Hingi lang sana ako ng input para sa employment situation ko ngayon:
Nag AWOL ako last May sa previous employer ko, 1st job ko yun and 1 year and 2 days ako dun to be exact. Ngayong araw, nakakuha ako ng sobrang gandang job offer sa isang company na naapplyan ko. Nilagay ko yung previous employer ko sa resume ko pero di ko sinabi sa kanila na nag AWOL ako.
Ngayon, binigyan na ko ng requirements para makapag simula na sa new job ko at hinahanapan ako ng Certificate of Employment / clearance. Obviously, di ako makakakuha nun sa previous employer ko kasi nga nag AWOL ako sa kanila at may bond din na di ko binayaran (pero nag submit ako ng resignation letter a few weeks bago ako mag AWOL, dapat makikipag negotiate ako sa bond na babayaran pero may mga event na sumama loob ko kaya di na lang talaga ako pumasok at may health issues din kasi ako).
Ang tanong ko, sasabihin ko ba sa HR ng company na nag bigay sakin ng job offer na nag AWOL ako from my previous company at di ako makakapag bigay ng COE or clearance? Mukang extensive ang background checks nila and inisip ko, baka mas okay pa na unahan ko na sila just in case malaman nila na nag AWOL ako or talagang hanapan nila ako ng COE or clearance.
Or, di ko sasabihin at tignan ko na lang kung makakalusot ako (baka din kasi pumayag sila na di muna kumpleto requirements at makalimutan na)?
Natatakot lang din ako sabihin yung totoo kasi most probably babawiin nila ang job offer pero umaasa ako na kung sasabihin ko yung totoo at mapapaliwanag ko kung anong nangyari, baka tanggapin pa din nila ako.
Ano ang mas dapat kong gawin?
Salamat.








Reply With Quote












