Medyo matagal-tagal ko na ring hindi naichi-chikka si Kris Aquino. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit mukhang tahimik ngayon si Kristeta. Kasi nga naman, kaya medyo nanahimik ito, dahil almost three weeks itong nag-cruise sa U.S. kasama ang kanyang dalawang dyunakis na sina Joshua at Baby James. Nakabalik sila sa ‘Pinas last May 30 at maraming dalang eklabum.
Pagkabalik nga, inatupag agad ni Kris ang taping sa kanyang Kris TV, kasi naubusan na ng taped episodes. Napanood ko nga mismo na sinabi ni Kristeta na nag-enjoy raw talaga sila ng mga anak niya sa 3-week vacation, at ipakikita raw ngayong Lunes ang lahat ng mga kuha nila in time sa birthday ni Joshua.
Nagkuwento rin si Kris tungkol sa naging reaksiyon niya sa pagkakasibak kay Corona, at sa resulta ng botohan ng Senado. Sabi nga ni Kris, pauwi pa lang sila sa Pilipinas, hindi pa nagsisimula ang botohan, taimtim na nanalangin siya. Hiningi raw niya ito kay Lord na masibak si Corona. Kaya nu’ng dumating siya sa bansa, tapos na ang botohan, resulta ay 20 ang guilty at 3 ang not guilty. Kaya masayang-masayang sinabi niya sa utol niyang presidente na si P-Noy na ‘Congrats, Noy!’ sa text.
At ito pa ang nakakaloka na namang sinabi ni Kris kay P-Noy. Nag-dinner daw sila ni apl.de.ap. Sinabi raw niya agad ito kay P-Noy, baka raw kasi mabalitaan pa sa iba, mas mabuti raw na siya na ang magsabi.
Ito ang laman ng text ni Kris kay P-Noy: “i was with apl.de.ap for dinner sa l.a.(los angeles). he said to tell you if you have dinner-free next week when you are in L.A., it’s his turn to host you.”
At nag-text si P-Noy: “I’m just spending hours in L.A. tell him tnx.”
At say pa ni Kris, umpisa raw sa araw na ito, mapapaaga na ang start ng kanyang Kris TV, 8:00 a.m. na at tutungo raw ito sa Bohol at doon magte-taping ng Kris TV.
Ayan! Ang mga nagtatanong sa akin kung bakit nanahimik si Kris nu’ng mga nakaraang araw lalo na sa oras ng pagpapatalsik kay Chief Justice Renato Corona… ‘yun na!
http://www.pinoyfans.net/topic?nid=4315&itemsid=268










Reply With Quote












