...Wala akong ibang makausap... hindi ko pwedeng sabihin sa kahit sinong malapit sa akin kasi ayaw ko sumama ang tingin nila sa asawa ko. Five years na kaming kasal. Nung bago ko siya pakasalan alam ko na may bisyo siya ang paninigarilyo at pagsasabong ng manok. Pero hindi ko tanggap yun kaya nung kinasal kami nakiusap ako sa kanya na kung pwede itigil na niya ang pagsasabong, ayaw niyang pumayag kaya nagsalubong kami isang beses isang buwan na lang siya magsasabong.
....Pumayag ako.. yan ang naging setup namin.. nung maoperahan siya sa baga.. sabi ko sa kanya tumigil na siya ng paninigarilyo.. hindi pa din tumigil.
...Sa totoo lang.. yung hanapbuhay namin ngayon eh sa mga magulang ko.. pinahiram lang sa amin... oo siya ang naghahawak noon.. at ako eh sa bahay lang nag-aalaga ng 4 naming anak..
....Hanggang ngayon.. wala kaming ipon..hanggang ngayon nakatira lang kami sa bahay ng mga magulang ko.. may kaya ang parents ko.. maayos naman ang negosyo na pinahiram nila sa amin.. kaya hindi kami nagugutom.. nag aaral sa magandang paaralan ang mga anak ko.. nakakapag bakasyon kami sa abroad...
... pero hanggang ngayon.. hinahanap ko ba na sana... itigil na niya ang pagsasabong niya at paninigarilyo.. minsan sa sabong niya nakakalimutan niya kami ng pamilya niya.. kahit oras ng kainan.. wala siya sa bahay kasi mas masaya siya kasama yung mga classmates niya sa sabong..
... Sa hanapbuhay din ng magulang ko namin kinukuha lahat ng pinang-susustento sa biyenan kong lalaki at may sakit.. okay lang sana sa akin yun at tatay ko din naman na yun kahit papaano.. kaso lang.. hindi ko talaga maatim.. na wala na nga kaming ipon.. nakukuha pa niyang mag bisyo at magsugal..
... eh kung mawala yung negosyo na pinahiram ng magulang ko.. hindi kami kakain.. kinakatwiran niya sa akin.. naghahanapbuhay naman daw siya mon-sat...kaya dapat okay lang sa akin na may bisyo siya.. at ang text pa sa akin ngayon sana daw naghanap ako ng pastor na asawa para daw walang bisyo...
.... sabi pa niya sa akin.. kung gusto ko daw makaipon.. ako daw ang magtipid.. at tipirin ko daw ang birthday ng mga anak ko... wala akong bisyo.. yung sinasabi niya eh yung tuwing linggo na lalabas kami magfamily bonding.. kakain sa labas... tipirin ko daw yun huwag ko daw pakialamanan ang bisyo niya...
.... Minalas ata ako sa pag aasawa... oo maganda ang buhay namin ngayon.. oo kumikita siya.. pero kung hindi pa pinahiram sa amin yung negosyo... hanggang ngayon pag mag birthday ang mga anak ko.. nagbibigay pa din ang parents ko ng pera sa amin para lang maging maganda ang celebration...
.... nahihiya na ako sa parents ko... until now nakaasa pa din kami sa kanila...at yung kinikita nung negosyo eh sapat lang sa pang araw araw namin.. wala na kaming naiipon... at may naipon man... pang bayad na sa utang ko yun sa parents ko nung mga manganak ako...
... pasensiya na mahaba.. wala talaga akong makausap.. mali ba na hilingin ko na tumigil na siya sa bisyo niya? Na isipin naman niya ang pamilya niya..na mahiya naman siya sa mga magulang ko?
... Gusto ko rin mag abroad.. pero maliliit pa ang mga anak ko.. ayaw ko silang iwanan...








Reply With Quote












