Pano pag gusto ng babae na magpakasal na kayo pero ayaw mo pa? Kung ang babae ay natatakot na mahuli sa pag-aanak dahil maglalagpas 30 na sya at ikaw ay nasa late 20s pa lang. Hudyat na ba ito ng hiwalayan? Ano ang inyong masasabi mga katoto?

PBA historian Jay P. Mercado chronicles some of the most notoriously celebrated crowd-clearing brawls in PBA history.
read more
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read morePano pag gusto ng babae na magpakasal na kayo pero ayaw mo pa? Kung ang babae ay natatakot na mahuli sa pag-aanak dahil maglalagpas 30 na sya at ikaw ay nasa late 20s pa lang. Hudyat na ba ito ng hiwalayan? Ano ang inyong masasabi mga katoto?
Sarili mo ba tinutuloy mo jan ?
Posibleng mauwi sa hiwalayan yan kasi you're not entering a permanent vow just because gusto na nung GF magkaanak dahil tumatanda na siya. You should marry for the right reasons , means sa puso't isipan mo HANDA ka ng mabago ang buhay mo forever sa piling ng taong pakakasalan mo.
![]()
ay hindi ako hehehe. para iyan sa matalik kong kaibigan enaej426
Echusero ka TS, buhay ng buhay pinapakialaman mo (joke).
You did not mention how many years na sila magkasintahan. I can sense na gusto manigurista ni gf...kasi di ba nauuso na ngayon ang nag aanak ng hindi kasal, so palagay ko takot siya doon. Kudos to gf for "bringing up the proposal" to bf.
Mas maganda kung pag usapan nilang dalawa. Ikaw since ichusero ka naman, tanungin mo si best friend mo kung ano balak niya. Late 20's is just about time to marry kung palagay nya eh right woman naman si gf. Kung seryoso siya dun sa gf, puede na nilang pagplanuhan yung kasal, say next year. Kung ayaw talaga nya, eh hayaan mo na si gf mag decision kung maghihintay pa siya. Kung ako ang tatanungin, puede pa naman hanggang 33 years old at hindi pa late yun, depende dun sa background ng family nung girl huh.
sometimes, guys lang naman ang nag aassume ng ganyan, na kesyo gusto na ng girl magpakasal dahil 30+ na siya, so parang pag sumamapa na ng ganung age gf nila, naaalarma na sila. di ba nila naisip sa start pa lang ng relationship na eventually, talagang tatanda yun girl, and unless wala talaga silang balak na panindigan yun girl, dapat di na nila pinasukan.
tapos ano, hihingi ng space si guy, kase napepressure siya, kase feeling niya mas may deserving for the girl, yun maibibigay yun kasal na pinapangarap niya, BS yan, excuses lang. kahit gusto ng girl magpakasal at kung di pa ready yun guy, kung talagang mahal siya ng girl, willing mag antay yan.
so i guess, cummunication is the key. hindi yun aayaw na lang bigla.
Talaga bang hindi pa ready, o hindi nakikita ng kaibigan mo na eto ang pakakasalan niya?
Kung hindi pa talaga ready, mag-usap sila, bakit kailangan hiwalayan, magbigay siya ng time frame, ng reasons, bakit hindi pa siya ready, mauunawaan naman siguro yan ng girl lalo na kung valid reasons naman.
35 years old and above, high risk pregnancy na yan, kaya sana huwag naman niya paabutin sa ganyang edad ano?
Ngayon, kung hindi naman pala talaga nakikita ng kaibigan mo na siya ang pakakasalan in 2-3 years time, eh hiwalayan na nga. Makahanap si girl ng husband material.
mga mahigit 1 year pa lang sila. sabi ng guy kasi aantayin pa nya yung kuya nya na makasal. sa akin lang eh napaka-unreasonable ng ganung rason. kaya yung babae ay nangangamba kasi wala pa sa plano ng lalake ang ganun. hindi naman daw nagmamadali ang babae pero yung lalake ay laging nililihis ang usapan. parang kahit sa plano man lang daw sana. hmnnn...
ano ba sa palagay nyo ang common reasons kung bakit ayaw pa ng lalake? hindi kasi ako makapaniwala na hinihintay niya lang na makasal ang kuya niya.
hintayin pa makasal yung kuya niya? anong klase ngang rason yun. kung ayaw, sabihin niya ayaw. kung gusto, gusto. kung di pa handa pero naiisip naman niya makasal sa girl, e di bigyan niya ng assurance si gf. depende sa babae kung deal breaker para sa kanya ito. pero kung ako sa kanya maghahanap ako ng guy na nasa ganun nang stage.
yung about sa kasal mahirap e. kelangan mo ipaintindi sa fiance mo yung reasons mo WHY and WHEN mas importante siguro yung WHEN? kung natatakot sya about giving birth eto pabasa mo kay fiance
http://www.healthy.net/scr/article.aspx?Id=3985 -- very informative sya.
tatandanda nyo maghihiwalay pa kayo? immaturity na lang mangyayare kung maghihiwalay pa kayo. at nagsasayang lang kayo ng lahat kung maghihiwalay pa kayo.![]()
minsan pag humingi ng extension ang lalaki, inaakala ng babae hindi na matutuloy ang kasal. hahaha.. normal reaction from women.
