PROMO: The Hangover 3

Join now and get a chance to win advanced screening tickets to The Hangover 3!

read more

Philippine Road-trip Destinations

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!

read more

The Apprentice Asia

Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia

read more

PHOTOS: NU Outlasts AdU

The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.

read more

The Flick List (Themed)

Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!

read more

REVIEW: The Great Gatsby

Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience

read more

Page 2 of 6 FirstFirst 1 2 3 ... LastLast
Results 21 to 40 of 104
  1. #21
    Sam, Alden enjoy working with Judy Ann

    GMA-7 stars Sam Pinto and Alden Richards are excited with their Metro Manila Film Festival (MMFF) entry with Senator Bong Revilla Jr., Vic Sotto and Judy Ann Santos-Agoncillo.

    Although the two have already worked with Bong and Vic in the past Panday series, it was Sam and Alden's first time to share the big screen with the young superstar Judy Ann.

    Sam said she was very nervous on her first shooting day because her first scene was with the actress.

    "Sobrang kinakabahan talaga ako nun. I just met her and she's really, really nice and super down to earth," she said.

    Alden, on the other hand, has only good words for Judy Ann.

    "Very mabait. Wala talagang ere, hindi mo siya makikitaan ng yabang. She's very down to earth. I can see why she's [been] working that long in this industry," he said.

    When asked how he would describe his working relationship with Bong and Vic, Alden shared that the two veteran actors would give him advice on acting stuff and they never changed their warmth to young actors like him.

    "Naka-trabaho ko na si Sen. Bong sa 'Panday' before and wala paring nagbago sa treatment. Si Sen yung humanap talaga sa akin para maging part ng movie na yun," he said.

    "Si Bosing naman, makikita mo talaga na he's very masa. Very approachable."

  2. #22
    Judy Ann Santos on MMFF movie with Bong Revilla and Vic Sotto: "Pag nag-number two kami, parang ako yata ang salot!"

    Arniel C. Serato
    Saturday, August 18, 2012 @ 09:43PM


    Judy Ann Santos on working with Senator Bong Revilla and Bossing Vic Sotto: “Alam mo, sa totoo lang, na-starstruck ako sa dalawa. Uhm, parang hindi-hindi ako makapaniwalang ako yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading men with Senator Bong and Bossing Vic. Marami namang puwedeng iba, di ba? Yung talagang sakto dun sa karakter, pero bakit ako?"
    Photo: Arniel C. Serato

    Masaya ang buong cast and crew ng Cinemalaya 2012 entry na Mga Mumunting Lihim dahil magkakaroon ito ng commercial run at graded A pa ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

    Noong Martes, August 14, nagkaroon ng presscon ang pelikula sa may Guilly’s Bar sa Tomas Morato. Dito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga bida ng pelikula na si Judy Ann Santos.

    Masaya si Juday dahil kabi-kabila ang proyektong ginagawa niya sa kasalukuyan.

    Bukod sa Mga Mumunting Lihim, tatlong proyekto pa ang pinagkakaabalahan niya ngayon—isang pelikula at dalawang TV shows.

    HALIPAROT NA FAIRY. Inusisa ng PEP si Juday tungkol sa bago niyang pelikula kasama sina Senator Bong Revilla at Vic Sotto, ang Si Agimat, Si Enteng At Si Ako.

    Kuwento niya, “Ako kasi ang pangalan ko dun.

    “Ako si Ako, ang pangalan ko dun ay Ako… isa akong engkantada ng kalikasan.

    “So, yun ang role ko, ako ang taga-protekta ng mga gubat, ng mga park, tapos naghahanap ng mapapangasawa sa katauhan nina Agimat [Bong] at ni Enteng [Vic].

    “Kaya tinawag ko na lang yung sarili kong ‘haliparot na fairy,’ kasi parang unang shoot pa lang namin ay hirap akong ilagay ang sarili ko sa character, kasi hindi ko alam kong ano ba talaga ako dito.

