PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Page 1 of 6 1 2 ... LastLast
Results 1 to 20 of 117
  1. #1

    UNTURNED (Story)

    Chapter 1 : Turning Point




    "Umm, look Tin, I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo. Biglaan lang ito. Hindi na ako makakadaan diyan sa office ngayon. I know, I know. I'm sorry kaya nga ako tumatawag sayo, please, favor lang. Yes, I just want you to file my leave of absence in my behalf. Yes. Ibibigay ko sayo username at password ko. Pinagkakatiwalaan kita, just do it for me please. Please. Ngayon lang ito. Yes. Two weeks. File mo siya ng two weeks. Count the days simula ngayong Tuesday. Please. Ako ang bahala sayo. I will explain everything. Favor lang. Okay, thanks. Thank you talaga. Promise babawi ako sayo next time. Thanks and I'm sorry. Basta salamat. Okay. Thank you ulet. I have to go now. Thanks. See you soon."


    Pagkatapos nila mag-usap sa cellphone, agad na kinuha ni Gail ang kanyang mga gamit sa banyo. Inilagay nya ang toothbrush, toothpaste sa isang maliit na bag. Kinuha nya sa kabinet ang isang bote ng kanyang iniinom na supplement at bigla ito napatigil at napatingin sa sarili nya sa salamin. Tinitigan nya ang kanyang sarili at sinisikap nyang isipin at alalahanin kung bakit gustong gusto niyang umalis ng Manila. Ngunit dinaig ng kanyang magulong isip ang kanyang desisyon na magpatuloy sa kanyang plano. Wala na itong urungan.


    "Kaya ko ito." saad ni Gail sa kanyang sarili.


    3AM na nang umalis siya ng bahay. Habang nagmamaneho, nagfaflashback sa kanya ang lahat ng nangyari noong weekend. Yung party. Yung mga bisita. Yung mga inumin. Si Jake. Ang kapitbahay na humingi ng supot para magbaon ng handa. Si Tin, kung magagawa ba niya ang favor na hinihingi niya na ipagfile siya ng leave. Higit sa lahay ng ito, hindi niya maalis sa isipan niya si Anthony. Gulong-gulo ang kanyang isipan habang binabagtas niya ang Ortigas extension hiway. Hindi na din nya napansin ang red light sa may kalye paliko ng Valle Verde at hindi siya huminto. Ayaw niyang huminto. Hindi na siya napipigilan. Wala na itong urungan. Isang nakakabinging busina ang umalingaw-ngaw mula sa palikong Toyota Vios.


    3:15AM Along Ayala


    "F*ck you Migs. Matapos mo.. matapos mo gawin sa akin yon, iiwan mo ako?"


    "Ginawa ang alin? Anong ginawa ko sayo? Ibinigay mo iyon sa akin ng kusa."


    "Sh*t ka! Manloloko ka!"


    "Makapagmura ka, wagas ah! Nasarapan ka naman di ba? Move on *****!"


    Isang malakas na sampal ang sumalubong sa mukha ni Migs. Malalakas na suntok ang binitawan ng babae sa kanya at wala na siyang nagawa kundi tanggpin ang galit nito. Hindi na din siya maawat ni Migs. Napaatras na lamang siya at kinakapa ang door knob upang makaalis sa kuwarto. Nang mabuksan niya ito, mabilis siyang tumakbo at ginamit ang hagdan ng fire exit upang makaalis sa condo ng babae.


    "F*ck! Ang sakit. Hahaha. Pinakamasakit na atang suntok iyon ng babae sa akin."


    Dumiretso sa parking lot si Migs at nagmamadaling ipinaandar ang sasakyan.


    "Woooh! Single ulet. Sarap!" Sigaw nito habang nagsindi ng yosi at patuloy sa pagmamaneho.




    4:17AM - SLEX Caltex Gas Station


    Pagkatapos magpa-gas ni Gail, minabuti niyang magstop-over upang bumili ng kape at pagkain sa isang coffee shop. Agad na kinuha nito ang handbag at tinignan ang kanyang cellphone. 11 missed calls. 8 short messages. 128 email messages. Ipinasok niya ulit ito sa kanyang bag at lumabas na siya ng sasakyan patungo sa Starbucks.


    "Iced Grande White Chocolate Mocha and Cookie Crumble Cheesecake with Chips Ahoy."




    4:17AM New Manila


    "Hi! Grace? Sorry si Tony ito. Sorry kung nagising kita. Uhmmm. Yah, I'm okay. Well, gusto ko lang itanong sayo kung nagtext ba sayo si Gail, o baka tumawag sa iyo or kinontak ka. Ahhh. Ganun ba? Okay sige. Please lang, let me know kung tumawag na siya sa iyo. Yah! I'm okay. Thanks and sorry sa abala. Bye."


    Tahimik na nakatitig si Anthony sa kanyang cellphone. Tila nagaantay na may tatawag o magtetext sa kanya. Napatingin ito sa orasan at tumayo siya para kunin ang gamot na nasa lamesa. Uminom siya ng tubig sa tumbler na kanina niya pang hawak-hawak. Bumalik siya sa kanyang upuan at nagiisip kung sino pa ang puwede niyang tawagan. Walong tao na ang kanyang ginising upang kausapin ngunit wala sa kanila ang nakakaalam kung nasaan si Gail.


    "I'm sorry Gail? I'm sorry." saad ni Anthony sa kanyang sarili habang patuloy siyang nakatingin sa kanyang cellphone.


    Business Consultant si Anthony sa isang Insurance company. Matangkad, moreno at maganda ang pangangatawan. Magkakilala sila ni Gail mula pa noong highschool. Siya lang ang sineryosong girlfriend ni Anthony at talagang tumagal ang pagsasama nila. 23 years old sila nang magpakasal ni Gail. Maayos naman ang pagsasama nila dahil may kanya-kanya silang career at madalas silang nagkakasundo sa madaming bagay kung kaya't lagi sila naka-suporta at naka-alalay sa isa't isa. Sa dalawang taong pagsasama, hindi pa rin sila nabibiyayaang magkaroon ng anak. Ngunit hindi nila pinepressure ang isa't isa dahil umaayon naman ito sa magandang career nilang mag-asawa.


    Sa dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, may mga pagkakataon din na nagkakaroon sila ng pagtatalo at tampuhan. Ngunit madalas din naman sila nagkakaayos dahil pinaguusapan nila ito agad at hindi na pinapatagal. Nakakatulong din kasi na matagal silang naging magsyota kung kaya't kabisado na din nila ang isa't isa.


    Voicemail: "Hi! You know what to do after the beep. Thanks!"


    "Honey. Alam ko madami tayong dapat pag-usapan. Alam ko din na madami akong atraso sa iyo. Alam kong di ako naging mabuting asawa sayo these past few weeks. Honey, please. Please. Mag-usap tayo. Please. Maghihintay ako."


    Hindi maiwasang sisihin ni Anthony ang sarili sa pag-alis ni Gail. Mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Hindi niya gusto ang nangyayari sa kanila. Ang mga nakaraang linggo ay hindi naging madali para sa mag-asawa. Laging umuuwing lasing si Anthony. May mga araw din na hindi siya umuuwi ng bahay. Sa tuwing tinatanong siya ni Gail ay hindi ito sumasagot ng maayos.
    Kung kaya't nagiging madalas ang pagtatalo nila. Pinipilit siyang kausapin ni Gail ngunit laging "wala akong problema" ang sagot ni Anthony. Isang malaking pagsubok ang tila sisira sa kanilang magandang samahan.


    4:56AM - Lipa, Batangas


    Sa wakas ay nakarating na din si Gail sa kanyang pupuntahan. Ang rest house na pagmamayari ng kaniyang boss sa isang Accounting Firm. Isang marangyang bahay, 3 palapag, 5 kuwarto na may sari-sariling banyo, eleganteng kitchen, theater room, swimming pool at napakalawak na sala. Matalik na kaibigan ng tatay ni Gail ang kanyang boss kung kaya't madali lang itong pakiusapan upang doon pansamantalang manirahan. At isa si Gail sa mahusay na empleyado ng kanilang kumpanya at napatunayan nito na kaya niya ang trabaho kahit naipasok siya dahil as padrino. Pinagbuksan si Gail ng katiwala ng bahay at dumiretso ito sa kanang bahagi ng mansyon para igarahe ang kanyang sasakyan.


    "Good morning po ma'am. Kung may kailangan po kayo nandun lang ako sa kubo malapit sa pool." saad ng katiwala.


    "Salamat manong. Pasensya na po sa abala, nagising ko pa po kayo." sagot ni Gail.


    "Ayos lang po. Natawagan naman na ako ni Sir kagabi. Wala pong kaso iyon sa akin." ngiti ng katiwala.


    Pagkapasok ni Gail sa bahay ay dali-dali itong umakyat at pumasok sa isang kuwarto malapit sa hagdan. Bakas pa din sa kanyang mukha ang pagkalito, ang dinadalang problema at ang bumabagabag na konsensya. Panandaliang umupo sa gilid ng kama. Pakiramdam nito'y pagod na pagod siya sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Maya-maya ay nabaling ang paningin niya sa isang painting.


    Isang abstract painting. Tatlo lamang ang kulay ng nasa painting ngunit hindi niya maunawaan kung ano ang nais ipabatid ng pintor sa masterpiece na ito. May bahagi na bilog, parihaba, parisukat na guhit sa painting. Tila mas lalo siyang nahilo sa kanyang nakita kung kaya't napapikit na lang siya. Hindi niya namamalayang may luha na tumutulo sa kanyang mga mata. Hanggang sa nahulog siya at napa-upo sa sahig. Malakas na umiiyak. Nagbreakdown. Sa iyak niya naibuhos lahat ng pagkalito. Lahat ng frustrations. Lahat ng disappointments.


    Gumawa siya ng isang desisyon na sa tingin niya ay tama; sa tingin niya ay makakatulong sa kanila. Gusto niya mapag-isa. Gusto niyang lumayo. Gusto niya mag-isip. Ngunit ang isip niya ay unti-unting tinatalo ng kanyang damdamin. Sa pagkakataong ito, kailangan na niyang manindigan. Dahil wala na itong urungan.


    5:05AM Bar along Alabang


    "Hoy pare! High ka nanaman ba? Ano nanamang tinira mo tol? Haha!"


