ako po ay baguhan pa lamang dito.. may kasama po akong mayabang at mas strikto pa sa manager.. contractual lang po siya pero ang pangit ng trato niya sa akin.. Kapag nandyan naman ang manager o kaya mga regular employee, nag iiba siya ng ugali. Kasalungat naman. Bumabait siya at nabawasan ang pagka "*******".
nag mumura siya kahit sa simpleng bagay na pagkakamali lang.. yun una hindi ako naniniwala sa mga nakasabayan kong matagal na nag o-ojt dun sa lugar na yun.. pero nung pangalawang week ko dun, nagkakatotoo ang mga nai-kwento sa akin.
486 hours ang maximum hours para matapos ko yun OJT ko.. naguumpisa palang ako. mukhang mahaba habang pag titiis ito at sana makayanan ko.. Sa tingin niyo ba dapat tratuhin at murahin ang mga nag o-ojt? Hindi ko po forte ang mga pinapagawa nila sa akin at napakalayo sa kursong pinapasukan ko kaya parang mali na ganun ang pagtrato sa akin.








Reply With Quote














