Newbie here, kumusta po sa inyong lahat
palagi po ako nagbabasa dito sa section na ito dahilt interesado po talaga ako mag-invest
nakikita ko po na maraming nagsusuggest ng MF and UITF
nung nagtanong po ako sa pinsan ko na nagtatrabaho sa bank at nag-ooffer niyan mejo na-intindihan ko po kahit papano
wala po talaga akong idea kasi talaga sa mga bagay na ito at talagang bago po sakin
pero nung malaman ko na sa market kinukuha eh dun ko napag-isip-isip na i-consult sa asawa ko na daytrader
sa conversation po namin ay nakapagdesisyon po ako na mag-invest initially ng minimum amount sa Option hanggang sa SQ sa Sept. so bale 2months mahigit po ang hihintayin ko para makuha ko ang interes (yan po ay kung walang mangyayaring sakuna na MAS matindi sa nangyari sa Lehman Brothers at sa earthquake and tsunami sa Japan)...
question: 1. ano po ba ang advantages and dis-advantages ng MF or UITF kaysa sa pag-trade privately?
2. kung kayo po papipiliin will you invest your money sa MF or UITF o will you do the trade yourself?
gusto ko po kasi talagang mag-invest din sa MF at UITF
(hindi po pinoy ang asawa ko kaya hinde po kami gano magkaintindihan sa MF at UITF kaya po minabuti ko na din po magtanong sa inyo lahat)
maraming salamat po sa lahat ng makapgbibigay ng kanilang mga opinion tungkol sa bagay na ito!![]()









Reply With Quote











