PEx Highlights

Follow @pinoyexchange on Twitter

Be in the know! Follow @pinoyexchange on Twitter for community, movies, sports and promo updates.

read more

REVIEW: The Judge

Robert Downey Jr. takes off his iron suit and stars in this legal drama. Read our review here!

read more

Top Female Celebrities

2 more weeks and she will officially be the IT GIRL of the month. Can her fans keep it up? Jane Oineza is still PEx's Top Female Celeb!

read more

Big Hero 6 Pins!

New movie pin alert! Join the movie discussion thread and collect all five Big Hero 6 pins!

read more

PROMO: The Book of Life

Join the promo and get a chance to win exclusive The Book of Life merchandise!

read more

PHOTOS: Alaska Wins Laugher vs Champs

Calvin Abueva (21 points, 11 rebounds) and the Alaska Aces made a statement on Wednesday, dominating the Purefoods Star Hotshots in a laugher, 93-73.

read more

Page 3 of 6 FirstFirst ... 2 3 4 ... LastLast
Results 41 to 60 of 103
  1. #41


    Please VOTE for Ms. Judy Ann Santos

    http://www.femalenetwork.com/celebri...-your-favorite

    as one of The Top 20 Fit and Fab Female Stars

  2. #42
    Taping of Juday-Sam TV series suspended
    Published : Tuesday, October 16, 2012
    Written by : Nel Alejandrino

    Did we hear it right na temporarily munang hindi nagte-taping ang dapat sana’y unang series together nina Judy Ann Santos at Sam Milby na Against All Odds?

    Kailangan daw kasing tapusin muna ni Juday (Judy Ann’s pet name) ang siyuting niya for Agimat, Enteng and Me, her first film with Senator Bong Revilla and Vic Sotto.

    The film kasi is a Metro Manila filmfest entry. Kaya may deadline to beat, naturally.


    Bale ba, sumingit bigla ang taping niya for her new weekly cooking show, Master Chef bilang answer to the clamor ng mga sumubaybay ng Junior Master Chef.

    Ang pagkakaiba lang nitong bagong show na ihu-host ni Juday, may drama involved, which every participant will narrate.

    Meanwhile, ’di naman magiging totally stagnant, wika nga, si Malu Sevilla, director ng series nina Juday at Sam, dahil bukod sa siya ang director ng weekly comedy show, Toda Max, nina Angel Locsin, Robin Padilla, Vhong Navarro at Pokwang, may nakatakda raw muna siyang series na ididirek.

    ’Di pa raw niya tiyak kung ano ito.

    Actually, wish ni Direk Malu ang makapagdirek ng movie bago siya mag-resume ng taping for Against All Odds.

  3. #43
    Judy Ann Santos Joins Vic Sotto and Bong Revilla in ‘Si Agimat, Si Enteng and Me’
    October 16, 2012 by cd

    Judy Ann Santos teams up with Bossing Vic Sotto and Sen. Bong Revilla in the upcoming MMFF movie “Si Agimat, Si Enteng and Me” (also known as “Si Agimat, Si Enteng at Ako”).

    It can be remembered that during last year’s Metro Manila Film Festival, Judy Ann’s movie “My Househusband” vied against Sotto’s “Enteng ng Ina Mo” and Revilla’s “Ang Panday 2.” Her film placed 4th, Revilla’s was 3rd and Sotto’s collaboration with Star Cinema co-starring him with Ai Ai delas Alas emerged as the top-grosser and the only MMFF entry to surpass the P200-million mark.

    This year, in the 38th edition of the Metro Manila Film Festival, the three superstars–Judy Ann Santos, Sen. Bong Revilla and Vic Sotto–join forces in one mammoth project titled “Si Agimat, Si Enteng and Me” (“Me” being Judy Ann).

    The film is a joint production by five movie outfits: Octoarts Films, M-Zet Productions, Imus Productions, APT Entertainment and GMA Films and is a crossover of “Agimat” and “Enteng Kabisote” film franchise which were proven MMFF box office drawers in the past.

    Meanwhile, Judy Ann is also set to maintain her title “Queen of Teleserye” as she is prepping up for her new primetime series on ABS-CBN titled “Against All Odds” after she completes filming her MMFF movie.

    According to a report by ABS-CBN, Judy Ann will be joined in the series by a powerhouse cast that includes Sam Milby, KC Concepcion, John Estrada, Mylene Dizon, Jessy Mendiola, Joseph Marco, Bryan Termulo, Mr. Tirso Cruz III, and Ms. Coney Reyes. There are rumors that Jericho Rosales will also join the cast.

    The project, which is supposed to air later this year, is now being considered to be released on the first quarter of 2013.

  4. #44
    Judy Ann Santos’ Role In MMFF Film Tailor-Made For Her
    By BHENJ AGUSTIN
    October 26, 2012, 9:38am

    MANILA, Philippines—Judy Ann Santos maintains that the role she plays in the Metro Manila Film Festival (MMFF) entry “Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Ako” was specially written for her and not the one supposedly meant for Ai Ai de las Alas.

