
Fast and Furious 6 is a high-octane action-packed ride that will make the most hardened action movie fans blush
read more
The ADMU Lady Eagles displayed championship cool as they ripped the NU Lady Bulldogs in 3 sets in game 1 of the finals
read more
The highest fan and issue threads will be posted weekly. Check out the gorgeous female celebrities that came out on top this week!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreBakit wala pang news
ylle45, ikaw ba ang magpo-post ng Kapuso Tabloid?
![]()
tinatamad na din kasi ako ex deo
pero since walang nagpost hanap lang ako![]()
Daniel todo-bakod kay Kathryn sa taping
SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) Updated June 14, 2012 12:00 AM Comments (0)
SEEN: Dumalo sina Kris Aquino, Vice Ganda, Pokwang, at Angelica Panganiban sa red carpet premiere ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme sa Trinoma Cinema, Quezon City noong Martes ng gabi.
SCENE: Malakas ang first-hour screening kahapon ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme kaya happy ang mga producer ng pelikula ni Eugene Domingo.
SEEN: Ang news ng Juicy ng TV5 na pupunta si Alice Dixson sa Amerika na sinagot ng aktres na magbabakasyon siya sa Vancouver. Nasa Canada ang Vancouver, wala sa US.
SEEN: Bantay-sarado ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa taping ng Princess and I. Dapat bantayan si Kathryn ng kanyang mga magulang para makaiwas sila ni Daniel sa temptation.
SCENE: Fifty four years old na si Madonna kaya negative na ang mga comment sa pagpapakita niya ng nipple sa kanyang concert sa Istanbul, Turkey.
SEEN: Poser ni Timothy Bradley, Jr. ang nag-tweet na ibabalik niya ang WBO Welterweight Belt kay Rep. Manny Pacquiao dahil ito ang tunay na nanalo sa kanilang laban.
Hindi basta dapat paniwalaan ang tweet na kagagawan ng mga tao na walang magawa na matino sa buhay.
SCENE: Ang report ng Box Office Mojo sa mga pelikula na ipinalabas sa Philippine theaters mula May 30 hanggang June 3
Kahit inisplitan na ni Heart, Daniel gusto pa ring maging Pinoy
PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated June 14, 2012 12:00 AM Comments (0)
PIK: Pinabulaanan ni Maxene Magalona ang kumalat na kuwentong sinugod nito si Bubbles Paraiso kasama ang dating non-showbiz boyfriend niyang si Neil Arce nang magkasabay silang nagbakasyon sa Boracay.
Ayon kay Maxene, magkaibigan sila ni Bubbles at nagkita nga sila sa Boracay pero walang sugurang nangyari dahil magkakaibigan nga sila.
Nagkabati pa sila roon pero walang gulong nangyari. Pero inamin niyang hindi na nga sila gaanong close ni Bubbles at ilan pang kaibigan nila ni Neil pagkatapos ng kanilang break-up.
Pareho naman kasi silang abala na sa kanilang mga programa sa GMA 7. Si Maxene sa promo ng bagong afternoon drama niyang Faithfully na magsisimula na sa June 18 pagkatapos ng Kasalanan Bang Ibigin Ka?
PAK: Kahit break na sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista, gusto pa rin ng Brapanese model na ituloy ang balak niyang makakuha ng Filipino citizenship dahil gustung-gusto niyang maging Pinoy na rin.
“I want to be half-Brazilian, half-Pinoy, and half-Japanese,” pagbibiro nito sa amin sa event ng Mega Pinoy Pride kamakalawa ng gabi.
Sinita naming sobra-sobra na ’yun kung gusto niyang makuha ang kalahati ng mga lahing nabanggit.
Basta gustung-gusto na raw niyang manirahan dito sa Pilipinas kaya tuluy-tuloy ang workshop niya sa pagsasalita ng Tagalog, pati sa pagkanta at acting.
Excited na rin si Daniel dahil kasama na siya sa Game ’N Go ng TV5 na magsisimula na sa darating na Linggo.
BOOM: Itinanggi na ni Vic Sotto ang kumalat na isyung papasukin na rin niya ang pulitika.
“Just the fact that Sen. Bong Revilla, Jr. and I are doing a movie for the Metro Manila Film Festival, eh siguro ’yun na ang sasagot dun sa katanungan kung ako’y tatakbong mayor o senador,” sagot nito sa amin nang nakatsikahan namin sa contract-signing event nilang limang producer para sa pelikulang Si Agimat, si Enteng Kabisote, at si Me,” pahayag pa nito.
“Hindi naman puwede ’yun kung tatakbo ako eh. Ang filing nun is October. ’Pag nag-file ka na, effective nun hindi ka na puwede eh. I think ganun ’yun ’di ba?”
Lagi naman siyang nakakatanggap ng offers na kumandidato pero alam niyang nakakatulong naman siya sa mga tao kahit hindi na pasukin ang pulitika.
nasaan na ba si techjunkie?
kahit sa LAFI hindi ko siya nakikita doon.![]()
Mike Tan walang pakialam kahit supporting lang
Ayaw paapekto ni Mike Tan sa kantyaw ng press na support lang siya ni Marc Abaya sa Faithfully dahil ang singer-actor ang talagang leading man at pinag-aagawan nga ng apat na babae sa story. Ayos lang kay Mike kung supporting siya, ang importante, maka-deliver siya ng gusto ni Direk Mike Tuviera.
Hindi rin isyu kay Mike na ibinalik siya sa afternoon soap after magpakita ng husay sa Legacy. Ayaw niyang mamili ng trabaho lalo’t wala siyang karapatang mamili.
