
Originally Posted by
Empress_Carla
TJ MARQUEZ, NAPASAMA SA 25 MOST RESPECTED GAYS IN THE PHILS.
Written by Timmy Basil
Tuesday, 10 July 2012
NAKAKALOKAH naman itong kumakalat sa Facebook ngayon na nakalagay doon (with pictures pa huh) ang 25 Most Respected Gays in the Philippines. May mga hayag na bakla namang nakasama in fairness sa listahan pero mayroon namang parang pinagtripan lang like Marc Nelson, TJ Marquez at iba pa.
Ano kaya ang magiging reaksiyon ng bagets na si TJ, ihabla ka niya ang creator ng nasabing post or dedeadmahin na lang niya ito para ‘di na lumaki. “Ano ba ‘yan, nirerespeto nga sila pero ‘yung ibang hindi naman dapat nakasali ay nirespeto ba nila ang kanilang karapatan,” sabi ng isang fan ni TJ na isa sa unang nakakita sa nasabing controversial post.
Nakasama sa Top 25 Most Respected Gays sa showbiz sina Ricky Reyes, Manny Pangilinan, Boy Abunda, Ricky Lo, Pitoy Moreno, Roderick Paulate, Vice Ganda, Joel Cruz, Lhar Santiago, Rajo Laurel, Piolo Pascual, German Moreno, Allan K, Ben Chan , Tsokoleyt, John Lapus, Bekimon, Tim Yap, Erik Santos, TJ Marquez, Bebe Gandanghari, Marc Nelson, Paolo Ballesteros, Raymond Gutierrez, at Enchong Dee.
Ang alam ko, gawa-gawa lang talaga ito at hindi ito official survey result, mate-trace ito kung sinuman ang gumawa ng kalokohang ito.