    “Ibang role yung binigay nila sa akin kasi sabi ko rin hindi ko po kayang maitawid yung ginagawa ni Miss Ai Ai kasi siya lang naman yung puwedeng gumawa nun,” she said in an interview aired on “TV Patrol” Oct 25.

    If she were still part of the movie, Ai Ai would’ve played the role she had done in the hit movie series “Tanging Ina Mo” whereas Judy Ann’s role in “Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Ako,” is that of a flirtatious fairy looking for a partner.

    “Harot lang ng harot,” as Judy Ann puts it, laughing.

    The cast and crew of “Si Agimat, Enteng Kabisote, at Ako” shot the final scenes of the film yesterday in Batlag Falls, Tanay, Rizal despite the heavy rains.

    When “24 Oras” asked what’s it like being a fairy, Judy Ann, who came to the shoot already in costume, blurted, ““Enjoy! At least, di ba, minsan sa isang buhay ko ay naging diwata ako at naging part ako ng Enteng at Agimat. Kumbaga, para sa akin, napasama ako sa isang history ng parte ng pagiging isang artista.”

    She isn’t worried that superstar Nora Aunor, whom many predict will give Judy Ann stiff competition for the MMFF Best Actress Award come December, has two entries in the MMFF. On the contrary, the younger actress is ecstatic that an artist of Nora’s caliber will lend the festival more prestige.

    “Ang saya saya! Bongga, alam na natin kung sino ang hahakot ng award. Alam na natin ‘yan,” Judy Ann told “TV Patrol.”

  5. #45
    Abante-Tonite
    Gorgy Rula
    October 26, 2012

    Juday, gusto nang sundan si Lucho
    Vic, mas masaya sa Pasko


    LAST shooting day na kahapon ng Si Agimat, Si Enteng at si AKO na kinunan sa Batlag Falls sa Tanay.

    Kahit nag-uulan, tuloy pa rin sila sa pag-shooting. Medyo hirap pa ang mga artista at production staff dahil maputik at madulas ang ibang daan pero tuloy pa rin sila.

    Maagang dumating si Vic Sotto at sumunod ang bagong Eat Bulaga darling na si Ryza Mae Dizon.

    Maingat si Bossing sa pagsagot sa mga personal na isyu. Wala ka talagang makukuha sa kanya kapag lovelife ang pinag-usapan.

    Basta, masaya lang daw siya lagi, at tingin niya, mas masaya siya sa darating na Pasko dahil nadagdagan na naman siya ng apo.

    "Gusto ko, mas marami, mas masaya," pahayag ni Vic.

    Naikuwento na lang niya na isa sa nagpapasaya sa shooting nila ay ang batang si Ryza Mae.

    "Nakakatuwa siya, kasi, ang gusto lang niya, magkaroon ng sarili niyang artista chair para maramdaman daw niyang artista na siya talaga," kuwento ni Vic.

    Kaya niregaluhan daw ni Judy Ann Santos si Ryza ng maliit na parang director's chair na kasyang-kasya sa bata.

    "May nabili kasi ako noon na mga maliliit na director's chair. Nakita ko hirap na hirap siyang umupo sa monoblock, hindi siya makapagpahinga.

    "Naalala ko, marami akong maliit na upuan na hindi naman nagagamit sa bahay, binigay ko sa kanya ang isa. Tamang-tama naman sa kanya, kasyang-kasya talaga sa kanya," pahayag ni Juday.

    "Ayon, masaya na siya, parang naramdaman na niya na artista na siya talaga," dugtong ni Bossing Vic.

    Niregaluhan naman ni Sen. Bong Revilla si Ryza Mae ng iPad na ikinatuwa rin ng bagets dahil meron na itong napapaglaruan.

    "Wala 'yun, Natuwa lang ang bata na magkaroon siya ng iPad, kaya binigay ko na lang sa kanya," pakli ni Sen. Bong.

    Aminado si Juday na pressured siya sa pelikulang ito dahil matitindi ang mga kalaban.

    "Pressured talaga. Kasi, 'pag mag-number two 'to, malamang ako ang dahilan, 'di ba?" bulalas ng aktres.

    "Kasi, lagi sila nag-number one sa filmfest, tapos ngayon, mag-number two, tiyak ako ang dahilan."

    Kampante sina Sen.Bong at Bossing Vic sa kanilang pelikula dahil maraming bagong mapapanood sa adventures nina Agimat at Enteng.

    ***

    Pagkatapos nitong shooting ay magbabakasyon sa ibang bansa ang pamilya nina Juday at Ryan Agoncillo dahil matagal na silang walang bakasyon sa dami ng trabaho nila.

    Ise-celebrate na rin nila ang 60th birthday ng mommy ni Ryan kaya excited sila sa bakasyong iyun.

    Magkakaroon pa ng bonding moments sina Juday at Ryan sa susunod na buwan dahil kasama si Juday sa show ng Eat Bulaga sa London sa November 17.