    “Hanggang sa noong pangalawang araw, yun na, nakamada ko na yung character.

    “Nahuli ko na yung gusto ni Direk Tony [Reyes] kaya yun, naisip ko, ako yung harot na fairy kasi maharot. Alam mo yung yuppie na fairy?”

    Nilinaw namin kay Judy Ann kung haliparot o harot na fairy ba ang gagampanan niyang role?

    Parang patanong niyang tugon, “Pareho, magkaiba ba ang ibig sabihin noon?”

    Magpapa-sexy kaya siya dito?

    Natatawa niyang sagot, “Kaya ko ba yun? Parang ang dami ko pang dapat gawin. Hindi, ‘no!

    “Yuppie, na fairy, na may crush kay Enteng at Agimat. Doon magsisimula ang gulo—sa akin.”

  3. #23
    continuation...

    COMEDIENNE JUDAY. So mailalabas niya dito ang pagiging komedyana niya?

    Matatandaang nagko-comedy si Juday sa ilang pelikula nila noon ng asawang si Ryan Agoncillo—ang Metro Manila Film Festival entries nilang Kasal Kasali Kasalo (2006), Sakal Sakali Saklolo (2007), at My House Husband (2011).

    Sa telebisyon naman ay ipinamalas din nilang mag-asawa ang kanilang galing sa pagpapatawa via ABS-CBN’s sitcom George and Cecil (2009-2010).

    Ani Juday, “A, oo. Sana maitawid ko yung comedy side ko na yun—baka nawala na siya sa akin, di ko masabi.

    “E, English pa kaya, teka muna, huwag kayong mag-expect masyado, ha.”

    BOX-OFFICE PRESSURE. Kumusta katrabaho sina Senator Bong at Bossing Vic?

    Pag-amin ni Juday, “Alam mo, sa totoo lang, na-starstruck ako sa dalawa. Uhm, parang hindi-hindi ako makapaniwalang ako yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading men with Senator Bong and Bossing Vic.

    “Marami namang puwedeng iba, di ba?

    “Yung talagang sakto dun sa karakter, pero bakit ako?

    “Alam mo yun? May mga ganun kang tanong, e.”

    Agam-agam pa nito, “Paano ko ba to itatawid? Deserve ko ba talaga ang karakter na ‘to? Sadya bang ako ang nararapat na gumanap dito?’

    “But then again, again thankful ako na napili nila ako, kasi palagi ko sinasabi na it’s a once in a lifetime opportunity na makasama sa isang proyekto ang dalawang malaking artista.

    “And it is something na I’m very really thankful dahil, kumbaga, ang Enteng at ang Agimat ay nasa magkaibang history ‘yan ng MMFF, pinagsama mo sila, at ako yung nasa gitna.

    “Na nakakatuwa, nakakataba ng puso, sana…

    “Ang ikinakatakot ko lang ngayon, si Enteng, nagna-number one. Si Agimat, nagna-number one.

    “Nung magkasama silang dalawa, bonggang-bonggang number one at walang nakahabol sa kanila.

    “At sa pagkakataong ito, na ako lang ang idinagdag sa pamilya nila, pag nag-number two kami, parang ako yata ang salot!

    “Abot -abot ang dasal ko sa pressure, na sabi ko na, ‘Lord, huwag naman please, sana huwag naman, baka katapusan na ng career ko ‘to.’”

  4. #24
    contination...

    SECOND CHOICE. Naibalita noon na hindi si Judy Ann ang first choice na makasama nina Senator at Bossing Vic sa muling pagsasama nila sa pelikula, kundi si Ai-Ai delas Alas.

    Pagsasamahin sana ang mga karakter ni Senator Bong bilang Agimat, ni Bossing Vic bilang Enteng, at ni Ai-Ai bilang Ina ng Ang Tangind Ina Mo.

    Pero hindi natuloy si Ai-Ai dahil nakasaad sa kontrata nito sa Star Cinema na sa susunod na taon pa siya puwedeng gumawa ng pelikula para sa MMFF.

