http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTDpEuoF52Baarwilm-F18s_4J3Lf8DfsYf9lpgF9dGLpQfOhzFJw&t=1
JUNE 7, 2012 THURSDAY
Bea Binene, naloka sa DOM
http://www.abante-tonite.com/issue/j...images/bea.jpg
NALOKA si Bea Binene na sa murang edad niya ay kung anu-anong intriga na ang kinasangkutan niya.
May lumabas kasing intriga na meron daw itong karelasyon na DOM.
Ang tinutukoy palang DOM ay si Atty. Ferdie Topacio na nakitang ka-dinner niya.
“Nakakaloka naman! Di ba dapat, sa Mama muna?!” bulalas ng young actress.
“I’m only 14, eh. Kapag tayo, tito, makita tayong nag-uusap sa mall, ang isipin kaagad, may something na? And it’s a meeting, a professional meeting dahil may pinag-usapan kami,” parang nairita na nitong sagot.
Hindi nga naman nararapat na ma-involve si Bea sa ganu’ng intriga dahil napakabata pa niya.
Paliwanag ni Bea, nagkakilala sila ni Atty. Topacio sa GMA 7 at nagkausap sila tungkol sa kanyang foundation na Bea Binene Cares kung saan nangako si Atty. Topacio na tutulungan siya kung paano niya ito buuin.
“Nag-meet po kami for the foundation. Tinulungan niya ako du’n sa mga legal documents. Ayun po.
“So, nagiging legal counsel na rin namin ni Mama,” paliwanag ni Bea.
“Kapag nakikita kang nag-uusap sa mall, sa public place… Kahit naman po siguro sino, puwede ka makita sa isang public place, eh. Ewan ko sa kanila,” himutok ni Bea, na kasama sa Luna Blanca ng GMA 7.
Nakasanayan ni Bea ang mga intrigang ibinabato sa kanya, pero nagugulat lang siya dahil sobra na ang mga ganu’ng intriga na hindi pa nababagay sa murang edad niya.