Pinoy ka ba?
Kung pinoy ka, sumali ka sa eRepublik!
Nangangailangan kami ng mga bagong mga gamers sa online social strategy game na ito. Sa larong ito, pwede kang maging isang Businessman, maging member ng isang pribadong militar, ng Kongreso o maging Presidente ng Pilipinas! Kung feel mo maging Kolumnista o maging isang full time na mamahayag, pwedeng pwede ka sa larong ito!
Ano ba ang unique sa larong ito?
Ang larong ito ay isang role-playing, web-based game, mostly text and graphics lang pero pwede mong maipakita dito ang pagmamahal mo sa Pilipinas kahit sa cybernet lang, alam naman nating lahat na marami ang magagaling na Pinoy sa larangan ng cybernet kaya tulong-tulong tayong lahat i-angat ang galing ng Pinoy. Virtual World ito, kaya maari nating gawin ang gusto nating gawin maliban lamang sa mga hindi naayon sa batas. Kung sa totoong buhay ay nangungulelat ang bansa natin dahil mahirap ito at ina-api ng ibang bansa, dito sa eRepublik, pwede nating ipakita na malakas tayo kapag nagkakaisa!
Kaya ipakita natin ang galing ng Pilipino. Show your Patriotic and Nationalistic blood! Pinoy, kailangan ka na ni Juan dela Cruz sa eRepublik! Kaya, sama na!
Register here.
Join our Pinoy Forums.
Visit our Philippine Wiki
Join ka ha? Hihintayin ka namin doon![]()








Reply With Quote
