    Aware ba si Judy Ann na second choice lang siya sa pelikula?

    “Oo naman. Hindi naman ako, wala namang kaso sa akin yun.

    “Ang trabaho ay trabaho and in fairness naman sa pagsusulat sa istorya, hindi naman siya ipinatern sa karakter ni Ai-Ai as Tanging Ina.

    “Kasi naging honest naman din talaga ako sa kanila [producers] na hindi ko kayang gawin kung ano yung kayang gawin ni Ai.

    "Kasi nag-iisa siya pagdating sa ganyang pelikula, di ba? At walang ibang makakagawa nun kasi siya lang yun.

    “Kaya naging tapat naman sila sa akin na sabihing, ‘Oo naman, alam naman namin yun. At hindi naman yun yung ibibigay naming papel sa ‘yo.'

    “Kasi ang laking pressure noon talaga sa akin at ayoko namang isipin ng mga tao na nasapian ako ni Ai-Ai.

    “Kasi hindi ko talaga kayang i-replicate kung ano yung ginagawa ni Ai-Ai.

    “Dahil mataas ang respeto ko sa kanya, at kahit kailan hindi ko magagawang pantayan ang kapasidad ni Ai-Ai pagdating sa pagko-komedya. Siya lang yun.

    “Kaya kong tumawid sa pagko-komedya sa sarili kong daan. Hindi ko alam kong paanong daan, pero tatrabahuin ko yun.”

  5. #25
    PEP.PH
    Rommel Gonzales
    Sunday, August 19, 2012 @ 12:32AM

    MMFF MOVIE. Bukod sa kanyang telemovie, busy rin si Bong [Revilla] sa pelikulang pagsasamahan nila nina Vic Sotto at Judy Ann Santos—ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako.

    Banggit niya, “Nakaka-forty percent na kami ng shooting namin ni Vic Sotto and, of course, si Miss Juday.

    “Napakasaya ng pelikula, talagang mas, kumbaga, mas pinakilig, mas nakakatawa, mas yung aksyon, mas malaki.”

    Mas gamay na rin daw ngayon nina Senator Bong at Bossing Vic ang isa’t isa, at lalo pa raw sumaya sa set nang makasama nila si Juday.

    “Yung Part 1, yung Agimat at Enteng, si Agimat dun, medyo stiff pa, e.

    “Nung naka-adjust na si Agimat sa mundo ni Enteng Kabisote, iba na ngayon, so mas maraming nakakatawa na eksena.

    “Pagka magkaeksena nga kaming tatlo, tawa kami nang tawa!

    “Ang saya, ang saya-saya sa set, kaya makikita mo yung rapport naming tatlo at saka yung chemistry ng pagsasama namin, nandun.”

    Entry sa Metro Manila Film Festival 2012 ang Si Agimat, Si Enteng, at Ako.

  6. #26
    Judy Ann Santos, takot maging salot sa pelikula nila ni Bong Revilla Jr. at Vic Sotto
    Sure na ‘to
    By Arniel Serato
    Monday, August 20, 2012



    SA PANAYAM namin kay Judy Ann Santos sa presscon ng pelikulang Mga Mumunting Lihim, sinabi ng aktres na masaya siya dahil kabi-kabila ang proyektong ginagawa niya sa kasalukuyan.

    Aside from the said Direk Jose Javier Reyes’ film, kung saan nagwagi silang apat nina Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen ng ‘Ensemble Best Actress at Best Supporting Actress’, tatlo pang kasunod na proyekto ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon – isang pelikula at dalawang TV shows.

    Inusisa namin si Juday tungkol sa bago niyang pelikula kasama sina Sen. Bong Revilla at Bossing Vic Sotto kung saan siya na ang final na napiling maging leading lady ng dalawa, sa Si Enteng, Si Agimat at Si Ako.

