Hi guys.. I don't know where to start. I didn't get enough sleep yesterday
Sana wala pong magka-personalan or mag away sa thread. I really appreciate your opinions and advices regarding my dilemma. Lahat naman tayo may sari-sariling pananaw at opinyon sa ganitong situation. Kaya sana po peace na.
Pinagisipan ko ulit ang sagot ko kung sino pinaka importante sa buhay ko right now. I felt horrible not including my mom along with bf as my top answer. Siguro nadala ako ng emotions ko kagabi kaya si bf lang sinagot ko. I tried to understand my mom. I don't want to lose her. Natauhan ako nung maisip ko na mag isa na lang siya. Wala na ang father namin matagal na panahon. Halos mag isa siyang nagtaguyod sa amin. And I've done horrible things din. Kahit na magkalayo loob namin ngayon dahil hindi siya approve sa mga decisions ko, I love her no matter what. Dapat inintindi ko na lang na napressure siya sa mga relatives namin. I have 2 Aunts na walang ginawa kundi mang tsismis at mag evil whisper sa mother ko. Kesyo ikabubuti daw namin. They can't mind their own business. Kasama pa rin siya sa pinaka importante kasama ng bf ko. I want them both in my life.
Btw I haven't told you pala that my Ate got pregnant at 26 with a longtime BF who my family doesn't approve of. Buhay pa ang father ko, naging sila na. Pero ayaw ng family and relatives ko sa kanya dahil hmmm, hindi rin ganun katino. He changed naman pagkatagalan. Nung time na yun, I was in high school, approve naman ako sa kanila dahil kung saan masaya ang ate ko, dun na rin ako. Pero dahil sa ayaw talaga ng family ko sa guy, na halos magmakaawa na ang ate ko tanggapin lang siya pero ayaw pa rin at di magkasundo both families, ayun, my Ate got pregnant (I don't really know the story behind this kasi wala ako sa province nun). Resulta ng pangingialam ng relatives ko. She and the guy separated eventually dahil wala na ring pagasa maayos. But anyway my Ate is very much happy with her daughter now at di naman siya naghihirap. In fact, she can very much provide for her and her daughter's needs and wants.
Which is why I understand kung bakit overprotective sila sa akin dahil ayaw nilang mangyari sa akin ang nangyari sa ate ko kaya I'm not mad at them. I understand them but I am having difficulty in making them understand na hindi naman ganun ang BF ko. I know na dapat mag man up ang bf ko at sabihin ang totoo at panindigan pero we both know na this is not the right time. Ayoko i-prolong ang lie na ito pero I know my family at di nila ito maiintindihan. Masyado nang malaki ang pressure sa image ng family namin. Nahihirapan din akong magsinungaling sa kanila! Hindi ko naman ginusto yun! Pero mas lalong magkakagulo lang kapag inamin namin NGAYON kasi mas malaki ang control nila sa situation dahil kung ayaw nila, gagawa at gagawa sila ng paraan para mapaghiwalay kami. We have to be wise with every step that we make. Ang brother ko mahilig mag threaten yan. May mga pinsan at uncle pa akong barako na hindi ko alam kung ano pwedeng gawin sa bf ko kapag nalaman. Narrow-minded ang mga yun

Kaya natatakot ako sa mangyayari kapag nalaman ngayon. Yung lugar namin sa province walang alam gawin kundi magbisyo, mang backstab at mangtsismis. I don't want to go back there

Kaya nga I'm fixing my life now together with my bf para pagdating ng panahon, wala na silang masabi. Na mas may power na kami over them kaya wala silang pwedeng gawing masama sa amin.
My bf and I decided na patuloy na lang ang work at mas kumayod pa. For those who are asking, nasa trading kami, may nagi-import for us pero ang gusto namin sooner or later kami na magi-import. Di pa namin kaya umalis ng bahay kasi nandito din ang business namin. May office kami dito na pinaghirapan naming ayusin. We have everything we need here. So kapag umalis kami, parang we'll start all over again. May ipon man pero kung pwede namang hindi lumala e dun kami. As much as possible, gusto ko maayos na lahat. Mag deny na lang kami hangga't maaari then mag focus sa work. We will find a way. For now, naghahanda lang kami sa pwedeng mangyari. Kapag sunduin ako, may escape plan naman kami. Aalis ako pero di kami magsasama sa isang bubong. separate pa rin ang tinutuluyan namin kasi once na may mahuli isa sa amin, at least we have each other to save each other. Hindi yung pareho kaming huli e wala nang kawala.
Ang gusto lang naman namin ni bf e ayusin ang sari-sarili naming buhay. Maging financially-free bago maging kami talaga at magpakasal. Ang natutunan ko kasi sa pagkakaroon ng family, hindi maganda na may pangkasal lang or stable lang e magpapakasal na. From my experience kasi, mga magulang ko saka nagkayod ng kinasal na at nag ka-baby. Which is nagiging unfair para sa bata kasi busy ang magulang nang mailuwal na at naiwan sa taga alaga. Pwede namang kumayod muna pareho bago magpakasal at magkaanak diba? Yun lang naman ang gusto naming gawin ng bf ko. Hindi namin gustong lokohin ang family ko. We're going to confess this year or early next year. Hindi na rin kasi ako makapagpigil. Gusto ko maging masaya na talaga kami ng lubusan. I would do everything to get my mom's approval and of course siya rin. Sinabi niya rin yun sa akin. At tutuparin ko ang pangako ko sa kanya na makakatapos ako.
Basta for now, focus sa work and have an escape plan just in case na they won't hear me out. Bf ko naman handang manindigan if all of this comes to worst. But we need to be wiser and careful.
PrettyCool_Dude - Tama ka sa first post mo. At naisip din namin na pag kunwariing bakla siya. Ok naman daw sa kanya kung yun ang kailangan gawin. We will consider that suggestion
Thank you guys!