pareng GP... may pinadala sa iyo si mod xayezi na mga links sa gifs of banners for every category.... yung main banner tinatry pa niyang matapos ngayon (animated version ng banner na gawa ko) .....
kung maka-react sa mga ABS-CBN show parang ang laking kaperahan ang inilabas nila.
tama manunuod na nga lang ng libre, eh dami pang reklamo! kung ayaw mo sa isang palabas, wag mong panoorin. honestly, HYY, Mutya at My Princess na lang pinapanuod co ngayon sa ABS. Yung iba, ayos lang kung hindi co mapanuod/masundan.
minsan aco sinasabi co ren ang mga disgusto co dito. pero hindi naman aco humahantong sa na pati trabajo ng management gustong pakialaman.
bizzybone
Todo promote lang ako wala naman akong sinabing mag expect kayo. Nasa sa inyo na kung ano ang magi2ng dating sa inyo ng pnopromote ko dati. Kung drawing o stir ako gaya ng sabi mo eh d sana wala kang nakitang kapamilya gold na nilaunch. Bwahahaha at sa sinasabi mong ikaw nagpapasahod sakin kc televiewer ka. Kahit 1wk mo pang patayin tv or mag quit kana sa panu2od ng tv mo sa2hod padin ako.
SONA! BOW.. Hahaha
sexy_tami
Masyado ng maraming nasabi. Masyado ng maraming nabigay na komento. Pwede kong hindi seryosohin ang usapan dito dahil naniniwala akong malawak ang mundo sa labas ng PinoyExchange at hindi naman ito batayan ng kung sino talaga ako at paano ako bilang tao. Pero gusto kong bigyang halaga ang mga taong nakausap ko dito, ang mga nagbibigay ng oras para basahin ang mga posts ko, ang mga binabalita ko, at marahil ang napatawa ko rin kahit papaano. Kaya ako magbibigay ng panig ko.
Wala namang naging kaso sa akin na tawagin ako ng kung sino, na paratangan ng kung ano. Nagdesisyon akong magPex dahil gusto ko ng mapaglilibangan, yun ang totoo. Pero naiintindihan ko ang ibig sabihin na iba na rin pala ang magiging epekto nito sayo pag tumagal. May mga taong magugustuhan ka, makakapareho mo ng ugali at pananaw, meron din ang hindi.
Nagsimula akong magpost ng mga "Pasabog" hindi para magyabang. At hanggang ngayon, masasabi kong hindi yun pagyayabang. Maraming nag abang, maraming nagtatanong, meron ding hindi pumansin. Kailanman, hindi ko pinagdiinang sa akin kayo maniwala. Kapag may mga balitang galing sa ibang pexers, hindi ko sinasabing mali, hindi ko sinasabing wag paniwalaan. May pagkakataong kapag lantarang kamalian, doon ko sinusubukang itama.
Kung nakilala ako sa paraan ng pagbibigay ng mga bagong balita, dahil marahil sa may katotohanan ang binabalita ko. Sa tagal siguro na nakakabasa ako o kayo, kahit nakakaaliw man, ng mga "kuryente news" kung tawagin, ang ginusto ko naman ay ibahin yun sa aking pamamaraan. HINDI KO INTENSYON ANG LINLANGIN ang mga tao dito!
Kung ano man ang narating ng pagiging si tami_mod at sexy_tami ko, hindi yun isang bagay na kailangang seryosohin ko pa. Hindi naman ako nakikipagkompetensya sa personal na paraan. Hindi ko naman maipagsasabi yan sa mga taong nakakasama ko, na tipong "Ako si Tami, reyna daw ako sa Kpex!"
Ang babaw.
Kung paano ko dinala ang username ko dito, kung paano niyo nakilala, yun AKO bilang PEXER. Marahil mahirap intindihin, lalo na sa mga pexer na sobra ang pagpapakatotoo dito. Pero hindi naman kasi hinihingi ng mga nagbabasa dito at hindi rin obligasyon ng isang pexer na ipakilala ang kung sino ang totoong siya. Kung gusto niya magpakita ng ibang karakter, nasa kanya yun. AT AKO AY MARUNONG RUMESPETO sa aspetong yan!
Para kay pexer, usttigershark, sa totoo lang, hindi ako galit. Hindi rin ako naaapektuhan ng kung ano mang bintang ang pwede kong marining sayo dahil karapatan mo yan. Sa loob ng thread na ito, pwede mong punahin lahat ng tungkol sa akin, pero malawak ang isip ko na pagkatapos kong mag log-out dito, iba naman talaga ang realidad. Siguro naguguluhan ka dahil hindi ko sinasagot ng diretso, o kung may pagkakataon man ay pabalang pa, ang kung ano mang tanong mo sa akin. BAKIT? Dahil PARA SA AKIN, walang patutunguhan.