    "Tangek! Hindi ako high ****! Masaya lang ako. Masama bang maging masaya pare?"


    "Haha! P*ta Migs, alam ko nanaman yang kagaguhang ginawa mo. Walang masamang maging masaya pare. Pero masama yang ginagawa mo."


    "****! Ikaw nga idol ko sa mga gawaing ganito eh. Haha. Mabuti pa tagay ka nalang tol. Huwag ka nang mangaral. Hindi bagay."


    "Haha! Tol nagbago na ako. Hindi na ako katulad mo."


    "Aysows! Sabi mo lang yan tol. Ipapuputol ko daliri ko pag talagang nagbago ka na."


    "Nagbago na ako Migs. I'm married."


    "T*ngina mo! Haha! Sinong niloko mo? ****. Haha! Gusto mong patunayan ko pa?"


    "Game pre! Papatunayan ko sayo na nagbago na ako at para maputol mo na yang daliri mo g*go! Haha!"


    "Haha! Sige pre." Sabay lingon sa may kanang bahagi ng bar, nakakita siya ng grupo ng mga kababaihan.


    "Tol tignan mo yun. Ganyan ang mga trip mo. Balingkinitan. Small but terrible pre. Gusto mo lapitan ko para sayo?"


    "G*go Migs, wag."


    "Haha! Takot ka ba tol? Wait ka lang jan."


    Hindi na napigilan ni Andrew si Migs at nagpunta na ito sa table ng mga babae. Nakatingin lang si Andrew sa kung anong gagawin ng kaibigan. Natatawa na lamang siya sa ginagawa ni Migs dahil alam niyang hindi siya papatulan ng mga iyon. Maya-maya pa ay bumalik na si Migs sa lamesa nila, halatang lasing na lasing si Migs dahil sa kanyang paglalakad.


    "Pre, ano una na ako sayo."


    "Oh bakit? Hindi mo na ba kaya? Haha!"


    Nagulat si Andrew dahil nagmamadaling nagpaalam para umalis si Migs. Sinundan na lamang niya ito ng tingin papalabas ng bar. Nabigla din siya nang sumunod ang isang babae na pinuntahan niya sa kabilang mesa. Natawa na lamang siya dahil napatunayan niya kung gaano katinik sa babae itong si Migs.


    "Hi! You are Andrew right?"


    Isa pang ikinagulat ni Andrew ay ang paglapit din sa kanya ng babaeng nirereto sa kanya ni Migs. Balingkinitan, chinita at sexy. Nataranta si Andrew sa mga pangyayari.


    "Yes. Take your seat, miss..and you are?"


    "Cassie."


    "Cassie?! Nice name."


    "Yeah."


    "Nice smile. I mean pretty. Ang ganda mo."


    "Okay. So.."


    "So?"


    "So.."


    "So.. what?"


    "What's your plan?"


    Natigilan si Andrew sa tanong ni Cassie sa kanya. Hindi niya alam kung anong isasagot sa magandang dalaga. Sa loob-loob naman niya ay gusto niya ito.


    "Do you want to go..out?" saad na lamang ni Andrew kay Cassie.


    "Go. Tara. My place." Agad tumayo si Cassie papalabas ng bar.


    Agad ding tumayo si Andrew at iniwan sa mesa ang bayad ng bill. Maya-maya ay may natanggap itong text galing kay Migs.


    1 Message Received
    ---------------------
    Migui [090532059++]


    "Manyak! hehe!"
    ---------------------


    Natawa na lamang si Andrew sa nabasang text ng kaibigan. May mga bagay talagang mahirap baguhin lalo na at nakasanayan.






    Samantala, nakaupo pa din si Gail sa sahig. Nakatingin lamang ito sa kawalan. Tila naubos ang luha niya sa pag-iyak. Sobrang tahimik sa buong bahay at ang paghinga lamang niya ang kanyang nadidinig. Maya-maya pa ay inabot niya ang kanyang handbag para kunin ang tissue. Hindi sinasadyang natabig nito ang kanyang cellphone. 24 missed calls, 18 short messages, 128 email messages.


    Lahat ng missed calls ay nanggaling kay Anthony. Tatlong texts naman ay nanggaling sa kanyang ate Grace. Nagdadalawang isip naman siya kung sasagutin niya ang text messages o tatawag siya kay Grace o kay Anthony.


    Maya-maya'y napagpasiyahan niyang mag text na lang kay Anthony. Hirap naman siyang bumuo ng mensahe sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa text at parang wala siyang maisip na salita na puwedeng iparating dito.


    Hanggang sa wakas ay nakaisip na ito kung ano ang ipapadalang mensahe sa asawa. Pagkapadala niya ng text, agad nitong tinanggal ang sim card ng cellphone at sinira. Nagpasiya siyang putulin pansamantala ang komunikasyon nilang mag-asawa dahil gusto nitong mapag-isa. Ibinaba na niya ang kanyang cellphone at ipinasok muli sa bag. Humiga na ito sa kama, hawak-hawak ang nahating sim card, at pilit na ipinikit ang kanyang mga mata.


    7:35AM Coffee shop


    "Thanks for the breakfast."


    "No problem."


    "So.. what's next?"


    "Hmmm.. Anong oras na ba?" sabay tingin sa kanyang relo.


    "Maaga pa naman ehh.."


    "Umaga na. 7:36AM na."


    "So? Ano na?"


    "Anong ano na?"


    "Ano bang gusto mo. Bahala ka."


    Napangiti si Migs sa sinabi ng dalaga. Sabay akbay dito.


    "Alam mo ba kung anong gusto ko?"


    "Kaya nga, ano bang gusto mo? Kaya kong gawin lahat. As in lahat." saad ng dalaga.


    "Ang gusto ko, umuwi ka na sa inyo. Umaga na. Ang gusto ko naman para sa sarili ko e matulog."


    "Huh? Seryoso?"


    "Yup!"


    "Akala ko ba kaya mo ako nilabas kasi mag-aano tayo."


    "Ayan ka nanaman sa 'aano' e! Ano ba yun?"


    "Ano. Basta yung ano. Ayaw mo ba?"


    "Gusto."


    "Gusto naman pala eh. Tara na!"


    "Gusto kong makipag sex. Pero hindi sayo. Kasi baby di kita type. Hindi din ako nakikipag sex sa easy-to-get. Boring e."


    "F*ck sh*t!" sabay hampas ng babae sa mukha ni Migs ng dala nitong bag.


    "Ano tingin mo sa akin pokpok? For your information ngayon lang ako nag yes sa lalaki sa bar." galit na galit na saad ng babae.


    "Okay. Sabi mo eh. Baby una na ako. Eto isang daan. Teka, oh heto pa additional one hundred pesos. Mag taxi ka na lang."


    "G*go! Ano ako cheap?"


    "Malayo ba sa inyo? Oh sige eto five hundred. Cheap pa ba?"


    Hindi na kumibo ang babae sa sobrang galit. Wala itong maisagot kay Migs dahil sa pagkabigla sa mga sinabi nito.


    "Pasensya na hindi kita masasabayan sa trip mo." saad ni Migs habang palabas ng restaurant.


    Napatingin na lamang ang babae sa five hundred pesos na iniabot sa kanya ni Migs. Kinuha niya ito at ginusot ng kaliwang kamay. Napag-isip-isip din niya na kahit papaano ay may pamasahe siya pauwi, ngunit wala siyang kinita sa mahabang gabing iyon.




    7:35AM New Manila


    Naalimpungatan si Anthony sa isang text message. Dali-dali nitong chineck ang cellphone at umaasang ang kanyang asawa ang nagtext. Napangiti siya nang makita kung sino ang nag text. Ngunit agad ding bumagsak ang mukha nito nang mabasa ang message.Napatitig na lamang ito sa cellphone habang ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bibig. Malalalim ang mga buntong-hininga. Napapaisip sa nabasang mensahe ng asawa. Halos hindi siya makahinga dahil sa kanyang nabasa at naninikip ang kanyang dibdib.


    Maya-maya'y nagsimula itong umubo ng sunod-sunod. Hindi niya mapigil ang mabibigat na pag-ubo. Wala siyang nagawa kundi takpan ang kanyang bibig at ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa kanina pang tinititigang cellphone. Hanggang sa tumigil ang ingay na gawa ng pag-ubo ni Anthony. Napatingin ito sa kanyang kaliwang palad. May dugong lumabas sa kanyang
    bibig.


    Alam niyang dadating siya sa ganoong sitwasyon, ngunit hindi niya inaasahan na ganun kaaga lalabas ang ganitong sintomas.





    "I Won't Give Up" by Jason Mraz




    ******
    Isang malungkot na madaling araw. May mga bagay na pinagdesisyunan at pinanindigan.


    At sa bawat desisyon, may mga taong nasasaktan. Sa bawat prinsipyong pinaninindigan, may lumuluha at may naapektuhan.




    Habang nagmamaneho si Migs pauwi sa kanyang condo, alam niya sa sarili niya na siya pa din ang natalo. Nag-iisa pa din siya sa buhay. Wala pa din itong direksyon. Wala pa din siyang plano. Ang alam niya, nageenjoy pa siya sa buhay binata. Ngunit hanggang kailan niya mapapanindigan ang ganitong buhay? Na kahit siya ay hindi alam kung anong sagot.


    Habang nasa taxi ang babaeng kaninang kasama ni Migs, ay malalim itong nag-iisip sa mga nangyari sa restaurant. Sa unang pagkakataon ay may tumanggi sa kanya. Sa unang pagkakataon hindi siya sinamantala ng lalaki. Sa unang pagkakataon ay nabuksan ang isipan niya sa mga sinabi ni Migs. Hanggang kailan niya mapapanindigan ang ganitong buhay? Alam niya kung ano ang sagot, ngunit ikinukubli niya ito sa kanyang sarili.


    Hinugasan ni Anthony ang kamay niya sa banyo. Marahang kinuha ang tuwalya upang ipamunas nang napansin niya ang isang note na nakadikit sa may kabinet. Halatang matagal na itong nakadikit dito ngunit ngayon lang niya napansin. Napangiti ito at madaming masasaya't magagandang pangyayari ang biglang naalala ni Anthony. Maya-maya'y napaluha na lamang ito. Pinagsisihan niya ngayon ang desisyon na ginawa nya, na naging dahilan ng pag-alis ng kanyang asawa.