May hinuhulugang condo unit sa Ortigas at Manila si Mike at ’pag nakabayad siya, baka kumuha siya ng condo sa may Quezon City, malapit sa GMA7. Ayaw niya munang bumili ng car hangga’t nagagamit pa ang Innova na napanalunan pa niya sa StarStruck 2.
Kung may magtitiwalang movie producer, gusto uli ni Mike gumawa ng movie. Manay Po 2 pa ang last movie niya na ’di na matandaan kung anong year.
Agot hindi na kayang magpuyat
Ibinigay ng GMA 7 ang request na 2:00 a.m. cut-off ni Agot Isidro sa taping ng One True Love, kaya nagpasalamat ang aktres. Hindi na niya kayang magpuyat ng sobra dahil 46 years old na siya sa July 20. Maaga rin naman ang call time ni Direk Andoy Ranay, maraming nakukunang eksena hanggang sa cut-off ni Agot.
____________________________
46 na pala si Agot?
kaya pala sumuko na si Malu Sandejas sa kanya![]()
sa PSN walang kwenta magsulat itong sila Lolit and kuya Germs![]()
Sobrang excited si Richard Gutierrez para sa pilot episode mamayang gabi ng Makapiling Kang Muli.
Action/drama ito at nakakapanibago ‘yon para kay Richard dahil sunud-sunod ang telefantasya niya sa GMA 7 at ngayon lang siya maghe-heavy drama.
Ayon sa binata, gusto talaga niya ang Makapi*ling Kang Muli at noong una pa lang na prinesent sa kanya ang proyekto ay “positive” na kaagad ang dating nito sa kanya.
Kahit drama/action ang Makapiling Kang Muli ay para ring sa telefantasya ang budget ng Siyete rito.
Napakarami nilang location para sa Makapiling Kang Muli.
Madugo ang kanilang pilot week dahil ilang weeks silang nag-taping para rito.
Sa rami ng taping days nila para pa lang sa pilot week nila ay matindi na ang gastos.
------------------------
namiss ko magpost ng article este diary ni Julalay
siya nga talaga si quitz siguro![]()
Hindi raw maaaring magladlad... Maraming bakla sa closeta galit kay sharon
THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) Updated June 14, 2012 12:00 AM Comments (1)
Maraming bakla sa closeta ang hindi nagkagusto sa himok ni Sharon Cuneta sa kanyang show na lumabas na sila’t magladlad. May galit daw ba ito sa mga katulad nila? Ito ang impresyon na ibinigay ng pagsasalita niya. Obviously daw ay wala itong alam sa pinagdadaanan nila, kaya kung magsalita siya ay walang preno, hindi sukat.
Hindi raw ganun kadali ang hiling nito sa kanila. Kung sila nga ang masusunod ay talagang mag-a-out in the open na sila pero maraming dapat na consider.
Palagay daw ba ni Sharon ganun lang kadali ang hinihingi niya? Hindi po dahil marami ang dapat isa-alang-alang.Mas madaling sabihin kaysa gawin.
GMA 7 todo-build up kay Janine
Talagang bini-build up ng GMA 7 si Janine Gutierrez bilang ka-loveteam ni Benedict Campos. Ongoing pa ang Makapiling Kang Muli na kung saan ay ipinakikilala ang tambalan nila pero isinamang muli ang tambalan nila sa Together
Forever nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose.
Nagbibigay ng malaking pressure kay Janine ang pagkakaroon ng magaga*ling na artista bilang kamag-anak niya. Wish lang niya na bigyan siya ng time ng tao na gawin ding magaling na artista ang sarili niya. Sana huwag silang mag-expect agad ng malaki sa kanya.
Tatlong magkakapatid sina Janine pero siya lamang ang nahihilig sa pag-aartista. Mahiyain ang dalawa niyang kapatid.
Jessica sure na sa rematch nina Pacman at Bradley
Balitang si Jessica Sanchez ang kakanta ng Lupang Hinirang sa rematch nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, Jr. Okay lang kahit siya ang kumanta ng Star Spangled Banner sa unang laban ng dalawa dahil FilAm naman siya, katulad din ng mga naunang pinili ni Pacman sa mga naunang laban niya. Samantala, kumanta siyang muli ng National Anthem ng US sa NBA finals kahapon.
Talagang maganda ang naging exposure ni Jessica sa American Idol. She’s really going places.
Nora, Vilma, at Coco gagawan ng pelikula
Si Coco Martin ang lalabas na pinakamasuwerte kapag natupad ni Brillante Mendoza ang kanyang pangarap na mapagsama sa isang pelikula ang Superstar na si Nora Aunor, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at si Coco.
Biruin mo, isang casting coup ito na sigarado ako ay papatok sa takilya nang todo-todo bukod pa sa mga awards na maari nitong mapanalunan sa loob at labas ng bansa.
Kahit maganda itong isipin, malaking problema ang ihahatid nito sa sinumang magpo-prodyus ng pelikula dahil mahirap pagsamahin sina Nora or Vilma, lalo na ang huli na abala sa kanyang tungkulin sa Batangas.
Wahaw!Ang gaganda ng mga soaps sa Afternoon Prime.
napanood ko na itong ONE TRUE LOVE, so kahit kailan talaga, walang bago sa mga istorya sa simula ng kwento ng mga serye, or baka hanggang katapusan! halos pare pareho lang.
parang hindi malaking serye ito. limitado ang mga camera shots sa second episode. ewan! kala ko pang dramarama iyong pinapanood ko kanina. ill still give it a shot, baka gumanda! well.![]()
paapak pala sa bagong thread na amoy hotel.
![]()
Banned by Admin