kung hindi pa ready, assurance ang kailangan ng babae. para hindi siya maghintay sa wala. sa guys okay lang habang tumatanda parang george clooney lang at bosing vic..
eh iba sa mga babae, habang tumatanda kumukunat at nagiging maganit na. hahaha..dapat din balance at pakinggan ang concerns nila. majority ng babae gusto mag conceive ng baby.
post ako ulet hehe...sino ba friend mo dito, yung babae o lalaki? kung yung lalaki sabihin mo sa kanya huwag naman niya paasahin yung gf niya kung ayaw niya talaga magpakasal. baka nagshoshopping pa siya ng mas bata at ginagawa lang niyang pampalipas oras si gf. kung yung babae ang friend mo dito, tanungin mo kung ano deadline niya sa pag-aasawa. kung mahalaga talaga yung magkaanak siya before a certain age, e maghanap siya nung same page niya. although medyo mahirap din yun, pero kaysa naman baka naghihintay siya sa wala.
mga pexers. may mali sa info ko.
girl = 27 years old
guy = 25 years old
bata pa ba? yung point lang naman daw ng girl eh sana kahit papano ay may assurance naman siya. kasi heartbroken din sya dati sa isang lalake na sinaktan lang ang kanyang damdamin.
btw, close friend ko yung girl. crush ko sya dati kaso hindi niya ako type kasi bading daw ako. hehehe
one year pa lang pala sila bakit humihingi na ng assurance?
masyado talaga nagmamadali ang mga kabataan ngayon.![]()
puydi pa 2-3 years para may enough preparation.
ang daming preparation na dapat gawin.. yung kamasutra na lang, abah mahabang aralin 'yan.![]()
May viral video dati sa YouTube, Strangers Again ang title. They broke up because girl brought up marriage, boy isn't ready. That happens often![]()
^ Alam mo sa totoo lang, wala sa edad yan eh, madaming lalaki na 40 years old na or older, mga pasaway pa din, irresponsable pa din, meron namang mga nasa 20's na seryoso ng mag isip, alam ang gusto.
Same goes with women.
Based sa sinasabi mo, masyado naman nagmamadali ang friend mo na pakasalan siya, 27 lang din naman siya, magsawa muna siya sa pagkadalaga.
Ngayon, kung yayain siyang magpakasal, at gusto na niya, eh di go, kung hindi pa ready, at valid naman ang reasons, eh di mag antay siya.
Hindi komot kinasal na sila ng lalaking yan eh maitatali na niya habang buhay? Wrong!
Pabasa mo to sa kaibigan mo ha. Ang kasal, desisyon yan ng dalawang tao, papel lang yan na pipirmahan, katunayan na legal kayong nagsasama, pero sa relasyon nila, nag fe feeling ba siya na kapag kinasal sila ng lalaking yan eh may something magical to happen, at nagmamadali siya?
Kasal ka or not, kung aayawan ka ng lalaki, aayawan ka.
Tungkol naman sa reason ng BF niya, na aantayin ikasal ang kuya.. nakakatawa naman, paano kung hindi na ikasal yung kuya? LOL.
Parang hindi naman valid for me. Parang palusot na lang. Nasa friend mo na, siya naman ang nakakasama, so siya ang nakakakilala doon sa lalaking yan.
Ang mga pinapatunguhan lang naman ng mga relasyon:
1. Maging kayo, mag break kayo.
2. Maging kayo, Inanakan ka lang, mag break kayo.
3. Maging kayo, Inanakan ka lang, nagbagong buhay, pinakasalan ka.
4. Maging kayo, pinakasalan, bumuo ng pamilya, naghiwalay.
5. Maging kayo, pinakasalan, bumuo ng pamilya, nagsama habang buhay.
Lilima lang naman yan, ang tanong, anong number nakikita ng BF ng friend mo ang patutunguhan ng relasyon nila?
tama sya.. ako at my age of 28 hindi pa ako nagmadadali lalo na magkaanak kasi you can both decide when is the right time sa hirap ng buhay ngayon..
kung mahal nyo ang isat isa at pinili nyo na ang isat isa kahit naman hindi pa kayo ikasal kayo't kayo parin..
kailangan nyo rin alamin kung una stable na ba yung trabaho nyo pareho at higit sa lahat pareho kayong mature to handle problems sa married life and most specially to be a parent..
in my case im 28 my bf is 25.. 7 yrs na kami, inassure nya naman na ako na yung pinili nya, para sakin kasi there is no perfect time ang mahalaga malakas na ang loob nyo pareho to build a family on youre own at alamin ang pro's and con's pagnagsama na kayo kasama ang anak, hindi rin yan fairy tale na expect always happy not! kaya nga "for better and for worst, till death do us part" ...
hindi valid na reason ang pagmamadali na magpakasal kasi baka mapagiwanan na o atat na magkaanak mali iyon.. kung kayo kayo.. papel lang yan para maging legal tama pero kayong dalawa ang makakaalam nyan kung kaya nyong gawing lifetime ang pagsasama o hindi..