Nakikita kong hindi nalang ang pagiging "inconsistent" ang punto rito, pinuna mo na ang paraan ko ng pagpopost, ang tingin mong pagiging "trashy" ng thread kapag narito ako, at kung anu-ano pa. NOON PA AY NAKITA KO NG AYAW MO SA AKIN BILANG PEXER, kaya inintindi ko na rin na anuman ang maging paliwanag, ay HINDI MAGIGING SAPAT SAYO.
Di ko man maalala ang bawat detalye ng naging pagtatalo natin noon, pero alam kong sa pagpaparinig mo unang dinaan. Bagay na di ko inakalang may ganun kang naramdaman. Ngayon, marahil masasabi mong hindi ka pala nag iisa sa ganyang damdamin, pero alam mong NGAYON mo lang din nalaman yan, ngayon na may nagsalita na iba. WALANG IBANG nagsambit ng maaaring pareho mong hinaing noon , kayat minarapat kong HINDI NA PANSININ.
Ayaw ko ng AWAY, iniwasan ko nalang. May mga bagay na idinadaan sa biro madalas, lalo na dito sa pex, nasa TAONG nagbabasa noon ang pagbibigay ng interpretasyon.
May nasabi ka sa mga "pasabog" ko, na kesyo naggaling sa twitter. Ayoko ng sabihin pa ang pinanggagalingan at paraan ng pangangalap ng mga "pasabog" na yun (kahit may masabi ka na naman dito) dahil para sa akin ang mahalaga, TAMA AT TOTOO ang naibabalita dito! Yun naman ang dapat.
May nasabi ka sa pagiging "bakla" ng paraan ng pagpopost ko at walang sense ang sinasabi ko, pero naaalala ko rin na sa bawat tatapak sa thread na ito, BAWAT KAPAMILYA HANDANG IWELCOME ang PEXER na yun at hayaan kung paano niya gustong ihayag ang nararamdaman niya. WALA AKONG nakikitang dahilan para limitahan ang isang pexer sa kung paanong paraan niya gustong magpost (kung baklaan, seryoso, may sense, pabiro, o puro PICTURES pa ). Kaya nga laging napagbibiruan ang IGNORE LIST. Pwedeng pwede mong DEDMAHIN ang posts ko, walang kaso sa akin yun!
May nasabi ka tungkol sa INCONSISTENCY. May LOGIC pa nga hindi ba? Para maging madali, sana makatulong ito. Kung sa may SAY, masasabi kong OO, meron akong SAY. Pero kung iisipin mong mabuti, lahat yan may limitasyon. UNLESS IISIPIN MONG AKO ANG PRESIDENTE NG ABS-CBN! May mga bagay na pwedeng sakop ko at pwedeng ayusin, may mga bagay na hindi. Kung nagrereklamo ako dito, ayon sayo, reflection na ako mismo walang ginagawa para ayusin yun, HINDI PO ganun yon. Kahit ang may ari ng PAL, pwedeng mainis sa serbisyo ng sarili niyang kumpanya, kahit ang may ari ng JOLLIBEE pwedeng hindi masarapan sa pagkain ng negosyo niya. Maging ang Kapamilya Talents ay pwedeng di sumang ayon sa trabahong binibigay sa kanya.
HINDI po sana ninyo iniisip na ang bawat desisyon na gustuhin ko ay ang siyang masusunod. Maraming proseso yan at maraming taong involved. Hindi po dahil ibinalita ko dito ang isang programa, ang isang artista, ay LAHAT saklaw na ng pwede kong mapakealaman. Hindi dahil may hinaing ang PEX at hindi nagawan ay masasabi mo ng HINDI AKO EPEKTIBO.
Hanggat alam kong nagagampanan ko ng maayos ang mga bagay na dapat kong gawin, hindi iyon maaapektuhan ng mga bagay na hindi ko nagugustuhan.
Kung hindi mo pa rin iyan maintindihan, hindi ko na rin magiging problema. Kung may mga bagay ka pang mapupuna at makikitang di tugma, nasa iyo na rin yan. Hindi lahat ng punto ay dapat pang linawin, IKAW ANG GUMAWA ng PROBLEMANG iyan.
Masyado ng mabigat ang usapin ng thread lalo kapag nabubukas ang isyu mong ito sa akin. Halos lahat ng reply mo ay taliwas sa kung ano mang mabuting pag iintindi sa panig ko. Pati ang mga bagay na wala akong kinalaman, maging kapag wala ako rito, at wala akong nabanggit na tungkol sayo, still, may masasabi ka. Kung anumang intensyon mo dyan, iiwanan ko na sayo yan.
Pagkatapos nito, balik ako sa dati. Alam kong hindi ko naman kailangang baliin ang pagkakakilala niyo sa akin, kung bakla, sige, kung meron o walang sense, sige, kung nakakatawa, sige, kung may pasabog na dala, sige. WALANG KAILANGANG MAGBAGO sa part ko. Magiging maingat marahil, pero hindi ang sundin ang dikta kung meron man.
Kung sa pakikitungo niyo ay may magbabago, tatanggapin ko yun. Malungkot, OO. Pero ganun naman dito diba, may papansin sayo, merong hindi. Nasa pag uusap naman yan.
Mahalaga ang pex sa akin. PERO Mas mahalaga ang mga taong nakausap ko rito. HINDI naman kailangang mawala yun dahil ipinalalabas na wala kang silbi sa thread. Masyadong mababaw, sabi nga SABAW lang yan. Subukan mo tignan ang laman.
Ayoko na muling pag usapan ito, hindi dahil nakakapagod lang, o dahil trip ko ang mang dedma, pero dahil hindi ko kailangang palaging ipagtanggol ang username na ito sa lahat ng pagkakataon. Salamat sa mga pexers na nagbigay ng pagintindi kahit hindi hinihingi ng sitwasyon. Hindi kailangang lahat kayo ay MAGUSTUHAN AKO, basta nariyan ang RESPETO, magiging maayos tayo.
At nagdaan na naman ang isang araw ng pag SOSONA, ang pagSOSONAng bahagi na ng ating kasaysayan. Sa ngalan ni Nakura, sa ilalim ng lahat ng mga KAPAMILYA!
Bow.
usttigershark
Di sa may inis sa iyo dahil nasakyan naman kita at kahit na matagal ko ng nakikita na parehas ang post mo dito at sa ibang site pinabayaan lang kita. Ang napansin ko lang every time na icocorrect ka sa maling information na nilatag mo dito iignore mo lang at dadaan mo sa biro ang post. Ganyan din ginawa mo noong nagtalo tayo.
Tapos kaya mo naman pala magpaliwanag pero dinaan mo sa pagsaring at pagligoy ang usapan noon. Kung mali ako at talagang insider ka di tatanggapin ko pagkakamali ko. Kaso dinaan mo sa pagapasaring na tuwing dadating ako sasabihin mo FLOP BIGLA ang thread (but I don't mind kung flop dahil mas gusto ko ang quaity thread over quantity) at ginawa mong joke ang INCONSISTENCY at SAY. So in my part nanadya ka at tinake ko seriously yun.
Nilabas ko lang ang obserbasyon ko sa post mo. At nagstart ang usapan natin dahil dito:
"Iba kasi ang sinasabi sa twitter nila Roxy.
Until now wala pa daw official LM at malakas ang bulong-bulungan na lilipat na sa TV5 si derek. Nagpost si angelkisses kahapon na si Derek daw host ng reality show sa TV5.
At paano naman naging "namin" eh di ka naman di ba taga abs? Kasi kung taga abs ka bakit di mo masuggest ang suggestion mo about alta. Tutal parehas naman star creative ang gagawa ng alta at movie! Para di na on-hold or shelved ang ALTA!"
Dyan mo sinagot sa akin ang tungkol sa may SAY ka...
Tinanong ko dahil nga sa tulad ng sabi ni cutieplex na sinabi mo noon na di ka taga-ABS pero sunod-sunod ang post mo na pertaining sa may connection ka sa ABS. Kaya ganyan ang dating ng last part ng post ko...
#Clarificationlang
kcinmor
sa nangyayari sa ABS CBN ngayon...apektado lahat ng ABS CBN Shows....
mabuti nga at napagtitiyagaan ko pa ang UKG, HeartStrings sa Umaga, KrisTV depende sa guest, Showtime, HYY if nasa mood, X-Men the best parin,
nawawalan ako ng gana minsan pag Reputasyon at Angelito na...medyo nakakaantok...
sa PBBUnliday okay naman if naabutan...
TV Patrol Local nanonood..
Primetime Bida sala sa init sala sa lamig akong manood....
TV Patrol medyo boring ng kaunti....Ikaw ay Pag ibig minsan bore me...Budoy, My Binondo Girl NKE PBB nakatutok ako...
Bandila naman naonood ako...
gusto ko yung una na walang tayuan...hahaha..gaya noon...