Sayang hindi nyo na inabot yung hanging bridge, sinira kasi ni Ondoy nung 2006.
Yung never-ending bridge, meh kwento yung barkada ko dun, dumaan sila, tapos napapansin nila parang hindi ata nila maabot yung dulo (galing sila Forestry so headed sa direction ng Main Lib). Eh yung friend ko na yun, meh 3rd eye pa. Ako naman, basta nadaan dun, busina muna bago tumawid ng tulay, para mainform ko yung mumu na makikidaan ako
Eh alam nyo ba yung kwento nung banga dun sa tsik malapit sa SU o yung lalaking asa facade ng Social Garden na bumaba pag madaling araw? Ay yung "red eye lalaki" sa meh College of Forestry pa pala! Lols
Here's my personal experience: Tambay kami sa field ng mga 3am, tapos nung palabas na kami ng campus, meh nakasabay kaming lalaki na nakabarong at black slacks (3AM yun ha)...so kami wala deadma lang, tapos napansin namin nung asa meh Maquiling School na kami, biglang "nawala" yung barong dude.
---
As for "naughty" experiences, dati madali talaga

pero ever since nagkaron na ng curfew sa UPLB at yung street lighting project, mahirap na.