na sa ere.

    “The secret of ‘MMK’s success is our viewers. I believe that Filipinos worldwide keep on watching the show because it continues to give them hope and inspiration,” aniya.

    Samantala, si Zanjo Marudo naman ang magbibigay ng kanyang natatanging pagganap sa role ng isang asawa at ama na may sakit na cancer of the liver sa Sabado. Makakasama niya sina Dimples Romana, Aaron Junatas, Clarence Delgado, Yogo Singh, Levi Ignacio, at Isay Alvarez sa direksyon ni Dado Lumibao.

    Xyriel, makikipagbakbakan sa best actress category

    Bigatin na talaga si Xyriel Manabat. Biruin mo, pinakabata siyang nominado para Best Drama Actress sa 2012 PMPC Star Awards for TV. Nominado rin siya bilang Best Child Performer para sa drama series niyang 100 Days to Heaven. Makakasama niya sa unang nominasyon sina Dawn Zulueta, Janice de Belen, Helen Gamboa, at Susan Roces.

  2. #1182


    Princess and I tinutukan nang husto noong Setyembre!

    October 04, 2012

    Panalo pa rin ang ABS-CBN matapos manguna sa nationwide TV viewing sa urban at rural homes nitong Setyembre. Nagtala ang ABS-CBN ng 42%, o mas mataas ng sampung puntos sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

    Ayon sa talaan nang pinagsamang resulta ng serbey sa urban at rural areas sa bansa ng Kantar Media, patuloy ang paglakas ng Kapamilya network mula Hunyo hanggang Set*yembre ngayong taon sa average national audience share nitong 42% kumpara sa 31% ng GMA. Mas pina*lawak ng Kantar Media ang pagkalap nito ng datos na basehan ng TV ratings measurement kasama ang rural homes simula nitong Hunyo.

    Namayagpag din ang kanilang Primetime Bida sa mga oras na ito (6:00 PM – 12:00 MN), kung saan pinakamaraming nanonood kung kaya’t importante ito sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

    Para sa buwan ng Setyembre, mas tinututukan ang primetime block ng ABS-CBN na nakapagtala ng national audience share na 48% o 18 puntos na mas mataas sa 30% ng GMA. Maging sa buong Luzon ay wagi rin ito kung saan ito pumalo ng 43%; sa Visayas na may 55%, at sa Mindanao kung saan nagtala ito ng 62.

    Labintatlo naman sa listahan ng 15 pinakapapanood na programa noong nakaraang buwan ang nakuha ng ABS-CBN. Ang royal teleserye na Princess and I, na sinubaybayan ng mga Pilipino hanggang sa matuklasang si Mikay (Kathryn Bernardo) ang nawawalang prinsesa ng Yangdon, ang siya nang numero unong programa sa bansa sa national TV rating na 37.7%.

    Walang hanggan din ang suporta ng sambayanan sa Walang Hanggan sa nakuha nitong 36.6% na national TV rating, habang ang weekend programs namang Wansapanataym at Maalala Mo Kaya ang nakakuha sa ikatlo at ikaapat na puwesto sa top 15 programs at parehong pumalo ng national TV rating na 33.8%.

    Samantala, TV Patrol pa rin ang nag-iisang newscast na pasok sa top 15 prog*rams at nananatiling numero uno sa average TV rating na 32.5% o siyam na puntos na mas mataas sa 24 Oras (18.1%) ng GMA. Lumakas din ang Aryana sa 24.5% mula sa 22.2% noong nakaraang buwan.

    Ang iba pang Kapamilya programs na nasa top 15 ay Kapamilya Deal or No Deal (26.8%), Rated K (25.9%), Goin’ Bulilit (23.2%), Be Careful with My Heart (22.9%), Lorenzo’s Time (19.6%), Sarah G. Live (19.4%), at The X Factor Philippines tuwing Sabado (18.7%).

  3. #1183
    ^^Oh mawawala na pala si Zaijan? 11 na ba sya? I guess babablik sya pag teen-ager na sya? Sana tumangkad sya. Mabuti nga yung mag-rest sya at matulog nang maayos para tumangkad. Huwag sana matulad sa ibang child actors na pinagkaitan ng height.

  4. #1184
    ^^Masarap kumanta si Paulo pero I bet mas masarap syang kantahan.