    Pag-amin ni Juday, “Alam mo sa totoo lang na-starstruck ako sa dalawa. Ahm… parang hindi hindi ako makapaniwalang ako ‘yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading men, marami namang puwedeng iba, ‘di ba? ‘Yung talagang sakto du’n sa karakter. Pero bakit ako? Alam mo ‘yun? May mga ganu’n kang tanong eh, paano ba?”

    Agam-agam pa nito, “Paano ko ba to itatawid? Deserve ko ba talaga ang karakter na ‘to? Sadya bang ako ang nararapat na gumanap dito? But then again, again thankful ako na napili nila ako kasi palagi kong sinasabi na it’s a once in a lifetime opportunity na makasama sa isang proyekto ang dalawang malaking artista and it is something na I’m very really thankful. Dahil kumbaga, ang ‘Enteng’ at ang ‘Agimat’ ay nasa magkaibang history yan ng MMFF (Metro Manila Film Festival), pinagsama mo sila at ako ‘yung nasa gitna. Na nakakatuwa, nakakataba ng puso, sana…

    “Ang ikinatatakot ko lang ngayon, si Enteng, nag-number 1… si Agimat, nag-number 1… nu’ng magkasama silang dalawa, bonggang-bonggang number 1, at walang nakahabol sa kanila. At sa pagkakataong ito na ako lang ang idinagdag sa pamilya nila, pag nag-number 2 kami, parang ako yata ang salot.

    “Abut-abot ang dasal ko sa pressure na, sabi ko, ‘Lord huwag naman please… sana huwag naman, baka katapusan na nang career ko ‘to’.”

    Aware kaya siyang second choice lang siya sa role sa pelikula?

    Pag-amin nito, “Oo naman. Hindi naman ako… wala namang kaso sa akin ‘yun, ah. Ang trabaho ay trabaho and in fairness naman sa pagsusulat, sa istorya, hindi naman siya ipinatern sa karakter ni Ai-ai as ‘Tanging Ina’. Kasi naging honest naman din talaga ako sa kanila (producers) na hindi ko kayang gawin kung ano ‘yung kayang gawin ni Ai, kasi nag-iisa siya pagdating sa ganyang pelikula, ‘di ba?

    “At walang ibang makakagawa nu’n kasi siya lang ‘yun. Kaya naging tapat naman sila sa akin na sabihing ‘oo naman, alam naman namin ‘yun, at hindi naman ‘yun ang ibibigay naming papel sa ‘yo’. Kasi ang laking pressure noon talaga sa akin at ayoko namang isipin ng mga tao na nasapian ako ni Ai-Ai.

    “Kasi hindi ko talaga kayang i-replicate kung ano ‘yung ginagawa ni Ai-Ai. Dahil mataas ang respeto ko sa kanya at kahit kailan, hindi ko magagawang pantayan ang kapasidad ni Ai-Ai pagda-ting sa pagko-komedya. Siya lang ‘yun. Kaya kong tumawid sa pagko-komedya sa sarili kong daan… hindi ko alam kong paanong daan, pero tatrabahuhin ko ‘yun.”

  7. #27

    “SIR” FEATURES EMPOWERING LIFE STORIES OF JUDY ANN, ANGEL AND ZSAZSA
    AUGUST 23, 2012

    ABS-CBN’s top-rating showbiz talkshow “Showbiz Inside Report” will share this Saturday (August 25) the inspiring life stories of three of the toughest women in showbiz today–Judy Ann Santos, Angel Aquino, and ZsaZsa Padilla.

    In an episode titled, “Mga Babaeng Palaban: Women in Crisis,” TV viewers are set to be empowered with the in-depth personal accounts and never-before-heard revelations from the three highly-acclaimed actresses. How did motherhood change Juday’s personal and professional life? What did Angel do to understand the domestic violence involving her dad and mom? Who is ZsaZsa’s source of strength especially now that she is diagnosed with stage 1 kidney cancer?

    Don’t miss this empowering episode in the country’s no. 1 Saturday showbiz-oriented talkshow, “Showbiz Inside Report,” 2:30pm, after “It’s Showtime,” on ABS-CBN.