    Hindi magawa ni Gail na makatulog. Nasa isip niya ang mensaheng ipinadala niya kay Anthony. Iniisip din niya kung ano na kaya ang ginagawa ni Anthony sa mga oras na iyon. Ngunit pumapasok din sa kanyang isipan kung nag-aalala ba ang kanyang asawa sa kanya o hindi at talagang tuluyan nang nawala ang pagmamahal nito sa kanya.


    Tinignan nito ang sirang sim card at napabuntong-hininga. Iniisip nito kung hanggang kailan at hanggang saan niya kayang panindigan ang desisyong kanyang ginawa. Alam niyang wala na itong atrasan. Kahit patuloy pa ding nagtatalo ang isip niya at damdamin.


    ****
    END OF CHAPTER 1.

    ****


    ### EPILOGUE ###


    Text message ni Gail kay Anthony.


    1 Message Received
    ---------------------
    Honey [091955885++]


    Kailangan kong mapag-isa. Magisip-isip. Hindi ko alam pero hindi ko na talaga kaya. Ngayon ko lang ito naramdaman sa tagal nating magkasama. Gusto ko na maging malaya..
    ---------------------




    "Gusto ko na maging malaya.."




    Itutuloy..

  2. #2
    Two weeks earlier..

    "Huh? hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi sa kanya?"
    "Hindi pa. Hindi ko alam kung paano sasabihin e."
    "Kailangan din nyang malaman dahil asawa mo siya. Karapatan niya malaman."
    "Huwag ka mag alala sasabihin ko din sa kanya. Gulong-gulo pa talaga ako ngayon."
    "Naku, e papaano yan. Kailangan mo siya lalo na para samahan ka magpa-chemo."
    "Tama na please. Kailangan ko lang ng makakausap at mapupuntahan. Kaya nandito ako. And besides, sasabihin ko din sa kanya sa Sabado sa Birthday ko."
    "Naiintindihan naman kita e."
    "Salamat. Nga pala, puwede dito muna ako matulog sa bahay mo. Ayaw ko umuwi at matanong ulet e." saad ni Anthony habang hilong-hilo siya sa kalasingan. Tila gumuho ang buhay niya nang madiagnose siya ng lung cancer.

    Chapter 2 : Game Change

    Alas-tres ng tanghali nang magising si Gail. Medyo masakit pa ang ulo niya dahil sa puyat at pag-iyak niya ng magdamag. Habang nagkakape ay naisip nitong huwag sayangin ang pagkakataong mag-isa siya at malaya niyang gawin ang gusto niya. Kung kaya't minabuti niyang lumabas at mag-grocery para sa mga kakailanganin niya sa dalawang linggong bakasyon.

    4:15PM Condo sa Alabang

    Samantala, si Migs naman ay nagising sa doorbell niya. Napatingin ito sa kanyang cellphone para tignan ang oras at napansin niya ang daming text messages at missed calls sa kanya. Agad na tumayo ito at nagsuot ng sweatshirt at jogging pants para pagbuksan ang taong mukhang kanina pa kumakatok at nagdodoorbell. Pagsilip niya sa peep hole ng kanyang pintuan, nabigla siya at agad-agad binuksan ang pintuan.

    "Buti naman at nagising ka na? Lunch time pala ha. Anong oras na?"
    "Sorry Cyra babes, hindi ko naset ang alarm ko ehh."
    "Pwede naman siguro ako pumasok? Kanina pa ako ihing-ihi."
    "Sure babes, sorry talaga halika pasok ka na at wag ka na magalit."

    Agad naman pumasok ng banyo si Cyra upang umihi. Nagayos naman ng kuwarto si Migs. Itinago ang mga paraphernalia na ginamit niya nang humithit ito ng weed. Pagbukas ng pinto, nagulat ito nang naka lingerie na lang si Cyra.
    "Wow babes! Buti di ka na galit."
    "Ganito ako magalit lalo na nang binitin mo ako ng ilang araw."
    Agad naming napangiti si Migs sa ginawa ni Cyra. Nilapitan niya it at hinalikan sa labi. Agad din naming humalik ang dalaga at tuluyan nang bumigay kay Migs. Halos pitong buwan nang magkakilala sila Cyra at Migs. Team leader si Cyra sa isang call center sa Alabang at nagkakilala sila sa pamamagitan ni Andrew na General Manager sa parehong kumpanya. Mabilis na nagkalapit ang loob nila pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Migs. Ayon kay Migs ay nahanap na niya ang match niya sa kama. Pareho nilang ineenjoy ang bawat pagkakataong magkadikit ang kanilang mga katawan.
    Makalipas ang ilang minuto, pagod na pagod ang dalawa at napahiga si Cyra sa dibdib ni Migs. Hingal na hingal ang dalawa sa nangyari. Nagyosi na lamang sila habang magkayakap sa kama. Maya maya pa'y tumayo na si Cyra dahil may meeting pa siya at malelate na ito. Magtetext na lang daw ulet si Cyra pag hindi na siya busy. Isa pa itong dahilan kung bakit medyo nagtatagal sila ni Migs. Dahil walang kaseryosohan at parang ****ing buddy lang ang kanilany relasyon.

    7:30PM Medical City

    "Hi Anthony. Kamusta ka? Maycheck-up ka?
    "oo. Kakagaling ko lang sa chemo. Kaya medyo hinang hina pa."
    "ahh. Si misis kasama nyo na?"
    "Hindi e. Baka sa susunod." Bigla nanamang naubo si Anthony at nilapitan ito ng nurse.
    "oh! Okay ka lang. Ito tubig oh."
    "Salamat."

    Dahan dahang naglakad si Anthony papalabas ng ospital. Hingal na hingal ito sa kakaubo at pilit niyang itinatago ang nararamdaman dahil takot siyang pandirihan ng mga nakakasalubong na pamilya ng pasiyente. Paglabas niya ng elevator, saktong nakasalubong niya si Dess. Ang anak ng isang pasiyente na kasama niyang pagpa-chemo sa ospital. Susunduan na din niya ang tatay niya. Ngunit huminto ito sandali para kausapin si Anthony.

    “Kamusta ka na?”
    “Ayos naman ako. Ikaw?”
    “Ayos lang din. Oh ano? Nasabi mo ba sa asawa mo?”
    “Kamusta na tatay mo?”
    “Okay naman. Hmm.. Hindi pa rin ano?”
    “Akyat ka na, kanina pa nag-aantay tatay mo dun. Uuwi na din ako para makapagpahinga.”
    “Okay sige. Ingat ka.”

    Naglakad na si Anthony papalayo kay Dess nang muling tawagin ito ng dalaga.

    “Anthony. You have my number right?”
    “Yes.”
    “Text or Call me kung may gusto kang pag-usapan or kahit anong kailangan mo.”
    “Salamat.”

    Dumiretso na si Dess sa elevator at nakangiti naming umalis si Anthony papunta sa parking lot ng ospital.

    7:30PM Lipa, Batangas

    Kumakain mag-isa si Gail sa kanyang kuwarto. Mas pinili nitong doon na lamang kumain kaysa makasama ang mga taong hindi niya kilala. Napatingin nanaman ito sa painting na naka dikit sa ding-ding. Ang abstract painting na pininta ng isang artist na may pangalang Cold Winter. Napapaisip siya sa painting na ito at tila pilit na inuunawa kung ano nais ipahiwatig ng gunuhit nito. Pagkasubo ng pagkain, di niya namamalayang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad nito pinunasan at pinilit ang sariling wag na umiyak. Kung kaya't nagpasiya siyang lumabas at magpakasaya pagkatapos kumain ng hapunan.

    9:30PM Sa isang bar sa Alabang

    "oh pare?! Musta?"
    "haha ayos lang tol."
    "mukhang ayos nga ah." "magaling tol. Siya talaga nagtrabaho. Siya lahat gumawa."
    "hahaha ayos diba. So pano yan. Hindi ko na ipapaputol ang daliri ko. Nyahaha!"
    "oo brad. Tsaka payag naman siya maging kabit ko e."
    "*******! **** ka pa din tsong! Manyak!" saad ni Migs habang binibiro ang kanyang kaibigan. Madalas sila lumabas at gumimik. Hindi kumpleto ang gabi nila kung hindi sila nakakagala, nakakainom at nakakapanchicks. Kaya sila nagkakasundo. Maya maya pa ay nagsalita ang dj sa bar. Anniversary ng bar at sinabing libre ang inumin hanggang 12 midnight. Sabay naghiyawan ang mga tao sa bar at nagpatugtog ng house music. Nagtayuan at nagsayawan ang mga tao.
    Habang umiinom si Migs ng beer, napansin niya ang isang babaeng naka itim na dress, napakaganda at nakakaakit sa kanyang pagsasayaw. Halos lahat ay napapatingin dito. Kung kaya't napagpasiyahan niya tumayo na din at sumayaw. Pumunta ito sa gitna at tinabihan ang magandang babae. Nagulat siya ng kumapit ito sa balikat niya at animo'y sinasayawan siya nga babae. Natuwa naman si Migs at napainom na lang siya sa hawak-hawak na beer. Nang mapagod ang dalawa sa pagsasayaw at inaya ni Migs ang dalaga sa kanilang table. Agad namang umalis si Andrew sa table nila sa hudyat ni Migs.
    "galing mong sumayaw ah. Sanay na sanay ka magdisco ano?"
    "a bit. Dancer ako kaso natigil na lang siya. Iba na ang priorities e."
    "hehe. Beer?"
    "sure!"
    "cool. Sexy, sobrang ganda, magaling sumayaw. Umiinom ng beer. Hehe"
    "is that a compliment or what?"
    "Compliment of course. Kakainlove nga e."
    "hahaha. Highschool?"
    "seryoso!"
    "No.1 rule, bawal mainlove. It’s no fun pag may love love na kasama yan."
    "hehe okay. E di bawal mainlove. Well, are you dating? Single or married?"