  5. #1185


    THURSDAY, OCTOBER 04, 2012
    JOHN Lloyd-BEA movie, naka-P300M na sa takilya!

    Personal na binati kamakailan ng ABS-CBN executives, sa pangunguna ng chairman nitong si Gabby Lopez, president na si Charo Santos-Concio at Star Cinema managing director na si Malou Santos, sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz para sa higanteng tagumpay na nakamit ng pelikula nilang The Mistress, na nasa ikaapat na linggo na ngayon sa mga sinehan nationwide.

    Sa naganap na victory party kamakailan, buong kasiyahang ibinalita ng Star Cinema na tinatayang nasa P300 milyon na ang kinita worldwide ng first- ever daring film nina Bea at John Lloyd na idinirek ni Olivia Lamasan.

    Extended din ang international screenings ng pelikula sa ilang piling venues. Bukod kina Bea, John Lloyd at Direk Olivia, dumalo rin sa nasabing victory party ang iba pang cast na sina Ronaldo Valdez, K Brosas, Carmi Martin, Minnie Aguilar, Tony Mabesa, at Ms. Anita Linda.


  6. #1186
    Sa mga susunod na teleserye ng ABS-CBN sino pa kaya sa mga retired na ang ica-cast nila? Formula na kasi nila ito. Sayang naman sila Karen Timbol, Bernadette Allyson, Alma Concepcion at mukhang di naman masusundan ang mga teleserye nila kasi ganyan din nangyari kila Sarsi Emmanuelle, Vivian Velez, at sino pa ba?

  7. #1187

    OCTOBER 04, 2012 THURSDAY
    Jason, 3 bahay na ang naipundar
    Franzen at asawa, hiwalay na




    SA presscon kahapon ng Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN ay nakatsikahan ko si Jason Gainza na isa sa cast ng bagong teleserye na 'yon na magpa-pilot telecast sa Lunes (Oktubre 8).

    Tiyuhin ang papel ni Jason sa Ina, Kapatid, Anak at nagbiro siya na nakalimutan sa title ang 'Tiyuhin.'

    Sabi ni Jason, suwerte na sunud-sunod ang kanyang mga proyekto.

    May Little Champ din siya at regular pa sa Banana Split.

    "Bale M-W-F ang Ina, Kapatid, Anak at T-Th-S ang Little Champ. Pero madalas kapag Tuesday, sa Banana Split ako at minsan lang ako naglalagare sa taping ng Little Champ," sabi niya.

    Tuwing Linggo ay family day niya.

    "Kapag may mga out of town shows na ino-offer sa akin, hindi ko na lang tinatanggap dahil 'yung apat na anak ko, nag-e-expect na kasama nila ako tuwing Sunday.

    "Ngayon kasi, 6 days a week na ang trabaho ko, kaya para sa pamilya ko naman ang Sunday ko.
    "Mahirap din kasi na lumalaki 'yung mga anak ko na hindi ko nakakasama.

    "'Yung panganay ko kasi, 12 years old na, 'tapos 7 years old 'yung kasunod at 5 years old 'yung isa at 4 years old ang bunso ko," kuwento niya.

    May isa raw sa dalawang lalaking anak niya ang ginagaya ang madalas na pagganap niyang babae sa Banana Split.

    Sinita raw niya ang anak na 'yon, pero sabi raw ng bata ay ginagaya lang nito ang ginagawa niya sa Banana Split at wala raw masama roon.

    May duda ba siya na baka meron siyang anak na gay?

    "Noong una, parang ganoon, pero hindi naman pala. Ginagaya lang talaga 'yung ginagawa ko.

    "Sakaling magkakaanak ako ng gay, okay lang naman," sabi niya.

    Apat ang mga anak nila, pero gusto nila ng kanyang misis na gawing 7 hanggang 8 ang mga anak nila, kaya trabaho siya nang trabaho.

    Tatlong bahay na ang naipundar niya at ipon din siya nang ipon para sa future ng kanyang mga anak.

    Inamin din ni Jason na noong una ay madalas silang mag-away ng kanyang misis dahil nagger at selosa ito.

    Ngayon daw ay okay na okay na ang misis niya.

    "Para huwag na siyang magduda at magselos nang magselos, sinasama ko na siya sa mga lakad ko. Sa mga shooting at tapings para huwag na siyang magduda.

    Para wala nang selos-selos.

