Di ko alam kung inlove ako sa isang tao.. o naawa lang ako sa kanya...
Gusto ko i try na maging kami... matagal na sya nanliligaw sa akin. kumakain kami sa labas, nagpupunta kami sa church.. lagi kami nag uusap sa text at tawag sa cp... kinikilala ko muna sya.. sinabi ko sa kanya na ayoko sumagot ng "oo" kung hindi ako sigurado sa nararamdaman ko... at ang nararamdaman ko sa kanya ay hindi ko rin maintindihan... sinabi ko rin na kung may sasagutin akong lalaki sa puntong ito ng buhay ko.. gusto ko kung sino man sya, sya na mapangasawa ko.
nung una, nahihiya ako sa makakakita sa akin kapag kasama ko sya. naging estudyante ko kasi sya sa isang school... nagsimula syang manligaw nung time na nagresign ako sa school na iyon. hindi ko nga sya matandaan nung una, dahil di ako matandain sa mga name ng student. sabi nya dati pa may gusto na sya sa akin, kaya lang wala syang lakas ng loob dahil estudyante sya at instructor ako... (sa ngayon, estudyante pa rin sya sa school na yon, pero graduating this year.) nalaman ko rin na mas matanda sya sa akin ng isang taon.
lumalabas kami, pero sa tuwing lumalabas kami, naiisip ko, kapag may nakakita sa amin. anong iisipin? lalo na ang mga classmate nya na naging student ko rin? ang ibang instructor na naging ka close ko run na kilala sya.. kapag nakita kaming magkasama, ano kayang iisipin? sabi nya rin na naikwento nya sa mga classmate nya (na gumradweyt na) na nililigawan nya ako... e paano kung sinagot ko sya? dahil masaya sya maibabalita nya iyon sa kanila, nakakaramdam ako ng hiya... paano kung makita nila ako.. hindi kaya nila isipin.. na pumatol ako sa estudyante?
isa pa, magkaiba kami ng religion... naisasama ko sya sa church namin... pero sumasama sya, kapag nagyayaya ako, minsan *** pagyayaya ko may halong pamimilit kapag tumatanggi sya.. at nananalo ako kasi alam ko gusto nya ako makasama... alam ko napipilitan lang sya, nararamdaman ko, pero di nya sinasabi. nasasabi nya lang napipilitan sya sumama sa akin kaya nauubos pera nya sa pamasahe at pagkain nya. (kahit pabiro alam ko may laman un) kkb kami palagi kasi nga alam ko namang dahil student sya, wala syang pera, minsan nga ako pa taya... dahil ako naman nagyaya...
hinahayaan kong hawakan nya ang kamay ko. dahil napipilitan syang sumama sa akin sa church, gusto kong bigya sya ng kunswelo.. kaya kapag hinahawakan nya ang kamay ko, pinagbibigyan ko sya, at sumasaya sya. kahit na sa part ko walang warm *** hawak na yun... alam kong nararamdaman nya na napipilitan lang rin akong pagbigyan syang hawakan ang kamay ko. pero hindi kami. walang kami. nilinaw ko un. sabi ko hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kaya hanggang ganito lang kami. sabi ko rin makuntento na muna sa ganito habang di ko sya natutunan mahalin... at di ko rin alam kung kailang un, o kung mangyayari pa ba...sabi nya maghihintay sya. sabi ko rin magtapos ka muna ng pag aaral, maghanap ng work para naman maipagmali kita sa pamilya ko at sa lahat ng tao... pinangako nya na tatapusin na nya ngayong taon at maghahanap ng work...
pero from time to time isinisingit nya na sagutin ko sya.. sabi ko ano bang pagkakaiba kung sagutin kita sa status natin ngayon?.. okay naman tayo... masaya kapag magkasama... nag uusap sa telepono, nagtetext kapag namimiss ang isat isa. sinabi ko rin na kahit naman sagutin kita hindi pa rin naman sya makaka score sa akin, dahil mahalaga sa akin ang kasal... tanggap naman nya... pero nag iinsist pa rin sya... sabi ko rin.. "di ba may agreement na tayo na tatapusin mo muna pag aaral mo, maghahanap ka ng trabaho.. by then baka sagutin na kita , at kung sakali naman magkahanp ka ng ibang liligawan by that time at least hindi ka na hirap... "
okay naman ang set up namin... kaya lang lately, namimiss ko na syang kausap, may time ako na ang tumatawag... lalo na kapag di sya nagtetext at tumatawag... tinatanong ko kung bakit.. wala raw syang pang load.. pero kung meron naman syang load sya mismo ang tumatawag... niloloko nya rin ako.. sabi nya namimiss mo na ako no.. di mo pa kasi ako sagutin eh...
ayoko ng ganitong pakiramdam... ayokong mahulog sa kanya...nung una naawa lang ako sa kanya kasi kakabreak nya lang sa ex nya, at ako ang napagkukwentuhan nya... naiyak pa nga sya nung kinuwento nya un.. ako naman nakikinig lang.. walang reaksyon... pero ngayon, kung magreact ako parang gf na ako.. kasi nagagalit ako kapag di sya tumatawag ng mga dalawang araw na... sinasabi ko.. di ka man lang mag exert ng effort... nagtatampo rin ako..
nagkatampuhan kami... tinext ko sya, sabi ko ayoko na.. kalimutan na nya ako. kasi gusto ko na rin makaiwas, baka kapag di pa ko umiwas, mahulog na ako ng tuluyan. hindi ko na hinintay na magreply sya... (wala kasi syang load ng time na yun at wala syang pang load...) binura ko na *** mga messages nya, pati number nya di ko na nilagay ang sim para sakaling tumawag sya, di nya ako makontak. papalitan ko na rin number ko para wala na...
ask ko lang... tama ba ginawa ko? mahalaga kasi sa akin *** sasabihin ng ibang tao sakaling maging kami.. lalo na mga kamag anak ko... it is my weakness...
hope you can help me...








Reply With Quote














