PEP.PH
Arniel C. Serato
Saturday, August 18, 2012 @ 10:06PM
Isa si Judy Ann Santos sa sinasabing “reyna” ng mga teleserye sa dami at sunud-sunod na paggawa ng mga telenobela noon.
Pero nitong mga nakalipas na taon ay hindi na ulit nakagawa si Juday ng serye dahil sa hindi na kinaya pa ng kanyang schedule.
Ang huli niyang serye ay ang Habang May Buhay noong 2010 pa sa ABS-CBN.
Pero sa ngayon, nakatakdang magbalik sa boobtube ang primetime queen ng ABS-CBN sa pamamagitan ng isang teleserye kasama sina Sam Milby at KC Concepcion—ang Against All Odds.
Kuwento niya, “Nakapag-seven days na kaming taping.
“Hindi nga matuluy-tuloy kasi nga umuulan. Masama ang panahon.
“And nakikiramdam pa kami sa mga papel namin, dahil ang tagal ko ring nawala sa pag-arte sa teleserye, so nangangapa pa ako.
“And nag-pilot na rin ako for Master Chef, nakilala na namin yung mga nag-audition para maging Master Chef contestants.
“Hindi lang namin alam kung kailan talaga yung regular run niya, baka next year... we’re not yet sure.
...









Reply With Quote

And the kitchen, pantry, restaurant, LAHAT, maganda..