    "Noon kasi, ang dami niyang tanong. Para walang problema, sinasama ko siya hanggang siya na mismo ang nagsawa.

    "Sumuko na, kaya ngayon, paminsan-minsan na lang siya sumasama.

    "Ngayon naman, okay na okay talaga ang relasyon namin at siya ang nag-aasikaso sa mga anak namin.

    "'Yung kita ko naman, kapag nakuha ko, ibinibigay ko kaagad sa misis ko at siya ang nagba-budget," kuwento ni Jason.

    Inamin din ni Jason na tumutulong siya kahit paano sa kaibigan niyang si Franzen Fajardo na dating kasamahan sa PBB.

    Close raw talaga sila at natutuwa siya na kahit hindi na ito nag-aartista ay nag-aaral ito para maging Pastor.

    Sa may Caloocan ang pinupuntahan ni Franzen para mag-preach at baka sa Linggo ay pupunta siya roon dahil niyayaya siya ng kanyang kaibigan.

    "Okay na si Franzen. Mas gusto niya 'yung maging Pastor. May mga tumutulong din sa kanya at okay na siya ngayon.

    "Bago kasi siya maging Christian, napabayaan niya ang sarili niya kaya pinagsasabihan ko siya.

    "Noon pa, sinabihan ko siya at naa-appreciate naman niya 'yon.

    Ngayon, okay na ang hitsura niya at masaya siya sa ginagawa niya," kuwento pa ni Jason.

    Nabanggit din ni Jason na tuluyang naghiwalay si Franzen at ang misis nito.

    ***

    Wala pa ring Twitter account si Kim Chiu.

    Sabi ng isa sa mga bida ng Ina, Kapatid, Anak, ayaw niyang mag-Twitter dahil ayaw niyang sumama ang loob niya kapag may mamba-bash sa kanya.

    Aware si Kim na maraming fake Twitter accounts at walang ginawa kundi ang manira sa kanilang mga tweet.

    Hindi rin nagtse-check ng mga tweet si Kim dahil ayaw niyang sumama lang ang loob niya.

    Pero kung walang Twitter, may Instagram account naman si Kim.


  8. #1188
    Intrigang intriga na ako sa mysery guy sa PandI. Sana gwapo, yung talaang gugustuhin kong ma-extend ang PandI pag nakita na natin sya.

  9. #1189
    Ang ganda magsalita nitong kontrabidang bodyguard sa PandI. Parang si Eddie Garcia. Ganda ng diction. Ganda ng voice. Ganda ng tindig. Para syang hot papa!

  10. #1190

    OCTOBER 04, 2012 THURSDAY

    JERRY OLEA

    Si Paulo Avelino ang celebrity VJ ng MYX ngayong Oktubre.

    "Unang beses ko po maging MYX VJ at sobrang nag-e-enjoy po ako," ani Paulo, na gumaganap bilang Nathan sa teleseryeng Walang Hanggan ng ABS-CBN.

    Masaya raw mag-host sa MYX dahil ibang-iba ito sa nakasanayang heavy drama.

    Mapapanood si Paulo ngayong Oktubre 4-10 sa Pop MYX, Oktubre 14-20 sa Mellow MYX, at Oktubre 21-31 sa My MYX.

    Ilulunsad naman ang debut album (Universal Records) ni Paulo sa Linggo sa ASAP.

    Nakapaloob sa album ang mga bersyon niya ng When She Cries (carrier single), Gaano Kadalas Ang Minsan, Yakap sa Dilim, Bakit Labis Kitang Mahal at If You Believe.

    Sa Linggo nang hapon ay may fans day siya sa Skydome ng SM North EDSA.

  11. #1191
    Mamaya si Christian Bautista lang pala ang mystery guy. Sabagay, yummy naman si Christian.

  12. #1192

    OCTOBER 04, 2012 THURSDAY
    Dulce, ginahasa!

    GINAHASA si Dulce ng kanyang manager noong 14-anyos pa lamang siya.

    Bahagi iyan ng made-for-TV film na Tinig: The True-to-Life Story of Asia's Diva Dulce, na mapapanood sa Linggo (Oktubre 7) nang 10:30 PM sa GMA-7.

    Ang gumanap bilang dalagitang Dulce ay ang dating child actress na si Isabella de Leon.

    Ang gumanap bilang manager na nagsamantala sa kanyang puri ay si John Arcilla.