    Si Juday ang isa sa special guests at kasabay na rin ang bakasyon nilang mag-asawa.

    Doon na kaya nila susundan si Baby Lucho?

    "Napag-usapan namin din 'yan ni Ry, pero bahala na. Kung ibibigay, ibibigay talaga ng Diyos 'yan.

    Kung para sa amin, para sa amin," natatawang sagot ni Juday.

    Gusto na sana nilang masundan si Baby Lucho at tama na raw na meron silang tatlong anak.

    Samantala, nakikita naming natutuwa ang Dabarkads ng Eat Bulaga sa nalalapit na pagbabalik ni Pia Guanio.

    Sa November 5 na siya babalik sa Eat Bulaga, pero hindi lang namin tiyak kung kasama ito sa London.

    Sabi ni Ruby Rodriguez, "At least ngayon, si Baby Scarlet na ang dala-dala niya rito. Hindi na 'yung paboritong aso niya. Magkukuwentuhan na kaming mga moms dahil marami kaming maise-share."

  6. #46
    Takot masisi 'pag 'di nag-no. 1 Juday pressured sa movie nila Sen. Bong at bossing Vic!
    PIK PAK BOOM
    Ni Sol Gorgonio
    Pilipino Star Ngayon
    Updated October 26, 2012

    PAK: Aminado si Judy Ann Santos na sobrang pressured siya sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng at si Ako dahil first time niyang makakasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang dalawang bigating leading men na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto.

    Sabi ni Juday: “Nakaka-pressure talaga dahil kung mag-number two ito sa box office malamang na ako ang dahilan. Siyempre madalas na nag-number one sila sa MMFF ’tapos ’pag mag-number two ngayon eh di ako ang dahilan.”

    Kaya very cooperative ito sa shooting hanggang sa promo nito dahil ayaw naman niyang magbigay pa ng problema sa produksiyon.

  7. #47
    THAT'S ENTERTAINMENT
    Ni Master Showman Kuya Germs
    Pilipino Star Ngayon
    Updated October 27, 2012

    Juday hindi nag-e-expect ng award sa MMFF nina Bong at Vic

    Engkantada pala ang role ni Judy Ann Santos sa pang-MMFF movie nila nina Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto. Bukod sa pagtanggi na sinulot niya ang role na intended for AiAi delas Alas, sinabi ni Juday na enjoy siya sa kanyang bagong trabaho. Bagaman at malayo siyang magka-award para sa kanyang role, okay na ito sa premyadong aktres na ang hangad lamang ay mamayani sa box-office ang kanilang pelikula.

  8. #48
    hmmm... bahooo! pangsay's Avatar
    Join Date
    Apr 2001
    Location
    toilet bowl
    Title pa lang ng movie na ito pang obob na.

  9. #49

  10. #50
    love the trailer.... sana 1st day maka 50 million ito.. siguradong sira ang box office.. hehehe!

  11. #51
    napanuod q trailer ng sisterakas,d naman kgandahan.laspag mga jokes.

  12. #52
    Bong Revilla on MMFF entry with Vic Sotto and Judy Ann Santos: 'Pang-number one ang pelikula'
    November 30, 2012 4:25pm



    Ayaw raw magpa-pressure ni Senator Ramon “Bong" Revilla Jr. kung tatanghaling highest-grossing film o number one sa takilya sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012 ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos—ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

    Pero confident daw siya sa kalidad ng nabuo nilang pelikula. Ito ang entry ng limang film companies–Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment at GMA Films–sa MMFF na magbubukas sa Disyembre 25.

    “Well, about number one, ang sa akin diyan basta ginawa namin ang lahat para mapaganda yung pelikula.

    "Nasa tao na iyon para husgahan ang pelikula. Pero ang masasabi ko, pang-number one ang pelikula.

    “Punung-puno, hitik na hitik sa saya, sa drama, sa aksyon, sa special effects, so nandun lahat.

    "Kung ano yung hahanapin mo, nandiyan.

    "Siyempre sa comedy si Vic, di ba? Kita n’yo naman kung gaano kagaling magpatawa.

    "E, nahahawa pa ako sa pagpapatawa na iyon. Dati rin naman akong komedyante sa Idol Ko Si Kap," pagtukoy niya sa defunct GMA-7 sitcom.

    “Si Judy Ann may timing din siya [sa comedy]. Tapos may aral pa kayong mapupulot dito about the environment, pangangalaga sa kalikasan," paliwanag ni Sen. Bong.

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sen. Bong sa pocket presscon ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako para sa kanya kasama sina Sam Pinto at Jillian Ward na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City nitong Huwebes. -- Glen Sibonga, PEP

    source: http://www.gmanetwork.com/news/story...e-ang-pelikula

  13. #53
    panindigan ko muna pagiging fantard... panonoorin ko to dahil kay juday... yun lang...

  14. #54
    Friendship nina Vic Sotto at Sen Bong Revilla, lalo raw pinatibay ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako
    December 15, 2012 12:40am

    Bagaman dati na silang magkaibigan, sinabi ni Vic Sotto na lalong tumibay ang samahan nila ni Senador Bong Revilla Jr., dahil sa film fest movie na Si Agimat, Si Enteng at Si Ako.

    Sa idinaos na grand presscon ng nabanggit na pelikula, dumalo ang mga pangunahing bituin nito na pinangunahan nina Vic, Sen. Bong at Judy Ann Santos.

    Nandoon din sina Jose Manalo, Wally Bayola, Sam Pinto, Gwen Zamora, Yassi Pressman, John Lapus, at child stars na sina Jillian Ward at Ryzza Mae Dizon.

    Ayon kay Vic, masaya siya sa kinalabasan ng Si Agimat, Si Enteng at Si Ako, na kabilang sa mga pelikulang mapapanood sa darating na Metro Manila Film Festival sa Disyembre.



    Wala raw sapawan na nangyari sa shooting dahil ang intensiyon nila ay mapaganda ang bawat eksena.

    “Kasi ang una naming iniisip kung papaano gaganda yung eksena. Wala kaming iniisip na kailangan ako ang mag-punch line dito, akong sumuntok dito, hindi eh, it's how the scene will work para sa ikagaganda ng pelikula," paliwanag ni Vic sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute nitong Biyernes.

    Idinagdag naman ni Juday na masaya nilang ginawa ang movie kaya maganda ang kinalabasan nito.

    Pahayag naman ni Sen Bong: “Actually bigayan kami, tulungan kami. Tinginan pa lang namin ni Vic nagkakaintindihan na kami. Hindi kami yung kailangan mauna ako o mauna siya. Alam na namim, give and take kami sa aming dalawa pagdating sa mga eksena."

    Ayon pa kay Vic, lalong gumanda ang samahan ni Sen. Bong sa ikalawang pagtatambal nila sa pelikula matapos ang Si Agimat At Si Enteng Kabisote.

    “Mas swak kami ngayon. Dati na kaming magkaibigan ni Sen Bong pero yung pakikipagtrabaho, yung halos araw-araw kayo na nagkikita; hanggang madaling-araw, hanggang sa malayong lugar, hanggang Laoag, isang bubong lang yung tinitirhan niyo, so nagta-translate 'yon sa screen," paliwanag niya.

    Ikinatuwa rin ni Vic na sa December 23 na gagawin ang “Parada ng mga Bituin" dahil magkakaroon daw siya ng mas mahabang oras sa paghandaan ang Noche Buena kinabukasan kung saan makakasama niya ang kanyang mga anak. - FRJimenez, GMA News

    source: http://www.gmanetwork.com/news/story...teng-at-si-ako

  15. #55
    Judy Ann Santos on having another child next year: “Kung ibibigay sa amin ang biyayang iyan, ibibigay. Kung mangyayari, mangyayari.”

    Rommel Gonzales

    Monday, December 17, 2012 @ 02:47PM


    May dahilan si Judy Ann Santos kung bakit hindi siya gumagawa ng New Year’s resolution. Paliwanag niya, “Kasi, parang sa akin, bakit ka kailangang maghintay ng Bagong Taon para magbago ka kung puwede mo naman siyang gawin any time of the year?”
    Photo: Noel Orsal

    Katulad din ng mga ordinaryong tao ang young superstar na si Judy Ann Santos tuwing Pasko at Bagong Taon.

    “Sa bahay lang kami. Normally kasi, pag Christmas vacation, sina Mommy [Carol Santos] 'tsaka sina Kuya [Jeffrey Santos], sina Ate [Jackie Santos], doon natutulog sa amin.

    "Yung buong immediate Santos family, sila yung natutulog ng [December] 24 hanggang 25, kasi 25 naman ng gabi, may yearly Mass kami, na Thanksgiving Mass na ginagawa sa bahay.

    “Tapos, iyon na. Yung ibang friends, pumupunta sa bahay, iyon na yung celebration na yun...

    “Party nang slight, 'tapos yung mga following days, pahinga na yun.

    “Kung saan na lang gustong magpunta ng mga bata, sila ang boss sa pagkakataong ito,” ang kuwento ni Judy Ann sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako sa Annabel’s restaurant noong December 13.

    Ano ba ang inaasahan niya sa taong 2013?

    Tugon niya, “2013? Alam mo, ang 2012, hindi ko din naman in-expect na magiging ganito kaganda ang pagtanggap sa akin sa pagbabalik ko.

    “Ang 2013 or sa kahit na ano pang mga nakaraang taon na nagdaan, hindi ko siya talaga pinaplano.

    “Nagkakataon lang na nagkakaroon ng plano sa pagtanggap ng mga projects...

    “Kasi sasalain mo, iisipin mo kung kaya pa ba ng katawang-lupa mong gawin ito.

    “Kung angkop ba siya sa mga anak ko, na paglaki ba nila mai-inspire ba sila sa ginawa kong pelikula."

    Gusto rin daw ni Juday na mas magkaroon ng panahon para sa pamilya sa susunod na taon.