    Natahimik ang dalaga sa tanong ni Migs. Napatingin ito sa mga mata ng binata at ngumiti. "its complicated."
    "hahaha okay. Interesting."
    "ganun talaga. And you need not to know."
    "And your name?"
    "bakit kailangan mo malaman? I dont give out my name e."
    "okay. Hehe. E paano kita makakausap ng matino kung wala akong itatawag sayo?"
    "may reklamo ka? Hehe"
    "oo naman. Ako nga pala si Migs. Single and ****in hot."
    "heard that before. We'll see."
    "So.. What's your name?"
    "Cold Winter. Just call me Cold Winter. "
    "uhmmmm. Okay."
    Nabigla siya sa sinabi ng dalaga sa kung anong pangalan ng dalaga. Madaming tumatakbo sa isip ng binata at tila'y naguluhan sa mga nalaman. Madaming nagflashback sa kanyang mga alaala. Hanggang sa sunod sunod na uminom ng beer.
    "do you want to go somewhere else?"
    "hmm. No. Pauwi na din naman ako maya maya."
    "hatid na kita?" "I have a car. So okay lang ako."
    "ahh okay. Labas tayo okay lang?"
    "sure. Lets stay on my car."
    Maya maya pa ay lumabas ang dalawa. Naisip ni Migs na sanay na sanay ang dalaga sa kanyang ginagawa. Naging intersado si Migs sa babae na nag iwan ng pangalang Cold Winter. Bubuksan pa lamang ng babae ang pinto ng sasakyan, agad nito hinalkian ni Migs sa labi. Nagulat ang babe ngumit lumaban na din ito ng halik. Hindi na nagdalawang isip si Migs at pinagala na nito ang kanyang kamay sa dibdib ng babae. Hinalikan niya ito sa leeg at nilamas ang dibdib ni Cold Winter.
    "ahhhh ang bango mo." Nang magsimulang ibaba ni Migs ang kanyang kamay, nagulat si Cold Winter at agad nitong pinigilan. Hindi nagpapaawat si Migs sa nais gawin kung kaya't tinulak siya ng babae. Nagulat si Migs sa nangyari at nakita nitong umiiyak ang babae. Ikinabahala niya ito at tinanong si Cold Winter.

    "Okay ka lang. Im sorry, Im really sorry."
    Nabigla si Migs sa mgs sinabi sa babae at sa naging ugali nito sa kanya. Nagulat siya sa sarili niya na naging mabait sa babae.

    Agad na sumakay ng sasakyan si Cold Winter at dali-daling umalis ng parking lot ng bar. Napakamot na lang ng ulo si Migs at tila naguluhan sa nangyari. Bumalik na lang siya sa bar kahit wala na ang kaibigang si Andrew. Dinamihan nito ang inorder na alak at nagpasya itong magpakalasing.

    12:45AM Lipa, Batangas

    Nanatiling nasa loob si Gail ng kanyang sasakyan. Nakatulala at malalim ang iniisip. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga ginawa sa bar. Okay na sanang nag bar siya, sumayaw at uminom ng alak katulad ng kanyang ginagawa noong hindi pa siya kasal. Ngunit ang mag asal **** at makipaghalikan sa hindi kakilalang lalaki ay sadyang bago sa kanya. Hinalikan siya ng lalaki at aminadong nagustuhan niya ito. Napaisip ito at sinabi sa sariling hindi siya aabot sa ganoon kahit na gusto niyang gawin ito dahil matagal na silang hindi nag sesex ni Anthony. Napaiyak na lamang siya sa mga naganap at sa mga desisyon niya sa buhay. Na tila yata nagpapabago sa kanya bilang isang tao.





    Almost Lover by A Fine Frenzy

    EPILOGUE

    Sa New Manila, nakahandusay sa sahig si Anthony dahil nawalan ito ng malay. Hawak nito ang kanyang cellphone at kumalat ang mga gamot sa sahig. Nagbago ang lahat sa buhay ni Anthony pagkatapos niya malaman na may Cancer siya. Kung saan ay hindi alam ng kanyang asawa na si Gail.

    Samantalang si Gail naman ay walang tigil sa kasusuka dahil sa madaming beer na nainom niya. Nabigla ang kanyang katawan sa kalasingan. Maya maya pa'y lumabas ito ng banyo at napahiga sa sahig. Doon na siya nakatulog sa sobrang sama ng pakiramdam. Nagsimula na ang pagbabagong ito sa kanyang buhay. Ang pagbabagong hindi niya alam kung makakabuti ba ito o makakasama sa kanya.

    Kahit lasing, pinagpasiyahan nito umuwi sa bahay ng kanyang magulang. Iyak ito ng iyak habang nagmamaneho at kasabay na nagyoyosi. Madaming bagay na nagpapaluha sa kanya lalo na ang mapait na nalaraan. Nasaisip pa din niya ang babae at ang pangalang Cold Winter ng babaeng nakilala nya sa bar. Maya maya pa'y nakarating na ito sa bahay ng kanyang mommy. Paglabas ng sasakyan, bigla ito napaluhod at napahiga sa sahig malapit sa gate ng bahay nila. Sa sobrang kalasingan ay hindi na siya makapagdoorbell at nakatulog na lang siya at nakahandusay sa labas ng bahay. Sa isang iglap, nagkaroon ng game change sa buhay ni Migs at kailangan niyang harapin ang mapait na nakaraan. Ito na ang oras para doon.

    End of Chapter 2.

    Itutuloy..

  3. #3
    I don't kill to survive. IwantTObreathe's Avatar
    Join Date
    May 2012
    Location
    KILLnothingBUTtime
    Why bitin?! Btw, I'm COLD WINTER.

  4. #4
    Member Mabuhey's Avatar
    Join Date
    Oct 2010
    Location
    2, 847 Miles Away
    nakakatuwang basahin. .ang cool ng dialogue

  5. #5
    Salamat at nagustuhan niyo.

  6. #6
    I don't kill to survive. IwantTObreathe's Avatar
    Join Date
    May 2012
    Location
    KILLnothingBUTtime
    Quote Originally Posted by christan88 View Post
    Salamat at nagustuhan niyo.
    salamat lang?

    kala ko pa naman may kasunod na.

  7. #7
    Member
    Join Date
    Aug 2012
    Location
    kung san me baha..
    kaabang-abang... kailan ba release ng next chapter???

  8. #8
    I've been looking for this story, nakita ko yung link sa isang post dito sa isang thread. Di ko na matandaan kung saan. Updated na pala Chapter 2. Subscribe muna ko

  9. #9
    Maagang nagising si Gail at tila hirap pa siyang bumangon dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi na din niya namalayang sa sahig na siya nakaidlip dahil sa sobrang kalasingan at napangiti na lang ito sa kanyang sarili. Hindi na sanay ang kanyang katawan na gumimik katulad noong nasa college pa siya. Ngunit sa loob-loob niya, nag-enjoy din naman siya kahit papaano kagabi kaya’t wala siyang dapat pagsisisihan.
    Bigla niyang naalala ang lalaking humalik sa kanya sa parking lot. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sariwa pa sa kanyang isipan ang itsura ng lalaking iyon. Yun na marahil ang kanyang dapat pagsisihan sa mga nangyari kagabi. Naisip niyang hindi na dapat ito maulit pa, dahil kasal pa din siya at may nagaantay pa siyang asawa sa Manila.
    Agad itong bumangon sa pagkakahiga at sabay silip sa kanyang cellphone para tignan ang oras. 5:05AM. Medyo maaga pa, kung kaya’t napagpasiyahan niya na lamang mag jogging. Agad itong nagtungo sa banyo para magshower at pagkatapos noon ay nagbihis ito ng shorts at t-shirt, at nagsuot din siya ng manipis na jacket. Dinala niya ang kanyang iPod para may mapapapkinggan siya habang tumatakbo.
    Medyo madilim pa din ang kalsada ngunit hindi naman nakakatakot mag-jogging dahil may mga street lights naman at may mga tao ding kasalukuyang nagjojogging. Agad na inilagay ni Gail ang kanyang earphones at tumakbo papalayo sa rest house. Buo ang loob niyang libutin ang village at ienjoy ang magandang tanawin ng probinsya at ng mga naglalakihang mansiyon.
    Makalipas ang mahigit isang oras, tumakbo si Gail pabalik ng rest house. Napansin niya ang isang itim na kotse na naka-park malapit sa kanyang tinutuluyan. Nang bubuksan na niya ang gate, bigla niyang napansin ang isang lalaking natutulog ng nakaupo sa may poste ng gate. Tinanggal nito ang earphones na nakakabit sa kanyang tenga at nilapitan ang lalaking iyon. Inusisa niya ito at tinitignan niya ang mukha ng lalaki na parang nakikilala niya. Iniisip niya kung buhay pa ba ito o natutulog lang. Inaabot ng kanyang kaliwang paa ang bandang binti ng lalaki upang subukang gisingin, ngunit wala pa rin itong reaksiyon. Kung kaya’t nilakasan ni Gail ang pagsipa sa bandang baywang ng lalaki upang ito ay magising, nang bigla itong tumumba patagilid at tuluyang napahiga sa lupa. Maya-maya pa ay naalimpungatan ang lalaki dahil sa pagkakahiga nito at dahan-dahang bumangon. Sinusubukan niyang buklatin ang kanyang mga mata, na medyo nasisislaw sa liwanag, upang tignan kung sino ang taong gumising sa kanya. Pagtingin niya sa kanyang gawing kanan ay may nakatayong babae. Naaninag niya ang isang maganda at maputing babae. Samantalang takot na takot naman si Gail dahil napalakas niya yata ang pagsipa dito kung kaya’t nagising niya ang lalaki.
    Nagkatinginan sila Migs at Gail. Ilang segundong katahimikan at titigan. Na para bang bigla silang nabuhusan ng tubig dahil muli silang nagkita…pagkatapos ng gabing iyon.

    “Ikaw?!”


