Two Less Lonely People on Hearts' Day
Friday night, 7pm, Valentines Day.
Yela on Yahoo Messenger: Had a nice date with RC.
Si Byker ay ang long-time crush ni Yela. Kapatid ito ng kanyang bestfriend na si Eidan.
Hindi makapaniwala si Yela. Pakiramdam nya, ibang tao ang gumamit ng YM account ni Byker para pagtripan sya. Nagshower pa rin sya kahit duda sya... Malay mo nga naman tunay.
“totoo nga ba? Id-date ako ni Byker? Shocks si Byker!? Bykerrrrrrrrrr!!!”
Gwapo si Byker. No girlfriend since birth sa edad na 22. Matalino. Hindi. Sobrang talino. May kaya ang pamilya, meron silang maliit na kumpanya.
1 Message Received
hindi nya sinend ang huli nyang itinayp
30 minutes later. . .
*beep beep*
Nag-ring ang phone ni Yela.
"Hello, nandyan ka na?"
"Oo, dito na ako sa labas ng bahay nyo."
"Sige, palabas na ko" binaba ang phone, ipinasok sa maliit nyang handbag.
Lumabas si Yela ng bahay. Natanaw na nya ang CRV ni Byker. Naglakad sya papunta sa gate, pilit ikino-compose ang sarili. Kinakabahan sya, kinikilig.
Paglabas nya ng gate, ibinaba ni Byker ang bintana, "Ui" sabay ngiti.
"Ang ganda talaga ng ngipin ni Byker" bulong ni Yela sa sarili. Tinungo nya ang pinto ng passenger's seat, binuksan, sumakay.
"Hindi ba dapat baba muna ako para ipagpaalam kita sa parents mo?" bungad ni Byker.
"Ay wala sila eh." maikling sagot ni Yela. Hindi halos makatingin sa ginoo sa kanyang tabi.
Ang lapit nila sa isa't isa. Ngayon lang sila lumabas ng silang dalawa lamang.
"Ganun ba, sige tara na" sabay angat ng handbreak at tapak sa silinyador.
Napaka-gentleman talaga ni Byker. Ibang-iba sa kuya nyang si Eidan na wala nang ginawa kundi alaskahin si Yela. Tahimik siyang kinikilig sa kanyang kinauupuan.
Ang bango ng sasakyan. Hindi nya alam kung si Byker ba ang mabango o yung sasakyan lang talaga.












Reply With Quote


















