PHOTOS: Alaska Crushes Ginebra

Alaska survived a late-game rally by Ginebra to win 104-90, leading the series at 2-0 and now one win away from the title.

read more

Top Celebrity Loveteams!

Check out which loveteams dropped and which ones came out on top this week!

read more

PHOTOS: ADMU Ousts UST

The ADMU Lady Eagles overpowered UST in 4 sets, ousting the Golden Tigresses and advancing to the V-League finals

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: Star Trek

Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike.

read more

PROMO: Epic

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic!

read more

Results 1 to 18 of 18
  1. #1

    Red face Little Miss Strong Girl

    Yan ang nakatatak sa white t-shirt ng isang kaakit-akit na dalaga na pasakay ng jeep papuntang MRT Quezon Ave. Nagkaharap kami sa bukana ng sakayan ng jeep, at sandaling nagkatitigan! She’s very young and very lovely. She is wearing glasses pero hindi naman siya mukhang geek.I presume she is in her freshman year at UP Diliman and staying at Kalayaan dorm. Pauwi siguro sa probinsiya or bahay nila kasi weekend.

    Pinauna ko siyang sumakay at sumunod ako. Sa tabi nya ako umupo at lumakad na ang jeep pagkasakay namin. Di pa nakakalayo ay may sumakay na isang grupo ng kababaihan na kaedaran din ni Miss Strong girl! Puro sila nakangiti at masayang masayang nagkukuwentuhan. Napuno ang jeep dahil sa kanila at dahil siksikan ay nagkadikit ang aming katawan ni Miss Strong girl! Patay malisya lang ako.

    Nakikinig rin ako sa fm ng aking celphone kaya hindi ko naiintindihan ang pinagkukuwentuhan ng mga kadalagahan. Si Miss Strong girl naman ay tahimik lang at palingon-lingon sa kaliwa at sa kanan. Paminsang sinusulyapan ko siya dahil nakakabighani ang kanyang kagandahan.

    Bigla kong naalala na may dala pala akong tatlong libro sa bag ko at isa dito ay isang aklat tungkol sa mga teens katulad ni Miss Strong girl. Naisip kong ibigay ito sa kanya kahit hindi ko pa tapos basahin! Maganda kasi ang nilalaman at siguradong magugustuhan niya. May tag price pa yung libro kaya patago ko itong inalis habang bumabyahe ang jeep.

    Nang makarating kami sa babaan sa MRT Quezon Ave ay bigla kong inabot yung libro kay Miss Strong girl. Nabigla yata siya at hindi agad tinanggap ang inaabot ko. Pero insistent ako na ibigay sa kanya ang libro kaya thru hand gestures ay ipinahiwatig ko sa kanya na ibinibigay ko sa kanya ang libro. Tinanggap naman niya. Pagkaabot ko ng libro ay dali-dali akong bumaba ng jeep at umakyat sa MRT. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko’t gustung-gusto ko siyang iwasan na parang may nagawa akong kasalanan!

    Nilingon ko sya sa likod at napansin kong sa MRT rin ang tungo niya. Binilisan ko pa ang lakad at dire-diretsong pumasok sa loob ng station. Dali-dali ko ring kinuha ang stored value ticket ko sa wallet at dali-daling pumasok sa platform. Nilingon ko uli siya at napansin kong wala pa pala siyang ticket kaya’t naiwan sya sa labas. Nakapila siya para bumili ng ticket. Buti na lang. Ako naman ay naglakad papunta sa pinakamalayong lugar na pwedeng sumakay ang kalalakihan para umiwas kay Miss Strong Girl. Ang pinakaunang couch nga pala ay para sa kababaihan lamang.

    Naghintay ako ng pagdating ng tren. Inabot yata ng 15 mins bago dumating ang tren. Pero wala itong sakay at hindi huminto. “Skipping train!” nasambit ko. Napabuntung hininga ako at walang nagawa kundi maghintay ng pagdating ng susunod na tren. Namalayan ko na lang na paparating na pala si Miss Strong Girl, sa Girl’s couch yata sya sasakay kaya mapapadaan siya sa likod ko. Hindi ako nagpahalata nang dumaan siya. Dedma lang. Pagkadaan nya ay nilingon ko sya at napansin ang Jansport na tatak ng bag niya. Napansin ko rin ang isa pang blue bag na bitbit nya sa isang kamay. “Mukhang parehas kami ng taste sa gamit!” nasambit ko. Maswerte talaga ang magiging bf nya dahil maganda siya, sexy, at strong girl pa! Saan ka pa?

    Ilang sandali pa dumating na yung tren at sumakay na ako. Si Miss Strong girl ay wari ko’y sumakay na rin. Naisip ko na lang, ano kaya ang impression na naiwan ko sa kanya? Babasahin kaya niya yung book? Alam kong malabo nang mag-krus muli ang aming landas. Pero tulad ng napanood ko sa movie, I treat what I have done as an ARK, Act of Random Kindness. I hope I helped a young soul in her journey thru life thru the book that I gave her! Sana lang basahin niya yun! =)

    Ang title pala nung book ay “ttyl” by Lauren Myracle. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng acronyms na iyan kaya gumawa ako ng sarili kong bersyon:

    Take This!
    Yours Lovingly,

    your strong big brother! hahaha

  2. #2
    kungKILIGINwagas spiker0819's Avatar
    Join Date
    Nov 2010
    Location
    LA-LA Land
    that was weird yet brave. u cudve embedded your digits on the preface of that book.

    that wudve been more exciting!