    CHAPTER 3 – Cold Winter

    Napagpasiyahan naman ni Gail na papasukin si Migs sa rest house at inaya pa nito na mag breakfast. Tila nakokonsensya siya sa pagsipa sa lalaki at baka nasaktan pa ito sa kanyang ginawa.
    “Small world after all.”
    “Ewan ko ba kung anong ginagawa mo dito.”
    “Ewan ko din. Basta ako kailangan ko lang bisitahin ang mommy ko.”
    Biglang Napatingin si Gail kay Migs. “Hmmm. Hindi naman kaya sinundan mo ako kagabi?” saad ni Gail.
    “I never do that.” Sagot ni Migs.
    “Kahit kalian hindi ako naging stalker. Kahit pa gusto ko yung babae. Sila pa ata gumagawa nun sa akin.”
    “Wow. Talaga?”
    “Yeap!” pagmamalaki ni Migs.
    “I think nagkamali ako na patuluyin ka sa bahay. Ang yabang mo din pala ano?” Saad ni Gail.
    Ngumiti na lamng si Migs sa tilang napipikon nang si Gail. Pumuntang kusina si Gail para kunin ang toasted bread. Nagluto din ito ng sunny-side-up egg, ham at inilabas din niya ang cheese spread.
    “Coffee?” Tanong ni Gail.
    “Tea?” Muling tanong ni Gail.
    “Juice? “ Dagdag ni Gail.
    Nakatitig lang sa kanya si Migs at nakangiti. Inayos nito ang pagkakaupo at hinila ang upuan papalapit sa lamesa para lalong malapitan si Gail. Nakatingin na din sa kanya ang babae na tila hindi kumportable sa pagtitig ni Migs.
    “Mas maganda ka pala kung walang make-up. Yung ganyan lang.” nakangiting saad ni Migs.
    “Okay, Water na lang. Sayang ipagtitimpla pa naman sana kita.” Inis na sagot ni Gail.
    “Haha. Sige coffee…please?” saad ni Migs.
    Hindi pa rin nilubayan ni Migs ng titig si Gail. Napakaganda naman kasi ng babae, lalo na sa ayos niya. Seksi siyang tignan sa kanyang suot na shorts at simpleng t-shirt.
    “Okay, coffee. “
    “Thanks.”
    “May dumi ba sa mukha ko?”
    “Wala naman. Bakit?”
    “Ahh. Kasi feeling ko meron eh.”
    “Hehe. Wala, ganda mo nga eh.”
    “Oh heto na coffee mo. Ikaw na maglagay ng asukal, creamer at coffee na din.”
    “Oh! Akala ko ba ipagtitimpla mo ako.”
    “Ahh.. Sorry po ha. Nawalan na po kasi ako ng gana eh.” Saad ni Gail na naasar dahil sa pagtitig ni Migs.
    “Ganun? Akala ko pa naman.”
    “Madaming namatay sa maling akala…po! And please, huwag na kayo tumititg sa akin…po!”
    “Ahh okay I get it. Sorry na. I just can’t help it. I just can’t take my eyes off you.”
    “Can’t take my eyes off you?! Dukutin ko kaya yang mata mo.”
    “Haha. Huwag naman. Sorry na. Oh ayan hindi na ako titingin sa iyo.” Saad ni Migs.
    “Thank you. Well appreciated.” Saad ni Gail at sabay kinuha muli ang tasa ni Migs at ipinagtimpla na niya ito ng kape. Panay naman ang sulyap ni Migs sa kanya at natatawa pa ito dahil nahuhuli pa din siyang tumitingin sa kanya.
    “Oh! Heto na kape mo sir.”
    “Thanks!” Nakangiting saad ni Migs. Kumuha na din siya ng tinapay at ham, at tahimik na kumain. Si Gail naman ang pasimpleng tumitingin sa kanya. Nabibigla pa din siya sa pagkakataong kaharap niya ang lalaking nakilala lang niya kagabi.

    8:45AM New Manila

    Nagising naman si Anthony dahil may taong kumakatok at nagdodoorbell. Hirap pa siyang bumangon at tila nagtataka ito kung bakit siya nakahiga sa sahig ng kanilang sala. Napansin din niya ang mga gamot na naka-kalat sa sahig. Hinang-hina siyang naglakad papunta sa pintuan para pagbuksan ang taong kanina pang kumakatok.
    “Oh! Dess, ikaw pala. Pasok ka.”
    “Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawagan eh. Kagabi kasi bigla ka na lang nawala sa kabilang line.”
    “Ah. Oo okay lang ako.” Mahinang sagot ni Anthony sa dalaga.
    Pagpunta nila sa sala, nakita ni Dess ang mga nakakalat na gamot sa sahig.
    “Jesus. Anong nangyari dito? Okay ka lang ba talaga ha?” saad ni Dess habang dindampot ang mga gamot at binabalik sa isang container at ang iba naman ay sa bote.
    “I think you are not okay Anthony. Ano na lang ang mangyayari sa iyo niyan. Paano na lang kung bigla ka na lang himatayin ulet at tumama ang ulo mo sa sahig?” pag-aalalang sambit ni Dess.
    “I can take care of myself. Buhay pa naman ako di ba? So you don’t need to worry.” Saad ni Anthony.
    “No it’s not okay.” Saad ni Dess.
    “It should be okay. May choice ba ako? Wala akong choice Dess! For god damn reason wala akong choice but to take good care of myself..All by myself! Alone! “ Galit na saad ni Anthony. Agad naman siyang umubo ng tuloy-tuloy. Nilapitan siya ni Dess at binigyan ng tubig.
    “You had a choice Anthony. Bakit mo ginagawa sa sarili mo ito? You don’t deserve this.”
    “Then what would by my option? Wala na sa tabi ko ang asawa ko. Wala si Gail. And I don’t know where the hell she is right now. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.” Saad ni Anthony habang may luhang tumulo sa kanyang mga mata.
    “I am here for you Anthony. I know how you feel.” Sabay yakap ni Dess kay Anthony. Naawa siya sa kalagayan nito dahil walang nagaalaga sa kanya, lalo na at kinakailangan niya ito sa mga panahong iyon.

