so part ng pag-process ng home loan application sa bangko para makabili ng house & lot ay ang pag-appraise ng property na bibilin (or otherwise ang magiging collateral na property).
ano po ba ang mga tinitingnan ng mga real estate appraiser dito?
sa kaso na hindi brand new by an accredited developer, base sa hula ko and konting google ay titingnan ng appraiser ang:
1. value ng lote, kung magkano ba ang lakaran ng per square meter sa area
2. value ng bahay; i assume ganu'n din, estimate nila ang total floor area and multiply by certain average rate ng pag-build ng tinitingnan nilang bahay (halimbawa P20,000 per square)
tama ba ito? gaano ito ka-subjective sa mga appraiser? ang mga appraiser ba ng bangko ay sarili nila or independent 3rd party? kumikiling ba ang mga 'to sa lower appraisal dahil bangko ang kliyente nila (kahit na binabayaran ng loan applicant)?
wala kasi ako experience sa pagpa-appraise, 1st time loan applicant. pero several sellers na ang nagsabi sa 'kin na kung mag-decide ako on their house ay mag-earnest money ako, ayusin nila (pintura, etc.) para mas mataas ang appraisal. yung isang broker nagsabi pa na kaya niya raw na kausapin ang kung sinong bangko para mataas ang appraisal.
nakakakaba tuloy na kung ano ang selling -- kahit yun ang lakaran ng selling sa area -- ay gugulangan ka ng bangko w/ a low appraisal.
appreciate any inputs! ty.








Reply With Quote