    Ito ang unang pagkakataon na gumawa si Isabella ng rape scene, kaya medyo ninerbyos siya.

    Pero nagtiwala siya na maayos iyong magagawa. May tiwala siya sa kanyang 'rapist' pati na sa produksyon (CBN Asia).

    Kumonsulta si Isabella sa kanyang Psychology teacher at nagtanong kung ano ang mararamdaman ng isang katorse anyos na dalaginding matapos ang mga traumatic na kaganapan sa kanyang buhay.

    Nag-research din si Isabella sa talambuhay ni Dulce, at isinapuso niya ang script.

    Ginawa ni Isabella ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyan ng justice ang kanyang role.
    Karangalan para kay Isabella na gumanap bilang Dulce.

    Na-flatter siya nang mapili para sa nasabing role dahil hinahangaan niya si Dulce bilang mang-aawit at bilang believer kay Kristo.



    ***

    "I was raped at 14!"

    Ang quote na 'yan ay attributed kay Julie Ann Fortich.

    May sagot diyan si Deborah Sun…

    "Ako rin!"

    Nag-dialogue din ng ganyan si Snooky Serna.


  13. #1193


    SCOOP PIC: Xian Lim says about his sweet gestures for Kim Chiu: "Hindi naman namin ginagawa para sa publicity... Pinagtagpo kami ng destiny, sabihin na natin, nandiyan na, magkaibigan na kami. It"s one continuous getting to know each other." Xian says that because of their closeness, "Dumarating na sa point na kahit wala siyang sinasabi, alam ko na kung ano ang iniisip niya." | view photo(s)

    about 8 hours ago

    SCOOP PIC: Maja Salvador said about Enchong Dee: “Mag-swimming lang siya, attracted na attracted na ako sa kanya.” She also quipped: “Sa swimmer naman ako ngayon, tapos na ko sa triathlon.” Ang dating boyfriend ni Maja ay ang triathlete na si Matteo Guidicelli samantalang si Enchong ay isang champion swimmer na bahagi dati ng Philippine national swimming team at sumali sa SEA Games pati Asian Games. | view photo(s)

    about 8 hours ago

    SCOOP PIC: Binigyan si Maja Salvador ng cake at balloons sa press conference ng Ina Kapatid Anak na ginanap ngayon, October 3, sa ABS-CBN compound. Sa Biyernes, October 5, ay ise-celebrate ni Maja ang kanyang 24th birthday. | view photo(s)

    about 9 hours ago

  14. #1194
    Ayan na ang lisik mata acting ni Coco with matching nguso nguso.

  15. #1195


    Erich Gonzales Covers SPEED Magazine October 2012 Issue
    Posted on October 3, 2012

    Erich Gonzales is on the cover of Speed Magazine October 2012 issue. Erich Gonzales goes techie with the latest in gadgets fully gathered by Speed.

    Erich will be seen on the big screen via Suddenly It's Magic opposite Thai superstar Mario Maurer.



    Meanwhile, Speed October issue will give us an idea about Windows 8 and seven Ultrabooks on a head to head mighty showdown.

    Also in this issue: SPEED took the all-new BMW 3-series and Mitsubishi Lancer EX 1.6 for a spin; hoop hottie and Alcatel brand ambassador Chris Tiu shows his techie side; easy steps to recover deleted files from your memory card; and suggestions on how to refurbish your old iPad. All these plus the latest tech news and tips, reviews, and more!

    Grab a copy of SPEED’s October 2012 issue with Erich Gonzales on the cover at your nearest bookstore or newsstand now! For inquiries, call 374-6771 to 74.

  16. #1196
    Quote Originally Posted by audreyjane View Post
    Ang galing galing ni Nathan kagabi!
    Natawa ako dun sa "Di ba dapat matuwa ka?" ni Lola Henya, pang-asar lang.
    Ang selfish masyado ni Daniel & KatIrina!
    Okay, buhay pa ang funyetang Miguel, sana nagpaayos na sya ng mukha!
    Galing galing nga ni Paulo. I'm really so happy for him. Sa kanya talaga ang meatier role sa final weeks ng WH.

