Tinatamad na ako mag-search via Google (sira pa rin search function dito as I type this) kung meron nang similar na thread sa forum na ito, and my situation is unique, kaya I have to pass it on to you...
Genealogist ako ng mga apelyido ng mga lolo at lola ko (do any other PExers do this as their hobby?), at keen ako sa mga reunion na mangyayari in the near future. Kaya lang, panay sa patay o sa kasal nangyayari ang mga reunion na ito. Gusto ko... (ang susunod na listahan ay ang mga prerequisites ko para maging totoong family reunion ito)
1. Kasama ang lahat ng age groups (pag sa patay o kasal, panay adults ang mga dumadayo)
2. Dapat represented ang mga taga-NCR at pati na rin mga probinsyano (i.e. yung mga naiwan sa home province ng ninuno namin at pati na rin yung mga nasa ibang lungsod/probinsya ng Pilipinas)
3. At least 50% of the living population of the clan in the Philippines should be present
4. Dapat accessible sa lahat ang lugar na pinili para sa family reunion (pwede function room ng hotel, o kaya'y isang event venue)
Pero dahil meron pa ring mga Pinoy na ayaw mag-Facebook, o kaya'y mahirap i-kontak o kaya'y nasa ibang bansa na, gaanong kahirap mag-organize ng family reunion sa ating bansa? Gusto ko talaga umabante sa genealogy research ko (yung pinsan ng nanay ko na genealogist sa pamilya ng lolo ko, namatay siya sa car accident nung January 2011, kaya gusto ko ituloy na lang ang research niya), pero gusto ko rin makilala ang mga malalayong kamaganak ko.
I also have to consider those living abroad, kaya my plans for family reunions of my surname are split into two distinct dates: 1) yung para nasa Pilipinas at 2) para nasa mga U.S./Canada. Tama ba dapat ang balak kong ganito?
Desperado ako magantay ng sagot sa problema ko...![]()








Reply With Quote