  8. #28
    PEP.PH
    Ruel J. Mendoza
    August 31, 2012

    MMFF MOVIE. Nagsu-shooting na rin si Sweet ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako with Senator Bong Revilla, Vic Sotto, and Judy Ann Santos.

    Entry ito sa Metro Manila Film Festival 2012 na magsisimula sa December 25.

    Sabi ni Sweet, “Nakakatuwa kasi special request daw ako nina Bossing Vic, Senator Bong, at Direk Tony Reyes na makasama sa movie.

    “First time ko to work with Bossing Vic... na-starstruck ako, ha!

    “Hindi ko masisisi ang mga girls na nagkakagusto sa kanya. Kahit ako, biglang nagka-crush kay Bossing!

    “Gusto kong sumayaw at sumigaw ng ‘Bossing! Bossing! Pa-kiss naman!’ Ganun kalakas ang dating niya sa akin.

    “Third time ko naman with Senator Bong na always na sinasabi ay lucky charm niya ako.

    “Nakasama ko na si Senator sa Mahal Kita: Final Answer with Rufa Mae Quinto at sa Ang Panday kunsaan isa akong manananggal na bading.

    “Tapos si Mareng Juday, muli ko na namang nakasama sa movie.

    “Huli pa kaming nagkasama ay sa Dito Sa Puso Ko kunsaan ako ang best friend niya doon.

    “Kami naman ni Mareng Juday, nagkakatawagan naman kami parati. Always in touch kami.

    "Pati na ang mister niyang si Ryan [Agoncillo], e, kaibigan ko rin.

    “Kaya ang ganda ng cast at abangan nila ito sa Pasko dahil for sure ay big hit ito.”

    May guest role naman si Sweet sa indie film na Posas, na nagwaging best picture sa Cinemalaya Independent Film Festival sa Director’s Showcase category.

    May cameo role din si Sweet sa showing ngayon na I Do BidooBidoo.

  9. #29
    PLEASE KEEP VOTING...Ms. Judai just entered the Top 20 in the latest Twitter Update

    http://www.starmometer.com/2012/08/3...r-poll-update/

    TWITTER POLL as of August 31, 2012, 8:00pm

    1. Sarah Geronimo
    2. Kim Chiu
    3. Angel Locsin
    4. Dawn Zulueta
    5. Marian Rivera
    6. Anne Curtis
    7. Shaina Magdayao
    8. Rachelle Ann Go
    9. Jennylyn Mercado
    10. Kris Bernal

    11. Karylle
    12. Julie Anne San Jose
    13. Mariel Rodriguez
    14. Bea Alonzo
    15. Judy Ann Santos
    16. KC Concepcion
    17. Maja Salvador
    18. Rhian Ramos
    19. Erich Gonzales
    20. Carla Abellana



    100 Most Beautiful Women in the Philippines 2012

  10. #30
    Ms. Judy Ann Santos is now Number 27 in the FACEBOOK POLL Thank you



    http://www.starmometer.com/2012/09/0...day-26-update/

    You don’t need to spend money by text voting, all you need is to GO online and VOTE via FACEBOOK and/or TWITTER.

    Duration: August 9, 2012 to September 9, 2012

    100 Most Beautiful Women in the Philippines for 2012

  11. #31
    PEP.PH
    Rey Pumaloy
    September 6, 2012

    ...

    “Si Jolo [Revilla] is guesting in Bong’s movie kasama si Bossing Vic.”

    Ang tinutukoy ni Lani [Mercado] ay ang Metro Manila Film Festival 2012 entry na Si Agimat, Si Enteng, At Si Ako.

    ...

