
PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read moreEND OF SHOWBIZ CENTRAL...The show is going OFF THE AIR, soon.
Hindi na nagkaila si Sweet (John Lapus) na ang tinutukoy niya ay ang nalalapit na pagkawala sa ere ng Sunday showbiz talk show niyang Showbiz Central.
Ayon kay Sweet, “Yes, the rumors are true.
"But in all fairness to GMA, kinausap naman ang mga managers namin at kami nang maayos.
"Sabi ko nga, some good things never last and for whatever reason... the management decided to change Showbiz Central/
"Hindi ire-reformat, kung hindi mawawala ang buong show.
“Kaya kapag tinatanong ako na 'tatanggalin ka raw sa Showbiz Central,' hindi ako makasagot kasi hindi naman ako tatanggalin—yung buong Showbiz Central ang mawawala.
"And the last time I heard, it would be another show. Different genre, it’s not another showbiz talk show anymore.
“Kinausap naman ako since my forte is showbiz talk show, so kung hindi tsismis-oriented show, bakit pa nandoon si John Lapus? Oo nga naman.”
May ideya na raw si Sweet kung ano ang ipapalit, pero baka makagalitan daw siya kaya hindi pa niya masasabi.
Ruffa wish sumunod kay Raymond sa talk show
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) Updated July 09, 2012
Matapos ang kanyang kontrobersiyal na pag-alis sa Paparazzi, tatanggap pa rin si Ruffa Gutierrez ng talk show pero wish niya na makasama ang kanyang kapatid na si Raymond Gutierrez. Aware ang former beauty queen sa kakayahan ng kanyang nakababatang kapatid sa ganitong trabaho kaya alam niya na magkakatulungan sila para mapaganda ang anumang programa na pagsasamahan nila.
Sinabi ni Ruffa na naka-move on na siya sa hindi magandang pangyayari sa Paparazzi. Hindi na rin siya galit.
Itinatanggi naman niya ang sinasabing paglipat niya ng network sa pagsasabing may kontrata pa siya sa TV5. “Pero hindi ko masasabi kung ano ang maaaring mangyari in the future,” sabi niya.
Samantala, abala siya sa kanyang Roof-a-Child Foundation na nagbibigay ng tahanan at mapagkakakitaan sa mga mahihirap.
Ruffa Gutierrez, ‘di pinansin ng Dos ang ginawang pag-iingay!
by Morly Alinio
Monday, July 9, 2012
DEADMA SA mga taga-channel 2 ang ginawang pag-iingay ni Ruffa Gutierrez matapos na ito ay magbigay-komento sa pag-alis niya sa programang Paparaazi ng TV5. Sabi ng ilang SP na aming nakausap, sinadyang huwag bigyang-pansin ang intriga ng dating Second Princess ng Miss World. Nag-iingay lang daw ito dahil nagpapansin.
“Kahit pinuri-puri niya ang The Buzz, still hindi na uli siya makababalik du’n,” sabi sa amin ng isang ABS-CBN reporter at ang dahilan ay hindi rin daw nagustuhan ng nasabing station ang ginawang pagtalikod ng aktres noon, kung saan ay bigla na lang itong lumipat sa Ka-patid station.
Sa kabilang banda, deadma rin ang Paparazzi sa mga negatibong pahayag na i-pinukol ni Ruffa laban sa staff ng nasabing talk show, at sa halip ay nagtengang kawali ang mga ito at hindi nila pinatulan kung ano man ang mga itinu-tweet ng aktres sa kanyang Twitter account.
“Huwag na, hayaan na lang natin siya. Kung du’n siya masaya eh, ‘di du’n siya.”
Wala raw maririnig na balik na masasamang salita ang nasabing programa dahil ang programang Paparazzi ay programang may puso at marunong umunawa.
Samantala, ayon kay Ruffa, hindi niya isinasara ang kanyang pintuan sa mga talk show dahil nasanay na siya sa mga kuwentong buhay-artista. Pero sa ngayon, mas bibigyan daw niya ng priority ang kanyang bagong soap opera sa TV5, kung saan ay makakasama niya ang bestfriend na si BB Gandanghari para sa Enchanted Garden na pagbibidahan naman nina Alex Gonzaga, Martin Escudero at Daniel Matsunaga.
Dollywood
Ruffa: I’m an easy target
By: Dolly Anne Carvajal
Philippine Daily Inquirer
July 8, 2012
Ruffa Gutierrez is not one to sit on her laurels. She’s perpetually in a state of reinvention, which makes her all the more interesting.
Rufs has been through hell, so to speak, yet she always managed to bounce back with grace.
As she celebrated her birthday recently, she also celebrated the joys of being an empowered woman.
Here’s my tete-a-tete with the fab birthday girl who has lived well, learned much, shared fully and loved deeply.
What’s the biggest lesson you learned as you turned a year prettier?
No matter what people say, make a stand and stick by it. Never compromise your values and principles for anything or anyone.
What’s the best birthday gift you got this year?
Delicious homemade brownies baked with love by Lorin & Venice.
What was the highlight of your birthday bash?
When I came home from a spa party given to me by Guerlain at L’incontro… there was another surprise party at home waiting for me! It was organized by Lorin, Venice & my dearest friend. I was so shocked that I almost had a heart attack!One of the happiest days of my life.
Why did you choose a fire and ice theme for your birthday bash?
It’s inspired by Robert Frost’s eponymous poem. Friends and I were sitting in my living room depressed over Pacman losing to Bradley when Charina Sarte came up with the most fabulous theme for a party. We looked at pictures, pegs and did some research. It was then when Fire and Ice was born.
Tell us about your foundation.
Roof-a-child is a project that provides shelter for disadvantaged kids coming from abusive homes, abandoned by their parents, or afflicted with disabilities.
Apart from its denotation, Roof-a-child aims to equip the youth with the tools they need for holistic development through educational, athletic, and cultural means. It also organizes feeding programs and medical missions. On a grander scheme, this nonprofit foundation intends to promote economic independence in impoverished communities by providing livelihood programs and cooperative projects, thus ensuring a flourished, more stable life.
I would like to use my celebrity status in making a difference in people’s lives.
Tell us about your website.
In line with my renewed vision, I’m also bringing something else from the ’90s back: my own website! I was one of the first few celebrities that had my own website online way back in 1998. My “crazy, sexy, cool” page, however, fell into disuse two years ago due to my hectic schedule.
I’m also set to launch an official fan page. A Ruffa App is also in progress. Soon I will also be blogging and have a means to communicate with my fans.
But though my birthday is over, it’s still only the beginning of my rediscovery and fresh start.
Tell us about your role in TV5’s “Enchanted Garden.”
I play the role of Diwana Valerianna—tagapagligtas ng kagubatan. Demigoddess of water. Alice, Rufa Mae and I play sisters. My character is very interesting since I play dual roles.Good vs evil. Which One will prevail??
You’ve said that you’re taking a sabbatical from love. If and when you fall in love again, what are the lessons you learned in the past that will be your heart’s guide?
Love myself and be whole on my own. Waiting for God’s best for me. Before you know it, it’s already gonna be November! The sabbatical will come to an end.
What’s the best part of being Ruffa Gutierrez?
The best part of being Ruffa is that I’m surrounded by a supportive family and loyal friends who love me unconditionally. They continue to hold my hand through thick and thin. They encourage me to be an achiever and set goals for my future. It’s also fun being Ruffa! Lots of freebies and travels.
What’s the hardest part of being Ruffa Gutierrez?
I’m an easy target. Controversies follow me everywhere!
How has your colorful relationship with your mom evolved through the years?
It’s still as colorful as ever! but now we understand each other and listen to each other more.
What’s a misconception about you that you would like to correct?
That I care about wealth. Ask anyone that knows me. I follow my heart… always.
What do you plan to do in Europe with your kids?
Experience the London Olympics 2012 together!We were in Beijing 2008 Summer Olympics. Hopefully, every four years we can make it our tradition.
What’s the toughest part of being a single mom?
Being the spoiler and the disciplinarian at the same time. It’s challenging but rewarding as well, most especially when your children excel in school, listen to you and have good manners when you’re not around.
How are your daughters like you and different from you?
Similar: Strong-willed, voracious readers, close to family, love getting dressed up.
Different: they are good singers, dancers and are extroverts. I was shy as a kid. It took me awhile to come out of my shell.
What’s your guilty pleasure?
Tapsilog, exotic travels, sweets and Chi Spa.
How do you like to be remembered?
I would like to be remembered for bringing the sunshine in people’s lives through my laughter and the goodness of my heart. A fighter, an empowered independent woman who would graciously pick up the pieces from every fall and rise like a phoenix each time.
HER BIRTHDAY bash had a fire-and-ice theme
PHOTOS FROM TWItTER.COM/ iloveruffag
Paparazzi axed
Published : Sunday, July 29, 2012
Written by : Nitz Miralles
Wala na palang Paparazzi at last episode na ’yung napanood kahapon, pero may bagong showbiz talk show ang TV5 entitled Ang Latest! at sa Saturday, August 4, na ito magpi-premiere. Nagtanong kami kung the same host ng Paparazzi ang magho-hosts ng Ang Latest!, hindi pa kami sinagot.
Magagaling ang hosts ng Paparazzi at marami silang scoop. Parang hindi nakatulong ang paiba-ibang time slot ng show, nahirapan ang viewers na tutukan. Wala pa ring balita kung anong time slot ng Ang Latest!
Last episode na pala ng Paparazzi last Saturday, July 28. Ang Juicy! naman ay hanggang Friday na lang, Aug. 4. Papalit sa parehong show ang pinakabagong talk show ng TV5 na mapapanood daily, Monday to Saturday, titled Ang Latest.
about 3 hours ago
Tuesday, July 31, 2012
Written by : Mario Bautista
PROPHETIC GOODBYE
IF ‘Showbiz Central’ had its last telecast last Sunday on GMA7, TV5’s “Paparazzi” also had its last airing last Saturday. “Showbiz Central” will be replaced by “HOT TV.” “Paparazzi” will be replaced by “Ang Latest!” Ruffa Gutierrez’ recent resignation from “Paparazzi” proved to be prophetic. When she left it, the show also ended.
Production staff, binawasan din, nagtitipid daw?
PAPARAZZI, TSINUGI, PINALITAN NG ANG LATEST
Written by Reggee Bonoan
Tuesday, 31 July 2012
NGAYONG araw sa meeting ng mga bossing ng Singko malalaman kung sino-sino na ang hosts sa Ang Latest, bagong talk show na mapapanood sa Sabado, Agosto 4 kapalit ng Paparazzi.
Base kasi sa kuwento ng TV5 executive noong Sabado (Hulyo 28) ay si ‘Nay Cristy Fermin lang daw ang kompirmadong kasama sa bagong show at ngayong araw nga lang nila malalaman kung sino ang mga ito.
Tiniyak naman sa amin ng isang executive rin ng TV5 na hindi na kasama si Zoren Legaspi sa Ang Latest dahil busy siya sa Enchanted Kingdom tulad ni Alex Gonzaga na inalis na rin sa Juicy para sa eco-fantaseryeng ito na idinidirehe nina Joel Lamangan, Joyce Bernal, at Eric Quizon.
Kaya abangan Ang Latest kung ka-join pa sina Congresswoman Lucy Torres-Gomez, Dolly Ann Carvajal at kung sino ang papalit kay Zoren sa Sabado. (Akala ko ba hindi nila tsutsugiin ang Paparazzi? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? Sa ginawa nilang iyan, parang inamin nilang sila ang nagkamali o may kasalanan sa pagre-resign ni Ruffa Gutierrez?—ED)
Samantala, huling linggo na rin daw ng Juicy ngayon dahil sa susunod na linggo ay may pagbabago na rin at hindi lang alam kung babaguhin din ang titulo nito at base rin sa tsika sa amin ng bossing ng TV5 ay wala sa line-up nila bilang hosts sina Direk Joey Reyes, Shalala, Divine Lee, at IC Mendoza.
Nakakahinayang naman kung mawawala si IC dahil wala na nga si Alex, pati ba naman siya wala na rin? Kung matatandaan, ang dalawang bagets ang nag-umpisa ng Juicy at tumagal ito ng apat na taon.
Bukod dito ay nagbawas din daw ng staff sa dalawang talk show para makatipid dahil nga sobra na sila sa budget at kailangan nilang magtipid.
Tsikahan nga sa production, “Tinitipid nila ang halos lahat ng shows na existing na para magamit sa mga bagong show tulad ng ‘Artista Academy’ at ‘Enchanted Kingdom’ na saksakan ng gastos.”
Katwiran namin na ganoon talaga dahil ganito rin naman sa ibang TV network, tinitipid ang ibang programa para idagdag sa mga bagong programa nila, ang maganda lang sa ABS-CBN (dahil may alam kami) ay hindi sila nagtatanggal ng tao, kung sakaling may mawalan ng trabaho, inilalagay sa ibang programa, ewan.
TV5 showbiz-oriented shows Paparazzi and Juicy! go off air
Arniel C. Serato
Tuesday, July 31, 2012
Kumpirmadong last episode na ng Saturday talk show ng TV5 na Paparazzi Showbiz Exposed noong Sabado, July 28, 2012.
Hindi man nagsabi ng pamamaalam sa ere ang mga hosts, pero ayon sa source ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nasabihan naman daw ang mga ito pati na ang mga staff.
Dalawang taon at halos tatlong buwan ang ipinamalagi sa ere ng Paparazzi na nagsimula noong April 2010.
Kasama sa original hosts ng show sina Cristy Fermin, Ruffa Guttierez, Dolly Anne Carvajal, at DJ Mo Twister.
Nang umalis si Mo Twister sa programa early this year ay pinalitan siya ni Zoren Legaspi.
Noong nakaraang buwan naman ay biglaang nag-resign si Ruffa dahil hindi nito nagustuhan ang naging treatment sa kanyang birthday segment.
Naging guest co-hosts sa ilang episodes sina Congressman Lucy Torres-Gomez at Mariel Rodriguez.
Matagal nang usap-usapan na magsasara na ang Paparazzi noon pa man, pero hindi ito natuloy.
Nitong nakaraang trade launch ng mga bagong shows ng Kapatid Network sa may Elements sa Centris, isa raw ito sa mga isyung inusisa ng press sa ilang executives, pero pinabulaanan pa rin nila ang kumakalat na balita.
Isa pang kumpirmado ay ang tuluyan na ring pamamalaam ng Juicy!, ang daily showbiz talk ng istasyon na halos apat na taon na rin sa ere. Nagsimula ito noong August 2008.
Hanggang Biyernes, August 4, na lamang mapapanood sa ere ang longest-running daily showbiz show ng Kapatid network.
Matatandaang isa ang Juicy! sa itinuturing na flagship show ng TV5 nang magbukas ito noong 2008.
Unang naging host ng show si Alex Gonzaga, at di naglaon ay sinamahan siya ni IC Mendoza.
Nang tumuntong ito sa ikatlong taon ay sinamahan na sila nina Cristy Fermin, Shalala, at Mo Twister.
ANG LATEST. Ayon pa sa kuwento ng PEP, gusto ng management ng panibagong look at timpla sa mga entertainment shows ng network at para naman magkaroon ng bagong pamimilian ang mga manonood.
Dagdag pa ng aming source, “Ang Latest ang new title ng show. Bale magkakaroon ng daily edition at isang edition naman sa weekend. Thirty-minuter pa rin ang daily at isang oras kapag Sabado.”
Mananatili pa ring main host ng show si Cristy Fermin, kasama sina Mr. Fu at Congresswoman Lucy Torres-Gomez.
May isa pa raw kinakausap ang management na idadagdag bilang co-host, pero hindi pa raw final ang kanilang deal.
Ang mag-inang Dolly Anne Carvajal at IC Mendoza ay natoka naman diumano sa mga segment VTRs.
Kumpirmado na ring hindi na makakasama si Alex Gonzaga ng Juicy! at si Zoren Legazpi ng Paparazzi sa bagong format dahil magiging busy ang mga ito sa kakabukas lamang na “eco-fantasya” ng TV5, ang Enchanted Garden.
Bahagi pa rin daw si Shalala sa show bilang voice-over talent sa mga segments ng Ang Latest.
Hindi pa konkretong nakuha ng PEP ang takbo ng show at kung paano nila ito ilalahad na kakaiba ang dating sa mga dating talk shows nila. Pero dagdag pang impormasyon ng aming source, may pagkakahawig ang format nito sa American shows na The View at TMZ.
Wala naman daw maaalis sa mga staff ng both shows dahil pinagsama nilang lahat ito sa bagong show.
Zoren, enjoy kasama si Ruffa
AUGUST 01, 2012 WEDNESDAY
JUN LALIN
Naikuwento rin sa akin ni Perci na sa Sabado na ang simula ng Ang Latest, ang bagong showbiz-magazine show ng TV5. Kapalit ito ng Paparazzi.
Live ang weekend show na ito na iho-host nina Cong. Lucy Torres Gomez, Cristy Fermin, Mr. Fu at Amy Perez with Dolly Anne Carvajal, IC Mendoza at Shalala bilang special correspondents.
Ang Ang Latest din ang papalit sa timeslot ng Juicy! tuwing hatinggabi at may 2-minute showbiz updates sila sa hapon.
Ang Ang Latest ang regular TV show na ni Lucy bilang Kapatid.
***
Nakatsikahan ko kahapon si Zoren Legaspi.
Ayon sa actor/TV host, wala pa siyang bagong show sa TV5 after na magsara ang Paparazzi.
“Sa ngayon, happy ako sa Enchanted Garden dahil medyo ‘madugo’ ang taping namin para sa show na ito.
“Wala pa namang sinasabing bagong show na ibibigay sa akin kapalit ng Paparazzi,” sey ni Zoren.
Tinanong ako ni Zoren kung ano ang bagong show ni Ruffa sa TV5 pero ang sabi ko, hindi ko pa alam dahil nakatakda pa lang mag-meeting si Tita Annabelle (Rama) at si Perci tungkol sa magiging bagong show ni Ruffa sa Kapatid network.
Hanggang sa Marso pa ang kontrata ni Ruffa sa TV5, kaya mali ang naglalabasang iniwan na niya ang nasabing TV network.
Certified Kapatid star pa rin si Ruffa dahil may non-exclusive contract siya sa TV5 hanggang sa Marso.
Biniro ko si Zoren na malay niya at baka magkasama uli sila ni Ruffa sa isang talk show.
“Puwede rin, enjoy naman akong kasama si Ruffa,” sey ni Zoren.
Pare pareho lang naman silang mga BASURA ng Industrya! The Paparazi Hosts and Ruffa ...walang pinag iba!
Haahahahahaaaaaaa