PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

The Apprentice Asia

Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Results 1 to 10 of 10
  1. #1
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.

    Precious Hearts Romances presents Filipino editions of Twilight, THG, 50 Shades

    In case you haven't heard, Precious Hearts Romances has distributed the "limited-edition" Filipino translation of Twilight (subtitled as Takipsilim, I kid you not).





    Out of curiosity, I bought a copy at Precious Pages for P199.

    PHR will also be selling Filipino editions of The Hunger Games and 50 Shades of Grey.





    If you ask me, I have no problem with these. If this is what it takes to encourage people in the rural areas to read, then go ahead.

    ********

    And may statement pala ang PHR sa Facebook nila:

    Para sa lahat ng readers. Ilang taon na rin akong nagta-travel sa iba't-ibang bansa kasama na ang Europe at US. Sa Europe at sa ibang parte ng Asia, kapag pumapasok ako sa kanilang book stores napapansin kong hindi lamang English version ng original bestsellers ang naroon, kundi lagi nang may translated version ng kanilang local language. Sa France halimbawa, kapag nagtungo ka sa kanilang book store may English at sa tabi nito'y may French. Ganoon din sa Italia, Germany, at maging sa Hongkong ay mayroong translated Italian, German, and Mandarin respectively. Naisip ko, dito sa Pilipinas bakit hindi? Sa France, Germany at ang iba pang mayayamang bansa ay nagbabasa naman sila ng English pero sa kanilang book stores ay laging may translated version sa sarili nilang lengguahe. Ano ang gusto kong tukuyin? Gusto lamang bigyan ng PRECIOUS PAGES ng choice ang reader dito sa atin—gusto mo bang basahin ito sa wikang Ingles? Kung sa Filipino ang gusto mo ay heto at inihahain namin sa inyo. Maaaring naninibago kayo pero, gusto ko lamang ipaalala sa inyo na noon pa man ay binigyan na dapat ng choice ang mga Filipino kung saan ba niya gustong basahin ang bestseller na nobela, gaya ng kina Sidney Sheldon, Nora Roberst, at marami pang authors na kilala sa buong mundo.

    At sa aking pakikisalamuha sa mga readers, marami ang nagbabasa ng Ingles. Mayroon din naman sa Tagalog lamang. At mayroon ding nagbabasa ng parehong Ingles at Tagalog. Lahat kayo ay aking hinahangaan. Uulitin ko lamang na ang PRECIOUS PAGES ay binibigyan kayo ng pagkakataong mamili—sa Ingles o sa Tagalog.

    Enjoy reading!!!

  2. #2
    Ok, I vowed not to include Twilight in my To Be Read pile, but this oddly makes Twilight cool

    And I am now also very curious about the 50 Shades version. Oh my tagalized 50 Shades?

  3. #3
    nays. may hunger games.. magkano kaya?

  4. #4
    50 shades series in Filipino would be interesting...

  5. #5
    yay for Hunger Games tagalog edition!!!

  6. #6
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.
    The Vampire Diaries Filipino edition now out!



    Precious Hearts also confirmed that they have acquired the license to translate Nicholas Sparks novels in Filipino. Meanwhile, the first edition of Takipsilim has sold out and they are printing a new batch of copies.

  7. #7
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.
    Now available at Precious Pages!

    The Vampire Diaries Volumes 1 to 4, Filipino Edition



    The Vampire Diaries: The Awakening
    By L.J Smith/Vanessa

    Isang mapanganib na love triangle

    Elena: maganda at tanyag, ang babaeng kayang mapasakamay ang sinumang lalaking kanyang mapupusuan.

    Stefan: malulungkutin at misteryoso, pinipilit gawin ang lahat para labanan ang paghahangad kay Elena… para na rin sa kabutihan nito.

    Damon: kaakit-akit, mapanganib, at naudyukan ng masidhing pagnanasa para mapaghigantihan si Stefan, ang kapatid na nagkanulo sa kanya.
    Natagpuan na lang ni Elena na naaakit sa magkapatid…

    Sino ang pipiliin niya?




    The Vampire Diaries: The Struggle
    By L.J Smith/Vanessa

    Sino ang pipiliin sa magkapatid na bampira?

    Damon: masidhi ang pagnanais na maging kanya si Elena; papatayin ang sariling kapatid para maangkin ang babae.

    Stefan: gagawin ang lahat para mapasakamay ang kapangyarihang sisira kay Damon at maipagtanggol si Elena, susuko sa kanyang pagkauhaw sa dugo ng tao.

    Elena: ang babaeng nakukuha ang sinumang magustuhan, matatagpuan ang sarili sa pagitan ng isang love triangle…

    Na maaaring pagbuwisan ng buhay.




    The Vampire Diaries: The Fury
    By L.J Smith/Vanessa

    Nakamamatay ang pag-ibig.

    Elena: habang nasa tabi niya si Damon at walang-taros sa pagkauhaw niya sa dugo, nahihirapan ang bagong Elena na pigilin ang mga pagnanasa niya.

    Damon: ang paghahangad niya sa golden girl ay nakikipaglaban sa paghahangad niyang makapaghiganti kay Stefan.

    Stefan: nagdurusa sa pagkawala ni Elena, gagawin niya ang lahat para mabawi ito. Kahit pa nangangahulugan iyon na yakapin ang dati ay kinamumuhian niyang buhay.

    Maaari nilang makuha ang mga nais nila, ngunit mahal ang kapalit.




    The Vampire Diaries: Dark Reunion
    By L.J Smith/Vanessa

    Ang huling nakamamatay na halik.

    Elena: isang nakasisindak na kasamaan ang nagbabanta sa mga taong kanyang minamahal…

    Damon: dahil sa udyok ni Elena na harapin ang kalaban nila, ibinigay niya ang kanyang tiwala kay Stefan, ang kinasusuklaman niyang kapatid...

    Stefan: alang-alang sa pangako kay Elena, kailangan niyang pangalagaan ang kanilang bayan mula sa pinakamakapangyarihang kalaban.

    Ang magaganap ay magpapabago sa kanila habang-buhay…

  8. #8
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.
    Filipino versions of Harlequin Mills and Boon titles



    A Week Of Forever
    By Kate Hewitt/Janis delos Reyes

    “I just want you to be yourself… Forget the damn rules. There are no rules between you and me.”

    Ellery was not the ideal girl to have a fling with—iyon ang natiyak ni Larenz nang makilala niya ito sa pananatili niya sa manor house nito upang mag-scout ng photo shoot location. Bukod sa makaluma si Ellery katulad ng manor house nito, taglay rin nito ang titulo ng isang nakaaangat sa lipunan. She was out of his league.

    Ngunit may kung anong pang-akit ito at natagpuan na lang niya ang sarili na nilalapitan at inaakit ito. He invited her to stay with him for—and only for—a week and she agreed.

    He was only looking for a fling. He never thought he’d hope for forever.




    The Costarella Conquest
    By Emma Darcy/Ice Jimenez

    She wanted him. More fiercely than she’d ever wanted anything.

    Nang malaman ni Laura na panauhin ng kanilang ama ang kanang-kamay nitong si Jake Fontenila, isinumpa niya sa sariling hindi siya mahuhulog dito—lalo at malamang na plano iyon ng daddy niya.

    Pero hindi siya nagtagumpay dahil isang halik pa lang ni Jake ay naangkin na nito ang kanyang puso. Inilihim nila sa kanyang ama ang ugnayan nila ni Jake. Gusto niyang tamasahin ang kasiyahang dulot sa kanya ng binata nang walang nakikialam sa kanya.

    Ngunit nakatakda pa rin palang madurog ang puso niya dahil nalaman niyang ginamit lang pala siya ni Jake upang makaganti sa kanyang ama dahil sa nangyari sa pamilya nito…




    The Princess Next Door
    By Jackie Braun/Dawn Igloria

    I’ve always loved you. I always will.

    Hindi isang fairy tale ang buhay ng isang prinsesa. Kahit sa loob lang ng isang linggo, gustong matakasan ni Hollyn Saldani ang mga nakaatang sa kanyang tungkulin bilang maharlika at muling hanapin ang mga bagay na natagpuan niya noon: freedom… and the boy next door—si Nate Mateo.

    Kaya walang-paalam na nilisan niya ang kaharian. Bumalik siya sa Heart Island, kung saan ginugugol niya ang summer niya noong bata pa siya, kung saan nagiging totoo siya sa sarili niya.

    Walang gaanong binago sa isla ang mga taong lumipas. Pero malaki ang binago niyon sa binatilyong nakilala niya noon, naging kaibigan, at ang tanging lalaking inalagaan niya sa kanyang puso. Mamang-mama na si Nate Mateo, at ito na ang nagpapatakbo sa resort ng pamilya nito. At sa pagbabalik niyang iyon, tila determinado itong ipakita sa kanya na maaaring maging ekstraordinaryo ang isang pangkaraniwang pamumuhay.




    Craving The Forbidden
    By India Grey/Armine Rhea Mendoza

    “I love you because you are beautiful and clever and honest and loyal…”

    Isang pabor ang hiniling kay Sophie ng best friend niya na isang bakla: ang magpanggap na nobya nito para sa kaarawan ng papa nito. Isa sa mga rason niyon ay si Major Kit Florendo, ang kuya nito na suplado at mapanghusga. Sino ang mag-aakala na makakasakay niya ang binata sa tren patungo sa probinsiya ng mga ito? Buking na buking agad nito ang mga kagagahan niya!

    Ngunit habang nagtatagal siya sa Villa Florendo, natagpuan niya ang sarili na unti-unting nahuhulog ang loob sa kapatid ng “boyfriend” niya. Nagpaakit siya rito at nalaman niyang patibong lang nito iyon upang masiguro kung anong klaseng babae siya. Ngunit para siyang ***** na nagpatangay na naman sa kanyang damdamin…




    The Real Rio Aguila
    By Sandra Marton/Armine Rhea Mendoza
    “Call me your beloved... as I will call you mine.”

    Aplikante bilang landscaper si Isabella sa bahay ng negosyanteng si Rio Aguila. Dahil sa isang aksidente sa daan ay tatlong oras siyang nahuli sa kanyang interview. Wala na si Mr. Aguila, sa halip ay ang guwapong katiwala nito ang nag-entertain sa kanya.

    He was sweet and unsophisticated—exactly not Rio Aguila’s type. Pero unang kita pa lang sa kanya ng katiwalang si Matteo ay inakit na siya nito. Ang problema, si Rio at si Matteo ay iisa… isang bagay na huling-huli na niya nalaman.




    The Secret She Can’t Hide
    By India Grey/Janis delos Reyes

    “Mahal kita. I want you—on any terms. Dahil mas gugustuhin kong magkaroon ng five minutes na minamahal mo kaysa magkaroon ng mahabang panahon sa piling ng iba.”

    Tatlong taon na ang nakararaan nang makasiping ni Kate Enriquez ang racing driver na si Cristiano Maresca. Palagi namang may nakakasiping ang lalaki sa gabi bago ang laban nito. At labis na kaligayahan ang idinulot ni Cristiano sa kanya nang gabing siya ang angkinin nito. Ngunit kinaumagahan ay naaksidente ito at pagkalipas naman ng ilang linggo ay nalaman niyang buntis siya…




    Once Touched, Never Forgotten
    By Natasha Tate/Armine Rhea Mendoza

    “Mahal kita dahil ikaw ay ikaw... Dahil kapag kasama kita ay puwede akong maging ako.”

    Tinalikuran ni Colette ang ama ng ipinagbubuntis niya upang protektahan ang kanyang magiging anak mula sa rejection ng sarili nitong ama, sampu ng matapobreng pamilya ng lalaki. Five years later, muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nang madiskubre ni Stephen ang tungkol sa anak nila, wala siyang nagawa kundi magpatianod sa nais nito—ang magpakasal sila alang-alang sa bata.

    Pero kakayanin ba niyang manatiling nakatali rito gayong alam niya na pabigat lang siya rito at kailanman ay hindi nito magagawang mahalin?

  9. #9
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.
    Filipino versions of Barbara Cartland titles



    Love Finds The Way
    By Barbara Cartland/Anna Gisella

    Ibang-iba si Gina sa mga dalaga ng kanyang panahon. Isa siyang modernong babae—intelektuwal, may sariling opinyon, malakas ang dating. Wala siyang panahon sa pag-ibig, at mas gugustuhin pa niyang magbasa ng libro kaysa ubusin ang kanyang oras sa pagpapaganda at paghahanap ng mapapangasawa.

    Habang tinatakasan ni Gina ang isang manliligaw ay makikilala niya si John, ang guwapong-guwapo at bagong Duke ng Chesterton, na siya ring may-ari ng sira-sirang Chesterton Castle. Makakaisip si Gina ng isang kakaibang plano upang isalba ang Chesterton Castle—ang ihanap si John ng isang mayamang heredera na magmamahal dito at makakatulong sa pagpapagawa ng kastilyo.

    Noong una ay tutol sa planong ito si John, hanggang sa nakilala nito ang matalik na kaibigan niya, ang mayaman at napakagandang heredera na si Athene.

    Naalarma si Gina. Hindi niya alam ang gagawin. Siya na walang panahon sa pag-ibig ay umiibig na rin sa wakas. Umiibig siya sa unang pagkakataon… kay John. Pero dugong-bughaw si John, at commoner lang siya. Bukod dito ay gusto rin ni Athene si John.

    Ano ang laban ng pag-ibig sa batas ng lipunan at pakikipag- kaibigan?




