Sino po may experience magpalagay ng CCTV sa house nila? Share naman po kung kanino niyo pinagawa at ano specs nung CCTV system niyo. Iniisip ko magpalagay na din nito for security purposes.
Some questions:
May mga pipe chase naman dito sa bahay, dun dumaan lahat, plumbing and another for electricals and phone/cabletv/internet. Pag sinabi ko ba yun sa installers susundin ba nila yung style na sa pipe chase lang dadaan yung wires nila or mga pasaway din yun na talagang gagawa ng sariling system nila na may mga ugly wires running here and there? Ayaw ko kasi nakakakita ng ganun exposed wires.
What's a good camera brand? Weatherproof and indoor? Syempre yung nasa labas yung tipong rain or shine walang problems. Para may idea ako kapag may nag-ooffer ng CCTV packages kung maganda ba yung brand ng cameras na gagamitin nila.
Oks ba yung papakabit ko yung CCTV sa may poste ng outdoor lights? May 8 posts kasi kami sa bakod na may outdoor lights. Hindi ba magkakaroon ng glare kung sa may poste na may outdoor light nakaposition yung CCTV? Bale ang style ng bakod namin is half concrete, half decorative iron grills around 6 feet tall overall, tapos yung posts mga 7 feet ang height, sadya talaga na mas mataas konti sa rest of the fence para walang obstruction sa lighting. Iniisip ko okay siguro ikabit CCTV dun sa posts para wala din masyado obstruction sa viewpoint ng camera.
Napaisip kaming magpainstall ng CCTV dahil sa pagtaas ng mga akyat bahay incidents esp around QC area. Yung ibang kapitbahay namin nagpainstall na din. Yeah, I know medyo mabigat sa bulsa yung mga package na maganda pero kaya ko naman gawan ng paraan yung money part.








Reply With Quote