  12. #32
    Judy Ann Santos says she doesn't mind being second choice to Ai-Ai delas Alas in MMFF entry
    Allan Sancon
    Wednesday, September 05, 2012 @ 01:57PM



    Matapos maging bida ni Judy Ann Santos-Agoncillo sa Cinemalaya entry na Mga Mumunting Lihim, busy naman ito sa pagsu-shooting ng kanyang pelikula kasama si Bossing Vic Sotto at Senator Bong Revilla. Mapapanood sila sa pelikulang Si Enteng, Si Agimat at Ako, na isa sa mga entries ng 2012 Metro Manila Film Festival.

    Noong August 14, nagkaroon ang PEP.ph ng pagkakataon na makapanayam si Juday (palayaw ni Judy Ann) tungkol sa ginagawa niyang pelikula para sa MMFF.

    Pakikwento naman po ang karakter niyo sa pelikulang ito?

    Juday: “Ako ang pangalan ko dun. Ako si Ako, yun ang pangalan ko dun, Ako! Isa akong Engkantada ng Kalikasan, so yun ang role ko. Taga protekta ng mga gubat, ng mga park. Naghahanap ako ng mapapangasawa sa katauhan nina Agimat at ni Enteng. Kaya tinawag ko na lang yung sarili ko na 'haliparot na fairy.'

    "Para kasing nung unang shooting pa lang namin ay hirap akong ilagay yung sarili ko sa karakter, kasi hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ako rito. Hanggang dun sa pangalawang araw, yun na nga. Nakamado ko na yung karakter ko. Nahuli ko na yung gusto ni Direk Tony, kaya sabi ko 'Ah! Alam ko na, ako yung 'harot' na fairy dito.' Kasi, maharot talaga.”

    So, kakaibang Judy Ann po ang makikita rito, isang Judy Ann na komedyante?

    Juday: “Ah, oo! Sana maitawid ko yung 'comedy side' ko rito. Kasi baka nawala na siya sa akin. Di ko masabi, eh, Ingles pa, teka teka muna, huwag kayo mag expect masyado.”

    Kamusta katrabaho si Bossing Vic at Sen. Bong sa pelikulang ito?

    Juday: “Alam mo sa totoo lang, na-starstruck talaga ako sa kanila. Parang hindi ako makapaniwala na ako yung nasa gitna ng dalawang naglalakihang leading man. Marami namang pwedeng iba. Yung talagang sakto dun sa karakter, pero bakit ako? Alam mo yun, may mga tanong kang ganun eh. Paano ba? Paano ko na ito itatawid? Deserve ko ba talaga tong karakter na ito? Sadyang ako ba talaga ang nararapat na gumanap dito? But then again, thankful ako na napili nila ako. Lagi kong sinasabi na once-in-a-lifetime opportunity na makasama ko sa isang proyekto ang dalawang malaking artista, kaya masyado ako nagpapasalamat.

    "Alam naman nating ang Enteng at Agimat, ay nasa magkaibang history yang MMFF, pinagsama mo sila at ako yung nasa gitna na nakakatuwa naman at nakakataba ng puso. Ang ikinatatakot ko lang ngayon…Si Enteng nag-na-No. 1 si Agimat nag-na-No. 1, nung magkasama silang dalawa bonggang bonggang No. 1 sila, walang nakahabol sa kanila. Sa pagkakataon na ito, ako lang ang idinagdag sa pamilya nila, pag nag-No. 2 kami, parang ako yata ang naging salot. So, napakalaking pressure sa 'kin, kaya abot abot ang dasal ko na 'Huwag naman please sana!' Baka katapusan na ng career ko ito.”

    Aware po ba kayo na para dapat kay Ms. Ai-Ai delas Alas yung role na dapat role niyo sa MMFF entry na ito?

    Juday: “Oo naman! Wala namang kaso sa akin yun, ang trabaho ay trabaho, in fairness naman sa pagsusulat nung istorya, hindi naman siya na-pattern sa karakter ni Ai-Ai mula sa Tanging Ina.

    "Naging honest din naman ako sa kanila na hindi ko kayang gawin yung ginagawa ni Ai-Ai, kasi nag-iisa siya pagdating sa mga ganyan pagdating sa pelikula di ba? At walang ibang makakagawa nun, kasi siya lang yun, eh. Tapat din naman silang sabihin sa 'kin na 'Oo naman, alam naman namin yun. At hindi naman yun ang ibibigay naming karakter sa iyo.'