  3. #3
    oh yes, gone
    Join Date
    Mar 2010
    Location
    in your dreams
    gosh aiframe: kalohkah ka! pero kung ako iyong girl matutulala siguro ako sa pagkabigla..but hmm..

    that was so brave..(nakakakilig pa..what if magaya siya sa kwento ng serendipity) wow! hehe

  4. #4
    TTYL is talk to you later, right? anyway, baka naman alam naman talaga ni TS yung book kase if not, di naman nya yun bibilhin in the first place.

    anyway, this will be a nice thread or ad sa missed connections sa craigslist. heheh.

    Good luck, TS! your ARK will reward you soon!

  5. #5
    Nice Story!

    Good luck TS!

    malay mo makasabay mo siya ulit somewhere in UP

  6. #6
    Nice. Sana sinulit mo na at nagsalita na para sa kanya yun. Sayang. Oh well sana serendipity thing na magkita uli kayo.

  7. #7
    nag iwan ka sana ng number sa book or a short note

    sayang ang chance may kasunod pa sana ang story

  8. #8
    alcoholic Vit@min_C's Avatar
    Join Date
    Oct 2011
    Location
    Dirty Young Man
    aiframe naman eh...hindi mo manlang siningitan ng 100 pesos na nakasulat ang number mo?

    alam ko, may kasunod pa 'to!

  9. #9
    magantay ng magantay sa MRT Quezon Ave. dun mismo sa bilihan ng ticket yung tipong ikaw yung nasa Red Cross, umpisahan ang pagantay mula umaga hanggang closing, eh di makikita ulit si LMSG. pag nakita, wag ng sayangin.

    LMSG, gusto kitang maging GF, ganun, wag ng slomo or paexcite. heheh
    (tapos, nasa likod pala yung BF na taga Pex din. waaahhh)

    anyway, lakas ng loob ng TS, hindi ko kayang gawin yun.

  10. #10
    B_itch Mooderator JUST_JT_'s Avatar
    Join Date
    Oct 2010
    Location
    SYD-MNL
    the question for TS is why the hell do you have a girlie book about teens struggling with problems in high school

  11. #11
    Quote Originally Posted by JUST_JT_ View Post
    the question for TS is why the hell do you have a girlie book about teens struggling with problems in high school
    Oo nga naman. Ang Tunay Na Lalake ba eh nagbabasa ng ganun? Something's fishy. Amoy malansa.

  12. #12
    full of surprises
    Join Date
    Dec 2008
    Location
    under your sh!t!
    TANG!NA THIS yun men!!!

  13. #13
    @JUST_JT_
    @JobyBryant24

    ang tunay na lalake tumatahimik na lang pag walang masabing mabuti!

  14. #14
    Quote Originally Posted by aiframe View Post
    Yan ang nakatatak sa white t-shirt ng isang kaakit-akit na dalaga na pasakay ng jeep papuntang MRT Quezon Ave. Nagkaharap kami sa bukana ng sakayan ng jeep, at sandaling nagkatitigan! She’s very young and very lovely. She is wearing glasses pero hindi naman siya mukhang geek.I presume she is in her freshman year at UP Diliman and staying at Kalayaan dorm. Pauwi siguro sa probinsiya or bahay nila kasi weekend.

    Pinauna ko siyang sumakay at sumunod ako. Sa tabi nya ako umupo at lumakad na ang jeep pagkasakay namin. Di pa nakakalayo ay may sumakay na isang grupo ng kababaihan na kaedaran din ni Miss Strong girl! Puro sila nakangiti at masayang masayang nagkukuwentuhan. Napuno ang jeep dahil sa kanila at dahil siksikan ay nagkadikit ang aming katawan ni Miss Strong girl! Patay malisya lang ako.

    Nakikinig rin ako sa fm ng aking celphone kaya hindi ko naiintindihan ang pinagkukuwentuhan ng mga kadalagahan. Si Miss Strong girl naman ay tahimik lang at palingon-lingon sa kaliwa at sa kanan. Paminsang sinusulyapan ko siya dahil nakakabighani ang kanyang kagandahan.

    Bigla kong naalala na may dala pala akong tatlong libro sa bag ko at isa dito ay isang aklat tungkol sa mga teens katulad ni Miss Strong girl. Naisip kong ibigay ito sa kanya kahit hindi ko pa tapos basahin! Maganda kasi ang nilalaman at siguradong magugustuhan niya. May tag price pa yung libro kaya patago ko itong inalis habang bumabyahe ang jeep.

    Nang makarating kami sa babaan sa MRT Quezon Ave ay bigla kong inabot yung libro kay Miss Strong girl. Nabigla yata siya at hindi agad tinanggap ang inaabot ko. Pero insistent ako na ibigay sa kanya ang libro kaya thru hand gestures ay ipinahiwatig ko sa kanya na ibinibigay ko sa kanya ang libro. Tinanggap naman niya. Pagkaabot ko ng libro ay dali-dali akong bumaba ng jeep at umakyat sa MRT. Ewan ko ba kung ano ang naisip ko’t gustung-gusto ko siyang iwasan na parang may nagawa akong kasalanan!

    Nilingon ko sya sa likod at napansin kong sa MRT rin ang tungo niya. Binilisan ko pa ang lakad at dire-diretsong pumasok sa loob ng station. Dali-dali ko ring kinuha ang stored value ticket ko sa wallet at dali-daling pumasok sa platform. Nilingon ko uli siya at napansin kong wala pa pala siyang ticket kaya’t naiwan sya sa labas. Nakapila siya para bumili ng ticket. Buti na lang. Ako naman ay naglakad papunta sa pinakamalayong lugar na pwedeng sumakay ang kalalakihan para umiwas kay Miss Strong Girl. Ang pinakaunang couch nga pala ay para sa kababaihan lamang.

    Naghintay ako ng pagdating ng tren. Inabot yata ng 15 mins bago dumating ang tren. Pero wala itong sakay at hindi huminto. “Skipping train!” nasambit ko. Napabuntung hininga ako at walang nagawa kundi maghintay ng pagdating ng susunod na tren. Namalayan ko na lang na paparating na pala si Miss Strong Girl, sa Girl’s couch yata sya sasakay kaya mapapadaan siya sa likod ko. Hindi ako nagpahalata nang dumaan siya. Dedma lang. Pagkadaan nya ay nilingon ko sya at napansin ang Jansport na tatak ng bag niya. Napansin ko rin ang isa pang blue bag na bitbit nya sa isang kamay. “Mukhang parehas kami ng taste sa gamit!” nasambit ko. Maswerte talaga ang magiging bf nya dahil maganda siya, sexy, at strong girl pa! Saan ka pa?

    Ilang sandali pa dumating na yung tren at sumakay na ako. Si Miss Strong girl ay wari ko’y sumakay na rin. Naisip ko na lang, ano kaya ang impression na naiwan ko sa kanya? Babasahin kaya niya yung book? Alam kong malabo nang mag-krus muli ang aming landas. Pero tulad ng napanood ko sa movie, I treat what I have done as an ARK, Act of Random Kindness. I hope I helped a young soul in her journey thru life thru the book that I gave her! Sana lang basahin niya yun! =)

    Ang title pala nung book ay “ttyl” by Lauren Myracle. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng acronyms na iyan kaya gumawa ako ng sarili kong bersyon:

    Take This!
    Yours Lovingly,

    your strong big brother! hahaha
    nice and cute story,siguro kung ako yung girl mapapangiti ako at hahanapin kita sa train station hahahaha)

  15. #15
    Quote Originally Posted by kkkkai View Post
    nice and cute story,siguro kung ako yung girl mapapangiti ako at hahanapin kita sa train station hahahaha)
    whoa talaga?

    oh well, kung hindi man kita ulit matagpuan dito sa lupa, magkukrus ulit ang landas natin sa langit! hehe

  16. #16
    eto ang kanta ko para dito:

    Excerpt from Miss Miss sa Loob ng Jeepney by Grin Department

    ...
    siya pala ay papara na
    goodbye goodbye ang sabi niya
    goodbye goodbye hangang sa muling pagkikita
    goodbye, goodbye, goobye
    goodbye, goodbye

  17. #17
    ...
    ♬♪♬
    nakalimutan kong itanong pangalan niya tirahan niya
    nakalinutan kong isulat phone mumber niya o beeper number niya
    nakalimutan kong sabihin pangalan ko at ang bayan ko
    nakalimutan ko nakalimutan ko nakalimutan ko pati bayad ko
    ♪♬
    ...

  18. #18
    Makatang Corny Jameaux's Avatar
    Join Date
    Jul 2010
    Location
    Space Collapse
    Sana magtagpo ulit ang inyong landas. At sa susunod sana ikaw ay magkaroon ng lakas ng loob na buhayin ang iyong dila.

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  



Whats Happening

Sub title

The Flick List (Themed)
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here! view more


PROMO: Epic
Join now and get a chance to win advanced screening tickets to Epic! view more


The Wander List
Have you smashed plates in Tarlac been to the beaches of Bali? Tick your travel exploits off in our Wander List! view more


Caught Up Default

Sub title

Trailer: The Great Gatsby
Baz Luhrmann directs an ambitious, visually stunning tale of love, dreams, and tragedy in The Great Gatsby. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more


Review: One Piece
Is One Piece Film Z an epic nautical adventure worth experiencing? Find out in this review! view more


Review: Trance
Director Danny Boyle delivers tons of twists and turns in this well-written mind-bending action thriller view more




Forums Directory