    The Cross of Love
    By Barbara Cartland/Iris Anne

    Pagkamatay ng ama ni Rena Colwell, natagpuan niya ang sariling mag-isa na lang sa buhay at walang masasabing permanenteng tirahan. Wala rin siyang trabahong maaari niyang pagkunan ng ikabubuhay. Sa sitwasyon niyang iyon ay naalala niya ang isang lumang krus na natagpuan noon ng kanyang ama sa kakahuyan sa likod ng The Grange, ang ilang henerasyon nang tahanan ng mga Earl ng Lansdale. May nakasulat sa krus na: Ye who ask for help will find it when ye pray to me.

    Pinuntahan niya iyon at nagdasal doon.

    Sa pagkamangha niya, nakakita siya ng mga baryang ginto na nakadikit sa mga ugat ng halaman sa paanan ng krus. “Malamang ay sinagot mo ang aking mga dasal,” usal niya.

    Tila dininig nga ang panalangin niya dahil dumating sa baryo nila si John, ang penniless na bagong Earl ng Lansdale na kadarating lang sa The Grange.

    Ibinigay niya rito ang mga ginto na siyang nararapat na nagmamay-ari niyon.

    “Iniligtas mo ako,” wika nito sa kanya.

    Ang totoo, siya man ay iniligtas nito nang alukin siya nito ng trabaho bilang housekeeper nito. Sa wakas ay may trabaho na siya at isang tahanang masisilungan. Gayunman, isang bagay ang hindi niya napaghandaan: ang mahulog ang loob niya rito…




    Stars In The Sky
    By Barbara Cartland/Sharin Lee

    Mailigtas lang ni Lady Sylvia ang kanyang pamilya mula sa pagkakautang at mapanatiling pag-aari nila ang pinakamamahal niyang Castle Belham, ipinangako niyang magpapakasal siya sa kaduda-dudang si Count von Brauer. Bago pa man sila ikasal ay pinagtangkaan nito ang kanyang puri at ang pagtakas niya rito ay nauwi sa isang aksidente at pagkabura ng kanyang mga alaala.

    Ngunit isang Lord Farron ang nagligtas sa kanya nang gabi ring iyon—sa gitna ng dilim at ulan—nang halos makabungguan niya ang karuwahe nito habang sakay siya ng kabayo. Hindi niya matandaang nagkita na sila ng lalaki, pero parang nakikilala niya ang tinig nito.

    Unti-unting bumalik ang pira-pirasong mga alaala niya isang gabing magkasama silang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.




    Love In The Highlands
    By: Barbara Cartland/Anna Gisella

    Mariing tinutulan ni Lady Lavina at ng kanyang ama ang pagpapakasal niya kay Prinsipe Stanislaus kahit iyon ang nais ni Reyna Victoria. Sa gitna ng dilemma na iyon, isang tao lang ang may sapat na kakayahan na matulungan sila—si Ivan, ang Marquis ng Elswick. Ngunit paano sila tutulungan ng isang lalaki na kilalang namumuhi sa mga babae at kinasusuklaman ang ideya ng pagpapakasal? Mula nang talikuran ito ng kasintahan sa araw mismo ng kasal ng mga ito ay nagkaganoon na si Ivan.

    Ngunit sa gitna ng kawalan ng pag-asang tutulungan siya ng Marquis, nagulat siya nang bigla itong pumayag sa nais nila ng kanyang ama. Doon nagsimula ang kanilang pagpapanggap na magnobyo at nakatakda nang ikasal.

    Hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa masungit na Marquis ngunit iyon ang nangyari. Umibig siya rito at nangarap na sana isang araw ay suklian nito ang lihim na damdamin niya para dito. Hindi naman siguro malabong mangyari iyon lalo na at tila nagseselos ito sa isa pang ginoo na nagpapahayag ng paghanga sa kanya.

    Pero gayon na lang ang pagkadurog ng puso niya nang matuklasan niya na ginamit lang siya ng Marquis para paghigantihan si Prinsipe Istanislaus, na natuklasan niyang siyang nang-agaw sa kasintahan nito…

  10. #10
    On a scale of 1 to 10... starczamora's Avatar
    Join Date
    Nov 2003
    Location
    My lips are a 25.
    Filipino versions of Danielle Steel titles



    FINE THINGS
    Danielle Steel
    Translated by Dawn Igloria

    Smart at likeable, iyon si Bernie Fine, ang wonder boy ng Wolff’s, ang pinakaglamorosong department store sa New York. Senior vice president ito na na-assign sa San Francisco para sa pagbubukas ng West Cost store. Mabilis ang pag-angat ng kanyang career pero kulang sa hangarin ang kanyang buhay. Nang tingnan niya ang malalaki at mga inosenteng mata ng limang taong gulang na si Jane O’Reilly at pagkatapos ay sa kasingkaakit-akit na mga mata ng ina nitong si Liz siya tumingin, alam ni Bernie na natagpuan na niya kung ano ang hinahanap niya. Ang akala niya ay natagpuan na niya ang isang pag-ibig na panghabang-buhay. Subalit nang tamaan si Liz ng cancer, naging napakasakit at napakaikli ng panahon sa kanya. Sa pagkaiwan ng dalawang bata sa kanya, kailangan niyang harapin ang pagkawala ni Liz at dapat matutuhan na mayroon pang magagandang bagay na inilalaan ang buhay para sa kanya.




    44 Charles Street
    By Danielle Steel
    Translated by Angel Bautista

    Puno ng kawalang-pag-asa si Francesca Thayer. Kailangan nang ipaayos ang bahay niya upang maibalik iyon sa dati nitong rangya at maayos na kalagayan—kahit kahihiwalay pa lang nila ng abogadong boyfriend niyang si Todd. Isang relasyon iyon na gumuho at hindi na maibabalik sa dati.

    Bilang may-ari ng isang hindi pa kilalang art gallery, at ang nag-iisang aako sa pagbabayad ng mortgage sa kanyang Greenwich Village town house, natanto niya na hindi niya kakayaning bayaran iyon. Kaya ang hindi kailanman pumasok sa isip niya ay gagawin niya ngayon. Naghanap siya ng boarders. Agad-agad, nagkaroon ng malaking pagbabago sa bahay niya.

    Unang dumating si Eileen, isang batang-batang school- teacher. Pagkatapos ay si Chris, isang batang ama na may problema sa ex-wife at nagsusumikap na maging mabuting ama sa pitong taong gulang na anak. Ang huli ay si Marya, isang sikat na cookbook author na umaasang makapag- sisimulang muli pagkatapos mamatay ang asawa nito.

    Habang nagsisimula nang makilala ang art gallery ni Francesca at nakahanap naman ng bagong babae si Todd, natuklasan na lang niya na ang pinakamahahalagang tao sa buhay niya ay ang mga nangungupahan sa bahay niya. Kasabay niyon ay napag-isipan din niya ang inakala niyang imposible pang mangyari: ang muling buksan ang puso niya.

    Sa pagdaan ng masaya, hindi makalilimutan na isang taong bumago sa mga buhay nila, ang bahay sa 44 Charles Street ay napuno ng halakhak, pagkabigo, at ng hindi nawawalang pag-asa.


    The Hunger Games, The Filipino Edition



    The Hunger Games
    By Suzzane Collins/ Janis de los Reyes

    MAGAGAWA MO BANG MAKALIGTAS NANG MAG-ISA SA KASUKALAN HABANG TINITIYAK NG LAHAT NA HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW?

    Sa nawasak na lugar na dating kilala bilang North America ay nakatayo ang bansa ng Panem, ang nagniningning na Kapitolyo na napapalibutan ng labindalawang liblib na distrito. Marahas at malupit ang Kapitolyo at pinananatili nito ang kontrol sa mga distrito sa pamamagitan ng pagpuwersa sa mga iyon na magpadala ng tig-isang lalaki at babaeng nasa pagitan ng labindalawa at labingwalo ang edad para isali sa taunang Hunger Games, ang labanan hanggang sa kamatayan na mapapanood sa telebisyon.

    Para sa labing-anim na taong gulang na si Katniss Everdeen, na namumuhay mag-isa kasama ang kanyang ina at nakababatang kapatid na babae, itinakda na ang kanyang kamatayan nang akuin niya ang lugar ng kapatid niya sa laro. Pero nalagay na rin siya sa bingit ng kamatayan noon at kinasanayan na niya ang makipaglaban upang mabuhay. Hindi man niya sinasadya, siya ang naging pinakamahigpit na kalaban. Pero kung gusto niyang manalo ay kailangan niyang mamili; ang sariling kaligtasan niya laban sa kaligtasan ng iba, at ang buhay laban sa pag-ibig.

    I read this while applying for some documents and I highly recommend this. The translation does not sound forced; it captures the essence of the original work.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

PROMO: The Hangover 3
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3! view more


PROMO: The Great Gatsby
Get a chance to win The Great Gatsby goody bags! view more


The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


PROMO: Star Trek
Get a chance to win limited edition Star Trek picnic chairs! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory