Long distance relationship.... <3

Summer seems to be ending, but the feeling doesn't have to end. Check out this list for awesome road-trip getaways!
read more
Twelve of the best brains across Asia compete to be hired in the ultimate job interview in The Apprentice Asia
read more
The NU Lady Bulldogs outlast the AdU Lady Falcons in 4 sets, taking their first trip to the Shakey's V-league finals.
read more
Guess the theme! Have you seen Twilight, Sister Act and these other movies? Share your thoughts and reviews in here!
read moreLong distance relationship.... <3
THE BEGGINING
It was April...
One night, nagdadasal ako na sana matagpuan ko na yung taong makakasama ko sa panghabang buhay. Isang tao na magbibigay kulay sa buhay ko. Kase nga naman ang lungkot lungkot dahil nga sa wala akong pamilya. Broken family kase kami. Ang meron nalang ako ay ang papa ko. Ang mama ko ay matagal ko ng hindi nakikita since I was 6 years old until now. Kase iniwan niya kami at sumama sa ibang lalake pero iniwan rin siya ng lalakeng yun dahil hindi na siya kaya pagtiyagaan pa dahil sa asta niya at medyo may tama na rin sa ulo. Maganda ang mama ko, kung ikukumpara kaming dalawa. Mas maganda siya sa akin at mas maganda ang hugis ng katawan niya sa akin. Ang kasama ko sa bahay ay ang papa ko at ang mga relatives ko. Siguro hindi ko na kailangan pang ielaborate ang sa family background ko. Basta yun ang dahilan kung bakit gusto ko ng matagpuan yung lalakeng magpapasaya sa akin dahil hindi naman din ako nabibigyan ng sapat na oras ng papa ko kahit noon pa, dahil iba siya.
Pagkatapos ng ilang araw...
Kinausap ako ng pinsan kong bakasyonista si MAV (boy), galing siya sa manila. Taga probinsya kase kami. (probinsya pero kahit papaano naman e may mall, may grocery store, ukay-ukay, market, at marami din na cafe, bar). Gabi yun ng sabihin niyang "RAMELI (my name) gusto ka makilala ng bestfriend ko" sabi ko naman sakanya "bakit? sino ba yun?" "sige na, nag promise ako sakanya na ipapakilala kita sakanya." "ayoko nga.." "sige na!" Pagkatapos ng paguusap namin pumunta na kami sa computeran, magkatabi kami nung time na yun. Siguro naglalaro siya nun ng SF at ako naman ay nagfefacebook. Pinilit niya akong itext ko ang bestfriend niya, nang dahil sa ayoko, sabi niya sa akin siya nalang daw ang magtetext sa besftriend niya gamit ang cp ko na ang pakilala niya ay siya si RAMELI.. Kinuha niya ang phone ko at itinext niya ng "HI" no response kaya ako nalang ang nagtext "NAGSISIMULA SA R NAGTATAPOS SA A..." no response pa din ang baluga!! Pero okay hindi naman ako interesado sakanya.. Maya-maya kinuha ni MAV ang cp ko at itinext ulit. "HUY JOHN! KAY RAMELI ITONG NUMBER" pagsilip ko sa phone ko after ilang minutes wala parin siyang response.. Kaya pinabayaan ko na.
KINAUMAGAHAN....
Paggising ko.. I think it's already 11:00am.. Oras na para mag asikaso ng pananghalian.. Nakareceive ako ng text mula sakanya. sabi niya sa text.
"Hi, ate ram! Sorry kagabi kung hindi ako nakapagtext! Wala kase akong load e! Ako nga pala si John Den Luiz Burce Lausin! Haba no??"
Blah blah! Basta mahabang mahaba ang itinext niya sa akin kaya gulat na gulat ako at natatatawa habang binabasa ko ang itinext niya sa akin dahil para siyang batang masayahin non. Kaya naaliw ako sa kanya at hindi ako nalimpasan ng araw na hindi man lang kami nagkausap. Habang tumatagal mas lalo kaming nagiging close sa text. Habang sinasabi ko sakanya kung ano ako, at kung paano ako makisama. Halos lahat napaguusapan namin. Tuwang tuwa akong kausap siya. Almost 1 year na din akong single at nanahimik lang at wala rin akong nakakausap na ganun so ipinagpatuloy ko na rin ang makipagusap sa kanya dahil wala naman masama kung magiging close kami. Pero hindi din naman sumagi sa isip ko na maging kami...
