^^Hindi pala si Marian Rivera yan. Si Lovi Poe pala.

PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read moreCONFIRMED
STARTING AUGUST 4, 2012
12:00 - Eat Bulaga vs. It's Showtime
3:00 - Startalk vs. SIR and SOCO
4:30 - Together Forever vs. Failon Ngayon
5:15 - 24 Oras vs. TV Patrol Weekend
6:00 - Pinoy Adventures vs. Kapamilya, Deal or No Deal
6:45 - Wish Ko Lang vs. Wansapanataym
7:45 - KM, Jessica Soho vs. MMK
9:00 - Kapuso Move Night vs. X Factor and Toda Max
11:15 - Tunay na Buhay vs. Banana Split
12:00 - Walang Tulugan vs. The Bottomline and Sports Unlimited
STARTING AUG. 5, 2012
12:15- Party Pilipinas vs. ASAP
2:45 - Manny Manny Prizes vs. Luv U
4:00 - HotTV vs. The Buzz
5:30 - 24 Oras Weekend vs. The Buzz
6:00 - Imbestigador vs. TV Patrol Weekend and Goin' Bulilit
7:00 - Kap's Amazing Stories vs. Goin' Bulilit and Rated K
7:45 - I-Bilib vs. Rated K
8:30 - Protege Gala Night vs. Sarah G. Live
9:30 - Tweets for my Sweet vs. X Factor
10:15 - Pare&Pare vs. Gandng Gabi Vice
11:00 - SNBO vs. Sunday's Best
Here are the winners at the Cinemalaya 2012 Awards Night held on Sunday, July 29 at the CCP Tanghalang Nicanor Abelardo:
FULL LIST
paapak sa bagong haus mga kapuso
(napadaan lang)![]()
sure naah!![]()
Journal, July 30, 2012
Talented actress nixes pumping scene
ni Nitz Miralles
Nagiging mapili na ba sa pagtanggap ng project ang magaling na aktres na ito?
Ang tsika, sa kanya unang in-offer ang isang indie film na entry sa katatapos na Cinemalaya.
Hindi nito tinanggap ang pelikula dahil hindi raw kaya ang ilang sexy scenes gaya ng pumping. Sobrang daring na ito sa kanya.
In-offer sa iba ang female lead role, nagawa nang mahusay ng ipinalit sa kanyang aktres at umani pa ng papuri.
Hindi nabastusan ang moviegoers sa kinatakutan niyang eksena dahil alam na arte lang ’yun.
Ang tanong ngayon, hindi kaya nagsisi ang magaling na aktres sa pagtanggi niya sa pelikula?
Chance na sana nitong muli siyang mapanood sa big screen dahil matagal na rin siyang walang pelikula at puro sa TV ang project.
* * *
Nabasa namin sa Twitter ang paglilinaw ni Raymond Gutierrez na hindi siya kasama sa isang pelikula at sa likod ng camera lang ang participation niya.
Ang Coño Problem kaya na entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival ang tinutukoy ni Raymond?
Sa presscon ng H.O.T. TV, sinabi na rin ni Raymond na in-offer siyang mag-cameo sa movie but he turned it down.
Hindi niya kayang magpelikula at magteleserye, kaya mag-i-stick na lang siya sa hosting.
Ano ang dating sa kanya sa comment that he’s a good host?
“I’m thankful dahil ’di siya naging madali. As much as possible, I ask the right question and I make sure, I don’t cross the line.”
Sa August 5 na ang pilot ng H.O.T. TV at kasama niyang hosts sina Regine Velasquez, Jennylyn Mercado at Roderick Paulate.
Samantala, si Raymond ang newest Bench/Fix image model/endorser at may isa pa siyang endorsement from Unilever.
Nagbiro itong dapat noon pa siya pumayat para marami na siyang endorsement.
* * *
Pagtatambalin ng GMA-7 sina Mikael Daez at Andrea Torres sa remake ng Sana ay Ikaw na Nga na unang ginawa nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia.
Hindi loveteam sina Mikael at Andrea, kaya susugalan sila ng network at sa nasabing soap, ipakikilala ang tambalan nila na, hopefully, masundan pa ng iba.
Unang nagkasama sa My Beloved sina Mikael at Andrea, pero hindi pa rin sila ang magkatambal dahil ang role ng una ay in love kay Marian Rivera at best friend ni Marian si Andrea. May mga eksena silang magkasama at kinakitaan siguro ng chemistry ng management, kaya pagtatambalin.
Hindi pa alam kung sino ang ibang cast ng Sana ay Ikaw na Nga na August 13 na ang first taping day at September 3 ang airing sa direction ni Roderick Lindayag.
Papalit ito sa isa sa afternoon soap ng Channel 7.
Kundi kami nagkakamali, talent ni Jojo Oconer, mister ni Ciara Sotto, si Andrea na napaiyak nang malamang bida na siya. Dream come true ito sa kanya at nangakong pagbubutihin pa ang trabaho at mas magiging propesyonal pa.
Pil. Star Ngayon, July 30, 2012
Dennis magpapa-bless sa simbahan, takot masapian
ni Nitz Miralles
Natsismis na aalis sa GMA 7 si Dennis Trillo pero malabo ito dahil may one-year contract pa siya sa network at may sisimulan siyang bagong soap sa September. Bawal pa lang magbigay ng detalye. Wait muna kami ng go signal.
Samantala, after ng Cinemalaya entry na Ang Katiwala, sabay na gagawin ni Dennis Trillo sa first week ng August ang indie film na Sapi at The Lost Command episode ng Shake, Rattle & Roll 14. Inaayos na ng manager nitong si Popoy Caritativo ang schedule ng aktor para kahit maglagare, walang nabibiting shooting.
Excited at kabado si Dennis sa dalawang pelikula dahil ang magagaling na sina Brillante Mendoza para sa Sapi at Chito Rono para sa SR&R 14 ang kanyang mga direktor. Parehong first time niyang makatrabaho ang dalawang magaling na directors at si Brillante pa lang ang nakakausap niya.
“Kinakabahan ako sa Sapi, horror ito, semi-documentary at kung mahina ang spiritual belief mo, baka sapian ka. Magsisimba ako at magpapa-bless bago mag-shooting. ’Kakaiba ang pelikulang ito, on call kami at kung saan may sinapian pupuntahan namin at saka lang kami magsyu-shooting,” sabi ni Dennis.
Wala pang maikuwento si Dennis sa The Lost Command dahil wala pang storycon at ang alam pa lang niya, sundalo ang role niya na matagal na niyang gustong gampanan.
Derrick nataranta sa pagdalaw ni Joshua kay Barbie
Hindi lang si Marian Rivera ang may dalaw sa taping ng Tweets For My Sweet dahil pati si Barbie Forteza may bumibisita na rin. Dinalaw siya sa taping ng comedy show ni Derrick Monasterio, kapareha niya sa Luna Blanca.
Tsika sa amin, nang bumisita si Derrick may dala pa itong Truffles chocolate bilang pasalubong kay Barbie na siyempre, masaya sa pagdating ng bagong ka-love team.
Nakita rin ang closeness at sweetness nina Barbie at Derrick sa Station ID shoot ng young stars ng GMA 7. Kinakitaan nang pagkataranta si Derrick nang dumating si Joshua Dionisio at agad pinatabi sa kanya si Barbie na sumunod naman.
Nakita rin sila sa Trinoma, Quezon City na namamasyal.
Juicy! matitigbak na rin
Hindi lang pala ang Paparazzi na Sunday talk show ng TV5 ang mawawala, pati na ang Juicy! sa gabi. Ang desisyon ng TV5 ay gawing six days ang airing ng Ang Latest! — ang ipapalit sa Paparazzi, kaya Monday to Saturday ito mapapanood.
May pagbabago sa magiging hosts ng Ang Latest! dahil hindi lahat ng galing sa Paparazzi ay kukunin. Ayaw naming manggaling sa amin kung sino ang out, ang in na lang ang isinulat namin at kabilang dito sina Cristy Fermin at Mr. Fu.
Meron din namang hindi aalisin pero hindi na sila sa live telecast, kundi sa VTR mapapanood. Gagawin ang mga pagbabagong ito para mas maging maganda at mas panonoorin ang Ang Latest! talk show.
Richard, nagbantay kay Sarah Lahbati
JUN LALIN
KAKAIBANG Richard Gutierrez ang nakita ko kahapon sa backstage ng Party Pilipinas.
Masayang-masaya ang mood ni Richard kahapon. Panay ang ngiti ng binata.
Napansin din nina Maxene Magalona at Isabelle Daza (stars ng Faithfully) ang kakaibang saya ni Richard, kaya biniro nila ang binata.
Pati sina Solenn Heussaff at Raymond Gutierrez ay panay ang tukso kay Richard.
“Iba talaga kapag kasama sa opening si *Sarah (Lahbati), ang aga ni Chard!” bulalas ni Raymond.
Wala pang 10:30 AM kahapon ay nasa studio na ng Party Pilipinas si Richard dahil sinamahan niya si Sarah na nag-blocking (rehearsal) para sa production numbers nito.
Ngingiti-ngiti lang si Richard sa panunukso sa kanya ng mga kasama*han niya.
Pero duda ako kina Richard at Sarah. Kahit ayaw pa nilang umamin, feeling ko there’s something romantic going on between the two of them.
Na-cute-an ako nang magkasalubong kahapon sa hallway ng GMA 7 sina Richard at Sarah pagkatapos ng isa sa productions numbers ng dalaga.
Dinig na dinig ko ang dialogue ng binata. Sabi ni Richard kay Sarah, “Ang galing-galing!”
Panay rin ang punta ni Richard sa dressing room ni Sarah at panay ang bulungan nila.
Sabi ng mga taga-Makapiling Kang Muli, ganoon din palagi sina Richard at Sarah sa kanilang taping.
Isang taga-Party Pilipinas ang nagbuking na noong Sabado ay nagbantay si Richard sa technical rehearsal ni Sarah para sa nasabing show.
Sabi ng source ko, kahit alam nilang rest day ni Richard ang araw ng Sabado ay nasa studio pa rin ito ng GMA 7 para bantayan si Sarah.
Syanga pala, sa Sabado ay mapapanood ang dalawa sa special episode ng Pinoy Adventures na kinunan sa Bukidnon.
Yes, sa season two ng Pinoy Adventures ay tuwing Sabado na nang 6:00 PM ito mapapanood.
***
http://www.abante-tonite.com/issue/j...showbiz_jl.htm
sana one day matauhan ka na sarah at wag na maglalapit dyan kay richard![]()