    Sa pagpapatuloy ng misis ni Ryan Agoncillo, “At saka siguro, ang 2013, mas sisiguraduhin ko lang na mas magiging relaxed lang ako at magkakaroon ako ng mas maraming oras sa mga anak ko.

    “Kasi parang itong mga nakaraang buwan, I’m really occupied with work and nalulungkot ako pag hindi ko sila nakikita.

    “Siguro mas ano lang, kung 2012 yung puro light-hearted films yung napanood nila sa akin, baka mas seryoso yung pang-2013.”

    Nasa plano ba nila ni Ryan na sundan na this 2013 si Lucho?

    “Kung ibibigay sa amin ang biyayang iyan, ibibigay. Kung mangyayari, mangyayari,” ang nakangiting sabi ni Judy Ann.

    Meron ba siyang New Year’s resolution?

    “Ako, palagi ko namang sinasabi kapag tinatanong ako ng New Year’s resolution, 'Hindi ako naniniwala sa New Year’s resolution, e.'

    “Kasi, parang sa akin, bakit ka kailangang maghintay ng Bagong Taon para magbago ka kung puwede mo naman siyang gawin any time of the year?

    “Para sa akin, ang pagbabago, hindi siya kailangang maghintay ng pagpasok ng Bagong Taon.

    "Kung gusto mong magbago, magbago ka na bukas o ngayon na mismo,” saad ni Judy Ann.

    FOR THE KIDS. Bidang babae si Judy Ann sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, at bidang lalaki naman sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla.

    This time, dahil pambata at fantasy ang movie nila, excited ang panganay na anak nina Judy Ann at Ryan na si Yohan na mapanood ang pelikula.

    Kuwento ni Judy Ann, “Happy ako kasi naiintindihan na ni Yohan yung ginagawa ko and, at the same time, para sa mga bata talaga yung pelikula...

    “So, ewan ko lang kung magpagawa siya nung costume na parang sa akin,” ang natatawang wika ni Judy Ann.

    “Si Lucho hindi pa niya naiintindihan yun, e.

    “Pero pag nakikita niya ako sa TV, sinasabi lang niya, ‘That’s mommy’s work, that mommy’s work! Alam niya.”


    SEXY GOWN. Sa ABS-CBN Christmas special, marami ang nagulat sa daring at seksing kasuotan ni Judy Ann na backless gown.

    “Huwag po kayong mag-alala, una’t-huli na po iyon,” sabay-tawa ni Judy Ann.

    Nailang ba siya sa outfit niya that night?

    “Siyempre, naiilang din, kasi first time akong nagsuot ng ganoon buong buhay ko, di ba?

    “Pero naisip ko naman wala namang pinagkaiba ang harap sa likod...

    “So, at least, mailabas mo na lang din yung buong likod mo bilang hindi mo na din uulitin,” ang tawa nang tawa pa ring sinabi ni Judy Ann.

    “And kumbaga, I think, sa isang babae meron ka talagang part ng utak mo...

    “Or at the back of your mind, iniisip mo, 'Someday, I can wear something like that,’” sabi niya.

    “Yung low-back [gown] talaga na, ‘Kailan ko kaya magagawa iyon?’

    “E, kasi nung dalaga naman ako, hindi ko siya nagawa.

    “Nagkaroon lang ng chance, and at the same time para at least nagawa ko na, okay na iyon hindi na siya ulit mangyayari pa,” at tumawang muli ang aktres.

    RYAN’S CONSENT. Ipinagpaalam ba niya iyon sa mister niyang si Ryan Agoncillo?

    “Hindi naman. Si Ryan naman never... hindi naman siya ganyan pagdating sa pananamit.

    “Basta sa kanya, hindi bastusin ang dating and hindi ka mababastos sa suot mo.

    “At very elegant naman yung pagkakagawa ni Martin Bautista dun sa damit, hindi naman siya bastos tingnan, di ba?

    “Nakakahaba ng legs bilang ang haba ng slit pero iyon na yun.”

    Ano ang naging reaksyon ni Ryan?

    “Hindi pa niya nakikita ‘ata kasi hindi pa niya ako natatanong... Ewan ko,” at tumawa muli si Judy Ann.

    “Kasi hindi naman namin pinag-usapan yung mga... when it comes to work, we really don’t talk about it when were at home, as much as possible.

    “Siguro may conscious effort lang din kapag nasa bahay, kung puwede huwag mag-usap about sa trabaho, di ba?

    “Pag bahay, bahay lang, family, normal, wala lang.”

    Nagdalawang-isip ba siya na isuot ang naturang outfit?

    “Ay, oo naman, hindi lang dalawa, mga sampung isip yata,” ang tumatawang sinabi pa ng aktres.

    EXCHANGE GIFTS. Ngayong Pasko, hindi pa raw niya naiisip kung ano ang magiging regalo sa asawa.

    “Alam mo, wala na nga kaming maisip na puwedeng iregalo sa isa’t-isa.

    “Kasi siguro, di ba, pagka yung atensyon mo nasa mga bata na, hindi mo na talaga naiisip kung ano pa ba yung gusto mo?

    “Totoo pala yun—na pag may anak ka na, mas less na yung pag- iisip mo sa mga materyal na bagay para sa sarili mo.

    “Pero, siyempre, meron ka pa ring mga gustong bilhin, pero hindi iyon yung top priority mo.

    “Nagtanungan kami nung isang araw kung ano yung regalo na gusto niya at siya rin sa akin.

    “Siya nga yung unang nagtanong, wala akong maisip. Normally kasi, nakakasagot agad kami. Yung ngayon, parang hindi ko maisip.

    “Siguro mas ano na lang kami ngayon, mas praktikal na lang.

    “Pagdating sa mga materyal na bagay kasi, parang iniisip na din namin na, ‘Ito ba, in the long run, puwede ba siyang maibenta?’

    “Mag-a-appreciate ba siya o magde-depreciate ba siya?’ Ganoon na yung usapan. Kung mapagkakakitaan pa ba ito?’

    “Ganoon... Na parang nakasentro na kami ngayon sa pagbili ng mga gamit na puwede naming pagkakitaan in the long run.

    “Hindi yung siguro may mga konting splurges lang on the side, pero hindi na talaga kagaya pag single ka... Go! Buy, buy, buy!

    “E, ngayon hindi na, hindi na talaga puwede.”

  16. #56
    Gwen Zamora says she was never courted by Enteng Kabisote leading man Vic Sotto

    Glen P. Sibonga

    Monday, December 17, 2012 @ 08:04AM



    Malaki ang pasasalamat ni Gwen Zamora kay Vic Sotto dahil tatlong taon na siyang gumaganap na asawa ni Bossing sa Enteng Kabisote film series.

    Lumalabas siya bilang Faye Kabisote, ang engkantandang asawa ni Enteng.

    Una ay sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote noong Metro Manila Film Festival 2010, sumunod ay sa Enteng ng Ina Mo noong MMFF 2011, at ngayong taon ay sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

    Bukod kay Vic, bida rin sina Senador Bong Revilla at Judy Ann Santos sa naturang entry ng Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment, at GMA Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2012.

    Ano ang pakiramdam na, bilang engkantada, puwedeng mabago ang mukha o mapalitan ng ibang artista ang role ni Faye, pero hindi ito ginawa ni Bossing Vic?

    “Actually, na-surprise ako na kinuha ulit ako.

    "Hindi ko alam kung bakit pinagtitiyagaan pa rin ako ni Bossing. Joke lang!” pabirong sambit ni Gwen.

    “Pero it’s an honor talaga to be part of this movie, lalo na with Ms. Judy Ann and Senator Bong pa, di ba?”

    Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gwen sa grand presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako sa Annabel’s restaurant noong Disyembre 13.

    Malaki raw talaga ang nagawa ng film series sa kanyang career.

    “From the start talaga, this movie has been such a big break for me until now.

    “Every year, parang break pa rin siya sa akin kasi, first year, sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote, was already big kasi that was the first time na nagsama sila [Vic at Bong].

    “After nun, si Bossing naman at saka si Ai-Ai [delas Alas] sa Si Enteng ng Ina Mo, first time din yun.

    “Tapos ngayon si Juday at saka si Senator Bong, so honor talaga na isinali ako sa pelikulang ito.”

    NEVER COURTED BY VIC. Sa tatlong pelikulang pinagsamahan nila, ano ang masasabi niyang best sa pakikipagtrabaho kay Bossing Vic?

    “The best is he gives me the freedom of interpreting the way I would do my role.

    “Hindi niya kinokontrol kung paano ko iaarte but instead he helps me by giving tips, ganun.

    “Kasi I’ve never been a mom or been a wife, so I don’t really know how to do it. Pero I think I interpreted Faye in a right way.”

    Sa pelikula kasi ay dalawa na ang anak nina Faye at Enteng.

    Ano ba ang mga natutuhan niya kay Bossing?

    “Nung first year, natuto talaga ako kay Bossing. Tinuruan niya ako kung paano mag-angle.

    "Kasi I’m a stage actress, e, so I’ve never worked with cameras before.

    “Kasi sa Bubble Gang, parang lahat ng cameras naka-set na, e, so puwede kang gumalaw ng kahit ano.

    “Unlike sa movies, talagang precise yung angles.

    “Tapos ako, coming from stage, my mouth moves a lot, my eyes move a lot.

    “So, itinuro sa akin ni Bossing na i-lessen yung mga movements, mga ganun.”

    Nakilala si Bossing na nali-link o di kaya’y nakikipagrelasyon sa kanyang co-host o leading lady. Siya ba ay niligawan ni Bossing—ever?

    “Naku, hindi po. Wala pong nangyaring ganun.”

    Dahil ba may Pauleen Luna na si Bossing, kaya kampante siyang hindi na siya liligawan ni Vic?

    “No comment po on that. Basta kami po ni Bossing, we’re friends po, and I’m happy na hindi siya nagsasawa sa akin as Faye.”

    DISCOVERING BONG’S COMIC SIDE. Pangalawang beses na niyang makatrabaho si Senator Bong. May bagong na-discover ba siya sa actor-politician?

    “Wala naman. Yung first time kasing nag-work kami, I never expected na he’s such a comedian pala on and off screen.

    “Kasi when you first meet him, akala mo serious, kasi senator, di ba, tapos action man.

    “Yun pala, super-nakakatawa siya pati yung jokes niya.

    “Parati siyang humihirit, nakakatawa siya sa set.”

    IDOLIZING JUDAY. Inamin naman ni Gwen na idolo niya si Judy Ann pagdating sa pag-arte.

    “Ang galing kasi niyang umarte, di ba? She’s really one of my idols.”

    Ano naman ang na-discover niya kay Juday?

    “Mahilig talaga siyang kumain. Pero nakakainis kasi parang hindi siya tumataba.

    “Every shooting day, may siomai, may Goldilocks [na ine-endorse ni Juday]. Ang daming food all the time.

    “Tapos, what I love about Juday is the way she can change her self. Yung off-cam, iba siya, tapos on-cam, iba.

    “Ang galing nang pag-morph niya, yung the way she talks, iba siya sa totoong buhay.

    “Doon ko nakita na, ‘Wow, talented talaga siya!’”

    [snipped]

  17. #57
    MMFF SPECIAL COVERAGE: Vic Sotto on Kris Aquino's "prediction" her movie will be number one in MMFF 2012: "O, di siya na!"

    Glen Sibonga

    Monday, December 17, 2012 @ 11:23AM


    Ang tatlong bida sa Si Agimat, si Enteng at si Ako na sina (L-R) Bong Revilla, Judy Ann Santos at Vic Sotto.
    Photo by: Noel Orsal

    Ito naman ang reaction ni Bong Revilla na isa sa bidang kasama ni Vic Sotto sa pelikula: "Sa tingin ko yung pag-predict niya nun, baka ngayon magkamali siya! Joke lang, Kris!"

    Sa grand presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, na pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla, Vic Sotto at Judy Ann Santos, idinaan sa biro ni Bossing Vic ang sagot niya sa tanong kung ano ang masasabi nila sa binitiwang salita ni Kris Aquino na magiging number one sa box-office sa 2012 Metro Manila Film Festival ang entry nitong Sisterakas.

    Kasama naman ni Kris sa nasabing pelikula sina Vice Ganda at Ai Ai delas Alas. Sa presscon kasi ng Sisterakas ay nasabi ni Kris na, "Kasi nung 2010 number three ako. Nung 2011 na festival number two yung movie. So, it’s about time na this time number one."

    Reaksiyon ni Bossing, "O, di siya na!"

    Ikinatawa naman ito ng media na dumalo sa presscon na ginanap sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City noong Disyembre 13.

    Ayon naman kay Sen. Bong, "Mahirap mag-predict si Kris, e, di ba? Nape-predict niya yung mga pangyayari. Basta panoorin niyo na lang yung mga pelikula.

    "Unang-una ayaw nating magkaroon ng problema naman. Baka magkaroon ng problema, baka maintriga.

    "Ang importante dito panoorin natin lahat ng mga pelikula na kalahok dito sa Metro Manila Film Festival. Importante kumita lahat, e, mabawi yung investments ng bawat producers.

    "Para gumawa ulit ng susunod na mas malaki pang pelikula na mapapanood ng mga manonood natin ng pelikulang Pilipino."

    So, umaayon ba siya sa prediksyon ni Kris?

    "Sa tingin ko yung pag-predict niya nun, baka ngayon magkamali siya! Joke lang, Kris!" sabay tawa ni Sen. Bong.

    JUDY ANN SANTOS. Tila nagulat naman si Judy Ann sa tinuran ng kanyang mga co-star sa pelikula at idinaan na lang din niya sa biro ang sagot niya, "Matatabil ang mga katabi ko ngayong araw na ito.

    "Nananahimik po ako dito sa aking kinauupuan at ako po’y magdadasal na mag-number one kami."

    Ano sa tingin nila ang puwedeng ilamang ng pelikula nila sa ibang entries sa MMFF?

    Sagot ni Bossing Vic, "Basta palakihan, malaki talaga ito, artista pa lang malaki na, e.

    "Pagandahan, sinisiguro namin sa inyo na mas maganda ito sa mga nakaraang nagawa namin. Pagdating sa aksyon, sa comedy, e, talaga namang nakatodo na ito kumbaga."

    Sagot naman ni Judy Ann, "Ito po ginawa namin na masaya kami. Ako po naniniwala na pag masaya niyong ginawa ang isang pelikula at ginawa niyo ito nang buong puso. Na wala kayong ibang inisip kundi mapasaya ang mga tao.

    "Papasa ito nang maayos sa mga tao at sa mga bata. So, yun po ang buong proseso ng pelikula namin. Very good vibes."

    Ayon naman kay Sen. Bong, "Sinabi ko na kanina yung prediction ko, e, talagang number one. With Vic, with Juday, with the whole cast, talagang yung kumbinasyon nandun lahat, e.

    "Yung hahanapin mo sa isang pelikula nandito na. Sa tingin ko, sabi nga, ‘Claim it.’ We will be number one!"

    AWARDS OR HIGH BOX-OFFICE RETURNS? Mas prayoridad ba nila ang box-office kaysa sa awards?

    "Pareho sana kung pupuwede. Pero hindi naman puwedeng… minsan nagkakasabay, minsan hindi.

    "Siyempre lahat naman gustong kumita muna ang pelikula, di ba?" paliwanag ni Bossing Vic.

    Sa direksyon ni Tony Y. Reyes, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako ang entry ng Imus Productions, OctoArts Films, M-Zet TV, APT Entertainment at GMA Films sa MMFF sa Disyembre 25.

  18. #58

  19. #59
    Focus on MMFF

    Unbeatable trio at the box office


    Details Published on Monday, 17 December 2012

    Aside from the glittering stars in “Si Agimat, Si Enteng at Si Ako,” namely Vic Sotto, Judy Ann Santos, and Senator Ramon “Bong” Revilla, why does their entry to the 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) emerge as the top in the box office?

    The production value, the magical story with moral lessons, and the exciting mix of comedy, action, fantasy, said Sen. Bong.

    “Pinaghirapan ito, pinaghandaan,” he said. “Ilang lingo kaming balik balik sa Ilocos at Tanay.”

    There was absolutely no scrimping on the budget, with several producers, including Vic and Bong, pooling their resources to come up with a topnotch product. Sen. Bong said 30 to 40% of the whole budget were spent on the special effects.

    Vic added that Judy Ann’s inclusion is a big plus. Her box office draw cannot be questioned, according to the comedian, noting that Judy Ann’s past MMFF entries, including “Kasal, Kasali, Kasalo” and “Sakal, Sakali, Saklolo,” were top grossers.

    “Si Juday wala ng dapat patunayan yan. Ilang beses na nag top grosser sa filmfest ‘yung mga movies niya. ‘Yung ‘Kasal, Kasali’ at ‘Sakal, Sakali.’

    “’Yung kami ni Senator Bong maganda rin ang kinalabasan, so what more kung tatlo pa kaming magsasama sama. Sabi nga ni Sen. Bong, mas maganda pa sa kapeng 3 in 1 itong movie naming,” Vic further said.

    “Naniniwala ako sa produkto, ‘yun na magsasalita para sa pelikula,” he added, “I’m confident we have a very good film that will cater to the whole family.”

    Also in the cast of the family film are Yassi Pressman, Gwen Zamora, Sam Pinto, John Lapus, Jose Manalo, Wally Bayola and lovable tots Ryzza Mae Dizon and Jillian Ward. It is directed by Tony Y. Reyes and showing on Dec. 25.

  20. #60
    Judy Ann thrilled to be with Bong, Bossing

    Details Published on Monday, 17 December 2012
    Written by MARIO E. BAUTISTA

    Judy Ann Santos is glad that after last year’s “My Househusband,” she now has another entry in this year’s filmfest, “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako.” This is her second film this year after “Mga Mumunting Lihim” that won for her and her co-stars both the best actress and best supporting actress awards in the Cinemalaya Filmfest last July. Did she hesitate in accepting her new movie considering that Ai Ai de las Alas was the first one considered for the role?

    “Walang second thoughts at all, tinanggap ko agad,” she says. “Makakasama ko sina Sen. Bong at Bossing Vic in one movie, choosy pa ba ako gayong first time mangyayari ito sa career ko at kasama pa nila ako sa title? It’s a great honor and experience to be working with them. Gusto ko ang role ko rito as an environmentalist, protector ng kalikasan. Ganda, ‘di ba? Ingglisera pa ako rito, ha. Kakaibang challenge nito for me kaya tense ako noong simula. Later on, magiging engkantada pa ako rito, haliparot na fairy dahil type ko pareho sina Agimat at Enteng. Talagang I had fun with my role kaya so thankful akong napasama ako rito sa ‘Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.’ Very big blessing ito for me this Christmas.”

Page 3 of 6 FirstFirst ... 2 3 4 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Hot Topics

TRAVEL:

Palawan named best island in the world

Palawan named best island in the world

read more
CHIT CHAT:

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

Got any questions about the PBA? Ask Iron Coach!

read more
PBA:

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

Meralco opens PBA campaign with 2OT win against Barako Bull, 112-108

read more
SPORTS:

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

Cignal spoils Mane 'N Tail's Superliga debut by way of four-set victory 25-15, 22-25, 25-19, 26-24

read more
TV:

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

apl.de.ap returns to The Voice PH Season 2!

read more
NMFtv:

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

NBA 2K15 Exhibition Gameplay - Washington Wizards VS Los Angeles Clippers on PS4

read more

Watch New Trailers

Watch New Trailers