To be continue..
CONTINUATION..
Before April ends...
Morning ng itinext niya ako. Limot ko na kung ano ang mga napagusapan namin nung mga oras na yun. Maya-maya hindi na siya nagreply sa akin.. Kaya pinabayaan ko na din dahil siguro wala na siyang load. Pero kahit na ganun continues parin ang pagtetext ko sakanya. Ganun kase ako, kahit hindi nagrereply e tuloy tuloy parin ang pagtetext ko para alam niya kung ano ang ginagawa ko.
KINAGABIHAN....
I opened my facebook account to see his pictures.. (Halos araw-araw kase tinitingnan ko ang fb account niya pati ang mga pictures niya. Halos kabisado ko na nga ang mukha niya nun.) Nagulat ako ng makita ko sa wall niya ang mga post ng friends and classmates niya...
saying...
-John.. Condolence.. we will miss you..
-Bakit ikaw pa?
-Mamimiss ka namin. Kami na bahala kay bby..
Nagtaka din ako kung sino yung bby. But I don't mind. Ang gusto ko lang malaman non e kung totoo ba ang mga nabasa ko.. Sana panaginip lang!!! Sana! Sana hindi totoo ang mga nabasa ko.. Bigla akong nawalan ng gana at umuwi sa amin. Nanahimik saglit kung totoo ba na wala na siya.. As in nalungkot talaga ako at naluluha. Itinext ko siya ng itinext. Pero no response parin siya. Talagang nag alala ako sa kanya ng todo todo dahil nga morning e nakausap ko pa siya. Tapos bigalng ganun?? Machuchugi?? Sino ba naman ang hindi matatakot.. Plano pa naman niyang umuwi nung birthday ko. Birthday ko is month of MAY.. MAY 10.. Alam ko napakaimposible na makakarating siya sa araw ng birthday ko. Pero I was hoping na makakarating siya..![]()
Sa mga nakabasa po ng story.. Hindi pa po siya tapos.. Kaya mmaya ko nalang po ipagpapatuloy..Siya nga pala hanggang ngayon kami parin ng boyfriend ko long distance relationship kami.. Panimula palang po yan.
AFTER FEW DAYS...
Nakareceive ako ng text galing sakanya.. Sabi niya
John: Sorry ate Ram. Nababasa ko palang ang text mo. ): Sorry talaga.
Me: Bakit ngayon ka lang nagtext?? Ano nangyari? Bakit may mga comment sa fb wall mo na Condolence raw.. etc.
John: Nagulat nga ako ate Ram ): Pag open ko ng fb ko ang dami nakapost na ganun. Hindi na tuloy ako nakapagcomment kase naschock ako. Nagalala ang mga tita ko. Tinawagan nila ako. Sorry talaga. Nakakahiya naman kung magpost pa ako. Baka sabihin nagpapansin lang ako.
Me: Ano ba nangyari??
John: Kase naaksidente ako. May mga kasabayan ako sa tricycle. Para kaming sardinas sa loob.
Marami pa kaming pinagusapan.. Pero hindi ko na maalala dahil April pa ang conversation namin. Ang sabi niya nawalan siya ng malay at nagising siya nasa ospital siya. blah blah blah. Hindi ko alam kung totoo. Pero siguro OO dahil nakita nga raw siya ng pinsan ko na may pasa sa hita... Akala ko talaga patay na siya. At inamin ko sakanya na nagalala ako ng sobra at naapreciate naman daw niya yun.
PAGKATAPOS NG ILANG ARAW...
MONTH OF MAY...
