pa repost lang rica...ang gandang basahin....ty...welcome new house!!!! Gv gv gv gv
May i repost lang po ang mga ito
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
pamilya ni sarah gusto na rin si gerald
hindi man aminin nina sarah geronimo at ge*rald anderson ang estado ng kanilang relasyon, obvious sa kanilang mga kilos na may special something na sa kanilang pagitan although pareho silang aminado na nasa special na ang level ng kanilang pagkakaibigan (lang?).
Walang katotohanan ang balita na hindi boto ang mga magulang ni sarah na sina divine at del*fin da*hil pinapayagan nila ang pagdalaw ni gerald sa ka*nilang prinsesa. Isa itong indikasyon na seryoso talaga ang ex-boyfriend ni ******* sa pangliligaw kay sarah.
Aprubado ang publiko kung sina sarah at gerald ang magkakatuluyan at ito’y kanilang pinatunayan sa dalawang pelikulang kanilang pinagsamahan at sa recent sold-out concert ni sarah sa smart-arane*ta coliseum kung san nilapitan at kinantahan ni sarah si gerald ng it might be you.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
sarah geronimo, halata ang pagtatangi kay gerald anderson!
Friday, july 13, 2012, 1:54
parehong nanggaling sina sarah geronimo at gerald anderson sa mga pakikipagrelasyong nauwi sa hiwalayan. Kaya pareho sila ngayong nagiging sobrang maingat tungkol sa kanilang closeness. Hindi lang naman silang dalawa ang nag-iingat kundi pati na rin ang mga taong malalapit sa kanilang buhay. Hindi naman gugustuhin ni mommy divine geronimo na maging malungkot ang kanyang anak dahil lang sa lovelife. Ang mommy rin ni gerald ay sobrang apektado kapag malungkot ang anak niya dahil sa sumesemplang na lovelife.
Mainit sa mata ng mga tao sa showbiz ang pagiging malapit ngayon nina sarah at gerald, dahil hindi pa nga sila umaamin. Mahahalata mo naman kasi si sarah na kakaiba na ang pagtatangi niya kay gerald kahit sinasabi niyang special pa lang para sa kanya ang pagkakaibigan nila. Kakaiba kasi ang kanyang kilig kapag nababanggit ang pangalan ni gerald. Pero hindi naman laglag si sg, dahil bukod sa kilig ay napakasaya rin ng mga mata ni gerald kapag si sg na ang pinag-uusapan.
Bilang lalaki, si gerald na rin ang naunang nagsabi na kung ang mga puso nila ngayon ni sarah ang tatanungin, ayaw pa talaga nilang madaliin ang lahat kung saan makakaabot ang kanilang closeness. Nariyan na ang tapang ng kanyang loob, dahil inamin na niyang nanliligaw na siya sa pop princess. Kung patungo raw iyon sa isang malalim at masayang relasyon, gusto nilang pareho na silang ready sa kanilang magi-ging pagmamahalan. Puro pagpipigil lang sa mga damdamin ang nangyayari sa ngayon, dahil na rin sa mga pag-iingat. Pero inaabangan na ng marami ang kanilang pag-amin, dahil nakakikilig at bagay silang dalawa.












Reply With Quote




Kris.... ang ganda!!!!!! Naiiyak ako! Sa Kilig!!!!
And I lost my faith, in my darkest days, But she makes me want to believe. 