    "Ayaw ko namang isipin ng mga tao na nasapian ako ni Ai Ai, kasi hindi ko talaga kayang i-replicate ang ginagawa ni Ai-Ai, kasi mataas ang respeto ko sa kanya. At kahit kailan ay hindi ko pwedeng pantayan ang kapasidad ni Ai-Ai pagdating sa komedya. Siya lang yun! Kaya kong itawid ang komedya pero sa sarili kong paraan. Di ko alam kung sa paanong daan pero ta-trabahuhin ko yun.”

  13. #33
    TODAY is the LAST DAY to VOTE!!!



    http://www.starmometer.com/2012/09/0...tage-of-votes/

    Judy Ann Santos as one of the...

    100 Most Beautiful Women in the Philippines for 2012

  14. #34

    Ricci Chan ‏@_riccichan_
    This is what a star should look like in the morning ;-) @ Paoay Sand Dunes http://instagr.am/p/P0YE8xMJKH/

    CREDIT TO OWNER

  15. #35

    Anna Melissa Dasig ‏@annadasig
    And... Shes ready for her close up... :$ @ Laoag City, Ilocos Norte
    http://instagr.am/p/P0UniGL84G/

    CREDIT TO OWNER

  16. #36
    SEEN SCENE
    Pilipino Star Ngayon
    Updated September 21, 2012

    SEEN: Kukunan ngayon sa Ilocos Sur ang big scene ng Si Agimat, si Enteng, and Me, ang official entry nina Vic Sotto, Senator Bong Revilla, Jr. at Judy Ann Santos sa 2012 Metro Manila Film Festival.

    SEEN SCENE
    Pilipino Star Ngayon
    Updated September 22, 2012

    SCENE: Tuloy ang shooting ni Amy Perez para sa Si Enteng, si Agimat and Me, sa gitna ng kanyang pagbubuntis.

    Si Amy ang Ina Magenta sa filmfest movie nina Vic Sotto, Sen. Bong Revilla, Jr., at Judy Ann Santos.

  17. #37
    PEP.PH
    Ruben Marasigan
    September 25, 2012

    MOVIE WITH VIC & JUDAY. Kinumusta rin ng media kay Senator Bong [Revilla] ang pelikula nilang tatlo nina Vic Sotto at Judy Ann Santos, ang Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si Ako, na isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival 2012.

    “Nakaka-seventy percent na kami.

    "Napakagandang pelikula kaya abangan ninyo. At talagang mas riot ito kesa sa unang ginawa namin ni Vic.

    “Ang saya-saya. Iba!” bulalas niya.

    Parehong malakas ang box-office appeal nila ni Vic. Ngayong pinagsama ulit sila, tapos with Judy Ann Santos pa, posibleng ma-break ng pelikula nila ang existing box-office record.

    Ano ang reaksiyon ni Senator Bong dito?

    “Well, abangan na lang natin. Tingnan natin.

    “Mahirap magsalita, baka may sumama ang loob!” napahalakhak na biro ni Senator Bong.

  18. #38
    PEP.PH
    Nerisa Almo
    Thursday, October 11, 2012 @ 05:16PM

    FRIENDLY COMPETITION. Katulad sa telebisyon, hangga’t maaari ay gusto ni Vic na wala ring labanang magaganap pagdating sa paggawa ng pelikula.

    Taun-taon ay kasali ang pelikula ni Vic sa Metro Manila Film Festival. Pero kahit madalas ay sinusukat nito ang kinikita ng kalahok na pelikula, hindi naman daw dapat ito maging matinding kumpetisyon lalo na sa pagitan ng mga artista.

    Ani Vic, “Alam mo, sa dami ko nang pinagdaanan, kami ni Bong [Revilla], never kong naisip na kakumpitensiya [ang ibang MMFF entries].

