napakalaking security nightmare sa gobyerno ang mga squatters' area sa metro manila lalo na sa isang zombie apocalypse. sa kanila manggagaling yung unang wave ng zombie horde na mag lay waste sa kamaynilaan.
on a serious note, meron bang solusyon na hindi lalabag sa Constitution, batas at basic human right? halos wala ako maisip.
pwede siguro i-repeal yung lina law at i-criminalize ang squatting- political will lang naman ito- then at the same time mag allocate ng pondo ang national government to help the LGU's para i-expropriate na lang yung mga squatters' area na nasa gilid-gilid ng mga subdivisions kagaya ng botocan gilid ng xavierville, payatas squatters colony gilid ng filinvest, etc.... subject to the condition na huhulugan ng mga occupant yung alloted lots sa LGU.
then, yung mga nasa high risk na lugar at government lands kagaya nung nasa gilid ng train, ilalim ng tulay, tabing-ilog eh sapilitang i-evict as an exercise of police power tapos i-relocate sa mga low-cost housing units. kailangan, kahit crime na ang squatting, nasa mandate pa rin nung bagong batas na tutulungan ang mga dati ng squatters pero yung mga nagpla-plano at gustong magsimulang magh-squat shall be dealt with by law.
dun naman sa mga squatters colonies na nag-occupy ng prime commercial lots bayaran na lang bawat family ng 100k ng gobyerno then ilipat sila ulit sa mga low-cost housing na huhulugan din nila. dapat meron ding incentives ang mga LGU's sa mga former squatters na mag avail sa mga low-cost housing units gaya ng libreng sine once a week to encourage them. kung sa pondo naman, pwede naman siguro by law mag raise ng funding ang government galing sa iba't ibang sources like yung pambayad sa 100k sa occupants ng prime lots, it could come from pre-paid taxes of the developers by way of special legislation. then, exempt na sila magbayad ng taxes until such time na mabawi nila yung in-advance nila sa government to buy off the squatters.