    9:00AM – Lipa, Batangas

    “Thanks sa breakfast. Nabusog talaga ako.”
    “You’re welcome. Ingat ka na lang sa biyahe mo. And please close the door when you leave. Pati pala yung gate. Okay?” Nakangiting saad ni Gail.
    “O..kay.” Saad ni Migs sabay labas ng resthouse.
    Nagsimulang ligpitin ni Gail ang pinagkainan nila ni Migs. Dinala niya ito sa kusina upang hugasan. Nahihiya na din kasi siyang i-asa sa katiwala ng bahay ang mga hugasin kung kaya’t nagkusa na lamang siyang gawin ito. Pagkatapos nito ay dinala niya ang kanyang kape at aakyat na sana siya sa kanyang kuwarto, nang bigla niyang nakasalubong si Migs na may hawak na bag.
    “Oh! Naandito ka pa pala? At bakit bitbit mo yang bag mo?” pagtataka ni Gail.
    “Aakyat na ako.” Sagot ni Migs
    “Woah! Wait a minute. Aakyat ka saan? I don’t get it.”
    “Aakyat na ako sa kuwarto ko. I need to rest. Matutulog siguro ako ng ilang oras. Sakit na ng mata ko.”
    “Kuwarto mo? Hibang ka ba? Hindi porket nag breakfast ka dito, eh dito ka na din matutulog.”
    “Of course dito ako matutulog. Kaya padaan na at aakyat na ako.” Saad ni Migs.
    Umakyat na si Migs at sinusundan siya ni Gail. Bakas sa mukha ni Gail ang pagkagulat at pagkalito sa ikinikilos ni Migs. Maya-maya pa ay huminto si Migs sa pinto na malapit sa may hagdanan.
    “Oooops! What are you doing? That’s my room.” Saad ni Gail habang naka-block siya si pintuan ng kuwarto.
    “Anong sinasabi mo? Kuwarto ko ito. Kaya dito ako matutulog.”
    “Alam ko. Tatawag ako ng pulis. Ang weird weird mo. Nakakatakot ka na. MANONG! Tulungan niyo ako!” sigaw ni Gail dahil sa takot.
    “Sinong manong? Si Ben? Sige tawagin mo kung gusto mo. Tumabi ka na diyan miss at inaantok na ako.”
    “Hindi ka puwedeng pumasok dito dahil kuwarto ko ito? Okay? Naiintindihan mo ba? Madami pang kuwarto dito. Doon ka sa dulo o kaya sa third floor. MANOOOOONG!”
    Ngumiti si Migs kay Gail at natatawa ito sa mga nangyayari.
    “This is my room. I can prove it to you.” Saad ni Migs.
    “Sige nga! Para mapahiya ka. At pag hindi mo napatunayan, lilipat ka na ng room. Ay! Hindi pala! Aaalis ka na ng bahay na ito!” sagot ni Gail.
    “Hmm.. Paano ba? Yung study table ko nakaharap siya sa bintana facing the golf course.” Saad ni Migs.
    “Eeeeeennnnnkkk! Mali ka! Walang study table diyan! Huh! 1 point na ako. Hanggang 3 points lang ha!”
    “So tinanggal na pala nila study table ko. Hindi ko alam yun ah!”
    Napakamot na lamang sa ulo si Migs. Nagiisip pa siya ng puwede sabihin kay Gail para patunayan ang sarili.
    “Ah alam ko na! May cabinet ako diyan na color orange. Nandoon lahat ng mga projects ko nung nag-aaral pa ako! Color Orange na Cabinet!”
    “Ahhhhhh yung color orange na cabinet!!” saad ni Gail. “EEEEEEENNNNNNNKKKKKKK!! Mali ka pa din. 2 points na ako. Haha! Dali na isip ka pa para bingo ka na!” biro ni Gail. Masaya ito dahil nakakadalawang mali na si Migs.
    “Ayos ah! Pati yung cabinet nay un tinanggal nila? Hmmm.” Nagiisip muli si Migs para sa kanyang huling alas upang mapatunayang sa kanya ang kuwartong tinutulugan ni Gail.
    “Ahhh alam ko na. Hehe.” Napapangiting saad ni Migs.
    “Go! Sabihin mo na! Para matapos na ito!” saad ni Gail habang lalong itinaas ang kamay pahalang sa pinto.
    “Bakit hindi ko agad naisip yun?!” Saad ni Migs kasabay ng isang malalim na buntong-hininga.
    “Ano nga?? Bilisan mo at nangangawit na ako!” saad ni Gail habang nakapamaywang.
    “May painting diyan. Sa loob ng kuwarto. The Antagonist ang title. Pininta…ni Cold Winter.” Saad ni Migs habang nakatingin sa mga mata ni Gail.
    Biglang naibaba ni Gail ang kanina pang nakataas at nakaharang na kamay sa may pintuan. Nagulat siya dahil alam nito ang painting na matagal na niyang tinititigan. “Alam mo yun?” saad ni Gail.
    “Oo naman. Siyempre alam ko yun.” Saad ni Migs at dahan dahang lumapit kay Gail. Inilapit nito ang kanyang mukha sa babae at tumitig muli sa mga mata.
    “B-Bakit Alam mo yun?” Nangangatal na sagot ni Gail habang umiiwas sa mga tingin ni Migs.
    “Alam ko yun. Alam ko kung paano iyon ginawa, iginuhit, tinapos. Alam ko yun. Dahil ako ang gumuhit nun.” Saad ni Migs.
    Nanlaki ang mga mata ni Gail sa narinig. Nagulat siya sa mga sinabi ni Migs sa kanya. “I-Ikaw? Ikaw si Cold Winter?” tanong niya.
    Sinagot na lamang siya ng ngiti ng lalaki. Binuhat muli ang kanyang bag at binuksan ang pintuan ng kuwarto. Pagbukas nito ay agad hinanap ang painting na nakakabit sa dingding. Tinitigan niya ito at tila nanginginig siya na muling nasilayan kanyang nilikha.
    “Sa dinami-dami nang dapat matagal nang itinapon sa kuwartong ito, ito pa talaga ang itinira nila. Basura!” saad ni Migs habang may gumigilid na luha sa kanyang mata. Tinanggal niya ito sa pagkakasabit at akmang ihahampas sa sahig nang biglang pinigilan siya ni Gail at nahawakan nito ang kabilang dulo.
    “Huwag! Anong ginagawa mo?” Saad ni Gail.
    “Ito ang dahilan kung bakit ako umalis sa lugar na ito. Ang mga paintings na tulad nito ang sumira sa lahat ng mga pangarap ko. At ikaw. Ikaw ang nagpabalik sa akin sa lugar na ito dahil sa Cold Winter na yan! Anong karapatan mo para gamitin ang pangalang matagal ko nang kinasusuklaman?” Saad ni Migs habang patuloy siya sa paghawak sa painting na gusto niyang sirain.
    “Bitiwan mo!”
    “Ayoko! Please huwag mong sirain.”
    “Akin na. Sabing bitiwan mo!” saad ni Migs habang pilit na kinukuha ang painting kay Gail.
    Niyakap naman ni Gail ang painting na hawak ni Migs para hindi na niya ito tuluyang masira.
    “Huwag mong sirain please? Aalis ako kung yan ang gusto mo. Iwan mo lang ang painting na ito nang buo.”
    Walang nagawa si Migs at naisip nitong masasaktan si Gail kung ipipilit niya pang agawin ang painting. Binitawan na lamang niya ito at umupo sa dulo ng kama.
    Sinundan ng tingin ni Gail si Migs at maya-maya pa ay tumayo ito upang itabi ang painting. Nakita niya ang labis na pag-iyak ni Migs habang nakaupo sa kama. Nilapitan niya ito at bigla na lamang niyakap.
    Yumakap ng mahigpit si Migs kay Gail. Hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak.
    Maya-maya’y kumalas sa pagkakayakap si Migs at hinalikan sa labi ang babae. Hindi na nakaiwas si Gail sa nangyari. At sa pagkabigla nito ay napayuko na lamang siya.
    “Sorry kung ginamit ko yung pangalan na yun. Sorry kung apektado ako sa painting mo. Naging mahalaga din ito sa akin lalo na sa pag-iisa ko.” Saad ni Gail.
    Hinawakan ni Migs ang kanyang baba at inangat ang magandang mukha ni Gail. Pinunasan nito ang mga luha niya at hinalikan siya muli ni Migs. Lumaban na din ng halik si Gail at hindi na niya nakontrol ang sarili. Nawala na din siya sa kanyang sarili kung kaya’t nagpaubaya na lamang siya kay Migs.
    Ibang init ang nadama ni Gail sa bawat halik at haplos ni Migs sa kanya. Pakiramdam na matagal na niyang hindi nadarama kay Anthony.
    Alam ni Gail na bawal ang kanyang ginagawa ngunit nawalan na siya ng control sa kanyang sarili. Mali man ito sa tingin ng iba, ngunit ang nadarama niya ngayon ay hindi na niya mapipigilan pa.
    Maya-maya ay gumapang na ang kamay ni Migs papunta sa kanyang dibdib. Tila nanginig ang buong katawan ni Gail at pinigilan ang mga kamay ng binata.
    “Huwag. Please huwag mong gawin ito. Hindi puwede.” Biglang tumayo si Gail, binitbit ang painting at dali-daling umalis sa kuwarto ni Migs.
    Dumiretso ito sa dulong kwarto ng second floor. Nakatulala at iniisip niya ang mga nagyari sa kanila ni Migs. Akala niya’y tuluyan nang bibigay siya sa kagustuhan ng binata. Nadala din siya ng kanyang emosiyon at tila nagustuhan din niya ang mga halik sa kanya ni Migs.
    Ibababa na sana niya ang painting nang biglang may kumatok sa kanyang kuwarto. Bumilis muli ang kabog sa dibdib ni Gail at agad binuksan ang pinto.
    “I think this belongs to you.” Saad ni Migs habang bitbit ang maleta ni Gail. Dinala ni Migs ito sa kuwarto niya.
    “S-Salamat.” Nakayukong sambit ni Gail habang inaabot ang dalang maleta.
    “Okay ka lang ba?” pagusisa ni Migs. Tila nag-aalala sa magandang babae.
    “Ayos lang ako. Ikaw? Okay ka na ba?” saad ni Gail sabay tingin sa mga mata ni binata.
    “Oo. Okay na ako.” Mahinang sagot ni Migs. Ngumiti na siya kay Gail at bumalik na muli ang maamo niyang mukha.
    Napansin ni Migs na ibang-iba ang ikinikilos niya sa tuwing kasama niya si Gail. Kahit pareho silang estranghero sa isa’t isa, tila matagal na silang magkakilala. May kakaibang saya siyang nadarama at may pag-aalalang ngayon lang ulit niya naibabahagi sa isang babae.

    -----------------------------------------------------------------------------------

    EPILOGUE

    Naglalakad na siyang papalayo sa kuwarto ni Gail, nang bigla siyang lumingon ulit at nagtanong sa kanya.

    “So, malamang hindi Cold Winter ang pangalan mo.”
    “Hmmm. Puwede. Puwedeng oo at Puwedeng hindi.”
    “Hindi puwede iyon! Madaya ka. Alam mo na pangalan ko eh hindi ba?” sagot ni Migs.
    “Nakalimutan ko na.”saad ni Gail.
    Napakamot sa ulo ang binata at lumapit muli kay Gail.
    “Okay sige ulitin natin.. Hello miss, ako nga pala si Miguel. But you can call me Migs. Ikaw, anong pangalan mo? Nakangiti at nakatitig sa mga mata ni Gail.
    Tila kinikilig si Gail sa tuwing tumititig sa kanya si Migs.
    “Abigail.” Maikling sagot ni Gail.

    END OF CHAPTER 3

    Itutuloy…

  10. #10
    Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta. Maraming salamat sa paghihintay.

    God Bless Us All.

    For God be the Glory!!

  11. #11
    Salamat sa mga nagbabasa.

  12. #12
    ANG SUSUNOD NA CHAPTER AY RATED SPG.

  13. #13
    "I'm sorry. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito."
    "Hindi mo kailangang humingi ng sorry kasi ginusto ko din ito."
    "No. Mali ito. I took advantage of you."
    "I also did. I took advantage of the situation."
    "Mahal ko ang asawa ko. I'm sorry. This should not happen again."
    "Wala siya sa tabi mo. Ako ang nandito."
    "Hindi tama ang ginagawa niya. Pero mali ang ginawa ko. Dess, kasalanan ito. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Gail. Patawarin mo ako."
    "Mali na kung mali Anthony. Nasasaktan ako kasi gusto kita. Kasi mahal kita."
    "I'm sorry kung nasasaktan ka. Mas lalo kang masasktan kung magpapatuloy ito. Kung magkikita pa tayo ulet. I hate to tell you this, but you have to stop loving me. I'm a married man and you deserve better."

    Tumayo si Anthony mula sa kama at sinuot ang kanyang damit na nakakalat sa sahig. Dumiretso ito ng banyo. Habang si Dess naman ay patuloy ang pag-iyak dahil hindi matanggap ang mga sinabi ng lalaki.

    Chapter 4 – DoMiNo

    Twelve hours ago.