    “Basta ang inaasikaso namin is kung ano yung gagawin namin—kailangan maganda, kailangan bago.

    “Kahit number two lang, okay lang. Importante, e, kumikita ang lahat.

    "Natitiyambahan lang na nagta-topgrosser [ang mga pelikula ko]."

    Paalala rin ni Vic sa mga kapwa niya artista, “Kailangan ano tayo… Ibig kong sabihin, tayo-tayo lang ang nandito, e. Magkukumpitensya pa ba tayo?

    “Kung may kumpitensya man, it’s always healthy and friendly competition.”

    Ngayong taon, makakasama ni Vic sina Senator Bong Revilla at Judy Ann Santos sa MMFF entry na Si Agimat, Si Enteng, And Me.

    Ito ay co-produced ng OctorArts Films, M-Zet Films, Imus Films, at GMA Films.

  19. #39
    Journal Online
    Published : Friday, October 12, 2012 Written by : Mario Bautista

    ...

    How come he [Vic Sotto] doesn’t have a sitcom anymore? “We’re cooking up one here on TV5, for next year. As of now, I’m busy with our filmfest entry nina Bong Revilla and Judy Ann Santos, ‘Enteng, Agimat and Me.’ 10 shooting days pa bago matapos.”

    Aren’t they scared of the Vice Ganda-Ai Ai de las Alas movie? “Bong and I don’t do movies to compete. Gusto namin, lahat ng entries, kumita, so we don’t consider them as kalaban. Isa pa, Ai Ai is a good friend of mine dahil last year, kami naman ang magkasama.”

    ...

  20. #40
    Judy Ann gets thumbs up from Vic and Bong
    Published : Saturday, October 13, 2012 Written by : Jun Nardo

    BUMILIB sina Vic Sotto at Sen. Bong Revilla Jr. sa husay sa timing ni Judy Ann Santos sa pagpapatawa. Si Juday ang kasama ng dalawang box-office giants sa filmfest entry na Si Enteng, Si Agimat & Me.

    Hindi raw nila akalaing ang tinaguriang Drama Princess ay puwede ring tawaging Comedy Princess, huh!

    Kumbaga, simpleng bumanat, simpleng bumato ng linya pero wagas na wagas ang katatawang hatid niya.

    “Effortless ang comedy ni Juday,” sambit daw ni Bong.

    Kasi nga naman, nu’ng magsama silang dalawa sa isang movie, drama-dramahan pa ang image ni Judy Ann.

    “Garantisado ang timing niya. Kinakabahan tuloy ako kay Juday. Nakakatakot sabayan sa pagpapatawa, hahaha!” ani naman daw ni Bossing.

    Natural na magaling kasing aktres si Juday. Ilang beses na niyang napatunayan na may galing din siya sa pagpapatawa sa mga movie na pinagsamahan nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo.

    Kaya naman daw ayon kina Bossing at Sen. Bong, hindi sila nagkamali sa pagkuha kay Juday upang isama sa balik-tandem nila sa filmfest.

    Imagine, may box-office power na, matindi pang magpatawa, huh!

Page 2 of 6 FirstFirst 1 2 3 ... LastLast

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  

Watch New Trailers

Watch New Trailers




Caught Up Default

Sub title

Trailer: Fast and Furious 6
The entire gang's back and badder than ever, reuniting for their most high-octane adventure yet. view more


Trailer: Epic
From the creators of ICE AGE and RIO, EPIC tells the story of an ongoing battle between the forces of good, who keep the natural world alive, and the forces of evil, who wish to destroy it. view more


Review: The Great Gatsby
Though not perfect, The Great Gatsby is a visually dazzling cinematic experience. view more


Review: Star Trek
Visually breath-taking and action-packed, Star Trek: Into Darkness will please casual and hardcore fans alike. view more


Review: Evil Dead
With an absurd amount of violence mixed with tons of terror and scares, Evil Dead is a must-see for horror movie fans. view more




Forums Directory