ABOUT SHOWBIZ
Ni Nitz Miralles
Derrick bibida sa TGIS
Tuloy pa rin ang tambalan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio kahit magtapos na ang Luna Blanca dahil kung hindi uli mapapalitan, silang dalawa muli ang magtatambal sa bagong show ng GMA 7 na Mariposa.
Ano kaya ang nangyari dahil ang unang balita, si Joshua Dionisio ang kapareha ni Barbie sa Mariposa at balik-tambalan nila ito dapat, pero ang latest, si Derrick na ang makakatambal ni Barbie.
Si Kristoffer Martin kasama sa Haram nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla at nasa cast ng horror films ng GMA Films at Reality Entertainment na Basement.
Si Bea Binene nama’y muling ipapareha kay Jake Vargas sa mor*ning soap bago ang Kusina Master ni Chef Boy Logro at Eat…Bulaga. Eight weeks lang ang airing ng soap na hindi pa namin batid ang title.
Pero sa apat, si Derrick ang pina*ka-masuwerte dahil bukod sa Mariposa, siya rin ang bida sa remake ng T.G.I.S., siya ang poste at siya lang sa tween stars ng GMA 7 ang kasama dahil the rest ay bago. Nagpa-audition na ang network para rito at si Mark Reyes pa rin ang direktor.









Reply With Quote