    8:18AM - Lipa, Batangas

    Late nang nagising si Gail. Hindi kasi ito nakatulog agad kagabi dahil magdamag niyang hinintay ang pagbalik ni Migs mula sa gimik. Gusto niya sana kausapin ang binata ngunit umalis ito at halos umaga na nang dumating. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas otso na ng umaga at kahit antok na antok pa ay pinilit niya ang sarili na bumangon na at maghilamos. Pagpunta niya ng banyo, naalala niyang nasa ibang kuwarto na nga pala siya at nalimutan nitong kunin ang ibang mga gamit niya sa kabila. Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo at iniisip na katukin na lamang si Migs. Ngunit nagdadalawang isip siya kung gagawin niya ito dahil nahihiya pa siya sa binata. Naupo muna ito sa dulo ng kama upang makapag-isip. Nang biglang naalala niya ang mga underwear niya na nasa drawer ng cabinet at may isa pang nakasampay sa banyo. Parang naihi sa kaba si Gail at inisip nito kailangan niyang makuha ang gamit niyang nandoon sa kabilang kuwarto at nakakahiya naman kay Migs lalo na ang nakasampay na T-back sa banyo na ginamit niya nang siya ay lumabas para mag-bar. Dali daling lumabas ito ng kuwarto. At nang makarating sa tapat ng pintuan ni Migs, ay atras-abante ito kung itutuloy ba niya ang pagkatok o hindi. Maya-maya pa ay huminga ito ng malalim at tinuloy ang pagkatok sa pinto. Ngunit walang reaksiyon mula sa loob at tila yata tulog pa ang binata. Sinubukan muli nitong kumatok ngunit wala pa rin. Napakagat na si gail sa kanyang kuko sa sobrang kaba niya. Kumatok ulit siya at sinubukang iikot ang doorknob ng pintuan. Nagulat siya nang bumukas ito at hindi pala naglock si Migs ng kanyang kuwarto. Pinasok muna nito ang kanyang ulo para sumilip, at nakita niyang may nakaumbok sa may kama. Naisip niyang tulog pa marahil si Migs at mas magandang pagkakataon ito para kunin ang kanyang mga gamit na naiwan niya. Dahan-dahan itong nagpunta sa cabinet at walang ingay na naglakad. Binuksan niya ang drawer at nakita na niya ang mga underwear niya sa loob. Kinuha na ni Gail ang mga ito at marahang isinara ang drawer. Ngayon naman ay papunta na itong banyo para kunin ang underwear niyang nakasampay sa loob. Nang malapit na ito sa pinto, may narinig itong tila may naliligo sa loob. Biglang natigilan si Gail at dahan-dahang lumingon sa kama para tignan si Migs at laking gulat niyang natakpan lamang pala ng kumot ang malaki niyang bag at mga unan na napagkamalan niyang taong nakahiga. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng banyo at parang slow motion pang lumingon si Gail. Mula sa banyo, lumabas si Migs nang nakahubad at pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok. Nagkatinginan ng ilang segundo sina Migs at Gail. Sabay nabaling ang atensiyon ni Gail sa maskuladong katawan ng binata, pababa sa abs nito hanggang sa tuluyang napatingin sa ari ng binata. Biglang bumalik ang magandang babae sa kanyang sarili at napatingin ulit kay Migs.
    "Oh ****!" Sabay takip ni Migs sa kanyang harapan at dali daling tumalikod. Naalala niya na hubad din ang kanyang likuran at bigla nitong tinakpan ang nakabuyangyang na puwet.
    "Waaaaaaaahhhhhhhhh" sigaw ni Gail habang tumakbo papalayo sa kuwarto ni Migs. Agad-agad na naglock sa tinutuluyang silid.
    Nakanganga at natulala si Gail sa mga nangyari. Hindi maalis sa isip niya ang kahihiyang ginawa niya sa harapan ni Migs. Hindi rin niya maalis sa isip nito ang katawang nasilayan. Hanggang sa parang baliw na tumatawa sa kanyang sarili habang yakap-yakap ang mga underwear na kinuha niya sa drawer.

    8:20AM - New Manila

    Nagtimpla ng kape si Anthony at naglagay ng cereal sa isang bowl. Nagdagdag ito ng gatas at isang kutsarang asukal dahil napadami niya ang lagay ng kape sa kanyang inumin. Habang siya ay nag aalmusal, ay biglang tumunog ang doorbell niya. Tumingin ito sa orasan at tila maagang pagbisita naman ito para sa kanya. Tumayo na lamang siya at pinagbuksan ito.
    "Oh Dess ikaw pala yan. Agang bisita yan ah." pabirong sambit ni Anthony.
    "Eh diba sabi ko nga sayo lagi kita pupuntahan dito." magiliw na sagot ni Dess. Isang disenteng babae si Dess. Kahit simpleng manamit ay kitang kita pa din ang alindog at hubog ng kanyang seksing pangangatawan. Litaw na litaw din ang kayumangging balat at pinay na pinay na kagandahan.
    "Naku! Baka masanay ako niyan. Hanap-hanapin ko yan."
    "Hehe ikaw ang bahala. Basta ako, sabi ko sayo na aalagaan kita. Free of charge."
    "Makakatanggi pa ba ako sa alok mo? Hehe. Salamat Dess." nakangiting saad ni Anthony.
    "Naku, tama na nga yang drama na yan. Mabuti pa ipagluluto na lang kita ng almusal."
    "Nag-aalmusal na kaya ako."
    "Ito ang almusal mo?" sabay turo sa isang tasang kape at isang mangkok ng cereal na may gatas. "Naku, hindi puwede sa akin yan. Ipagluluto kita ng matinong almusal."
    "Huwag na. Okay na ako dito. Well in fact, ganito talaga ako mag breakfast."
    "Hindi puwede. Ipagluluto kita. Maupo ka lang diyan at antayin mo. Give me 5 minutes okay?!"
    "Okay. Ikaw bahala." saad ni Anthony habang biglang napaubo ito ng sunod-sunod. Sa isip niya, ayos na din at kasama niya si Dess, dahil may nakakausap siya at hindi niya masyadong naiisip ang iba pa niyang problema. Maliban na lamang kay Gail na kahit anong gawin niya ay nasa puso't isipan niya ito.

    9:31AM - Lipa, Batangas

    Pagkatapos magshower ni Gail, ay bumaba na ito para mag-almusal. Pagkadating niya sa may dining room ay nakita niya si Migs na nakaupo at nagbabasa ng diyaryo. Hindi niya alam kung didiretso ba ito sa lamesa o sa may kitchen na lang siya magkakape. Dahan-dahan ito naglakad papuntang kitchen nang biglang..
    "Abi, kain tayo." saad ni Migs.
    Ngayon na lang ulit siya natawag na Abi. Hindi ito sanay sa ganoong palayaw dahil lagi siya tinatawag na Gail.
    "Oo sige. Magtitimpla lang ako ng kape." sagot ni Gail.
    "Huwag na. Ipinagtimpla na kita ng kape. Tikman mo kapeng barako namin dito sa Batangas." saad ni Migs habang patuloy pa din ito sa pagbabasa ng diyaryo.
    Wala nang nagawa si Gail kundi lumapit at umupo sa lamesa.
    "Para saan naman ito at bakit mo ako ipinagtimpla?" mahinang saad ni Gail.
    "Wala lang. Para quits-quits na tayo." sabay kindat sa magandang babae. Ibinaba na ni Migs ang binabasang diyaryo at nagsimulang kumain ng agahan.
    Napalunok naman si Gail nang makindatan siya ni Migs at maya-maya pa ay kinuha niya ang kanyang tinidor para kumuha ng ulam.
    "Nag-enjoy ka ba?" saad ni Migs.
    Patusok na sana si Gail sa isang hotdog nang bigla itong mataranta sa tanong ni Migs.
    "huh? N-nag enjoy sa-an? Sa ano?" saad ni Gail sabay lunok sa kanyang laway.
    "Saan pa? Edi sa bago mong kuwarto." nakangiting saad ni Migs.
    "Ahhhh. Hah! Eh okay naman. Ayos naman. Aprub" tulirong sagot ni Gail at tuluyan na niyang tinusok ang hotdog.
    "Good! Buti naman nag enjoy ka." saad ni Migs na tila may nais ipahiwatig.
    Hindi na lamang siya pinansin ni Gail at kinagat ang hotdog. Nakatingin naman si Migs sa kanya habang kumakain.
    "Siya nga pala Migs, sorry ha." saad ni Gail.
    "huh? Yun ba? Ah eh, naku wala yun. Sanay naman na ako sa ganun. Lagi naman ako nakikitang naka ganun." nakangiting sagot ni Migs.
    "huh? Ano yun?" tanong ni Gail.
    "Yun. Yung kanina diba." saad ni Migs.
    Namula naman si Gail sa sinabi ni Migs at pinaalala pa nito ang nangyari kanina.
    "What I'm saying is, yung kahapon. Sorry kung hinarangan pa kita umakyat. Yun pala bahay niyo ito." nakayukong saad ni Gail.
    Nanlaki ang mata ni Migs dahil napahiya ito sa sinabi niya sa magandang babae.
    "Ah yun ba? Sorry, este, ayos lang yun. Wala yun." saad ni Migs at dirediretsong sumubo ng kanin at ulam.
    Ilang minutong katahimikan at walang kibuan. Hanggang natapos na sila kumain ng agahan.
    "Oo nga pala Migs, di ba sabi mo bibisitahin mo mommy mo? Saan ba siya nakatira? Malapit lang ba dito?" paguusisa ni Gail.
    Pansamantalang natigilan ang binata, sabay inom ng kape.
    "May lakad ka ba? O may gagawin ka ngayon? Tanong ni Migs kay Gail.
    "Wala naman. Bakit?" sagot ng babae habang inuubos ang kape.
    "Samahan mo naman ako. Sama ka sa akin, bisitahin ko si mommy." saad ni Migs at tila kinukumbinsi si Gail para samahan siya.
    "Sige okay lang. Para makapamasyal din." nakangiting sagot ni Gail.

    11:30AM - Hospital

    Sinamahan ni Dess si Anthony sa hospital para magpa-chemo. Siya na lang din ang nagdrive para marelax at maging ready si Anthony sa gagawin niya mamaya.
    Habang nasa parking lot..
    "Dess, salamat ha. Laking abala ko sayo."
    "Sira. Ako naman nag-insist di ba. Wala iyon."
    "Kahit na. Baka kasi magsawa ka."
    "Itigil mo na yang dramarama sa umaga."
    "Hehe."
    "Magpagaling ka. Kahit yun na lang bayad mo."
    "Okay. Oo nga pala, kamusta na tatay mo? Baka mas kailangan ka niya."
    "Bukas pa ang chemo schedule nun. Tsaka kasama nun si mama. Kaya huwag ka mag-alala."
    "Ah okay. Sige aakyat na ako. Kung gusto mo na umuwi okay lang. Huwag mo na ako hintayin."
    "Hindi. Hihintayin kita. Huwag mo ako aalalahanin. Sige na akyat ka na."
    "Sigurado ka?"
    "Opo." nakangiting saad ni Dess kay Anthony. Ang ngiting iyon ng dalaga ang assurance ni Anthony na okay lang si Dess na mag-antay at ipagdrive siya mamaya pauwi.