  17. #1197


    Enchong Dee Covers Garage Magazine October 2012 Issue
    Posted on October 3, 2012

    Enchong Dee is on the cover of GARAGE Magazine October 2012 issue. See the many faces of Enchong Dee being a style savant as he conquered the fashion capital of Italy wearing Holiday 2012 menswear by esteemed Philippine designers in this month's issue of GARAGE magazine.

    Enchong Dee will be back on primetime after Maria La Del Barrio but this time opposite Maja Salvador in the much-awaited series Ina Kapatid Anak which will premiere on October 8 after Princess and I. They will be joined by Kim Chiu and Garage Magazine September 2012 cover, Xian Lim.



    Aside from interesting features about Enchong, this October's issue also features on fitness by model Edward Mendez, grooming by new actor Dominic Roque and music by Frank Ocean.

    Be sure to grab a copy of the GARAGE magazine October 2012 issue with Enchong Dee on the cover, the only modern guys guide to style.

  18. #1198


    Richard Yap Signs Exclusive Contract with ABS-CBN, Now A Certified Kapamilya
    Posted on October 3, 2012

    Richard Yap, who rose to fame by playing Papa Chen in the hit series My Binondo Girl and now lightening up every morning as Sir Chief in Be Careful With My Heart has signed a two-year exclusive contract with ABS-CBN last October 1.

    Present in the contract signing are ABS-CBN President Charo Santos-Concio, business unit heads Ginny Monteagudo-Ocampo and Deo Endrinal and Channel Head Cory Vidanes.



    Richard Yap is expected to join another TV series in the coming months (early reports claimed that he will be part of Kailangan Ko'y Ikaw, the teleserye of Kris Aquino, Anne Curtis and Robin Padilla). Aside from that, Papa Chen will also be having a movie under Star Cinema and a solo album.

    Richard Yap can definitely sing evident in his Be Careful With My Heart album recordings so it was a nice move for Star Records to give him his solo album as he can cater to a variety of audience.

    A former businessman, Richard now concentrates on his acting career. While considered a heartthrob by many, Papa Chen downplayed the term and said that he's just an ordinary handsome guy, kidding aside.

    Richard said that his wife of 19 years, Melody is not jealous over the attention he is getting from female fans and has always been very supportive.

    When asked if he is open to accept sexy roles, the 45-year-old actor said, “I think that would be a part of a destruction of my career. Its too late for me!”

  19. #1199


    Osang Soliven 'Mukhang Bangkay' (Gangnam Style Tagalog Version) Lyrics Video
    Posted on October 3, 2012

    Stand-up comedian Jeffrey 'Osang' Soliven did a Tagalog version of PSY's hit song Gangnam Style entitled Mukhang Bangkay. Osang became a sensation when he auditioned in The X Factor Philippines. Unfortunately, Osang did not make it to the Top 20 even though he's a fan favorite.

    The lyrics of the song Mukhang Bangkay was created by Blanktape and Osang, himself. The Pinoy version of Gangnam Style is about women who apply powder on their faces a lot to the point that they look like 'white ladies' or dead people.

    Listen to Osang's Mukhang Bangkay (Gangnam Style Pinoy version) with written lyrics below:




  20. #1200
    #ModOfDeIre xayezi's Avatar
    Join Date
    Sep 2010
    Location
    FC: 0576-4100-9508
    LOL nga din sa last minute kaboom ng enzos time

    and WOAH kung may prequel etong #WH...either that or parang part lang to ng huling weeks ng #WH...for what, im not sure...

    ....yun pala may last minute pasabog din na anak pala ni manang henya si marco....at anak ni margaret si miguel XD nagkapalit lang

    i also relaised na puro prequel ang dating ni sheryl cruz XD una a lady elle sa Lobo..ngayon naman sa walang hanggan

    #MakapostLang
    #BUsyish

Page 60 of 264 FirstFirst ... 10 50 59 60 61 70 110 160 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

GILAS:

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

Gilas Pilipinas flies to Miami for an intensive two-week training camp

read more
PBB:

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

Jane Oineza celebrates 18th Birthday in the Big Brother House

read more
SHOWBIZ:

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

Aljur Abrenica seeks release from GMA-7

read more
CHIT CHAT:

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

What are the events that made you appreciate PinoyExchange even more?

read more
SPORTS:

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

Sharapova, Murray, set to play in Manila leg of the International Premier Tennis League tournament

read more
UAAP:

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

DLSU Green Archers notch first win of the season with 57-55 win over NU Bulldogs

read more