Nasabi niya sa akin na gusto niya talaga pumunta at nameet niya na rin ang pinsan ko na si Kuya Jim.. Tinanong daw siya ni kuya jim kung ano ang mararamdaman niya pag nakita na niya ako.. sabi raw niya "masaya".. Yun raw ang isinagot niya kay kuya Jim.. Tinawagan naman ako ni Kuya Jim at sinabi sa akin na nameet niya na si John. Biniro biro naman ako na dadalhin daw ni Kuya Jim si John dito sa probinsya namin para umattend ng birthday ko.. Pero syempre imposible naman yun dahil hindi naman pwedeng basta magdala ng bisita dito lalo na't kung lalake..
One night...
Tinawagan ako ni Kuya Jim sa cp.. I answered the phone.. Sabi niya kasama niya raw si John at kung gusto ko raw ba makausap. Maya maya may nagsalita. Pero naputol din ang tawag dahil landline raw ang gamit nila.
MY BIRTHDAY IS GETTING NEAR
Malapit na ang birthday ko! Siguro mga MAY 2 na yun.. At MAY 3 darating na sila.. Mukhang seryoso sila na dadalhin nga nila dito si John. Dahil tinanong ko sila kuya Jim. Paiba iba naman ng sagot. Pati naman itong si John! Siguro balak nila akong isurprise..
Bago ako matulog ay katext ko pa si John... Inamin niya na pupunta siya at nagiimpake na siya dahil madaling araw daw ay byabyahe na siya kasama si kuya jim at Mav.. Kaya kinakabahan talaga ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkita na kami.. Kaya sabi ko sakanya.. "Hindi ako makatulog.. Kinakabahan ako" nagreply siya.. sabi niya.. "Ako nga din. Kinakabahan ako. Sige matutulog na ako ate Ram. Tulog ka na din.. Gigising pa ako ng maaga bukas."
KINAUMAGAHAN..
Magkikita na kami...
Nakareceive ako ng text niya. Sabi niya "Sasakay na kami ng bus.." Kinabahan talaga ako dahil mamaya lang darating na siya. Magkikita na kami. MArami akong ginawa. Nag encode ako. Naglinis. Nag hugas ng plato at last naman ay pupunta ako ng Mall para ipaprint ang pinaencode sa akin ni papa. Kaya pumunta ako dun kasama ang bestfriend kong girl.. Maya maya nagtext siya na malapit na sila. Kaya pinagpawisan talaga ako at idinaan ko sa pakikipagkwentuhan sa bestfriend ko para mabawasan ang kaba ko.. Habang pauwi kami ng best ko papunta sa bahay ay tawa ako ng tawa! Mukha ngang ***** kase tawa ako ng tawa.. Pagkarating ko sa bahay. Tinawag ako ni Trix na ang sabi "Andito na si JOHN!!!" Tapos naluluha luha pa ako dahil nagalitan ako ng papa ko. Nakasuot ako na orange na shirt. Ang baduy baduy pa nga ng suot ko kase ang nakalagay sa t-shirt ko. (Im so hot.) Tapos ang pants ko naman ay maluwag.. haha! Umakyat ako (2 storey kase ang house namin) at nakita ko siya. Nakatalikod!!! Wahhhhhh!! Grabe talaga! Hindi ko maexplain yung kaba. Tapos sabi ko kay John.. "HI JOHN!" Tumingin lang siya sa akin na hindi niya alam ang sasabihin.. Tapos ang tahi tahimik niya. Grabe tangos ng ilong. Hindi naman siya gwapo. May itsura siya. (mapimples nga lang nung time na yun at payat.) Pero kung tititigan mo. Maamo ang mata niya. Pouty lips.. Tapos ang tangos pa ng ilong. May dimple pa. haaayyy naku!! Tapos lumapit ako sa pinsan kong si Kuya Jim. Napokpok ko siya sa ulo ng sunglass dahil sa sobrang kaba ng nararamdaman ko. Kaya sorry sakanya dahil hindi ko naman sinasadya. Kaya nagbaba nalang ako.. Limot ko na kung ano ang ginawa ko nun sa ibaba. basta ang alam ko umupo ako sa sofa. At andun rin naman ang tita ko, nakaupo rin siya. tapos maya-maya bumaba na siya at tinanong siya ng tita ko kung saan siya pupunta. Sabi ni John "Sa kabila po" hahaha! Nakakatwa dahil ang boses niya parang inipit ang leeg.. woooooh.. Nagkatinginan kami ng tita ko kase nagulat kami parehas..