    12:30PM - Malvar, Batangas

    Masayang nagkuwentuhan sina Migs at Gail habang nasa biyahe. Nagpatugtog pa ang binata ng mga gustong kanta ng magandang babae. Ngayon lang ulet nagkakalapit at nagkakakilanlan ang dalawa at labis ang tuwang nadarama ni Migs. Pakiramdam niya ay ngayon na lang ulet siya tumawa ng malakas sa napakatagal na panahon.
    Maya-maya ay tumigil sila sa isang memorial park. May dinaanan din silang bulaklak at kandila bago pumasok doon. Pagkababa nila ng kotse ay napapaisip si Gail sa kanilang dadalawin. Medyo malayo ang kanilang nilakad hanggang narating nila ang puntod ng isang nagngangalang Anita Lumen Reyes Go. Tumabi na lamang siya at pinanood si Migs na magsindi ng kandila at nilapag ang dalang bulaklak sa gitna. Itinabi naman ni Migs ang mga lantang bulaklak sa isang lugar at binunot ang ibang mga damo sa gilid ng puntod. Tumayo na muli si Migs at lumapit kay Gail. Tumingin sa kanya si Gail at nakita nitong nakapikit ang binata at taimtim na nagdadasal. Yumuko na lamang din siya at nagdasal.
    "Salamat Abi at sinamahan mo akong bisitahin si mommy. Mi, si Abi po. Kaibigan ko." saad ni Migs habang pinapakilala ang mommy niya kay Gail.
    "Hi po." sagot ni Gail. Hindi niya alam kung anong gagawin. Tumingin sa kanya si Migs at natawa ng mahina.
    "Sorry ha, pero ano kinamatay niya?"
    "Cancer sa ovary."
    "Ahh ganun ba? Sorry ulet."
    "Matagal niyang pinaglabanan ang sakit na yan. Ako lang nasa tabi niya."
    "Eh ang daddy mo?"
    "Ayun, nasa piling ng ibang babae ang ****. Sorry mommy. Galit ako sa Daddy. Iniwan niya si mommy nung nalamang may sakit. **** yun eh. Hindi na lang siya ang namatay."
    Napayuko na lang si Gail sa mga narinig kay Migs. At naramdaman niya ang galit na nasa puso ng binata.
    "Si mommy, mahal ko yan. Siya ang unang fan ko bilang artist. Lahat ng gawa ko tinatago niyan. Siya pa nagencourage sa akin na gumawa ng gallery o gumawa ng exhibit."
    "Ahh bait pala ng mommy mo."
    "Oo naman. Kaso binigo ko siya. Binigo ko lahat ng tao sa paligid ko. Hayyyy. Ayoko na." saad ni Migs habang nakayuko at sinisipa ang isang batong nakakalat sa lupa.
    "Eto naman. Iniisip na bigo agad. Ang bata-bata mo pa. Di ba mommy, bata pa si Migs at marami pa siyang puwedeng patunayan?" saad ni Gail na tila kinakausap ng harapan ang mommy ng binata. Napatingin na lang si Migs sa kanya at nagulat sa nadinig mula kay Gail.
    "Hayaan niyo mommy, isusumbong ko lahat sa inyo ang mga kalokohan ni Migs hanggang hindi siya tumitino." saad ni Gail sabay kindat kay Migs.
    Natawa at napakamot na lang sa ulo ang binata. Nakita niya kung gaano ka-positibo si Gail at tila hinihikayat pa siyang magbago. Ang ngiting nakita niya sa magandang babae na lalong nagpapahulog sa kanyang kalooban.
    "Tara na, buka sumagot pa si mommy sayo. Mi, alis na kami. Mahal na mahal kita mommy." saad ni Migs sabay punas sa mata at hindi niya napigilang lumuha.
    "Oh mommy oh, umiiyak si Migs. Nako!" pabirong saad ni Gail.
    "Siya na bahala sa akin mommy." saad ni Migs.
    Nabigla si Gail sa nadinig at parang na on-the-spot siya sa nangyari. Hindi na lamang siya kumibo at nagsimulang maglakad papalayo. Nilingon naman siya ni Migs at sabay hablot at hawak sa kamay ni Gail. Hindi na nakapalag ang magandang babae at mabilis silang naglalakad papuntang sasakyan. Napakatindi at napakabilis ng tibok ng puso ni Gail habang hawak ang kamay ni Migs. Hindi ito lumilingon sa kanya at tanging likuran lamang ng binata ang kanyang nakikita.
    "Punta tayong Tagaytay. Mageenjoy tayo." saad ni Migs at sinimulang paandarin ang kotse. Ngumiti na lamang si Gail bilang tugon at agad itong tumingin sa labas dahil sa dami ng gumugulo sa kanyang puso at isipan.

    5:38PM - New Manila

    Makalipas ang ilang oras ay nakabalik na din sa bahay sina Anthony at Dess galing hospital dahil sa naka-schedule na chemo session. Pagkapasok ng bahay ay nagsabi si Dess na ipagluluto na din niya ng hapunan si Anthony bago siya umuwi. Hindi na rin napigilan ang dalaga sa gusto nitong gawin kaya hinayaan na lamang niya ito. Dumiretso na lamang si Anthony sa kanyang kuwarto at nahiga.
    Pagkatapos magluto ni Dess ay nagpaalam ito kay Anthony na maliligo muna siya bago sila kumain. Pagkapayag ni Anthony ay tila napaisip siya dahil may babaeng naliligo sa kanilang banyo maliban sa kaniya asawa. Hanggang sa naglaro na ang maduming isip ni Anthony. Iniimagine niya si Gail ang naliligo at nagreready na bago sila magromansahan. Ipinasok ni Anthony ang kanyang kanang kamay sa loob ng suot na jogging pants at hinimas ang medyo matigas na niyang ari. Kahit nanghihina pa siya ay buo ang loob nitong magpalabas. Napapapikit na si Anthony at tuluyang nagpakasarap sa kanyang ginagawa.
    Maya-maya sa pagdilat niya ay hindi niya namalayan si Dess na pumasok sa kuwarto niya para tawaging kumain. Nataranta si Anthony at biglang pasok ng alaga nito sa loob ulit ng jogging pants. Dahan-dahang nilapitan siya ni Dess.
    "Hayaan mong ako na ang gumawa."
    "Huwag Dess. Hindi maaari."
    "Okay lang sa akin Anthony. Hayaan mo ako." saad ni Dess sabay lagay ng palad sa gitnang bahagi ng jogging pants ng lalaki. Napaunat si Anthony sa ginawa ni Dess at hindi na niya napigilan ang mga sumunod na nangyari. Tuluyan na siyang naakit ng dalaga at pinainit nang kanyang seksing katawan. Hindi nagkanda-tuto si Anthony sa lusog ng mga dibdib ni Dess habang hawak niya ito.
    Maya-maya ay nagsimula nang gumala ang kamay ni Dess sa buong katawan ng lalaki.
    "Dess huwag. Mali ito." saad ni Anthony ngunit tila nagbingi-bingihan ang babae at patuloy pa rin ito sa ginagawang pagpapaligaya.
    Tuluyan nang nawal sa sarili si Anthony at bumigay na rin siya sa tawag ng laman. Ilang oras din sila nagkaniig ng dalaga at naghalo ang kanilang mga pawis, matitinding paghabol sa kanilang hininga at kakaibang ligaya habang magkadikit ang kanilang katawan.
    Ilang saglit lang at sumabog na sa kaligayahan ang lalaki marahil sa matagal na itong hindi nakikipagtalik sa asawa at nabaling na lamang sa tuksong sinapit niya kay Dess.
    Pakalipas ng ilang oras, ay humiga na si Dess sa tabi ni Anthony. Yumakap ito ng mahigpit. Samantalang si Anthony ay hinang-hina sa mga nangyari hanggang sa nakatulog ito ng saglit.

    8:18PM – New Manila

    Naalimpungatan si Anthony dahil bigla itong inubo. Namalayan niyang may nakayakap sa kanyang babae. Naaalala ang nangyari at tila nabagabag siya. Tumingin sa kanya si Dess, sabay bangon at naupo sa tabi ni Anthony. Yumakap ito sa lalaki.
    "Mali ito. Hindi puwede ito." umalis siya sa pagkakayakap kay Dess at umupo sa dulo ng kama.
    "I'm sorry. Hindi ko dapat hinayaang mangyari ito."
    "Hindi mo kailangang humingi ng sorry kasi ginusto ko din ito."
    "No. Mali ito. I took advantage of you."
    "I did. I took advantage of the situation."
    "Mahal ko ang asawa ko. I'm sorry. This should not happen again."
    "Wala siya sa tabi mo. Ako ang nandito."
    "Hindi tama ang ginagawa niya. Pero mali ang ginawa ko. Dess, kasalanan ito. Mahal ko ang asawa ko. Mahal ko si Gail. Patawarin mo ako."
    "Mali na kung mali Anthony. Nasasaktan ako kasi gusto kita. Kasi mahal kita."
    "I'm sorry kung nasasaktan ka. Mas lalo kang masasktan kung magpapatuloy ito. Kung magkikita pa tayo ulet. I hate to tell you this, but you have to stop loving me. I'm a married man and you deserve better."


    ---------------------------------------------------------------------------------
    EPILOGUE

    Habang nasa Tagaytay, masayang masaya si Migs dahil sa wakas ay kasama niya ang isang babae na sa tingin niya ay magpapabago sa kanyang buhay. Tuluyan na siyang nahulog kay Gail.

    Habang nasa banyo, walang tigil si Anthony sa pagsisisi niya sa ginawang kasalanan at nadala siya sa tukso ng laman. Tuluyan na siyang nahuhulog sa isang madilim na lugar at pakiramdam niya ay hindi na siya makakaahon pa.

    Ang simula ng pagtumba at pagbagsak ng isang relasyong patuloy na nagugulo, at ang hangganan nito'y hindi pa matiyak kung matutuluyan sa pagkasira at hindi na makakaahon pa.


    END OF CHAPTER 4.

    Itutuloy..

  14. #14
    Kakatapos ko lang basahin lahat hayy nakarelate ako sa ibang characters.. Ganda! Kaabang abang..

  15. #15
    Hi melala. Maraming salamat sa pagbasa.

  16. #16
    alcoholic Vit@min_C's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Dirty Young Man
    nice story ts

  17. #17
    alcoholic Vit@min_C's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Dirty Young Man
    Quote Originally Posted by melala View Post
    Kakatapos ko lang basahin lahat hayy nakarelate ako sa ibang characters.. Ganda! Kaabang abang..
    kay gail o kay dess?

  18. #18
    ^ Kay Anthony! Haha feeling ko siya yung pinakakawawa. LOL!

  19. #19
    Salaman sa pagsubaybay. Very much appreciated.

  20. #20
    UMayKnowMeButNotExactly kisses0018's Avatar
    Join Date
    Sep 2010
    Location
    UnderTheLoveSpell
    Nice story TS

    Nalulungkot lang ako sa kalagayan nila...

    Pero kelan next chapter ?

Page 1 of 6 1 2 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory