
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreNaku dapat pala nuknukan ng ganda ito, ito pa naman yung itatapat ng Channel 7 sa "Be Careful With My Heart" na ubod ng ganda from top to bottom and all around, hindi halatang pang-umagang show.
sa 6 p.m. timeslot ang Mariposa, hindi sa 11 a.m.![]()
(Derrick Monasterio and Barbie Forteza)
Derrick Monasterio reunites with Barbie Forteza in new Kapuso telefantasya
Si Derrick Monasterio ang bini-buildup na bagong katambal ngayon ni Barbie Forteza.
Pagkatapos nilang magsama sa ikalawang yugto ng Luna Blanca, ngayon ay muli silang magsasama sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Mariposa.
Masayang-masaya ang Kapuso tween actor na si Derrick dahil muli siyang pinili ng Kapuso network bilang leading man ni Barbie, at ikinatutuwa rin niya ang suporta ng mga fans sa kanilang ikalawang tambalan sa TV.
Meron na nga raw nabuong fans ang tambalan nina Derrick at Barbie at ang tawag sa kanila ay “DerBie.”
Saad ni Derrick, “Siyempre po, sobra akong masaya kasi makakasama ko ulit si Barbie sa bagong show sa GMA-7.
“Maganda ang naging pagsasama namin ni Barbs sa Luna Blanca. Nagtulungan kami talaga.
“Kaya noong matapos ang Luna Blanca, medyo nalungkot po ako kasi tapos na ang pagtrabaho namin.
“Pero noong sabihin nga sa akin na ako ulit ang partner ni Barbie sa Mariposa, sabi ko, ‘Okey! Kami pala ulit ni Barbie!’
“Kaya salamat sa GMA-7 na nagtiwala ulit sila sa tambalan namin ni Barbie—sa DerBie!”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa story conference ng Mariposa last September 7 sa GMA Network Center.
Makakasama nina Derrick at Barbie sa Mariposa sina Agot Isidro, Maritoni Fernandez, Ken Chan, at Joyce Ching. Si Gina Alajar ang magdidirek nito.
Sa September 26 na ang first taping day ng Mariposa at nasa early primetime slot ito ng GMA-7 bago mag-24 Oras.
JOSHUA DIONISIO. Dahil ito na ang ikalawang pagtatambal nina Barbie at Derrick, hindi malayong itanong kung ano ang reaksiyon dito ng dating ka-loveteam ni Barbie na si Joshua Dionsio.
Matagal nang hindi nagkakasama sa isang TV show ang tambalang JoshBie mula nang matapos ang weekly teen show nilang Reel Love Presents Tween Hearts.
Nagkaroon din daw ng problema sa kampo ni Joshua kaya wala itong ginagawang project ngayon at kaya itinambal si Barbie sa ibang tween actors.
Ayon kay Derrick, matagal na niyang hindi nakakausap si Joshua. Huli raw niya itong nakausap bago magsimula ang taping nila ni Barbie ng Luna Blanca.
“Hindi ko pa po nakakausap si Josh kaya hindi ko alam ang reaksiyon niya kung bakit ako at hindi siya ang tinambal kay Barbs sa Mariposa.
“Siguro po ang makakasagot na lang niyan ay ang management. Sila naman po ang nagbibigay ng trabaho sa amin.
“Kung ano po ang rason, sila lang po ang nakakaalam.
“Kami po ni Barbie ay sumusunod lang sa mga ibinibigay nila sa amin,” diin ng 17-year-old actor.
YOUTH AMBASSADOR. Bukod sa bagong TV show ay busy rin si Derrick sa kanyang pagiging youth ambassador ng National Youth Commissioner.
Ilang mga schools na raw ang napuntahan niya kasama ang mga taga-NYC para maturuan ang mga kabataan na layuan ang masasamang bisyo tulad ng paggamit ng droga.
Ayon kay Derrick, “Nationwide po itong ginagawa namin para sa NYC.
“Hindi lang po sa mga private and public schools sa Luzon kundi pati sa Visayas and Mindanao.
“Kaya inaayos nila ang schedules sa tapings para nakakasama ako sa mga pagpunta sa mga campuses.
“Gusto ko rin naman po itong ginagawa ko because pinu-promote natin ang magandang lifestyle para sa mga kabataan ngayon.
“We want them to stay away from drugs and be active sa sports at iba pang activities na makakatulong sa personal growth nila at community na kinabibilangan nila.”
DERRICK’S MOM. Kinuha ring celebrity endorser ng UniSilver Watch si Derrick, at pipirma na siya ng recording contract under Dyna Records on September 20.
At ipinagpapasalamat ni Derrick ang mga magagandang nangyayari sa career niya ngayon.
Saad ni Derrick, “Paunti-unti po ay natutupad ang mga dreams natin na maging isang product endorser at recording artist.
Aniya, “Lagi ko naman pong ipinagdarasal na maging maganda ang takbo ng showbiz career ko.
“Ayokong ipahiya ang mga taong nagtitiwala sa akin, lalo na si Mommy.
Si Derrick ay anak ng dating aktres na si Tina Monasterio..
Sabi pa ng Kapuso tween tungkol sa kanyang ina, “Lahat ng pangaral niya sa akin ay sinusunod ko. Hindi naman po ako naging pasaway sa kanya.
“Kaya pinagbigyan ni Mommy ang hiling ko na subukan ko ang showbiz.
“Sa mga nangyayari ngayon na maganda sa career ko, pinakamasaya si Mommy.
“She always say na she’s very proud of me.
“As a son, I’m also very proud of her kasi napalaki niya kaming magkakapatid na maayos.”
Dagdag sa achievements na natatanggap ni Derrick ay ang German Moreno Youth Award na binibigay ng FAMAS Awards. Ang isa pang paparangalan ay si Julie Anne San Jose.
Magaganap ang FAMAS Awards sa September 25.
http://www.pep.ph/news/35668/derrick...lefantasya/1/3
Not seen on TV: Behind the scenes of GMA Telebabad's Plug Shoot
Date: Sep 21, 2012
Watch this exclusive behind the scenes video of GMA Telebabad's last quarter lineup for 2012.
prosthetics para sa Mariposa...
Barbie as MARIPOSA....sa November na po @gma-7
Barbie as MARIPOSA....sa November na po @gma-7
![]()
ABANGAN si BARBIE sa MARIPOSA
Ganda ni Barbie at Gwapo si Derrick
http://sphotos-d.ak.fbcdn.net/hphoto...17997497_n.jpg
Makakasama din po nila Barbie & Derrick sila Joyce Ching at Rita Iringan sa MARIPOSA
cute ni Barbie at ng kanyang Mariposa souvenir..
![]()
sana mag rate ito. maganda sana ang production at story![]()
Abangan sina Derrick Monasterio and Barbie Forteza sa MARIPOSA
Barbie Forteza
BARBIE, ayaw sumawsaw sa isyu ni BEA!
Ni ROSE GARCIA
ENTERTAINMENT
Tuluy-tuloy na ang sinimulang team-up nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa Luna Blanca. Sila rin kasi ang magka-loveteam sa bagong fantaserye na pagbibidahan ni Barbie sa GMA-7, ang Ma*riposa.
Paglabas pa lang daw ni Barbie, higad na siya na siyempre pa, sa bandang huli ay magi*ging isang mariposa. Si Derrick naman daw ay mula sa mundo ng mga mortal at isang rich kid.
Walang problema kay Barbie kahit sila na ni Derrick ang i-loveteam.
“Kahit sino naman po ako. Kahit anong ibigay sa akin ng GMA, kahit anong ipagawa nila. Nagtitiwala naman po ako sa kanila. Kahit nga paitimin nila ko, gawing paru-paro, sige lang.”
Kaso, sad na talaga ang Joshbie fans? Ang Joshbie fans ay mga fans ng loveteam nila ni Joshua Dionisio. Ngayon ay Derbie na sila ni Derrick.
“Alam niyo ‘yung Derbie, kami lang ni Derrick ang gumawa no’n, pero ‘yun, ginamit na rin ng mga fans. Pero ‘yung Joshbie naman po, nandiyan lang. Nag-aaral po kasi si Joshua ngayon. Graduating na siya ng high school kaya parang nanghihinayang naman po ang parents niya kung hindi niya tatapusin.
“Pero kung ano po talaga plano ng management, okay lang sa akin. Kung i-loveteam pa rin kami ni Joshua, okay rin po.”
On the o*ther hand, masuwerte naman si Barbie at hindi pa siya naiintriga ng grabe. Ang sinasabing mahigpit niyang kakumpe*tensya sa network na si Bea Binene ay nagkakaroon ng ilang ma*lisyosong issues na mismong ang ina na rin nito ang nag-deny at naglinaw na wala nga raw katotoha*nan. Ayaw namang makisawsaw pa ni Barbie sa isyu.
“Labas naman po ako sa isyu. Hindi naman po ako ka*sali, so, ayoko pong magbigay ng comments. Baka po makasali pa ako sa isyu o makasama pa.”
Pero ayon kay Barbie, nagkakausap naman daw sila ni Bea at kahit paano, may alam siya. Pero wala raw siya sa posisyon para magsalita nga. Hindi naman daw siya naniniwalang totoo ang isyu rito.
“Ang bata pa po ni Bea at saka, basta po ako, hindi po ako naniniwala. Unang-una, ang tagal na rin po naming magkasama ni Bea at ang dami na rin po naming shows na pinagsamahan. Kaya kilala ko na po si Bea at alam kong hindi totoo.”
Hindi nagwo-worry si Barbie kung posibleng maapektuhan si Bea sa isyu.
“Tough naman si Bea kaya alam kong kaya niya ‘yan. At saka, wala, hindi ko siya nakikitang naapektuhan kasi, wala naman.”
Sa mga salita ni Barbie, mukhang kumpara noon, tila mas may nabuo na ngang friendship sa kanila ngayon ni Bea.
sana magrate ito and sana mag click ang tandem ni Barbie at Derrick. sa totoo lang parang di ko makita ang kilig sa kanila.
ENTERTAINMENT
Derrick, masaya sa piling ni BARBIE!
(RUEL MENDOZA)
ENTERTAINMENT
Si Derrick Monasterio na nga ang bini-build up na bagong katambal ni Barbie Forteza.
Pagkatapos nga silang magsama sa ikalawang yugto ng Luna Blanca, muli silang magsasama sa bagong telefantasya ng GMA-7 na Mariposa.
Masayang-masaya nga si Derrick dahil muli siyang pinili bilang leading man ni Barbie at kinatutuwa rin niya ang suporta ng mga fans sa kanilang ikalawang tambalan sa TV. Meron na nga raw nabuong fans ang tambalan nina Derrick at Barbie at ang tawag sa kanila ay DerBie.
"Siyempre po sobra akong masaya kasi makakasama ko ulit si Barbie sa bagong show sa GMA-7. Maganda ang na*ging pagsasama namin ni Barbs sa Luna Blanca. Nagtulungan kami talaga. Kaya noong matapos ang Luna Blanca, medyo nalungkot po ako kasi tapos na ang pagtrabaho namin.
"Pero noong sabihin nga sa akin na ako ulit ang partner ni Barbie sa Mariposa, natuwa ako. Kaya salamat sa GMA-7 na nagtiwala ulit sila sa tambalan namin ni Barbie -- sa DerBie!" sey pa ni Derrick.
Dahil nga sa ikalawang pagtatambal nina Barbie at Derrick, hindi malayong itanong kung ano ang reaction ng dating ka-loveteam ni Barbie na si Joshua Dionisio? Matagal na ngang hindi nagkakasama sa isang TV show ang tambalan ng Josh-Bie ever since na matapos ang Reel Love Presents Tween Hearts.
Ayon kay Derrick ay matagal na niyang hindi nakakausap si Joshua.
"Hindi ko pa po nakakausap si Josh. Kaya hindi ko alam ang reaksyon niya kung bakit ako at hindi siya ang tinambal kay Barbs sa Mariposa. Siguro po ang makakasagot na lang niyan ay ang management. Sila naman po ang nagbibigay ng trabaho sa amin," diin ni Derrick.
Kinuha nga ring celebrity endorser si Derrick ng UniSilver Watch at pumirma na rin siya ng recording contract under Dyna Records. Napili rin siya bilang isa sa tumanggap ng German Moreno Youth Award na binibigay ng FAMAS Awards. Ang isa pang pinarangalan ay si Julie Anne San Jose. Naganap ang FAMAS Awards noong September 25.
wala ganong posters dito
sana magrate ang mariposa. fantaserye bago 24Oras, okay lang pang bata ang timeslot pero sana maganda ang story and production para magustuhan din ng adults![]()
Mariposa’ Starring Barbie Forteza and Derrick Monasterio – Teaser
The love team of Barbie Forteza and Derrick Monasterio will now take the driver’s seat in GMA-7′s upcoming fantaserye titled “Mariposa.”
Because their first team-up, in the Kapuso primetime series “Luna Blanca,” received positive feedbacks, Barbie Forteza and Derrick Monasterio are now set to topbill their own fantaserye titled “Mariposa.”
Directed by Mark Reyes, the upcoming series also stars Agot Isidro, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Joyce Ching, Tanya Garcia, Gino dela Peña, Rita Iringan and Maritoni Fernandez.
“Mariposa” is tentatively scheduled to premiere on the first week of November.
Watch the teaser here:
Lemme guess, anak ng character ni Ms. Maritoni ang character ni Rita dito? Natatawa na ako.
Does this have a reference with Mariposa and her Butterfly Fairy Friends? I came across with it when I tried to search for this show's teaser/videos.![]()