Maya-maya lumabas na ako ng bahay dala ang organ ko dahil hinihiram nga ng friend ko na si kris(boy). habang papasok siya sa gate dun sa bahay ng tito ko(tatlo kase ang bahay dito sa street.. Isa sa tito ko. Tita ko. at sa tita ko ulit.. Si tito esmi, tita cor, tita yan..) Nakatingin siya sa akin at ngumit. gumanti rin ako ng ngiti sakanya.. at dumiretso na ako sa bahay ni kris. Kapitbahay lang namin si Kris kaya nakauwi din ako agad. Pero bago pa ako makarating sa bahay namin, nakita ko ang mga pinsan ko kasama si John na aalis. Hindi ko alam kung saan sila pupunta pero hindi ko na din tinanong.. Pumasok na ako sa bahay at kinuha ang phone ko. Pagtingin ko sa phone ko. May text siya. Sabi niya "ate Ram, bakit hindi ka sumama? ):" Hindi na ako nagreply dahil wala naman akong load kaya naghintay nalang ako sa pagdating nila...
Nung unang araw na yun napakatahimik niya.. Sobra.. After ng dinner namin sa bahay ay inaayos ko na ang kinainan namin. Nakaupo siya sa harap ng kainan namin. Tapos tinanong ko siya kung hindi ba siya naboboring dahil napaka tahimik niya.. nagresponse naman siya. sabi niya "okay lang ako" After kong mailigpit at mahugasan ang kinainan, nagplano ang mga pinsan ko na mag inuman.. Nagbibihis na kami para pumunta sa bar para uminom at sumayaw.. Okay na nakabihis na kami. Nakaupo ako sa kama at sila naman ay nagsspray na ng pabango. At nilingon ako ni John. 1st word na sinabi niya sa akin "ENJOY" habang inaayos niya ang buhok niya ng gel. I was wearing short and long sleeve. At nakabrush up ang buhok ko then doll shoes. Pero hindi kami pinayagan ng papa ko at ng tita ko dahil sa magbibirthday daw ako at baka may mangyaring masama sa amin. Kaya change plan na kami. Naisip nalang namin na maginuman sa labas ng bahay ng tito namin. Malapit na nun mag alas dose... Sarado na ang mga tindahan, maaga kase nagsasara ang tindahan dito sa amin.. Kaya pumunta pa sila sa centro para mamili ng pulutan, ice at the bar..
START OF DRINKING SESSION..
Nagkwekwentuhan na kaming lahat. Nung una tahimik parin si John. Wala pa siyang tama sa ulo. Patuloy lang kami sa pagtatagay at pagkwekwentuhan.. Magkalapit lang kami ni John.. Pinatatabi ko siya sa akin at maya maya nagtext siya...
Sabi niya "Thank you ate Ram, ang saya ko.. thank you dahil hindi mo ako inisnob." Nagulat naman ako sa text niya at natawa. Napaka dramatic.. (At medyo corny din ang mga post niya sa fb wall ko pero nakakatuwa dahil sa simula't simula e lagi siyang may post sa fb ko. Araw-araw.. As in..) Tapos sabi niya wiwiwi lang daw siya kaya umuwi muna siya sa amin.. Pagbalik niya medyo may tama na siya sa ulo at super duper ingay niya! Sobra kung makatawa. Tapos pulang pula na siya. Yun yung 1st time ko na makita siya na napaka ingay.. hahahaha! (Ingay naman pala nitong damulag na to...) Nagtext siya sa akin.. "bibilhin ko itong lote sa likod natin... Tingnan mo.." (Paano naman niya kaya mabibili?? Baka after 10 yrs. e may nakauna na sakanya para bumili nung lote..)![]()
Comment naman po kayo.. haha! hindi ko kase alam kung may nagbabasa sainyo.. Yung mga susunod dito ay maganda na ang istorya..![]()
19 na ako..
ano *** nagsisimula sa R at nagtatapos sa A? sorry. slow ako. hahah.![]()
Pinahuhulaan ko sakanya kase nung time na yun kung sino ako... (: